3 minute read
Jeepney Press Take it or Leave it!
Take it or Leave it!
ADVICE NI TITA LITS
Advertisement
Isabelita Manalastas-Watanabe
Dear Tita Lits,
Magandang araw po.
Eto po ang kwento ko. 20 years po akong kasal sa aking asawang Hapon bago siya namatay ng heart attack. After 1 year, nagkaroon po akong boyfriend na Pinoy dito sa Japan. Nag live-in po kami, at merong 10 taon na kaming magkasama. Hindi na po kami nagpakasal kasi dati rin siyang kasal sa Haponesa at divorced na. Napagkasunduan namin na hindi naman namin kailangan magpakasal pa, at marami pang mga dokumentong dapat pang asikasuhin sa Pinas at Japan. Mahal ko po siya at kasama ko siyang nag dusa at nag saya at nagsumikap sa loob ng 10 taon. 4 months ago, nagkasakit po ako. I was diagnosed with lung cancer. Minsan, dumaan po ako sa aking best friend na Pinay at nadatnan ko ang asawa ko doon na nakikipagtalik sa bestfriend ko. Na shock po ako, siempre. Nasaktan, galit at lahat lahat na. Bakit? Biglang pumanaw ang mundo ko. Mahina na nga ang katawan ko at lalong humina pa. Wala akong ginawa at sinabi. Wala na rin akong energy para sumigaw. Umalis na lang ako bigla na tulala. Pagdating ko sa bahay, tumawag siya at sabi niya na hindi na raw muna siya babalik sa bahay at sinabihan na rin ako na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. Ginawa daw niya iyon dahil may sakit ako at wala na rin daw akong silbi sa kanya. Paano ko po itutuloy ang buhay ko ngayon? Pinagtaksilan ako ng mahal ko at iniwanan at pinagpalit pa ako sa aking bestfriend. Hindi na rin po ako maka isip ng matino dahil napakahina na ng katawan ko sa cancer. Bakit po ngayon pa nangyari ito? Bakit pa ngayon na mas kailangan ko ang tulong niya?
Linda Kawasaki
Dear Linda:
Kung mga 30 years old ka noong nag-asawa ka, at 20 years ka ng kasal sa Japanese husband mo noong pumanaw siya, naging byuda ka noong 50 years old ka. Noong na-meet mo ang boyfriend mong Pinoy, mga 51 ka na. Kung 10 taon na kayong nagsama, mga 61 ka na ngayon.
Noong sinabi niya sa iyo na “wala ka ng silbi sa kanya”, ang naisip ko kaagad ay sex. Hindi ko alam kung ilang edad na ang best friend mo. Kung mas bata siya ng higit sa iyo, mas active pa iyan sa relationship na physical. Hindi ko sinasabi na kapag naging 60 na ang babae ay tapos na ang sex life niya, pero habang tumatanda tayo, kumpara sa mga bata pa, ay mas attractive makipagtalik ang isang lalaki sa isang mas batang babae. At sa iyong physical condition ngayon, siguradong less ang energy mo to do anything.
Bakit kaya tumagal kayo ng 10 taon, at hindi mo nakita ang tunay na kulay ng boyfriend mo? Tingin ko, matagal ka na niyang pinagtataksilan. Hindi lang ngayong past four months na nagkasakit ka. Kung mayroon siyang puso, hindi niya gagawin ang iwanan ka lalo na sa iyong kalagayan ngayon na higit mong kailangang may makasama, makausap, at maka-share ng iyong mga dinaramdam at dinaranas.
Sa tingin ko, hindi ka siguro hirap sa pinansial na bagay. Siguradong may nakuha kang insurance benefits noong namatay ang husband mo. At kung may health insurance ka (I presume, mayroon), hindi ganoon ka-gastos kumpara sa atin sa Pilipinas, ang pagpapagamot dito sa Japan. So one down na ito sa problema mo.
Pero yong sakit na dinamdam ng puso mo, noong natagpuan mo sa akto ang iyong boyfriend at best friend, ay talagang super sakit.
Wala ka bang ibang friend na makaka-confide ka? Wala ka bang kamag-anak dito na pwede ka ring mag-confide? Hindi lang sa iyong broken heart, but mas importante, kung papaano ang dapat gawin para bumalik ang iyong good health. Priority mo ito. At kapag natapos na ang trial mo, at maging fully healed ka na, who knows? Baka may dumating sa buhay mo na mas mabait, mas responsable, at mas mapagmahal na prince charming.
I am sure a-agree sa akin if I say na ang daming source ng happiness, hindi lang ang magkaroon ng boyfriend o lalaki sa buhay. Ialay mo lahat sa Panginoon ang lahat ng pinagdudusahan mo. Hindi Niya ibibigay sa iyo ang mga trials mo sa buhay, kung hindi mo kaya. Keep yourself pretty and attractive even while undergoing medication. It will help boost your morale. It is NOT the end of the world for you. There is always LIGHT at the end of the tunnel. SEEK and you shall find. KNOCK and it shall be opened up to you. SMILE! GOD LOVES YOU!!!
Tita Lits