Mga kababayan nandirito na naman po kaming muli sa pang isang daang (100th) isyu ng Jeepney Press! At lugod po kaming nagpapasalamat sa isang daang pagkakataon na naging isa tayo sa pamamagitan ng pagbibigay oras sa pagbabasa sa aming mga kwento at ideya. Samu't-sari nang kaganapan ang aming naibahagi at maraming salamat po sa wala ding sawang pagsuporta. Dahil po sa inyo ay lalo pa po kaming magsisikap na magsaliksik at lawakan pa ang aming mga isip para sa daan-daang isyu o ilang dekada pang ating muling pagsasamahan.
noong unang panahon at napanood sa pelikula na karamihan ay tungkol sa Yakuza, mga anime, ramen at sushi na mas madaling tandaan kapag Japan ang pinag-uusapan.
Sa libo-libo nating kababayan na naninirahan dito sa Japan, alam kong iba't-iba din ang ating mga naging karanasan - may masaya, malungkot, may hirap at may sarap. Pero sa kahit anumang ating naranasan, hindi po ba na nakakamangha na atin itong nalampasan? Dondake?
Di maiwasang maikumpara ang pamilya nating mga Pinoy kung gaano kalaki ang pagkakaiba sa pamilya ng mga Hapon. Sila madalas kapag nag-aasawa ay sinusuring mabuti kung saang pamilya galing ang kanilang mapapangasawa. Pinaplano kung ilan lang ang magiging anak. At ang pagpapakasal minsan ay para kang nag "over the counter" lang ng iyong pera sa Bangko. At kapag hindi nagkaigi o nagkaintindihan, mabilis lang din ang bekkyo o separation, rikon o divorce. Ganunpaman, pinahahalagahan ang mga bata at ang edukasyon ng mga ito kung meron man at bukas sila sa pagkitil ng
Bilang isang Pilipina na nagsimula sa walang-wala, as in walang ideya sa totoong hitsura, kultura at pag-uugali ng mga Hapon maliban sa mga talentadong mga Pilipino gaya ng mga mang-aawit o singer at mananayaw o dancers na pinapadala
26
Pero ang nakakagulat at nakakahanga ay kapag namuhay ka na dito sa Japan at ma-adapt or matutunan na natin ang mga kahanga-hangang kaugalian at mga karakter ng mga Hapon at atin na itong mai-apply sa pang-araw-araw nating mga buhay. Naririto po ang mga iilang mga bagay na talaga namang kahanga-hanga sa Japan. Pamilya
JULY - AUGUST 2019
sanggol sa sinapupunan para lang masiguro ang kinabukasan nila. At hindi kasing lawak ng pamilyang Pinoy. Madalas natatapos ang relasyon sa nanay at tatay lamang kung saan walang pakialaman sa buhay-buhay. Bahay Sa aking naging karanasan bilang manggagawa o tagalinis ng mga bahay, mansion o apartments, isa sa napansin ko ay ang genkan o entrance ng bawat bahay kung saan kadalasan ay may aparador para sa mga sapatos na nagpapakita na ang mga Hapon ay nakaugaliang hubarin ang sapatos at hindi pwede itong ipasok sa loob ng bahay o mga kwarto. Kapalit nito ay may nakalaang tsinelas pambahay na kung saan iyon ay dapat ang suot sa loob. Magkahiwalay din ang paliguan at ang palikuran. At para din itong uniform na ng mga bahay sa Japan. Karamihan din ay walang lock ang mga pintuan ng kwarto. Lalo na kapag ito ay de-slide o tipikal na Japanese style na bahay. Ganun pa man, may kanya-kanyang privacy ang bawat isa. Trabaho Ang mga Hapon ay kilala sa