Ceiling, Sanctuary of Our Lady of Fatima, Portugal (Photo by Sky Ortigas)
HUNYO 18-24, 2013 VOL 1 NO 11 Maaaring makilahok sa Act of Consecration o Pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ang bawat Pilipino tuwing unang Sabado ng buwan.
TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY
3 LABOR OFFICIALS,
PINAGHIHINALAANG NANG-AABUSO NG
MGA OFW
- Basahin sa Pahina 3
@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
Dami ng kaso ng annulment, pababa - Pahina 2
Pangalawang milagro ni John Paul II inaprubahan
- Pahina 3
www.tapatnews.com
balita
2
What’s Happening?
Holy Mass in remembrance of Jaime Cardinal Sin’s death anniversary June 21 [Friday], 7 a.m., Manila Cathedral crypt Mass to be celebrated by His Excellency Archbishop Socrates Villegas, Archbishop of Lingayen-Dagupan Eucharistic celebration on the feast of St. Josemaria Escriva, Founder of Opus Dei June 26 [Wednesday], 6 p.m., St. Therese of the Child Jesus Shrine, Manlunas, Pasay City (in front of NAIA 3) Mass to be celebrated by His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila Couples for Christ 32nd Anniversary June 22 [Saturday], 10 a.m. to 7.30 p.m., Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila Subtle Attacks Against the Family Explained seminar Every 3rd weekend, Saturday 8 a.m. to Sunday 5 p.m., St. Michael Retreat House, Antipolo City For more information, contact (02) 696-1729 or 696-0382 / 0917-896-7202, smrh.ph@gmail.com www.stmichaelretreathouse.org Couples for Christ Christian Life Program Every Saturday starting June 29, 7.30 p.m., Santuario del Santo Cristo parish, San Juan City
HUNYO 18 - 24, 2013
Rally laban sa RH law, gaganapin sa Hulyo 9
IMBES na isang ganap na kilos protesta, magdadaos ng isang mala-piyestang pagtitipon ang mga pro-lifers sa Hulyo 9 upang magpakita ng suporta para sa mga nagpepetisyon laban sa R.A. 10354 o Reproductive Health Law na nakatakdang sumali sa oral arguments sa Korte Suprema sa nasabing araw. Nananawagan ang grupong Filipinos for Life (F4L) sa lahat ng mamamayang naninindigan sa buhay na lumahok sa nasabing pagkilos na magsisimula ng 9 a.m. sa harap ng Korte Suprema sa kalye ng Padre Faura sa Maynila. “Ginawa natin itong isang mala-piyestang pagtitipon dahil kailangan nating ipalabas ang mensahe sa ating bayan na dapat nating ipagdiwang ang buhay. Una’t sapul, ang pinakamagandang maaaring mangyari sa isang tao ay ang maipanganak,” ani AJ Perez, pangulo ng F4L.
Magkakaroon ng isang maikling programa kung saan magrorosaryo, magkakaroon ng mga pep talks galing sa mga kinatawan ng mga mampepetisyon, kantahan at sayawan. Ang mga dadalo ay hinihikayat na magsuot ng pula at magbitbit ng mga placards na may mga “positibong mensahe tungkol sa buhay.” Sa kabila ng napakatagal na laban kontra sa RH law, may nakikitang pag-asa si Perez sa darating na oral arguments. “Kinikilala natin ang katotohanan na ito ay maaaring maging makasaysayang sandali sa ating bansa. Matagal na nating iwinawaksi ang RH at maaaring ito na ang ating pagkakataon na paslangin ang dragon,” dagdag pa nito. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Pro-life office sa (02) 733-7027, (02) 734-94-25, 0918-2337783 o ‘di kaya’y i-email sa life@prolife.org. (NED)
Pababa ang dami ng kaso ng annulment - obispo Ni ROY LAGARDE BUMABABA ang dami ng mga kaso ng annulment, sabi ng pinuno ng National Appellate for Matrimonial Tribunal (NAMT) ng Simbahang Katolika nitong linggo. Tantiya ni retired NAMT Judicial Vicar Archbishop Oscar Cruz na bumaba ng 1015% ang dami ng kaso ng annulment itong mga nakaraang taon. “Sa palagay ko ay mas mababa sa 10-15% kung ang mga kaso dito sa atin ang pag-uusapan. May mga kasong direktang dinadala sa Roma at ito’y hindi dumadaan sa amin,” ani Cruz. Dinadagdag pa ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang karamihan ng mga mag-
asawang naghahanap ng pagpapawalangbisa ng kanilang kasal ay taga-Metro Manila. Sinabi pa niya na bagamat dumadami sa probinsiya ang mga kasal sa Simbahan, iba ang sitwasyon sa malalaking lungsod. Ayon kay Cruz, maraming mga mag-nobyo ang nagpapasyang manirahang magkasama at hindi magpakasal “dahil mismo sa kalakaran na kung [mag-live-in sila], maaari rin silang maghiwalay kung kailan man nila gustuhin.” “Mas mahirap ang buhay mag-asawa dito [sa Metro Manila] dahil sa impluwensiya ng mga mayayamang bansa na kung saan pinahihintulutan ang diborsiyo at same-sex ‘marriage’,” sabi ng obispo.
HUNYO 18 - 24, 2013
WORLD NEWS
balita Ni ANA YSALAKAN
Pangalawang milagro ni John Paul II inaprubahan
3
3 Labor Officials, pinaghihinalaang nang-aabuso ng mga OFW
Ni PAULO DE GUZMAN
VATICAN CITY, Italy – Inaprubahan na ng mga teologo ng Vatican ang ikalawang milagro ni pope John Paul II na ayon sa ANSA news agency ay “ikagugulat ng mundo”. Ayon sa report, nangyari ang ikalawang milagro sa mismong araw ng beatipikasyon ni Beato John Paul II noong 2011, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang ANSA tungkol dito. Matatandaang ang unang milagro ni Bl. John Paul II ay ang ‘di maipaliwanag na paggaling ni Sr. Marie Simon-Pierre sa Parkinson’s disease matapos humingi ng ‘intercession’ mula kay John Paul II. Kinakailangan ng dalawang kumpirmadong milagro upang madeklarang santo ang isang tao.
Bill laban sa late-term abortions, pinasa ng U.S. Congress WASHINGTON, D.C., United States – Sa kabila ng matinding oposisyon ni U.S. President Barack Obama sa “Pain-Capable Unborn Child Protection Act” (H.R. 1797) ni Trent Franks pumasa ito sa House of Representatives noong Miyerkules. Bumoto ang 228 na mambabatas ng U.S. upang ipasa ito; 196 naman ang tutol na ipagbawal ang aborsyon para sa mga babaeng 20 linggo nang nagdadalang-tao. Matatandaang sa isang pahayag ng Administration Policy, tinawag ng pangulo na “isang banta sa karapatan ng mga kababaihan na pumili”at handa niyang ipawalang-bisa ang nasabing panukalang batas pumasa man ito sa Senado.
Google ‘balloons’ maghahatid ng wifi sa liblib na lugar SOUTH ISLAND, New Zealand – Nagpalipad ang Google ng 30 na lobo mula sa New Zealand patungong estratospera upang makapaghatid ng wifi internet sa mga tagong lugar na walang internet connections. Tinaguriang Project Loon, ang nasabing proyekto ay naglunsad ng mga super pressure na lobo na iikot sa mundo na may taglay na 3G-speed na internet para sa 4.8 milyong katao . Ang sakop ng nasabing internet ay aabot sa 780 milya o sukat ng dawalang New York City.
Nangakong iimbestigahan ni DFA secretary Albert del Rosario ang tinaguriang “sex-for-fly” modus operandi sa ilang bansa sa Middle east.
SA kabila ng gulo sa ilang bahagi ng gitnang Silangan, nagawa pa diumano ng ilang opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na samantalahin ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng pag-alok sa mga babaeng OFW ng repatriation o pagbalik sa Pilipinas kapalit ang seks. Batay sa mga sources galing mismo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang nasabing mga opisyal ay nakilala bilang sina Mr. Kim na nakabase sa Damascus, Syria; si Assistant Labor Attache Mario Antonio ng Amman, Jordan; at si Blas Marquez, isang opisyal ng POLO sa bansang Kuwait. Samantala, ikinalungkot at mariing kinondena ng chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People at Obispo ng Maasin na si Precioso Cantillas ang iskandalong kinasasangkutan ng nasabing mga opisyal. “Nalulungkot tayo at kinukondena natin ang hindi magandang ginagawa ng kung sinuman, ang mga nag-exploit sa ating mga kababayan. Hi-
rap na hirap na nga sila tapos dadagdagan pa ng masamang gawa. Sila na nga hirap sa buhay, sila pa ang pinahihirapan ng mga opisyal pa ng pamahalaan,” ani Cantillas. Dagdag pa ng obispo “na hindi sana nai-exploit o naabuso ang mga Filipino sa iba’tibang panig ng mundo kung hindi laganap ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa Pilipinas.” Sa kabila nito nagpahayag naman ng tiwala si Cantillas na magkaroon ng resulta ang gagawing imbestigasyon ng DFA upang maparusahan ang mga opisyal na nasa likod ng pang-aabuso sa mga kababayan nating OFW. Ipinahayag ng sekretarya ng DFA na si Albert Del Rosario na sa ngayon maituturing na ‘sabi-sabi’ ang isyu patungkol sa ‘sex for fly’ sa kadahilanang wala diumanong nakarinig ng naturang isyu sa opisina o tanggapan ng mga nasasangkot na ahensya. Sinabi din ni Del Rosario na nagbibigay ang gobyerno ng libreng biyahe pauwi sa ating mga OFW at hindi ito dahilan upang maabuso ang ilan na
naghihintay ng kanilang paguwi sa ilang mga shelter na itinalaga para sa mga OFW. Diin naman ni Del Rosario na hiniling na ng pamunuan ng DFA ang mga inaakusahan na umuwi at magpaliwanag. Dagdag pa ni Del Rosario, pamumunuan niya mismo ang pagsisiyasat at sisiguraduhin din nito ang pagkalap ng tamang impormasyon hinggil sa isyu. Matatandaan nito lamang pagbubukas ng Hunyo, nanawagan ang grupong Migrante kay Pangulong Benigno Aquino III upang pabilisin ang paguwi ng mga OFW na nananatiling stranded sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan. Ani Migrante chairperson Garry Martinez, “Sa bawat araw na walang aksyon ang gobyerno ng Pilipinas ay nangangahulugang buhay o kamatayan sa ating mga OFW.” Tinatayang may halos 63.1 porsyento ng kabuuang 2.2 milyon na OFW ay kababaihan na may edad 15 hanggang 34 at nanatili sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang makipagsapalaran sanhi ng ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
editoryal
4
HUNYO 18 - 24, 2013
AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Pananakot at hikahos sa tuwid na daan
Halos magdadalawang taon na ang nakalilipas nang pagdesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman ang pagpapamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita na pagmamayari ng mga kamaganak ni Pangulong Benigno Aquino III. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang patutunguhan ng mga ipinaglalaban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Kamakailan, inakusahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si PNoy at ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng panghaharass matapos diumano magpadala ng ilang trak ng sundalo ang pamilya ni PNoy sa Hacienda Luisita. Pinaniniwalaan din na mayroon pang shares o parte si PNoy sa nasabing lupain taliwas sa sinabi noon ng Pangulo na naibenta na niya ang kanyang bahagi. Sinasabing namana ni PNoy ang parte sa lupain mula sa kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino ngunit sinabi na rin noon ni Cory na naibenta na ito. Ayon din sa batas, ang anumang parte o mga business interest ay dapat bitawan sa sandaling maupo bilang pangulo o ‘di kaya
Nagpapakita lamang ang ganitong aksyon ng kawalan ng interes na tugunan ang hinaing ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na lubhang nalugmok sa kahirapan. naman bilang miyembro ng Gabinete. Kung ganoon man, bakit ngayon lamang naibenta ni PNoy ang kanyang shares? Sa pagkakaupo niya bilang pangulo, lumaki diumano ang ‘net worth’ ni PNoy na nakasaad sa kanyang statement of assets and liabilities o SALN. Samantala, ang grupong Ambala (Alyansa ng Manggagawa sa Asyenda Luisita) naman ay nakiusap sa Kataastaasang Hukuman na ipag-utos ang madalian at kumpletong pamamahagi ng lupaing may kabuuang sukat na 4,335 ektarya na taniman ng asukal. Ayon sa isang report, ikinababahala naman ng KMP ang pagdagsa ng mga militar, pulis at ilang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Hacienda Luisita na naghahanap sa mga lider ng AM-
BALA na sina Lito Bais, Gil Palaganas, Gaudencio Halili, at Mary Jane Taruc. Nagpapakita lamang ang ganitong aksyon ng kawalan ng interes na tugunan ang hinaing ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na lubhang nalugmok sa kahirapan. Tayo mismo ay pinalad na makilala ang isa sa mga lider ng AMBALA, and kapatid na si Lito Bais, nang magkaroon ng isang pagpupulong dito sa Maynila. Sadyang nakaaawa ang kanilang kalagayan. At noong aming pagkikita, nakiusap pa si kapatid na Lito ng pandagdag sa kanyang pamasahe pauwi ng Tarlac. Kailan ba tutungo sa daang matuwid ang direksyong ipinaglalaban ng mga magsasakang ito? Kung nakayanan noon ni PNoy na gawan ng paraan na maipasa ang ‘Sin Tax’ bill, totoo bang nakagapos ang kanyang
mga kamay sa isyung pamamahagi ng lupain ng Hacienda Luisita? Malapit na naman ang State of the Nation Address (SONA) ni PNoy at inaasahang muli niyang ipagmamalaki ang sinasabing ‘economic growth’ ng bansa. Sana lamang, isiwalat din ng pangulo ang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na may 624,000 mga manggagawa mula sa sektor ng agrikultura ang nawalan naman ng trabaho. Ayon din naman sa National Statistics Office (NSO) nitong Abril, bumagsak ang bilang ng trabaho ng 7.5% o tinatayang may 3.08 milyong trabaho ang nawala. Ito ay sa kabila ng pagmamalaki ng palasyo sa 7.8% na pagsulong ng ekonomiya. Ano ba ang mga ito sa karaniwang magsasaka? Para sa ating mga kapatid na magsasaka, ang tanging pag-asang makatanggap ng lupa ang maaaring makapag-aangat sa kanilang naghihikahos na kalagayan. Paulit-ulit na ang usapan, pagkilos na ang kinakailangan. Madaling maipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita kung gugustuhin at makikiisa tayo sa kanilang ipinaglalaban tungo sa tuwid na daan.
HUNYO 18 - 24, 2013
opinyon
5
THE JUMPING WALL
sa nawaglit na layunin yunin na kanila sanang sa eskwela na mag-aral naging gabay. at matuto, bagkus inuna Sa bawat hakbang Rogie Ylagan pa ang bisyo at barkada? natin sa buhay ay hinAt mga pamilyang na- di maiiwasan ang iba’t sira dahil sa nakaligtaang ibang kinang sa paligid sumpaan sa simula na na humahalina sa ating magsasama nang mata- mga pandama para ito ay Dalawang bagay ang imSubalit hindi sapat ang pat at magbubuo ng isang lapitan at subukan. Hindi portante para may marat- mayroon nito sa simula mabuti at marangal na masama ang maglibang ing ang isang tao. Ang lamang. Habang nagla- pamilya, dahil sa pag- at magsaya sa mabubutlayunin at ang ing bagay at paraan Ilang mga estudyante na ba ang hindi pagsisimula. na iyong nakakasaHindi maaaring nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa nawaglit lubong pansumandali wala ang isa. upang makabawas Ang layunin ay na layunin sa eskwela na mag-aral at matuto, sa pagod at pagkaskung ano ang uya. Panatilihin mo bagkus inuna pa ang bisyo at barkada? iyong ninanais lamang sana sa iyong na destinasyon at ang lakbay patungo sa at- kalingat sa mga impor- paningin at isipan ang pagsisimula naman ay ing direksyon, dapat ay tanteng bagay dala ng iyong layunin at ang daang unang hakbang para patuloy na nakatuon tayo mga tukso sa mundo? hilan ng iyong unang marating ito. Kung hindi sa ating layunin at dahi- Mga tagumpay na hin- paghakbang nang hindi malinaw anglayunin ay lan ng ating pagsisimula. di naabot ng ilang mga ka tuluyangmahinto at para kang isang taong Maraming mga pangarap biniyayaan sana ng tal- maging dahilan ng paligaw na pagala-gala na ang hindi natupad dahil ento dahil sa pagkasilaw glimot sa pagtahak ng walang patutunguhan. At sa pagbitaw sa dalawang sa kasikatan at karang- destinasyong una mong kung ‘di ka naman mag- ito. yaan na tinamasa sa gitna inasam na marating. sisimulang humakbang, Ilang mga estudyante ng kanilang paglalakbay (rogie_ylagan@yahoo. ang layunin ay manana- na ba ang hindi nakapag- hanggang naisantabi na com / theignoredgenius. tiling panaginip lamang. tapos sa pag-aaral dahil nila ang pangunahing la- blogspot.com)
Sariling gabay sa bawat hakbang
THE DREAMER
Paul Edward Sison
Babala sa mga tsismoso’t tsismosa “But I tell you that everyone will have to give account on the day of judgment for every empty word they have spoken. For by your words you will be acquitted, and by your words you will be condemned.” Matthew 12:36-37 Ito daw ang mensahe ni Rep. Manny Pacquiao sa mga taga-media ayon sa isang Facebook status ni Ivy Lisa Mendoza, dating editor ng Manila Bulletin. Napapanahon po ang ganitong paalala ni Pacquiao dahil sa pagiging laganap ng bagong teknolohiya na nagpapadali ngunit siya rin namang nagpapatabang kung minsan ng komunikasyon. Dahil sa social
media, internet, cellphones, i-Pad tablets, atbp., napakadali na nating ipahayag ang ating saloobin.
mas lalo pang pinalala nitong Facebook at dali ng pagtetext. Hay naku…buti sana kung therapy o escape lang ‘yan ng mga taong mababa ang tingin sa sarili. Alam niyo na, ‘yung mga tipong insecure at inggitera sa tagumpay ng ibang tao, kaso, matindi ang parusa diyan, lalo na kapag tayo ay namatay na at nakaharap na sa pa-
natin ang paborito nating pag-usapan? Oo nga po … lalo na kapag nakatalikod o wala. Magbagong buhay na tayo. Mismong ang Santo Papa na ang nagpapaalala sa atin: Jesus, “With all simplicity says: ‘Do not speak ill of one another. Do not denigrate one another. Do not belittle one another.’” Sinabi rin ni Pope
Sinabi rin ni Pope Francis na immature ang paninirang puri dahil kinakailangan pa na manira tayo ng kapwa para lang maramdaman natin na importante tayo. Mabuti sana ito – kung ito ay ginagamit para sa mabuti. Kaso nga lamang, napakarami rin ng gumagamit nito sa ‘di wastong paraan. Ano ‘yon? National pastime daw ng mga Pinoy ang pagchichismis? Patay tayo diyan! Chismoso na ang Pinoy,
ghuhusga ni Kristo. Tama si Pacquiao. Basahin niyo ulit ang mensahe niya sa itaas. Hindi po biro ‘yan! Ang Diyos na mismo ang nagsabi sa Sampung Utos, “Thou shall not bear false witness against thy neighbor.” Pero, tama po ba na ang kapitbahay
Francis na immature ang paninirang puri dahil kinakailangan pa na manira tayo ng kapwa para lang maramdaman natin na importante tayo. Kakagatin mo na lamang ba ang dila mo? Ayos ‘yan! Ika nga sa Couples For Christ… taming the tongue!
MANILA GIRL Diana Uichanco
Si Juan at si Tuldok Minsan, naghahanap ako ng bagong tali para sa mga aso ko. Lumalaki na kasi sila, bumibigat na rin kaya mukhang kaunti na lang at mapipigtas na ‘yung ginagamit kong mga leash ‘pag nagpumilit silang tumakbo. Habang naghahanap ako sa mga dog supply shops, may nakita akong babaeng nagtutulak ng stroller. Wow, ang cute naman, naisip ko, ipinapasyal niya ang baby niya sa animal-friendly environment tulad nito... Tapos pagtingin ko sa stroller, ang nakasakay
kaya sa baywang. Tapos ang kabilang dulo ay hawak ni nanay. Iba-iba ang style ng mga magulang; iba-iba rin ang ugali ng mga bata, kaya nirerespeto ko ang desisyon ng bawat magulang tungkol sa pagpapalaki sa kanilang anak. ‘Yun nga lang tuwing nakakikita ako ng ganitong nakaleash na bata, naiisip ko na sa panahon ngayon tila ang mga tao ay tinatratong parang hayop, habang ang mga hayop ay tinatratong parang tao. Batang naka-leash, asong nakasakay sa stroller -- at di-
Yun nga lang tuwing nakakikita ako ng ganitong naka-leash na bata, naiisip ko na sa panahon ngayon tila ang mga tao ay tinatratong parang hayop, habang ang mga hayop ay tinatratong parang tao. pala ay aso! Ewan ko nga ba pero sa sandaling ‘yon, parang gusto kong itaob ang stroller. Violent reaction ba? Eh pa’no naman kasi, ang stroller ay para sa tao, tapos ang daming mga nanay na ngawit na sa pagbubuhat ng anak nila dahil walang pambili ng stroller. Heto ngayon, aso ang ilalagay sa stroller samantalang inilalabas nga ang aso paminsanminsan para ma-exercise eh. Tapos pauupuin mo sa stroller? Naalala ko tuloy ‘yung mga panahon na nakakita ako ng mag-ina sa mall -magkadugtong ang dalawa sa pamamagitan ng “leash”. Hindi naman nakakabit sa leeg ng bata ang leash -- sa pulso lang o
nadamitan pa madalas. Pero nakalilimutan siguro natin na habang mahalaga ang wastong pag-aalaga ng mga hayop na nilikha rin ng Maykapal, pangalawa lang sila sa mga tao sa herarkiya ng mga nilalang. Ang pinakagusgusin na taong nakatira sa kalye ay mas nararapat bigyang halaga pa rin kaysa sa pinakamalinis at bihis na bihis na asong nakapagbibigay-aliw sa atin. Ang halaga ng buhay ng daan-daang mamahaling aso ay walang sinabi sa halaga ng buhay ng isang taong inilikhang larawan at kawangis ng Diyos. Ating isipin: nakikita ba ang ganitong wastong pagpapahalaga sa pagtrato natin sa ating kapwa?
6
tampok
HUNYO 18 - 24, 2013
Umuulan ng tubig... at pagsubok!
Handa ka na bang salubungin ang tag-ulan? Ni DIANA UICHANCO
P
asukan na naman ba para sa mga anak mo? O baka naman ikaw mismo ang estudyante at ngayo’y babad na naman sa mga klase at aralin? Alin ka man sa dalawa, tila panibagong panimula ang panahon na ito -- panibagong pagpupunyagi at may kasamang pakikipagsapalaran dahil sa inaasahang baha at trapiko sa mga susunod na buwan. May mga oras bang parang ang hirap nitong kaliwa’t kanan na pagsubok? Pag-aaral, pag-asikaso sa mga gawaing bahay, mga kaibigan o katrabaho, mga gastusin, ang pagod sa biyahe araw-araw... Minsan nakakasubok pa ng pananampalataya dahil na rin nakaliligtaang gawing prayoridad ang mataimtim na pagdarasal. Huwag mabahala! Narito ang mga paalalang maktutulong sa iyo: Gumising sa tamang oras. Malaki ang epekto ng pagsimula ng umaga sa magiging kabuuang kalidad ng araw mo. Kaya kapag ginising ka na ng nanay, asawa, kapatid, o alarm, bumangon na agad upang salubungin ang bagong araw ng may sigla!
Matapos ang ilang segundong pag-alay ng bagong araw sa Diyos, mainam na magbanat-banat ng kaunti para mas mabilis magising ang isip -- blood circulation lang ‘yan. Ikumpara mo ang ganitong gawi sa pa-bandying-bandying at tinatamad na pagbangon o marahil kinagawiang pag-extend ng tulog.
marami, ang pagsuot ng tsinelas o anumang bukas na sapatos sa tuwing may baha ay masama para sa kalusugan. Siguro mahal ang sapatos mo kaya iniiwasan mong ilublob ito sa baha, pero mas mahalaga ang kalusugan at buhay mo (nagiging sanhi ng pagkamatay ang leptospirosis kapag hindi naagapan agad). Mabulto nga ang botas, pero sa ating mga nakatira sa Pilipinas na kung saan may Alamin agad ang estado ng panahon. May kakulangan ng wastong sanitation, importante ito bagyo ba? Bumabaha na ba? Mainam na makibalita bilang proteksyon sa sakit tuwing tag-ulan. kung nagdeklara na walang pasok, habang maaga pa kaysa naman abutin sa baha o ma-stranded ka Alagaan ang kalusugan ng katawan at ng sa eskwelahan o opisina. kaluluwa. Ngayong may mga paalala ka na tungkol sa praktikal na mga bagay, sabayan ang pakikiMag-impok para sa isang pares ng botas. pagsapalaran sa pang-araw-araw ng naaalinsunod Alam mo ba kung bakit mabuting investment ito na dasal at pagtupad sa mga obligasyon ng pagigkung dumadaan ka palagi sa bahaing lugar? Dito ing Kristiyano. Kung ang katawan nga nagiging sa Pilipinas at lalo na sa Maynila, napakarumi ng baldado kapag hindi inalagaan, ang kaluluwa pa tubig baha. Kung anu-ano ang laman niyan, kasa- kaya na kung saan nakasalalay ang tibay natin sa ma na ang ihi ng daga na siyang pinagmumulan ng pagharap sa mga hamon ng buhay? Kung probsakit na leptospirosis. Maaaring pumasok sa kata- blema sa pamilya pa ‘yan, sa pagsusulit, sa pera o wan ang bacteria na sanhi ng leptospirosis, lalo na pakikipag-relasyon, kayang-kaya basta’t panatag kapag may sugat, kaya’t kahit nakagawian na ng ang loob mo sa Panginoon.
HUNYO 18 - 24, 2013
tampok
7
Isa ka bang annoying MRT/LRT passenger? Alamin kung pano maging mabuting pasahero
M
ATINDING pagpapasensiya at tiyaga. Madalas ito ang kailangan pagsakay sa MRT o LRT, lalo na tuwing rush hour na kung kailan halos ‘di mo na kailangan ng mga binti para makapasok sa tren -- itutulak ka na papasok ng ibang pasahero.
* Huwag manulak. Kahit late ka na sa paroroonan mo, hindi ito nagbibigay sa iyo ng karapatang mag-asal maton. Dapat inisip mo na ang oras at dami ng tao sa istasyon noong nasa bahay o opisina ka pa lang. Walang kasalanan Maliban sa pasensiya -- nang wala kang mapandila- ang pasahero sa harap mo sa pagiging late mo, kaya’t tan dahil sa inis -- ang kagandahang-loob ay isa ring huwag mo na siyang itulak upang madaliin. ugaling mabuting pagsanayan (para ikaw naman ang hindi pandilatan ng iba sa inis). Tutal, hindi lang sa * Kung may dala kang basang loob ng simbahan o tuwing Linggo lang ang pagiging payong, ilagay ito sa plastik o sa mabuting Kristiyano -- isinasabuhay natin ito kung kaya’t ang mabuting ugali na turo ng ating Simba- loob ng bag mo. han ay nakikita sa pang-araw-araw na gawain natin. Ito ay para hindi tumulo ang tubig sa paa ng ibang Kasama na dito ang pakikitungo natin sa kapwa saan pasahero at hindi rin babad ang mga pantalon o palman tayo naroroon! Narito ang ilang mga tips para sa da nila dahil sa payong mo. pagiging mabuting pasahero:
* Kung
hindi naman importante ang mensahe, iwasang gumamit ng cellphone kapag nasa tren.
Para sungkitin ang cellphone mo at hawakan ito sa iyong tainga (o kaya mag-text), kailangan mo ng malaking space at elbow room. Malamang may masisiko ka kapag gawin mo ito. Baka may malagutan pa ng hininga kapag ginawa mo ito sa pagkasikipsikip na tren. Isa pa, bahagi ng good manners ang nakikipag-usap sa telepono ng katamtaman lang ang boses, nang hindi naririnig ng paligid mo ang usapan. Mahirap yata ito kapag ginawa mo sa isang tren na puno ng tao dahil malamang marami rin sa kanila - Pahina 8
Tatapatin kita… ni Ate Ami
Nagsasama pa pero love-less na?
Dear Ate Ami, Sumusulat po ako tungkol sa sitwasyon ng isang kakilala kong si “Cesar”. Kasama pa rin niya ang kanyang maybahay, pero wala na ang dating pag-iibigan nila. Apat ang anak ni Cesar at ng kanyang asawa (nasa mga edad 40 na sila), ang panganay ay graduate na ng college habang ang tatlo ay nag-aaral pa. Sabi niya wala na siyang gana at ganin din ang pakiramdam ng asawa niya — nagkasawaan na. Nagkataon namang nagkatagpo ulit ng ‘di inaasahan si Cesar at ang kanyang dating nobya, si Fe, na single pa, at naging “sila na” pero hindi “officially.” Paano po ba ‘yun? Hindi na nagmamahalan ang mag-asawa. Kesa naman maging miserable sila, hind ba’t mas mabuting maghiwalay na lang? Better to be with the ones they love than stay in a love-less marriage, ika nga. Is it even moral to stay in such a marriage? Paniwala ko, it’s not moral. Pero para po malinaw, ang aking sariling marriage ay okey naman at wala akong balak na hiwalayan ang aking asawa dahil mahal na mahal ko siya at napakarami na naming pinagdaanan na amin namang kinaya. More power to you! - Ronnie Dear Ronnie, Naku, peligroso ‘yang mga tanong mo. “Maghiwalay na lang kesa maging miserable”? “Is it even moral to stay in such a marriage?” Malabo ka. Sabi mo wala kang balak hiwalayan ang asawa mo, eh bakit iyon ang ipapayo mo sa iba? Ano ba para sa iyo ang “moral” sa pag-aasawahan? ‘Yung masaya, walang problema, kilitian habang buhay? Aba, eh buti na lang sumulat ka. Ikaw ang may problema eh. Sabi mo, napakarami na kayong pinagdaanan na inyong kinaya ng misis mo kaya mahal na mahal mo siya at wala sa isip mong hiwalayan siya. Iyon ang dapat mong ipayo kay Cesar na nangangaliwa — nang
makita niya ang kahalagahan ng pinagsaluhang hirap sa mag-asawa. Ang ginagawa niya ang immoral — ang pagtakas sa responsibilidad niyang magkasundo silang mag-asawa. Ang solusyon niya ay pakikiapid — sumisiping sa hindi niya asawa. Pagdating ng panahon, ‘yung dalagang si Fe na pumatol sa lalaking may asawa na ay lilipat din sa ibang lalaki, pagkat wala sa konsiyensya niya ang pagiging tapat at matuwid. Parehong selfish si Cesar at si Fe, sarili lang ang inisip at hindi ang pamilya nila. Mahaba at malawak ang ibinubunga ng pakikiapid. The hardest to deal with in this case is the relationship between Cesar and the children. Baka makaya pa nga nung asawa niya, eh pano ang iisipin ng mga anak nila? Hindi sila mahal ng tatay nila, at paglaki nila, puwede rin nilang gawin iyon, mangaliwa, pagkat iyon ang tama, ayon sa magulang nila. Maraming masasaktan dahil lang diyan sa pilosopiya mong “Buti pang maghiwalay kesa magsama nang miserable.” Mga magulang ng mag-asawa: walang magulang na natutuwa sa pagkasira ng pamilya dahil lamang sa “nagkasawaan” na. Kahit mga magulang ni Fe —ikahihiya nila tiyak na madiskubreng nagpakatagal-tagal sa pagkadalaga si Fe ‘yun pala’y sa isang immature na may asawa lang babagsak Dapat i-set aside ng mag-asawa ang mga selfish urges, at magkahawakkamay nilang talakayin nang buong talino ang kanilang pagiging “miserable”. “Nagkasawaan na pareho”? “Wala na ang dating pag-iibigan”? Bakit, sinumpaan ba nilang maging mainit sa sex hanggang 95 anyos na sila? Napakabata pa nila para matuyot si misis at manglambot si mister, kaya hindi iyon ang problema nila, kung ‘di hindi nila “kasali” ang Diyos sa marriage nila. Pakinggan nila ang Diyos at nang maunawaan nila ang pinagdadaanan nila. Yakapin nila ang pagbabagong dinaranas nila ngayon pagkat ibig lamang sabihin niyon ay may mas magandang nais ihandog sa kanila ang Panginoon.
May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.
Ate Ami
balita
8
Isa ka bang annoying...
mula sa pahina 7
ang nagkukwentuhan, kaya medyo kailangan mong lakasan ang boses mo sa telepono.
* Kung mapalad ka’t nakaupo sa tren, kailangang handa kang
ibigay ito sa matatanda, nagdadalantao, o may kapansanang walang upuan at nakatayo malapit sa iyo.
Maawa ka naman -- kahit ‘di malalaman ng iba kung nagkukunwaring tulog ka lang, alam ng Diyos ang lahat. - Nicole Bautista
HUNYO 18 - 24, 2013
TAPATAN Question! Heto na naman ang tag-ulan – panahon ‘di lang ng ulap kung hindi kadalasan ng baha. Paglabas mo ng bahay ay tiyak bang handa kang sumabak sa water world ng Kamaynilaan? Hindi natin masabi e…Dati payong lang ang katapat, ngunit ngayon, minsan ang kailangan ay pump boat. Kaya’t nagtanongtanong kami kung ano ba ang mga rainy day tips ng ating mga kababayan.
Para sa iba pang articles ni Nicole Bautista, bisitahin ang http://quietbutnotstill.blogspot.com
good news may good news ka ba?
Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
Ano ang ‘rainy day’ tip mo? “Always bring an umbrella.” ~ Nillian Arena, Quezon City “Una, kailangan mag baon ng payong bago umalis ng bahay papuntang opisina. Pangalawa, kung walang payong magdala ng raincoat, jacket at magdala ng bota para sa baha. Ikatlo, huwag magtampisaw sa tubig ulan o baha para iwas sakit. Number 4, huwag makikipagsapalaran sa matataas na baha upang makaiwas sa disgrasya. At ang huli, makinig sa balita sa TV o radyo upang malaman kung may pasok o wala.” ~ Esteve Mata, Las Piñas City “Keep calm and dance in the rain.” ~ Elaine Angeles, San Juan City ”Humanda kang mabasa at madumihan. Kahit anong iwas mo sa ulan o putik, wala kang magagawa. Prepare yourself emotionally and take comfort in the fact that you are not alone in this ‘battle’.” – Dominique Maling, Antipolo City “If possible, bring rubber slippers or sandals, so that you can save your shoes from the water. Also, take vitamins, especially vitamin C to boost your immune system.” ~ Mark Vertido, Manila “Always bring a water resistant jacket.” – Guilian Geronimo, Cavite City
9
HUNYO 18 - 24, 2013 The country entrusted itself to Our Blessed Virgin Mary, last June 8. As we begin to enjoy the graces this act showers upon us, the Church calls on everyone to pray this daily prayer together telling Mama Mary, “We are yours. Our families are yours. Our nation, our Church are yours.”
A Daily Consecration Prayer Beloved Mother of Jesus, and our Mother, trustingly we gather before you. We lay before you all the longings and hopes, sufferings and anxieties of our people. To your Immaculate Heart we raise from our hearts this Act of Entrustment and Consecration. Embrace us, dear Mother, and gather each one of us within your saving mantle; take us within your motherly love. Immaculate Heart of Mary, we seek to unite ourselves with the consecration which Jesus the Son made to His heavenly Father on the night before He gave His life for us, when He prayed: “For their sakes, I consecrate myself, that they also may be consecrated in truth,” (John 17, 19) His consecration obtains pardon and mercy and secures redemption for all sinners and from all sin. Its power overcomes every evil which the powers of darkness awaken in human hearts throughout history. It joins us in His heart to make us one in the grace of His Paschal Mystery. Immaculate Heart of Mary, your heart is most wholly united with Your Son’s redeeming consecration. As we entrust ourselves to you, help us to live in trust Jesus’ consecration, faithfully each day. Deliver us from the power of sin, in all its forms and manifestations, in personal and social living. Help us to strive to raise up in our land a civilization of solidarity, justice and love, by the grace of the Spirit of Jesus. May the infinite power of the merciful love of God, through your motherly intercession, be revealed in our history as a people. May it change our hearts to the likeness of the Pierced Heart of Jesus and the likeness of your own Immaculate Heart. By this consecration, may we become ever more truly, “pueblo amante de Maria”, a people which loves you mightily in its own heart, a people you make each day ever more y our own, held securely and cherished in your Immaculate Heart. AMEN. AMEN.
It’s good to know that... A study shows that children from families that go to religious activities together report seeing more expressions of love and affection between their parents.
FOLLOW US... FOLLOW US... @tapatnews
tapatnews
tapatnews@gmail.com www.tapatnews.com or subscribe to Tapat. Check out the subscription form on page 8 of this issue.
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com
Katoliko
10
Are you saved? P
HUNYO 18 - 24, 2013
Unapologetically Catholic by EDGARDO DE VERA
icture yourself alone in a small, quiet, cozy restaurant dining by your lonesome self when a charming young couple walks in, looks around, and unable to find a table politely ask if they can join you. You hospitably accommodate. After pleasantries, amiably the charming lady says, “May I ask you a question?” With your assent she shoots, “What is your idea of salvation?” Unnerved? No. You sigh a silent prayer to the Holy Spirit and reply concisely, “Salvation is a free gift from God; we are saved by His grace and our response to that free gift of grace is an active faith with good works.” The question may come, “Are you saved? Have you been born again? Do you know if you will go to heaven? – probes hinged on Sola Fidei doctrine. Luther confessed the theology of salvation with a simplistic Faith Alone doctrine that he felt was imputed in Romans, “A man is justified by faith apart from works of the law.” (3:28). He believed man as intrinsically perverse and incapable of good, thus his good works were of no merit for justification. The Bible clearly states “A man is justified by works and not by faith alone.” (Jas 2:24) -- the only Scripture verse where ‘alone’ follows ‘faith’. Justification is not solely by faith, minus good works or a question of faith versus good works, both are inextricably united. “Faith apart from good works is dead.” (Jas 2:26); but Luther called James an “epistle of straw”. The “works of the law” in Romans were Mosaic ordinances and 613
KATESISMO, MISMO! Why is the sacrament of Penance called “the sacrament of Confession”? The sacrament of Penance is called “the sacrament of Confession”, because the confession of sins to a priest is an essential element of this sacrament. It is called the sacrament of confession, since the disclosure or confession of sins to a priest is an essential element of this sacrament. In a profound sense it is also a “confession” – acknowledgment and praise – of the holiness of God and of his mercy toward sinful man. It is called the sacrament of forgiveness, since by the priest’s sacramental absolution God grants the penitent “pardon and peace.”[1] It is called the sacrament of Reconciliation, because it imparts to the sinner the life of God who reconciles: “Be reconciled to God.”[2] He who lives by God’s merciful love is ready to respond to the Lord’s call: “Go; first be reconciled to your brother.”[3] 1 OP 46 formula of absolution. 2 2 Cor 5:20. 3 MT 5:24.
tacked-on Pharisaic precepts Judaizers deemed essential, not the good works for love and neighbor. St. Paul knew what it was to be saved. His was an extraordinary encounter with Jesus, yet he wasn’t presumptuous (1 Cor 4:3-5). Never preached a “oncesaved always-saved” proposition with smug confidence and absolute certitude, nor did he discount good works. He stressed the excellence of love over faith (1 Cor 13:1-13), urging “Be rich in good works (1 Tim 6:18)” and “Work out your salvation with fear and trembling” (Phil 2:12), while rejoicing in completing in himself “what is lacking in the suffering of Christ for the sake of His body the Church” (Col 1:24). Was Christ’s redemptive work incomplete? Openness to grace completes it in us for God is at work in you, both to will and work for His good pleasure (Phil 2:13). We are instrumental causes of good through which the Principal Cause of good, Eternal Goodness Himself works. Without our cooperation we could still lose salvation (cf. 1 Pet 5:8). A confessed eternalsecurity following an intellectual, minimally simplistic, verbal profession of faith and being born- again, exuding cannot-lose-heaven sureness is a misguided, unbiblical notion of salvation. Justification by faith is an ongoing conversion process coalesced in a continuum of past, present and future events: I have been saved (Rom 8:24, Eph 2:58, 2 Tim 1:9; 3:15); I am being saved (Phil 2:12, 1 Pet 1:9); I will be saved (Mt 7:21, Mt 10:22, Mt 24:13, Mk 8:35, Acts 15:11, Rom 5:9-10, 13:11, 1 Cor 3:15; 5:5; Heb 9:28). “Not everyone who says to me, ‘ Lord, Lord’ will enter the kingdom of heaven, but he who does the will of my Father in heaven” (Mt 7:21) – that means a lifetime of faith and good works.
From the Saints... My daughter, just as you prepare in My presence, so also you make your confession before Me. The person of the priest is, for Me, only a screen. Never analyse what sort of a priest it is that I am making use of; open your soul in confession as you would to Me, and I will fill it with My light. (1725) - St. Faustina, Divine Mercy in My Soul
11
HUNYO 18 - 24, 2013
#coolCatholics
by SKY ORTIGAS
Creative Catholic photographer on the loose!
S
o many #CoolCatholics, so little time! This time, I talked to hardcore Catholic and pro-lifer Dominic Barrios. He’s not just one of my good friends and brothers in CFC Singles for Christ, he’s also another creative kindred spirit. Dominic or Nicky is one cool wedding photographer (I have to say this, so that I can get him for my wedding for free! Now about the groom…). But seriously, his photos have a signature look and style – in short, they are awesome! Not only does he take photos with skill, but he has a passion that seems to capture, not only the wedding event, but the creator of marriage Himself, the only Author of Life. So where does he get this eye for more than just detail? I think it’s because Nicky is also an advocate of life itself as seen through his passion for John Paul II’s Theology of the Body. More importantly, he’s a Jesus addict! A leader of CFC Singles for Christ, he shares his skills with aspiring photographers, while sharing his love for the Lord and his skills in using photography to glorify Him. I got to ask him a few questions…. Here goes.
What made you love photography? When I was young, I was very much into arts and crafts already. I loved sketching using charcoal, making stuff from scratch, painting with oil pastel. But my favorite was sketching people. It was very tiring and draining to sketch a face, so I didn’t pursue that hobby. When I received my first DSLR, I loved that I could instantly capture beautiful things with my camera with just one click. I also loved the idea that
I could use this new blessing to document our community and Gawad Kalinga activities.
Why weddings? When I decided that I was going to pursue a career in photography, I was discerning whether to take an apprenticeship in food photography or weddings because they were the very lucrative ones. Who doesn’t love food? They’re yummy and very colorful, plus you get to eat them after shooting them. [I chose] weddings because they are full of emotions and I love shooting people as subjects
What is the most memorable part of a wedding that you want to capture? My favorite part of the wedding that I love to shoot is the aisle walk of the bride. I always look forward to the groom’s reaction as the church door opens for the bride. They always smile and I love it more when the bride and groom cry because of happiness.
Any words of inspiration to those aspiring photographers out there? Always have your purpose in mind. Why you’re doing this at all. Is it for yourself or for God. If you’re doing this only for money, then I don’t think you’ll have a long career in photography. But do this out of passion, then you’ll be doing great things as a photographer.
Looking for someone to capture your own wedding’s highs? Check out his website,
http://dominicbarrios.com
“
And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him. – Colossians 3:17
”