Jeepney Press #109 January - February 2021 Issue

Page 18

Take it or Leave it!

ADVICE NI TITA LITS

Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Tita Lits, Magandang araw po. Eto po ang kwento ko. 20 years po akong kasal sa aking asawang Hapon bago siya namatay ng heart attack. After 1 year, nagkaroon po akong boyfriend na Pinoy dito sa Japan. Nag live-in po kami, at merong 10 taon na kaming magkasama. Hindi na po kami nagpakasal kasi dati rin siyang kasal sa Haponesa at divorced na. Napagkasunduan namin na hindi naman namin kailangan magpakasal pa, at marami pang mga dokumentong dapat pang asikasuhin sa Pinas at Japan. Mahal ko po siya at kasama ko siyang nag dusa at nag saya at nagsumikap sa loob ng 10 taon. 4 months ago, nagkasakit po ako. I was diagnosed with lung cancer. Minsan, dumaan po ako sa aking best friend na Pinay

...wala na rin daw akong silbi sa kanya

18

at nadatnan ko ang asawa ko doon na nakikipagtalik sa bestfriend ko. Na shock po ako, siempre. Nasaktan, galit at lahat lahat na. Bakit? Biglang pumanaw ang mundo ko. Mahina na nga ang katawan ko at lalong humina pa. Wala akong ginawa at sinabi. Wala na rin akong energy para sumigaw. Umalis na lang ako bigla na tulala. Pagdating ko sa bahay, tumawag siya at sabi niya na hindi na raw muna siya babalik sa bahay at sinabihan na rin ako na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. Ginawa daw niya iyon dahil may sakit ako at wala na rin daw akong silbi sa kanya. Paano ko po itutuloy ang buhay ko ngayon? Pinagtaksilan ako ng mahal ko at iniwanan at pinagpalit pa ako sa aking bestfriend. Hindi na rin po ako maka isip ng matino dahil napakahina na ng katawan ko sa cancer. Bakit po ngayon pa nangyari ito? Bakit pa ngayon na mas kailangan ko ang tulong niya? Linda Kawasaki

January - February 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.