ni Jeff Plantilla Isang umaga, tumayo sa aking harap sa loob ng tren ang isang babaeng high school student. Sa una ay hindi siya
makapagdesisyon kung saan siya tatayo. Payat siya at maliit kung ikukumpara sa ibang high school students. Maaaninag sa kanyang kilos na meron
14
siyang intellectual o mental disability. Sa iba pang panahon sa aking araw-araw na buhay sa loob ng tren, may mga tumatakbo, paroo’tparito, sumisigaw o nagbi- bigay ng announcement sa mga pasahero na dapat lumipat sa ibang bagon. Bahagi na sa karaniwang kalagayan sa loob ng tren ang taong may intellectual o mental disability. Napaka-karaniwan na silang bahagi ng buhay sa tren na hindi sila kakaiba – ilan lang sila sa maraming pasahero ng tren. Ikinahihiya Sa aking paglaki, nalaman ko na ang mga may intellectual o mental disability ay ikinahihiya ng pamilya. Itinatago sila sa pinakamadilim na bahagi ng bahay. Itinuturing silang mga taong hindi dapat ipakita sa mga taong hindi kasama sa pamilya. Nguni’t may mga taong may intellectual o mental disability na may kakayanang lumabas ng bahay at kaya nakakagala sa bayan. Ang iba ay
MAY - JUNE 2019
nakakapagtrabaho pa. Nguni’t hindi sila nakakaligtas sa pangungutya o abuso ng iba. Hinahayaan Dito sa Japan, sa loob ng mahigit na 20 taon, halos hindi pa ako nakakita ng mga bata o matandang may intellectual o mental disability na ikinahiya o kinutya. Sa mga mag-isang gumagala, hinahayaan lang sila. Hindi sila pinapansin. Malaya silang kumikilos – naglalakad, tumatakbo, kumakanta, nagsasalita. Ang iba sa kanila ay pumapasok pa sa eskwela. Sa isang school para sa kanila, nakita ko na may maayos silang facilities – tulad ng isang karaniwang school sa Japan. Ilang beses akong nagsalita sa kanila gamit ang aking isang dakot na nihonggo upang ipakilala ang Pilipinas at naging masaya kaming lahat! Buti pa yung mga batang yon, naiintindihan ang aking nihonggo! Special child Malaki na rin ang pinagbago sa pagtingin sa mga taong may