@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
www.tapatnews.com
Pana-panahon... FEB 25
Mostly Sunny
FEB 26
Partly Cloudy
FEB 27
Mostly Sunny
FEB 28 Sunny
MAR 1 Sunny
MAR 2
Mostly Sunny
MAR 3
Partly Cloudy
It’s good to know that...
TAPAT SA BALITA
TAPAT SA BUHAY
PEBRERO 25- MARSO 3, 2014 VOL 2 NO 3
According to a survey by the University of the Philippines, among Filipino social classes, 100% of ABC respondents, 89% of D, and 79% of E respondents said they know and understand ‘People Power’.
MGA OBISPO
TUTOL SA
CHA-CHA MANILA -- Nagpahiwatig ng matinding pagtutol ang ilang mga obsipo ng Simbahang Katolika sa planong pag-amyenda ng Saligang Batas matapos simulan kamakailan ang diskusyon sa Belmonte Resolution No.1 na naglalayong baguhin ang ilang probisyon ng Konstitusyon. - Pahina A3
Pinoy Knightline
SECTION B
LIFE NEWS Opisyal ng CBCP nababahala dahil sa online child sex ring - Pahina A2
KATESISMO, MISMO! Ano ang dapat gawin kung sakaling ang mag-asawa ay hindi na maaari pang magsama? - Pahina A7
balita
A2 Publiko imbitado sa eksibisyon ng mga relikiya ng santo
photo credit: Raymond Sebastian
QUEZON City—Inaanyayahan ng Ateneo College Ministry Group (ACMG) at ng Ateneo School of Humanities Dean’s Office ang publiko sa isang linggong eksibisyon ng mga relikiya ng mga santo mula Pebrero 24 hanggang 28.
Modelo ng pananampalataya
“This relic exhibit aims to promote awareness of the perfect models of faith and service which is in line with the organization’s vision to introduce Ignatian values and spirituality through the true models of Jesuit faith,” pahayag ng ACMG. Ang nasabing eksibisyon ay “in honor of the saints whose stories serve as models of Christian life”. Ayon sa ACMG, ito ang kauna-unahang eksibisyon ng mga relikiya na gaganapin sa komunidad ng Ateneo. Makikita sa eksibisyon ang mga relikiya ng mga Heswitang santo tulad ng tagapagtatag ng Society of Jesus (SJ) na si St. Ignatius of Loyola, “Apostle to the Indies” St. Francis Xavier, at Blessed Bernardo de Hoyos. Ayon sa event organizer na si Meynard Espinosa, kasama din sa nasabing eksibisyon ang mga relikiya ng ebanghelista at iba pang kilalang santo.
Ano ang relikiya?
Ayon sa Catholic Encyclopedia, ang salitang “relic” ay galing sa salitang Latin na “reliquiae”. Ang relikiya ay tumutukoy sa “bahagi ng katawan, damit na nananatiling banal na alaalala ng isang yumaong santo.” Ang salitang relikiya ay ginagamit na bago pa man ang paglaganap ng Kristiyanismo. Ang pamimitagan sa mga relikiya ay hindi lamang kaugalian ng mga Katoliko kung hindi ng iba ring relihiyon. Isang pahayag mula sa Konseho ng Trent ang nagpapaliwanag nang lubos sa paniniwala at katuruan ng Simbahang Katoliko tungkol sa mga relikiya. Ayon sa nasabing utos, “the holy bodies of holy martyrs and of others now living with Christ” at maraming pakinabang ang ibinabahagi ng Diyos sa pamamagitan ng mga relikiya. Maliban sa mga relikiya, kasama din sa eksibisyon ang mga icon at mga rebulto, dagdag ni Espinosa. Ang eksibisyon ay makikita sa Peter Faber Hall Function Room sa loob ng Loyola Schools grounds ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City. Pamumunuan ng pangulo ng ADMU na si Fr. Jose Ramon T. Villarin, SJ ang seremonya ng cutting of the ribbon sa pagbukas ng eksibisyon sa Pebrero 24, sa ganap na 9:00 ng umaga. [Raymond A. Sebastián]
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
LIFE NEWS
Opisyal ng CBCP nababahala dahil sa online child sex ring MANILA — Isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nababahala dahil sa paglaganap ng internet child pornography sa bansa,matapos ang isang raid sa isang diumano’y cybersex den sa isang paaralan kamakailan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Conegundo Garganta, kinakailangang gawin ng pamahalaan ang lahat upang sugpuin ang child abuse at cybersex crime sa Pilipinas. Hinikayat din ng pari ang Department of Education na bawiin ang permit ng Mountaintop Christian Academy kung napatunayang alam ng administrasyon ng nasabing paaralan ang modus operanding nagaganap sa loob ng eskwelahan. “By all means DepEd (Department of Education) must revoke the permit
to such school. The offense is a grave threat to the safety of minors,” ani Garganta. Arestado naman sa isang raid ang siyam na kataong pinaghihinalaang may kinalaman sa cybersex operation sa nasabing paaralan. Kinumpiska din ng National Bureau of Investigation ang 50 computer at mga external drives na naglalaman ng mga adult at child pornographic materials na pinaniniwalaang inuupload sa internet. Nanawagan naman si Garganta sa DepEd na tiyaking hindi na mauulit ang ganitong pangyayari sa iba pang paaralan. “Random checking of schools means skipping who might actually be on this. DepEd should have a comprehensive plan to address such issue. Parents and students must be vigilant too,” dagdag pa nito.[CN]
= From the Saints = “If you can’t feed a hundred people, then feed just one.” = Blessed Mother Teresa=
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
A3
balita
Mga obispo tutol sa Cha-Cha MANILA -- Nagpahiwatig ng matinding pagtutol ang ilang mga obsipo ng Simbahang Katolika sa planong pag-amyenda ng Saligang Batas matapos simulan kamakailan ang diskusyon sa Belmonte Resolution No. 1 na naglalayong baguhin ang i-lang probisyon ng Konstitusyon. Nagpahayag ng pangamba si Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na kung isusulong ang charter change, maaaring maging anti-life ang 1987 Constitution. Dagdag pa ng obispo, “Banta ang charter change sa pagiging pro-life ng Saligang Batas kung saan pinapahalagahan ang buhay ng sanggol sa sinapupunan ng ina.” Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang taongbayan na maging mapagmatyag sa pilit na pagsulong ng gobyerno sa charter change na sinasabing para
lamang sa “economic reforms.” Naninindigan si Bishop Bastes na hindi dapat mabigyan ng puwang ang pagbabago sa Saliagang Batas dahil maraming magagandang probisyon ang dapat panatilihin at maaaring maipatupad kung mayroong political will. Nangangamba si Bishop Bastes na papalitan ng mga mambabatas na pabor sa RH Law ang mga pro-life provision ng 1987 Constitution. “Better no ChaCha, it is not needed. There are many good points of the 1987 constitution, it’s [a] pro-life stance. They might eliminate that!,” dagdag pa nito. Tulad ng Simbahan, itinuturing ng Konstitusyon na sagrado at banal ang buhay na dapat pangalagaan ng estado taliwas sa nilalaman ng RH Law na patuloy na pinagdedebatihan ang legalidad sa Korte Suprema. Samantala, bukod sa isyu
ng term extension, tutol ang Promotion of Church People’s Response sa panukalang charter change, partikular sa pagbabago sa economic provisions ng Saligang Batas. Naniniwala si PCPR secretary general Nardy Sabino na ibebenta ng gobyerno sa mga dayuhan ang likas na yaman at mga pag-aari ng Pilipinas. Hindi rin sang-ayon sa charter change sina Basilan Bishop Martin Jumoad at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz. Natatakot si Bishop Jumoad at Archbishop Cruz na darating ang panahon na wala ng pag-aaring matitira sa mga Pilipino at magiging squatters na lamang sa sariling bayan kapag natuloy na amyendahan ang mga economic provision ng Saligang Batas na nagpapahintulot sa mga dayuhan na bumili ng lupain, mga negosyo at istraktura sa bansa. [Radio Veritas]
{{What’s up in Church?}}
A4
editoryal
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014
Style PNoy
Editoryal ‘UNDER promises, yet over delivers’. Ito ang pagsasalarawan ni Pangulong Benigno Aquino sa kanyang administrasyon sa isang pagpupulong ng mga investor kamakailan. Saan banda, Mr. President? Hindi lamang tapat sa mga pangako,ngunit labis pa rito o ‘exceeding expectations’ -- ito ang isang pahayag na mapapakamot ulo ka. Ang tinutukoy ba ni PNoy ay ang disaster preparedness tulad ng nangyari sa Samar at Leyte? O baka naman ang ubod na bilis na pag-ikot ng gulong ng hustisya at pananagutan sa kaso ni Janet Lim - Napoles at ng pork barrel scam? Isama pa rito ang sinasabing hindi umano natanggap ng pamahalaan ang sulat ni Maria Teresa Martinez, ang ina ni Michael Christian Martinez, ang 17-taong gulang na Pinoy skater na sumabak sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia kamakailan. Sa sulat, humingi ng suporta si Mrs. Martinez para sa anak na kumatawan sa bansa sa nasabing kompetisyon. Ayon naman kay Presidential Communications Operations Office Sec. Her-
Ang isang napansin ng marami sa kasalukuyang administrasyon ay ang walang sawang paglabas nito ng PR, pa pogi points, diversionary tactics at iba pa. Ang pagpapabango ng pamahalaan ay nagsimula sa mga tag line na ngayon ay tila mga patawa: “Matuwid na Daan”; “Walang Wang-wang”; at “Kayong ang Boss ko.” Nakalulungkot na ang mga pangakong ito ay hindi lamang hindi natutupad, kung hindi tahasang sinasalungat. Ito nga ba ang istilo ng administrasyong Aquino? minio Coloma Jr., marahil ay napunta sa ‘spam’ ang nasabing liham. Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na mayroong nawalang liham na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi natanggap o naglaho mula sa kamay ng administrasyong Aquino. Matatandaang ‘nawala’ din diumano ang liham na ipinadala ni Sultan Jamalul Kiram III kay pangulong Pnoy tungkol sa isyu ng Sabah. Ang opisyal na pahayag ay nawala ito sa ‘bureaucratic maze’, kung saan mang lugar iyon, mukhang hindi na matatanto pa ng mga Pinoy. Inako naman ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang
pagkawala ng dokumento na ipinadala pa noong 2010, ngunit nananatili pa rin ang agam-agam na hindi kaya’y ang ganitong mga pangyayari ay hindi lamang nagkataon, kung hindi isang sintomang hindi na maitago pa ng administrasyong Aquino: ang kawalangpagpapahalaga sa kalagayan ng mga mamamayang Pilipino. Kung hindi man isyu ng disaster preparedness ang pag-uusapan, paano naman ang simpleng pag-responde sa pangangailangan ng mga taongbayan? Ayon sa isang news report ng Philippine Star, may nadiskubreng nabubulok na bigas sa Subic na nagkakahalagang P58 milyon na naka-
laan para sa mga biktima ng ‘Yolanda’. Nakatakda namang ipatawag sa isang committee hearing si Social Welfare Secretary Corazon Soliman upang magpaliwanag kung bakit hindi naipamahagi ang bigas sa mga libo-libong mamamayang nangangailangan nito. Tinatayang may 45,000 sakong bigas ang hinayaang mabulok sa isang bodega sa Subic. Ito ba ang sobra-sobrang pagtugon ng pamahalaan sa kalagayan at kondisyon ng mga taga-Leyte at Samar? Sa kaso naman ni Napoles,mukhang gagamitin ang argumentum ad misericordiam upang maisahan na naman ang sambayanang Pili-
pino. Marahil nga isang karapatang pantao ang mabigyan ng kaukulang atensyong medikal ang sinoman, ngunit talagang isang tandang pananong ang lumilitaw: Kung si Napoles ay isang karaniwang nilalang, na napagbintangan ng estafa, at mahirap lamang, halimbawa, may pakialam kaya ang korte kung may ovarian tumor siya? Unti-unting humihina ang hiyaw ni Juan dela Cruz dahil sa isyu ng pork barrel at ang administrasyong Aquino, na kampeon diumano ng ‘Matuwid na Daan’ ay tila kibit balikat sa usad ng imbestigasyon. Ang isang napansin ng marami sa kasalukuyang administrasyon ay ang walang sawang paglabas nito ng PR, pa pogi points, diversionary tactics at iba pa. Ang pagpapabango ng pamahalaan ay nagsimula sa mga tag line na ngayon ay tila mga patawa: “Matuwid na Daan”; “Walang Wang-wang”; at “Kayong ang Boss ko.” Nakalulungot na ang mga pangakong ito ay hindi lamang hindi natutupad, kung hindi tahasang sinasalungat. Ito nga ba ang istilo ng administrasyong Aquino?
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
Management By Objective (MBO) that precisely highlights the importance of the sense of the end. The end gives us a global
of order and priority. It motivates us to set goals, make schedules and use time prudently. Ultimately, it helps us distinguish between the essentials and the non-essentials in our life. A person who does not have a sense of the end is obviously an anomaly. He tends to be lazy and prone to his personal weaknesses, to drift off aimlessly and lose control of his life. Such
picture and sheds light on the present. It guides us. It gives us a sense of confidence and security. It reassures us that we are on the right track, that we are doing well. The sense of the end motivates us to make plans always, to be thoughtful and anticipative of things. It teaches us also a sense
person is usually called a bum, a tramp or a vagrant. Since we all somehow pass through this stage, let’s hope that the phase be as short as possible, and that our reaction to it should produce the opposite effect of precisely taking the duty to develop this sense of the end more seriously. There, of course, are
SAILING
Fr. Roy Cimagala
W
Sense of the end
E need to develop a sense of the end. This is unavoidable and indispensable. Even in our ordinary affairs, we take it for granted that we ought to have some idea of the end or purpose in mind before we move. When we travel, for example, we first identify the destination, and then from there, prepare ourselves accordingly—what to bring, how to dress, etc. A student, reviewing for an exam, would try to figure out the likely topics that would come out, and from there would start to organize his study. I remember that in the world of business, a popular theory was that of
A5
opinyon
“It is this faith, and not just some earthly science or art that assures us of eternal life and joy. We have to be wary when our sense of the end is ruled only by temporal goals.”
some complicated people who philosophize too much by saying that we can never know the end, and so, they ask how can we develop a sense of the end? This kind of thinking is pure sophistry that can easily be dumped by the mere use of common sense. It’s true that we may never know everything about the end, but it’s not true that we cannot know enough about the end of anything. That’s why we can only talk about a sense of the end, since it is a dynamic affair that has known and unknown, absolute and relative, constant and changing elements involved. We are not dealing with mere mathematics and mechanical things alone in this life. There are spiritual and other intangible things involved that necessarily would require us to be continuously open to anything, remaining discerning, flexible and focused. And so, what we instinctively do in our daily ordi-
- Page A6
‘Bawal umihi.’ May mga lo. Isa na lang ata tayo sa lugar na nakasulat ang natitirang mga kakaun‘Bawal magtapon ng ting bansa na itinutubasura.’ Mga ‘No smok- ring na krimen ang libel. ing’ signs sa mga lugar na Sa iba kasi ay kasong sibil Rogie Ylagan hindi naman dapat talaga lamang ito. At mas lalo pa pagsigarilyuhan. Marami tayong naiba sa pagdagding mga delikadong dag ng Cyber libel. Makalsada na ang nakalagay rami ang nainis at nataay bawal tumawid at may kot dahil sa pangambang kasama pang mga bakal baka magamit ito ng ilan ksidente dulot ng iguradong kaliwa’t kanan na harang sa mga center sa pagtugis sa kanilang mga concrete bar- ang mga counterflow, u- island. Pero kahit may mga kalaban dahil ang rier sa mga kalsada simpleng pagsa Metro Manila ang isa sa “Para rin tayong mga pedestrian at mga post ng status madalas na bumubulaga sa tsuper na dapat pang lagyan ng concrete laban sa isang atin. Karamihan ay hindi tao ay maaari napansin; masyadong barrier at naglalakihang signboards para nang magamit matulin magpatakbo; o lang sundin ang batas na alam naman nat- na ebidensya pakaya naman ay nakainom tungkol sa batas ang driver kaya ito nang- ing dapat nating gawin at sundin sa una na ito. yayari. Kung titingnan ang pa lang. Masyado na nating sinasamantala Kung ano ang mga kalsadang may connangyayari sa crete barriers, karamihan ang ating mga karapataan at kalayaan.” pagbabawal sa naman dito ay parang ‘di mga bagay na naman kailangang lagyan turn at paglikong wala sa harang at sign na, may tu- kung tutuusin ay norpa ng mga ganito. Pero lugar na malamang mas matawid pa rin. mal na dapat at hindi na bakit mayroon nito? Da- makadudulot pa ng mas Mainit ngayon ang ginagawa ng isang sibihil na rin sa mga salaul- maraming aksidente. usapin sa Cyber libel. lisadong lipunan, ganon ang ugali ng maraming Marami din sa mga Marami ang kontra. Ka- din ang nangyayari sa tsuper na kung wala itong pader ang mababasa na- hit ako ay hindi pabor sa - Pahina A6 mga harang na ito, pan- ting may nakasulat na pagiging krimen ng libe-
THE JUMPING WALL
Bakit Bagay sa Pinoy ang Cyber libel?
A
NANG SIMULANG LIKHAIN Fr. Benny Tuazon
Ang kalikasan ay para ding tao
M
agsisimula tayo ngayon, sa pamamagitan ng pitak na ito, ng pag-aalam at pagninilay sa kalagayan ng kalikasan sa ating mundo. Mahalaga ito sapagkat malaki ang kinalaman ng kalagayan ng panahon at kapaligiran sa ating buhay. Ang pagbabago, halimbawa, ng klima ay nagdidikta sa ating pamumuhay. Kung malamig, kailangan ng pangginaw. Kung mainit, kailangan ng panangga sa init. Kung tag-tuyot, kailangan ng tubig. Kung may ulan at baha, kailangan ng lagakan ng tubig ulan at ligtas na lugar. Sa madaling salita, malaking tulong ang kaalaman upang makatugon ng angkop sa mga hamon at panganib na darating. Gayundin, ang tama at malalim na pag-unawa sa mga nangyayari sa ating kapaligiran ay magbibigay din sa atin ng kakayahan na maiwasan o ‘di kaya ay mapigilan ang paglala ng mga mapanaganib na mga kalagayan hinggil sa kalikasan. Pinili ko ang titulong “Nang Simulang Likhain” upang maipahatid ang katotohanang marami sa mga nangyayari sa ating kapaligiran ay makakasumpong ng kapaliwanagan at katugunan sa kanilang pinagmulan. Hango ang mga salitang ito sa simula ng unang aklat ng Bibliya, and Genesis. Doon ay itinatakda na ang lahat ay nilikha ng Diyos at doon din ay sinabi ng Diyos ang kahulugan at layunin ng
Kanyang mga nilikha. Magiging gabay natin ito sa higit na makabuluhan at mabungang pagtalakay sa mga makakalikasang bagay-bagay na ating bibigyang pansin dito. Bilang pauna, kailangang linawin natin na ang lahat ng nilikha ay may limitasyon o hangganan. Maling akalain na maaari nating gamitin ang lahat ng walang patumangga. Malaking bagay sa kalusugan ng kalikasan kung igagalang at lagi nating aalalahanin ang katotohanang ito. Bagama’t nakikita natin na maraming tubig, pagkain, halaman, lupain at iba pang likas yaman sa ating kapaligiran, may mga pagkakataon na nalilimutan natin na ang mga ito ay unti-unti ring nauubos sa madalas na paggamit. Ang pagtubo, paglago at pagsagana ng mga nilikha ay nangangailangan ng panahon, pag-aaruga at pamamahinga! Ang tubig sa ilog, halimbawa, ay malinis sa simula. Hindi maiiwasan na may mga duming maitatapon doon. Alam n’yo ba na may kakayahan ang tubig ng ilog na linisin ang sarili na sanhi ng duming itinapon? Sadyang nilikha ng Diyos ang kalikasan na may angking kakayahang gamutin ang sarili. Saksi dito ang katawan ng tao. Ang simpleng sugat at kahit impeksiyon ay kayang malunasan nito kahit hindi maggamot. Subalit, kung ang dumi na maitatapon dito ay sobrang dami, katulad ng tao, malulunod din ito. At - Pahina A6
balita
A6 Sense of the end....
mula sa Pahina A5
nary affairs, we should also do, and, in fact, do as best as we can, in the ultimate dimensions of our life. Here we have to be guided by our core beliefs that should penetrate beyond the material, temporal, and worldly aspects into the realm of the spiritual, eternal, and supernatural. In this regard, for those of us who are Christian believers, the model to follow is Christ. From childhood, He already knew what his whole earthly life was all about. He never deviated from that path: “I do nothing of myself, but as the Father has taught me.” (Jn 8,28) It would be good that as early as possible, we can also have the same kind of knowing what our whole life here on earth is all about, guided by our faith, and the example of Christ. It is this faith, and not just some earthly science or art that assures us of eternal life and joy. We have to be wary when our sense of the end is ruled only by temporal goals. To be sure, to have that Christian mindset does not lead us to develop rigid thinking and ways, to bigotry, intolerance and triumphalism, as some quarters have accused Christian believers even up to now. On the contrary, if we truly follow Christ, we would have a very open mind. We would be flexible and adaptable. We can accept anything and would know how to handle them. Nothing can scandalize us—that is, if we are truly living the life of Christ. The death of Christ on the Cross precisely signifies His openness to everything in our earthly life. And His resurrection means His victory over any form of sin and evil, including death. Let’s forge a sense of the end that truly corresponds to our nature and dignity
Bakit bagay sa Pinoy....
mula sa Pahina A5
kalayaan nating magpahayag ng ating mga saloobin. Lagi na lamang nating naririnig na pinanghahawakan natin ang ating karapatan, ngunit hindi ang kaakibat na responsibilidad. Dahil na rin sa paglaganap ng social media at pag-usbong ng iba’t ibang platform sa internet tulad ng blogs, lahat tayo ay maaari nang maging tagapagbahagi ng mga impormasyon at opinyon sa maraming tao tulad ng isang tradisyonal na kumpanya ng media. Minsan pa nga ay mas malawak at mas malaki pa ang sakop ng mga ito. Subalit, kumpara sa tradisyonal na media na may sinusunod na panuntunan, walang batas na sumasakop at nagreregulate sa mga ito. Isa rin akong blogger at marami na akong nakita na mga kapwa kong blogger na ginagamit ang paraang ito sa hindi magandang bagay tulad ng pagbibigay ng impormasyon na kulang ng balanseng pagsasaliksik patungkol sa bagay na tinatalakay. At madalas din itong mangyari sa social media. Para rin tayong mga pedestrian at mga tsuper na dapat pang lagyan ng concrete barrier at naglalakihang signboards para lang sundin ang batas na alam naman nating dapat nating gawin at sundin sa una pa lang. Masyado na nating sinasamantala ang ating mga karapataan at kalayaan. Kaya nakalulungkot sabihin at aminin na sa kalagayan ng bansa natin ngayon, mukhang mas kailangan nga talaga tayong magkaroon ng batas tulad ng Cyber libel. theignoredgenius.blogspot.com / rogie_ylagan@yahoo.com
Ang Kalikasan....
mula sa Pahina A5
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
ang resulta ay ang unti-unting pagkamatay ng ilog.Ganyan ang nangyari sa ating Ilog Pasig at iba pang katubigan. Kung titigilan muna o babawasan natin ang duming itinatapon sa Ilog Pasig, hindi magluluwat at ito’y magiging malinis at buhay na muli. Maraming nanghihinayang sa Ilog Pasig. Ang ilog ay mahalaga sa kaunlaran. Ang mga kilalang mga siyudad sa buong mundo ay karaniwang malapit sa mga ilog; Ilog Nile sa Alexandria, Egypt; Ilog Chao Phraya sa Bangkok, Thailand; Ilog Thames sa London, England; Ilog Seine sa Paris, France; Ilog Tiber sa Rome, Italy; Ilog Sumida sa Tokyo, Japan; Ilog Danube sa Vienna, Austria at marami pang iba. Kapag buhay ang ilog, buhay ang pangangalakal at maraming iba pang gawain. Hindi pa huli ang lahat. Kung ang ating mga kinauukulan ay magsasagawa ng mga pagtuturo sa mga tao at maglalaan ng pondo upang maisaayos at buhaying muli ang Ilog Pasig, marami ang makikinabang dito. Palagi, ang tanong sa bandang huli ay kung ano ang magagawa natin? Marami. Huwag magtapon ng mga dumi sa ilog. Iwasang magtayo ng mga pagawaan sa tabing-ilog. Huwag gumamit ng mga dinamita o anumang kemikal na hahalo sa tubig ng ilog. Kahit sa maliit na paraan ay tumulong tayo. Kapag ang maliliit na gawain ay ginawang marami, malaki ang magiging epekto nito. Magsimula tayo sa ating sarili. Ang sang nilikha ay alay ng Diyos sa atin para sa ating kapakinabangan. Ang pag-abuso nito ay ang paglalagay ng ating sarili sa panganib dahil darating ang araw na magkukulang at mawawala ito. Nawa’y matuto tayo sa katotohanang ang kabutihan ng ating kapwa at kapaligiran ay kabutihan din natin.
PEBRERO 25 - MARSO 3, 2014
A7
Katoliko
Unapologetically Catholic
Ano ba dapat ang batayan ng
Pananampalatayang Kristiyano A
ni MARK SILVA
yon sa Center for the Study of Global Christianity (CSGC) na nakabase sa Gordon-Conwell Theological Seminary sa Amerika, kasalukuyang may 41,000 na denominasyon ang pananampalatayang Kristiyano. Sinasabing may 50.1 porsyento ng mga Kristiyano ang Katoliko, 36.7 porsyento ang mga Protestante, 11.9 porsyento ang mga Orthodox at 1.3 porsyento naman ang iba pang mga Kristiyano. May mga ibat’ibang sariling doktrina ang mga ito, ngunit nagkakaisa sa batayan patungkol sa pananampalataya, ang Bibliya. Nagsimula ang pananampalatayang nakabase lamang sa Bibliya o kilala bilang ‘Sola Scriptura’ noong ika-anim na siglo kung saan ito ay pinalawak ni Martin Luther, isang paring Agustino na tumalikod sa pananampalatayang Katoliko. Ayon sa mga tagasunod ni Luther, ang Bibliya ang natatanging libro na inspirado ng Diyos at natatanging sandigan ng mga Kristiyano patungkol sa pananampalataya. Subalit, mula sa katuruang ito nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kadahilanang ang bawat tao ay may kani-kaniyang paraan, prinsipyo at pagkakaintindi sa Bibliya. Bawat isang pagkakaunawa ng pagkakasulat sa Bibliya ay nagbubunga ng pagtatatag ng sariling simbahan. Hindi nagtagal pagkalipas lamang ng isang siglo laganap na ang iba’t-ibang simbahang Kristiyano at patuloy pang dumarami sa kasalukuyan.
Maging dito sa Pilipinas hindi maitatatwa ang pagkakaroon ng mga pananampalatayang nakabase sa Bibliya. Ngunit paano nga ba makikilala ang tunay na iglesia mula sa mga libo-libong Kristiyano? Itinuturing ng pananampalatayang Katoliko na siyang bumuo at naglimbag ng Bibliya na inspiradong batayan ang Bibliya, ngunit mayroon paring nagkakaroon ng maling interpretasyon sa nilalaman nito. Ayon sa 2 Pedro 3:16, “Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.” Hindi lamang ito, sinasabi rin sa banal na kasulatan na kailangang maging maingat at iwasan ang kanya-kanyang pagkaunawa sa mga kasulatan. Ayon sa 2 Pedro 1:20, “Alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.” Nang mabuhay si Kristo kasama ng sangkatauhan, Siya ay bumuo ng mga apostoles na Kanyang binigyan ng karapatan upang ipalaganap ang Kanyang mga aral. Sinalin ng mga apostoles ang kanilang mga natutunan mula kay Kristo sa kanilang mga napiling magpatuloy ng katuruan sa pamamagitan ng mga ‘salita’ at ‘kwento’. Sa pagli-
pas ng panahon, ang mga obispo ang nagpatuloy ng tradisyong ipalaganap ang katuruan sa pamamagitan ng mga ‘oral tradition.’ Ito ay sa kadahilanang wala pang naililimbag na kasulatan maliban na lamang sa Lumang Tipan na namana ng mga Kristiyano sa mga Hudyo. Nang malimbag ang mga kasulatang ebanghelyo apat na siglo mula nang nabuhay si Kristo nagpatuloy ang pagiingat sa pagtuturo. Pinanghawakan ng Simabahang Katolika na ang pananampalatayang Kristiyano ay nakabase sa banal na kasulatan, mga banal na Tradisyon at turo ng Simbahan mula pa sa mga sinaunang Kristiyano. Dahil dito, wala ni isa sa mga naunang itinuro ang nabago hanggang sa kasalukuyan. Napanatili ng ganitong paraan ang tunay na doktrinang inilahad ng mga unang namuno sa mga Kristiyano. Ang buhay na pagsasalin na siyang ginabayan ng Banal na Espiritu ay tinawag na Tradisyon dahil ito ay may sariling tindig mula sa banal na kasulatan, ngunit may kaugnayan dito. Sa Tradisyon, “Ang Simbahan, sa kanyang doktrina, buhay at pagsamba ay tumatalima sa bawat henerasyon. Ang mga salita ng unang mga ama ng Simbahan ay buhay na saksi sa nagbibigay buhay na presensya ng Tradisyon. Napapakita dito ang kayamanan at buhay na ibinabahagi ng Simbahan hanggang sa kasalukuyan.
KATESISMO, MISMO! Ano ang dapat gawin kung sakaling ang mag-asawa ay hindi na maaari pang magsama? Kung ang pagsasama ng mag-asawa ay mukhang lubhang imposible na, pinahihintulutan ng Simbahan ang pisikal na paghihiwalay ng mag-asawa at paninirahan ng hiwalay sa isa’tisa. Ngunit, ang pagiging mag-asawa ay walang katapusan sa mata ng Diyos at hindi magiging malaya kailanman na maghanap pang muli ng bagong asawa. Sa pagkakataong ito, ang pinakamagandang paraan, kung maaari, ay ang subukan ang pakikipag-ayos. Hinihikayat din ang Kristiyanong komunidad na gumabay sa kanila upang matulungan ang mag-asawa na mabuhay sa kanilang sitwasyon sa Kristiyanong paraan kung saan nananatili ang respeto sa kanilang kasal na hindi maaaring isawalang-bisa.
#CoolCatholics