Final tapat vol 1 no12

Page 1

HULYO 2-8, 2013 VOL 1 NO 12 Sa Texas, U.S., patuloy na ipinaglalaban ang pagpasa ng isang batas na gagawing ilegal ang aborsyon pagkatapos ng 20 linggong pagbubuntis

Same-sex ‘marriage’ kinikilala na sa U.S.

- Pahina 3

Anong epekto ng pamilya sa may sakit? - Pahina 6 @tapatnews

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

MGA MUSLIM NAGPAHABOL NG PETISYONG ANTI-RH

RH LAW SHOWDOWN,

KASADO NA!

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

- Basahin sa Pahina 3

www.tapatnews.com


2

balita Mga informal settlers, maaaring arestuhin kung bumalik

HULYO 2 - 8, 2013

What’s up in the Church?

Ni ANA YSALAKAN

Local World Youth Day

1pm, 27 July to 1pm 28 July, Don Bosco Technical Institute, Makati Registration fee: P150.00 Note: Please bring your own dinner, sleeping bag, personal effects. You may register through your dioceses or youth organizations.

Ang informal sector families ang isa sa mga pinaka-apektado pagdating ng panahon ng bagyo at baha.

Singles for Christ Metro Manila Conference 2013 Theme: Beloved 19 - 21 July, Subic Bay Exhibition & Convention Center Registration fee: P1, 520 for individuals and P920.00 for groups of 3 For more information, contact the MMC Secretariat at 0932-9679852

‘Homecoming’ Live Pure Conference 2013 18 August, Philippine Sports Arena, Pasig City Ticket Price: P150.00 Ignatian Festival 2013: ‘Lahing Loyola, Para sa Kapwa’ 20 July, Ateneo de Manila University For more details, contact (02) 426-6081 to 82

AYON sa Malacañang, aarestuhin ang mga informal settlers na babalik sa dating mga tirahang malapit sa mga estero, matapos simulan ang pag-relocate sa mga ito nitong nakaraang linggo. Ayon kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo, may pananagutan ang kapulisan at mga opisyal ng barangay na tiyaking hindi na makababalik ang mga informal settlers sa mga estero, na kinilalang mga

mapanganib na mga lugar, lalo na sa panahon ngayon ng tag-ulan. “Sinisigurado natin na hindi na sila makakabalik sa danger zones. ‘Yan ay mahigpit na instruction ni Pangulong Aquino, at i-enforce ‘yan ng [Department of Interior and Local Government],” dagdag ni Lacierda sa isang press briefing. Matatandaang nag-anunsiyo ang pamahalaan na

bibigyan ng P18,000 ang bawat pamilya bilang subsidy para sa magiging upa ng pamilya sa loob ng isang taon. Ang mga informal sector families (ISF) ay naka-base sa San Juan River (4,217 na pamilya); Pasig River (1,434), Tullahan River (3,683), Maricaban Creek (1,637), Manggahan Floodway (2,997), Estero Tripa de Gallina (3,887), Estero de Maypajo (1,415), at Estero de Sunog Apog (170).

Anti-divorce bill, nakaabang na NAIPASA ng kongresista ng Marikina na si Marcelino Teodoro ang isang panukalang batas na naglalayong kontrahin ang pagsasabatas ng diborsyo sa bansa. Ayon kay Teodoro, “May mga hakbang mula sa iba’t ibang grupo na nagtutulak at nangangalap ng suporta para sa diborsyo sa Pilipinas. Pinabababa nito ang kahalagahan ng kasal sa pamamagitan ng pagbibigay ng madaliang pagkakataon upang tapusin ang kasal, imbes na ayusin agad.” Layunin ng House Bill 37 na protektahan ang kasal bilang institusyon at sandigan ng pamilya na siyang lakas ng bansa. Sasawatain nito ang paglitaw ng anumang panukala na gawing legal ang diborsyo sa bansa, na hindi diumano katanggap-tanggap sa ating Saligang Batas. Samantala, nagpahayag naman si Luz Ilagan, representante ng Gabriela partylist, na lalabanan nila ang naturang panukala. Matatandaang noong ika-15 kongreso, nagpanukala rin si Ilagan sa Kamara na gawing legal ang diborsyo, ngunit hindi ito nakausad at nanatiling nakabinbin sa komite. Batay sa Family Code, maaaring magkaroon ng legal na paghihiwalay ang mag-asawa kung hindi na naaayon ang pagsasama, ngunit kaakibat nito ang kawalan ng pagkakataong makapagasawang muli. (PD)


HULYO 2 - 8, 2013

balita

WORLD NEWS Same-sex ‘marriage,’ kinikilala na sa U.S. UNITED STATES -- Ang Defense of Marriage Act (DOMA), ang batas na nagsasaad na ang kasal ay para sa isang lalaki at isang babae lamang, ay idineklarang labag sa Saligang Batas ng U.S. sa desisyong may botong 5-4 sa Korte Suprema noong Hunyo 26. Labag naman sa kalooban ng United States Conference of Catholic Bishops (USCCB) ang nasabing desisyon ng korte at handa ang grupo na pagtibayin ang tradisyunal na pagaasawa. “Masyadong matagal nang binalewala ng ating kultura ang mga bagay na pinatutunayan ng likas na pagkatao, karanasan, sentido-kumon at plano ng Diyos: mahalaga ang pagkakaiba ng lalaki at babae, at mahalaga ang pagkakaiba ng ina at ama. Bagamat nabigo ang kultura sa pagpapatibay ng pag-aasawa, ito’y hindi dahilan upang sumuko. Ngayon kailangan patibayin ang pag-aasawa, hindi ibahin ang kahulugan nito,” ayon sa isang pahayag ng USCCB.

3

MGA MUSLIM NAGPAHABOL NG PETISYONG ANTI-RH

RH LAW SHOWDOWN, KASADO NA!

Ni ANA YSALAKAN

Mga relihiyon, nagkaisa laban sa contraception mandate ni Obama

UNITED STATES -- Sama-samang tinutulan ng mga lider ng iba’t ibang relihiyon sa U.S ang Human Services (HHS) mandate sa pamamagitan ng paglagda ng mga ito sa isang bukas na liham na pinamagatang “Standing Together for Religious Freedom.” Nagpahayag ng kanilang matinding pagtutol ang mga Katoliko, Hudyo at Protestante laban sa HHS mandate, isang batas na inaprubahan ng administrasyon ni Pangulo Barack Obama hinggil sa sapilitang pagsuporta at pagpondo ng mga religious institutions sa contraception, sterilization. “…kami ay sama-samang tumututol sa mandatong ito, sapagkat ito ay panghihimasok sa konsensya ng aming mga kapwa mamamayan. … Ipinagkakait pa rin ng HHS ang kalayaan ng maraming Amerikanong ipakita at isabuhay ang kanilang mga paniniwala sa pang-araw-araw,” ayon ng liham. Ayon sa batas, ang mga kumpanya, maging ang mga institusyon tulad ng Katolikong o Kristiyanong paaralan, mga ospital at mga pondasyon ay kinakailangang magbigay ng health insurance plans sa mga babaeng manggagawa nito na may libreng coverage ng sterilization, contraceptives, at mga gamot na nakapagdudulot ng aborsyon, taliwas man ito sa paniniwala ng mga nagmamay-ari ng kumpanya.

Batas para protektahan ang mga bata at pamilyang Ruso, pinirmahan na RUSSIA -- Upang pangalagaan ang mga pamilya at mga bata, pinirmahan na ni Prime Minister Vladimir Putin ng Ruso ang batas na nagbabawal ng pagtataguyod ng homosekswalidad, kasal ng magkaparehong kasarian o same-sex “marriage,” at gay pride parades sa Russian Federation kamakailan. Sa ilalim ng bagong batas ay ipinagbabawal ang pagbibigay sa mga bata ng literaturang nagtataguyod ng ‘di tradisyonal na konsepto at sekswal na pakikipag-relasyon, kasama ang pakikipagrelasyon ng magkaparehong kasarian. Sa isang press conference sa Finland noong Hunyo, sinabi ni Putin na “Sa tingin ng ilang mga bansa ay ‘di kailangang bigyan ng proteksyon ang mga bata laban dito. Iba ang tingin namin.”

Handa na naman ang mga mamamayang para sa buhay na magtipon-tipon sa harap ng Korte Suprema sa darating na Hulyo 9 para sa simula ng oral debates tungkol sa RH Law.

MANILA – SA kabila ng paghahanda ng magkabilang panig para sa simula ng oral arguments tungkol sa R.A. 10354 o RH Law sa darating na Hulyo 9, nagpahabol naman ng isa pang petisyon na ibasura ang nasabing batas ang isang Muslim group kamakailan. Ayon kay Al Tillah, pangulo ng Parhimpunan Sin Islam o Islamic Society, at Joe Kashim, isang political economist, labag sa batas ng Islam ang R.A. 10354. Nakasaad sa Surat Al-’Isrā’ 17:31, “And do not kill your children for fear of poverty. We provide for them and for you. Indeed, their killing is ever a great sin.” (Sahih International). Dahil dito, ang petisyon na kilala na ngayon bilang General Record (GR) 207563, ay naglalayong ipawalang-bisa ang RH Law dahil hindi akma

ang nasabing batas sa autonomya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon naman kay Atty. James Imbong, ang unang naghain ng petisyon laban sa RH Law, ang bagong petisyon ay hudyat na ang partisipasyon ng mga mamamayan sa buhay ng pamayanan ay ‘buhay.’ “…It sends a message to the government (the respondents) that civic participation is alive and accountability for lawful disbursement of public money is a serious policy issue,” paliwanag ni Imbong. Maliban dito, ang apat na pangunahing argumento na ihahain laban sa RH Law ay ang tungkol sa autonomya ng lokal na pamahalaan at patas na proteksyon sa ilalim ng batas; ang karapatan sa buhay at kalusugan; ang likas na batas o natural law at ang responsibilidad para sa darating

pang angkan; at ang kalayaan sa relihiyon, pananalita, at ng akademya. Para sa marami, ang magiging desisyon ng Korte Suprema ay isang palatandaan ng kasarinlan nito. Ayon kay Senator Vicente “Tito” Sotto III, makikita ang kalayaan ng Kataas-taasang Hukuman bilang hiwalay na sangay ng pamahalaan “kapag nadesisyunan nila ang halaga ng kaso at hindi dahil sa isang internasyunal na kasunduan ng departamentong ehekutibo.” Bilang huling paghahanda bago ang oral debates, magdiriwang ng misa si Episcopal Commission on Family and Life head, Bishop Gabriel Reyes sa Hulyo 9, ika-9 ng umaga sa Archdiocesan Shrine ng Nuestra Señora de Guia sa M.H. del Pilar Street, Ermita, Manila.


editoryal

4

HULYO 2 - 8, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

Hustisyang hawak sa leeg

Hindi na mapagkakaila na sa darating na Hulyo 9 muli na namang magbabanggaan ang mga pabor at tutol sa tinaguriang RH law na ngayon ay kilala bilang Republic Act (R.A.) 10354. Marami ang sadyang nangangamba mula sa magkabilang panig sa maaaring maging desisyon ng Katataas-taasang Hukuman. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi na bago ang pagmamaniubra ng Palasyo sa kahit anong naisin ng ating pangulo na si Benigno Aquino III. Isa na rito ang naging kontrobersyal na pagpapatalsik sa dating punong mahistrado na si Renato Corona. Marami ang nagalak sa pagpapaalis sa kilalang kaalyansa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sinasabing nagkamal ng limpak-limpak mula sa kaban ng bayan, ngunit maraming hindi nakakaalam sa buong pangyayari -- kung papaano naitulak ang naturang Chief Justice. Matatandaan na noong Abril ng nakaraang taon nagdesisyon ang Kataastaasang Hukuman na ipamahagi na ang humigit-kumulang 6,435 ektarya ng lupain ng Hacienda Luisita ng pamilya Cojuangco sa Tarlac na maihahambing na kasing laki ng pinagsamang mga bayan ng Makati at Pasig. Sa kabila ng

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi na bago ang pagmamaniubra ng Palasyo sa kahit anong naisin ng ating pangulo na si Benigno Aquino III. Isa na rito ang naging kontrobersyal na pagpapatalsik sa dating punong mahistrado na si Renato Corona. luhaang pagbubunyi ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ay ang panimula naman ng planong patalsikin ang punong mahistrado. Para sa iba, hindi siguro ganoon kalinaw ang koneksyon, ngunit kahinahinala ang naganap noong Disyembre 12, 2011. Nagpatawag ng caucus ang mga kaalyansa ng Pangulo sa Batasan upang talakayin ang isang impeachment complaint sa pamumuno ni Niel Tupas Jr., na siyang tumatayong chairman ng Committee on Justice ng Kamara de Representante. Sa kabila ng maraming kongresistang gustong magtanong, dalawa lamang ang pinayagang magsalita. Isa sa malapit nating kaibigan na kongresista ang nagsabi na nagpakita lamang si Tupas, kasama si House Speaker Sonny Belmonte, ng powerpoint presentation hinggil sa naturang impeachment, sabay bitaw ng

mga katagang, “Kung di kayo pipirma, hindi kayo para sa pangulo.” Tumatak sa kaisipan ito ng ating kaibigan na isa sa mga tumangging pumirma ,ngunit sa takot na rin ng karamihan sa mga kongresista na hindi mabigyan ng sapat na pork barrel, nakalikom ang impeachment complaint ng 188 na pirma upang maitulak ang impeachment case laban sa punong mahistrado. Isa lamang ito sa mga pagkakataon na nagpakita ng malawak na impluwensya ng administrasyong Aquino. At ito rin ang magiging dahilan upang maitulak nito ang kahit anong naiisin sa anumang paraan – patas man o hindi. Sa Disyembre nitong nakaraang taon, natunghayan natin ang pagpasa ng Kamara sa noon ay Reproductive Health (RH) bill nang pagbotohan ito sa ikalawang pagbasa sa bilang na 113 na pabor, 104 tutol at tatlo naman ang hindi

bumoto. Lingid na naman sa kaalaman ng karamihan, marami sa mga kongresista ang muling nangambang hindi bahaginan ng kanilang pork barrel gaya na lamang ng mga kritiko ng pangulo tulad ni Zambales Representative Milagros ‘Mitos’ Magsaysay, na hindi na nakatikim ng pork barrel matapos maupo ang Pangulo. Sa araw ng botohan, pagkatapos magpatawag si Pnoy ng meeting sa palasyo, may iilang representanteng kilalang tutol sa panukala ay bumaliktad at marami naman ang bumoto na may pag-aalinlangan, base na rin sa kanilang mga paliwanag. Pagpapatunay ito na kahit anong gustuhin ng Palasyo – sakop man ito ng hudikatura o ng Kamara – laging may paraan upang mapatupad ito. Sa pagkakataong ito, hindi maiaalis ang duda na ang mga nakaupong mga mahistrado ay maaaring maimpluwensyahan din ng Palasyo. Isa sa ating mga kaibigan na dating punong mahistrado ang nagsabing hindi malayong mangyari ito, lalo na, marami sa mahistrado ang hindi nagbabayad ng tamang buwis at ito ang numero unong pwedeng magamit ng Palasyo upang diktahan ang Kataas-taasang Hukuman.


HULYO 2 - 8, 2013

opinyon

5

LIVE FREE

THE JUMPING WALL

eksaktong signs, kadala- Ano nga ba ang signs na san ay depende rin sa hu- kailangan para tayo kumihingi. Iba-iba rin ang milos at magdesisyon? Rogie Ylagan tsansa ng pagdating. May Marami sa atin ang naiba na marahil ay gusto hihinto na sa paggalaw, na talagang simulan ang kakahintay sa mga senpagbabago sa buhay, yales na dumating sa kangunit dahil gusto lang nilang harapan. Kung tuKakaumpisa pa lang uli sa pagbabago ng interes, niya ng kumpirmasyon, tuusin, ang pagkunsidera ng pasukan. Bago du- lumalaking pamilya, pag- sobrang madali ang hini- na gumawa ng desisyon mating ang buwan ng ayos ng kasalukuyang hingi niyang sign. Hal- at pagbabago ay isa nang Hunyo at Husenyales na dapat na lyo, marami sa May iba na marahil ay gusto na talagang tayong may gawin sa atin ang nasa simulan ang pagbabago sa buhay, ngunit ating buhay. At ang gitna ng malakng sendahil gusto lang niya ng kumpirmasyon, paghihintay ing pagdedeyales ay ang pangalasisyon. Kung sobrang madali ang hinihingi niyang sign. wang hudyat na dapat anong kurso na tayong kumilos daang kukunin sa pasukan, buhay at iba pang mga imbawa ay ‘pag may du- hil tila nagiging desperakung saan itutuloy ang personal na kadahilanan. maang jeep na kulay asul do na tayo na idepende sa pag-aaral, kung san mag- Madalas na maririnig sa kalsada. Pero may iba iba ang patutunguhan ng a-apply, kung magtutuloy natin sa mga taong du- naman na halos ayaw ating kapalaran. Isang bipa ba ng post-graduate marating sa tinatawag na nang kumilos kaya ang yaya ang pagkakaroon ng studies, kung lilipat ba “crossroads” ay ang pa- senyales na hinihingi ay karapatang magdesisyon ng kumpanya at marami ghihintay sa mga “signs” ‘pag may nakita siyang sa sarili. Gamitin natin ito pang iba. Iba-iba ang da- o mga pangitain. Ito ay lumalangoy na ostrich sa nang mabuti. hilan kung bakit puma- ang mga inaabang sen- may ilog sa ika-pitong pasok sa isip ng ilan ang yales na siyang magbibi- bundok sa kanilang lugar. (rogie_ylagan@yahoo. mga ganitong pagdede- gay hudyat para kumilos Unang-una, wala namang com / theignoredgenius. sisyon. Maaaring dahil at magdesisyon. Walang bundok sa bayan nila. blogspot.com)

Nasa iyo pa rin ang desisyon

na paghuhukay ng Maynilad sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard na walang angkop Melo Acuna na babala sa mga motorist. Dapat sana’y may distansyang ilang metro bago sumapit ang hinihukay ay mayroong babala, subalit wala. Wala bang pagpapahalaga ang kinaSa pagsapit ng tag-ulan, maaaring ilagay sa bag at uukulan? maraming natuwa sa- hindi niya masagot. Ta- Sa telebisyon, sinabi ng pagkat naibsan ang na- laga nga naman, it’s more DPWH na dapat sana’y pakatinding init noong fun in the Philippines. nagawa na nila ang pagnakalipas na ilang buAng sabi nga’y sangkaterbang man wan. Tagaktak ang pawis at walang mapuntahan hours ang nawala kaya’t pati ang prokung hindi ang malalamig na shopping malls. Sala- ductivity ng taongbayan ay patuloy na bumababa. mat na lamang sa mga nakaisip magtayo ng malalaking mall sapagkat Subalit ang isang aayos ng mga lansanmay pagkukublihan ang malaking palaisipan sa gan at drainage systems taongbayang naiinitan. karaniwang Pilipino ay subalit natagalan ang Walang bayad ang pag- bakit sa unang pagpatak kanilang mga permiso pasok sa mga mall. Kaya ng ulan ay biglang mag- sa MMDA. Ayon naman nga lamang ay bubulat- kukumahog mag-aayos sa MMDA, kasalanan ng latin ng mga security ng mga drainage, ma- DPWH dahil hindi nila guard na may hawak ghuhukay ang Maynilad ginawa nang mabilis ang na chopstick at sisilipin at Manila Water at ang kanilang mga proyekto. kung anong laman ng mga magsi-semento ng Hindi na nakakatawa iyong bag. Itanong mo mga lansangan? ang ganitong mga pagnaman sa kanya kung Isang halimbawa ay kakataon. Samantalang anong anyo ng bombang ang hindi matapos-tapos lublob sa baha ang kara-

TABI PO

Ulan, baha, trapik atbp.

niwang mamamayan, ang mga guro at magaaral, hindi halos gumagalaw ang mga sasakyan, magdedeklara ang pamahalaan ng suspensyon ng klase, lumalabas na taongbayan ang talo sa kalakarang ganito. Walang natutunan ang mag-aaral. Nasira na rin ang maghapon ng manggagawa. Nabimbin ang trapiko. Ang sabi nga’y sangkaterbang man hours ang nawala kaya’t pati ang productivity ng taongbayan ay patuloy na bumababa. Hanggang kailan tayo ganito? Pati nga mga weather forecaster at mismong pinuno na ng PAGASA ay nag-alsa balutan at nangibangbayan, ano pa naman ang hahanapin mo? Magandang pakinggan ang “Daang Matuwid”. Walang masasabi sa adhikaing ito. Nagkataon lang na ang daang ito’y lubak-lubak sa bawat paghupa ng baha.

Sam Manuel

Worth waiting for I was struck by Blessed John Paul II’s words about the sacredness of sex: “To give your body to another person symbolizes the total gift of yourself to that person.” Growing up, my mom never failed to remind me to value my purity. She often says that my virginity is the highest gift I can give, not only to my future husband, but more importantly to myself. My husband and I were in an exclusive relationship for four years prior to getting married. We faced a lot of chal-

A- t t r a c t i v e n e s s . Striving for purity adds to one’s desirability, charm, and allure, most especially for us women. But even for men, knowing fully well that they are willing to wait is an impression of true manhood. I-ntegrity. We become persons of true worth when we value our purity and dignity. T-rue Love. True love is pure love. The surefire way to have a satisfying and safe sex life is to do it only with your husband or wife.

True love is pure love. The surefire way to have a satisfying and safe sex life is to do it only with your husband or wife. lenges and temptations to keep ourselves pure. Reality was that it was never easy, but with God’s grace, I made it to the altar pure and proud to offer myself before God. If there is one important thing I learned about striving for pure love, it is to first value my self-worth and dignity as a woman. I am definitely “worth waiting for”. So let’s indeed make it worth the W-A-I-T: W-holeness. It is giving of oneself completely, entirely, and totally to that one person we sacramentally vowed to “have and hold… in sickness and in health…until death do us part”.

Sex should be a “Sacred Ex-perience” and not just “S-omething Ex-citing”. It shouldn’t be something people can just choose to do with whoever and whenever they wish. Sex is something my husband and I “S-hare Ex-clusively”. It is not something married men and women can choose to do with people other than their spouse. I have no regrets with preserving myself for that one person with whom I was destined to spend the rest of life. At the moment I was ready to give myself to my husband, I experienced real, pure love being shared in its truest sense.


tampok

6

HULYO 2 - 8, 2013

ANONG EPEKTO NG PAMILYA SA MAY SAKIT? ni DIANA UICHANCO

Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman ay parang team sport -- mahalaga ang team work ng pamilya, lalo na sa mga panahong matindi ang sakit, para gumaan ang dinadala ng may sakit.

Sa panahon ng malubhang karamdaman, napakalaking ‘morale booster’ ng suporta ng mga kamag-anak sa paggaling ng may sakit.

D

ITO sa Pilipinas, maraming kaso na kapag may birthday, kahit hindi na mag-imbita ng mga kaibigan at kapitbahay, punung-puno na ang bahay ng mga “bisita.” Bakit? Kasi sa laki ng pamilya, ang dami nang makikipag-celebrate sa birthday ng celebrant! Hindi lang sa birthday o Pasko nararamdaman ang kabutihan ng pagkakaroon ng malaking pamilya. Kung naranasan mo nang magkaroon ng malubhang karamdaman o ‘di kaya’y may ka-pamilya kang nagkasakit nang matindi, hindi ba ‘yung mismong mag-asikaso ng mga pangangailangan ng may sakit ay gumagaan kung may mga mapapakiusapang tumulong? Kapag maraming miyembro ang pamilya, mas maraming makikiramay, mas maraming maka-

pagbibigay ng suporta – lalo na kung ramdam ang samahan ng mga miyembro. At itong suportang ito ay malaking bagay sa pagpapaginhawa at pagpapagaling rin ng may sakit, ayon kay Liza Manalo, M.D., faculty member at consultant sa Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) Department of Family and Community Medicine. Ayon kay Dr. Manalo, na espesyalista sa palliative care, ang malapit na pamilya o angkan ay isang mahalagang “morale booster” ng mga Pilipinong nakararanas ng pagsubok tulad ng malubhang karamdaman, at ito ay lalo pang nagpapalapit sa mga miyembro ng pamilya sa isa’t isa. Dalawang bagay ang maaaring mangyari sa isang pamilya kapag mayroong may malubhang sakit –

ang lalong maging mas malapit sa isa’t isa o kaya nama’y magkakawatak-watak. Sa Pilipinas, ang karaniwang nangyayari ay lalong nagkakalapit ang mga miyembro ng pamilya dahil malapit na tayo sa simula pa lang,” ani Dr. Manalo. “Magtutulungan tayo at magtutulungan — tila likas sa Pilipino bilang isang bansa na ‘pag may nagkakagipitan, nandiyan tayo sa tabi ng pamilya natin,” dagdag pa niya. “Siguro hindi tayo masyadong nationalistic pero tayo ay napaka maka-pamilya. Ang pamilya ang pinakaimportanteng bagay sa buhay natin,” aniya. Pinaliwanag ng manggagamot na napakahalaga ng pamilya kapag may miyembrong nakararanas ng - Pahina 8

Ang mga bata at cancer sa pamilya

Tutal bata pa sila, ano naman ang alam nila tungkol diyan? Baka makasama pa sa kanila… Hindi ba ganito ang madalas na iniisip natin kaya hinahayaan na lang natin ang mga anak nating maliliit sa sariling mundo nila, kaysa sabihin sa kanila na may malubhang sakit si Tay, si Nay, Kuya, Ate, Lolo o Lola? Understandable naman ang ganitong pananaw, ngunit alam mo bang makatutulong pa nga sa kanila at sa pamilya kung isasali ang mga bata sa isyu? Siyempre ipaliliwanag sa kanila sa paraan na maiintindihan nila at sa level na handa na sila, depende sa edad at sa maturity nila. Kung kanser ang sakit ng nasa pamilya, ito ay may malalim na epekto sa buong pamilya kaya’t kailangang malaman din ng mga bata. Tinutulungan ni Dr. Liza Manalo, isang espesyalista sa palliative care na marami nang naging

pasyenteng may kanser, ang mga pamilya kapag nag-aalangan ang mga nakatatanda kung paano ipaliliwanag sa mga bata ang tungkol sa karamdaman. “‘Sa tingin niyo ba, hindi sila mas malulungkot kung bigla na lang mamatay ang daddy nila, o mommy nila?’ marahan na tinatanong ko sa kanila, at matapos nilang isipan pa, nakikita nilang mas mahirap para sa bata kung bigla na lang mawala ang magulang ng wala man lang paliwanag bago mangyari ‘yon,” ani Dr. Manalo. Madali daw isipin na walang malay ang mga bata na may nangyayari, pero matalino sila, sabi ng manggagamot. Dagdag pa niya na inaalok niya at ng kanyang mga kapwa duktor na sila ang magpaliwanag sa mga bata kung ito ang nais ng mga nakatatanda sa pamilya.


HULYO 2 - 8, 2013

tampok

7

Mga babasahing pambata na maaaring makatulong Isang sipi: People Change “When someone is fighting against cancer, many things happen that change that person. Your favorite aunt, who always played ball or climbed trees with you, may become tired and unable to do much. Or she may lose weight and become much smaller. Some people who have dark skin may become very pale. Some people lose all of their hair. What’s important is on the inside of a person. If you notice changes in Aunt Karen, don’t be afraid. It is what her body must go through while she’s fighting against the disease. Know that what’s inside – the person who loves you – remains the same.”

Tatapatin kita… ni Ate Ami

Nakikialam sila sa kanyang paggamit ng pills

Dear Ate Ami, Nakakita ako ng isang issue ng Tapat somewhere at nabasa ko ang column niyo. I think you’re very open-minded and dish out sensible advice. Kaya naisip kong humingi ng advice niyo tungkol sa isang concern ko. I’m on the pill and I am tired of my family getting on my case about it. Hindi ko naman sila pinapakialaman sa mga ginagawa nila, kaya sa tingin ko dapat ganoon rin sila sa akin. May respeto pa naman ako sa mommy at mga tita ko kaya kahit nakukulitan ako sa mga sinasabi nila, pinababayaan ko na lang. Pero pano ko ba sasabihin sa kanila in a nice way na hindi ako naniniwala sa mga makalumang values nila at sana huwag na nila akong pakialaman kasi what I do is my choice. Birth control is no big deal. Besides, this is between me and my husband, and okey rin naman sa kanya. We have a son and a daughter and gusto naming mag-provide ng good example sa kanila lalo na sa pagiging responsable. So sana matulungan niyo ko tungkol sa kung ano pwede kong sabihin sa mom at tita ko about this. I’m pushing 30, so obviously I can make my own decisions. Thanks. – Rose Dear Rose, Sa tono mo, hindi ka nanghihingi ng advice; naghahanap ka ng kakampi, ng kukunsinti sa iyo. First, gusto ko munang kampihan ang pamilya mong may mga “makalumang values”. In the first place, why did you have to let them know that you’re on the pill eh ayaw mo palang mapakialaman ka? It’s your choice pala, between your husband and yourself, so why did you let them in on this? Second, now that they know, may katuwiran silang “makialam” sa iyo dahil concerned sila sa health mo. Masama ba iyon? You didn’t tell me

why they’re against the pill, so I can only comment on your input. “Makaluma” man sila, at least informed sila siguro about the damage the pill can do: nakaka-cancer, stroke, thrombosis, blood clots, at kung anu-ano pang kadiring mga sakit na maaari ding maka-baog sa iyo pagdating ng singilan blues. Siyempre, kung magka-ovarian cysts ka or cancer, at tanggalin ang matres mo, eh ‘di bye-bye motherhood. O tanggalin ang dede mo dahil sa breast cancer, eh …baka your husband will start looking for mountainous regions elsewhere. Baka lang naman, hindi ko sinasabing ‘yon ang magiging kapalaran mo, but studies have shown beyond doubt na talagang masama, grabe, major-major masama sa kalusugan ng kababaihan ‘yang pills (and by the way, as well as other artificial contraceptives). So think that over—they are concerned about your health, hindi sila naiinggit sa safe and satisfying sex life mo dahil mga lantang talulot na sila, at saka hindi nga safe ‘yon para sa kanila eh. Now, ‘yung inis mo sa kakulitan nila. At your age, I understand, hindi mo pa mastered ang sarili mo, and you’re probably feeling on top of the world now dahil independent ka, kaya for you, buwisit lahat ng hindi agree sa iyo, ano? Ok lang, lilipas din ‘yang tigas ng ulo mo, lalo na ‘pag naramdaman mo na ang ill effects ng pills. Meanwhile, tuturuan kitang “magsinungaling” para hindi ka na makasakit ng damdamin ng iba. There’s a wise saying, “If you cannot be completely honest, be discreet.” Next time, spare your old ladies’ feelings—kapag kinulit ka na naman nila, just tell them with a smile: “Don’t worry, I’m off the pill na po.” It’s the “lesser evil” para mapanatag na lang ang loob nila, dahil mas malala kung magsusuwagan kayo, walang kahihinatnan yon.

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

Ate Ami


balita

8

TAPATAN Question! Ang tunog ng kampana ay bahagi na ng buhay ng Pilipino – pagbungad ng araw hanggang magtakipsilim. Kung malapit ka sa isang simbahan nakatira, malamang ito ang alarm clock mo. Mayroon ding mga espesyal na pagkakataon kung saan kumakalembang ang mga ito, tulad ng paghudyat na may bago nang Santo Papa. Matatandaang pinatunog ang mga kampana sa mga simbahan -- kahit madaling araw pa -- nang hirangin si Jorge Mario Cardinal Bergoglio bilang bagong Santo Papa nitong Marso.

Anong epekto ng pamilya....

HULYO 2 - 8, 2013

mula sa pahina 6

malubang karamdaman tulad ng kanser. Ang paggamot ng kanser – o cancer treatment – ay mahirap, at kung may chemotherapy o radiotherapy na kasama, kailangang maging matatag ang pasyente dahil sa mga komplikasyong maaaring lumitaw, ani Dr. Manalo. Dahil sa paulit-ulit na pagpunta sa ospital at pati na rin sa gastos na nakabubulabog kung minsan, ang kawalan ng pamilya na susubaybay ay maaaring makapagpabigat sa pakiramdam ng pasyente. “At kahit ‘yung pagkakaroon ng masasabihan ng‘natatakot ako, nalulungkot ako,’ o basta may makakausap, o may nagbibigay ng ‘pep talk’… ay napakalaking bagay na,” iginiit ng duktor. “Sa mga sitwasyon tulad ng cancer diagnosis at treatment, importanteng naiintindihan ng pamilya kung ano ang nangyayari sa kamag-anak nilang may sakit. Importante ring maging partners with the doctor pagdating sa pagpili at pag-execute ng treatment options na gagawin sa pasyente. Napakalungkot kapag halos palaging walang pamilyang kasama ang pasyente. Ang pagsubaybay ng pamilya ay napakahalaga sa mga ganitong sitwasyon.”

good news may good news ka ba?

Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

Sa iyong pagkakaalam, bakit may kampana ang Simbahang Katolika? “Para malaman kung nagsisimula na ang misa.” ~ Dominic Barrios “’Pag may misa, kapag may emergency or occasion pinapatunog ang kampana.” ~ Bebe Jak “Pampagising sa umaga.” ~ Yen Ocampo “Hudyat ng pagsisimula ng misa, at nagsisilbing orasan ng lugar.” ~ Rafael Vicho “Sa palagay ko ang kampana ay tagapagtawag, tagapaghudyat, tagapagbuklod at tagapagpaalala.” ~ Anita F. Alisaca


9

HULYO 2 - 8, 2013

Iconic restaurant achieves historical significance THE Aristocrat, the Philippines’ most iconic restaurant, recently gained much sought-after recognition from the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) as a historical purveyor – not just of distinctive food, but of cultural memories unique to the Manileño. The NHCP together with the descendants of Doña Engracia Cruz-Reyes, more fondly known to Filipinos as Aling Asiang, recently unveiled the noted restaurant’s historical marker at the Roxas Boulevard branch in Manila. The marker reads: “Nagsimula sa isang lumang sasakyang ginamit ni Engracia Cruz-Reyes o Aling Asiang bilang tindahan ng meryenda, na lumilibot sa Luneta at iba pang pook sa Maynila, Hulyo 1936. Dito itinatag ang unang gusaling kinilalang The Admiral Dewey at kinalauna’y pinangalanang The Aristocrat, 1939. Isa sa mga tanyag na kainang nagtampok ng mga Lutung Pilipino.” Aling Asiang’s pioneering spirit coupled with her native genius for cooking Filipino food raised the once lowly and unknown Filipino dishes to well-loved recipes recognized locally and internationally. From its humble beginnings as a snack mobile in 1936, the Aristocrat has grown into a restaurant enterprise with branches in Metro Manila, all serving quality dishes enjoyed by many. According to the NHCP guidelines, historical significance is determined by “(w)hether the person, event, site or structure led to or resulted in profound changes in the lives of the community, the country, or a considerable segment of our population; If the changes are durable or lasting; Whether and how much the event, person, site or structure reveals something meaningful or important about our past; and, Whether the event, person, site or structure resonates or concerns us to this day.” The Aristocrat restaurant will now be included in the NHCP’s National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines. [RB]

It’s good to know that... According to a study, children whose fathers spent more time with them performed better in school.

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com FOLLOW US... FOLLOW US... @tapatnews

tapatnews

tapatnews@gmail.com www.tapatnews.com or subscribe to Tapat. Check out the subscription form on page 8 of this issue.


Katoliko

10

HULYO 2 - 8, 2013

Whom do you follow?

N

ON-sectarians enjoyed phenomenal growth through the 1970s and 1980s when Fundamentalists, Pentecostals, and Evangelicals convinced a lot of Catholics with their twin-pitch of Sola Scriptura (Scripture Alone) and Sola Fidei (Faith Alone). Everyone knows a relative or friend who abandoned the faith of his youth for so-called authentic Christianity hooked by zealous preachers who claim the Bible is the sole authority on matters of the soul. For sure, many fallout Catholics are sincere indi-

Unapologetically Catholic by EDGARDO DE VERA

viduals who failed to find spiritual nourishment in the Church. Disenchantment with clergy is often a cause -- lack of priests passionate about the Gospel, homilies with sense, ignorance of Scriptures, inadequacy to ably explain doctrines and liberal outlook. This is aggravated by loss of the sense of the sacred in clergy, shabbily attired and indistinguishable in public, worldly behavior and frequent involvement in politics. Yet an imperfect clergy is never reason for leaving the Church, not even scandal – you don’t abandon Peter and the Apostles because of Judas. Laymen make matters worse by ridiculing the Church and disagreeing with its teachings. Have these “Catholics” really ever checked the Catechism of the Catholic Church (CCC) or read a single papal encyclical? Catholics are expected to share, not question, their faith. Our Pope expressed we should always be ready to render an explanation (cf 1 Pet 3:15). The harvest is rich but the average Catholic is oddly hesitant to learn doctrines, lamely excusing himself, “Nariyan naman si Father… Pang pari lang iyan…” and the classic copout, “Nagsisimba naman ako.” Thus, the generally uncatechized are easily lured out of the Church when clergy fall short. “Bible Alone!” cries the non-sectarian followed by a steady barrage of selected verses and the ordinary Catholic, ignorant and speechless, soon gets con-

KATESISMO, MISMO! Ano ang orihinal na kahulugan ng salitang “liturhiya”? Ang kahulugan ng salitang “liturhiya”ay: 1. Gawaing pampubliko 2. Isang serbisyo sa ngalan ng/para sa sangkatauhan Sa tradisyong Kristiano, ang ibig sabihin ng liturhiya ay pakikiisa ng Sambayanan ng Diyos sa “Gawa ng Diyos.” 1 Sa liturhiya ni Kristo, ang ating tagapag-ligtas at kataastaasang pari, ipinagpapatuloy ang gawaing pagliligtas sa kanyang Simbahan. 1 Cf. Juan 17:4.

vinced the Bible is the only authority. Where does the Bible say “Bible Alone?” Who interprets the Bible? Why are Bible Christians fragmented into over 32,000 distinct denominations with respective mini-popes in a cacophony of inconsistent doctrines, and further dividing? A number of which approve abortion, contraception, divorce and remarriage, euthanasia, gay marriages, all in Christ’s name! Until 393, there was no Canon of Sacred Scripture. There were no bibles, in fact, for centuries within laymen’s reach. The rare existing copies were hand-written; laboriously penned by clerics word-for-word, line-per-line, page-bypage, taking months to complete a single Bible until printing was invented in the 16th century. Besides few could read. A fundamental reason for today’s deteriorating morals is the question of authority. Where is it found in a disharmonious, generic Christendom? Can Christians effectively witness to the world in glaring disunity? Is the Bible the authority or the Church that composed the Bible? A logical deduction from Luther’s own admission, even as he denied Church authority should provide the answer: “We are obliged to yield many things to the Papists [Catholics] that they possess the word of God, which we received from them otherwise we should know nothing about it.” Jesus prayed for unity at the Last Supper, so that the world may believe. He established His Church on Peter and gave him and the Apostles authority to teach truth in a mandate carried through centuries to the present Pope in the Apostolic Church. “Go and make disciples of all nations …he who hears you hears me …he who listens to you listens to me…” (Matthew 18:15).

From the Saints...

“Wherever the bishop shall appear, there let the multitude also be; even as, wherever Jesus Christ is, there is the Catholic Church.”

- St. Ignatius of Antioch


11

HULYO 2 - 8, 2013

#coolCatholics

by SKY ORTIGAS

Video Missionary David Panlilio: Breaking down digital frontiers

O

h man, I so love writing about the über cool Catholics out there; I have so many people in mind! You pass them on the streets everyday, ordinary folks who passionately share the faith, their love for Jesus and of course, their willingness to give their all for the sake of the mission. This time, I am going to share with you my conversation with young video-missionary David Panlilio. I’ve known David for quite some time now. We met at the 1st Catholic Social Me-

received through the international World Youth Days I had attended -- Rio will be my 6th WYD. And with the global Catholic network I had, I always wanted to share the faith we have here in the Philippines with all my friends around the world. My being a nurse is still put to good use, as I get to apply it to the pro-life themed videos we make and I find it very useful in treating my team and friends if they don’t feel well, or during emergency situations whenever we are on mission. So yeah, I’m still very proud to be a Registered Nurse-Video

David considers the Blessed Virgin Mary as a special source of guidance for his digital mission work.

dia Summit last year (Take note, we’re going to have version 2 this November, but that’s another story). He shared how he came to be with the group called One Billion Stories (OBS). A nurse by training, David decided to walk a a different path, telling people stories about faith, hope, and love through awesome videos. Sky: You graduated as a nurse, but then chose to be a missionary. What made you take this path? David: Yes, I am a Registered Nurse and worked for two years in a multinational health company. It seemed to be a very promising career for me because of all the international connections it had. But in the long run I felt that there was still something in me that was yearning to do something [else]. I found it in the passion for the Faith that I had

gelization. Sky: What are your tips for aspiring video missionaries out there? David: Well, being in the mission field for more than a year now, I’ll be honest that it is not easy, especially if you have given up -- in my case -- almost everything to dedicate this time in your life to evangelizing in the internet. There will always be struggles with maintaining your resources, but

Interviewing young pro-life speaker, Leah Darrow, David also believes in youth issues like chastity and waiting for true love.

it is in that exercise of trust in the Lord, and asking the intercession of Mama Mary, the angels and the saints, that you will see that He will always Sky: Why “video” missionary? provide help in the long run. It is a great exercise David: We are called video missionaries, as the of patience, trust, and hope. In the end the reward medium of choice for evangelizing is through for one’s faith and trust will be evident. Prayer is making videos, and the area where we evangelize always the key in the mission field. is through what Pope Emeritus Benedict XVI calls the “digital continent” also known as the Internet. Missionary.

Sky: In your stories /videos, what do you look for? David: We look for stories about Catholics from around the globe, from conversion stories to lifechanging experiences and events that have impacted the lives of the individuals we interview, where they can share their testimonies to bring hope, healing,and witness to the Truth that is in the Catholic faith through this new means of evan-

“And he said to them, ‘Go out to the whole world; proclaim the gospel to all creation.”

– Mark 16:15



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.