tapat vol 1 no 16

Page 1

SETYEMBRE 10-16, 2013 VOL 1 NO 16

Taglay ng Social Services & Development Ministry volunteers ng parokya ng Sacred Heart of Jesus at Caritas-Manila ang mga ngiti at liksi ng kamay upang matulungan ang libu-libong mga kababayang nasalanta ng bagyong ‘Maring’ at ng hanging Habagat.

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

COUP AT IMPEACHMENT,

NAKABANTA KAY PNOY

@tapatnews

/tapatnews

- Pahina 3

tapatnews@gmail.com

She never left me at all - Pahina 8 www.tapatnews.com


balita

2

What’s up in the Church?

Visit of the Miraculous International Pilgrim Image of Our Lady of Fatima

September 18, 8 p.m., San Fernando de Dilao Parish, Paco, Manila

Asian Foodfest for a Cause: Youth Initiatives for Peace in Cambodia

September 29, Social Hall, Radio Veritas Asia Compound, Buick St., Fairview, Quezon City 10 a.m. to 11 a.m. - Holy Mass 11 a.m. to 1 p.m. - Foodfest

SETYEMBRE 10-16, 2013

LIFE NEWS

Mga magulang, kayang ibasura ang sex ed

AYON sa isang Amerikanong chastity speaker na bumisita kamakailan sa bansa, kung may sektor na may kapangyarihang ibasura ang sex education sa mga paaralan, ito ay ang mga magulang. “Kailangan makakuha ng kopya ng kurikulum ang mga magulang. Kailangan nilang basahin ito simula hanggang dulo at ikalat ang tungkol sa itinuturo...Kailangan nilang ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon,” ani Jason Evert sa isang press conference sa University of Asia and the Pacific.

Nagbubulag-bulagang magulang Ayon kay Evert, kung nais ng Pilipinas na ‘di matulad sa U.S., kinakailangang paigtingin pa ng mga magulang ang pakikilahok sa desisyon ng pamahalaan at mga paaralan. Isang dahilan kung bakit matumal ang pagtugon ng mga magulang sa isyu ng sex ed, ayon kay Evert, ay dahil hindi nila alam kung ano ang totoong itinuturo sa kanilang mga anak. “Maraming mga magulang na nagbubulag-bulagan. Hindi sila kumukuha ng kopya ng kurikulum; hindi nila binabasa. Iilang mga magulang lamang ang nakaaalam na basura ang itinuturo sa mga bata,” paliwa-

nag ni Evert sa wikang Ingles. Kuwento pa ni Evert na dahil sa tindi ng reaksyon ng ilang mga grupo ng mga magulang sa U.S., nag desisyon ang ilang mga paaralan na lubusang tanggalin na lamang ang sex ed sa kurikulum upang hindi na lumala ang isyu. ‘Comprehensive sex ed’ Iba-iba ang uri ng sex ed sa bawat bansa. Sa pamamagitan ng mga malinaw na larawan sa libro, halimbawa, tinuturuan ang mga batang 6 o 5 taong

gulang sa U.K. ang tungkol sa masturbesyon o pagsasalsal. Sa Canada naman, ang mga babasahin ng mga estudyante patungkol sa pangilin o “abstinence” ay isang artikulo tungkol sa Bill Clinton-Monica Lewinsky sex scandal kung saan dinedetalye ang pag-oral sex nila. Ito ay hindi bago at ayon kay Evert, maaaring asahan ng mga Pinoy na mapaglalang ang tinatawag na ‘comprehensive sex education’ na inihahain sa mga paaralan. [NED]

Get a food coupon for just P300! For more information, Contact Sunday Samuel Worok at (02) 428-4372.

Seminar on Healing your Trauma and Painful Memories

September 22 - 23, Wellness Land Health Institute, Cebu City Session to be given by NLP practitioner Jojo Apolo. Contact (02) 416-8520 to reserve your slot.

Kasama ng asawa niyang si Crystalina, umiikot si Jason Evert sa mga paaralan upang ihatid ang mesahe ng seksuwalidad na galing sa Diyos. [photo credit: Dominic Barrios]


SETYEMBRE 10-16, 2013

balita

3

Coup at impeachment, nakabanta kay PNoy

IDOLONG Tapat!

Ni PAULO DE GUZMAN

Si JO1 Emelita S. Rubio ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay naka assign sa Manila City Jail – Male Dormitory. Tinitiyak ni Gng. Rubio na umiiral ang seguridad at mga patakaran sa loob ng piitan. Bahagi rin siya ng isang apostolado sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga nakakulong na magbagong buhay, magtiwala lamang sa Panginoon at lahat ng pagsubok ay kanilang malalagpasan. Dahil diyan, ikaw ang gaming Idolong Tapat para sa linggong ito. Mabuhay Ka Gng. Rubio! (YO/TapatNews)

Nagbabala ang isa sa mga organizers ng isinagawang interfaith rally sa Quirino Grandstand nitong Biyernes laban sa pork barrel na kung sakaling hindi pakikinggan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panawagang buwagin na ang pork barrel pati na rin ang presidential discretionary funds, maaaring maulit diumano ang nakaraan at magkaisa ang mga mamamayan upang patalsikin sa puwesto ang pangulo. Ani Fr. Joe Dizon ng Clergy Discernment group , “Kung hindi gagawin ni PNoy ang dapat niyang gawin na tuluyan nang tanggalin ang pork barrel system, higit lalo ang kanya, maaaring mawala ang kanyang kredibilidad upang magpatuloy sa pamumuno ng bansa.” Dagdag pa ni Dizon, “Huwag na niyang antayin na dumami pa ang mga protesta dahil baka humantong sa puntong wala nang balikan.” Nagbabala din si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na maaaring ma-impeach ang pangulo dahil sa maling

paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o kilala bilang pork barrel ng kanyang administrasyon. Dagdag pa ni Tino na ang pangulo ang may huling salita sa pagbibigay ng pondo ng PDAF at samakatuwid, sagutin nito ang buong usapin ng pork barrel. Nito lamang Huwebes, nagpahayag naman ng masidhing galit ang ilang mga miyembro ng militar na nagpakilalang Reformist Officers United (ROU) sa pamamagitan ng isang manifesto na tinawag na “Article of Faith” kung saan iginiit ng grupo na maaari nilang ‘labanan ang apoy sa pamamagitan din ng apoy.’ Ayon sa naturang manifesto, maraming kaalyadong sibilyan diumano ang grupo at maaari nilang ialay, hindi ang isang pag aalsa gaya ng EDSA revolution na humantong sa kawalan, kundi ang tunay na espiritu ng EDSA na nagkakaisa upang tapusin ang katiwalian. Bago pa man naglipana sa social media ang larawan ng

pangulo kasama ang anak ng tinaguriang ‘queen of pork’ na si Janet Lim-Napoles, dati nang kumalat ang isang liham diumano ni Janet kay pangulong Aquino noong Abril 17 apat na buwan bago sumabog ang isyu patungkol sa pork barrel. Ayon sa naturang liham, nakikiusap diumano si Napoles hinggil sa pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang kapatid hinggil sa diumano’y kidnapping kay Benhur Luy. Si Luy ang nagsiwalat kamakailan sa hearing ng Blue Ribbon Committee ng Senado tungkol sa operasyon ni Napoles at kung paano ibinebenta ng mga mambabatas ang kanilang Pork Barrel. Humigit kumulang 3,500 katao ang dumalo sa ikalawang malawakang pagtitipon matapos ang ginawang protesta noong Agosto 26. Naghahanda muli ng isang malawakang protesta sa darating na Septyembre 21, anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.


editoryal

4

SETYEMBRE 10-16, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal Sa sunud-sunod na malawakang pagtitipon laban sa pork barrel system, mababatid na ang sidhi ng galit ng sambayanang Pilipino tungkol sa naturang usapin ay hindi basta-basta maiibsan. Ayon sa bilang ng Metro Manila Police District 350,000 ang lumahok sa unang protesta laban sa pork barrel noong Agosto 26; 1,200 naman ang sumigaw ng ‘EDSA Tayo’! at tumungo sa EDSA Shrine nitong Setyembre 11; ang pinakahuli ay ang ‘Forward March’ rally kung saan 3,500 na katao ang bumalik sa Luneta upang puwersahin ang administrasyong Aquino na lansagin ang sistema ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), lalo na ang discretionary funds ng pangulo. Hindi pa nakapagpapahinga ang mga dumalo sa huling rally sa Rizal Park, ngunit kasado na ang susunod -- sa ika-21 ng Setyembre, anibersaryo ng pag deklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos ng batas militar sa bansa, magtitipon muli ang mga mamamayang nangangakong hindi titigil ang mga kilos-protesta hangga’t mayroong PDAF. Sa kabilang dako naman ng bansa, walang humpay din ang palitan ng bala sa pagitan ng militar at ng mga rebelde ng Moro National Liberation Front. Ang laman ng balita, kung hindi tungkol sa

Agaw-pansin “Ang totoong napaslang ay ang kredibilidad ng administrasyon. Matagal na nating alam ito.” ulam at merienda ni Janet Lim-Napoles sa bilangguan, ay tungkol sa kaguluhang nagaganap sa Zamboanga. May mga bulung-bulungan na ang krisis sa Zamboanga ay sadyang nasa tiyempo, aral at may layuning agawin ang atensyon ng publiko mula sa isyu ng PDAF. “Ang krisis sa Mindanao, aagawin nito ang atensyon ng mga tao mula sa pork barrel...May mga tao sa paligid ng pangulo na dalubhasa sa mga ganitong gawain,” pahayag ni Archbishop emeritus Oscar Cruz kamakailan. Kathang-isip o baka naman pawang katotohanan? Matatandaan may isa pang nagbabagang isyu na ikinaharap ng administrasyon, ang isyu ng Sabah. Sa init ng usapin, hindi mawari ang desisyon ng pangulong Aquino. Nasaan siya noong panahong iyon? Nangangampanya lang naman para sa mga senador at kongresista ng kanyang partido, ang Liberal party. Napakadaling nakamtan ni Janet Lim - Napoles ang pagkakataong makausap nang pribado ang pangulo -- mas mabilis pa sa alas

kuwatro. Ngunit sa gita ng unos ng karahasan na naranasan ng mga Pilipinong nasa Sabah, ni anino ng pangulo hindi nasilayan ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III. Ito ay sa kabila ng hiling nitong direktang makipag-ugnayan sa pangulo. Sa isang panayam, pinayuhan din ni dating pangulong Fidel V. Ramos si Pnoy na makipagkita kay Sultan Kiram, upang malaman ang mga hinaing nito, ngunit tila walang halaga ang nasabing suhestiyong. Sa social media, makikitang maraming Pilipinong hindi naging kuntento sa reaksyon ni Pnoy, ang iba ay nagngingitngit sa galit, lalo na nang madiskubreng noong 2010 pa nagpadala ng pormal na liham ang Sultan kay pangulong Aquino tungkol sa isyu. Ayon kay Foreign Secretary Albert del Rosario, ang dokumento ay nawala sa “bureaucratic maze”, kung saan man ‘yun. Dito na lumabas ang alas. Sumabog ang napakahalagang balita na pinaratangan ni Kris Aquino, ang kapatid ng pangulo, ng sexual harrassment ang

dati nitong asawa na si James Yap. Tulad ng isang pratiksadong pag-inog, sabay-sabay ginawang headline ng mga kilalang pahayagan ang nakapakaimportante at lubhang makabuluhang balitang ito. ‘Di nagtagal at umiiyak na si Kris sa lahat ng malalaking TV networks para isalaysay ang mga kaganapan sa teleserye ng kanyang buhay. Kung hindi pa sapat, buntutbuntot din ang mga magkakapatid na Aquino, sina Pinky, Ballsy, Viel -lahat naka itim na parang dadalo sa burol. Mayroon bang nagtaka kung bakit, parang tubig-bukal ang tulo ng luha ni Kris at abot-abot ang mga hinaing niya tungkol sa tinitiis na pighati? Teka, hindi ba’t matagal na silang hindi nagsasama? Kailan ba nangyari ang insidenteng sexual harrassment? Noong Disyembre, tatlong buwan na ang nakalilipas. Ngunit, ang tiyempo kung kailan ilalabas ang istorya at hysteria ay swak na swak upang piitin ang pansin ng mga nanonood at nagbabasa mula sa usapin ng Sabah. Mali ang mga Aquino sisters, hindi sila ang dapat mag itim, kundi tayo. Ang totoong napaslang ay ang kredibilidad ng adminstrasyon. Matagal na nating alam ito.


SETYEMBRE 10-16, 2013

opinyon

THE JUMPING WALL

sa sariling buhay. Iniisip mo madalas kung bakit sila ay may mga ganiRogie Ylagan tong bagay o bakit sila nakapunta at nakakain sa ganitong lugar at kung anu-ano pang mayroon sila na wala ka. Kuntento ka naman talaga sa kiSa paglaganap ng social naman ang ganitong mga nalalagyan mo, ngunit sa networking sites, araw- pagkakataon. At dahil sa tuwing makikita mo ang araw mong nakikita ang mga larawan ng iyong mga kakilala na nagpapakita ng kanilang mga kaayaayang buhay. Halimbawa hindi maitagong saya ay mga bagay na mayroon na sa mga restaurant na kadalasang ibinabahagi ang iba, nakalilimutan kanilang kinakainan, sa nila ito kaagad-agad sa mo rin kung anong maylugar na kanilang pinag- kanilang mga accounts rpoon ka. bakasyunan, sa mga para maipakita rin sa iba. Dahil dito ay hinabagong gamit na kanilang Subalit imbes na maging hangad mo na maranasan nabili o natanggap, lahat positibo ang epekto ay ang mga ito. Madalas ay ay may kasamang ngiti madalas na nagdudulot nakukuha mo naman ang na nagpapakita ng ka- ito ng kabaligtaran sa ilan, subalit hindi lahat at iba. Ang dahilan ay ang hindi ka nakukuntento nilang kasiyahan. Nakapagpapasaya nga pagpansin sa kakulangan nang tuluyan. At parang

Pabili Naman ng Ligaya

5 laging may kulang. Kung babalikan mo naman ang iyong sitwasyon bago ang lahat ng ito ay masaya ka naman at matiwasay sa iyong buhay. Ang dikta ng materyalismo na dapat makuha at magawa mo ang ilang bagay ay hindi naman lubos na masama kundi dapat ituring na pandagdag rekado lamang. Ang paniwalang ang mga bagay na ito ang makapagdudulot ng kaligayahan sa iyo ay ang siyang dapat na iwasan. Sapagkat ang tunay na kaligayahan ay hindi nakasalalay sa panlabas na sitwasyon ng iyong buhay kundi kung paano mo lalagyan ng positibong pananaw ang mga bagay na nangyayari sa iyong paligid. (rogie_ylagan@yahoo. com / theignoredgenius. blogspot.com)

Kung babalikan mo naman ang iyong sitwasyon bago ang lahat ng ito ay masaya ka naman at matiwasay sa iyong buhay.

RE4TERAKER

diumano itong armado (‘di pa alam kung kaninong panig ang bumaril). Yen Ocampo Ang huli ay isang barangay tanod na nagroronda upang siguraduhin ligtas ang kanyang ka-barangay nang ito ay masawi. Sa ngayon, si Fr. Ufana ay nananawagan na palayain na ang lahat ng Nakahihilo ang mga bal- kinalaman sa isang kilamga bihag at huwag nang ita ngayon sa bansa. Alin lang fraternal association, mandamay pa ng iba. Saba ang mas importanteng ang Knights of Columbus. mantalang ang pamilya isyu: ang krisis ng naga- Naisip ko na lamang, talang nasawi nating kapatid ganap ngayon sa ay humihingi ng Isang araw bago pumutok ang balita tungkol sa Zamboanga? O tulong pinansyal ang sistema ng Zamboanga, dapat papunta na ako kasama ang isa at moral, lalo na sa pork barrel na mga ka-miyembro pa para sa isang ‘community outreach’, na may lumustay sa kanito sa Knights of kinalaman sa isang kilalang fraternal association, Columbus sa loob ban ng bayan? Kahit alin naat labas ng bansa. ang Knights of Columbus. Naisip ko na lamang, man sa dalawa Sama-sama talagang pinagaadya pa kami sa kapahamakan ang mauna para tayong manalsa atin ay tila angin na sana ay mga bitukang magkakak- gang pinagaadya pa kami cisco Macrohon (Council matigil na ang krisis na abit lamang ‘yan. sa kapahamakan. “Mun- 11515). ito, sana wala nang madIsang araw bago pumu- tikan na”, ika nga dahil Pinakawalan si Fr. amay o masawi pa na tok ang balita tungkol sa hindi natin masabi kung Ufana, samantala si sibilyan nang dahil sa Zamboanga, dapat pap- ano ang maaaring man- Nonito ay nanatiling bi- bakbakan. At sa pork barunta na ako kasama ang gyari sa amin pagdating hag. Si Francisco naman rel issue, sana lumabas na isa pa para sa isang ‘com- namin doon, napakaal- ay namatay sa tama ng ang katotohanan. (re4termunity outreach’, na may anganin kahit pa mabut- bala dahil napagkamalan aker@hotmail.com)

Panalangin para sa Zambo

ing intensyon ang pakay namin. Nakalulungkot lamang na mabalitaan na tatlo sa mga miyembro ng Knights sa Zamboanga ay biktima ng kaguluhan. Dalawa sa mga ito ay nabihag at isa ay napaslang, sina Fr. Michael Ufana (Council 8209), Brother Nonito Estrada (Council 13547) at ang pumanaw nating kapatid na si Brother Fran-

MANILA GIRL Diana Uichanco

Hawahan lang ‘yan Peer pressure. Kapag narinig mo ‘yan, anong naaalala mo? Kapag naririnig o nababasa ko ang “peer pressure”, ang naiisip ko agad ay paglalasing o kaya droga. O kung hindi man ay paninigarilyo. May mga bisyo na madalas ay sinisisi sa masamang impluwensiya kapag ang mga kabataan ang pinag-uusapan – nahawa sa barkada o hindi marunong humindi, kaya natuto ng ‘di mabuting gawain – iyan ang paliwanag ng ilan. Kaya naman kapag sinabing peer pressure ay palaging negatibo ang naaalala. Siguro ikaw din ay may mga ‘di kanais-nais na ginawa dati dahil naku-

mga kaibigan ko ay wala ako dito ngayon…”? Kinikilala nila ang halaga ng impluwensiya ng mga malalapit sa kanila. Matatawag din natin ‘yang “peer pressure” – positibong uri ng peer pressure. Malamang ay kung hindi dahil sa paghihikayat, paggabay o healthy competition na nakuha nila, ang pagpupursigi at pagbigay ng prayoridad sa mga dapat pagkaabalahan ay hindi mangyayari. Eh ngayon, maitatawag ba naman natin ang sarili natin na mabuting impluwensiya? Tayo ba ay nagiging dahilan ng pagbunga ng wastong asal sa iba, o sanhi ba tayo ng maling kaugalian na natutunan nila? Alam mo ba ang wasto

Kung gayon, tandaan ang kasabihang “To whom much is given, much is expected”. Kung nais mo namang magmistulang superhero, ito na lang: “With great power comes great responsibility. ha mo ang idea sa mga kasa-kasama mo noong panahon na ‘yon, ano? Pero siguradong ang peer pressure ay nakatulong din sa iyo kahit papano. Alam mo kung bakit? Dahil ang mabuting impluwensiya ng mga katropa ay maitatawag ding isang uri ng peer pressure. Isipin natin – sa mga talumpati, lalo na ng mga tumatanggap ng gantimpala sa propesyon, sa adbokasiya o sa larangan ng sining at agham, hindi ba’t madalas ‘yung nagsasabi ng tipong “Kung hindi dahil sa pamilya,

at mali? Kung gayon, tandaan ang kasabihang “To whom much is given, much is expected”. Kung nais mo namang magmistulang superhero, ito na lang: “With great power comes great responsibility.” Ipinahihiwatig ng mga ito na mahalaga ang tungkulin ng mga taong biniyayaan ng mas marami -- ng talino, talento, pang-uunawa sa Katotohanan, at iba pang uri ng kaalaman -- kaya’t ang kaalamang ito ay dapat gamitin sa wastong paraan, kasama dito ang pagiging mabuting impluwensiya sa iba.



SETYEMBRE 10-16, 2013

Katoliko

7

by EDGARDO DE VERA

Unapologetically Catholic

Alin ang Matimbang, ang Banal na Kasulatan o ang Tradisyon?

Ipinagutos ni Kristo sa kanyang mga Apostoles ang magturo, magbinyag, at pagsaluhan ang pagaalala sa kanya, “Gawin ito sa pag-aalala sa akin.” Ang unang pagkakataon ng pagproklama sa Magandang Balita ay ang Eukaristiya kung saan ang mga Sinaunang Kristyano ay natuto ng Salita ng Diyos mula sa mga Apostoles. Ito ay sinalin sa pamamagitan ng tradisyong pasalita, ikinalat at iningatan hanggang sa mga susunod na salinlahi sa pamamagitan ng Liturhiya at pagpasa sa iba, ang mga obispo, na nagbubuo sa Banal na Tradisyon. Ang mabilis na pagkalat ng Kristyanismo ay nangailangan ng pagtatala sa lahat ng mga ipinahayag na katuruan. Ang sinaunang tradisyon mula kina Papias, Tertullian, Origen, Eusebius ay nagbibigay patungkol kay San Mateo bilang unang naglimbag ng Ebanghelyo mula sa salitang Aramaic taong 47-55; sumunod si San Marcos na sumulat naman sa wikang Griyego. Ang mga may inspirasyon na naglimbag ng mga nasabing tradisyong pasalita ay nagpasinaya ng pananampalataya na mapatutunayan sa kanilang estilo sa pagsusulat: si Mateo sa mga Hudeong Kristyano; si Marcos sa mga Romano; si Lukas sa mga Gentil; si Juan sa mga bagong Kristyano; si Pablo sa mga komunidad at tao; sina Pedro, Santiago, Juan at Hudas sa Pangkalahatang Simbahan. Noong unang siglo, ang buong Bagong Tipan ay nabuo. Ang Didache ay naisulat sa pagitan ng una at ikalawang siglo bilang maikling salaysay ng lahat ng ito. Mula sa pagkamatay ng huling Apostoles na si Juan noong 100AD, lahat ng Banal na Pagsisiwalat

ay natapos. Ang pagsalin ng katotohanan ay nilimbag sa kasulatan at ikinalat sa buong Kristyanismo mula sa opisyal na kanon na listahan na nananatili sa ating panahon. Mapapansing ang nag titiyak ng pagsang-ayon sa kaugalian (orthodoxy) ay ang pagkakaisa ng Simbahan. Ang makatotohanang turo ng mahisteryo ay sumasalamin sa pagkakaisa ng Santo Papa at mga Obispo at siyang may hawak ng otoridad upang turuan ang mga mananampalataya. Ang mga sumasaliwa at ‘di naniniwala ay pinabubulaanan ng tamang paliwanag mula sa Banal na Tradisyon. Sa pagitan ng ikalawa at ikatlong siglo naglipana ang mga kasulatang may pagkakahawig sa mga orihinal – ebanghelyo, kasulatan, gawa, at apocalipsis – na galing diumano sa isang apostol, pinuno,o propeta. May ilang dosenang kwestyonableng pinagmulan, gaya ng Ebanghelo ni Tomas, Gawa ni Andres, Apocalipsis ni Pablo, Ebanghelo ni Nikodemeo at iba pa. Maraming mananampalataya ang nalito dahil dito; maraming kanya-kanyang simbahan ang nagsulputan. Napagtanto ng Simabahan na kailangan ng ng isang Kanon ng Banal na Kasulatan upang sugpuin ang pagkalito at upang klaruhin ang mga haka-haka higgil sa kung alin ang mga tama at totoong mga kasulatan ng Lumang Tipan; ang mga pagkakaiba ng Griyegong Lumang Tipan na may 46 na libro kontra sa 39 na koleksyon ng Palestino, kahit pa ang una ay malawak na ang paggamit. Dahil sa isang mandato mula sa Panginoon na ipagpatuloy, pangalagaan, at ituro ang katotohanan, tinipon ng Simbahang Katolika ang mga Obispo para sa

KATESISMO, MISMO! Ano ang ikapitong utos ng Diyos? “Huwag kang magnanakaw. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manlulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Diyos.” ” (Exodo 20:15). Ipinagbabawal sa ikapitong utos ang ‘di makatarungang pagkuha o pagtatago ng bagay o gamit ng iba at ang paggawa ng mali sa iba ukol sa kanyang pag-aari. Sa espiritu ng hustisya at pagmamalasakit, kailangan pangalagaan ang mga bagay sa mundo at katas ng hirap ng iba. Kalakip ang pagkakawanggawa, ang buhay Kristiyano ay nagsisikap nang mabuti upang ang mga bagay sa mundo ay iatang sa Diyos na may likha ng lahat.

isang Sinod sa Hippo taong 393 at pinag-isa ang mga kasulatan na naging Bibliya. Ang Bagong Tipan ay pinagtibay sa 27 libro at ang Septuahiya ay tinanggap bilang kumpletong Lumang Tipan, habang ang iba pang kasulatan ay inisantabi. Mula dito, kinilala ang 73 na libro na bumubuo sa Bibliya. Tinawag na Apokripa ang mga ‘di nabilang sa nasabing kanon. Lahat ng pagkalito ay naisaayos, lahat ng debate ay tinapos. Pinagtibay ng mga sumunod na Sinod sa Carthage sa taong 397, 419, at sa Florence noong 1441 ang mga pagbabago ng nauna nang Sinod. Pinagtibay naman ng Konseho sa Trent noong 1546 ang katotohanan ng Banal na Kasulatan at ng Tradisyon bilang mula sa Diyos at batayan ng doktrina ng Kristiyanismo matapos ang pagtanggal ni Martin Luther sa mga librong Deutero-canonicals mula sa Bibliya. Ilinista ng mga Protestante ang mga Deutero-canocnicals bilang Apokripa, at ang Apokripa bilang Pseudepigrapika o mga bulaang kasulatan na nakilala bilang inakda ng tanyag na personalidad tulad ng mga apostol. Pinagtibay naman ng Unang Konseho ng Vaticano ang lahat ng mga nauna nang desisyon ng mga sinaunang konseho, na siya namang sinangayunan ng Ikalawang Konseho ng Vaticano at binigyan-diin ng mga Ama ng Konseho: Ang mga Banal na Kasulatan at Banal na Tradisyon ay buod ng iisang Banal na deposito ng Salita ng Diyos, na Kanyang ipinaubaya sa Simbahan. Ang pagsunod ng buong banal na sangkatauhan sa mga ito, sa pakikiisa sa sa kanyang mga pastol, ay mananatiling nakahanay sa katuruan ng mga Apostoles (DV 10).

From the Saints...

Never be afraid of loving the Blessed Virgin too much. You can never love her more than Jesus did. Saint Maximilian Kolbe


feature

8

SETYEMBRE 10-16, 2013

She never left me at all.. by SKY A. ORTIGAS

S

eptember has such a Marian vibe to it -- with Mama Mary’s birthday last September 8; the Feast of the Most Holy Name of the Blessed Virgin Mary last September 12; and yet another special day on September 15, the Feast of Our Lady of Sorrows. This month, I remember how close the Virgin Mary has been to me and how she has been with me every step of the way. I will never forget the day when a lady from my community called me aside during a birthday party to hand me a greenish-blue rosary. She told me, “Sky, I just felt Mama Mary telling me to give you this rosary and to let you know that She has been PRAYING for you.” That night, I was stunned. I asked myself, “Really, who am I that she should pray for me? Oh, are you sure? Mary would do that for me? I haven’t done anything good or really great...No way, seriously?” I took the rosary and kept it in my bag. But then realizing everything, I saw that Mary together with Jesus never left me at all. She has always been there every time I call on her or ask for her prayers. I remember when I was sent to Madrid, Spain for World Youth Day (WYD) 2011. Our group went on a side trip to Fatima, Portugal. I was so excited that day for when I was growing up, the image of Our Lady of Fatima was my only version of Mary. Remember that movie with the three children calling out, “Hail Mary! Hail Mary! Hail Mary!,” and she appeared on that mountain? I wanted to do the same thing in Fatima, I wanted to shout on top of my lungs and just tell her, “Thank you! Thank you for taking me here!” (Then again, I wasn’t able to do that because of the other praying pilgrims.) At other times, I felt Mary’s presence too. At WYD in Rio, where our host diocese was the Diocese of Petropolis, the Blessed Virgin would show me how close she was. We were there, walking around the area when our youth guide wanted us to climb up this mountain. I was thinking, “Oh my gosh, here we go again.. climbing. Oh, yeah!” Little did I know, we were going up the Trono

@tapatnews

de Fatima where the image of Our Lady of Fatima watched over all of Petropolis. And I was stunned,

is magnified by her love for us. Because she is perfect, she came to love our imperfections.

Ask for her help. I am very sure, it will reach the Father. Yes, even though we can ask Jesus directly, but you know, Mary can give a little push. That’s how mothers are, right? They will guide, pray and give you a little push. once again. She always lets me know that she is there everywhere I go. I just felt her in my heart, telling me that she is always praying for me. She showed us all what love really means through her love for Jesus. Her love for God. Her sacrifice. Her big YES to be Jesus’ mom was just one amazing yes that changed the world. And she loves us for being us. No judgments. Her perfection

/tapatnews

So every time I am challenged, I always ask for her prayers, her intercession. Friends, it’s true, Mama Mary will always guide you. The Wedding in Cana? It’s true..Ask for her help. I am very sure, it will reach the Father. Yes, even though we can ask Jesus directly, but you know, Mary can give a little push. That’s how mothers are, right? They will guide, pray and give you a little push.

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.