ni Loleng Ramos Kumusta, Kapatid? Happy Birthday sa iyo ngayong taon, di na importante ang petsa basta greeting ko yan sa iyo ngayong 2019! Ang “Happy Birthday” daw ang pinaka-kilalang kanta sa buong mundo na isinalin sa mahigit labing walong wika (ayon sa Wikipedia). Nakakatuwa na merong mga hospital na sa kapanganakan ng isang sanggol ay pinapatugtog ito, bakit nga ba hindi, birth nga naman at “happy” ang hatid na pakiramdam ng isang bagong panganak. Sa bawat taon, sa bawat kaarawan ay maririnig mo at kakantahin ito. Sa atin sa Pilipinas, ang nakakatusok at nakakaantig ng puso na himig at lyrics ng “Hindi Kita Malilimutan” at “Kung Ako’y Iiwan Mo”, kinanta pareho ni Basil Valdez ay dalawa naman sa pinaka-popular na background music na kabaligtaran ng Happy Birthday, pinapatugtog sa pamamaalam ng isang tao sa mundo, sa misa o martsa ng kanyang libing. Ang Requiem Mass na misa para sa mga namatay at inaalay sa Simbahang Katoliko ay para sa katahimikan o eternal repose ng kaluluwa ng sumakabilang buhay. Ito ay ginawan ng musika ng mga pinakamagagaling na composers na nabuhay sa mundo. Ang ilan sa kanila ay sina Dvorak, Berlioze, Faubre, Cherubini, si Mozart na siyang merong bersyon na pinakakilala kahit na inabot siya ng kanyang kamatayan bago niya ito natapos. Grande
ang bawat Requiem, ang interpretasyon ng bawat mangangatha ay nakakatindig balahibo, ang unang bahagi nito ay ang paghingi sa Diyos ng awa para sa yumao. Kapanganakan, kaarawan, kamatayan. Lahat ito ay dumadaan sa kaninuman pero merong mga tao na hindi nagdiriwang ng kanilang birthday dahil hindi nila alam kung kelan sila
pinanganak o di na nila matandaan. Meron ding kumakalimot na lang kase magastos manlibre o kaya, nakakatanda kase, eh. Masaya ang sumalubong sa bagong panganak, masaya ang party ng bawat kaarawan, pero malungkot at masakit ang magpaalam. Kung pwede lang sana na walang mawawala, walang umaalis, walang namamatay. Pero naisip mo na kapatid, ano kaya kung doon sa kabila, ang sabi naman nila, “ang tagal naman nila dumating.” Naisip kong sumulat
tungkol sa tema na ito kase naaalarma ako sa mga balita ngayon sa buong mundo. Mga fake news na naninira ng kapwa, mga pinuno ng bansa na nandaya lang kaya nahalal o ayaw bumaba sa pwesto na papatay na lang kaysa matanggalan ng kapangyarihan. Mga pulitikong sinungaling, mapang-abuso, mapagbanta, mapanira ng kalikasan para lang madagdagan pa ang kanilang yaman. Marami din nangyayari na hate crimes, na dahil
hindi sang-ayon sa ibang lahi, paniniwala o relihiyon ng iba, gusto nilang ubsuin ang mga ito, ang krimen ng genocide. Ang daming tao na tumatakas sa kanilang bansa dahil natatakot silang mamatay sa gutom o sa lupit ng mga taong nagpapatakbo ng kanilang bansa pero sa halip na tulungan sila, tinataboy sila na parang walang halaga ang kanilang buhay, wala ng pakialam sa iba, kumokonti ang may malasakit sa ibang buhay. Naiisip ko lang, sa mga taong gumagawa ng
JULY - AUGUST 2019
kasalbahihan, siguro hindi sila naniniwala na may katapusan ang buhay nila, na hindi nila kailangan ang sobra dahil wala itong importansya lalo na kung ang pinang galingan nito ay ang kahirapan ng iba. Kapag tumingin ka sa mga litrato ng isang history book, pinta ng nakasakay sa kabayo na si Napoleaon Bonaparte, ang nagsasaranggolang si Benjamin Franklin, ang nakakindat na si Marilyn Monroe, ang nakabelat na si Einstein, ang moonwalking ni Michael Jackson, ang panunumpa ni Cory Aquino bilang President ng Pilipinas, iyong kasal ni lolo at lola, andito lang sila dati, katulad natin ngayon. Pero natapos na ang panahon nila, hindi pwedeng hindi matatapos ang panahon natin. Bakit sa halip na paghandaan ang pagdating noon, mas maraming tao ang nanakit ng iba para lang mabuhay sa ngayon? Meron pang kasunod di ba? Ngayong summer, nag-kakantahan na muli ang mga semi o cicada. Alam nila ang oras ng kalikasan, hinaharap nila ng masaya, ang nalalapit nilang kamatayan na maaring mangyari sa loob lamang ng ilang araw, sapat lamang na oras para sila makapag-bigay ng buhay sa susunod na henerasyon. Kakaiba sa maraming tao, pinapalis nila ang kahulugan ng buhay, sa kanilang isipan, pera at kapangyarihan lang habang sila ay buhay at marahil sa kanilang paniwala, hindi sila mamamatay. Walang magiging sagot ang Diyos sa Requiem Mass na inalay sana para sa kanila.
25