Tapat Vol 2 No 5

Page 1

@tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com

Pana-panahon... MAR 27 MAR 28 MAR 29 MAR 30 MAR 31

Partly Cloudyt

Partly Cloudy

Clear

Partly Cloudy

APR 1

Mostly Sunny Mostly Sunny

APR 2

Mostly Sunny

It’s good to know that...

TAPAT SA BUHAY

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014 VOL 2 NO 5

(photo: Raymond Sebastian)

TAPAT SA BALITA

A National Institutes of Health study showed that “couples using Natural Family Planning methods had statistically higher self-esteem and intellectual intimacy than couples using oral contraceptives.”

Nitong Marso 22, daan-daang mga pro-lifers ang nagmartsa mula T. M. Kalaw Street hanggang Quirino Grandstand, tangan ang imahe ng Mary Mediatrix of All Grace, bilang pagprotesta sa RH Law na siyang dedesisyunan ng Korte Suprema ngayong Abril.

BANTA NG IMPEACHMENT INIUMANG SA SC JUSTICES!

- Pahina 3


balita

2

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

Mga kontraseptibo binulgar LIFE NEWS ng kilalang doktor Ni OLIVER SAMSON

GUBAT, Sorsogon – Ibinunyag ng isang kilalang obstetrisyan at ginekologista ang mga kahila-hilakbot na epekto ng artipisyal na mga kontraseptibo sa isang lektyur na inorganisa ng Augustinian community noong Marso 22 sa Our Lady of Peñafrancia Chapel, barangay Tiris. Ayon kay Dr. Eleanor de Borja-Palabyab, MD, pangulo ng Doctors for Life Philippines (DFLph), maraming mga nakatagong masasamang epekto ang mga kontraseptibo sa katawan ng mga babae. Idiniin ni de Borja-Palabyab na ang natural na kakayahan ng katawan ng babae na magdalang-tao ay hindi “isang sakit” at isang “normal” na kondisyon. Ang lahat na likas sa tao ay hindi nangangailangan ng gamot, kung hindi, magkakaroon ng kakaibang reaksyon ang katawan dito. Dagdag pa ng doktor, ang paggamit ng artipisyal na kontraseptibo ay parang baliktad na pagpihit sa mga kamay ng isang orasan. Napabalita na ang nakamamatay na epekto ng mga artificial contraceptives tulad ng kanser sa suso, serviks, at atay, ayon sa World Health Organization (WHO). Ang mga kababaihang umiinon ng pildoras nang apat na sunud-sunod na taon ay may 50 porsiyentong mas mataas na

probabilidad na magkaroon ng kanser sa suso, ani de Borja – Palabyab. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng kanser sa suso sa Asya dahil sa mga kontraseptibo na ipinapalaganap ng industriya at ng pamahalaan sa pamamagitan ng media. Paliwanag pa ni De Borja-Palabyab na binabawasan ng mga pildoras ang natural na asido ng mga babae na siyang nagiging proteksyon nila laban sa bakterya. Kung ang likas na proteksyong ito ay naubos, ang mga micro organismong nagdudulot ng sakit ay aatake sa katawan ng babae, dagdag pa nito. Ang matataas na estrogen content sa katawan ng isang babae ay magdudulot ng pamumuo ng dugo sa utak at puso, ayon kay de Borja-Palabyab. Mayroong mga naitalang 43 kaso ng mga babaeng binawian ng buhay sa Inglatera dahil sa pamumuo ng dugo sa baga matapos ang pag-inom ng 2nd at 3rd generations pills. Ang mga nasabing artificial contraceptives ay nagdudulot din ng alta-presyon na maaaring mauwi sa stroke. Samantala, linalason ng Intrauterine Device (IUD) ang egg cell o ova ng babae sa pamamagitan tanso na nakasingit sa matris.

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT

tapatnews@areopaguscommunications.com

RH Law hindi makatutulong sa ekonomiya

Mahigit isang taon matapos ang pagpasa ng RH Law, patuloy pa rin ang protesta laban sa nasabing batas tulad ng katatapos pa lamang na "A March for Life" rally noong Marso 22 sa Maynila.

MANILA -- Muling iginiit ng isang ekonomista na hindi ang pagbawas sa populasyon ng Pilipinas ang sagot upang umunlad ang bansa. Ayon kay Economics professor Gary Olivar, Trustee ng Foundation for Economic Freedom, maraming dapat gawing reporma sa ekonomiya ng bansa para sa pag-unlad at hindi na kailangan ang Reproductive Health Law na kokontrol sa populasyon. Kabilang na sa reporma ng economic provisions ay ang sa halip na land reform lamang ang ipatupad para sa mga magsasaka, dapat silang bigyan ng dagdag na pondo para sa kinakailangang pataba sa lupa at ang pagpapalawak ng farm to market roads upang mapataas

ang kanilang kita. “Sa simula pa lamang ang RH Law masama na pinanggalingan. Remember, marami tayong natanggap na report na para lamang maipasa ang RH Law ay may mga sinuhulang pulitiko sa dalwang kapulungan ng Kongreso. Kung ganito ang pinanggalingan ng batas, masama talaga ang kahihinatnan nito,” dagdag ni Olivar. Sa isang panayam sa Radio Veritas, ipinaliwanag ni Olivar na nakapaloob sa naturang batas ang paniniwala na ang tanging solusyon upang tumaas ang kita o kabuhayan ng mga Pinoy ay kinakailangang bawasan ang dami ng tao sa bansa. “Madaling gawin ‘yan e. Pumatay na lang tayo ng kapwa [at] tataas din ang

per capita,” ayon kay Olivar. Idiniin ni Olivar na kaugnay sa industriya ng agrikultura ang pagunlad ng bansa “Halimbawa, sa halip na land reform lamang…bigyan sila ng abono, dagdag na farm to market roads para tumaas ang kanilang ani,” paliwanag pa nito. Una nang nilagdaang batas ng Pangulong Aquino ang RH Law noong Disyembre 2012, ngunit, naka Status Quo Ante Order (SQA) ito hanggang ngayon dahil sa iba’t-ibang petisyon laban sa pagpapatupad nito ang dinidinig ng Korte Suprema kung saan magaganap ang deliberasyon sa Abril 8 sa Baguio City. (Veritas)


balita Banta ng impeachment iniumang sa SC justices!

3

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

{{What’s up in Church?}}

Ni PAUL DE GUZMAN

MANILA -- Ilang miyembro ng Mababang Kapulungan na pinangungunahan ni OrientalMindoro Rep. Reynaldo V. Umali (2nd district) ang muling nagbanta ng impeachment laban sa tatlong ‘di pinangalanang miyembro ng Korte Suprema. Ayon kay Umali, panahon na upang panagutin ang ilang tiwali sa Korte Suprema na ayon sa una ay tila lumalagpas na sa tungkulin. Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang legalidad ng 2013 Pork Barrel na siyang isa sa mga nakikitang dahilan upang patalsikin sa puwesto ang ilang mahistrado ng kataastaasang hukuman. Isa pa diumanong dahilan ay ang desisyon ng Korte Suprema na Ipapawalang-bisa ang pagkapanalo ni Regina Ongsiako-Reyes bilang Kinatawan ng Marinduque. Sa House Resolution (HR) No. 597, kinikilala ang Kamara de Representantes bi-

lang tanging may karapatan sa usaping electoral protest laban sa mga mambabatas. Ilang kilalang tagapagtaguyod ng kontrobersyal na RH Law naman ang nagpakita ng suporta sa naturang banta ng impeachment, kabilang na sina Ilocos Norte Rep. Rodolfo C. Fariñas (1st district), Dinagat Island Rep. Arlene J. Bag-ao at Iloilo Rep. Niel C. Tupas, Jr. (5th district). Noong nakaraang isang taon ikinabahala ng ilang miyembro ng Kamara angpagpapalawig ng status quo ante order (SQAO) laban sa RH Law. Matatandaan sa kanyang privilege speech, ibinulgar ni senador Jinggoy Estrada ang dagdag na pork barrel na insentibo sa mga mambabatas kapalit ng pagboto pabor sa dating RH Bill (SB 2865) at pagboto sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona. Kilala rin ang mga nabanggit na sumusuporta sa

impeachment bilang mga tumayong prosekutor ng napatalsik na dating Chief Justice ng Korte Suprema. Samantala,mahigit kumulang 3,000 katao mula sa ibatibang Katolikong organisasyon ang nagmartsa kamakailan upang ipahiwatig ang mariing pagtutol sa Republic Act (RA) 10354 o kilala bilang Reproductive Health (RH) Law na naglalayong kontrolin ang populasyon sa bansa. Nakatakda namang ganapin sa Baguio sa darating na Abril 8 ang huling bahagi ng deiberasyon ng Korte Suprema sa RH Law at maaaring sa mga susunod na araw ay pagdesisyunan na rin ng Korte Suprema ang kahihinatnan ng Disbursement Acceleration Program (DAP), kilala bilang president’s pork barrel na unang nang isiniwalat na pinagmulan ng mga insentibo para sa pagboto pabor sa RH Bill at pagboto sa pagpapatalsik kay CJ Corona.

= From the Saints =

Oremus: A Lenten Eucharistic Adoration

[14 April, 7.30 p.m., Our Lady of the Abandoned Shrine of Marikina]

For more information, email juanpaolonebres@gmail.com

“The conception and birth of Jesus Christ are in fact the greatest work accomplished by the Holy Spirit in the history of creation and salvation…” - Dominum Et Vivificantem , The Holy Spirit in the Life of the Church and the World (#50)

= Blessed Pope John Paul II =

2nd Fiesta Fun Run

[27 April, Parish of the Lord of Divine Mercy, 5 a.m.] For more information, contact Win at 0927-7245445 or Lorena at 0909-5394784


editoryal

4

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Thursday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014

Editoryal

S

a darating na Abril 8, tatalakayin sa huling deliberasyon ng Korte Suprema ang Republic Act (RA) 10354 o kilala bilang Reproductive Health (RH) Law. Ayon sa mga nagsusulong nito, ang RH Law ang sagot sa kahirapan ng bansa na pinaniniwalaang kokontra sa paglobo ng populasyonkung saan, ang malaking populasyon ay nagdudulot diumanong kakulangan sa pagkain at trabaho. Maganda man ang hangarin, taliwas ito sa kanyang layunin. Ang matinding kahirapan ng bansa ay dulot, hindi ng kakulangan kung hindi, ng kagahamanan ng iilan. Kahit saang palengke sa Maynila kitang mas mauunang mauubos ang perang pangpalenke at hindi ang bilihin. Ibig sabihin,ang problema ay nagkukulang na ang karaniwang Pilipino sa panggatos, sanhi na rin ng patuloy na pagtaas ng bilihin, habang nananatiling maliit ang sinasahod. Tila nakatuon sa mga mahihirap ang RH Law sa kadahilanang ang mga mahihirap nating kababayan diumano ang

RH Law, dagdag pahirap “Maganda man ang hangarin, taliwas ito sa kanyang layunin. Ang matinding kahirapan ng bansa ay dulot, hindi ng kakulangan kung hindi, ng kagahamanan ng iilan. Kahit saang palengke sa Maynila kitang mas mauunang mauubos ang perang pangpalenke at hindi ang bilihin. Ibig sabihin,ang problema ay nagkukulang na ang karaniwang Pilipino sa panggatos .� karaniwang may maraming anak at hindi naman natutugunan ang pangangailangan ng mga ito. Totoo ito, ngunit ang paraan upang ma-solusyunan ito ay ang paglikha ng mga trabaho upang matugunan ang mga pangangailangan. Sinasabi rin na walang kontribusyon sa ekonomiya ang mahihirap kaya dapat lang na sila ay bawasan. Ang ganitong pananaw ay makasarili. Ang mahihirap nating kababayan ang siya mismong nagpapalago sa ating ekonomiya. Napansin ba ninyo ang tila pagdagsa

ng mga produktong mabibili ng tingi? Sachet ng shampoo, mantika, kape -- halos lahat na ata ng produkto ay may tingi. Ito ay dahil ang bawat mahirap nating kababayan ay may kakayahang bumili lamang ng tingi. Madalas din sinasabing hindi naman nagbabayad ng tax ang mga mahihirap. Tila sobra na itong pagmamaliit sa ating mga naghihirap na kababayan. Hindi alam ng karamihan na bawat produktong nabibili, maging ang pagsakay sa tricycle at jeep, ay may porsiyentong napupunta

sa buwis. Lingid din sa kaalaman ng karamihan na upang matupad ang adhikain ng RH Law ay mangangailangan ng karagdagang tax na siyang magbibigay ng pondo bilang pangbili ng pills at condoms. Maging ang mga tutol dito ay walang magagawa. Napakalaki ng 13.7 bilyones kada taon na gagastahin sa RH Law. Sapat na ang ganitong kalaking pondo upang makapagbigay ng edukasyon para sa libo-libong mahihirap. Ang napakalaking halaga na ito ay kukunin

din naman sa atin at hindi ito tulong at solusyon kung hindi dagdag pahirap lamang sa ating naghihikahosna mga kababayan. Sa pagpasa noon ng Value Added Tax (VAT) lumobo ng halos doble ang bilihin gaya na lamang ng gasolina na nagkakahalaga lamang ng P25 ay pumalo na ng P45. Kapag ang RH Law ay pinagtibay ng Korte Suprema asahanna natin ang bigat na ikakarga nito sa ating mga balikat. Hangga’t maaga dapat ay maging mapanuri tayo sa mga batas na ipinapanukala. Hindi natin alam na kadalasan ang mga batas na naipapasa na akala natin ay makatutulong ay siya mismong tuluyang maglulugmok sa atin sa kahirapan. At kung may makikinabang man sa RH Law, ito ay ang mga kumpanyang gumagawa ng pills at condoms kaya ganoon na lamang ang kanilang suporta sa batas, kaya ganoon na lamang ang kanilang pagbuhos ng pondo maipatupad lamang ang RH Law na dagdag pahirap.


MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

opinyon of practicality and convenience in our needs of knowledge and communication, but also and more importantly, considerations of appropriateness, morality and spirituality. Everyone knows that the digital world can have two effects. It is good to those who are good, and in fact, it will improve them. But it is bad also to those who are bad or weak, and it tends to worsen them. Digital citizens and users should therefore be

other and for strengthening our relation with God. he ideal would be that every time they are in the digital environment, they should learn to see God Fr. Roy Cimagala there and to be motivated only by love for God and for others. They should ask themselves after using WE have to learn how with their respective perithe Internet, “Am I now a to cruise the digital world. odic renewals, and other better person and child of It’s practically part of eve- things like traffic road God with what I have seen ryone’s life now, offering signs and traffic aides, we and done online?” a lot of good, but also a have to realize that we Unless this basic relot of dangers. We should need more or less the same quirement is met, one know how to make use set of regulations in our would enter into a highof it without compromisway that is a ing our dignity as persons slippery slope Everyone knows that the digital world and children of God. toward all can have two effects. It is good to those This highly technoforms of selflogical world introduces seeking with who are good, and in fact, it will imus to a virtual environtheir usual ment that is like a superprove them. But it is bad also to those company of superhighway with much greed, envy, who are bad or weak, and it tends to heavier and more complivanity, lust, cated traffic than what we gluttony, and worsen them. experience in our busiest sloth. Conflict thoroughfares. Its range and contention and scope is not local, but digital world. clear about their identity would not be remote in global, and it touches on Obviously, the regula- and dignity as persons this arena. Unrestrained practically all aspects of tions here would be more and children of God who competition and rivalry our life. extensive and compre- are supposed to be ruled would surge. If in our transport sys- hensive than what we by truth and love, and all That is why, this identity tems, we need regulations have in our transport sys- their consequences of jus- of the digital citizens as like registration of vehi- tems. They should cover, tice, mercy, compassion, - Page 6 cles, licensing of drivers not only considerations and of concern for one an-

SAILING

Cruising the digital world

ayon sa desisyon ng PMA. Anila, bilang institusyon na lumilinang ng maraming lider ng sandatahang lakas at ng gobyerno, marapat lamang na lagyan Rogie Ylagan nila ng mataas na pamantayan ang kanilang estudyante.Kung may mali man ang ilang mga graduate nito, hindi pa rin masisisi DAMDAMIN at lohika patapos na sanang kadete ang institusyon dahil may ang dalawang pangunahi- ng Philippine Military kanya-kanya silang desisyng bagay na nakakaapekto Academy (PMA). Nagon sa buhay. At kung may sa pagdedesisyon ng isang simula ito nang magpost gusto mang pagbabagong tao. Isa ang mas nakalala- ang kanyang kapatid sa mangyari ay dapat mang sa dalawa, depende sa lakas ng pagkontrol sa “Hindi ko rin sigurado kung may mga kadeteng na simulan ito sa sarili. May mga maitata- nagkamali, subalit nabigyan ng pangalawang mga bago at nagsiwag tayong mga taong pagkakataon. Kung mayroon man, maliit ang simula pa lamang at asahang dadalemosyonal na ang mas sinusunod ay ang bugso ng posibilidad na malaman natin kung sino sila, hin nila ito kapag damdamin at mayroon kailan at anong dahilan. Ganito ang kultura sa sila na ang mga namang ang pinapairal ay sandatahang lakas na parang isang pamilya na nasa taas. Sa kabila ng kung ano ang naiisip nisuyang mas tama. At kada- sila-sila na mismo ang umaayos kung mayroon maraming porta, paghingi lasan din ay depende ito mang gusot.” ng tulong sa ilang sa sitwasyon kung alin ang pinagbabatayan niya sa social networking site na ay may mas mababaw na ahensya kasama na ng Kopagdedesisyon. Facebook upang humingi kasalanan ay pinarusahan rte Suprema, hindi na naNaging maingay sa ng tulong at suporta ng tao ng ganoon kabigat sa kan- baligtad pa ang desisyon ng PMA. Nakalulungkot social media nitong na- patungkol sa natanggap na yang nagawa. karaan ang patungkol sa parusa nito sa loob ng in- Sa kabilang banda, may man, subalit nakaladkad pagkakadismiss ng isang stitusyon na nagresulta sa ilan namang sumang- Pahina 6

THE JUMPING WALL

Marahas man ang batas

kanyang dismissal. Marami ang nakisimpatya sa kadete hanggang kumalat ang balita at umabot sa mga taga-media. Marami ang nagalit sa binigay na parusa ng PMA na sa tingin ng karamihan ay sobra. Sabi pa nga ay tila lumalabas na ipokrito ang institusyon dahil marami sa mga alumni nito ang ngayon ay kinikilalang korap ng ating lipunan, samantalang itong kadete

5

NANG SIMULANG LIKHAIN Fr. Benny Tuazon

N

Lahat tayo ay magkaka-ugnay

oong nakaraan ay tinalakay natin ang katotohanang lahat sa mundo ay may hangganan. Gaano man katagal, ano man o sino mang nilalang ay may huling hantungan. Pero mayroon pang isang mahalagang katotohanan. Iyon ay ang lahat din ng nilalang ay magkakaugnay. Oo, may angking ugnayan ang lahat at hindi lamang ang mga magkakamag-anak, magkakababayan, mag-

nanagutan na mangasiwa sa lahat ng nilalang. Subalit, may angking kahalagahan din ang iba pang nilalang. Maling isipin na kahit ano man ang gawin natin sa kanila ay bale wala ito sa atin. Bagkus, dapat nating isaalangalang na may balik iyon at kung minsan ay matindi. ‘Yun na lamang pagtatapon ng basura kahit saan ay malinaw na paglalarawan nito. Alam natin na ang mga napabayaang mga basura ay

kakalahi, magkakatrabaho, magkaka-eskwela, magkaka-ibigan, o “friends” sa Facebook at iba pang social networks. May kaugnayan din tayo sa lupain, halamanan, mga hayop, kalikasan, araw, bituin, at lahat –lahat na! Hindi naman mahirap unawain na kailangan nating igalang ang kapwa natin. Malinaw sa utos ng Panginoon at kahit sa batas ng tao na masama ang manakit, lalo na ang pumatay. Ang bawat tao ay nilalang na kawangis ng Diyos. Binigyan ng Diyos ng dignidad ang bawat tao. Higit sa lahat, ginawaran ng Diyos ang tao ng kaluluwa at pa-

pinagmumulan ng maraming mga sakit. Ang mga insektong dumadapo dito ang siyang nagdadala ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit sa tao. Kapag humalo ang basura sa tubig, mas malala pa ang epidemya. Ano ang aral? Pamalagiing malinis ang paligid at itapon ang basura sa tamang lalagyan. Hindi lang iyon. Ang mga pabrikang nasa gilid ng mga ilog tulad dito sa kalakhang Maynila ay tapunan ng mga basurang kemikal. Marami sa mga kemikal ay nakalalason at hindi nawawala kahit matapon sa ilog. Malamang sa hindi ay hahalo

‘Yun na lamang pagtatapon ng basura kahit saan ay malinaw na paglalarawan nito. Alam natin na ang mga napabayaang mga basura ay pinagmumulan ng maraming mga sakit. Ang mga insektong dumadapo dito ang siyang nagdadala ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit sa tao. Kapag humalo ang basura sa tubig, mas malala pa ang epidemya. Ano ang aral? Pamalagiing malinis ang paligid at itapon ang basura sa tamang lalagyan.

- Pahina 6


balita

6 Lahat tayo ay magkaka-ugnay...

mula pahina 5

ito sa mga katubigan. Sa pagdaloy nito maaari itong mainom ng mga isda o, kung makarating sa malapit sa mga taniman, masipsip ng mga gulay. Hindi rin matutunaw ang mga kemikal na ito. At kung palarin tayong makain ang gulay o isdang iyon, mapupunta ito sa ating katawan at doon ito magiging sanhi ng malulubhang sakit. Diyos lamang ang nakaaalam kung gaano karaming tao ang maaapektuhan nito. Ano uli ang aral? Ang itinapon ay hindi nawawala. Babalik at babalik ito sa ibang paraan at panahon. Marami pang ibang halimbawa. Ang hangin na ating nilalanghap ay hindi lamang ang hangin sa ating paligid, bayan o bansa. Alam mo ba na ang hangin sa mga kagubatan ng Brazil ay nakakarating sa atin? Ang polusyon sa Tsina, akala mo ba ay tagaTsina lamang ang naaapektuhan? Damay-damay din tayo dahil sa dulot nitong pag-init ng mundo at pagbabago ng klima. Ang lamig tuwing Disyembre hanggang Pebrero ay dahil sa mga natunaw na yelo sa ibang bansa. Kahit pulo ang Pilipinas, nakararating ang maraming bagay-bagay dito dahil sa pagpapalitan ng mga produkto at paglalakbay ng tao. Hindi natin maiiwasan ang makitungo sa isa’t-isa. Lahat tayo ay magkakaugnay. Ang mang-aawit na si Joey Ayala ay sumikat dahil sa kanyang mga awiting pangkalikasan. Isa sa mga awiting iyon ay ang “Magkakaugnay.” Ang mga titik ng awiting ito ay nagpapaala-ala ng ating kaugnayan sa isa’t-isa, tao man o bagay, may buhay man o wala. Hayaan natin ang awitin ang magbigay liwanag:

Web of self-pursuit....

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

from page 5

persons and children of God who are necessarily connected with everybody else and governed by truth and love should always be protected, maintained and strengthened. Toward this end, it stands to reason that digital citizens and users should be men and women of prayer, of virtues, of clear criteria based on sound human and Christian moral principles. They should know the true nature and meaning of freedom, avoiding using freedom as “a cloak for malice,” as St. Peter said in his first letter (2,16). Otherwise, they would be confused and lost -- easy prey to the many subtle conditionings all of us are exposed to: physical, emotional, psychological, social, cultural, historical, economic, political. And since many young people are very much involved in the digital world, the elders and others in authority and influence should do everything to inculcate in them this proper identity and dignity of being persons and children of God, brothers and sisters with one another, ruled by truth and love. These youngsters are typically highly driven by their curiosities, but with curiosities that spring and are maintained usually by unpurified impulses and peer pressure. They really need to be taken care of, but in an appropriate way, since they also do not like to be treated like babies. If before a youngster is allowed to drive a car in our public road system, he has to have the proper age requirement, the appropriate physical and health condition, and has to be trained and tested, then it stands to reason that this youngster all the more would need a similar set of requirements before he is allowed to cruise in the more dangerous digital thoroughfares. This attitude toward the digital world should be developed first of all in the family, then in churches and schools, and then in other public places like offices, hospitals, and the like. We should understand that the digital world is not a free-for-all world. It would be a deadly understanding of freedom if that is how we understand the freedom we enjoy in our digital world. It has to be properly regulated, so we can cruise it safely and fruitfully.

Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay Sa gitna ng kalawakan Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay Sa halaman, sa hayop at sa atin Iisang pinagmulan Iisang hantungan ng ating lahi Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito Sa lupa, sa laot at sa langit Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang Katolikong santong si Francisco ay ganun na lamang ang pagmamalasakit sa kalikasan. Sa tindi ng kanyang pagkilala at paggalang sa mga nilalang, tinawag pa niyang kapatid ang araw at ang buwan. Hindi man kapatid sa dugo, tiyak namang ka-patid natin ang mga iyon sa Diyos na may lalang. Tunay na ang mga nilalang ay ginawa ng Diyos para sa ating kapakinabangan at kaligtasan. Subalit bahagi ng pananagutan at kalagayang iyon ang paggalang at pangangalaga sa mga ito. Sikapin nating mapanatili ang pagtataguyod ng mga ito habang pinakikinabangan natin. Alalahanin natin, dahil tayo ay magkakaugnay, apektado tayo sa bawat mangyayari sa kapwa nating nilalang gaano man ito kaliit.

Marahas man ang batas...

mula sa pahina 6

na nga ang buong institusyon dahil sa sunod-sunod na pagbato ng opinyon, naang karamihan ay wala namang nalalaman sa kalakarang militar. Taon-taon ay marami ang kadeteng nadi-dismiss sa PMA. Wala akong detalye ng mga dahilan ng kanilang mga pagkakatanggal. Hindi ko rin sigurado kung may mga kadeteng nagkamali, subalit nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung mayroon man, maliit ang posibilidad na malaman natin kung sino sila, kailan at anong dahilan. Ganito ang kultura sa sandatahang lakas na parang isang pamilya na sila-sila na mismo ang umaayos kung mayroon mang gusot . Ngunit sa pagkakataong ito na ang isyu ay sumabog at kumalat na, tila nawala ng tuluyan ang kaliit-liitang tsansa na ang kadete ay mapagbigyan pa -- nangyari nang nadamay ang pangalan ng institusyon at mga alumni. Kung mapapatawad at mapagbibigyan ang kadeteng ito ngayon, ano pa ang pipigil para magreklamo rin ang iba pang nadismiss at madidismiss pa sa susunod na pagkakataon? Ano ang mangyayari sa institusyon kung aalisan ng ngipin na ipatupad ang kanilang mga kautusan? Kung hindi kaya kumalat ang balita, mas nagkaroon kaya ng tsansa ang kadete na mapatawad? Hindi na natin ito malalaman. Pero kung may aral mang mapupulot ang karamihan, ito ay ang paggalang at pagsunod sa samahang ating kinabibilangan.theignoredgenius.blogspot.com

Ipinagbabawal ng Simbahang...

mula pahina 7

Ang pagniig sa ganitong panahon ay maaaring kalugod-lugod sa Diyos. Dapat ring tandaan ang pagniniig ay sagrado. Marami ang natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya at ang mga ito mismo ay itinataguyod ng Simbahan gaya na lamang ng napakaepektibong ‘Billings Method’ at iba pa. Importanteng magpakunsulta sa isang dalubhasang doktor upang malaman ang iba’t-ibang uri nito. Ang mga natural na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya ay ligtas at sadyang walang gastos kung ikukumpara sa mga artipisyal na paraan gaya na lamang ng pildoras, IUD at injectibles kung saan marami na ang naitalang namatay dahil na rin sa mga masasamang epekto nito sa katawan ng isang babae.

Music + Law...

from page 8

We (the law and I) have this love-hate relationship that lasted long until God allowed me to work in a prosecution office where the words of law came alive. I saw people helpless and unassertive about their rights. Napapadasal ako minu-minuto sa trabaho ko that I may render justice sa bawat case na nireresolba ko. Andun ‘yung hugot ng public service . And I come to realize that God answered my prayer song to Him when I was 9... Make me a servant humble and meek. Lord let me lift up those who are weak. And may the prayer of my life always be... Make me a servant, Make me a servant, Make me a servant today... Aside sa lawyering, I love theater. I was a director and scriptwriter for Teatro Entablado (a PSU theater group). I also do events organization for the Palawan Music Artists Guild. And lastly, I am a member of CFC Singles For Christ. I love mission trips. Ang bulk actually ng buhay ko is serving God through SFC. I have been in the community for nearly two decades na kasi I started in YFC. ‘Yung deepest need to serve God ay na ignite lalo sa SFC.


MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

Ipinagbabawal ba ng Simbahang Katolika ang pagpaplano ng pamilya? ni MARK SILVA

Noong 1968, nagpalabas ng encyclical letter si Pope Paul VI na tinawag na Humanae Vitae (Latin, “Buhay ng Tao”), kung saan isinasaad dito ang patuloy na turo ng Simbahan na mali ang paggamit ng artipisyal na kontraseptibo upang mapigilan ang pagbubuntis. Ang artipisyal na paraan ay mali dahil ito ay intensyonal na pagsaway sa disenyo ng Diyos o ang tinatawag na “natural na batas.” Ang natural na halaga ng pagniniig ng mag-asawa ay upang makabuo ng supling. Ang kaakibat na ligaya dulot ng pagniniig ay dagdag ng Diyos upang naisin ng tao ang pagkakaroon ng anak. Ito rin ay nagpapatibay ng pagkakaisa ng mag-asawa, respeto at pagmamahal. Ang mapagmahal na pagsasama ay nagiging magandang tagpuan para sa pagpapalaki ng mga anak. Ngunit, ang ligaya na dulot ng pagniniig ay hindi nagiging natural at delikado kung ginagawa lamang upang maramdaman ang sarap na dulot nito habang tinatanggal ang tunay na dahilan ng pagniniig – ang pagkakaroon ng anak. Hindi dapat inaabuso ang regalo ng Diyos na isang pakikibahagi sa pagbibigay ng buhay. Ito ay karaniwang nagdudulot ng hindi magandang pagsasama dahil na rin sa paglabag sa natural na batas. Makabago nga ba ang artipisyal na paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis? Sa katunayan may mga scrolls na natagpuan sa Ehipto, na pinaniniwalaang isinulat 1,900 taon bago ipinanganak si Kristo, na nagpapakita ng sinaunang mga paraan ng pagpipigil ng pagbubuntis – mula sa bulak upang sipsipin ang punla ng lalaki hanggang sa lason na inilalagay sa sinapupunan.

Ayon sa Bibliya, nagalit ang Diyos nang sadyang itapon ang punla para mapigilan ang pagbubuntis. Nasusulat sa aklat ng Genesis 38:8 “At sinabi ni Juda kay Onan, Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid. 9 At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid. 10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya’y pinatay rin naman.” Samakatuwid, ikinagagalit ng Diyos ang ganitong paraan ng pagpipigil. Ngunit mali nga bang pigilan ang pagbubuntis? Paano kung sa mag-asawang nagmamahalan ay kanilang gustuhin ang pagniniig, ngunit dahil sa kahirapan hindi na kayang magdagdag ng anak at tustusan ang mga pangangaliangan nito? Alam ng Diyos ang mga ganitong pagkakataon. Kaya naman dapat maging malinaw na artipisyal na paraan ang siSa katunayan may mga scrolls na natagpuan sa Ehipto, ang yang mali. Ang Diyos mismo ang na pinaniniwalaang isinulat 1,900 taon bago ipinanga- nagtakda na hindi lahat ng pananak si Kristo, na nagpapakita ng sinaunang mga paraan hon ang isang babae ay maaarmagbuntis. Samakatwid, ang ng pagpipigil ng pagbubuntis – mula sa bulak upang sip- ing pagkilala sa mga panahong tinasipin ang punla ng lalaki hanggang sa lason na inilalagay tawag na ‘infertile’ o di’pertil ay maituturing na natural na paraan sa sinapupunan. upang hindi magbuntis. - Pahina 6

KATESISMO, MISMO! Kailan ipanaalam sa sangkatauhan ang pagiging Ina ng Simbahan ni Maria? Ang pagiging Ina ng Simbahan ni Maria ay ipinahayag sa sangkatauhan nang malapit nang pumanaw si Kristo sa krus. Ang pagsambit ni Kristo ng, “Babae, heto ang iyong anak” (Juan 19:26-27) ay nagpapatunay na Kanyang ibinigay si Maria bilang isang ina sa Kanyang mga disipulo. Ang papel ni Maria sa Simbahan ay hindi mahihiwalay sa kanyang pakikiisa kay Kristo kung saan ito nagmumula. “Ang pagkakaisa ng Ina at Anak sa gawaing pagsagip sa sangkatauhan ay nagsimula pa sa pagdadalang-tao ni Maria hanggang sa kamatayan ni Kristo.” Mula noon, naging matatag na ang paglalakbay ng Birheng Maria sa pananampalataya, at napanatili ang pakikiisa sa kanyang Anak hanggang sa Krus. Tumayo si Maria, buong-buo ang pagyakap sa plano ng Diyos, at tinanggap ang hirap at hinagpis ng kanyang Anak sa pakikiisa sa sakripisyo ni Kristo bilang pighati ng puso ng ina. Tinanggap din ni Maria ang pagpaparusa sa kanyang anak bilang isang biktima dahil sa pagmamahal sa ating lahat.


#CoolCatholics

8

O

MARSO 27 - ABRIL 2, 2014

MUSIC + LAW = SANILYN by SKY A. ORTIGAS

ne pretty Catholic lady who captured my attention was my friend and sister in the community named Sanilyn. When I first met her, I told myself, I have to write about her and share her life to the world! Now, since I am doing this section, I guess, it’s Sani’s time to shine! Every time I get a chance to talk to Sani, I learn a few things. Despite facing a lot of life’s challenges, she became a woman who has won my admiration. Sani is someone who always strives to live out the best life in order to please the Father. So, I asked her a few questions that I always ask the people I feature and some personal questions about her as well. Here’s more about Sani. Sky: What makes you feel like a child? Sani: I always have this “kid” in me, so I always feel like I’m a child. Not childish! Specifically, playing outdoors. I love nature kasi, leaning under the shade of a mango tree or kaimito tree, eating dirty ice cream, walking under the glorious heat of the sun, magmano sa mga nakakatanda, when I receive a tap on my head and gugusutin ang buhok mo, hearing the choir sing and receiving and giving hugs! And attending Simbang Gabi. Sky: What are your simple joys? Sani: Oh, my simple joys! I love watching sunrises and sunsets. When I was a teenager, I would usually drive up to Mitra ranch (Palawan) and just watch the rays of the sun piercing through the clouds and kissing the emerald mountains. So heavenly ang view. I also love looking at the mountains and the calm seas. My fave part whenever I go home (to Palawan) is when the ship enters the bay and this creation greets you.. What a sight to behold. Ang sarap sa puso! Tanggal ang pagod sa biyahe. Simple joy ko din ang maghanap ng directions ng mga new places. Simple joy ko din kainin luto ni mama, especially ‘yung mga “maskipaps” niya, marinig boses ni dad sa radyo pag iniinterbyu siya, makipagwrestling sa mga brothers ko. Simple joy ko din ang to be with my pen and notebook and my guitar. Simple joy ko ang laughter with friends. Pag nasa jeep or bus, trike going somewhere or just driving. ‘Eto pahabol pa, simple joy ko din ang nasa old churches and reading history books. Sky: What makes you “sing”? Sani: We could go on forever answering this... Hahaha! It’s the life that God gave me that makes me sing. I love singing in mass. It’s where I discovered I can sing, so the celebration of mass makes me sing. Weddings! True love makes me sing. Pain and brokenness make me sing. Hope and peace make me sing. Celebration of triumph and inspiration. Or kahit walang reason, I just sing. Sky: When you compose/make music for the Lord, what or who inspires you? Sani: I pray before I write songs. But this presupposes that I was already inspired by the beauty of the environment, or truth of human experience. I am inspired din by my daddy’s work for environmental protection, especially protection against illegal fishing and illegal poachers. (My dad worked at BFar). I am also inspired by our youth. I have written many songs clamoring that really our youth has the power to change this world. I am inspired mostly with how God transformed my heart, inspired by His immense love for me and I am always grateful that because He loved me, He reveals to me what is love and how it is to love.. Yep, I am inspired to write because of His love. This explains also why I love to write wedding songs. I love how God orchestrated a beautiful story right before my eyes. Ang sarap kapag pinapakita sayo ‘yung misteryo ng Kanyang pag-ibig thru couples vowing forever before God. Yep, immense love ang tinta ng aking pluma. Sky: Can you share a favorite line or verse from any song you have composed? And why is this your favorite? Sani: 3 Songs Payong: Isa kang payong sa bagyo ng aking mundo. Isang kapoteng yumakap sa basang puso ko. Sumilip ako sa langit na biglang nagbago. ‘Di ko namalayang tumila na ang ulan sa puso ko..

Reassurance ni Lord na kahit anong bagyo dumating Siya ang aking payong na tagapagsanggalang sa lahat ng pagsubok at kapoteng yumayakap sa akin upang ‘wag lamigin sa buhay... I believe - My Child you’re forever mine. Be still and Know that I’m your Father. But You said to me, I’ll be free if I let You live in me. You said to me I’ll be whole In You, I’ll be consoled. That’s Your promise Lord, I believe. This song is His message to me... I was really faltering during that time. ‘Yung anguish ng inner self ko ‘di ko ma contain until bigla Niya akong ginising one early morning, at ito ang sinabi Niya sa akin.... I just cried after singing this... Recently naman na fave song ko eh Muling Babangon... It was written for Bohol and ‘Yolanda’ victims, but it was inspired by my dad’s battle against cancer... ‘Yung lines na muling babangon sa pag-ibig ng Ama. We hold on sa promise na ‘yun ni Lord. Even after dad died naka hold on ako sa line na ‘yan. Napaisip ako at nagreflect ako noon na kung hindi ba ibigay ni Lord ang dasal mo, mahal mo pa din ba Siya? Siya kasi kahit pag-asa man mawala, hindi mawawala ang pagmamahal ni Lord sayo. Kaya may lines din sa song na ... Bumaha man ng luha pag-asa ma’y mawala ‘Di mawawala ang pagmamahal ng Ama. Sky: Aside from being a musician, what else do you do? And why? Sani: Aside from being a songwriter, I used to work as an instructor at a college in Palawan and a legal researcher in the provincial prosecutor’s office. Now, I just finished my law studies and will be one of the bar hopefuls this year. Sabi nila music naman talaga ang labs ko bakit ako napunta sa legal prof? I myself asked the same question. It was God who led me here, and I guess He slowly revealed to me the reasons why.. - Page 6


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.