Tapat @tapatnews
TAPAT SA BALITA
/tapatnews
tapatnews@gmail.com MAYO 8 - 14, 2014 VOL 2 NO 7
TAPAT SA BUHAY
MGA OBISPO nakiisa sa
panawagang isiwalat
ang Napoles
LIST
www.tapatnews.com inside....
Laban sa RH Law tuloy – Obispo - Pahina 2
it’s good to know that..
that at a recent United Nations meeting, many countries reaffirmed the right to decide their laws with a special respect for religious beliefs and culture instead of upholding “sexual rights.”
balita
2
MAYO 8 - 14, 2014
Panawagan ng CBCP sa publiko: from the ‘Maging responsable sa kalusugan’ SAINTS Areopagus
Ni Paolo de Guzman
MANILA -- Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na maging tagapagtaguyod ng kalusugan sa pamamagitan ng banal at wastong pamumuhay. Ayon sa isang statement na ipinalabas ng CBCP kamakailan, “Ang buhay ng tao ay dapat ipalaganap at ipagtanggol mula sa pagkakabuo hanggang sa natural na kamatayan. Ang ating buhay
ay nasa ating mga kamay upang maging tagapagtaguyod ng regalo ng buhay, ang ating pagtataguyod ng buhay ay nananawagan sa atin upang maging responsable.” Sa naturang Easter Pastoral Instruction on the Stewardship of Health, sinabi ng pinuno ng diyosesis ng Lingayen – Dagupan na si Arsobispo Socrates Villegas na dahil sa desisyon sa Reproductive Health law ay minabuti ng
CBCP na magtakda ng mga alituntunin patungkol sa Kristiyanong pag-unawa sa kalusugan. Dagdag pa ng arsobispo, “Samantalang ating nirerespeto at kinikilala ang karapatan ng Estado upang magpanukala ng batas, atin rin namang kinikilala na karapatan ng mga pari na magturo ng patungkol sa Kristiyanong pag-unawa sa kalusugan na siya namang kontra sa depinisyon ng kalusugan sa RH law.” Ipinagdiinan naman ng arsobispo ang kahalagahan ng pag-alaga sa katawan, at sinabing hindi ito “pagpapakita ng pagkabanidoso”, bagkus ito ay “obligasyong espiritwal bilang mabuting tagapagtaguyod ng buhay.” Sinabi rin ng CBCP na ang ating pisikal na katawan ay “hindi lang simpleng materyal na luklukan ng kaluluwa” ngunit “importanteng aspeto ng mga taong kawangis ng Diyos.” Ayon sa katesismo, ang kabutihan ng pagtitimpi ay kinakailangan upang higit na maunawaan ang paggawa ng tama; hustisya, pagbigay ng naayon sa kapwa; pag-aalay, kontroladong pagkahumaling sa kasiyahan; at tibay ng loob, upang maging matatag at matiyaga sa paggawa ng mabuti. Dagdag pa ni Villegas, “Ang kabutihan ay matututunan sa edukasyon, na binuo sa pamamagitan ng kinagawian at sinadyang kasanayan, at puspos ng biyaya ng Diyos.”
MANILA – Naninindigan si CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat ipagpatuloy ng mga Pilipino ang laban sa RH law matapos ideklarang legal ng Korte Suprema ang nasabing batas. Iginiit ni Bishop Santos na ang malaking bilang ng mga Overseas Filipino Workers o mga itinuturing na makabagong bayani ay patunay na ang populasyon ng Pilipinas ay maituturing na assets o yaman ng bansa. Nilinaw ni Santos na dahil sa bilyong pisong remittances ng mga OFW ay nananatiling malakas at maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Sinabi ni Bishop Santos na dahil sa pinagtibay na batas, nanganganib ang kasagraduhan ng buhay ng tao, “na ang Panginoong Maylikha lamang ang may kapangyarihang bawiin.”
Inihayag ni Santos na ang kalooban ng Diyos ay dapat igalang, bigyan ng pagpapahalaga at dahil dito, dapat payabungin ang buhay at hindi supilin o kitilin. “Alam natin na ang mayroon lamang kapangyarihan sa buhay ay ang Diyos. Ang puwede lang humatol at magtakda ay Diyos, hindi bilangan at hindi botohan ang nakataya dito kung hindi buhay at ang Diyos lamang ang makahahatol at tayo ay sumusunod sa kalooban ng diyos. Ang kalooban ng Diyos ay igalang, bigyan ng pagpapahalaga at palawakin ang buhay, hindi supilin o hindi kontrahin ng contraception. Kaya samakatuwid, tayo ang magpapatuloy na ipagtanggol ang buhay,” paglinaw ni Santos sa isang panayam sa Radio Veritas. Ayon kay Santos, ang kalooban ng Panginoon ang dapat sundin hindi ang pagkapanalo sa bilingan o botohan ng RH Law. Sinasabi sa “Humanae Vitae” na ang bu-
- St Faustina,
Divine Mercy in my Soul Areopagus
Laban sa RH Law tuloy – Obispo
And even if the sins of a soul are as dark as night, when the sinner turns to My mercy he gives Me the greatest praise and is the glory of My Passion.
hay ay sagrado at banal. Isinusulong sa family planning method ang paggamit ng natural na pamamaraan
at hindi artipisyal na paraan o ang pagagmit ng artificial contraceptives. [Riza Mendoza]
MAYO 8 - 14, 2014
balita
Mga Obispo nakiisa sa panawagang isiwalat ang Napoles list Ni Paul de Guzman
MANILA -- Matapos ibahagi ni Janet Lim-Napoles, ang sinasabing mastermind ng 10B Pork Barrel scam ang kanyang affidavit na naglalaman diumano ng listahan ng iba pang sangkot sa naturang anomaly kay Department of Justice (DOJ) secretary Leila De Lima noong Abril, umigting naman ang panawagan mula sa publiko na isiwalat ang naturang listahan, kabilang na ang ilang mga oispo ng Simbahang Katolika. Kabilang sa nananawagan sina Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo; San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Batanes Bishop Camilo Gregorio; Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani; at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz. Para sa mga obispo panahon na at nararapat nang ilabas ang naturang listahan upang pabulaanan ang hinala ng taongbayan na “nililinis” diumano ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang listahan upang sagipin ang mga kaalyadong sangkot sa maling paggamit ng kanilang pork barrel. Ani Bishop Pabillo, “Dapat iyong [listahan] isapubliko at gawing accountable ang mga sangkot sa lalong madaling panahon. Habang pinatatagal ni De Lima ito, tayo naman ay tuluyang magdududa.” “Dapat patunayan ng administrasyong Aquino na seryoso siyang tanggalin ang corruption at hindi upang idi-
in ang mga kalaban sa pulitika,” dagdag pa ng obispo. Pahayag naman ni retired bishop Teodoro Bacani, “Sobra na ‘yan, binobola na ang mga tao niyan. The longer the delay, ‘yun ‘yung suspetsa nagkakaroon ng sanitation? Oo talaga.” Naniniwala naman si Batanes prelature bishop Camilo Gregorio na “mad-
“
3
uming pulitika” ang nasa likod ng pagtatago ng naturang listahan. “Alam naman na natin kung sino ang nandun. Pulitika na naman ‘yan. Everything is political. We cannot find the truth na hinahanap natin because of the dirty politics,” pahayag ni Bishop Gregorio. Kamakailan, nagpahayag naman ng pagdududa si jueteng whistle-blower Sandra Cam na may 80 porsyento ng nasa listahan ay kaalyado diumano ni pangulong Aquino. Nagbanta naman si ‘Yolanda’ rehabilitation czar Panfilo Lacson kay De Lima na “huwag linisin” ang naturang listahan. Dati nang nagsabi si Lacson na ibinahagi din sa kanya ng mga kamaganak ni Napoles ang naturang listahan. Bago matapos ang Abril, naglabasan ang mga impormasyon na pinaniniwalaang nanggaling mismo sa National Bureau of Investigation (NBI) na may 19 senador ang kasama sa Napoles list kabilang na ang mga unang sinampahan na ng kaso na sina senador Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.
Public governance is stewardship but the pork barrel has made public governance a system of patronage. Stewardship liberates and uplifts. Patronage enslaves and insults. - Archbishop Socrates Villegas
”
editoryal (BroEd Matias)
4
MAYO 8 - 14, 2014
AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Thursday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014
Editoryal
K
amakailan kumalat sa social media ang video ng isang babaeng vinideo ang sariling aborsyon. Sa naturang video ipinapakita si Emily Letts na humuhuni habang sumasailalim sa isang aborsyon. “Ohh…cool..yeah,” pahayag pa nito matapos ang operasyon. Ayon sa dalaga, magaan ang pakiramdam niya pagkatapos ang pagpatay sa kanyang anak at inihambing pa niya ang aborsyon sa isang “panganganak.” Sa iba, kagimbal-gimbal, hindi lamang ang pagkuha ng video ng pagkitil ng buhay ng isang bata, kung hindi ang tila kaswal na pananaw tungkol sa aborsyon at pangmatagalang epekto sa mga babaeng sumailalim dito. Ayon sa ilang pagusuri, 65% ng kababaihang nagpa-abort ay magkakaroon ng Post Traumatic Stress Disorder na karaniwang
Araw ng mga Ina “Ayon sa ilang pagusuri, 65% ng kababaihang nagpa-abort ay magkakaroon ng Post Traumatic Stress Disorder na karaniwang nararanasan ng mga sundalong nadestino nang matagal sa mga conflict areas tulad ng mga war zones.” nararanasan ng mga sundalong nadestino nang matagal sa mga conflict areas tulad ng mga war zones. Dagdag pa dito ang mga kaakibat na epekto ng aborsyon sa kababaihan: clinical depression, sexual dysfunction, anxiety, drug abuse, suicidal tendencies, emo-
tional paralysis, guilt at regret. Ngayong papalapit na ang Araw ng mga Ina, patuloy ang balitaktakan sa iba’t ibang panig ng mundo tungkol sa tunay na pangangailangan ng mga kababaihan, partikular ng mga ina. Sa isang pulong noong Abril 18 ng United Nations, naging
desisyon ng mas nakararaming bansa na itaguyod ang kalayaang magtakda ng sariling mga batas, ipagtibay ang kultura at religious freedom, sa halip na “sexual rights”, na kinikilalang iisang termino para sa “abortion rights.” Ayon sa Indonesia, “We don’t share the view” that sexual and reproductive rights are the “only or most important elements to sustain development.” Tumitindi ang laban sa pagitan ng dalawang pananaw na ang higit na mabuti para sa kababaihan ay ang kalayaang makapamili – kahit ang nasabing desisyon ay pagkitil ng buhay ng inosenteng nilalang at ang paniniwalang ang pangangailangan ng nakararami ay tunay na maternal health care o pagkalinga sa mga ina at mga espesyal na pangangailangan ng mga nagbubuntis.
opinyon
MAYO 8 - 14, 2014
5
I started to trace what brought me to that life-changing event. I don’t think I was a particularly religious person when I was a kid. All I had in mind to play and be naughty, just by Fr. Roy Cimagala was like anybody else among my friends. But my mother saw to it that I prayed the rosary with her and some of my siblings who happened to be with her at EAR 2014 is fast becom- priesthood, since he was just the moment. ing a very special year consecrated bishop a few weeks It was she who instilled in for me. There actually earlier that year. me, among many other things, are many reasons for this, and The other is Blessed Pope love and veneration for the all of them leave me profound- John Paul II, who will be can- Pope. My lola and the teachers ly thankful and nervous. But onized saint on April 27. By an in grade school, mostly nuns, did the same. The moment I was told I would be ordained by Pope John And I just dethat Paul II, I literally froze in disbelief. A spontaneous and veloped love to the point strong flow of prayers came a little later. I stammered in that whenever I saw a picture of thanking God for the great gift, then I started to trace Pope John XXwhat brought me to that life-changing event. III, the Pope at that time, I felt among the reasons is the most extreme stroke of luck and, I good and holy and somehow gratifying fact that two men, believe, a pure bolt of grace, I urged to behave. very close to my heart, will be was chosen as one of those to be The nuns in school encourraised to the altar in this Year of ordained priest by him in Rome aged me to enter the seminary, the Laity. that year on May 26, Trinity but when I brought the idea to One is Bishop Alvaro del Sunday. my father, he said, no way. And Portillo, successor of Opus Dei The moment I was told I so I forgot about priesthood founder, St. Josemaria Escriva, would be ordained by Pope and pursued what everybody who will be beatified in Madrid John Paul II, I literally froze in else was pursuing. At that time, on September 27. He ordained disbelief. A spontaneous and all I wanted was to become rich me to the diaconate in Rome on strong flow of prayers came a lit- and all those thingamajigs. January 28, 1991. It was his first tle later. I stammered in thankturn to page 6 time to ordain candidates to the ing God for the great gift, then
sailing
Live Free!
by Samantha Catabas - Manuel
Touched by John Paul the Great
Y
“
”
Tabi po! ni Melo Acuña
N
Ang Hamon sa Media
May mga himpilan ng radyo na nagtatakda ng dalawang minuto o higit pa sa bawat brodkaster upang madagdagan ang kanilang kita. Batid ng lahat na hindi naman gasinong kalakihan ang sahod ng mga taga-radyo kahit na sa Metro Manila. Ang karaniwang kasunduan ay mula sa 100% na babawasan ng kaukulang buwis at ang neto ay mapupunta na sa brodkaster. Mayroon ding kasunduang 60%-40% at babawasan pa ng
A K A T U T U WA N G patalastas o advertisements na pag-aralan kung ano sinasabing may mga resibo at ang buhay ng isang Certificates of Performance. mamamahayag. Kontrobersyal Ang paliwanag ng dalawang itong paksa sa likod ng mga brodkaster ay saklaw ito ng lumabas na balita na may May dalawang prominenteng taga-media na diumano’y mga nabigyan tumanggap ng salapi bilang patalastas o advertiseng kontrata ments na sinasabing may mga resibo at Certificates of sa mga tanyag na brod- Performance. Ang paliwanag ng dalawang brodkaster kaster mula sa tanggapang ay saklaw ito ng kanilang kasunduan sa kani-kanilang d i u m a n o’y management sapagkat bahagi ito ng kanilang lehitipinadadaluyan mong kita na kilala sa pangalang premium. ng pondong halaw sa Priority Development Assistance kanilang kasunduan sa kani- kaukulang buwis. Mas malaki Fund. kanilang management sapagkat ang kita ng taga-radyo, samanMay dalawang prominen- bahagi ito ng kanilang lehiti- talang 40% lamang ang mauuwi teng taga-media na diumano’y mong kita na kilala sa panpahina 6 tumanggap ng salapi bilang galang premium.
“
”
L
Leap of Faith
ooking back at how I first started my life as a career woman, I realized, I was extremely focused on myself. It was all about my ambitions, my success, my yearnings… I was beginning to progress in my career when God suddenly changed the course of my journey. A new and totally different path was ahead of me. This would entail sacrificing my dreams and giving up my worldly desires. I found myself following God’s path and everything changed -- changed for the better of course. Because saying “yes” to God’s plan for me to be a missionary made me a better person. It was not a perfect life nor did I get the perfect job. I was not spared the heartaches, pains and challenges. For in the midst
me back after so many years? Had I not left my career, I would have been “someone” already by this time. Had I not given up my job, I would have already been established and successful in my chosen field. I was suddenly struck with fears and doubts about going back for I am not the same person anymore. But that’s precisely it! I was not the same ambitious, self-centered, career-driven, worldly person I used to be. This time, it’s not about me anymore. God now wanted me to move on and share myself to more people beyond my comfort zone. For 14 years, He was patient enough to mold me into becoming a person of true worth. He equipped me with the confidence I needed to serve Him
of it all, God’s perfect love for me was more than enough. I devoted 14 years of my life serving God full time as a missionary. 14 years of gaining new friends, exploring new territories, learning things I never thought I would, experiencing a rewarding life far beyond compare, and more importantly, being blessed with the things that matter most in life. As I continue to move forward, God is once again opening new doors of opportunity for me. This time, He is leading me back to where I initially thought would give me the best life – back in the corporate world. At first I wondered, why did God pull me out of this life only to bring
even more -- wherever He wants me to be. He needed me to be a better steward of His blessings, both the spiritual and the material ones. I know this time around, my inspiration to excel and succeed is rooted in my desire to serve God and my family. My sense of achievement will come from what I can give and contribute more than the recognition I can receive. I will never know exactly what else God has in store for me. For now, it’s all a leap of faith. Whenever I entrust everything to God, it will always be for the best. Time and again, God’s has proven that His best is always beyond what we need and hope for.
“
”
At first I wondered, why did God pull me out of this life only to bring me back after so many years? Had I not left my career, I would have been “someone” already by this time.
6
balita Touched by John Paul..
MAYO 8 - 14, 2014 from 5
But I met Opus Dei while studying in college in Manila. And my life changed, made a sharp turn. Well, that’s now history. My love and fascination for the Pope grew even more. When Pope Paul VI visited Manila, I happened to stay just a few houses from where the Nunciature, where he stayed, was. I remember standing the whole day right in front of the Nunciature together with the crowd just to have a glimpse of him. And when I saw him, it was as if I was floating on air with joy. Prayer when infused with joy became effortless. Then entered Pope John Paul II in 1978. At that time, I was already a professional man, working in some office, but also into deep philosophical and theological studies. It was he who sort of challenged me to take my Christian formation more seriously. I found him irresistibly stimulating and engaging. I was sure his presence, his words, even his mannerisms were all so soaked with a certain charism that I just found myself insatiably devouring his writings and any piece of news about him. I knew I was learning a lot and growing interiorly. When he visited Manila in 1981, I volunteered to be part of a press team. That enabled me to see him at close range. It was in Baclaran church, his first stop after arriving at the Manila airport, when I had the first chance almost to touch him if not for the security who stopped me at the last split second. Then I was asked to go to Rome for ecclesiastical studies. I actually did not seek the priesthood. I simply was called to it, and I just said, yes, after a little reflection. I still vividly remember every moment of that day of my ordination. What struck me most was that he started it very tired. He just came in from a trip and he already had serious health conditions. But as the event went on, I noticed he became very alive. At the end, he talked to me as if he knew me all along. I have no doubt he is truly a saint!
Ang Hamon ng Media..
mula sa pahina 5
sa himpilan. Mayroon din namang mga taga-media na ang sahod ay mula sa mga restaurant, hardware at maging mga kumpanya ng bus sapagkat may mga kumpanya ng radyo at pahayagan na nais mang magkaroon ng maraming kawani ay hindi kayang magpasahod kaya’t binibigyan ng laya ang mga reporter na maghanap ng pagkakakitaan. Sa unang sulyap ay maayos na kalakaran ito subalit kung susuriin ng malaliman ang ganitong kasunduan ay lalabas na taliwas sa isyu ng ethics, sapagkat obligasyon ng mga kumpanya ng radyo’t telebisyon at pahayagan na pasahurin ng maayos ang kanilang mga kawani. Nagkataon nga lamang na kahit na malaki ang sahod, may mga balita pa ring nabibigyan ng milyun-milyong piso sa mga emergency campaign o damage control programs ng mga kumpanya, produkto o politiko. Sa katatapos na Media Forum on Ethics na itinaguyod ng Foreign Correspondents of the Philippines (FoCAP) noong isang linggo sa UP College of Mass Communication, napag-usapan ang marapat at maayos na kalakaran at pag-uugali ng mga mamamahayag. Nabanggit ko sa aking kaibigang si Ed Lingao ng Philippine Center for Investigative Journalism na hindi lamang ang mga binabanggit ng mga taga-media ang mahalaga sapagkat higit na nakagagambala ang mga hindi binabanggit ng mga mamamahayag sa kanilang mga brodkast, artikulo at mga balita. Tabi po!
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT
tapatnews@areopaguscommunications.com
MAYO 8 - 14, 2014
Katoliko
7
Unapologetically Catholic ni MARK SILVA
Mali ba ang paulit-ulit na dasal?
K
ARANIWANG sinasabi ng mga hindi Katoliko na kinokondena ng Bibliya ang paulit-ulit na dasal gaya ng rosaryo. “Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita.” (Mateo 6:7) Ngunit kung susuriin ang naturang sitas sa Mateo ang pinatutungkulan ay ang “walang kabuluhang” pag-uulit. Hindi ang pag-uulit ang kinokondena ni Kristo kung hindi ang paggamit ng mga Hentil sa gawaing pagbibigkas ng dalanging walang humpay at pagsambit ng pangalan ng mga diyos upang mapwersa diumano ang mga diyos na pakinggan
ang kanilang mga dasal. Ang mga pagano sa panahon ni Kristo ay may mga paraan ng pagdasal sa iba’t ibang uri ng diyos. Sa nabanggit na sitas tayo ay sinasabihan ni Kristo na huwag tumulad sa mga Hentil, bagkus ay magtiwala sa Diyos na, “alam ng Ama ang pangangailangan mo bago ka pa man manalangin sa Kanya” (Mateo 6:25-34). Ang Bibliya mismo ay puno ng mga dasal na paulit-ulit: Mula kay Daniel, sa kapitulo 3 hanggang 57, Salmo 136; maging sa Mateo 20:31 kung saan pinagbigyan ni Hesus ang pakiusap ng isang bulag na madalas nag-uukol ng paulit-ulit na dalanganin. Maging sa kalangitan kung saan lahat ng panalangin at dasal ay inihahandog, sinasabing sa harap ng Trono ng Diyos: “Ang bawat isa sa apat na bu-
hay na nilalang ay may anim na pakpak sa kaniyang sarili. Puno ng mga mata sa buong palibot at sa loob nila. At hindi sila tumitigil araw at gabi sa pagsasabi ng: Banal! Banal! Banal! Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Siya ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang darating.” (Pahayag 4:8)
Ito ay patunay na hindi ang paguulit ang kinokondena, kung hindi ang pagsambit, ngunit wala sa puso. Maging si Hesus mismo sa kanyang pagdarasal ay umuulit, “Pagkatapos magdasal ni Hesus sa ikatlong pagkakataon, siya ay bumalik sa kanyang mga tagasunod...”
KATESISMO, MISMO! Bakit iisa lamang dapat ang Simbahan? KUNG iisa lamang si Kristo, nararapat na iisa lamang ang Katawan ni Kristo, iisang Kasal kay Kristo. Samakatuwid, iisa lamang ang Simbahan ni Hesu Kristo. Siya ang Ulo, ang Simbahan ang Katawan. Silang dalawa ay bumubuo sa “buong Kristo”, ayon kay San Agustin. Kung ang isang katawan ay maraming parte ngunit iisa, ganoon din naman ang iisang Simbahan na may mga bahaging partikular na simbahan o diyosesis. Binuo ni Kristo ang Kanyang Simbahan, na bahagi ng Iglesya Katolika, bilang pundasyon ng mga apostoles. Ang pundasyong ito ay sumusuporta sa kanya hanggang sa ngayon. Ang pananampalataya ng mga apostoles ay ipinasa sa bawat henerasyon sa pangunguna ng santo papa, ang ministeryo ni San Pedro, “na siyang kabahagi ng kawanggawa”, ayon naman kay San Ignacio ng Antiyokya. Maging ang mga sakramento, na ipinagkatiwala ni Hesus sa samahang apostoliko, ay siyang patuloy na kumikilos sa naunang kapangyarihan. [Mark Silva]
8
MAYO 8 - 14, 2014
How to
forgive by SKY A. ORTIGAS
L
& forget How to
ATELY, I’ve been through a lot of pondering. How is it to really forgive and how is it to really forget? From my years of missionary work, I have witnessed a lot of falling into sin and standing up again. I’ve seen and encountered moments of darkness to seeing the light. And forgetting the past.. moving on? People doing things over and over again. Sinning over and over again -- lying, using, killing, ouch.. over and over again. Does it makes us all stupid if we keep on being patient and forgiving all the time? What do we need to learn or need to do? What words to use to encourage, to forgive, to be more giving, to be more loving? I have sinned too. Yes, we are all sinners..But then we all react and get hurt when someone betrays us, lies to us, uses us. It hurts right? When someone lies to me, I get hurt -- man, to the deep. When someone does not do what he or she is supposed to do, I get disappointed. But then again we get to face the truth about living, that there will always be situations that people could hurt us, will hurt us. St. Pope John XXIII nighttime prayer was “It’s your Church, Lord; I’m going to bed.” This very prayer taught me 3 things:
1. Forgive all those who’ve hurt you and sleep. How to do it? Decide to forgive even if it’s hard. Decide. Do you need to hear the words “I am sorry?” No, you don’t need to. God forgave you even before you said sorry. Take note of it in your heart and mind.. “I forgive this person.” Offer it up as a prayer. 2. Forget all the hurts, the lies, the betrayal, but not the person. Forget the sins, but not the sinner. And sleep. How to do it? Again, DECIDE. Decide to not remember it at all. This will take more time, I know. But then you’ll see later, you will be more peaceful in the end. And yeah, do not forget the person -- even if you’re dying to, The best thing to do, pray for him or her, for them to repent, find peace and recognize their imperfections. Yes, love them.. until it hurts. 3. Go to bed. Rest. Sleep. After all, worrying and whining over it is not worth it. Better to rest, sleep and keep on loving. Yep.. until it hurts. Let go.. and Let Him.
“Even the darkest night will end and the sun will rise.” – Victor Hugo, Les Misérables
idolong TAPAT Ang mga estudyante ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ay buong sipag na kumukuha ng ‘Double Degree Program’ sa The Manila Times College (TMTC) sa kursong AB Journalism upang magkaroon sila ng mas malaking oportunidad pagkatapos ng kolehiyo. Ginaganap ang programang ito kada bakasyon at imbes magliwaliw, ang mga kabataang ito ay patuloy na pumapasok sa paaralan upang maisakatuparan ang mga minimithing pangarap. Sila ay mga Tapat sa kanilang adhikain na maging isang mabuting mamamahayag pagdating ng araw. (YO/TapatNews)