Jeepney Press #108 November-December 2020 Issue

Page 20

Bibigay o Ibibigay Konnichiwa, minnasan! Nandito na naman po tayo sa huling mga araw ng taong kasalukuyan at hindi pa rin natatapos ang pandemyang Covid-19 kung saan naminsala at patuloy pa ring namiminsala sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo. At sa kabila ng pakikipaglaban natin dito, hindi pa rin mawala-wala at natatapos ang paghihirap ng nakakarami. Bagsak ang negosyo, ang kabuhayan at ekonomiya. At sa panahon ng magpapasko at madalas na pag-uulan at pagbagyo marami sa mga magsasaka ang higit na maaapektuhan at siempre dahil na rin sa pandemya ay dagdag pahirap o pasakit ito sa ating mga kababayan lalo na dito sa Pilipinas. Sa mga panahong ito makakapag isip ang iba sa atin kung "bibigay o

2o

susuko o kaya ibibigay ang iyong buong puso sa pakikipaglaban o pagharap ng kasalukuyang pinagdadaanan. Mahirap magdesisyon at lalong mahirap harapin ang kalalabasan o resulta ng magiging desisyon na gagawin natin dahil sa panahong ito ay para tayong nagsusugal na alam nating mas malamang ang pagkatalo natin. Ngunit sa oras na bumigay tayo wala ng maraming usapan pa sapagkat tinapos at pinigil na nating lumaban pa. Bumigay na tayo at tinanggap na natin ang ating pagkatalo. Sa kabila ng pag bigay o pagsuko ng iba ay mas marami pa rin naman sa atin ang gusto pang ibigay ang lahat ng makakaya, mas gustong lumaban at harapin ang mga suliranin o problemang kinakaharap. Na mas pinili ang ipagpatuloy ang buhay at mamuhay ng may tatag at tapang sa pagharap ng lahat ng ito. Kagaya ko at ng ibang kababayan natin, mas pinili kong magpatuloy kahit pakiramdam na lugmok na lugmok at nanghihina ka na. Malaking tulong ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan na sumusuporta at handang sumalo sa oras na tayo ay lumagapak pababa o sa panahong tayo ay mabigo. Sa mga taong nanatiling nagtitiwala at may simpatya sa

atin ay maituturing nating sila ay biyaya o mga anghel na ipinagkaloob sa atin ng Diyos Amang Maylikha upang gumabay at umalalay sa atin upang makabawi sa kinasasadlakan nating sitwasyon. Sa pagsapit na Paskong ito, nawa'y mapasa ating lahat ng kagalakan, kasayahan o kaligayahan, ang kapayapaan sa ating puso at isipan, magkaroon ng pag-asa at lakas ng loob na lumaban at harapin ang anumang pagsubok na ating kinakaharap. Isipin nating palagi na ang lahat ay may katapusan. Ang lahat ay nagbabago sa gusto o ayaw natin pagkat may mga bagay na hindi talaga natin mapigilan kahit anuman ang ating gagawin bagkus mas nararapat natin itong tanggapin at isabuhay na lamang. Nawa'y maging dagdag tatag ang ating pinagdadaanan sa ngayon dahil hindi tayo nag-iisa sa panahong ito. Lahat tayo ay apektado ng makamundong nangyayari sa paligid. Ang mundong punong-puno ng kaguluhan, inggitan, kasakiman, pang-aapi at mapanglalamang. Sa Pasko at sa pagbabago ng taon, ihanda na natin ang ating mga sarili sa mga panibagong hamon na ating haharapin. At sa pagpapalit ng taon ay siguradong

NOVEMBER - DECEMBER 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.