Jeepney Press #108 November-December 2020 Issue

Page 14

ni Jeff Plantilla

Dahil sa bagong teknolohiya, bago din ang mga gawain at mga salita. Isa na doon ang salitang “vlogger.” Sa napakaraming uri ng videos sa YouTube, isa sa naging paborito ko ay yung videos ng mga vloggers. Marami ding uri ang vlogging – depende sa kakayanan ng vlogger. Halos nakaka-addict na yang YouTube dahil sa hindi maubos-ubos na videos ng mga vloggers na mapapanood mo nang libre. At dahil online, puwede mo ring panoorin ang paboritong videos nang paulit-ulit.

Mga Payo at Opinyon

14

May napanood akong mga videos ng 2 vloggers na ang topic ay tungkol sa kanilang profession. Isa ay pharmacist na tinalakay ang issue ng sinasabing “Fabunan vaccine.” Ang tinutukoy ko ay ang vlogger na si Modern Mulan, isang batang pharmacist. Sa malinaw na paliwanag, lumabas ang maaaring dahilan kung bakit hindi pa rin na-a-aprubahan ang “Fabunan vaccine” laban sa COVID-19. Sinabi niya ang pangangailangan ng maayos na testing ng anumang vaccine bago ito payagang gamitin ng Food and Drug Administration. Pagkatapos ng research sa vaccine, kailangang matesting ito sa maraming tao. Sabi nga niya, yung mabuting epekto ng vaccine sa isang tao ay maaaring masama sa iba, dahil iba-iba ang katawan ng tao. Kailangang alamin kung may side effects, at kung bakit may side effects. Sabi niya na baka ang side effects na ito ay maka-apekto sa puso, atay, bato at iba pang organs sa katawan, o magdulot ng diabetes, hypertension at iba pang sakit. Nagpayo din siya, bilang pharmacist, na huwag magself-medicate dahil baka hindi tama ang gamot sa sakit. Naisip ko rin ang halaga ng mga pharmacists dahil alam nila ang chemical ingredients ng mga gamot at effects nito sa katawan, na hindi maaaring alam ng mga doctor. Yan kasi ang linya ng pharmacists, ang

kaalaman sa chemical ingredients ng gamot. Tulad din ni Modern Mulan, may isa pang vlogger na profession din ang topic ng usapan. Ito naman ay isang architect. Napaka-informative ng kanyang mga sinasabi dahil ipinakikilala niya ang iba’t-ibang modernong materyales, kagamitan, at technology na ginamit sa mga bagong gawang bahay. Simple at humorous ang kanyang paliwanag – kasama ang mga simpleng drawing at photos at magaling na editing ng video. Dahil sa magaling siyang magpaliwanag, may nagcomment na dahil sa mga sinasabi ng vlogger, gusto na rin niyang maging architect. Ganyan naging attractive ang pagiging architect dahil lumalabas ang kahalagahan ng arkitektura sa vlog na ito. Ang vlogger na ito ay si Pinoy Architect. Tulad ni Modern Mulan, may mga payo siya sa mga tao, sa mga may planong magpagawa ng bahay.

camera (hindi ka mahihilo), matingkad ang kulay at magaling ang angles (yung puwesto ng pagbi-video – mula sa baba, mula sa isang sulok, etc.). Dahil sa mga ito, mararamdaman talaga ang lugar. Throw-back sa aking kabataan sa isang maliit na bayan ang video ng isang lugar na tahimik na tahimik tulad ng oras ng siesta ng

Video bilang portrait

May isang vlogger na ang videos ay tungkol sa mga lugar. Naipapakita ng mga videos niya ang magagandang lugar sa Metro Manila. Kahit ang isang karaniwang kalye ay nagiging maganda sa mata ng kanyang video camera. Ang sikreto? Ang mga videos niya ay parang portraits – malinaw, mabagal ang galaw ng

mga tao. Kung nasa park, para kang naroon na relaxed na relaxed – nararamdaman mo ang hangin at ang lilim ng mga puno. Nakaka-kalma ang videos niya. Ang pangalan ng vlogger na ito ay “he bok.”

NOVEMBER - DECEMBER 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.