Tapat vol 1 no10

Page 1

photo by Sky Ortigas

HUNYO 4-10, 2013 VOL 1 NO 10 Inaanyayahan ang mga magulang na ihabilin ang kanilang mga anak, kahit ang mga sanggol na nasa sinapupunan kay Maria bunsod ng national consecration sa Hunyo 8.

TAPATAN

Ano ang naranasan mo sa iyong pamilya na gusto mong ipagpagpatuloy sa future family mo? - Pahina 8

Tampok

Sa hirap at ginhawa - Pahina 6

@tapatnews

ANG BALITANG TOTOO

MGA OBISPO MANGUNGUNA SA PAGTATALAGA NG PHL KAY MARIA

- Basahin sa Pahina 3

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com


2

balita

HUNYO 4 - 10, 2013

Mga estudyante nag-file ng ika-11 petisyon laban sa RH

Ni ANGELIQUE GUEVARRA

Isa si John Juat sa mga estudyanteng naghain kamakailan ng ika-11 na petisyon laban sa RH Law.

Hindi alinsunod sa Konstitusyon – ito ang paratang ng anim na indibidwal laban sa Republic Act (RA) 10354 o ang Reproductive Health Law sa isang petisyon na inihain nila kamakailan sa Korte Suprema upang mapawalangbisa ang nasabing batas. Sa limangpung-pahinang petisyon, kinukwestiyon nina John Walter Juat, isang education major, at ng lima pang estudyante ang RA 10354 na maliwanag na kumokontra sa hangad ng Saligang Batas na itaguyod ang mga susunod na henerasyon. Ayon sa petisyon, ang isang lipunang ginagabayan ng pagmamahal ay hindi maaaring maging kalaban ng salinlahi sa hinaharap. Kaya’t, hindi maaaring pigilan nito ang pagpapaanak, ang pinagmumulan ng bagong buhay. Dahil pinapahalagahan ng Saligang-Batas ang buhay, kinakailangang protektahan nito ang kakayahan ng tao para sa pagpapalaganap ng sanlahi. Sa isang panayam, sinabi ni Juat na bilang isang mag-aaral, siya ay apektado ng RH law. Ayon sa kanya, ang nasabing batas ay maaaring baguhin nang lubusan ang pananaw ng mga kabataan tungkol sa mga isyu tulad ng buhay pamilya, pagaasawa at contraception.

Dagdag pa niya, “Ang pagkakaroon ng ganap na kaisipan ay depende sa tao, at ang isang bagay na kasing importante at sensitibo tulad ng sex education ay dapat ipaubaya sa mga magulang na kilala ang kanilang anak.” Idiniin pa ni Juat na mas maraming maaari pang gamitan ang pondo ng RH na aabot sa P13.7 bilyon kada taon, tulad ng edukasyon, pagpapagamot, dagdag na sahod sa mga guro o mga programa para sa pagpapababa ng kahirapan. Sa nasabing petisyon, kinukwestiyon ng grupo ang layunin ng RH law na ipaggiitan sa mahihirap ang mga artificial family planning methods, gamot at mga aparato.


HUNYO 4 - 10, 2013

balita

WORLD NEWS

Daan-daang libong tutol sa same-sex ‘marriage’ sa France, nag-rally PARIS, France -- Nagtipon ang mahigit sa 100,000 katao sa Paris noong Mayo 26 upang ipahayag ang kanilang oposisyon sa samesex “marriage” at para himukin si Pangulong Francois Hollande na magbitiw sa kanyang puwesto. Hindi napigilan ang pagsabatas ng same-sex “marriage” sa bansa noong Abril, ngunit sunod-sunod ang mga protesta ng mga puwersang

sumusuporta sa tradisyonal na kasal at pamilyasa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang France -- isang bansang tradisyonal na Katoliko -- ay sumunod sa 13 ibang bansa, kasama ang Canada, Denmark, Sweden at kamakailan lamang ang Uruguay at New Zealand, na nagpahintulot na maikasal ang mga taong pareho ang kasarian. Sa Estados Unidos, kinikilala ang samesex “marriage” sa 12 estado.

3

Mga obispo mangunguna sa pagtatalaga ng PHL kay Maria Ni ANA YSALAKAN

Italyanong nagligtas ng 100 katao, gagawing beato CARPI, Italy -- Si Odoardo Focherini ay gagawaran bilang beato sa Hunyo 15 dahil sa kanyang pananampalataya at pagkalinga sa mga nangangailangan, kasama ang higit kumulang 100 na Hudyong kanyang tinulungang maligtas mula sa mga Nazi. Sinimulan niyang tulungan ang mga Hudyo makaligtas sa pag-uusig noong 1942, ngunit nag-umpisa ang kanyang mas malalim na pagpapakasakit para sa kanila noong Setyembre 8, 1943 nang simulang niyang bigyan ng mga pekeng ID card ang mga Hudyo upang makalampas ng Italian-Swiss border.

Ayon kay Bishop Francesco Cavina of Carpi, malinaw ang pagsabuhay ng pananampalataya ni Focherini, maging sa kanyang buhay espiritwal at buhay pamilya. “He is a complete man because work, family, apostolate in the Church have been his path to beatification... He let himself be transformed by Jesus Christ until he, like him, died,” sabi ng obispo. Si Focherini, isang peryodista at ama ng 7, ay namatay sa isang Nazi concentration camp sa Hersbruck, Germany, noong 1944, dahil sa impeksyong nagmula sa sugat sa kanyang binti.

Marahas na salpukan sa Turkey, tuloy pa rin

ISTANBUL, Turkey -- Patuloy pa rin ang mga demonstrasyon sa Turkeykung saan hinihiling ng mga ralyista na magbitiw sa pwesto ang pinuno ng bansa dahil sa diumano’y pamumunong awtoritaryan nito. Limang araw nang ginagamitan ng pulis ng water cannon at tear gas ang ilang libong nagpoprotesta sa kabiserang Istanbul upang maitigil ang demonstrasyon. Ayon sa Human Rights Association, isang aktibistang

grupo, halos 1,000 katao ang sugatan at higit 3,000 ang detenido dahil sa mga protesta. Hiniling ng nasabing grupo na pagbawalan ang paggamit ng pulis ng tear gas, tanggalin ang mga limitasyon sa freedom of expression and assembly, at itigil ang mga planong itayong muli ang Ottoman army barracks at iba pang mga gusali sa Taksim Square sa Istanbul. Tinanggihan naman ni Prime Minister Recep Tayyip Erdogan ang mga hiling ng nasabing mga ralyista.

Dahil sa likas na debosyon ng marami sa Mahal na Birhen, tinawag ang sambayanang Pilipino na ‘pueblo amante de Maria’ -- bayang sumisinta kay Maria.

MILYUN-MILYONG Pilipino ang handang magpahayag ng kanilang debosyon sa Malinis na Puso ni Maria sa nalalapit na national consecration o pagtatalaga na pangungunahan ng mga obispo sa darating na ika-8 ng Hunyo. Ayon sa pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Arsobispo ng Cebu Jose Palma, ang magaganap na paghahabilin ng sarili ng mga Pilipino kay Maria ay magpapakita na “ang ating bansa ay talaga namang isang ‘pueblo amante de Maria’—bayang sumisinta kay Maria: isang bayang tunay na nagmamahal kay Maria, ang Ina ng Panginoong Hesus, isang bayang pinagbuklod dahil sa taglay nitong pag-ibig at debosyon para sa Ina ng Diyos.”

Paano sumali? Sa mismong araw ng Hunyo 8, sa ganap na ika-10 ng umaga, magkakaroon ng pagtatalaga (act of consecration) sa lahat ng mga simbahan, kapilya,

katedral at dambana. Inaasahang makikiisa ang mga Katolikong Pilipino sa nasabing pagdiriwang. Inaanyayahan din ang mga Katoliko na ipagpatuloy ang mga espesyal na debosyon at panalangin kahit matapos na ang pagtatalaga sa Hunyo 8 tulad ng pagrorosaryo, nubena ng Unang Sabado ng buwan, pagtatalaga ng pamilya (family consecration), at ang 33 araw na preparasyon na ipinalaganap ni San Luis de Montfort para sa nais ihabilin ang kanilang sarili kay Maria.

Bakit magkakaroon ng consecration? Ayon kay Palma, ang pagtatalaga ng buong bansa kay Maria ay bahagi ng pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya (Year of Faith) at ng siyam na taong paghahanda para sa ika500 na anibersaryo ng pagdating ng Katolisismo sa Pilipinas na gugunitain sa 2021. Sa kabila ng magagandang dahilan upang magkaroon ng isang national consecration,

mayroon ding mga nakababahalang realidad sa lipunan na nangangailangan ng grasya tulad ng patuloy na sagupaan sa Mindanao at ang Komunistang kilusan na ilang dekada nang naghahasik ng karahasan at ligalig sa ilang bahagi ng bansa.

Mga banta sa buhay Tinukoy din ng pinuno ng CBCP ang kawalan ng trabaho na pumupuwersa sa libo-libong mga Pilipinong makipagsapalaran sa ibang bansa, at ang walang humpay na pagwasak sa kapaligiran. Ang mga banta ng mga panukalang batas na kontra sa buhay at pamilya tulad ng panukalang batas para sa diborsyo, euthanasia at same-sex “marriage” ay isa ring dahilan para sa national consecration. Kasama na rito ang naisabatas na RH Law o Republic Act 10354. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa pagtatalaga kay Maria, bisitahin ang http://cbcpnews.net/ncihm


editoryal

4

HUNYO 4 - 10, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

Resulta ng halalan may kredibilidad nga kaya?

Magtatatlong linggo na ang lumipas, ngunit mainit pa rin ang usapin hinggil sa nakaraang midterm election kung saan kaliwa’t kanan ang mga nagsisilabasang isyu tungkol sa diumanu’y dayaan, pagmamaniubra at kapalpakan ng Commission on Elections (Comelec). Napakarami na ang bumatikos sa Comelec at kay chairman Sixto Brillantes. Nandiyan ang hinaing tungkol sa ‘60-30-10’ kung saan lumabas diumano ang bilang sa lahat ng lugar na may 60 porsyento ang Liberal Party, 30 porsyento sa UNA at 10 porsyento naman sa iba pang partido at independent, kesehodang may balwarte-balwarte; pare-pareho pa rin ang resulta. Inamin na rin ni chairman Brillantes na may pagkakaiba ang resulta ng Random Manual Audit (RMA) kontra sa tala mula sa mga PCOS machines. Sinasabing may halos ¼ ng kabuuang bilang ng mga PCOS machine o 19,500 mula sa kabuuang bilang na 78,000 ang nagkaproblema sa pagpapadala ng resulta. Ngunit sa dami ng patutsada sa Comelec at kay Brillantes, tila kakaunti o ‘di kaya’y wala man lamang kumukwestiyon sa Smartmatic na siyang nangangalaga at nagpapatakbo sa mga naturang PCOS machines.

“Ilan sa mga ito rin ang nagdadalawang isip dahil malalaking tao diumano ang mga nag-utos na maniubrahin ang naturang mga resulta” Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na ayaw magpakilala, may mga gumagawa ng hakbang upang magsagawa ng malawakang pagiimbestiga sa dimumano’y nangyaring dayaan. Ayon din sa nasabing source, may ilan nang technicians ng Smartmatic ang nagpahiwatig na isiwalat ang kanilang nalalaman. Ito ay matapos sila ay diumano’y pangakuan ng limpak-limpak na salapi, ngunit bigo namang mabayaran matapos ang trabahong pagmamaniubra. Ilan sa mga ito rin ang nagdadalawang isip dahil malalaking tao diumano ang mga nag-utos na maniubrahin ang naturang mga resulta. Maaaring naging maingat nga ang Comelec, ngunit dahil na rin Smartmatic ang may hawak sa mga technicians sino nga naman sang makakaalam kung tama pa ba ang kanilang ginagawa? Marami pang pangyayari ang dapat maipaliwanag nang malinaw. Gaya na

lamang ng pag-review sa source code na pinagbigyan naman ng Comelec at ilan sa mga nag-review diumano ay ang Liberal Party, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, at ang Pwersa ng Masang Pilipino, kasama na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting. Nakatatawang isipin na ma-rereview nga ng mga ito ang isang source code kung may laman itong malicious code. Ang malicious code ay isang utos sa computer na maaaring gumawa ng hakbang taliwas sa tamang utos. Hindi nadadaan sa pagtingin sa CD ng source code ang pag-review nito. Isa pa ay ang CF cards. Ito ang nagtataglay ng impormasyon ng presinto, bayan, siyudad at bilang ng mga boto. Isa sa pangunahing security requirement nito ay ito ay kailangang isang beses na masusulatan o malalagyan ng data at maraming beses na mababasa. Isang paraan ito upang hindi na mabago pa ang nilalaman dahil nga isang

beses lamang ito masusulatan ng datos. Ngunit tila nagtiwala ang Comelec sa Smartmatic kahit pa overpriced ang mga ito at tinanggap ang mga rewritable na CF cards. Kapag sinabing rewritable, ibig sabihin maaring sulatan ng paulit-ulit o ‘di kaya’y palitan ang orihinal na laman nito. Kung sakaling may aberya napakadaling palitan ang CF cards na may taglay na bilang ng boto. Halimbawa, ang isang PCOS ay hindi nakapagpadala ng election returns dahil may mga error ang impormasyon na nasa CF cards. Palitan lamang ito, maaari na itong magpadala ng election returns na iba sa aktuwal na bilang ng boto. Kung totoo man lahat ito, masasabi pa kayang may kredibilidad ang resulta ng nakaraang halalan? Siguro dapat lamang na magkaroon ng manual count o mano-manong bilangan. Tanging ito lamang ang makapagbibigay ng kasagutan. Kung gugustuhin, kakayanin ito, ngunit kung may itinatago, talagang aayawan. At siguro sa susunod na halalan, dapat nang ibasura na ang serbisyo ng Smartmatic. Hindi naman talaga ito ang eksperto pagdating sa automated election, bagkus ito’y isang dealer lamang. Naisahan ata tayo, mga kabayan.


HUNYO 4 - 10, 2013

opinyon

THE JUMPING WALL Rogie Ylagan

Anong klase kang anak? ‘Pag pinagsasabihan tayo ng ating nanay o tatay na huwag gawin ang isang bagay noong maliliit pa tayo, hindi nila sinasabi ang rason. Basta, huwag mong gawin. Kung hindi ka susunod, makikita mo ang hinahanap mo. At hindi ‘yun ‘yung nawawala mong laruan. May parusa ka. May palo, bawal kang lumabas o kaya ay walang cartoons muna sa TV. Hindi nila kadalasan sasabihin ang dahilan pero maraming bawal. Kung bakit hindi sila nagpapaliwanag ay dahil sa bata pa tayo at ‘di pa rin naman natin maiintindihan nang maigi. At

dahil magulang natin sila, sumusunod tayo dahil nasa kanila ang pinakamalaking takot at tiwala natin kumpara sa kahit kaninuman sa mundo. Pero minsan ay napapalo pa rin tayo sa kakulitan at kagustuhang subukan kung ano ang mangyayari ‘pag ginawa natin ang bawal. Nagagawa nila ito sa atin upang mailayo tayo sa mas malaking kapahamakan kapag inulit pa natin ang nagawang kalokohan. Habang tumatanda naman tayo ay unti-unti nating nauunawaan kung bakit pinagbabawalan

THE DREAMER

tayo ng ating mga magulang na gawin ang maraming bagay noon. Naiiba na rin ang pakikitungo nila sa atin dahil alam nilang mas malawak na ang ating kaisipan. Mas mauunawaan na natin ang kanilang mga paliwanag na ‘di na kinakailangan ng pananakot o parusa. Wala itong pinagkaiba sa pagtrato ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi pa ganoon kalalim ang pagkaunawa ng tao sa mundo sa umpisa kung kaya ang mga utos ng Diyos noon ay may kasamang parusa at takot sa puso ng tao. At ang mga tao noon ay higit na mas buo ang tiwala sa Diyos kaysa kanino pa man katulad ng isang batang musmos sa kanyang magulang. Habang tumatagal at lumalawak ang kaalaman ng tao ay nagbabago rin ang trato

5 sa atin ng Diyos bilang anak. Pinadala Niya ang Kanyang Bugtong na Anak upang sumama at mamuhay kasama natin at Siya mismo ang nagturo sa atin ng mga aral na ibinigay na sa atin ng Diyos Ama sa pamamagitan ng mga naunang propeta at ipaliwanag kung bakit dapat nating gawin at sundin ang mga ito. At nang matapos ang Kanyang misyon sa atin ay bumaba naman ang Banal na Espiritu Santo na kasama natin hanggang ngayon para higit pang ipaunawa ang mga kaalamang ibinigay sa atin ng Panginoon. Tulad ng bawat isa sa atin, ang sangkatauhan ay higit nang nakakaunawa sa paglipas ng panahon. Mas malalim na ang karunungan natin - sundan sa Pahina 8

magkakaintindihan. mang pahirap na dumatAng pagkakabatid ko, ing sa buhay mo. Iba Paul Edward Sison kadalasan, ang mga taong kasi ang iyong batayan hirap tanggapin ang -- hindi ang sarili -- si Diyos sa kanilang buhay Kristo. Kaya pasok agad ay ang mga taong self- sa iyo ang mga turo ng centered o mga taong so- Simbahang Katoliko. May brang magmahal sa sarili pinagbabasehan ka na na wala na silang puwang kasi. Mas madaling iugIsa ba kayo sa mga Kato- anong gawin mo, hindi sa puso nila para sa ibang nay ang isang konsepto liko na Katoliko lamang tumatalab. Minsan, ipag- tao. Pag-isipan niyo, sa aplikasyon nito sa busa pangalan, ngunit hindi darasal mo pa na gabayan pansinin ninyo. Tama, ‘di hay kasi andiyan ang buhay ni Kristo sa pananampalataya? ‘Yun “Pero, ‘pag si Kristo ang nasa sentro ng iyong buhay, bilang halbang tipong hi- nakangiti ka pang tatanggapin ang anumang pahirap imbawa at gabay. rap na makita ‘Pag si ang ganda ng na dumating sa buhay mo. Iba kasi ang iyong batayKristo ang pagiging isang an -- hindi ang sarili -- si Kristo.” nasa sentro Katoliko at hing iyong buhay, magrap maintindihan kung ka ng Holy Spirit para po ba? Makasarili nga eh, so tatampo ka pa nga ‘pag ano ang pinagsasabi ng turuan ka kung ano ang mga nababaliw sa Pangi- dapat sabihin. Pero, ‘di hindi sila sensitibo sa wala kang hirap na dipangangailangan ng iba. naranas, “Lord, bakit noon? talaga umuubra. O, may kakilala kayo Ganoon talaga, kapatid. Kaya hirap silang tang- ikaw lang ang nakapako na ganun. Pilosopo. Galit Mahirap talaga maabot gapin ang mga konsepto diyan sa krus? Sama mo sa mundo. Handang mak- ang isang tao na iba ang ng pagmamahal, sakrip- ako diyan. Ang lagay eh ipagdebate tungkol sa re- mundong ginagalawan. isyo, pagpepenitensiya, ikaw lang ang nahihiralihiyon. Mahirap magkaintindi- pag-aayuno, pagpigil sa pan? Pahingi naman niyan.” Nakakalungkot lalo na han ang dalawang taong sarili, atbp. Pero, ‘pag si Kristo ang Ang tunay na Katoliko, kung malapit sa puso mo magkaiba ang salita o ang taong ganito. Naka- lenggwahe. Para mong nasa sentro ng iyong bu- gusto na dinadamayan si ka-frustrate kasi kahit pinagharap ang Bisaya hay, nakangiti ka pang Hesus sa kanyang paghianong sabihin mo, kahit at Ilokano. Hindi talaga tatanggapin ang anu- hirap.

Saan ba ang pwesto ni Kristo sa buhay mo?

LIVE FREE Samantha Catabas Manuel

Blessed to live I am the eldest of 7 children. My parents got married at a very young age -- my dad was 18 and my mom was 20. My mom gave birth to me when she was 21. I can’t imagine how life was for both of them back then -- two young people with a life ahead of them having to face the responsibility of parenting early on. I’m quite sure they had their individual dreams to pursue and plans to fulfill. Perhaps having a family at such a young age wasn’t part of it. But they made a decision and that choice gave me life.

was tough. But my parents are still together, married for the past 37 years and counting. We lost our family business, but we managed to make it through rough times together. I can say that I am indeed blessed to belong to a “big” family. Blessed in spite of the challenges and difficulties we went through. Amidst relationship conflicts, financial difficulties, emotional trials, it is sometimes tempting to think, “I wish I had a smaller family”. But without them, my life would mean nothing and I wouldn’t be the per-

“I simply realized, even if God gave us the freedom to choose, in the end, what will matter most is the fulfillment of His design for our life.” Not having a child would have been the easier choice, but despite both of them having to finish their studies, my parents decided to have me. Eventually, our family grew -- from one child to seven. Admittedly, my mom once shared that she tried taking birth control pills, fearing the responsibility of having more children. But she stopped when she later discovered and began to feel its side effects. A growing family would mean more responsibilities, major accountabilities, more financial obligations and more lives to take care of. It

son I was meant to be. I simply realized, even if God gave us the freedom to choose, in the end, what will matter most is the fulfillment of His design for our life. He blessed our lives with situations, people, experiences which are vital for us to live our life to the fullest. Regardless of my political views and religious background, my life is a testimony of what it means to stand for life. I am alive because my parents had chosen what is right -not because they didn’t have a choice, but because they knew where their hearts stood.


tampok

6

HUNYO 4 - 10, 2013

Sa hirap at ginhawa Ni DIANA UICHANCO

Photo by: Dominic Barrios

A

lam mo bang ang kasal sa huwes ay kinikilala lamang ng estado ngunit hindi ng Simbahan? Ang kasal naman sa Simbahan ay kinikilala pareho ng Simbahan at ng Estado. Isa lamang ito sa mga pagkakaiba ng dalawa, ngunit habang mas nauunawaan ang kahulugan ng kasal ay marahil magiging mas malalim rin ang pagpapahalaga dito. Higit sa pagiging simpleng kontrata lamang sa pagitan ng isang lalaki at babae, “ang kasal sa Simbahan ay likas na ‘espiritwal’ kaya naman pinaniniwalaan natin na ito ay may basbas galing sa Diyos,” paliwanag ni Fr. Eugene David, kura paroko ng Holy Family Parish sa San Isidro, Makati City. “Ang babae at lalaki, bago sila magsama, ay nagpapaalam muna sa Diyos at sa kanyang sambayanan na sila ay nangangakong magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa kalusugan, hanggang sa wakas ng kanilang buhay,” ani Fr. Eugene.

Pagtitipan at hindi lamang simpleng kasunduan

Magastos ba talaga ang magpakasal?

Sa ganitong pananaw, kita namang ang pagsasama ng isang lalaki’t babaeng nagmamahalan ay higit sa isang pangkaraniwang kasunduan lamang kung kaya’t ito ay nangangailangan ng basbas ng Diyos. Ngunit ang seremonya at pagdiriwang ba upang makamtan ang basbas na ito ay kinakailangang maging magarbo? Sadyang magastos nga bang magpakasal? O inaakala lamang ng marami na ang kasal ay walang bisa kung ito ay hindi bongga? Iginiit ng kura paroko na habang nakasalalay sa mag-nobyo kung anong uri ng kasal ang nais nila, ang halaga ng sakramento at pakikipagtipan sa Panginoon ay hindi nagbabago at hindi nakasalalay sa mga panglabas na gastusin. “Sana maintindihan ng mga tao na kung gusto mo ng magarang kasal, kailangan handa ka ring bayaran ang mga magagarang gastusin ng simbahan. Kung gusto mo nang mura o libre, kailangan simple lang ang inyong kasal,” ani Fr. Eugene.

Bahagi rin ng pag-iisang-dibdib ang pananatili sa piling ng bawat isa; hindi na rin dapat sila akitin ng iba sapagkat ayon sa kasulatan, ang pinagsama ng Panginoon ay hindi maaaring paghiwalayin ng tao (Mateo 19:3-6). “Dahil dito, ang kasal sa Simbahan ay isang ‘pagtitip a n ’ o ‘covenant’ sa Diyos, hindi tulad ng pansariling proklamasyon ng pagsasama o “live-in”. Samantala, ang kasal sa huwes ay base sa kapirasong papel kung saan ang magkasintahan ay kinikilala na ng batas bilang mag-asawa,” sinabi ni Fr. Eugene. “Ang pagtitipan sa sakramento ng kasal ay ang pinakamataas na proklamasyon ng pagmamahalan ng Espesyal sa mata ng Diyos mag-asawa sapagkat kasama nila ang Diyos na nag- Ang nagpapamahal sa kasal ay ang mga magarbong bubuklod ng kanilang pagsasama,” dagdag pa niya. panglabas na pangangailangan, dagdag niya. “Tang-

“Ang pagtitipan sa sakramento ng kasal ang pinakamataas na proklamasyon ng pagmamahalan ng mag-asawa sapagkat kasama nila ang Diyos na nagbubuklod ng kanilang pagsasama.”


HUNYO 4 - 10, 2013

tampok

7

Wedding bells!

Mga kailangan para sa sakramento ng kasal: 1. Marriage interview o canonical interview ng pari 2. Kapag nakapasa sa interview, kailangang nilang ibigay ang mga sumusunod: * baptismal certificate * confirmation certificate * marriage license 3. Marriage banns (3 linggong nakapaskil at

naka-anunsyo sa mga misa ang kanilang nalalapit na kasal. Ito ay ginagawa sa kani-kanilang parokya)

Photo by: Sky Ortigas

galin mo ang mga ito, ang pinakaimportante pa rin ay ang inyong pakikipagtipan sa Diyos.” “Akala natin kung wala ang mga panglabas na gastusin ay hindi na espesyal ang ating kasal. Lahat ng kasal ay espesyal sa mata ng Diyos,” paliwanag ng pari.

Advice para sa mga nagpa-planong magpakasal

Ano ang payo ni Fr. Eugene pari sa mga nagbabalak magpakasal? Ipinaliwanag niya ang halaga ng sapat na pagkakakilala sa magiging asawa at ang wastong pag-unawa sa kahulugan ng buhay mag-asawa. “Kilalanin niyo maigi ang inyong mapapangasawa. Ihanda ninyong mabuti ang inyong mga sarili sa pagpasok sa buhay na ito. Huwag padalos-dalos ang pagdedesisyon magpakasal, alamin niyo muna maigi ang kahulugan at tungkulin ng buhay na ito. At kung handa ka na ialay ang iyong buhay sa iyong mapapangasawa at magiging pamilya, saka mo pa lang pwede tanggapin ang sakramentong ito nang buong ligaya at pananalig sa Diyos na magtataguyod ng inyong kasal,” ani Fr. Eugene.

Pagkatapos ng kasal...

Matapos mag-isang-dibdib ay lalong kinakailangang alagaan ang relasyon at ang isa’t isa. Narito ang ilang mga paalaala ng kura paroko: “Sariwain ninyo palagi ang inyong sumpaan sa altar. Lagi ninyong ipagdiwang ang inyong mga anibersario. Bigyan niyo ng panahon ang isa’t-isa higit sa inyong mga trabaho at materyal na bagay.” Iginiit rin niya ang halaga ng pagsimba tuwing Linggo ng sama-sama bilang isang pamilya, at ipinaalala ang mga salita ng yumaong si Fr. James Reuter: “The family that prays together, stays together!” “Panalangin ko ang matibay na pagsasamahan ng pamilya at mga mag-asawa sa panahon natin kung saan matindi ang mga pagsubok at pag-atake laban sa pamilya at sa sakramento ng kasal,” dagdag pa ni Fr. Eugene. “Nawa sa panalangin at patnubay ng Banal na Mag-anak na sina Hesus, Maria at Jose, ang patron ng mga pamilya, maligtas tayo sa lahat ng kasamaan at mabuhay lagi sa pag-ibig ng Diyos.”

4. Pre-cana seminar 5. Sakramento ng kumpisal (isang linggo

o isang araw bago ikasal)

Photo by: Sky Ortigas

BAKIT REQUIREMENT ANG PAGKUKUMPISAL BAGO IKASAL? Sapagkat ang magkasintahan ay papasok sa isang panibagong buhay na igagawad ng Diyos, mahalagang sila ay malinis sa puso, isipan at kaluluwa sa pagsisimula ng bagong buhay bilang mag-asawa. Ito rin ang simbolo na tinatanggap nila ang Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagsisisi.

Para sa mga nag-li-live in:

Sa mga hindi pa nagpapakasal ngunit nagsasama na, narito ang payo ni Fr. Eugene David, kura paroko ng Holy Family Parish sa San Isidro, Makati: Tandaan natin na ang mga sakramento ay ginawad ni Hesukristo sa atin upang magbigay ng grasya at biyaya sa ating pang-araw-araw na buhay. Sino ba naman ang ayaw tumanggap ng mga biyayang ito? Ang mga sakramento ay simbolo ng pagmamahal ng Diyos at Kanyang kagustuhang makasama Niya tayo palagi mula simula hanggang wakas ng ating buhay. Totoo ang salitang “basbas” sa mga taong tumanggap ng sakramento ng kasal sapagkat ang tunay na kahulugan nito ay kasama natin ang Diyos bilang sentro ng ating buhay pag-aasawa at pamilya. Kung kasama natin ang Diyos lahat ng pagsubok ay ating malalampasan.


balita

8

Anong klase kang anak.. mula sa pahina 5 kumpara noon. At tulad ng isang anak, dalawa ang madalas na kahinatnan ng ating pagtanda: Ang higit na mas maging bukas ang isip sa mga aral na ating natanggap sa ating magulang, pisikal man o espirituwal. Dahilan upang maging mas malapit at mapagmahal sa kanila bilang pasasalamat para sa kung sino na tayo ngayon. O ang pangalawa: ang maging arogante sa pag-iisip na higit na mas may alam na tayo ngayon kaysa sa ating mga magulang na minsang nagturo sa atin ng pagbibilang hanggang sampu at pagbabasa ng abakada. Sa hustong edad, maaaring ‘di na tayo madala sa takot ng parusa na maaaring idulot ng ating kapalaluan. Ngunit sa pangyayaring ito, hindi na ang ating magulang o ang Diyos ang siyang magdudulot ng parusa sa atin kundi ang ating sarili. At ito ay ang habambuhay na pagkakawalay mula sa kanilang pagmamahal at kalinga na kaakibat ng malayang pagpili na mayroon ang bawat isa sa atin. Ang gusto ko sanang malaman ay alin ka sa dalawang uri ng anak? (rogie_ylagan@yahoo.com / theignoredgenius.blogspot.com)

HUNYO 4 - 10, 2013

TAPATAN Question! Isa sa pinakamalaking impluwensiya sa isang tao ang kanyang pamilya – alam man niya o hindi. Kaya’t ngayong linggo, tinanong natin ang ilang mga kababayan natin:

Ano ang naranasan mo sa iyong pamilya na gusto mong ipagpagpatuloy sa future family mo?

good news may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

“My parents giving me the freedom to make my own choices, but at the same time making me feel that they are always there supporting me and ready to help me out if and when I call for help.” – Jason Brasileño ng Quezon city, business continuity manager “Yung ‘pag may sakit kami, we are allowed to choose our favorite food, kahit ano pwede. Hehe..Ibibili kami, kahit burger lang sa Jollibee.” – Sunshine Santiago ng Manila, journalist “To support them financially at alagaan sila.” – Violy Altar ng East Timor, OFW “At an early age, they taught us to have a sense of independence. Grade school palang, nag commute na kami on our own. Like 8-kilometer bus travel. We were not spoiled as well. If we wanted something, we have to work hard for it. We learn a lot of things in life because our parents trust us enough to experience it on our own. with their loving guidance pa din of course. Kaya din ganun nalang din ‘yung closeness namin.” – Bonnie Padua ng Cavite City, marketing executive “’Yung service ng mama ko sa pamilya namin. I want to emulate that. I hope magawa ko din yun sa family ko in the near future.” – Apaule Amon ng Singapore, nurse “One is yearly family outing; second is kahit walang occasion, basta kumpleto kami, pa-padeliver kami ng food for merienda at family gathering.” – Xyrus Bonn Linatoc ng Quezon province,missionary “The closeness and openness. ‘Yung in all things, family ‘yung priority, ‘pagmay problema, pwede mo silang malapitan at masabihan.” – Ara Rodriguez ng Palawan, bed & breakfast manager


HUNYO 4 - 10, 2013

balita

9

Tatapatin kita… ni Ate Ami Pangarap niyang maging porn star? Dear Ate Ami, Nalaman ko po sa kaibigan ko na puwede humingi sa inyo ng advice. I’m 27 and I’m a graphic designer. May kapatid ako (“Bea”) at ang pangarap niya ay lumabas sa FHM magazine. Alam kong tinatawag itong malaswang magazine pero dream na niya dati pa na maging model doon, kaya sinuportahan ko siya. Anyway, dahil sa isang conversation namin ng isang kaibigan, na-konsensiya ako tungkol dito kaya nagpunta ako sa isang pari for spiritual advice. Marami siyang sinabi pero ang nakaka-bother sa akin ay ‘yung sabi niyang bilang ate, responsibilidad kong i-guide si Bea, hindi i-misguide tulad daw ng ginagawa kong pag-suporta sa pangarap na hindi desente. By the way, above 18 na ang kapatid ko. Undecided ako tungkol dito kasi of age na si Bea, so she can decide on her own. I’m just supporting her as her big sister and appearing in this magazine can really open doors for her. At the same time, isang lesson na tinuro ko sa kanya ay to pursue her dreams and believe in herself no matter how others put her down. Hirap lang akong i-reconcile ang advice ko sa kanya at pakikinig sa sinabi ng pari. I hope you can help me out with your own advice. – Swirl Girl

rin ‘yang susuportahan mo. Ang suportang dapat mong ibigay sa kanya ay ang suporta ng paalala na nanggagaling sa tunay na pagpapahalaga sa kanyang katauhan, hindi lamang sa kanyang “pangarap”. Hindi mo siya pipigilan o hihigpitan (baka lalo lang niyang gustuhin iyon), pero sasabihin mo sa kanya ang mga maaaring ibunga ng ganong “pangarap”. Magbibilad siya ng katawan sa publiko—kung may paghanga man sa kanyang kagandahan, tiyak na hindi iyon dalisay pagkat ang mga ganoong larawan ay “kumikiliti” sa laman. Malamang pag-isipan siya ng mahalay ng makakakita, pagnasahan siya, sundan-sundan siya ng stalkers, ma-rape siya. In any case, kahit sinong modernong lalaki, maaaring hindi siya seryosohin dahil ang mga naghahantad sa publiko ay “hindi tipong papakasalan”. Live in, oo. Casual sex, oo. Ipakikilala sa magulang ng lalaki para pakasalan? Ang unang itatanong nila ay “desenteng babae ba ‘yan”? Kung may magpakasal man sa kanya (Matandang Mayamang Malapit nang Mamatay), siguradong ang nagustuhan noon ay katawan lamang at hindi ang buo niyang pagkatao. Para lamang isang commodity si Bea na puwedeng bilhin. Mag-usap kayo nang matimtiman, at tanungin mo si Bea kung ano ang tingin niya sa sarili niya kung wala siyang gandang pang-FHM. Papaano niya “nakikita” ang sarili niya sa idad na 25? (Sa dami ng mga babaeng kompetenaku, Swirl Girl, ikaw ang nangangailangan ng guidance. Kaya take a siya niya, ilang FHM issue lang, laos na siya). Sa edad na 30? 40? Kung baga, hint from the circumstances, iniimbitahan ka ng Panginoon na tahakin gina-guide mo siya sa tamang pagtingin sa katawan ng babae, ng tao. Do you honestly, really, truly believe that “appearing in this magazine can ang … ehem, daang maliwanag, hindi lamang matuwid. The fact that nakonsiyensiya ka ng conversation mo with a friend, and you approached a really open doors for her”? What kind of doors—have you considered that? priest for guidance, are already signs that the Lord is extending His hand to And is it the only way doors will open to her? In telling her “to pursue her dreams and believe in herself no matter how you—so that you can, in turn, extend your hand “Hindi lahat ng bagay ay masasabi others put her down”, mukhang kinukunsinti to others, like Bea. Maaari nating sabihin, oo nga, of age na mong okay nang pagdesisyunan ng may mo si Bea. Alam mong tinatawag na “malaswa” ang publication of Bea’s dreams, pero pinalalasiya, she can decide on her own. But guidance knows no age limits—hanggang bingit ng katawan komo nasa legal age na siya.” kas mo pa ang loob niya by saying na huwag niyang intindihin ang sasabihin ng iba, basta kamatayan puwede pa rin tayong makinabang sa pamamatnubay ng iba. Hindi lahat ng bagay ay masasabi mong okay nang sundan niya ang pangarap niya? Huwag kang maging manhid at bingi sa sarili mong budhi. Kaya ka hindi pagdesisyunan ng may katawan komo nasa legal age na siya. Dahil ‘pag matahimik, “hati” ang iyong kalooban: “susuportahan” mo ba si Bea (sa daang “sumabit” o “sumemplang” ‘yan dahil sa kapusukan ng desisyon niya, sa iyo din ang takbo niyan, mas malaking problema pa. Kailangan patnubayan mo hitik sa pekeng kaligayahan) o ipakikilala mo sa kanya ang kakaiba pa niyang siya bilang ate, na higit ang karanasan sa buhay kaysa kanya. Tama ‘yung ganda na nasa kanyang kalooban? Hinahamon kita, Swirl Girl. Magpakatopari na nagsabing you should guide, not to misguide Bea. Eh kung para sa too kang “ate”. iyo, there’s nothing wrong with becoming a sex object, wala na, pawala na

N

Ate Ami

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

Alam mo ba? Ang madalas na pagsabay-sabay na pagkain ng pamilya ay kaugnay sa mas mababang panganib ng pagsigarilyo, pag-inom at paggamit ng ipinagbabawal na droga; sa mas mababang saklaw ng sintomas ng kapighatian at pag-iisip ng pagpapakamatay; at sa mas mabuting grado sa eskwelahan sa mga edad 11-18 taon. (Archives of Pediatrics and Adolescent Medicine, 2004)

FOLLOW US... FOLLOW US... @tapatnews

tapatnews

tapatnews@gmail.com www.tapatnews.com or subscribe to Tapat. Check out the subscription form at page 4 of this issue.

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com


10

Katoliko

HUNYO 4 - 10, 2013

Unapologetically Catholic

Do Catholics worship statues?

W

e always hear how Protestants accuse Himself to the world in physical form. “He is the Catholics of worshipping statues be- image of the invisible God...” [Col. 1:15] “For in cause they have images of Christ and him (Jesus) all the fullness of God was pleased to the saints in their Churches and in their homes. dwell.” [Col. 1:19] “For in him (Jesus) the whole They quote the Holy Bible, “You shall not make fullness of deity dwells bodily.” [Col. 2:9] for yourself an idol, or any likeness of what is in The Holy Spirit also revealed Himself in visible heaven above or on the earth beneath or in the form, as a dove at the Baptism of our Lord Jesus water under the earth. You shall not worship [Mt 3:16, Mk. 1:10, Lk 3:22, Jn 1:32] and as tongues them or serve them...” [Exodus 20:4-5] They of fire on Pentecost Day [Acts 2:1-4]. say Catholics are idolaters because they violate Images, icons, statues -- they are all remindGod’s commanders of God’s ment. How true “Catholics do not adore or worship these images, Three Diis this? vine Persons. The difference: icons and statues. They adore and worship He who Catholics do God did not fornot adore is represented by these man-made objects.” bid the religious or worship usage of statues; He forbade the worship of stat- these images, icons and statues. They adore and ues. This is obviously not the same. In one Bible worship He who is represented by these manpassage, we read of an instance when God com- made objects. manded the making of statues, “You shall make If a mother dies in childbirth, her picture is the two cherubim of gold, make them of hammered only thing that the child has to show himself what work at the two ends of the mercy seat... The his mother looked like. This does not mean that cherubim shall have their wings spread upward, the child adores the picture. The picture serves as covering the mercy seat with their wings and a reminder. facing one another; the faces of the cherubim Equally, Jesus left this earth before all of us were are to be turned toward the mercy seat.” [Exo- born. A painting of Jesus serves the purpose of redus 25:18-20] minding us to adore Jesus, to obey Him, to serve In Numbers 21:8-9, we read, “And the Lord Him, to plea to Him on behalf of others. said to Moses, ‘Make a poisonous serpent, and Pictures and statues of saints remind us of their set it on a pole; and everyone who is bitten shall lives, their virtues and the blessings they received look at it and live.’” from God. The objects remind us that we can pray This serpent on a pole was symbolic, repre- to the saints in the sense of asking them to intersenting Jesus Christ on the Holy Cross. In the cede to God on our behalf. For who is in a better same way, when Catholics look at a crucifix or a position to obtain a favor from God than the saints picture of Jesus on the Cross, they are reminded who are face to face with God? This certainly does that the Lord Jesus is their Saviour. He is the not mean that we adore the saints nor does it way, the truth and the life. As the serpent on mean that we are praying to the Saints in the hope the pole was part of a Jewish religious ritual, the of obtaining the favors from them. crucifix is part of Catholic liturgy. The Catholic Church throughout its history, like As the Holy Bible teaches, God the Father has other Christian churches, has always condemned no form. He is Spirit. When God spoke to Mo- all forms of idolatry. Catholics know that objects ses at Horeb, it was in the midst of the burning are not gods to be worshipped. This truth is taught bush. When the time was right, God revealed to them from the moment that they can walk.

KATESISMO, MISMO! Ano ang inggit? CCC 2539 Ang inggit ay isang nakamamatay na kasalanan. Ang taong naiinggit ay malungkot kapag nakita niya ang ari-arian ng kanyang kapwa at may matinding pagnanais na makamtan niya ang mga ito kahit sa maling pamamaraan. Tinawag ni San Agustin na “may pagkasa-demonyong kasalanan (the diabolical sin)” ang inggit. [1] “Mula sa inggit nanggagaling ang pagkapoot , pagbibintang, pagsisinungaling laban sa puri ng kapwa, pagkatuwa dahil sa kasawian ng kapwa, sama ng loob dahil sa mabuting kapalaran ng iba.”[2] 1 Cf. St. Augustine, De catechizandis rudibus 4, 8 PL 40, 315-316. 2 St. Gregory the Great Moralia in Job 31, 45: PL 76, 621.

From the Saints... “Let nothing disturb you, Let nothing frighten you, All things are passing away: God never changes. Patience obtains all things. Whoever has God lacks nothing; God alone suffices.” - St. Teresa of Avila


11

HUNYO 4 - 10, 2013

#coolCatholics

Love & destiny expert, Fr. Joel Jason by SKY ORTIGAS

T

he first time I googled John Paul II’s Theology of the Body, my first reaction was, “Ooops, it will take me a hundred years to read and truly understand this.” So, I started to look for something simpler, from Christopher West’s to Jason Evert’s to other TOB writers. Then someone recommended the book “Free Love, True Love” by this Filipino priest, Fr. Joel Jason. The book was engaging, simple, and easy to understand. It made me realize the power of God’s amazing, real Love. True Love. From simple explanations to a variety of examples (and even jokes), I got to take JPII’s teaching to heart. And somehow, I wondered will the author write another book? Fr. Joel also writes and shares his Sunday homilies on his Facebook page. He writes practical homilies that can lead you to reflect on life and the simple things that give you joy. So, I was kinda grateful when he agreed to take time from his busy schedules and share a little chat with me.

Sky: What makes you feel like a kid? FJJ: I feel like a kid when I’m with young people. In fact, I don’t feel my age, since I am mostly with the young people I teach and form and journey with in the seminary. Sky: What’s the happiest place on earth? FJJ: Hmmm.. The happiest place on earth is where my friends and loved ones surround me. Sky: What are your simple joys? FJJ: Simple joys [are] reading a good, engaging book, a good cup of coffee, a hot plate of pasta and freshly baked pizza, a game of basketball or tennis, jamming with friends on the guitar and most of all, being still before Jesus in the tabernacle.

“ Interested in learning about Theology of the Body and the destiny of love all of us are called to? Find Fr. Joel’s book in leading bookstores. Last time we checked, it will set you back by just P150.00!

My father died when I was in my first year in the seminary. My father didn’t have lot to leave behind when he passed on to eternal life. But what he gave me I treasure. I still use it now as a priest. When I entered the seminary at the age of 16, my father gave me his Bible. I knew it was his Bible because it was “dirty” – the pages were worn out, it had highlights, it had marks on it and even some scribbled little notes. You can tell he read it. You can tell he prayed with it. Jesus was not only ink for him. Jesus was a voice speaking to him in the pages of His Scriptures.

– Fr. Joel Jason (during his homily on Good Shepherd Sunday)


Family Consecration Prayer

All for Jesus through Mary! Let Our Lady know of your perpetual love and devotion. Throughout life she will be your great Queen and defender for “in the end her immaculate heart will triumph!� Consecrate your family to the Immaculate Heart of Mary today! Oh Mother Most Pure, we come to you as a family and consecrate ourselves to your most Immaculate Heart. We come to you as a family and place our trust in your powerful intercession. Oh Dearest Mother Mary, teach us as a mother teaches her children, for our souls are soiled and our prayers are weak because of our sinful hearts. Here we are Dearest Mother, ready to respond to you and follow your way, for your way leads us to the heart of your Son, Jesus. We are ready to be cleansed and purified. Come then Virgin Most Pure, and embrace us with your motherly mantle. Make our hearts whiter than snow and as pure as a spring of fresh water. Teach us to pray, so that our prayers may become more beautiful than the singing of the birds at the break of dawn. Dear Mother Mary, we entrust to your Immaculate Heart of hearts, our family and our entire future. Lead us all to our homeland which is Heaven. Immaculate Heart of Mary, pray for us. Amen.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.