MOVING ON ni Jasmin Vasquez I had heat stroke! Dahil summer na naman grabe ang init ng klima ngayon dito sa Japan. At ayon sa MOE (Ministry of Environment), halos every year lumalaki ang bilang ng mga itinatakbo sa hospital gawa ng significant heat stroke. At nagpayo sila ng mga bagay na pwedeng gawin kapag ganitong sobrang init na. Ayon din sa kanila, hindi lamang sa labas ng bahay ka pwedeng ma heat stroke kundi maging sa loob ng bahay ay maari ka ring makaranas ng ganito. At dahil pandemic nga ngayon nakakadagdag init pa yung palagi kang naka suot ng face mask. Ang hirap huminga. Lalo ako medyo mataba mas risky. Sobrang nahihirapan ako matulog pag nasa bahay na. Panggabi kasi ang work ko sa kaisha. Pagnasa bahay na ako nakakatulog lang ako halos 3 to 4 hours lang kasi sobrang basa na ako ng pawis. Hirap na uli matulog. Wala kasi akong aircon sa bahay. Sandali lang naman ang summer, tiis tiis lang muna ako. Pero kung talagang hindi ko na makayanan baka mapilitan na din ako bumili ng aircon. At dahil nga konti lang tulog ko pag breaktime ko sa work, ayon natutulog ako lagi kahit saglit lang at least medyo ok doon may aircon.
Nung isang gabing nasa work ako, feeling ko babagsak ako pero nilabanan ko lang medyo makirot kasi sa bandang puso ko tapos tulo ng tulo ang pawis ko. Napakainit dahil ang uniform ko sa trabaho ay sobrang balot ang buong katawan mo, mata lang ang kita. Kahit sabihin na naka aircon ka may doble ka pang damit sa loob. Kaya tiis ng konti hanggang sa mag breaktime na, dali-dali akong uminom ng maraming tubig upang maibsan
ang init sa buong katawan ko at iniisip ko mawawala ang sakit ng sa may bandang puso pag nakainom na ako ng maraming tubig, at syempre may kasamang faith at prayer na aalisin ni Jesus ano mang sakit ang aking nararamdaman. Ginawa ko din nag basa ako ng tubig sa buong leeg ko at saka naghilamos ako ng malamig na tubig. Ayon nga ilang sandali lang at nag ok naman ang pakiramdam ko. First time ko naramdaman yung ganon mahirap pala. Tamang tama naman na nag start na rin ako mag papayat dahil ayokong magkaproblem sa health ko. Parang unang stage pa lang ito kung babalewalain ko baka ma tegi agad ako. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Ngayon pa
July - August 2021
nga lang nahihirapan na ako what more pa kaya yung ibang mas malaki kesa sa akin. Ayokong umabot sa ganoong stage. Kaya ngayon pag Saturday at Sunday na lang ako nag rice saka madalas tubig na lang imbis na cola. Iwasan natin na matuyuan tayo o ma dehydrate. Dahil ito ang isa sa main reason bakit nagkakaroon ng heat stroke. Lagi tayong uminom ng tubig kahit hindi tayo nauuhaw. Pumunta tayo sa mga lugar na magiginhawaan ang ating
pakiramdam. Mainam ang fresh na lamig galing sa mga bundok kesa palagi nakababad kayo sa aircon. Kung makaramdam kayo ng kakaiba, maglagay kayo ng malamig na bimpo pwede nyong lagyan ng yelo or lulub sa malamig na tubig, pigain saka nyo idampi sa inyong leeg. Malaking tulong ito sa atin. Sa panahon ngayon bawal ang matigas ang ulo dahil kapag hindi mo iningatan ang iyong sarili, ay ikaw din ang magdudusa sa bandang huli. Tara na at magpalamig sa bundok at sa falls. My favorite place kapag gusto ko ma refresh. Ok din mag meditate dito, sobrang relaxing.
29