Tapat vol 1 no13 web

Page 1

HULYO 16-22, 2013 VOL 1 NO 13 Kasama ang manikang si “Pedrito” sa mga kabataang kasalukuyang nagdiriwang ng World Youth Day sa Rio de Janeiro, Brazil

RH LAW

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

POPONDOHAN - Basahin sa Pahina 3 @tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

Papa Fransisco: Lahat ng buhay may dignidad at halaga - Pahina 2

Is the rosary a “vain” repetition? - Pahina 8 www.tapatnews.com


balita

A2

HULYO 16 - 22, 2013

Matuto sa aming Papa Fransisco: pagkakamali –US Ekspat Lahat ng buhay may dignidad at halaga

Isang Amerikanong naninirahan na sa bansa ang nagpahayag ng pangamba hinggil sa masamang epekto ng malawakang paggamit ng artipisyal na pagpigil ng pagbubuntis. Kung saan ang Amerika ay napipinto sa matinding epekto nito. Inihayag ni Tim Laws sa ingles, isang pro-life advocate na nakapag-asawa na ng Filipina na, “bilang Amerikano nakita ko ang

masamg dulot ng kontrasepsyon sa aking bansa pati na rin s Europa. Alam ko na sa mahabang panahon sinisira nito ang konsepto ng pamilya. Walang makakaligtas sa dulot nito.” Ayon kay Laws isang dating empleyado ng isang NGO na nakabase New York na tumutulong sa kagutuman at malnutrisyon na ang RH law diumano ay simula lamang at magbubukas sa kamalayan ng mga

Pilipino para matanggap ang iba pang adhikain laban sa buhay. Ani Laws, “Binabago ng kontrasepyon ang pagiisip ng taong gumagamit nito. Itinuturing na kalaban ang isang bata, na siyang balakid sa magandang buhay.” Sinabi rin ni Laws lahat ng bansa na nagpanukala ng malawakang pag gamit ng kontraseptibo ay nauwi sa laganap na aborsyon na iligal sa ating bansa.

Gobyerno kulang sa aksyon sa mga hinaing ng OFWs Kahit pa masusi ang pagmamadali ng pamahalaan upang maresolba ang kontrobersyal sex-for-flight scandal na kinasasangkutan ng ilang opisyales ng gobyerno na nambibiktima ng mga babaeng OFW, nananatiling bokya naman ang pamahalaan upang matugunan ng isyung pampamilya na patuloy na problema ng maraming OFW. Ayon kay Edmund Ruga, program coordinator ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kinakaila-ngan pang palawigin ng gobyerno ang pagtulong sa mga OFW at kanilang mga pamilya lalo na ang mga nangangailangan. Sa isang media forum na ginanap sa pamosong Aristocrat restaurant, isiniwalat ni Ruga ang kawalan ng aksyon ng ating pamahalaan sa mga problemang kinahaharap ng mga pamilya ng migrant work-

ers upang magkaroon ng kaaya-ayang sitwasyon para sa mga mangagawa at kanilang mga pamilya. “Wala pa tayong nakikita na direksyon sa gobyerno sa pagresolba ng mga isyu ng migration lalo sa mga mga mangagawa na nasa ibang bansa at sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas,” ani Ruga sa forum na tinawag na ‘Tapatan sa Aristocrat’, Ayon pa kay Ruga, kailangang magkaroon ng pagkakaisa sa Pinas at sa mga bansang pinupuntahan ng mga OFWs upang mabigyan ng magandang oportunidad at makasama ang kanilang pamilya sa bansa na pagtatrabahuan. Ayon sa mga survey, problemang magasawa at pamilya ang nangunguna sa listahan ng mga problema ng mga OFWs. Kakulangan sa komunikasyon, kakulangan sa pag-aaruga ng mga anak, at kakulangan sa pagpapalawig ng relasyon ng mag asawa, paguwi

na pagasa na lamang sa mga padala, marangyang pamumuhay na di pangmatagalan ang ilan lamang sa mga karaniwang problema ng pagtatrabaho sa abroad. Kahit pa sinasabing gumaganda ang ekonomiya ang pagtaas diumano ng migration ay nagpapakita lamang na ang mga Pilipino ay desperado at naghahanap kung saan kukuha ng ihahain sa lamesa. Ito mismo ang dahilan upang matugunan ang problemang sosyal na kinahaharap ng mga OFWs. Dagdag naman ni Ruga na umaasa silang sana’y matugunan na ng gobyerno ang mga problema ng mga OFWs at sana’y mapasama sa mga proyektong ihahain ng pangulo sa kanyang darating na SONA sa Hulyo 22 kahit pa walang itong nabanggit ng mga nakaraang SONA. “Wala tayong narinig sa mga dating SONA at baka wala pa rin tayong marinig sa darating na SONA, ani Ruga.”

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com

Nagpadala ang Santo Papa Francisco ng mensahe ng pagsuporta sa buhay ng tao sa mga Katoliko sa bansang Ireland, Scotland, England at Wales bago sumapit ang tinaguriang ‘Day of Life.’ Sinabi ng Santo Papa na kailangang pangalagaan ang buhay ng tao mula sa simula at natural katapusan nito. Dagdag ng Santo Papa na lahat ng buhay ay may dignidad at halaga ‘kahit pa ang pinaka-mahina at maliit, mga may karamdaman, mga matatanda, mga nasa sinapupunan at mahihirap na aniya’s ‘masterpiece’ ng buhay mula sa Diyos. Galing sa Kanyang wangis at nakatakdang mabuhay magpakailan man ang nanganailangan ng malaking respeto at pagpapahalaga. Ipinangako naman ng Santo Papa na ipagdadasal niya na ang tinaguriang ‘Day for Life’ ay mananatiling nabibigay ng halaga sa buhay na siyang pangunahing namimiligro bunsod ng mga panukala at batas na kikitil sa mga pagpapahalaga sa mga nabanggit. Taunang inaalala ng Simbahang Katolika sa Ireland, Scotland, England at Wales ang ‘Day of Life’ upang makapangalap ng pondo para sa mga gawaing pro-life sa naturang rehiyon.


HULYO 16 - 22, 2013

balita

RH Law popondohan kahit pa may pagpapaliban ng Korte Suprema

A3

Ni PAULO DE GUZMAN

Kontra sa ipinaguutos ng Korte Suprema isinama pa rin ng administrasyon sa panukalang badyet nito para sa taong 2014 and pagpopondo sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law na nauna nang ipinagutos ng Kataastaasang Hukuman na ipagpapaliban ng implementasyon. Matatandaan nito lamang nakaraang Hulyo 16 ipinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapalawig ng walang takdang panahon ang pagpapaliban ng naturang batas na ngayon ay nakabinbin sa Korte Suprema. Sa botong 8-7 pabor sa pagpapalawig ng Status Quo Ante Order (SQAO) sinabing nagkaisa ang mga mahistrado sa pagpapalawig ngunit sa kabila nito hindi naman naging hadlang ang pagbibigay ng pondo sa batas na hindi pa malinaw ang kahihinatnan. Ayon sa Department of

Budget and Management (DBM) kanilang hinihingi ang kabuuang 87.1 Bilyon na pondo para sa Department of Health (DoH) na tumaas ng mahigit 45.5 porsyento mula sa nakaraang taon na itinuturing na pinakamalaking pagtaas ng badyet sa lahat ng ahensya. Kabilang na dito ang pondo para sa RH law na nasa ilalim diumano ng “maternal health care.” Kumpara sa Department of Education na may panukala lamang na kabuuang 44.6 bilyon naglalayon na pondohan ng DoH ang sabsidiya para sa humigit kumulang na 14.7 milyong indigent na pamilya. Samantalang may 18 bilyon lamang ang para sa pagpapaayos ng mga pasilidad sa mga kanayunan. Sa kabila ng pagkakabinbin ng RH law sa Korte Suprema maaring maipatupad ang ilan sa mga probisyon ng naturang batas dahil na-

kapaloob na ito sa ilang mga tungkulin ng ahensya ng pagkalusugan. Sa kanilang Universal Health Care o Kalusugang Pang-

kalahatan na ipinagtibay noong isang taon nakapaloob dito ang pagbibigay ng serbisyong ‘family planning’ na obligasyon ng ating

bansa upang matupad ang Millennium Development Goals (MDG) na hinihingi ng United Nations sa ating bansa.

FOLLOW US... FOLLOW US... @tapatnews

tapatnews

tapatnews@gmail.com

25 issues = Php 250.00

www.tapatnews.com or subscribe to Tapat. Check out the subscription form

good news may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw -kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!


editoryal

A4

HULYO 16 - 22, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

Kung di sigurado ang pagsisimula paboran ang proteksyon ng buhay!

May tatlong mangangaso sa kagubatan at sa kanilang pagsuong sa gitna ng gubat sila ay naghiwa-hiwalay upang madali silang makahuli ng usa. Sa karaniwang pinupugaran ng mga usa, batid nila na dapat tahimik sila sa kanilang mga kilos upang hindi mabulabog ang mga usa na maaring nagkukubli lamang sa paligid. Sa unti-unting hakbang ng isa sa kanila nakarinig ito ng kaluskos ng halaman. Paglingon niya nakita niyang gumagalaw sa isang parte ang mga halaman ngunit hindi niya tiyak kung ito man ay usa o isa sa mga kanyang kasama. Noong nakarang Hulyo 9 naging mabusisi ang Korte Suprema sa kanilang mga tanong hingil sa pinagmumulan ng buhay. Ayon kay attorney Maria Conception Noche counsel ng Alliance for the Family foundation ang pagsisimula ng buhay ay mula sa fertilisasyon o ang pagdikit ng sperm ng lalaki at punla o itlog ng babae. Hindi na bago ang kaalaman na ito lalo na’t isa ito sa mga pinagaaralan ng mga estudyante sa kanilang ‘Biology’ subject.

Pinatunayan naman ito ng Philippine Medical Association (PMA) ng magpalabas ang una ng kanilang posisyon sa dating RH bill noong 2010 kung saan sinabi nito na sila ay sumusuporta sa RH bill kung titindigan nito na ang buhay ay nagsisimula sa fertilisasyon. Sa mga katanungan ng mahistrado pinatunayan ni Noche na may ikatlong mekanismo ng aksyon ang mga kontraseptibo na kung saan maaring magkaroon ng tinatawag na ‘breakthrough ovulation’ na kung saan may mga pagkakataon ng paglalabas ng punla ng babae kahit pa ito ay gumagamit ng kontraseptibo. Karaniwan ang ganitong pangyayari kung ang babae ay nakakalimot uminon ng pills sa tamang oras bawat araw o nakalimot ng isang araw. Sa pagkakataong ito maaring may mamuong bagong nilalang ngunit mamamatay lamang dahil ang kontraseptibo ay nagpapanipis ng sinapupunan at nagiging dahilan upang hindi kumapit ang namuong buhay at tuluyan nang malaglag kasama ng buwanang mens ng ba-

bae. Ito ang tinatawag na ‘micro abortion’ mula sa kontraseptibong ‘abortifacient’. Ngunit ayon naman sa mga pabor sa batas ang buhay ay nagsisimula sa pagkapit ng bagong namuo sa sinapupunan. Ang tinatawag na ‘implantation’ ayon naman kay Noche ay pagmamaniubra lamang ng mga nagsulong ng batas upang pasinungalingan ang pagmumula ng buhay. Gaya na lamang ng pagpapaliwanag ng mahistradong si Teresita De Castro, kanyang ipinaliwanag na gaya ng isang buto o punla na kung ito ay walang buhay kahit anong dilig pagkatapos maitanim ito ay hindi uusbong at lalaki. Subalit nakakapagtakang ilan sa ating mahistrado ang tila hindi alam o kung alam man ay tila iniiwasan ang ganitong mga kaalaman. Nanditong sabihin na ang Korte Suprema ay hindi konseho ng pananampalataya o mga doktor o di kaya hindi Korte Suprema ang tamang lugar upang talakayin ang ganitong usapin. Sinasabi ng ating konstitusyon

na kinikilala nito ang ‘sanctity’ o kabanalan ng buhay ng pamilya at pagtitibahiyn ang pamilya bilang isang institusyon na may otonomiya at nararapat sa pantay na proteksyon mula sa estado ang buhay ng ina at ng sanggol mula sa konsepsyon. Ngunit sa batas na Reproductive Health law unang mawawalan ng proteksyon ang mga nagsisimulang buhay na siyang batayan na ang batas na ito ay taliwas sa ating konstitusyon. Kung ang ating mga mahistrado ay iiwas lamang, pinawalang saysay nito ang kanilang mandato na proteksyonan ang konstitusyon. Kung ang ehekotibo at lehislatura ay nagpasa ng ganitong panukala ang hudikatura na lamang ang natitirang magbibigay ng proteksyon sa mga nagsisimulang buhay. Hindi bat’ mas nararapat maniguro at piliin ang pagprotekta sa buhay? Kung ikaw ang mangangaso sa gubat babarilin mo ba ang gumagalaw sa halamanan kung di ka sigurado kung ito ay usa o isa sa iyong kasamahan?


HULYO 16 - 22, 2013

opinyon

THE JUMPING WALL

hay ang isang sanggol. Ang sanggol na ito ay ang bawat isa sa atin Rogie Ylagan na dinala, inalagaan at pinrotektahan ng isang ina sa kanyang sinapupunan para tayo ay magkaroon ng buhay. Lagi nating sinasabi ba na dalhin ang isang Bilang lalaki,ang rena mahirap maging bagong nilalang ng sispeto ko sa babae ay isang ina. Lalo ko itong yam na buwan?” Narihigit na lumaki sa aking naunawaan nang ako’y yan ang mahilo sa loob direktang nasaksihang naging isang ama. pagdadalang-tao Nakita ko ang hi- Pagkatapos kong masilayan ang isang malusog na ng aking maybarap ng pagdadalan- sanggol -- produkto ng siyam na buwan na hirap -- hay. Patunay lang tao ng aking asawa sapat na ito para masabi kong ang lahat ng sakrip- ito na ang pagmula sa paglilihi kakapantay-pantay isyo ay may karampatang biyaya. hanggang sa pannating mga tao ay ganganak. Nakita ko ng unang tatlong bu- ang lahat ng sakripisyo mananatili lamang na nang aktwal ang sina- wan at madalas na pag- ay may karampatang ilusyon. Dahil kailansabing pagsasakrip- duduwal. Ang pagkar- biyaya. At ang biyay- man, hindi natin mabaisyo ng isang ina para amdam ng mga hindi ang ito ang aking ki- bago ang katotohanang makapagluwal ng isa komportableng bagay nainggitan. Alam kong na sa bagay na ito ay pang buhay sa mundo. sa katawan. Ang mabi- kahit anong paghihi- higit na nakalalamang Nakatatakot. Mata- gat na dalahin sa tiyan rap ang maranasan ko ang kababaihan. At pos makita ang paghi- na nagdudulot ng hirap bilang ama, hindi ko marapat lamang na hirap ng isang babae sa sa paglalakad, pag-upo matutumbasan ng ano pangalagaan natin ito. pagbubuntis, napakabi- at maging sa paghiga. pa man ang hirap na (rogie_ylagan@yahoo. gat isipin para sa isang Hindi nakakaengganyo. dinanas ng isang ina com / theignoredgenius. lalaki, “Kakayanin ko Subalit sa araw ng para mabigyan ng bu- blogspot.com)

Naburang Ilusyon ng Pagkakapantay-pantay

THE DREAMER

panganganak, ang lahat ng takot na aking naramdaman sa hirap ng pagdadalang-tao ay napalitan ng inggit. Inggit na may respeto. Pagkatapos kong masilayan ang isang malusog na sanggol -produkto ng siyam na buwan na hirap -- sapat na ito para masabi kong

Salamat talaga sa Diyos sa pagmulat nito sa akin habang Paul Edward Sison may panahon pa para maramdaman pa ito ng aking mga magulang. Sa totoo lamang, hindi pa sapat ang lahat ng ating ginagawa ngayon para sa ating Nagpapasalamat ako sa laude tulad ng nanay mga magulang. Diyos at nabigyan ako ko. Pero ito ngayon ang Napapanahon na sa ng isang pagkakataon aming hinaharap. Anxkanilang edad kung para makabawi naman iety syndrome o deep saan parang bumabasa aking mga magulang depression daw ang talik na sila sa pagiging para sa lahat ng nagawa wag dito. sanggol ay tayo nanila sa akin. Ito ay sa pamamagitan ng di- Kung mayroon mang tao na karapat-dapat man ang mag-aruga sa kanila ng may naraanan ng aming buong pamilya da- nating pagmalasakitan at pagsakripisyuhan – pagmamahal – tulad din ng pag-aaruga hil sa sakit ng nanay ito ay ang ating mga magulang. at paggagabay na ko na psychological daw in nature. Ang hirap at naka- para lalo tayo mapabuti galing sa puso na ibiSabi ng doctor niya, ka-frustrate dahil ang bilang tao. Ito ay mga nuhos naman nila sa successful naman ang dating ordinaryo ay oportunidad para mag- atin noong tayo ay pacemaker insertion biglang naging komp- ing mas mapagkumba- nasa murang edad pa niya at maayos naman likado. ‘Yung basic na ba, mas mapagmahal, lamang. San Jose, tulungan ang kanyang kalusugan pag communicate ay mas mapagpasensiya. at katawan. Pero mahi- pinahirapan dahil sa At bakit nga ba hindi? ninyo kaming tularan rap kung ang pasyente kanyang kondisyon. Kung mayroon mang ang pag-aalagang ibina mismo ang sumu- Kung may episodes tao na karapat-dapat nuhos sa inyo ni Hesus suko at ayaw gumaling. siya, palagi siyang na- nating pagmalasakitan bago kayo pumanaw pagsakripisyuhan na yakap-yakap ng Mahirap isipin na kapikit. Ayon sa psy- at mangyayari ito sa isang chiatrist, ito ang kan- – ito ay ang ating mga inyong mag-inang si Maria at si Hesus. double degree cum yang paraan para i-shut magulang.

Honor Thy Father and Thy Mother

off ang kanyang sarili sa reality o sa mundo. Bilang Katoliko, ako ay naniniwala na may dahilan ang lahat ng bagay. Pwede naman kami magmukmok at paghinaan ng loob tulad ng iba, ngunit pinili namin na isipin na may itinuturo sa amin ang Panginoon sa sitwasyon na ito. Lahat ng nangyayari sa atin ay pagkakataon

A5 MANILA GIRL Diana Uichanco

Ang natutunan ko sa pagsakay sa mga horror ride Nakasakay ka na ba sa horror ride sa karnabal? O ‘di kaya ‘yung horror booth sa mga perya? May panahon na panay ang punta ko sa mga amusement center para sumakay sa mga nakahihilong rides tulad ng Octopus, Caterpillar, Ferris wheel at para na rin subukan ang mga horror booth. Naalala ko ‘yung ilang beses, kasama ko ang isang kaibigan sa

bay pang tawanan. Pagkatapos ng mga experience kong ‘yon, nagkaroon ako ng isang pagkatanto. Naunawaan kong matapos ang sunudsunod na takot at pagsigaw, nasasanay rin tayo kung kaya’t sa huli ay parang wa-epek na. Tulad nito, kapag ang pagkakasala ay inulitulit, parang nasasanay ang kaluluwa sa mali niyang ginagawa – kung walang

Kapag ang pagkakasala ay inulit-ulit, parang nasasanay ang kaluluwa sa mali niyang ginagawa – kung walang pagsisisi. horror ride – sa Boom na Boom yata ‘yon o sa Star City. Matagal na ‘yon pero naaalala ko pa kung gaano katindi ang pagsigaw namin dahil sadya namang nakagugulat ang mga makikita doon sa loob. Siguro every 10 seconds tumitili kami at parang nahuhulog ang puso namin sa gulat. Kahit alam naman naming peke ang mga duguang halimaw at ang mga nakahiga sa kabaong na biglang didilat, nakasisindak pa rin sa unang tingin kaya’t ‘di mapigil ang nakabibinging sigaw at ang magulong pagtakbo palabas. Pagtapos ng ride o booth, pagod na pagod na kami dahil sa kakasigaw kaya pagabot namin sa exit ay medyo nanghihina na rin ang mga sigaw namin na may kasa-

pagsisisi. Noong patapos na ang horror ride, pati sigaw ko ay pahina na nang pahina – kasi nga hindi na ko natatakot sa nakikita ko. Nasanay na ang mga mata ko. Tulad nito, kapag tinalikuran ang Diyos at ito’y hindi sinundan ng pagsisisi, malamang ay paulit-ulit itong gagawin at tila magiging manhid na sa ginagawang kasalanan – kasi nga sanay na. So ang ibig sabihin ba niyan, kung nalulong ka na sa bisyo ay walang saysay na magsisi dahil tutal, nasanay ka na? Ano sa tingin mo? May pumipigil ba sa ‘yong bumalik sa Panginoon at lumapit kay Father para magsisi, mangumpisal at magkaroon ng bagong panimula?


A6

Tagumpay!

tampok

HULYO 16 - 22, 2013

Malinaw ang pagsubaybay ng Diyos sa pagtaguyod ng buhay at pamilya, base sa mga positibong pangyayaring naganap kamakailan sa Estados Unidos.

Ni DIANA UICHANCO

H

abang dito sa atin ay nagpupumilit ang ibang isakatuparan na ang batas na magdadagdag ng panganib sa kalusugan at mismong buhay ng mga kababaihan at magpapalaganap ng pananaw na ang pakikipagtalik ay “cheap” at “wala lang,” sa ibang bahagi ng mundo ay nagtatagumpay ang mga tagapagtanggol ng kapakanan ng kababaihan at ng kahalagahan ng bawat buhay. At kung nagdududa pa tayo sa pagsubaybay ng Panginoon sa adbokasiya ng buhay at pamilya, ang mga pangyayari sa Texas, Estados Unidos ay patunay na ginagantimpalaan Niya ang tiyaga at walang tigil na pananalig sa Kaniya. Tatlong mahalagang pangyayari ang naganap nitong mga nakaraang araw lamang: ang paglagda ni Gobernador Rick Perry ng Texas ng House Bill 2, ang pagsasara ng tatlong pacilidad ng Planned Parenthood – ang pinakamalaking abor-

Mga estudyanteng pro-life nag rally sa labas ng Texas Capitol Building

tao ay okey lang na patayin ang sanggol. Ngayon, dahil sa batas na nilagdaan ni Perry nitong Huwebes, ligal pa rin ang abortion subalit sa Texas ay hindi na pahihintulutan ang pagpapalaglag ng sanggol kapag ang inay ay lumampas na sa 20 weeks o 5 buwan ng pagdadalantao. Marahil ay masasabi ng ibang mapanganib pa rin ito para sa mga ina at pagpatay pa rin ito sa mga sanggol sa sinapupunan, ngunit tulad nitong bagong batas, pagsara ng mga abortion facilities, at ang pagbabago ng isip ng mga empleyado sa mga facilities na iyon, unti-unti rin ang paglakbay sa daan paMatindi ang labanan ng mga pro-life at pro- tungo sa panahong ang dignidad ng bawat buabortion sa lehislatura ng Texas nitong na- hay ay kinikilala. karaang linggo habang pinagde-debatihan ang panukalang batas tungkol sa abortion. May mga naniniwalang walang masama sa pagpatay sa sanggol sa sinapupunan; at sa maraming estado sa US, hanggang huling bahagi ng pagdadalan- Kasama sa tatlong ipinasarang Planned Parenttion provider sa buong mundo – at ang pagbabalik-loob sa Diyos ng isang dating empleyado ng abortionist na kamakailang hinatulang na si Dr. Kermit Gosnell. Halos sabay-sabay ang mga pangyayaring ito, ngunit alam naman natin na ang mga bagay ay hindi biglaang nagaganap, kundi unti-unting nangyayari ang mga maliliit na pagbabago sa paglipas ng panahon.

Bagong batas para sa bawat buhay

3 abortion facilities, sarado na


HULYO 16 - 22, 2013

tampok

A7

hood abortion facilities sa Texas ay ang nasa Bryan/College Station, ang kauna-unahang lugar na kung saan ang 40 Days for Life Campaign – isang programa na kung saan nagdadasal ang mga volunteer sa labas ng facility -- ay isinagawa noong 2004. Ito ay bahagi ng pahayag ni David Bereit, national Director ng 40 Days for Life: “Thousands of dedicated community members have faithfully prayed and held peaceful vigils outside this abortion center, offered hope and alternatives to turn away prospective Planned Parenthood customers, and educated the community about the harm of Planned Parenthood. These efforts, combined with the decisive action of the Texas legislature, have finally brought about this closure that is an answer to prayer.”

Pagbabalik-loob ng isa pang dating empleyado ng abortion facility

Si Abby Johnson naman, na dating direktor ng nagsarang facility at ngayo’y masugid na pro-

Ani Johnson kasama si Gobernador Rick Perry

lifer na, ay nagtatag ng isang ministry na kung saan ang mga dati at kasalukuyang empleyado sa mga abortion facilities ay tinutulungang makaranas ng healing at makahanap ng ibang trabaho, ang kumakausap sa isa sa mga nagbalik-loob sa Diyos matapos maaresto bilang empleyado sa “House of Horrors” ni Dr. Kermit Gosnell, isang abortionist na hinatulan may sala noong Mayo sa pagpatay ng libu-libong sanggol. Ani Johnson sa kanyang pahayag: “I wanted to share something with you that she told me when we first talked. She said, ‘When the police came to arrest me, I was filled with a peace that I had never experienced before. I knew that it was over. I knew that I no longer had to work with that man ever again. I knew I would finally be free.’ This woman has been on a long journey…out of Gosnell’s clinic…rediscovering Christ…now working with us.” Malinaw na ang patuloy na pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok at pansamantalang kabiguan sa ay nagbubunga paglipas ng panahon, basta’t buhay at pamilya ang ipinaglalaban.

Tatapatin kita… ni Ate Ami

Nakaka-imbyernang kapitbahay

Dear Ate Ami, Ubos na po ang pasensya ko sa kapitbahay namin kaya’t sana matulungan mo ako. Ilang ulit ko nang sinabi sa kanila na doon sa kabilang dulo ng kalye dalhin ang mga aso nila kapag nilalakad dahil ginagamit na parang CR ang sidewalk at damo sa harap ng bahay namin. Mabuti naman kung sila ang naglilinis ng kalat ng mga aso pero hindi e! Ako rin e! Parang di makaintindi dahil ilang beses ko nang pinaalala sa kanila na huwag sa tapat namin patigilin ang mga aso pero wa epek pa rin. Pwede po bang isumbong sa barangay ang ganitong pangyayari? Ayoko naman pong makipag-away, gusto ko lang ay hindi yung uma-umaga na lang ay pati dumi ng mga aso na hindi naman namin pag-aari ay wawalisin ko pa. Siyanga pala, ako si “MC” nakatira po sa Cavite kasama ang aking asawa at tatlong anak. May maliit po kaming sari-sari store dito malapit lang. More power mam! Dear MC: Siyempre, puwede mong isumbong sa barangay. Kasi hindi komo sa harap lang ng bahay mo, eh ikaw lang ang napeperhuwisyo. Sumulat ka sa barangay, parang report tulad ng isiniwalat mo sa akin. Samahan mo ng litrato ng ebs ng aso, close up at far shot para kitang nasa harap ng property ninyo. If you can, take photos on several days, and date each batch accordingly, at ito ang isama mong mga “evidence” sa report mo sa barangay. Biro mong katutak na langaw ang maa-attract niyang mga doggie tumpok na yan! Puwede ring hindi ka muna magwalis para ipakita mo nang actual yung mga ebs sa barangay captain. Kung maayos magtrabaho ang barangay ninyo, pagsasabihan

nila yung mga may-aso. O kaya’y ipapadampot nang regular sa basurero. Kung hindi naman sila mahusay, at hahayaan na lang kayong magsabunutan ng neighbor mo, eh di “take the law into your own hands” literally and figuratively. Damputin mo yung mga ebs, ilagay sa kahon na gift-wrapped, at ipa-deliver sa may-aso. Puwede ring ibalot mo sa plastic at isabit sa gate nila, ihulog sa kanilang mailbox, o ipukol sa bintana nila o sa kotse kaya, he he he. Siguradong giyera patani yan, but they’ll get the message. Huwag mong siryosohin ang advice ko ha? Nagde-destress lang si Ate Ami kaya umaandar ang kabalbalan sa utak niya, he he. Although nangyari sa amin yan. Sa garden namin, aba, ang daming cotton buds na may tutuli, sa tapat ng bintana ng neighbor namin! Doon pa naman sa tinatamnan ko ng kamote! Ang ginawa ko, inipon kong lahat, kadiri, inilagay ko sa isang letter envelop, at nilakipan ko ng note para sa may-ari, telling them where I found them. O di sumagot, nag-apologize! Sinabihan daw nila ang mga katulong nila na huwag magtatapon sa bakuran namin. Back to your doggie blues. Seriously, iyang aso kasi, territorial na hayop yan. Once inihian na niya o dinumihan ang isang spot, kanya na yon, ulit ulit niyang babalikan yon. Eh tila hindi alam ng kapitbahay mo yon, o baka mas matalino pa yung alaga niya kesa kanya kaya siya ang hinihila nung aso papunta sa inyo. Subukan mong maghanap ng repellant sa pet shop. Ini-ispray yon sa lugar na ayaw mong lapitan ng aso o pusa, para maghanap sila ng bagong teritoryong toilet. If nothing else works, bumili ka ng aso, at doon mo pa-ebakin sa harap ng bahay nila, sa driveway, sa tatamaan ng gulong para mapahid hanggang loob, ha ha ha! Yung kunin mong aso, Great Dane, grabe laki ng ebs noon, parang sa kalabaw! Pag wala pa ring nangyari, be kind to their dog. Pakainin mo ng pandesal—na me betsin! Here, doggie-doggie!

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

Ate Ami


Katoliko

A8

Unapologetically Catholic by EDGARDO DE VERA

Is the Rosary a “Vain Repetition?”

HULYO 16 - 22, 2013

TAPATAN Question! P18,000 kada taon. Ito ang katapat na halaga na ilalaan ng gobyerno para sa mga informal settlers na nakatira malapit sa mga creek, ilog at iba pang mapanganib na lugar. Ayon sa pamahalaan, tulong ang pondong ito, halos P1,500 bawat buwan, upang lumikas na sa kanilang mga bahay na malapit sa mga daluyan ng tubig at mangupahan nang maayos ang mga nasabing mga pamilya. Sapat nga ba?

Kung ikaw ay magiging pangulo ng bansa, ano ang pipiliin mo, bigyan nalang ng pera ang mahihirap o tulungan silang kumita ng pera? Bakit?

S

ome anti-Catholics are fond of using Matthew 6:7 against the practice of praying the rosary. But, does that passage really apply? First, here is the passage in context: Matthew 6:1-8 Beware of practicing your piety before men in order to be seen by them; for then you will have no reward from your Father who is in heaven. 2 Thus, when you give alms, sound no trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets, that they may be praised by men. Truly, I say to you, they have received their reward. 3 But when you give alms, do not let your left hand know what your right hand is doing, 4 so that your alms may be in secret; and your Father who sees in secret will reward you. 5 And when you pray, you must not be like the hypocrites; for they love to stand and pray in the synagogues and at the street corners, that they may be seen by men. Truly, I say to you, they have received their reward. 6 But when you pray, go into your room and shut the door and pray to your Father who is in secret; and your Father who sees in secret will reward you. 7 And in praying do not heap up empty phrases as the Gentiles do; for they think that they will be heard for their many words. 8 Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him. Those who question may be more familiar with the King James Version rendering of verse 7: But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.” At any rate, the context is cru-

cial here. What this reveals is that Jesus was not condemning repetition as such, but vain repetition, that is, saying words over and over so that you can be seen and heard by men and receives their praise. Jesus is speaking against those people who pray, not out of humility and adoration of God, but so that they can be known for their so-called piety. Catholics don’t pray the rosary with that intention, thus this passage does not apply. If Jesus was condemning all forms of repetition in prayer, then we must charge Jesus Himself with praying incorrectly. After all, He repeated the same prayer three times in the Garden of Gethsemane: Matthew 26:39, 42, 44 And going a little farther he fell on his face and prayed, “My Father, if it be possible, let this cup pass from me; nevertheless, not as I will, but as thou wilt.” [...] 42 Again, for the second time, he went away and prayed, “My Father, if this cannot pass unless I drink it, thy will be done.” [...] 44 So, leaving them again, he went away and prayed for the third time, saying the same words. Ever read the Psalms? They are filled with repetitive prayer. Psalm 136 repeats the phrase “his steadfast love endures forever” 26 times! Worship in heaven is also repetitious: “day and night they never cease to sing, ‘Holy, holy, holy, is the Lord God Almighty, who was and is and is to come!’” (Rev 4.8). It’s clear from this that, when it comes to praying, the intentions of the heart are what matter most.

“Tulungan kumita at para matuto silang maging responsable.” ~ Bebe Jak “Tulungan silang kumita, kaya lang hindi ganun ang nangyayari eh.” ~ Yen Ocampo “Kung ako ang maging president, pipiliin kong tulungan ang mga mahihirap na kumita ng pera upang sa gayon marunong silang maghanapbuhay sa sariling lakas at pawis at matutunan nila ang kahalagahan ng pagiging manggagawa at magkaroon sila ng dignidad na dulot ng totoong pag-uunawa sa kahalagahan nito.” ~ Anita F. Alisaca “Tumulong para kumita ng pera ang mga tao.” ~ Dominic Barrios “Tulungang kumita ng pera dahil mas magiging produktibo ang mga mahihirap sa ganitong paraan.” ~ Rafael Vicho


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.