5 minute read
Anita Sasaki /Jeepney Press
EVERY GISING IS A BLESSING
ni Anita Sasaki
Advertisement
Summer na po, sakay na po sa jeepney para mahangin ang biyahe natin! Aalis na po puno na … sakay, sakay sakay na! Liliparin ang ating mga buhok sa masarap na hangin.
Meron akong kuwento tungkol sa isang taong nag “mountain climbing “. Golden Week po ngayon dito sa Japan. Kaya marami ang kanya kanyang travels. Pasyalan dito at doon. Itong nag mountain climbing siyempre ready-ing ready po. So akyat na siya. Sa lahat nang madaanan niya at meron siyang makitang bato, pinupulot niya ang bato at inilalagay niya sa backpack niya. Ganoon palagi. Ngunit nang malayo at mataas na ang ang kanyang inaakyat, dahandahan bumabagal at hinihingal siya. Sa dahilan bumibigat ang kanyang dala. Halos di na siya makaakyat o makalakad. Hangang siya ay natutumba na at napapahinto. HIRAP NA HIRAP NA SIYA.
Itong kuwentong ito ay ihahalintulad ko sa ating buhay dito sa mundong ito. “It’s like our journey in this world. Our pilgrimage in this life.” Parang pag meron tayong mga galit, puot, takot, selos, problema, inggit dahilan sa away sa ating mga mahal sa buhay gaya nang pamilya, kaibigan, ka trabaho, suliranin sa hanapbuhay, negosyo at kung ano ano pa. Tayo ay nag kikimkim sa ating mga puso nang sama nang loob, galit. Mga BASURA ang ating nilalagay sa ating puso, dibdib. Kaya dapat lang ITAPON natin lahat nang mga ito sa ating puso. Kailangan natin magpatawad at humingi din nang kapatawaran sa ating mga NASAKTAN o NAKASAKIT SA ATIN. Una sa lahat, dapat tayo MAGPAKUMBABA. HUMILITY.
Meron din akong napapansin, bakit tayong mga babae, ang bibigat nang ating bitbit na bags. Ito sarili ko din karanasan. Noong nagtatrabaho pa ako, ang bigat nang bag ko. Nandoon ang mga notebooks na sinusulatan ko nang mga nakausap ko. Parang diary po. Meron make up, pencil case at baon pa sa work. Kaya naging dalawa pa ang bag ko at yong isa pang lunch box or mga chichiriya. Ang tanong BAKIT?
Kung minsan dapat naman natin buksan at linisin ang ating mga bags dahil halos marami ay mga basura. Tulad sa ating buhay, dapat natin alisin ang mga BASURA tulad nang galit, tampo, selos, inggit, takot (fear), kasakiman (greed), pera o mga bagay bagay sa mundong ito. Mga bagay na dapat itapon o alisin sa ating mga puso dahil ito ay pabigat sa ating buhay.
Palagi ko sinasabi na - Lahat nang mga bagay na nakikita o nahahawakan, ang mga bagay na ito ay nawawala. Ngunit ang hindi nakikita at nahahawakan ngunit nararamdaman, ayan po ang panghabangbuhay o pang walang hangan.“
“Whatever you touch or see are things that has an end but what you cannot see or touch that is the one that is eternal.”
Maiba naman po tayo nang usapan. Ngayon buwan nang Mayo ay buwan nang isang taong mahalaga sa ating lahat. Dahil walang tao na walang INA.
LAHAT TAYO AY NAGING TAO DITO SA MUNDO DAHIL SA ATING MGA INA, INAY, NANAY, INANG, MAMA, MOMMY, MUDRA at iba ibang tawag po sa kanila. Sari-saring kwento meron sila. Merong masaya at malungkot. Merong nagbenta siya nang laman, upang mabuhay lang ang kaniyang mga anak. Lalo kung mag-isa lang niya tinataguyod ang kanyang mga supling. Kaya hindi dapat natin batikusin ang inang dumaan sa buhay na ganito.
Sabi nga nila sinungaling ang ina dahil pag siya ang nagluto ng pakain at sinabi niya, “Mga anak kain na kayo.” Pero tatawagin siya ng mga anak niya para sabayan sila. Ang sagot nang ina ay “Sige na busog pa ako.“ Pero andoon sa kusina umiinom nalang nang mainit na tubig. Dahil hindi sapat ang niluto niya. Basta nakakain ang mga anak niya ok na siya.
Meron din mga inang inaalagaan na nang anak dahil matanda na o kaya ay may sakit na. Minsan meron gusto ang ina, ngunit hindi pansin nang anak. Dahil na rin sa pagod sa trabaho at sa sariling pamilya. Kung gagawin man nang anak pero ang mga mata ay nangungusap at naka-sibangot.
Ang ina ay hindi na nakakapagsalita, o hindi na makakita. Masakit ito at nararamdaman ito nang matandang ina. Malakas ang damdamin nang ina at meron tayong kasabihan: HINDI MAN NAKIKITA NGUNIT NARARAMDAMAN ITO. Ang PUSO NG INA ay maraming nakatusok na palaraw o “swords“. Sabi nila ang puso nang INA kung ang anak ay 3 tatlo i multiply nang 2 dahil ang anak ay mag aasawa. Plus kung ilan ang mga magiging mga anak at mga apo. Dagdag pa ang asawa, biyenan at ang mga sariling mga kapatid o ang kabuuan nang pamilya.
Ayan po ang palaraw na naka tusok sa puso nang isang INA REGARDLESS OF COLOR, RACE AND RELIGION.
IALAY NATIN ANG BUWAN NG MAYO PARA SA MAHALAGANG TAO NANG ATING BUHAY - ANG ATING MGA INA. Kaya sa lahat nang mga INA SA BUONG MUNDO BINABATI NAMIN KAYONG LAHAT. DAKILA KAYO at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO. HAPPY MOTHER’S DAY!