Tapat vol 2 no 4

Page 1

@tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com

Pana-panahon... MAR 13 MAR 14 MAR 15 MAR 16 MAR 17 MAR 18 MAR 19

Mostly Sunny

Mostly Cloudy

Sun through high clouds

Partly Sunny

Mostly Sunny

It’s good to know that...

TAPAT SA BALITA

TAPAT SA BUHAY

MARSO 13 -19, 2014 VOL 2 NO 4

Clouds rolling in

Sunshine in patchy clouds

There is an increase in the number of people seeking to go to confession, according to an informal survey of priests in England and Wales in 2013. An article published by The Telegraph has attributed the said spike to the “Pope Francis effect.”

Datos ng DOH sa aborsyon,

MANIPULADO?

MANILA -- Ibinunyag kamakailan ng kalihim ng Department of Health na si Enrique Ona ang lumalalang istatistika ng aborsyon sa bansa, isang rason, aniya upang agarang ideklarang constitutional ang Reproductive Health Law. Ngunit, lumalabas na mali ang paggamit ni Ona ng nasabing datos. - Pahina 3


balita

2

MARSO 13 - 19, 2014

Kawalan ng hustisya sa LIFE NEWS bansa bunga ng katiwalian Gobyerno ‘di malinaw ang – arsobispo solusyon sa maternal deaths Ni HARVEY SEBASTIAN

Iginiit ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na malaki ang posibilidad na walang mananagot at mapaparusahan sa pork barrel scam.

MANILA -- Laganap na katiwalian at kabagalan ng sistema ng hustisya sa gobyerno ang itinuturong dahilan ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan kung kaya’t tila hindi umuusad ang mga imbestigasyon sa pork barrel scam. Ayon sa Arsobispo, “Matapos man o hindi ng Senado ang imbestigasyon sa pork barrel scam, matatagalan pa rin mapanagot sa batas ang mga nagkasala o makalilimutan na ng taongbayan ang eskandalo dahil sa katagalan at usad pagong na kaso sa korte.” Pinangangambahan din ni Cruz ang posibilidad na walang mapanagot sa

mga sangkot sa pork barrel scam, lalo na ang mga kilala at makapangyarihang opisyal ng gobyerno. Dagdag pa nito, “Sakaling magkaroon ng desisyon ang Sandiganbayan sa kaso ay maaari pang umapela sa Korte Suprema ang mga papatawan ng parusa na lalong magpapatagal sa pagkamit ng hustisya.” Nanawagan naman ang arsobispo sa mga Pilipino na ituring ang isyu ng pork barrel na aral upang maging mapanuri sa mga darating na halalan at huwag na muli pang ibalik sa puwesto ang mga sangkot sa katiwalian. (Paolo De Guzman)

MANILA -- Taliwas sa paniniwala ng Department of Health (DOH) hinggil sa diumano’y solusyon sa pagtaas ng mga nangangamatay na buntis, ayon kay CBCPEpiscopal Commission on Health Care executive secretary Fr. Dan Cancino, hindi sagot ang RH Law upang matugunan ang pangangailan ng mga kababaihan sa bansa. Pinabulaanan din ng pari na tila wala sa pokus ang gobyerno hinggil sa pagresolba sa paglobo ng nangangamatay na kababaihan na nakatuon lamang sa pagbili ng pildoras upang mapigilan ang pagbubuntis. Ani Fr. Cancino, “Kung titignan natin ‘yung hakbangin ng ating gobyerno tungkol sa Reproductive Health ay mas makabubuti kung gagamit tayo ng mga artificial family planning method? Kung ‘yun lang ang pagbabatayan natin parang

nawawala tayo sa pokus.” Ayon kay Fr. Cancino, totoong malaki ang pangangailangan ng bansa sa serbisyong medikal, lalo na sa mga nagdadalang-tao, ngunit walang maitutulong ang pagpapatupad ng RH Law. Nilinaw ni Fr. Cancino na ang artificial family planning ay hindi solusyon para mapangalagaan ang ating mga kababaihan at hindi ito umuugnay sa tunay na kahulugan ng reproductive health na ang dapat sana ay pagtuunan ang kalusugan at serbisyong pangkalusugan ng mga kababaihan. Lininaw ni Fr. Cancino, ang tunay na pangangailangan ng mga buntis ang dapat pagtuunan ng pansin gaya ng serbisyong pangkalusugan, pasilidad at access sa mga pasilidad para sa mga buntis upang maiwasan ang pagkamatay, hindi ang pagtuon sa pag-iwas sa pagbubuntis gaya ng ipi-

napanukala ng RH Law. “Sa ating bansa napakataas pa din nung maternal mortality rate, ibig sabihin noon, hindi talaga natutugunan ang mga pangangailangan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang mga pangangailangan ng mga kababaihan na nanganganak. Marami pa rin sa ating mga kababayan ang namamatay na lamang dahil kulang ang accessibility at availability ng mga health care services para sa mga kababaihan. Pangalawa, kulang ang adbokasiya ng mga local government unit para paigtingin o palalimin ‘yung programang pangkalusugan para sa mga nanay o mga babae,” ani Fr. Cancino. Ginugunita ngayong buwan ng Marso ang International Women’s Month o ang buwan ng mga kababaihan.

= From the Saints =

‘...You will save more souls through prayer and suffering than will a missionary through his teachings and sermons alone. I want to see you as a sacrifice of living love...”

= Jesus to St. Faustina =


MARSO 13 - 19, 2014

balita

3

Datos ng DOH sa aborsyon, MANIPULADO?

{{What’s up in Church?}}

Ni MARK SILVA

Tulad din ng pahayag kamakailan ng Department of Health tungkol sa lumalalang istatistika ng aborsyon sa bansa, ang RH Law ay batay din sa mapanlinlang na datos, ani Fr. Melvin Castro ng Episcopal Commission on Family and Life.

MANILA -- Ibinunyag kamakailan ng kalihim ng Department of Health na si Enrique Ona ang lumalalang istatistika ng aborsyon sa bansa, isang rason, aniya upang agarang ideklarang constitutional ang Reproductive Health Law. Ngunit, lumalabas na mali ang paggamit ni Ona ng nasabing datos. Ibinunyag ni Dr. Quirino Sugon Jr., isang propesor ng Physics sa Ateneo de Manila University, na mapanlinlang ang nasabing pagtaas diumano ng mga kaso ng aborsyon sa bansa dahil pinagsama ng DOH ang mga kaso ng induced at spontaneous na aborsyon o pagtanggal ng fetus sa sinapupunan ng babae.

na, noong 2012 at 2013, ang aborsyon ay nasa top 3 obstetrics-gynecology cases sa walong ospital na sinuri ng DOH. Ayon naman kay Episcopal Commission on Family and Life (ECFL) executive secretary Fr. Melvin Castro, ang nasabing pagbubunyag ng DOH ay taliwas sa nauna nang mga pahayag nito tungkol sa aborsyon sa bansa.

Panawagang tuluyang ibasura ang RH Ani Castro, “Sinabi nila, hindi tinatanggap ang mga buntis [na nagpa-abort] sa mga ospital. Pero ngayon na nagbigay sila ng datos na may halos kalahating milyon na nagpapa-abort ang kanilang ginagamot kada taon...” Kataka-taka din para kay Castro na iginigiit ng DOH na ang tanging solusyon sa paglobo ng bilang ng aborsyon sa bansa ay ang pagpapatupad ng RH Law. Dagdag pa nito, “Ipinasa ang RH law ng walang basehan, maling akala, mapanlinlang na datos at maging panunuhol gamit ang Priority Development Assistance Fund o PDAF (Pork Barrel).” Hinggil sa pagdedeklarang konstitusyonal ng Republic Act 10354 o kilala bilang Reproductive Health (RH) Law, muli nanamang nanawagan ang Simbahang Katolika sa pangugnguna ng ECFL na tuluyan nang ibasura ang naturang batas.

Nakunan at nagpa-abort Paliwanag ni Dr. Sugon na ang nakunan o nagkaroon ng (spontaneous) miscarriage ay hindi sinadya , samantalang ang (induced) aborsyon ay sinadya. Ang pagkakaiba, ani Dr. Sugon, ay nasa intensyon na siya namang hindi kinilala ng DOH. Dagdag pa ni Dr. Sugon, “Tingnan natin ang 12 hanggang 15 porsyento ng mga buntis na nakunan. Ito ay hindi sinadya dahil ito ay spontaneous abortion ayon sa DOH, ngunit hindi naman nagpakita ng datos ang DOH sa bilang ng mga sinadyang nagpa-abort. Ibig sabihin nagpakita lang ng datos ang DOH sa mga nakunan pero wala sa mga nagpa-abort.” Sa isang press briefing ka- P13 bilyong pondo makailan, ipinahayag ni Ona Samantala, umapela si Bishop

Jose Oliveros ng Malolos, Bulacan sa mga mananampalataya na isama sa padarasal at pagaayuno ngayong Kuwaresma ang pinal na pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang RH Law. Ani Bishop Oliveros, “Ang diwa ng mahal na araw ay ang pag-alala sa paghihirap at pagkamatay ni Hesus sa krus upang magkaroon ng buhay ang tao na taliwas sa layunin ng RH Law.” Nito lamang Pebrero sa isang panayam, sinabi ni Dr. Ruben Siapno na maaari pa ring maipatupad ang RH Law kahit pa ideklarang labag sa Saligang Batas at tanging ang pondo lamang ang ipinagkaiba nito sa kasalukuyang mandato ng DOH sa pamimigay ng Family Planning services. Sa RH Law, maglalaan ng pondo ang gobyerno upang pababain ang bilang ng populasyon ng bansa. Sa unang pagtitiya noong kainitan ng debate sa RH Bill sa Senado, sinabi ni senador Pia Cayetano na mangangailangan ng 13.7 bilyong piso upang maipatupad ang RH Bill kasama dito ang pagbili ng pills at condoms. Nitong Marso nakatakdang magdesisyon ang Kataastaasang Hukuman hinggil sa kahihinatnan ng RH Law, ngunit iniatras sa darating na Abril. Sa huling pagtatala, pinagbotohan (8-7) ng Korte Suprema ang nasabing batas, pabor sa indefinite na pagpapalawig sa Status Quo Ante Order ng naturang batas.

“Updating YOUTH, SINGLES Installed” Evangelization Rally

[15 March, 6.00 – 10.00 p.m., St. Peter Parish, Commonwealth Avenue, Quezon City]

“Dugo Mula sa Puso”

Blood Drive alay sa PGH Charity Patients [28 March, 8.00 a.m. – 5.00 p.m., Federico Martinez Hall, U.P PGH, Taft Avenue, Manila]


editoryal

4

MARSO 13 - 19, 2014

AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Thursday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014

Editoryal

S

Ang pinakamagandang lugar para sa kababaihan

a maniwala kayo’t sa hindi, ang Pilipinas ang tinaguriang, “Best place to be a woman in Asia” o ang lugar kung saan may pinakamaayos na kinalalagyan ang mga kababaihan sa Asya. Ayon sa internasyonal na pahayagang Newsweek, ang Pilipinas ang ika-17 na pinakamagandang lugar sa buong mundo para sa isang babae, at ang kaisa-isang bansa sa Asya sa top 20 na listahan. Dinaig natin ang China, na nasa top 23 at ang Mongolia na ika-32 sa listahan. Hindi kataka-taka na magwawagi ang bansa sa ganitong patimpalak dahil bago pa man iugnay ng Newsweek ang kagandahan ng pamumuhay ng mga kababaihan sa mga pamantayan tulad ng pagtrato sa ilalim ng batas; pulitikal na kapangyarihan; pakikilahok sa paghahanapbuhay; oportunidad para sa edukasyon at pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan, tila nakaugat na sa kulturang Pilipino ang pagpapahalaga sa mga kababaihan. Sa mga sinaunang lipunan sa Pilipinas, ang mga kababaihan,

“Ayon sa internasyonal na pahayagang Newsweek, ang Pilipinas ang ika-17 na pinakamagandang lugar sa buong mundo para sa isang babae, at ang kaisa-isang bansa sa Asya sa top 20 na listahan. Dinaig natin ang China, na nasa top 23 at ang Mongolia na ika-32 sa listahan.” noon pa man, ay may mga karapatang magmay-ari ng lupa at ari-arian at mangalakal. Ngunit sa ngayon, tila tumatandang paurong ang mga Pilipino, partikular ang administrasyong Aquino. Itatapon ba natin ang likas na karunungan ng ating lahi dahil sa pag-udyok ng maka-Kanlurang kaisipan tungkol sa tunay na karapatan ng kababaihan? Ang pinakahuling pamantayan ng Newsweek ay “ang pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan” na siya namang tinugonan noong 2009 sa anyo ng Magna Carta of Women na nagbigay ng mandato para sa “Access to Informa-

tion and Services Relating to Women’s Health” o paghatid ng kaukulang impormasyon at serbisyo na may kaugnayan sa kalusugan ng mga kababaihan. Kasama sa ika-13 na seksyon ang “Prevention and Management of Reproductive Tract Cancers like breast and cervical cancers, and other gynecological conditions and disorders” o pag-iwas at paggamot ng mga iba’t ibang kanser tulad ng kanser sa suso at kanser sa sipit-sipitan, at iba pang mga kondisyong ginekologiko. Ang tanong, bakit ngayon pilit isinusulong ng pamahalaang Aquino ang Reproduc-

tive Health Law na siya namang nagtataguyod ng mga cancercausing contraceptives? Sa isang panayam sa DZIQ, inamin ni dating kalihim ng Department of Health na si Esperanza Cabral na, oo, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer dahil sa oral contraceptives. Marahil, nang mapansin niya ang nakatatawang-nakaiiyak na kabalintunaang ito, kumabig naman ito at sinabing, “May mga masasamang epekto na kaakibat ang mga oral contraceptives, ngunit mas marami ang mabubuti.” Sa ibang bansa tulad ng U.S. at Canada, may mga kompanya na

gumagawa ng contraceptives na hinahabla sa korte ng libo-libong kababaihan dahil sa mga nabanggit na “masasamang epekto na kaakibat” na ito. Isa dito ang Bayer Pharmaceuticals na siyang humaharap sa mga kaso na isinampa ng humigit kumulang 10,000 na kababaihan sa U.S dahil sa Yaz at Yasmin birth control pills na nadiskubreng nagdudulot ng abnormal ng pamumuo ng dugo (blood clots) at atake sa utak (stroke). Maramirami narin ang mga kaso ng mga babae sa U.S. na namatay dahil sa namuong dugo sa utak dahil sa pag-inom ng oral contraceptives. Ang isa, teenager. Ang isa naman, bagong kasal. Ang iba, nasa 20 taong gulang pa lamang. Ngayong buwan ng kababaihan, kilatisin natin ang totoong pagpapahalaga sa kababaihan. Isa ba itong katutubong paniniwala at pagpapahalagang likas sa atin, o isang konseptong banyaga pilit pinapalunok sa atin na taliwas, hindi lamang sa matinong pag-iisip, kung hindi sa kulturang Pilipinong mapagmahal sa buhay?


opinyon

MARSO 13 - 19, 2014

SAILING

Fr. Roy Cimagala

Web of self-pursuit

W

things can intoxicate us; we can also easily fall into insulating ourselves from God -- and even from others -- as we become more and more self-centered. The rise of couch potatoes in our midst is proof of this. The increase of laziness and indifference is another one. And even

e have to be data and information at wary of this pre- your bidding. sent danger. In The landscape of our our effort to gain knowl- business and politics, and edge, power, wealth, in- especially our social life, fluence and other hu“The rise of couch potatoes in our man ideals, we might end up simply pursumidst is proof of this. The increase of ing ourselves and not God, the real and ulti- laziness and indifference is another one. mate goal for all of us. And even those who may be driven This is happening in vast and massive by some passion while using our new proportions these technologies may just be feeding days. With our new technologies, we are their own egos.” always tickled to get more information; to talk has morphed drastically. those who may be driven and communicate more; Depending on our attitude, by some passion while usto share insights and ex- the number of both our ing our new technologies periences. friends and enemies has may just be feeding their Research work these multiplied also. own egos. days, for example, is almost For sure, there are now They may enjoy efficienlike a walk in the park. No many great benefits and cy, flexibility, adaptability, sweat really. Just type a few advantages we are enjoy- creativity, and many other words on the Internet, and, ing. But let’s be aware of the human and worldly valvoilá, you have all sorts of catch. For all these good ues...They may gain more

knowledge, power, wealth, fame while using these new technologies, but these may not bring them any closer to God. On the contrary, these may even bring them further from Him and from others. In the Gospel last Monday, there were many instances of people enjoying great blessings and privileges, and yet all these did not make them better persons. In fact, they became monsters. St. Paul once said in his Letter to the Romans: “God has given them the spirit of insensibility. Eyes that they should not see, and ears that they should not hear.” (11,8) And that’s because they have made gods of things and of themselves, rather than worshipping God. They have become ungodly. Again, St. Paul describes this danger vividly: “For professing themselves to be - Pahina 6

sila humihingi ng tawad. Sa bandang huli, ang binibigyan naman natin ng pabor ay ang mga sarili natin mismo na iwaksi ang galit Yen Ocampo na nararamdaman natin at magkaroon tayo ng kapayapaan sa puso at isipan. Hindi man ngayon, naniniwala ako na may adalas kapag may kakausapin mo ng maayos tamang panahon para nagsasalita sa atin pero barubal kung sumagot makapag-usap at maiayos ng hindi maganda, kaya mapapahiya ka na laang anumang hidwaan na nagagalit tayo kasi nasasak- mang at marami pang ibang nangyari. tan tayo. Initial reacton iyon senaryo. Tulad ng pagpapero naiba ang pananaw ko patawad na ginawa nang marinig ko ang sinabi “Napaisip ako, OO nga naman. Madalas sa ng isang bagong kaibigan na buhay ng isang tao, may magsasalita sa atin ng ni Hesus at pagbibisi Bro. Romel Lopez: hindi maganda. Halimbawa, bigla ka na lang gay Niya ng muling pag-asa sa sanlibu‘Inner healing is when tan nang Siya ay ipisomeone says bad things sisigawan na may nakaririnig na iba; magand you just smile, but deep paparinig ng mga bagay na alam mo naman nako sa Krus. Kaya sa mga nainside your heart, you pray na ikaw ang tinutukoy (Bakit hindi na lang kagawa sa atin ng for that person.” maganda, Napaisip ako, OO nga na- diretsuhin?); kakausapin mo ng maayos pero hindi man. Madalas sa buhay ng barubal kung sumagot kaya mapapahiya ka na ipagdasal natin sila at ang lahat ng negatiisang tao, may magsasalita sa lamang at marami pang ibang senaryo.” bong naramdaman atin ng hindi maganda. Halimbawa, bigla ka na lang sisi- Mga simpleng bagay pero nahon para humingi ng natin para sa kanila…At sagawan na may nakaririnig na nakasasakit lalo na kung tawad sa mga taong na- bay sabay nating sabihin ang iba; magpaparinig ng mga ang gumawa ay isa sa mga saktan natin o dili kaya ay mga salitan, “Sumainyo ang magpatawad sa mga taong kapayapaan!” bagay na alam mo naman taong mahalaga sa iyo. na ikaw ang tinutukoy (Bakit Sa mga ganitong pag- nakagawa sa atin ng hindi (re4teraker@hotmail.com) hindi na lang diretsuhin?); kakataon, mas pinipili kong maganda, kahit pa na hindi

RE4TERAKER

M

Inner Peace

manahimik para walang gulo kahit na may kirot sa puso pero ang hindi ko nagagawa ay ang ipagdasal ang mga taong iyon. Magandang pagkakataon ito lalo na at Lenten season na naman kung saan nabibigyan tayo ng pagkakataon na makapagnilay-nilay sa buhay natin at maiwasto ang mga mali nating nagawa. Ito rin ang tamang pa-

5

TABI PO

Melo Acuña

N

Turismo Mismo!

arinig ko noon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa harap ng mga Tsino at Pilipinong mangangalakal sa Beijing, Shanghai at Xiamen noong dumalaw siya sa Tsina na layunin ng magkabilang bansa na madagdagan ang bilang ng mga turistang dadalaw sa Pilipinas at Tsina. Pinalakpakan ng mga nakinig ang talumpating ito at umasa -- kahit

pamahalaan sa pagkakaroon ng 4,681,307 na turistang dumalaw sa Pilipinas noong nakaraang taon. Ilan kaya sa kanila ang mga balikbayan? Sa Bali, Indonesia, umabot sa 3.2 milyong turista ang dumalaw noong nakalipas na taon. Pawang turista pa lamang sa Bali ang nabanggit ko. Kung desidido ang liderato ng Pilipinas, makabubuting pakinggan ang ikinababahala ng ilang stakeholders upang madagdagan ang mga

Binanggit ni Governor Joey Sarte Salceda ng Albay na kailangang ayusin ang mga paliparan upang magkaroon ng night-landing capabilities. Ito rin ang karanasan ng mga taga-Cagayan de Oro, sa pagbubukas ng hinog-sa-pilit na Laguindingan Airport na tinatawag na ‘Di malandingan Airport sapagkat kulang sa kagamitan. ang mga mamamahayag panauhin sa Pilipinas. -- na magkakatotoo ito. Nagkataon nga lamang na naging maaanghang ang pahayag nina Kalihim Albert F. del Rosario at Pangulong Aquino hinggil sa sinasabing mga pagkiilos ng Tsinan a taliwas sa batas. Sa likod ng mga katagang ito, nagpatuloy ang pagdami ng mga turista mula sa Tsina na dumalaw sa Pilipinas. Sa pinakahuling ulat ng Tourism Research and Statistics Division, umabot sa 426,352 ang mga Tsinong dumalaw sa Pilipinas. Nalampasan nito ang target na 260,000 para sa taong 2013. Tuwang-tuwa na ang

Ano ba talaga ang balak ng Administrasyong Aquino sa Ninoy Aquino International Airport, partikular sa Terminal 1? Balak ba nilang gawaran ng UNESCO ng titulong Heritage Site ang makasaysayang paliparan? Kung puno na ang paliparan, bakit hindi alisin ang civil aviation sa NAIA at ilipat sa Sangley Point? Binanggit ni Governor Joey Sarte Salceda ng Albay na kailangang ayusin ang mga paliparan upang magkaroon ng nightlanding capabilities. Ito rin ang karanasan ng mga taga-Cagayan de Oro, sa - Pahina 6


balita

6

MARSO 13 - 19, 2014

IDOLONG TAPAT! ILSA REYES

Bilang isang inspirational speaker, si Ilsa Reyes ay Tapat sa kanyang pagiging Katoliko sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga aktibidades ng Simbahan. Bukod sa pagiging isa sa mga nagtatag ng inner healing ministry na ARISE (A Road to Integrated Selves toward Excellence), isa rin siyang broadcaster sa radyo. Ginagamit niya ang media upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Panginoon. Sa ganitong paraan niya ibinabalik ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. (YO/TapatNews)

Web of self-pursuit....

Turismo Mismo!...

mula pahina 5

pagbubukas ng hinog-sa-pilit na Laguindingan Airport na tinatawan ng ‘Di malandingan Airport sapagkat kulang sa kagamitan. Suriin din ng pamahalaan ang hotel rates sa Pilipinas na napakamahal kung ihahambing sa singil sa Bali, Indonesia, Ho Chi Minh at Hanoi at iba pang dinadalaw ng mga turista. Kung turismo ang aasahan, may sapat bang seguridad ang mga panauhin? Maglakad ka sa Intramuros at may mga may tattoo na mag-aalok na maging tour guide sa paglilibot sa magandang pook. Magandang maglakbay sa Pilipinas. Maraming magagandang tanawin. Sayang kung walang pasilidad na pakikinabangan ang mga panauhin, maging mga Pilipino man o banyaga. Tabi Po!

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT

tapatnews@areopaguscommunications.com

from page 5

wise, they became fools. And they changed the glory of the incorruptible God into the likeness of the image of a corruptible man, and of birds, and of four-footed beasts, and of creeping things.” (Rom 1,22-23) Of course, these days, our new idol are the new technologies that draw us into a sticky web of selfseeking. We are just pursuing our own comfort, our own convenience, our own interests. Anything that goes beyond these and can give a semblance of love, compassion, justice are purely accidental, not intentional. Or it is simply used as a smart cover for a selfish ulterior motive. This is what we have to be most careful about. That’s why we have to be most vigilant, starting with strengthening our belief that everything comes from God and belongs to God, and that whatever we do should always be for His glory. That’s what St. Paul said: “Whether you eat or drink, or whatsoever else you do, do all to the glory of God.” (1 Cor 10,31) God, not us, is the one who gives true value and worth to anything that happens in life. We have to be watchful of our passions that usually want to dominate us and to lead us along paths of self-satisfaction. They need to be purified, disciplined and led by the trio of the theological virtues of faith, hope and charity that enable us to live our life with God, and not simply by ourselves. We should not be afraid of the discipline of self-denial mentioned by Christ Himself, since that discipline can only be for our own good. Especially in these days of Lent, let’s train ourselves more intensely in the spirit of penance and sacrifice. Let’s be generous in this area. Let’s see to it that our recourse to the new technologies, and our pursuit of our curiosities, desires and ambitions are always grounded on love for God and for others. They should make us more pious, more compassionate and merciful. Yes, they should make us holy. In the end, holiness is really the goal of our life. Let’s always check our intentions. Let’s see to it that this love for God and other palpably grows, and just as palpably, that our self-love wanes and eventually disappears.

News in Photos....

Ilsa Reyes, who gives inner healing talks, gave the recent Mercy Cafe session titled, “Are you Brave Enough? The Art of Letting Go and Taking Risks” held at the Grills and Sizzles Restaurant along Examiner Street, Quezon City last March 8. Reyes encouraged the participants to experience the healing and love of God by trusting Him and by letting go of personal burdens. People should not be afraid to let go, at the same time believing that God accepts our weaknesses and forgives sins. (Yen Ocampo)


MARSO 13 - 19, 2014

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

A

Si Hesus ba ay Diyos?

ng isa sa mga katuruan ng Simbahang Katolika ay ang pagka-Diyos ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Marami hindi Katoliko ang nagsasabing hindi Diyos si Kristo dahil “TAO LANG DAW” siya at “HINDI DIYOS”. Dahil kung Diyos si Kristo ay magiging dalawa na ang Diyos, ayon mismo sa mga hindi Katoliko. Ngunit pinaninindigan ng Iglesia Katolika ang “pagkaDiyos” ni Hesukristo. Ayon na rin sa Bibliya, si Hesukristo, ang anak ng Diyos Ama, anak ni Maria, ay Diyos na nagkatawang-tao: Sa Juan 1:1 nakasaad, “Sa pasimula ay ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa-Diyos at ang Verbo ay Diyos.” Sa ibang pagsasalin ay ganito: “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasaDiyos at ang Salita ay Diyos.” Malinaw na ang “Salita” o “Verbo” na tinutukoy ay Diyos. Sa Juan 1:14 naman nakasulat, “Nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sa gitna natin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng bugtong na Anak na nagmula sa Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.” Malinaw din na ang “Verbo” o “Salita” na tinutukoy sa Juan ay nagkatawang-tao. Ibig sabihin, mula sa pagiging Diyos ay nagkatawang-tao Siya. Pinatotohanan ‘yan ni San Pablo sa mga taga-Filipos. Sa Filipos 2:5-7 nakasaad din, “Ang dapat ninyong maging damdamin ay tulad ng kay Kristo Hesus: Na bagamat siya ay nasa mismong likas ng pagiging Diyos, hindi niya pinilit na pinanghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos; bagkus ay kusa niyang hinubad ang lahat ng ito, at kinuha ang kalikasan ng isang alipin nang siya’y magkatawang-tao.” Tinanggap ba ni Kristo ang kanyang pagka-Diyos?

ni MARK SILVA

Oo, kaya nga sinabi niyang iisa sila ng Ama. (Juan 10:30) Gayon na rin nang tawaging “Panginoon ko at Diyos ko!” ni Tomas si Hesukristo makaraang magpakita si Hesus sa kanya nang muli siyang mabuhay. (Juan 20:28). Hindi sinagot ni Hesus si Tomas ng “Ako ay hindi Diyos, huwag mo akong tatawaging Diyos.” Bagkus sinabi niya, “Nakita mo ako kaya ka naniwala; mapalad silang hindi nakakita gayunma’y sumampalataya.”

Dahil ba Diyos si Kristo, dalawa na ang Diyos?

image source: internet

Dahil ba Diyos si Kristo, dalawa na ang Diyos? HINDI. Iisa pa rin sila ng Ama dahil si Kristo at ang Ama ay iisa. Ayon kay Hesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.”

HINDI. Iisa pa rin sila ng Ama dahil si Kristo at ang Ama ay iisa. Ayon kay Hesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Kaya nga dumampot ng bato ang mga Hudyo dahil si Kristo ay nagkukunwaring Diyos diumano. Sa Juan 10:31-33 nakasulat, “Muling dumampot ng mga bato ang mga Hudyo upang siya’y batuhin. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Marami na akong naipakitang himala sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan ng inyong pagbato sa akin?” “Hindi dahil sa alinman sa mga ito kaya ka namin babatuhin,” sagot ng mga Hudyo. “Kundi dahil sa pamumusong mo, Pagkat ikaw, na isang tao lamang, ay nagpapanggap na Diyos!”” Muli ay inulit ni Hesus na siya at ang Diyos Ama ay iisa, habang siya ay nananalangin para sa lahat ng mananampalataya sa Juan 17:22: “Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, gaya nating iisa.”

KATESISMO, MISMO! Paano iniuugnay ng Simbahan ang pagiging Kristiyano sa ating kulturang Pilipino?

Ang pananalig kay Kristo ay naipapahayag din sa pamamagitan ng mga tradisyon na bahagi na ng kulturang Pilipino.

Mayroong kapwa-kaugnayan: Ang “pagiging Kristiyano” ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang pagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano ay nagmumula lamang sa personal na pagsasaloob ng mensahe ni Hesus sa Pilipinong paraan ng pag-iisip, pagmamahal at pagpapahalaga. Itinuturo ng Simbahan na kailangang makilala nating mga Kristiyanong Pilipino ang sarili nating kultura at sa pamamagitan ng ating pananampalatayang Kristiyano, padalisayin, pangalagaan, paunlarin at gawing ganap ito. Gayundin, kailangang “iangkop natin sa kultura” ang ating pananampalatayang Katoliko sa mga pamamaraan nating maka-Pilipino. (Tignan AG, 21; PCP II, 202-11).


#CoolCatholics

8

MARSO 13 - 19, 2014

Life according to Doc Jane

O

by SKY A. ORTIGAS

ne cool Catholic that I know is one of my closest friends, Dr. Jane Juanico. Doc Jane and I served together in our youth community back in our “younger” days. I have seen her grow from a young lady who dreamt of being a doctor to someone who has made that dream a reality. But more than that, I have seen Doc Jane fulfill that dream by relying on prayer. After everything, she really believed that when you are with God, everything will fall into its perfect place. And yes, I got to ask her a few questions.. Sky: What makes you feel like a child? Jane: I feel like a child when I am surrounded by cheerful smiles and giggling people, most especially children. They make me think that dealing with the world is not difficult when you take it light-heartedly. Sky: What made you want to be a doctor? Jane: It was long dreamt by my parents that I would become a doctor. From my mother’s womb, that inspiration was shared to me by my parents. They even kept a lock of my hair from my first hair cut in a medical book. They are not doctors, but they shared the ambition that I would soon become one. And because I love them, I wanted to fulfill that dream. Sky: In your journey to fulfilling your dream, what were the challenges that you encountered and what did you learn from them? Jane: Challenges? Financial difficulties for one. I’m not of a well-off family, but I have hardworking parents. But the most difficult challenge was when there were people who thought I wouldn’t make it... I took the challenge positively, I worked and studied hard and prayed the hardest that divine intervention would help me pass the board exam. Sky: Now that you are a doctor, what do you want to achieve? Or do you still have more dreams? Jane: The first thing I learned when I went to med school was how to become a five-star physician -- a health care provider, an educator, a researcher, a manager and a social mobilizer. [I also learned] that learning is a continuous process. More dreams? Well, aside from being a doctor, I also want to become a traveler. Sky: What are your simple joys? Jane: A smile from a mom whose baby I delivered; a word of gratitude from a father whose son I treated for pneumonia; appreciation from a child I attended to after a trauma; and the joy of a community when I helped during a medical mission. Sky: As a doctor, how do you see life? Jane: Life for many may be harsh, but as a doctor, life is a miracle, as in giving birth to a baby. We may not know what lies ahead for us in the future, but it is not for us to decide. Life is precious just like any investment and it is priceless more than any diamond. Any plan to destroy it just like the RH Bill is the same as losing in a business or buying fake jewelry. Babies are great gifts. If you can’t stand up for it, don’t do it!

@tapatnews

/tapatnews

Doc Jane is not just a medical professional, she’s a lover of life!

“The first thing I learned when I went to med school was how to become a five-star physician -- a health care provider, an educator, a researcher, a manager and a social mobilizer. [I also learned] that learning is a continuous process.”

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.