SETYEMBRE 24-30, 2013 VOL 1 NO 17 Patuloy ang mga protesta laban sa sistema ng pork barrel at iba pang discretionary funds ng administrasyong Aquino.
TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY
PNOY, SABIT SA
P50M PABUYA Ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada kung paano ginamit ng administrasyong Aquino ang pork barrel para i-impeach si dating Chief Justice Renato Corona, pati ang pagpasa ng RH Bill at Sin Tax Bill.
@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
B1
- Pahina 3
Pinoy Knightline
THE OFFICIAL PUBLICATION OF THE KNIGHTS OF COLUMBUS LUZON JURISDICTION
www.tapatnews.com
balita
2
What’s up in the Church?
Philippine Conference on New Evangelization 16 – 18 October, University of Santo Tomas Manila, Philippines Registration fee is P1,000.00. For more information, contact (02) 564-3712 to 13; 564-9445; 5644084; 564-4008 or email pcne.secretariat@gmail.com
‘My vocation is love!’ Vocation Search [Series 4] 6 October, 8.30 a.m. to 2.00 p.m., St. Teresa Hall, St. Joseph Building, Our Lady of Mt. Carmel Shrine parish, 5th St., corner Broadway Avenue, New Manila, Quezon City
‘Moment of Love’ Photography Workshop sponsored by CFC Singles for Christ
SETYEMBRE 24-30, 2013
Walang mali sa sinabi ng Santo Papa - CBCP MANILA — MATAPOS ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa na diumano’y patungkol sa maling pokus ng maraming Katoliko sa mga isyu tulad ng aborsyon at kontrasepsyon, klinaro ng mga obispo ng Pilipinas na ipinaliwanag lamang ni Pope Francis ang halaga ng “charity” o pag-ibig sa kapwa, at wala itong binabago sa katuruan ng Simabahan tungkol sa mga isyung pro-life. “There is no contradiction. He is not opposing any doctrine. He is only reminding us that perhaps what the world needs is our witnessing to charity,” ani Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines tungkol sa pakikipanayam kamakailan ng Santo Papa sa isang Heswitang peryodiko na naka-base sa Italya. Sa nasabing panayam, ipinaliwanag ng Santo Papa na, ”Church’s pastoral ministry cannot be obsessed with the transmission of a disjointed multitude of doctrines”. Sa kabila ng kakaibang interpretasyon ng mga pahayagan at midyang pangmasa sa ibig sabihin ng mga pahayag ni Pope Francis, para kay Palma, ito ay nagpapatotoo lamang sa importansya ng dalawang aspeto ng pananampalatayang Katoliko, ang doktrina at ang malasakit sa kapwa. “So I am very happy with
Ayon kay Lingayen - Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang nais idiin ni Pope Francis sa kanyang panayam ay ang halaga ng isang “personal encounter with Christ” at wala itong nais baguhin sa katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon o kontrasepsyon.
what he said and I do not see any opposition to the existing doctrines of the Church,” ayon kay Palma. “We know that the teachings are one important aspect of the Church but witnessing to love is also the challenge that people want to see in us,” dagdag pa nito. Ayon naman kay Archbishop Socrates Villegas of Lingayen-Dagupan, vice president ng CBCP, na sumangayon din sa pahayag ni Palma, ang pangunahing hiling ng Santo Papa ay ang bawat tao ay magkaroon ng “personal encounter with Christ”. “Our behavior will follow from that friendship with Christ. Our value system and attitude will follow from knowing Christ,” paliwanag ni Villegas. “He did not rebuff the strong
opposition to contraception, abortion, or homosexual marriage. He just set it on proper grounding,” dagdag pa nito. Matatandaang ang isyu ng birth control ay naging paksa ng mainit na talakayan at debate, lalong lalo na ang naipasang Reproductive Health law na kasalukuyang naghihintay ng huling hatol sa Korte Suprema. Ayon kay Palma, magpapatuloy ang pangangampanya ng Simbahan laban sa RH law, dahil naniniwala itong hindi magbabago ang katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon at kontrasepsyon. “Pope Francis is telling us to be compassionate but it doesn’t mean that the Church will change its teachings,” ani Palma. “Do not expect that to happen. (RL)
Publiko, hinihikayat na manalangin kay San Miguel Arkanghel
5 October, 8.00 a.m. to 5.00 p.m., Mary the Queen Parish (near Xavier School)
‘Run-Bike-LIVE for a Pro-Life Nation’ sponsored by Pro-Life Philippines Foundation / E-ventologist Co.
8 December, 5.00 to 9.00 a.m., Marikina Riverbanks
MANILA -- Dahil sa patuloy na kaguluhan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa karahasan at korupsyon, minabuti ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ibalik ang paghingi ng tulong kay San Miguel Arkanghel pagkatapos ng misa sa lahat ng mga simbahan sa bansa. Sa isang liham na ipinadala sa mga arkdyosis at diyosesis sa Pilipinas, hinikayat ng CBCP ang mga kaparian na dasalin pagkatapos ng bawat misa ang lumang panalangin kay San Miguel Arkanghel na isinulat ni Leo XIII noong 1896 sa gitna ng “many situ-
ations of trouble and conflict” na dinaranas ng bansa. Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, ang nasabing dasal ay talagang “very timely” dahil sa mga nagdaang kalamidad at dahil sa lumalalang katiwalian sa pamahalaan “Through this prayer, we invoke St. Michael to defend us and our country against the wickedness and snares of the evil one,” ani Palma. “Michael – which means, “Who is like God” – will win over all the evil attempts to disfigure the face of mankind because God Who is stronger
acts in him,” dagdag pa nito. Panalangin kay San Miguel Arkanghel: “San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa. Siya Nawa.” (Roy Lagarde)
balita PNoy, sabit sa P50M pabuya
3
SETYEMBRE 24-30, 2013
Ni PAULO DE GUZMAN
Social media manager ni Pope Francis darating sa PHL
Ni ALEJANDRO MALAPO
MATAPOS makasuhan ng plunder sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o kilala bilang pork barrel, bumwelta si Senador Jinggoy Estrada at isinabit ang ilang miyembro ng Senado maging ng Kamara na kaalyado ni pangulong Benigno Aquino III sa nasabing isyu ng pork barrel. Isiniwalat ni Estrada sa kanyang privilege speech kamakailan ang diumano’y pabuya na P50 milyong dagdag pork barrel para sa papabor sa RH bill, Sin Tax bill at impeachement ni dating punong mahistrado Renato Corona. Ayon kay Estrada, idinaan ng Malacañang ang pagsuhol sa pamamagitan ng pagbigay ng Special Allotment Release Order (SARO) sa mga bumoto pabor sa mga naturang panukala. Banat ni Estrada, “Ganoon din ang mainit na balita noong tinatalakay ng Kongreso ang kontrobersyal na Reproductive Health bill. Again, I voted against this measure, kaya wala po akong SARO. Hindi na tuloy nakapagtataka nang kumalat ang balita na ang mga kongresista at mga senador ay inalok din ng PDAF para siguraduhin ang impeachment at conviction ng dating punong hukom ng Korte Suprema.” Sa panimula ng kanyang talumpati binatikos ni Estrada ang Senate Blue Ribbon Committee na tila mga taga-oposisyon lamang ang idinadawit at pinapahiya sa madla. Dahilan diumano para ituring siya, kasama
nina Senador Juan Ponce Enrile at Senador Bong Revilla, na mga natatanging tiwali. “Bastusan na ba ito? Alam ko na alam ng mga taong ito na sila ang tinutukoy ko. Ang tanging mensahe ko lamang sa mga taong ito ay: ‘Sa bawat pagturo ninyo ng mapanghusga at mapangkutang daliri o hintuturo niyo ay apat na daliri ang nakaturo pabalik sa inyo,” ani Estrada. Idiniin din ni Estrada sina Miriam Defensor Santiago, Alan Peter Cayetano, Francis Pangilinan at Manny Villar at sinabing ayon sa report ng Commission on Audit (COA), mayroong P1.2 bilyong halaga ng transaksyon ng mga Local Government Units (LGU) na hindi mula sa mga nabanggit na senador ang hindi sumunod sa Procurement Law. Tanong ni Estrada, “Bakit hindi nababanggit ang mga ito? Dahil ba sila ay inyong kaalyado? Pero hindi ko naman po sinasabi na sila ay nagkasala. Ito po ay base sa COA report na mayroon daw pong irregularities ang kanilang pinaglaanan ng pondo.” Idinawit din ni Estrada ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng Kamara na si Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales sa umano’y kwestyunableng disbursement ng P28.7 milyong pork barrel sa kanyang nasasakupan na ayon kay Estrada ay lumalabas na peke ang suppliers batay sa sa COA audit. Dagdag pa ni Estrada, “Meron pa ngang nakita ang COA na P6 million worth of of trans-
actions sa Jollibee! Ano ito? Six million pesos worth ng chickenjoy, hamburger at jolly hotdog? Langhap na langhap ang sarap, hindi po ba?” Samantala pinabulaanan naman ng palasyo ang mga paratang ni Estrada. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, “As far as the executive is concerned, we can categorically tell you that there was no P50 million that was given to the senators as a bribe, as a reward, or as an incentive for the conviction of the former Chief Justice.” Sa kabila nito, pinatotohanan naman ni Senador Panfilo Lacson ang pagtanggap ng ilang mambabatas na karagdagang P50 milyong pondo. Samantala, isang mapagkakatiwalaang source ang nagsiwalat at nagpatotoo sa pagsuhol ng palasyo sa mga miyembro ng Kamara. Ayon sa source na dating kongresista kaya hindi mabitawan ng pangulo ang pork barrel dahil ito ang ginagamit upang mamaniobra ang Senado at Kamara. Dagdag ng source, inakala nilang tungkol sa RH Bill ang pinatawag na caucus ni House Speaker Sonny Belmonte noong mapirmahan ng 188 na kongresista ang impeachment ni Corona. Dagdag ng ating source, idiniin daw mismo ang pananakot na, “Kung ‘di ninyo pipirmahan alam na ninyo ang mangyayari,”patungkol sa kapangyarihan ng palasyo na magbigay at mang-ipit ng PDAF ng mga mambabatas.
MANILA — NAPAKAPALAD ng Pilipinas dahil sa darating na Nobyembre, darating sa bansa ang tagapamahala ng Twitter account ng Santo Papa, ang @Pontifex, upang magsalita sa mga kabataang Pilipino tungkol sa paanyayang dalhin ang mensahe ng Mabuting Balita sa online na mundo. Ibibigay ni Msgr. Paul Tighe, sekretarya ng Pontifical Council for Social Communications, ang pangunahing mensahe sa ikalawang Catholic Social Media Summit, na gaganapin sa Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila, sa Nobyembre 23 - 24. Sa isang panayam sa Business Week, sinabi ni Tighe na ang desisyon na magkaroon ng isang Twitter account ang Santo Papa ay paraan ng Vatikano upang hikayatin ang mga pinuno ng Simbahan, mga kaparian, pati na rin ang mga layko na maging aktibo sa mga social networks. “A number of figures, from cardinals and bishops to individual believers, are quite present in Twitter. In a sense, the Pope’s presence is, ex post facto, an endorsement or encouragement of them. We have a lot of people who are saying, ‘If the Pope is going in there, maybe it’s time for me,’” paliwanag ni Tighe bago ipinost ni dating Pope Benedict ang kanyang unang tweet. Si Tighe din ang nasa likod ng pagkakaroon ng annual plenary assembly ang Pontifical Council for Social Communications nitong Setyembre 19 - 21, kung saan sinabi ni Pope Francis na kailangang simulan ng Simbahan “with discernment, to use modern technologies and social networks in such a way as to reveal a presence that listens, converses and encourages.” Patuloy ang rehistrasyong online para sa Catholic Social Media Summit. Ang bayarin sa pagpaparehistro ay P1,200 kada tao. Mag log-in lamang sa http://catholicsocialmediasummit.com upang makapagparehistro. Inorganisa ng grupong YouthPinoy, ang Catholic Social Media Summit ay may layuning itaguyod ang online evangelization sa pamamagitan ng paggamit ng internet at social media upang ipahayag ang Ebanghelyo. Binuo ang YouthPinoy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ Media Office at ng Episcopal Commission on Youth. Sa ngayon, ang mga tweets ng Santo Papa ay sinasalin sa siyam na pangunahing wika, kasama ang Latin. Ang Ingles na Twitter account ng Papa ay may 3 milyong follower; ang Espanyol na account ay may 3.8 milyon; at ang Italyanong account ay may 1.1 milyon.
editoryal
4
SETYEMBRE 24-30, 2013
AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
H
Si Mark Solis at ang mga baboy sa Kongreso
alos lamunin siya nang buhay. Ito marahil ang pakiramdam ni Mark Solis sa mga online comments at Facebook threads tungkol sa sumabog na balitang napanalunan nito ang top prize sa isang photography contest ng embahadang Chile gamit ang isang ninakaw na larawan. Nadiskubreng hindi ito ang unang beses na ginamit ni Solis ang gawa ng iba upang manalo sa mga photography contest -- at hindi lamang ito nakahihiya sa Brazil-based photographer na ninakawan ni Solis ng photo at sa mga organizers ng nasabing contest, kundi nakababagabag sa buong bansa dahil ang kaso ni Solis ay isang sulyap sa malawakang pagkasira ng moralidad sa lipunang Pilipino. Tanging si Solis ba ang may sala? O ‘di kaya’y isa lamang siya sa ‘di mabilang na mga mamamayang sanay manlinlang ng kapwa, ngunit sa kasawiang palad ay nahuli? Sa konteksto ng isang bayang nagugulumihanan sa isyu ng isa ring kahila-hilakbot na panlilinlang ng publiko, ang pork barrel scam, ang tanong, kung si Solis ay isang sintoma, ano ang kagimbalgimbal na sakit ng ating lipunan? Ayon sa isang balitang lumabas sa
“Talaga bang kasama sa mandato ng mga mambabatas ang pumili ng mga proyektong nangangailangan ng pondo na labas sa hurisdiksyon ng mga ahensiya ng gobyerno? “ Philippine Daily Inquirer, karagdagang pork barrel funds na nagkakahalagang P1.107 bilyon ang ibinigay sa 20 senador na bumotong i-impeach si dating Chief Justice Renato Corona noong 2011. Wala namang natanggap ang mga senator-judges na bumotong ipawalang-sala si Corona na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos at Miriam Defensor-Santiago. Lahat ito ay tumutugma sa pasabog na ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang privilege speech kamakailan kung saan tinawag niyang “selective justice” ang pagtugis sa kanya at kina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon Revilla Jr., habang tila nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa “irregularities” ng paggamit ng pork barrel ng higitkumulang 371 na mambabatas. Dinepensahan naman nito ni Budget Secretary Florencio Abad, na totoong binigyan ng karagdagang pork barrel ang mga senador, ngunit ito aniya, ay bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at hindi uri ng pagsuhol.
Sabihin na nating, medyo may palusot pa ang administrasyong Aquino sa paratang na sinuhulan ang mga senador upang i-impeach si Corona, ang totoong nakalulula ay ang laki ng mga halagang nakalista sa tabi ng mga pangalan ng mga mambabatas: Tumanggap ng P50 milyon bawat isa sina Antonio Trillanes, Manuel Villar, Ramon Revilla, Loren Legarda, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, Alan Cayetano, Edgardo Angara, Ralph Recto, Vicente Sotto III at Serge Osmeña. P30 milyon naman ang nakuha ni Francis Pangilinan; P45.5 milyon kay Koko Pimentel; P44 milyon para kay Teofisto Guingona; P92 milyon para kay Enrile at P100 milyon para kay Franklin Drilon. Sa laki ng halaga na pinag-uusapan, bakit kaya hindi sineseryoso ang haka-hakang nagiging mekanismo ng sistematikong korupsyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF)? Talaga bang kasama sa mandato ng mga mambabatas ang pumili ng mga proyektong nangangailangan ng pondo
na labas sa hurisdiksyon ng mga ahensiya ng gobyerno? Hindi ba’t para sa mga nakatalagang ahensiya ng gobyerno ay kulang pa nga ang pondo? Tingnan na lamang natin ang kalagayan ng Department of Education na buong-giliw na ipinahayag nitong Mayo na makakamit na ng nasabing kagawaran ang “zero backlog” para sa klasrum, mga libro at mga guro. Nakalimutang ibunyag ng DepEd na nananatili itong naka-depende sa 35,449 na volunteer kindergarten teachers, 4,828 mobile teachers at coordinators, at 49,530 na mga gurong pinapasuwelduhan ng lokal na pamahalaan. Katawa-tawa na ang kinikita ng isang volunteer na guro ay P3,000 kada buwan -- ni hindi nga yata makakakain nang maayos ang isang tao tatlong beses sa isang araw sa ganitong sahod. Abonado pa sa pagsakay sa dyip papuntang eskwelahan. Ang libo-libong guro na katulad nila ay wala ring katiyakan ang mga trabaho at walang benepisyo. Paano kaya kung ang pondong 1 bilyong mahigit na ibinigay sa mga senador ay itinuon sa mga guro? Kung babalik tayo sa eskandalo ni Solis, ang lilitaw ay ang pagkabulag - Pahina 6
SETYEMBRE 24-30, 2013
opinyon
THE DREAMER
wakas ay naging liberal na ang Roma dahil kay Francis, ngunit Paul Edward Sison Pope bigla silang nalito nang pinarusahan ang isang pari sa isang isyu na may kaugnayan sa homoseksualidad. Ito ay patunay lamang o indikasyon na mali ang agpipiyesta ang at maligaw. Pansinin ninyo, ‘di lang pag-aakala nila sa tunay mga media organization na lantarang anti-Catholic kada may pahayag si Pope Francis. Kanya-kanya sila sa pag-anggulo ng balita na pabor sa mga international news na mensahe ng Santo organizations ang nag- Papa. kanilang motibo. Lalo na dito sa pinaka- misinterpret – pati mga Kaya tayong mga binyhuling pananaw daw ng local media nakisawsaw. agang Katoliko, huwag po Nagulantang tuloy sila tayo basta basta maniniSanto Papa tungkol sa aborsyon at homoseksu- nang malathala naman wala sa mga makulay alidad. Nakikita ng media ang pag excommuni- na binabalita tungkol sa ang gusto nilang makita. cate ng Papa sa Australi- ating pananampalataya. At sinusulat nila ito na yanong pari na pabor sa Alamin muna natin ang sadyang may kulay para gay marriage. Tila bang pinanggalingan, at saka mas maraming malinlang nagbubunyi sila na sa natin basahin o panuorin
N
Mag-ingat at baka kayo makuryente
5 nang maigi ang kabuuan ng sinabi ng ating mahal na Pope Francis. Tunay na marami tayong matututunan sa ating bagong Pastol pero mas mabuti na mag-ingat tayo na hindi tayo maisahan ng mga may masamang balak. Himayin ninyo nang maigi ang mga lumalabas na balita at pagnilayan ninyo. Magdasal at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu para sa discernment. Ang hanapin ninyo ay ang isang mensaheng hindi nagbabago. Ang katotohanan ay hindi pabago-bago. Kahit paano mo pa baliktarin ‘yan … pareho pa rin. Consistent. Kung ‘di nagtutugma ang mga pahayag, pa-
Himayin ninyo nang maigi ang mga lumalabas na balita at pagnilayan ninyo. Magdasal at humingi ng gabay ng Banal na Espiritu para sa discernment.
TABI PO
kilalang taga-United Nations na umikot sa Sulu at nangungumbinse sa mga Melo Acuña kabataang lumahok sa “martsa” sa Zamboanga. Itinanggi ng United Nations na tauhan nila si G. Daniels. May balita ring narinig sa isang malaya nakalipas na il- mga miyembro ng Moro ang talakayan sa Uniberang araw ay laman National Liberation Front sidad ng Pilipinas na sa ng mga pahayagan, (MNLF). Nabalita ang pag-iikot ni G. Daniels sa radyo’t telebisyon ang halos walang humpay Sulu ay may mga kasama mga balita tungkol kay na sunog na nagaganap itong kawal na AmeriJanet Lim - Napoles, sa sa limang barangay ng kano. Sino si G. Daniels? kanyang abogaBakit hindi siya da, mga mamba- Mayroon daw isang Xavier Daniels na nagpakila- pinaghahanap ng batas na may lang taga-United Nations na umikot sa Sulu at mga alagad ng koneksyon umabatas? Sino ang no sa kanya at nangungumbinse sa mga kabataang lumahok sa amo ni G. Daniels? sunod-sunod na Hanggang “martsa” sa Zamboanga. pag-usbong ng ngayo’y hindi whistleblowers na maiha- maganda at matulaing maibabalik na mga gusa- ko maunawaan kung hambing sa langgam na lungsod. li, walang anumang hal- bakit hindi napuna ng nabulabog sa kanilang Hindi gasinong na- aga ang sasapat upang mga kaibigang kawal na tahanan. pansin ng madla ang maibalik ang mga buhay Amerikano ang mobiIsa pa ring malagim na bagyong humagupit sa na nawala dahilan sa lisasyon ng MNLF kaya’t balitang laman ng me- hilagang Luzon na may walang pakundangang naging matagumpay ang dia ay ang nagaganap sa dalang higit sa 200 kilo- labanan sa pagitan ng kanilang pagpasok sa Zamboanga City na iki- metro bawat oras ang mga tauhan ni Nur Mis- lungsod ng Zamboanga. nasawi na ng higit sa 100 pagbugso ng hangin na uari at ng mga kawal ng Sa pinsala, lagim at trakatao, pagkakasugat ng tumama sa Batanes at iba pamahalaan. hedyang tinamo ng mga mga mamamayan, mga pang bahagi ng bansa. Mayroon daw isang - Pahina 6 kawal at pulis at maging Sinabi na ni Pangu- Xavier Daniels na nagpa-
S
Nangangamba ako
long Aquino na maglalaan siya ng P 3.9 bilyon upang ibangon ang napinsalang lungsod. May inilaan upang may kainin ang mga internally displaced persons, may salapi para sa pagkakakitaan ng mga nasalanta, pagpapagawa ng mga gusaling napinsala at panustos sa mga batang nag-aaral sa elementarya at high school. Bagama’t mayroong
- Pahina 6
LIVE FREE Samantha Manuel
In the Midst of Conflict and Crisis: What is God Telling Us?
I
n light of the recent happenings all over the world - conflicts in Syria and in Zamboanga, Philippines, attacks in Nairobi, Kenya and in Pakistan – we are once again witnessing senseless violence and the sacrifice of many innocent lives. As a mom, my heart goes out most especially to the young ones who lost a parent, victims whose lives were cut short, and families tragically left behind. I may not know exactly what the bereaved families are going through right now, but I believe, nothing can quite compare to the emotional pain of losing a loved one. People come into our lives as blessings. It is difficult to imagine being in this world without them, especially people we love the most. When circumstances such as these arise, I am reminded to value life and relationships even more: Never miss an opportunity to let the people we love know how precious they are to us. Time spent with family and friends should be time well-spent. Let us enrich our lives by loving the people closest to our hearts and make sure they experience it more and more each day. Invest in relationships -- even with people we’ve just met or have known for a while.
A simple act of kindness is sometimes all it takes to make a difference. Thanking the guard who opened the door -- even if he is just doing his job. A word of encouragement to a colleague at work -- we never know, but it just might be what someone needs at that particular moment. Share the good news of God to as many people as we can. If God is alive in our hearts, people can see and experience it. People tend to lose hope, courage, meaning in their lives if God is not part of it. Live life to the fullest. Make each moment count. Never waste a day in our life feeling down and hopeless but always look forward to God’s plans and what life has to offer. In times of trials and conflict, God’s desire to be part of more lives becomes more evident. Let’s make Him known to this world. Bring Him to more people in order for others to get to know him in a deeper, more personal way. For those who are suffering and mourning, it may be tempting to ask, “Where is God in all of this?” I believe we need to realize, bad things happen when we take God out of our lives; we wallow in our sinfulness, our denial, our pride. We tend to push God away because we feel that the world doesn’t need Him. - Pahina 6
6
SETYEMBRE 24-30, 2013
TAPATAN Question!
IDOLONG Tapat!
Nagulantang ang mundo ng social media nang maiulat na isang University of the Philippines graduate student ay nanalo sa isang photography contest gamit ang isang photo na hindi naman kanya. Hindi ito unang pagkakataong nagawa ni Mark Solis na magnakaw ng mga litratong kuha ng iba, at hindi rin bago sa kanya na manalo at makilala dahil sa mga nasabing nakaw na larawan. Nagtanong kami sa mga netizens:
Ano ang maaaring gawin ng mga paaralan/mga magulang/lipunan upang hindi dumami ang mga tulad ni Mark Solis? “The way I see it, Mark said in his interview, that he did it because he needed money for his studies and so forth. This is a question of prioritizing our values system. Teachers and parents must learn to appreciate the talents of the children, young as they are. Let them understand how valuable it is to make use of the gifts original, unique and essential; that it is wrong to covet thy neighbor’s goods; that what is in us will hold true for us and if we try to steal the gifts of others that will pull out a fraction of our goodness.” ~ Frence Boiser, admin officer, Tagaytay “Don’t be a [bad] example. Kung nakikita ng bata na walang kurakot, hindi niya gagawin ‘yun.” ~ Jathniel Canar, supply chain officer, Sta. Cruz, Manila “For the parents and school to prevent more Mark Solises, teach the right values siyempre. Sometimes, we put too much value on education and success to the point that forgot the “true values” we should have. For the parents and the society, stop putting too much pressure on your children -- that they should be like this and like that, to earn more etc, because family and friends usually have big influence to a person.” ~ Jaqueline Li, dentist, Quezon City “I think it has to do with values that parents instill in their kids, the character that is developed by parents and teachers. Like, I would never think of doing that just to rise above my peers or colleagues or to gain fame or notoriety for that matter.” ~ Roy Verdolaga, administrative assistant, Cubao, Quezon City “The way to success is strewn with temptations to cheat, to cut corners and to want to get there in the fastest way without regard of the consequences if found out..Kasi sooner or later, he will get found out.”~ Dolores Ella, guro, Antipolo City
Mahigit 10 taon nang security guard si Rocky D. Cabajes. Para sa kanya, ang pagiging Tapat sa tungkulin ay kailangan upang tumagal sa isang trabaho. Dahil dito, nagagampanan ni Ginoong Cabajes ang responsibilidad niya kanyang pamilya. Aktibo rin siyang lumalahok sa kanyang komunidad at nag-boboluntaryo sa mga ‘charitable activites’ ng kanyang kasalukuyang kumpanya. (YO/TapatNews)
Si Mark Solis....
mula sa pahina 4
nating mga Pinoy sa harap-harapang paglapastangan sa ating pagkilala sa integridad. Kung tutuusin, walang isang pangalan ngayon sa Kongreso ang walang bahid pagdating sa isyu ng pork barrel, ngunit bakit napakabilis nating kondenahin ang kamalian ni Solis, ngunit napakahirap kilalanin na malamang sa malamang, hindi lang si Estrada, Enrile at Revilla ang mga baboy sa Senado?
In the midst....
mula sa pahina 5
Apart from God, it is difficult to see goodness in this world. But no matter how much we push God away, He will always be there to comfort us, to give us hope, to uplift us and to bear our pains. All we need is to ask and to seek Him in the midst of tragedies happening around us. God will and can bring light goodness and blessings out of any tragic moment.
Mag-ingat....
mula sa pahina 5
nanaw, o kilos, tiyak ‘yan, mali ang pagkakaintindi sa tunay na halaga at punto ng mensahe. “Be not afraid,” ang sabi ng dating Santo Papa Juan Pablo II. Huwag po kayong mababahala dahil hindi po pababayaan ng Diyos na magtagumpay ang mga nagkakalat ng mga kamalian tungkol sa ating pagiging Katoliko. Kailangan lamang po na manatili tayong dilat, alerto, at mapanuri.
It’s good to know that... A study done in Utah, U.S. showed, people with higher “religious commitment” had higher self-esteem, emotional maturity and non-depression. Nangangamba ako....
mula sa pahina 5
taga-Zamboanga at mga kawal ng pamahalaan, ng mga mamamayan, mga kababaihan at mga kabataan, wala kayang direktor na biglang sisigaw ng “Cut! Pack-up boys!” Nangangamba ako kung walang sinumang pipigil sa kaguluhan. Hindi po ba kayo nangangamba?
Ano ang halaga ng Banal na Misa...
mula sa pahina 7
ng Komunyon sa mga ito maliban lamang sa humiwalay na Simbahang Griyego at Eastern Orthodox. Pinag-isa ni Kristo ang liturhiyang pagtanggap ng mga Hudyo, ang madugong sakripisyo at ang Banal na Hapunan sa Kalbaryo. Mula sa pinagdausan sa Huling Hapunan hanggang sa mga pagbabago sa pagdaloy ng panahon, ang pagsasalo-salo na ngayon ay nasa mga Misa ay siya pa rin gaya noong una at kahalintulad ng nasa lahat ng altar sa buong mundo. Patuloy ang pagsunod ng sa utos ni Kristo, “Gawin ninyo ito sa pag-aalala sa Akin.” Walang pari ang maaaring magbago ng paraan ng Misa: Ang Misteryo ng Eukaristiya ay napakalaki at napakahalaga upang pagbigyan ang sino man na siyang aangkin nito, upang ang kanyang kabanalan at pangkalahatan pamamaraan ay mabago.—Ecclesia de Eucharistia
SETYEMBRE 24-30, 2013
Katoliko
7
Unapologetically Catholic
Ano ang halaga ng Banal na Misa?
A
by EDGARDO DE VERA
ng mga Hudyong Kristiyano ang unang mga miyembro ng Sinaunang Simbahan. Pagkatapos ng Pentekost, sila ay nagpatuloy sa pagsama sa paggunita ng Sabbath o “araw ng pamamahinga” sa mga sinagoga. Doon sila ay nakikinig sa dalawang basahin mula sa Lumang Tipan, kumakanta ng mga salmo mula sa Mga Awit, at nakikinig sa homiliya ng Rabbi. Sinusundan nila ito ng pagtitipon sa isang bahay upang pagsaluhan ang hapunan na tinatawag na agape (Mga Gawa 2:46), kung saan ang Apostoles o tinalagang obispo ay nagpoproklama ng Ebanghelyo at nangunguna sa pagsasalo-salo at paghahati ng tinapay mula sa mga banal na alay at walang lebadurang tinapay at alak. Nang pinagbawalan na ang mga Kristiyanong pumasok sa mga sinagoga dahil sa kanilang paniniwala kay Kristo, ipinagpatuloy nila ang selebrasyon ng mga Hudyo tuwing Sabbath. Sa paglipas ng panahon, ang pagpapaalala ay tinawag na eukaristiya, limbag mula sa salitang Griyego na eucharistein, o gawa ng pasasalamat at kinilalang isang dasal kay Kristo na siyang Ama ng Huling Hapunan. Ang agape na tinawag na komunyon ay maikling pinagpaliban nang dahil sa mga naganap na pang-aabuso at kawalan ng respeto sa tinaguriang katawan ni Kristo (1 Korinto 11:23-33). Dito nagmula ang pag-aayuno bago ang komunyon bilang paghahanda sa Eukaristiya. Sa taong 150 A.D., nabuo ang dalawang sangay ng pagsamba, ang Misang Catechumens o Liturhiya ng mga Salita at Misa ng mga Mananampalataya o
Liturhiya ng Eukaristiya. Binubuo ito ng Tanang Simbahan, mga dasal, pananamit ng pari, at paraan ng misa na sinunod mula sa mga pagsamba ng mga Hudyo sa templo kasama na ang mga kasulatan. Ang mga alay ay iba-iba noong sinaunang panahon: palay, manok, prutas, at iba pang mga bagay bago pa nagsimulang tumanggap ng salapi. Ang Linggo ay itinalaga sa liturhiya upang gunitain ang Muling Pagkabuhay. Salitang Latin ang naging pangunahing lengwahe para sa pangkalahatan na sa mga nagdaang panahon ay siyang pumalit sa salitang Griyego sa Romanong ritwal at ipinagpatuloy ng ilang daang taon hanggang sa pagdating ng Ikalawang Konseho ng Vaticano kung saan ipinalaganap ang mga pagbabago na nagpahintulot sa paggamit ng mga lokal na salita para sa Banal na Misa. Ang kulay ng pananamit ng kaparian ay nagpapakilala sa panahon ng Liturhiya: byoleta o kulay lila para sa Adbiyento at Mahal na Araw; pula para sa Huwebes Santo at Biyernes Santo; puti o ginto sa Pasko, Pasko ng Pagkabuhay at iba pang Solemniya; berde para sa Ordinaryong Araw; asul, ginto o puti sa pag-alala kay Maria at pula para sa mga martir. Ang gawa ni Kristo na pagtanggap, pagbasbas, paghati, pabibigay at pagpaparami ng tinapay na Kanyang inulit noong Huling Hapunan at para sa dalawang disipulo sa Emmaus ay sentro ng walang kundisyong pagsamba sa lahat ng pitong Romanong ritwal: Alexandrian, Antiochene, Armenian, Byzantine, Chaldean – na kinabibilangan naman ng 22 Silanganang Sim-
Ang Misteryo ng Eukaristiya ay napakalaki at napakahalaga upang pagbigyan ang sino man na siyang aangkin nito, upang ang kanyang kabanalan at pangkalahatan pamamaraan ay mabago.
KATESISMO, MISMO! Bakit tinatawag na pagpapaalala sa sakripisyo ni Kristo ang Banal na Eukaristiya? Ang Eukaristiya ay isang pagpapaalala sa sakripisyo ni Kristo dahil muli nitong iginagawad sa kasalukuyan ang pagalay sa sakramento ng katangi-tanging sakripisyo ni Hesus sa krus. Sa Kanyang pagalay ng sarili na walang katulad, muling dumadaloy ang presensya ng Panginoong Hesukristo tuwing ginaganap ang Misa, at sa liturhiya ng Banal na Simbahan na siyang katawan.
bahan sa ilalim ng Roma, Maronite, Coptic, Syriac at iba pa. Ang mysterium fidei o misteryo ng paniniwala ay hindi nagbabago kahit pa may maliit na pagkakaiba sa mga kultura. Ang Katoliko ay maaring tumanggap - Pahina 6
From the Saints...
“Leave sadness to those in the world. We who work for God should be lighthearted.” St. Leonard of Port Maurice