Tapat vol 1 no 14

Page 1

AGOSTO 6-12, 2013 VOL 1 NO 14 Dalawang World Youth Day pilgrims mula sa official Philippine delegation ay opisyal na na engage sa tanyag na Brazilian icon na Christ the Redeemer, isang 30-metrong istatwa sa Corcovado, Rio de Janeiro.

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

RH LAW, PAGGAMIT NG ‘POLICE POWER’ NG ESTADO – SolGen

@tapatnews

/tapatnews

- Pahina 3 tapatnews@gmail.com

It’s not only about Francis... (10 Things why I love WYD RIO 2013) - Pahina 6 www.tapatnews.com


balita

2

What’s up in the Church? CFC - Singles for Christ Christian Life Program (North B-2A) Every Sunday, GK Payatas 13 Chapel, 1.30 - 5.00 p.m.

AGOSTO 6-12, 2013

Ilang kasapi ng Kamara, bumuo ng ‘koalisyon para sa buhay’

Ni PAOLO DE GUZMAN

For more details, contact Mike Laxina 0933-4417-137

15th Tulay ng Kabataan Anniversary

17 August [Saturday], 10 a.m. - 5.00 p.m. Holy Mass: 10.00 a.m., EDSA Shrine (cor. EDSA and Ortigas Ave.) Agape: 11.30 a.m., Pedro Poveda College RSVP by 10 August, call (02) 435-5912 or email info@tnkfoundation.org

ILANG kasapi ng Mababang Kapulungan na pinamunuan ng Buhay party-list at ilan pang miyembro ng tinaguriang ‘independent bloc’ ng Kongreso ang nag anunsiyo ng pagbubuo ng ‘koalisyon para sa buhay’ na inaasahang magtataguyod ng adbokasyang pro-life. “Napagtanto namin na may pagkakahambing, sa iisang posisyon upang ipalaganap ang kultura ng buhay sa bansa sa pamamagitan ng Kongreso,”

ani Atienza, na kasama ni Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte, ay pinamunuan ang pagbuo ng nasabing koalisyon. Dagdag pa ni Atienza na ang koalisyon para sa buhay ay nagkakaisa ng posisyon sa isyung pamilya at buhay. “Sa isyu ng diborsyo, lahat kami ay tutol diyan. Sa isyu ng kasal ng parehong kasarian, lahat kami ay tutol diyan. Sa isyu ng aborsyon, at lahat ng bayolenteng paraan ng pagpapalaglag, lahat kami ay tutol

diyan. Sa isyu ng euthanasia o pagkitil sa mga walang pakinabang, tutol kami diyan,” ani Atienza. Matatandaang noong isang linggo lamang binuo ang ‘independent bloc’ bilang tugon sa pagtutol ng ilang kongresistang sumapi sa minority bloc ni House Minority Leader Ronaldo Zamora ng San Juan na inaakusahang “tuta” lamang ng mayorya na pinamumunuan naman ni Speaker Feliciano Belmonte.

Simbahan, hindi kukunsintihin ang same-sex marriage Jesuit Vocations Seminars 18 August [Sunday] - Cagayan de Oro [For more details, contact 0908-872-3327] - Zamboanga [contact 0935-886-5182] 25 August [Sunday] - Baguio [contact 0926-464-6872] 8 September [Sunday] - Naga [contact 0908-176-6147] 15 September [Sunday] - Manila [contact 0917-537-8487]

ISANG pari ng Simbahang Katolika ang nanindigan na patuloy ang pagtanggap ng Simbahan sa mga bakla at tomboy, ngunit iginiit nito na ang relasyon o pagsasama ng parehong kasarian ay hindi pa rin katanggap-tanggap. “Tanggap natin sila ‘pagkat mayroon silang same-sex attraction, pero hindi natin matatanggap kung mayroon silang same-sex relationships at same-sex unions,” ani Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Con-

ference of the Philippines. Dagdag pa ni Castro maaaring tawagin ng Diyos para sa isang espesyal na misyon ang mga indibidwal na may same sex attraction. Maaari din, aniya, maging mga santo at santa ang mga bakla o tomboy kung sila ay mamumuhay ng tuwid. “Hindi sila nagkaroon ng relasyon, they did not engage in same-sex behavior. So, kung papano ang heterosexual straight na sinasabi natin at homosexual ay kapwa tinatawagan na magkaroon ng chaste life,” paliwanag ni Castro. Iginiit ni Castro na kailan-

man ay hindi bubuwagin ng Simbahan ang katuruan ng Diyos sa kasagraduhan ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki at hindi sa magkaparehong kasarian o sa pagitan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Nilinaw din ni Castro ang mga naunang pahayag ng Santo Papa noong nakaraang Lunes hinggil sa pag-iwas sa pagmamaliit at panghuhusga sa mga bakla. Malinaw diumano na walang binago ang Santo Papa sa katuruan ng Simbahan kontra sa mga naglabasang balita hinggil dito. (PDG)


balita

AGOSTO 6-12, 2013

3

RH Law, paggamit ng ‘police power’ ng estado – SolGen Ni ANGELIQUE GUEVARRA MANILA – SA isang nakagugulat na pagbubunyag sa ikatlong sesyon ng RH Law oral kamakailan, inamin ni Solicitor General Atty. Francis H. Jardeleza, ang tumatayong depensa ng pamahalaan, na ang RH Law ay isang paggamit ng ‘police power’ ng estado upang tiyakin na hindi magkakaroon ng mga ‘di ginustong pagbubuntis sa bansa. “[The RH law] is an exercise of the police power of the state,” pahayag ni Jardeleza, na hinirang ni Pangulong Aquino sa posisyon noong Pebrero 2012. Ayon kay Jardeleza, may kapangyarihan ang pamahalaang itakda kung alin ang ‘unwanted pregnancy’ at alin ang hindi. “The state has a right to determine whether a pregnancy is wanted or not because there is an effect in the economy…among others,” tugon ni Jardeleza sa sunud-sunod na tanong ni Justice Jose P. Perez. Dahil sa pagkabahala sa ekonomiya, inamin din ni Jardeleza na nakatuon ang R.A. 10354, lalung-lalo na sa mahihirap at mga kapos sa oportunidad sa lipunan. Nang tanungin ni Justice Perez si Jardeleza tungkol sa rason sa kabila ng kakaibang pokus ng nasabing batas sa mahihirap, binanggit ng Solicitor General na ang mahihirap ang totoong mas nangangailangan ng RH Law. “All they are saying is they

Inamin ni Solicitor General Atty. Francis Jardeleza na handa ang pamahalaang gamitin ang ‘police power’ nito upang kontrolin ang mga ‘unwanted pregnancies’ sa bansa.

are making a finding here of social fact, that we have so many underprivileged poor, so many so much of the unwanted pregnancies,” ani Jardeleza. Nagpahayag naman ng duda si Justice Roberto A. Abad na mayroong layuning anti-poor ang RH Law. “The target of the RH Law is the community of poor and you want them to reduce their

ranks. We want to eliminate their size,” ani Justice Abad. Bago ang pagtatanong kay Solicitor General Jardeleza, isinalang naman sina Atty. Luis Gil Gana, counsel nina Al Tillah at Joe Kashim, na nais ipawalang-bisa ang RH Law sa kadahilanang labag ito diumano Organic Act of the Autonomous Region in Muslim Mindanao.

good news may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

WORLD NEWS

Ni ANA YSALAKAN

Brazil, ginawang legal ang aborsyon matapos ang papal visit

RIO DE JANEIRO, Brazil – Apat na araw matapos ang pagbisita ni Pope Francis sa Brazil, nilagdaan ni Brazilian president Dilma Rouseff ang isang batas na gagawing abotkamay ang mga abortion-inducing drugs sa bansa. Ang nasabing batas na nilagdaan noong Agosto 1 ay nagmamandang bigyan ng “morning-after pill” hanggang 72 oras ang mga kababaihang magsasabing sila ay mga naging biktima ng panggagahasa. Ayon naman kay Carlos Polo, patnugot ng Office for Latin America of the Population Research Institute, talamak ang hugot at impluwensya ng pro-abortion na mga grupo sa rehiyon. “Pro-abortion organizations have worked hard in recent years and are currently promoting abortion clandestinely with this drug through online or cell phone consultations,” paliwanag ni Polo.


editoryal

4

AGOSTO 6-12, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

Pork barrel tungo sa tuwid na daan?

Ang Priority Development Assistance Fund, kilala bilang pork barrel, ay pondong itinatalaga ng gobyerno upang pasinayan ang lokal na mga proyekto ng mga distrito. Tama si Pangulong Aquino na wala namang masama sa pork barrel. Ngunit, hindi tayo sangayon na manatili ito dahil kahit walang masama sa pork barrel, kung ito naman ay namamanipula, sa masama pa rin ang basak nito. Ang problema mismo ay ang sistema. Kung nasa kamay ng mga pulitiko ang pagdedesisyon hinggil sa paggamit nito, maaaring magkaroon talaga ng duktoran sa mga kontrata, mailagay sa mga bogus na Non-Government Organization (NGO) at marami pang posibleng paraan na ito ay maging ugat ng korapsyon. Hindi na bago sa atin na ang pork barrel ay ang ugat ng korapsyon. Sa national badyet ng gobyerno, may kabuuang P27 bilyong pondong ilalaan para sa pork barrel sa taong 2014. Ito ay kahit pa kabi-kabila ang mga naglalabasang balita hinggil sa maling paggamit ng pondo. Gaya na lamang ng napabalitang sampung ahensya ng pamahalaan ang nakipagtransaksyon sa mga pekeng NGO

Sabi nga ni Erap na dati nang naakusahan sa kasong pandarambong, ‘walang padrino, walang kamag-anak walang kaibigan’ -mga katagang halos walang pinagkaiba sa kaibigan, kaklase at kabarilan. na ginagamit upang makapag kubra ng lagpas sa sampung bilyon ng pork barrel. Nakatutuwang malaman na desidido ang palasyo upang tugisin ang mga sangkot sa tinaguriang “mother of all scams” na kinasasangkutan ng ilang senador at labing-isang miyembro ng Kamara. Subalit nakapagtatakang tila mga tinaguriang ‘macho bloc’ lamang ang sangkot dito. Kabilang sa mga inaakusahan ay sila senador Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Tito Sotto at Gregorio Honasan. Lahat sila ay mga matitinding tumutol sa pagpasa ng RH bill noong isang taon. Samanatalang ang mga tulad ni dating kongresista ng Iloilo na si Janette Garin ay nabiyayaan naman ng posisyon bi-

lang undersecretary ng Department of Health. Hindi kaya mas magandang busisiin ang mga transaksyon ng lahat ng mga mambabatas imbes na pili lamang? Matatandaang ganito ang naging hamon ni dating Chief Justice Renato Corona, ngunit sa sawing-palad, tila siya lamang ang magnanakaw na kahit pa ata lasing tayo ay ‘di kapani-paniwala. Noong isang taon, naging laman ng mga balita ang paggamit diumano ng Palasyo ng pork barrel upang himukin ang ilang mga mambabatas upang bumoto pabor sa kontrobersyal na RH bill. Sinasabing ang ‘di karaniwang pagdating nila Interior Secretary Manuel Roxas II at Budget Secretary Florencio Abad noong botohan ng RH bill

sa Kamara ay hudyat ng maaaring pagmamaniubra ng palasyo upang maitulak ang naturang batas. Nito lamang isang linggo, pumutok sa mga balita ang ‘padrino’ ng mga tiwali sa Bureau of Customs (BOC) at lumutang ang mga pangalan nila Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at House Speaker Sonny Belmonte. Noong isang linggo rin, ang grupo ng mga mangingisda na Pamalakaya (National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines) ay nakiusap sa Commission on Audit (COA) upang magkaroon ng malawakang pagtutuos sa mahigit P24.8 bilyon na pork barrel na inaprubahan ng Kamara para sa opisina ni pangulong Benigno Aquino III noong isang taon. Itong bagay na ito ay dapat na ring ginagawa at hindi na kailangan pang makiusap ang mga mangingisda matupad lamang ito. Kung ganun man, hindi ba dapat ang pangulo ang unang nagpapasilip ng kanyang mga transaksyon imbes na lagi na lamang nakaturo? Sabi nga ni Erap na dati nang naakusahan sa kasong pandarambong, ‘walang padrino, walang kamag-anak walang kaibigan’ -- mga katagang halos walang pinagkaiba sa kaibigan, kaklase at kabarilan.


AGOSTO 6-12, 2013

opinyon

5

THE JUMPING WALL

hindi sa tumatanggap. o maaaring ikaw ay mayMaaaring ang isang ba- roong sobra. Subukan mo gay na nakapagpapasaya itong ibahagi sa iba. Kung Rogie Ylagan sa iba ay walang epekto ito man ay balewala sa sa ‘yo, samantalang ang iyo, puwedeng ito ay mga bagay na hindi na- magdulot ng ibayong liman pinapansin ng iba gaya sa iba. ang siyang ninanais mo Hindi rin ito kailangang Maraming dahilan para gagalingan, wala tayong namang makamtan. maging materyal na bamaging masaya ang isang kakayahan para masukat Hindi magkakatulad ang gay. Maaaring ito ay tao. Ang isang bata ay ang kaligayahan ng isang nagdudulot ng kaligaya- ngiti, pagbati, pagtangmaaaring maggap, pagpapatawad ing masaya sa Hindi magkakatulad ang nagdudulot ng kaligayahan o kaya naman ay isang pirasong sa bawat isa sa atin. At sa aking palagay, ito ay hindi oras para sa iyong tsokolate na isang aksidente. Ito ay dinisenyo ng Diyos sa mga kapwa. Ito ang papasalubong ng giging maligaya sa kanyang tatay. tao upang ang bawat isa sa atin ay maging posibleng pamamagitan ng Ang isang empagbahagi ng kasipanggalingan ng kasiyahan ng ating kapwa. pleyado nayahan sa iba. Ang man ay kontento sa isang tao. Maaaring tawagin han sa bawat isa sa atin. pag-iisip ng para lang sa promosyon sa trabaho na natin itong mababaw o At sa aking palagay, ito sarili habang alam mong magbibigay sa kanya ng malalim pero ito ay kada- ay hindi isang aksidente. may ibang taong nahihimas malaking suweldo. lasang patungkol lang Ito ay dinisenyo ng Diyos rapan ay hindi magduduPara naman sa isang lala- sa pinanggagalingan at sa mga tao upang ang lot ng pangmatagalang ki, ang ligaya niya ay ang hindi ang mismong resul- bawat isa sa atin ay mag- kaligayahan. Ito ay pamakamit ang matamis na tang kaligayahan na di- ing posibleng panggalin- giging makasarili. Ang “oo” ng kanyang pinaka- nudulot nito sa tao. Sub- gan ng kasiyahan ng at- tunay na kaligayahan ay sisintang dalaga. alit ang pagiging malalim ing kapwa. Maaaring may ang kabaligtaran -- ang o mababaw ay nakade- mga bagay na mayroon pagbibigay ng sarili para Iba-iba man ang pinang- pende sa tumitingin at ka na hindi mo kailangan sa iba.

Saan Ka Masaya?

TABI PO

Melo Acuña

Mga balitang nakatutuwa SABI ng isang negosyante, karapatan din naman nilang mag shopping sapagkat mayroon silang mga lehitimong negosyo. Nagugunita ko noong mga nakalipas na dekada, mayroong tanyag na pamilya na nagdiwang ng kanilang golden wedding anniversary na pinagtaasan ng kilay ng mga mamamayan. Ang dahilan: itinatapat na lamang ng mga panauhin ang kanilang mga kopita sa isang fountain upang magkaroon ng champagne. Kung susukatin, napakaluho ang ganoong gawain noong dekada sisenta o sitenta. Subalit tulad ng talino’t ganda, hindi

talaga maitatago ang kayamanan. Biruan sa mga kapihan, mayroong mga taong pagkalalalim ng bulsa subalit napakaiksi ng kamay. Simple ang ibig-sabihin, kuripot ang mga taong ito. Sa isang bansang pinagmulan ng higit kumulang 10,455,788 na immigrants, karamihan sa kanila’y nangibang-bansa upang maghanap ng mas mabuting kabuhayan, tila magiging kalamansi sa sugat ang mga katagang “may karapatan kaming mag shopping”, sapagkat higit na mas marami ang natutuwa na lamang sa window shopping. Isa pa ring nakatutuwang balita ay ang na-

mutawi sa labi ni Pangulong Aquino sa kanyang ika-apat na SONA noong isang buwan: na matindi ang corruption sa Bureau of Customs at sa Bureau of Immigration. Kulang na lamang ay murahin niya ang mga namumuno sa mga tanggapang ito. Bilang pagpapakita ng kanyang katapatan, nag-alok si Commissioner Ruffy Biazon ng kanyang pagbibitiw na hindi naman tinanggap ni Pangulong Aquino. Kung tapat marahil si Ginoong Biazon sa kanyang pagbibitiw, lumiham na siya sa punong ehekutibo at nagsabing irrevocable ang kanyang pagbibitiw at nagpasalamat na lamang sana sa pagtitiwalang ipinagkaloob sa kanya. Nagkataong de-lastiko pala ang kanyang pagbibitiw. Sa panig ni Pangulong Aquino, mas makabubuting tinanggap na niya ang pagbibitiw ni G. Bi-

azon upang magkaroon ng bagong simula ang ahensya. Sa mga pagkakataong ito, ‘di mo malaman kung matatawa ka o malulungkot sapagkat layunin ng karaniwang tao na mabuhay nang simple at tahimik, makasama ang mga mahal sa buhay at maging responsableng kasapi ng lipunan. Ang nakalulungkot nga ay nagkakaroon ng mixed signals ang taongbayan sa mga nagaganap ngayon. Dalawa lamang ang pagpipilian, ang Itim at ang Puti o sa Ingles ay Black and White. Congrats nga pala kay Leah Navarro na nakapanumpa na sa kanyang trabaho sa pamahalaan. Natatandaan ko ang kasabihang natatampok sa isang patalastas sa isang pandaigdigang telebisyon. “A shady business never yields a sunny life,” ayon kay B. C. Forbes.

LIVE FREE Sam Manuel

Life is a gift I was a college student when I was first diagnosed with Hypothyroidism. I will never forget how my doctor told me, this condition would cause certain hormonal changes in my body, especially affecting chances of pregnancy. Depending on how my body would react to these changes, I could end up either too fertile (which is what I was hoping for, of course) or worse, it would be difficult for me to get pregnant. I just hoped for the best. Like most women, I dream of having my own children and experience that wonderful gift of motherhood. When I got married later on, I prepared myself for the worst. During the first year of our marriage, my husband and I had the opportunity to learn more about Natural Family Planning (NFP) while attending various seminars for couples. Given my condition, initially, I felt it was irrelevant; it was merely out of curiosity that I tried to discover what is was all about. I was not exactly convinced of the need to practice such a method. However, through NFP, I learned so much about my own physical body, its natural beauty and the basic process of how it prepares to nurture life. That’s why later on, when my husband and I found out -- unexpectedly -- I was pregnant, I was so happy and excited to finally nurture life inside of me. Unfortunately though, 8 weeks into

my pregnancy, I had a miscarriage. At first, it was difficult for me to accept that the precious life inside of me was gone. But my husband and I never gave up hope that one day, we will finally be blessed with a child. And indeed, 2 years after, I got pregnant again and this time, gave birth to a happy, healthy baby boy. Life is too precious to waste, as I have personally learned from this experience. What I love about NFP is, not only does it teach us to control or postpone pregnancy, but it also teaches us the perfect timing to get pregnant, especially for those like myself, who are eager to achieve pregnancy. As opposed to the use of contraceptives, the term “contraception” itself is very limiting: “Contraception (birth control) prevents pregnancy by interfering with the normal process of ovulation, fertilization, and implantation”. This is a definition I got from the Encyclopedia of Children’s Health. The very fact that contraceptives are defined as such is enough to discourage me from resorting to it. With NFP also defined as “fertility awareness”, it promotes life itself by allowing us to learn to appreciate our body, be aware of our fertility cycle and physical capacity and most es- Pahina 8

s


It’s not only about Francis...

(10 Reasons Why I Love World Youth Day Rio 2013) by SKY ORTIGAS

F

taught me a lot).. but no! Brazilian samba is quite.. (8.3) Nossa Senhora Aparecida Parish. My difficult, but yes, I was able to do it. host parish for the Semana Missionaria (Missionary Week) -- the priests, the mass, the people -- was live8. Rio everywhere. The place just captivates me. ly. And oh, falling in love with God is easy because He showed me His face. (8.1) They have tissue paper everywhere. I am a tissue paper addict. I think I could have been accused of tissue paper hoarding while preparing for this trip. Only to find out: everywhere in Rio, there’s Here are Top 10 reasons why WYD made me tissue! And, guess what, I got a special trip to a tissue paper recycling factory, thanks to my hosts! fall in love with God again: ull of hope and openness, I arrived in Rio de Janeiro to attend the World Youth Day (WYD) and of course, to see Pope Francis. Never did I expect that the Brazil experience would be more than seeing Pope Francis. It was while walking along Copacabana beach when I heard a little whisper, becoming so loud telling me.. “It’s not only about seeing Francis, it’s about seeing My people.”

(8.2) Petropolis. Oh man, I wish I could live there. 10. One answered prayer. I have 3 wishes this The weather, the view, the cathedral. Everything is 2013. One of them is WYD. Thank you, Jesus, You brought me there. It was truly a special experience I The parish that hosted us for the Semana Missionaria

(8.4) The Media Center. This has got to be the coolest WYD media center I’ve been to by far. 7. Alone as YouthPinoy in a group. I was able to make new friends. Really good, good friends who Trying out the Samba during the dance workshop made a big impact in my life. Our group, ECY Philippines 4, taught me a lot -- from being a good buddy, The cathedral in Peropolis to being patient, to just going on and giving your life will always keep in my heart. to the Father. To the priests who were with us, Fr. 9. Samba. I love dancing. I thought I knew how to just amazing. And they have a Catholic university, Sandy, Fr. Vhon and Bishop Pat, you inspire me. To our heads, Doc Elgene and Venus, you’re amazing. do the samba (since ballroom dancing with my mom which is awesomely cool!


AGOSTO 6-12, 2013

feature

7

To Chris, who was with us too, thanks for being my 5. My “international aunt.” I love you so much. buddy. To everyone, from Antipolo to Parañaque, You’re the first one who looked for me when I arrived in Piabetá. Thank you, for always giving your all to make me understand, for just showing me that Love is the universal language.

The WYD Media Center

4. My family in Petropolis, Piabetá and Rio. I was at home because you made me feel at home. In your house, I felt like I was in heaven. Thank you for taking good care of me, for inspiring me Aunt Jo and me with your dedication and love for the Father. In Rio, we stayed at an institute for the blind and what struck me so much was that in every face I saw, I saw Jesus. Time spent there were moments of pure grace that I cannot describe. My heart was moved with passion and it made me really renew my commitment to do His will more. 3. Ana Daflon, Joice Lima and all the Lindaaaas... I look forward to meeting you again, to go to church with you again, to dance with you again, to just have fun with you again. Ana, thank you for taking us around Petropolis; Joice, for taking us around Rio. Oh, girls, I love you so much. So, so, so much.

The ECY Delegation Group 4

you guys, were inspiring all the way. Special thanks to Ate Carmela for the last night in JW Marriott Hotel Rio de Janeiro. I’m looking forward to more coffee and conversations with you. 6. The food. Oh man, I think I could live in Brazil. The beans, the slabs of meat, the barbeque, the “ovo frito.” Everything. You.made.me.hungry.

My family in Piabeta

My family in Petropolis

Everyday is a moment of falling in love with You. Your words, Your songs, Your love is just unconditional that having that taste of heaven during the whole celebration of WYD was magical. For not giving up on me, Oh Lord, thank You. Together with Your most Holy Mother Ana, Joice and Cynthia Mary, I love you. And of course, I saw Pope Francis. I prayed with him during the 2. Murilo Daflon. My prayer partner. Thank vigil. His messages are you for praying with me and for those cof- Me and Murilo all about the Father. fee conversations. You inspire me in so many And love for God is just ways, brother. As I renew my commitment to the Father, I pray for yours. May evident in his eyes -- truly, an inspiring man. God always grant the desires of your heart. Continue to chase your vocation and carry Live His grace. Be missionaries. your cross. I know God loves you deeply and He will always whisper His words to you. Listen with all your heart and soul. Keep on writing and singing songs for Him. Your voice is His voice not only to me, but to everyone who hears it.

1. Christ the Redeemer. Lord, for not letting go of me. For speaking so clearly that (6.1) The cofeverything is just pure grace. Once again, You fee. I am a coffee addict. Everyone in my family changed my life and are, I believe, making a betis. And I believe God has been sending me to places ter woman out of me. Lord, for loving me and for where coffee is the best! From Kenya to Brazil.. Man, selectively choosing me and placing me in the place I love everything about it.. where you wanted me to learn and love you more.


balita

8

TAPATAN Question! Pinagmamalaki ng administrasyong Aquino ang sinasabing 7.8 percent na paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) sa unang tatlong buwan ng 2013. Ayon sa mga ekonomista, ito ang pinakamataas na GDP na natamasa ng kasalukuyang pamahalaan. Ang tanong, ramdam ba ito ng ordinaryong mamamayan o yumayaman lamang ang dati nang nakaaangat sa buhay, habang lalong naghihikahos ang mahihirap?

Sinasabing gumaganda ang ekonomiya, gumaganda na nga ba ang buhay mo? Bakit? “Ah, gumanda naman ang buhay ko, ngunit hindi ko maidahilan ang pagganda ng ekonomiya; bagkus gumanda ang buhay ko, sapagkat maawain ang Diyos at kahit na mahihirap lamang, ako binigyan Niya ako ng mga panalangin na angkop sa aming kakayahan at pangangailangan araw-araw. Ang pinakamahalaga, binigyan Niya kami ng mabuting pananaw sa buhay, pagmamahal sa gawain kahit na tagapaglinis ng bahay, tagapaglaba ng damit, tagapagluto, at iba pa, at ang pagpahalaga sa buhay ng isa’t isa sa pamilya at komunidad.” ~ Anita F. Alisaca “Hindi gumaganda ang buhay ko, dahil hirap pa din kami sa pang-araw-araw na kita.” ~ Rafael Vicho “Walang epekto ang pagganda o pagbaba ng ekonomiya sa pamumuhay ko dahil wala namang oportunidad na binibigay ang gobyerno sa akin para gumanda ang buhay ko.” ~ Dominic Barrios “Gumaganda ang buhay ko dahil sa Panginoon hindi dahil sa ekonomiya.” ~ Yen Ocampo “Press release lang ‘yung gumaganda, kasi ‘di ko nararamdaman, hanggang mataas ang singil sa kuryente, tubig, at ang mga bilihin ay patuloy na tumataas. ‘Di ko mararamdaman ang ginhawa lalo na’t peso earner lang mga mahal ko sa buhay.” ~ Bebe Jak “On my current status, ok naman siya, pero mahirap maramdaman yung pag-unlad dahil wala naman nagbago sa mga presyo ng bilihin at pamasahe. Pero para sa akin, ang pag-unlad ng isang tao nasa sariling pagsisikap.” ~ Ruel Tenerife

Life is a gift....

AGOSTO 6-12, 2013

mula sa pahina 6

pecially, gives us an opportunity to know what’s going on. Most of us would probably agree, what is “natural” is always the better, safer option. I, for one, truly prefer the “natural” way. What’s more, another important benefit of NFP is that it promotes mutual respect between husband and wife, strengthening their bond. It allows a husband and wife to have open communication, while discussing their goal of whether they want to achieve or postpone pregnancy. They also get to share with each other options and realities such as timing the wife’s fertile days, if they are hoping for a pregnancy and days on which to abstain for those postponing pregnancy. Life is such a precious gift which we, women, were given the special privilege to nurture. My conviction to be pro-life is my own personal way of -- though indirectly -- giving life once again to my supposedly first-born child whom I lost due to a miscarriage. It is an act of love for my unborn child that he gets to live once again with every child born into this world. I believe that if every new life was made and born out of love, there should be no reason to prevent it. Let us welcome each life as a gift.

Pagaantada ng Krus....

mula sa pahina 10

Ang pagaantada ng Krus ay kasing tanda na ng Kristiyanismo. Ayon sa sinaunang sulatin ni Tertullian, may 211 tala ng pagaantada na pagsenyas ng hinlalaki sa mga altar at noo ang mga tinaguriang mga bagong miyembro ng komunidad. Unti-unting nagbago ito hanggang sa ating panahon na ang pagaantada ay mula sa noo, dibdib at magkabilang balikat habang binabanggit ang Banal na Sangtatlo. Ang mga Katoliko ay nagsisimula at nagtatapos ng dasal na may pagaantada na kilala rin bilang isang maikling dasal. Karaniwang nakikita sa publiko, mula sa mga nagmamaneho, bago at matapos kumain, at maging sa mga atlets bago at matapos ang pakikipatunggali. Sinasabi ng mga fundametalista na ito ay nanggaling sa paganismo. Ngunit maging ang mga Anglikano at Lutherano man ay dati nang nagaantada gaya ng mga Katoliko na kapwang tinanggap ang Crucifix. Subalit ang Crucifix naman ay tinututulan ng ilang mga Protestante na sinasabing ang pagaantada ay isang pagsamba sa ‘di tunay na Diyos sa kadahilanang hindi na raw nakapako sa Krus si Kristo. Subalit ang Crucifix ay isang pagpapaalala lamang ng Kanyang sinapit na kalbaryo upang tayo ay masagip. And Krus, crucifix at pagaantada ay pagbabasbas sa ating sarili kaisa ng Nag-iisang Sangtatlong Diyos bilang patunay ng ating pananampalataya at pagpapatunay ng pagkapanalo ni Kristo kung saan tayo ay sumasakop sa kasalanan at kamatayan. Gaya na lamang ng sinabi ni apostol Pablo sa Galacia 6:14, “Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo.”


9

AGOSTO 6-12, 2013

Tatapatin kita… ni Ate Ami

Nakaka-imbyernang kapitbahay

Dear Ate Ami, Ubos na po ang pasensya ko sa kapitbahay namin kaya’t sana matulungan mo ako. Ilang ulit ko nang sinabi sa kanila na doon sa kabilang dulo ng kalye dalhin ang mga aso nila kapag nilalakad dahil ginagamit na parang CR ang sidewalk at damo sa harap ng bahay namin. Mabuti naman kung sila ang naglilinis ng kalat ng mga aso pero hindi e! Ako rin e! Parang ‘di makaintindi dahil ilang beses ko nang pinaalala sa kanila na huwag sa tapat namin patigilin ang mga aso, pero wa epek pa rin. Puwede po bang isumbong sa barangay ang ganitong pangyayari? Ayoko naman pong makipag-away, gusto ko lang ay hindi yung uma-umaga na lang ay pati dumi ng mga aso na hindi naman namin pag-aari ay wawalisin ko pa. Siyanga pala, ako si “MC”, nakatira po sa Cavite kasama ang aking asawa at tatlong anak. May maliit po kaming sari-sari store dito malapit lang. More power mam! Dear MC, Siyempre, puwede mong isumbong sa barangay. Kasi hindi komo sa harap lang ng bahay mo, eh ikaw lang ang napeperhuwisyo. Sumulat ka sa barangay, parang report tulad ng isiniwalat mo sa akin. Samahan mo ng litrato ng ebs ng aso, close up at far shot para kitang nasa harap ng property ninyo. If you can, take photos on several days and date each batch accordingly, at ito ang isama mong mga “evidence” sa report mo sa barangay. Biro mong katutak na langaw ang maa-attract niyang mga doggie tumpok na ‘yan! Puwede ring hindi ka muna magwalis para ipakita mo nang actual yung mga ebs sa barangay captain. Kung maayos magtrabaho ang barangay ninyo, pagsasabihan nila yung mga may-aso. O kaya’y ipadadampot nang regular sa basurero. Kung hindi naman sila mahusay, at hahayaan na lang kayong magsabunutan

ng neighbor mo, eh ‘di “take the law into your own hands” literally and figuratively. Damputin mo ‘yung mga ebs, ilagay sa kahon na gift-wrapped, at ipa-deliver sa may-aso. Puwede ring ibalot mo sa plastic at isabit sa gate nila, ihulog sa kanilang mailbox, o ipukol sa bintana nila o sa kotse kaya, he he he. Siguradong giyera patani yan, but they’ll get the message. Huwag mong siryosohin ang advice ko ha? Nagde-destress lang si Ate Ami kaya umaandar ang kabalbalan sa utak niya, he he. Although nangyari sa amin ‘yan. Sa garden namin, aba, ang daming cotton buds na may tutuli, sa tapat ng bintana ng neighbor namin! Doon pa naman sa tinatamnan ko ng kamote! Ang ginawa ko, inipon kong lahat, kadiri, inilagay ko sa isang letter envelop, at nilakipan ko ng note para sa may-ari, telling them where I found them. O ‘di sumagot, nag-apologize! Sinabihan daw nila ang mga katulong nila na huwag magtatapon sa bakuran namin. Back to your doggie blues. Seriously, iyang aso kasi, territorial na hayop ‘yan. Once inihian na niya o dinumihan ang isang spot, kanya na ‘yon, ulit-ulit niyang babalikan ‘yon. Eh, tila hindi alam ng kapitbahay mo ‘yon, o baka mas matalino pa ‘yung alaga niya kaysa sa kanya kaya siya ang hinihila nung aso papunta sa inyo. Subukan mong maghanap ng repellant sa pet shop. Ini-ispray ‘yon sa lugar na ayaw mong lapitan ng aso o pusa, para maghanap sila ng bagong teritoryong toilet. If nothing else works, bumili ka ng aso, at doon mo pa-ebakin sa harap ng bahay nila, sa driveway, sa tatamaan ng gulong para mapahid hanggang loob, ha ha ha! ‘Yung kunin mong aso, Great Dane, grabe laki ng ebs noon, parang sa kalabaw! ‘Pag wala pa ring nangyari, be kind to their dog. Pakainin mo ng pandesal—na may betsin! Here, doggie-doggie!

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

It’s good to know that... Teenagers who sit down and have dinner with their families have a lower risk for substance abuse.

Ate Ami

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com FOLLOW US... FOLLOW US... @tapatnews

tapatnews

tapatnews@gmail.com www.tapatnews.com or subscribe to Tapat. Check out the subscription form on page 8 of this issue.


10

Katoliko

Pagaantada ng Krus

AGOSTO 6-12, 2013

Unapologetically Catholic by EDGARDO DE VERA

H

abang naghahanda si Constantine upang harapin ang hukbo ni Maxentius sa giyera, nagkaroon siya ng pangitain na may Krus sa langit na may nakaukit na mga katagang, “In hoc signo vincis” – Sa simbolong ito, ikaw ay mananaig. Tinanggap niya ito bilang isang tanda mula langit at ipinagutos niya na ang simbolong ito ay ipakalat sa kanyang hukbong sandatahan, at sa sagupaan na tinaguriang ‘Battle of Milvian Bridge’ siya ay nagwagi na may ‘di hamak na mas malaking hukbo.

paniniwalang Aryan. Bago ang kautusan ng Milan (Edict of Milan), ang mga Kristyano ay hinuhuli na parang mga hayop at pinaparusahan sa ‘di makataong paraan. Ang pagpapahayag ng pananampalataya ay parang panliligaw sa kamatayan, sa mabagal at dahan-dahang pagpapahirap, pagsunog, pagputol ng mga bahagi ng katawan o ‘di kaya’y pagtapon sa kulungan ng mga mababangis na hayop. Ang kahindik-hindik na pagpatay ay para lamang sa mga kriminal at kalaban ng imperyong Romano na siya ring parusang ipinapataw sa mga Kristyano: ang pagpako sa Krus. Sa pagkamatay ni Kristo binago Niya ang Krus mula sa pagiging simbolo ng kamatayan para maging isang simbolo ng pagwagi ng buhay. Kahit pa madalas ang takot at pagkutya mula sa mga pagano, tinanggap ito ng mga Kristyano bilang kanilang simbolo. Iniuukit ang Krus sa mga sinaunang himlayan, mga bato sa altar, at sa libingan kung saan hinuhugis ang mga ito mula sa kahoy o bakal na ginagamit sa liturhiya. Mula sa mga simpleng krus ay sumibol ang mga magagarang krus na may mga bato. ‘Di nagtagal, sinamahan ng anyo ni Kristong nakapako sa krus na naging Crucifix na nagustuhan ng maraming samahang Kristiyano. Mula sa konseho ng Constantinople ds taong 692 napagdesisyunan na isama ang Crucifix sa liturhiya o banal na Misa upang maging representasyon ng kalbaryo ni Kristo.

Mula sa mga simpleng krus ay sumibol ang mga magagarang krus na may mga bato. ‘Di nagtagal, sinamahan ng anyo ni Kristong nakapako sa krus na naging Crucifix na nagustuhan ng maraming samahang Kristiyano. Ang pagkapanalo ni Constantine ang nagbigay daan upang kanyang ipalabas ang ‘Edict of Milan’ na siyang nagtapos sa ilang dekadang panunupil ng mga taga-Roma sa mga Kristiyano. Kinikilala siya bilang unang Kristiyanong pinuno ng imperyo ng Roma, ngunit nanatili siyang isang pagano at mapagsimpatya sa mga Aryan hanggang sa kanyang kamatayan. Hindi siya nagbago ng pananampalataya hanggang lumipas ang dalawampu’t limang taon kung saan siya’y binautismohan habang nakaratay sa kanyang mga huling sandali. Nagkaganoon man pinabayaan niyang lumawak ang Kristyanismo nang walang balakid at minsan din niyang pinatawag ang isang konsehong tinawag na ‘Council of Nicea’ (325) na siyang naghatol sa maling pananampalataya sa

KATESISMO, MISMO! Ano ang parusang eklesyastiko na maaaring ipataw sa sino mang magkasala ng aborsyon?

Ang sino mang magpapalaglag ay maaaring patawan ng pagtitiwalag ng Simbahan o ‘excommunication’ sa Ingles at latae sententiae sa Latin. “Latae sententiae” ay nangangahulugang napagtibay na ito sa sandaling ang isang indibidwal ay nagpalaglag. Ang pakikipagtulungan sa isang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ay may mabigat na parusa. Ikinaaakibat ng Simbahang Katolika ang parusang kanonikal na pagtitiwalag para sa mga tumulong sa isang aborsyon at itinuturing ang pagpapalaglag na krimen laban sa buhay ng tao. Ang Simbahan ay nagpaparusa hindi dahil sa kawalan ng awa, bagkus ito ay pagpapakita lamang ng kabigatan ng kasalanan ng pagpapalaglag, kawalan ng pag-asang maituwid ang pagkakamali laban sa inosenteng buhay na kinitil, maging sa magulang at buong sangkatauhan.

- Pahina 8

From the Saints... “Please don’t kill the child. I want the child. Please give me the child. I am willing to accept any child who would be aborted, and to give that child to a married couple who will love the child, and be loved by the child. From our children’s home in Calcutta alone, we have saved over 3,000 children from abortions. These children have brought such love and joy to their adopting parents, and have grown up so full of love and joy!”

-Bl. Mother Teresa




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.