Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Akira: Maraming hindi clear sa iyong sulat:
Dear Tita Lits, Hello po. Half Japanese po ako. Tatay ko po, Hapon. Nanay ko, Pilipina. Pero, ang dala ko po ay Philippine passport. Nasa Japan po ako ngayon under a student visa kaya meron lang po akong 2 years stay sa Japan. Over 21 years of age na po ako kaya hindi na raw pwedeng ilagay yung pangalan ko sa family register ng tatay ko. At nag asawa na po ang tatay ko sa ibang Pilipina. Gusto ko pong mag-stay sa Japan at dito na manirahan. Ano po ba ang pwede kong gawin? Saan po kaya ako pwedeng kumuha ng tulong sa mga tulad kong half Japanese pero hindi kinikilalang half Japanese? Sana ay matulungan po ninyo ako. Akira Nagoya
24
MAY - JUNE 2019
1. Ikanasal ba ang nanay mo at ang tatay mong Hapon? Kung legally married sila, dapat nandoon sa kosehi touhon (family register) ang detalye ng kasal nila at ng iyong pagsilang; 2. Kahit hindi sila legally married, kung kinilala ka niya na anak niya, ay may dokumento kang magagamit para i-prove na of Japanese descent ka; 3. Kahit hindi sila ikinasal, kung i-a-adopt ka legally ng tatay mo, ma-so-solve ang problema mo; 4. Kung ayaw ng tatay mo to do anything with you and your mother, tanungin mo si nanay mo kung may proof siya na anak ka ng Hapon. Kapag na-prove mo sa Japanese authorities na of Japanese descent ka, you can be given permanent residence in Japan. Dito, sigurado ako. But as I said, dapat may prueba. 5. Meantime, maghanap ka muna ng company na mag-ha-hire sa iyo bago matapos ang iyong student visa. Kapag ini-sponsor ang working visa mo, at least may pisi ka pa to stay longer sa Japan after you graduate. Pero ayusin mo ang mga dokumento mo to prove na talagang anak ka ng Hapon. Then apply to be in Japan as permanent resident which you rightfully deserve to get. Tita Lits