Tapat vol 1 no 18 web

Page 1

photo by Penny Yi Wang

OKTUBRE 8-14, 2013 VOL 1 NO 18 Matatawag na radikal ang opus ni Damien Hirst na “The Miraculous Journey” dahil ito ay ang kauna-unahang gawang sining sa Gitnang Silangan na ipinapakita ang hubad na katawan ng tao.

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

MGA PULITIKO,

Takot banggain si PNoy – GONZALES Maraming mabibigat na paratang ang ipinahayag ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales tungkol sa administrasyong Aquino sa isang press conference kamakailan.

@tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

- Pahina 3 www.tapatnews.com


balita

2

TAPATAN Question Sa pagbabalik ni Miss World 2013 Megan Young sa bansa, tinanong natin ang ilang mga netizens tungkol sa impluwensiya ng mga beauty queen bilang mga role model.

LIFE NEWS Mga 'Pro-life Heroes' pararangalan

Gaano ka importante ang mga beauty queen bilang mga huwaran para sa kabataan? “[I think it’s] good to represent the country and to promote Filipina beauty.” ~ Chriz Panes, call center agent, Antipolo City “To be honest kasi I see beauty pageants as an instrument of degrading human dignity eh. I feel it’s incompatible with the image of being made in the likeness of God. [But] as people who are given a huge role by media, they have power made available to them. Pero I wouldn’t want to keep having beauty queens just for the sake of having role models. It breeds a culture of shallowness. Pero let me make this clear I do not judge beauty queens as shallow I just think that participating in contests like that seems to make them puppies ranked on who’s the cutest.”~ Aaron Veloso, technical staff, Parañaque City “[They are important] if they are visible and they do lots of good works and projects, but if not, walang effect.” ~ Kate Deiparine, financial consultant, Mandaluyong City

OKTUBRE 8-14, 2013

SA kauna-unahang pagkakataon pararangalan ang mga indibidwal at mga grupo na ibinuhos ang kanilang oras at dedikasyon sa mga isyung pro-life sa Pro-Life Awards na gaganapin ngayong Pebrero 22, 2014. Humuhugot ng inspirasyon mula sa Juan 10:10, “Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito”, ang ProLife Awards ay hinahangad na kilalanin ang serbisyo ng iba’t ibang sektor sa lipunan para sa adbokasiyang pro-life: mga indibidwal, mga kumpanya at

mga NGOs na ipinaglalaban ang halaga ng buhay, pamilya at pag-aasawa. May tatlong kategorya para sa mga parangal; ang una ay ang Pro-Life Heroes, kung saan kinikilala ang mga tumataguyod sa buhay, pamily at pag-aasawa. Ang ikalawa naman, ang Pro-Life Champions ay para sa mga may mga makabuluhang kontribusyon sa adbokasiyang pro-life sa komunidad, simbahan at may espesyal na diin sa mga tagamedia na may katangi-tanging pagtatalaga na ipahayag ang Ebanghelyo ng Buhay sa ka-

nilang trabaho. Ang ikatlo at pinakahuling kategorya ay ang Sr. Pilar Verzosa Lifetime Achievement Award. Ang parangal ay paggunita kay Sr. Pilar Verzosa, RGS, ang kilalang tagapagtatag ng Pro-Life Philippines. Ang prestihiyosong parangal na ito ay igagawad sa isang indibidwal na inialay ang kanyang buhay sa pangangalaga at pagtataguyod ng buhay sa pamamagitan ng pakikilahok sa buhay ng komunidad at lipunan. Si Ambasador Jose Villanueva Romero, ang ambasador ng Pilipinas sa Italya mula 1986 hanggang 1992, ang pinuno ng selection committee para sa Pro-Life Awards, kasama ni Dr. Rey Echavez ng Doctors for Life bilang vice chairman. Magmungkahi ng inyong mga kandidato at ie-mail sa life@prolife.org.ph o ‘di kaya’y tumawag sa (02) 7337027 para sa mga katanungan. (Ana Ysalakan)

Higanteng estatwa ng sanggol pinamalas

“Depends on the personality of the “beauty queen.” When the notion of “beauty” becomes limited to the optical appeal, being a “beauty queen’ defeats itself as it merely “commodifies” the female identity which may elicit promiscuity.” ~ Gui Geronimo, freelance writer, Tagaytay City

Share how God has blessed you during this Year of Faith! Email your top 3 blessings to cfcyflcyouthfest2013 @gmail.com with your name and district.

PINAMALAS ng Qatar Museums Authority sa publiko ang iba’t ibang uri ng mala higanteng pagkatalos ng sanggol sa sinapupunan. Gawa ng premyadong iskultor na si Damien Hirst, pinapakita ng estatwa pinamagatang “The Miraculous Journey,” ang 14 na hakbang ng buhay mula sa simula hanggang sa paglu-

wal ng sanggol. Humigit kumulang na 14 na metrong taas at nagkakahalaga ng halos 20 milyong dolyar, ipinapakita nito ang milagro ng buhay. Sa pamumuno ni Sheikha Al Mayassa bint Hamad bin Khalifa Al-Thani, chairwoman ng QMA, inabot diumano ng walong taon ang paggawa sa mga naturang estatwa na si-

nasabing hindi taliwas sa kulturang Islam, bagkus ay pagpapahayag ng Al Qu’ran, ang banal na kasulatan ng Islam, hinggil sa milagro ng buhay. Ito ang kauna-unahang estatwa ng hubad na anyo ng tao sa Gitnang Silangan. Dagdag naman ni Sheikha Mayassa, ito ay natatanging handog para sa mga taga-Qatar. [PDG]


OKTUBRE 8-14, 2013

balita

3

Mga pulitiko, takot banggain si Pnoy – Gonzales Ni PAOLO DE GUZMAN

MANILA – DAHIL sa takot, walang pulitikong nangangahas na banggain ang administrasyong Aquino, na ‘eksperto’ diumano sa pagsira ng reputasyon ng mga personalidad na kokontra dito, mariing ipinahayag ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales sa isang press conference kamakailan. “Hindi ako naniniwala na tahimik ang mga pulitiko dahil sa pera. Ang nagpapatahimik sa kanila nitong tatlong taon ay ang takot na maipahiya sa publiko. Naniniwala ako na ang kasalukuyang administrasyon ay numero uno at eksperto sa pagpapahiya ng tao, sa pagbaliktad ng mga bagay,”paliwanag ni Gonzales sa wikang Ingles sa isang pagpupulong kasama ang media sa Aristocrat Restaurant. Ayon kay Gonzales, dahil dito nagdadawalang isip ang kahit sinong pulitiko na isiwalat ang nalalaman ng mga ito tungkol sa pagmamaniubra ng pamahalaang Aquino at kalabanin ang “malaking makinarya” ng administrasyong Aquino. Ibinigay na halimbawa ni Gonzales ang isyu ng ‘Pajero Bishops’ na pumutok noon sa kainitan ng debate sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill. Ani Gonzales, “Napatahimik bigla ang mga Obispo pero yung Pajero scandal hindi totoo. Naipakita dito na kaya ng estado na gumawa ng kalansay, itulak ito at sirain ang mga reputasyon ng mga tao.” Ang taktika ng administrasyon, paliwanag pa ni Gonzales, ay ang paglikha ng mga ‘karakter’ upang palabasing ‘masama’ ang isang indibidwal o isang grupo. Sinabi naman ni Gonzales na ‘may hangganan’ ang ganitong pamamaraan

ng administrasyong Aquino at dagdag pa nito na ‘betrayal among thieves’ o ang pagtataksil ng mga kapwa magnanakaw sa isa’t isa ay ang pinakamasakit na maaaring mangyari. Samantala, nabunyag mula sa press release mismo ng Budget and Management Department na mayroong ibinahaging P1.82 bilyones sa Office of the President, kung saan parte nito ay napunta sa pagiimplementa ng Comprehensive Peace and Development Intervention package para sa Cordillera People’s Liberation Army, suporta sa programang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde ng New People’s Army (NPA) at para sa Moro National Liberation Front (MNLF) na kasalukuyang may mga paksyon na nakasasagupa ng mga militar sa Zamboanga. Ipinaliwanag din ni Gonzales na ang paggamit ng pwersa militar upang maresolba ang krisis na tulad nang nangyari sa Zamboanga ay karaniwang pinakahuling pagdulog at hindi dapat ibinibigay sa iresponsableng namumuno ang karapatang gamitin ang pwersa militar. Diin pa ni Gonzales, “Sa tingin ko walang pagkakamali sa intelligence ng militar sa Zamboanga. Alam ng militar ang mga galaw ng tao ni Nur Misuari. May mga paraan upang maresolba [ang krisis] dahil kilala nila si Nur Misuari, ngunit ang pamunuan mismo ang hindi sumunod sa paraan na ito nang ipagutos ang malawakang pagatake na hindi ayon sa tulad ni Misuari o ng MNLF.” Ang konklusyon ni Gonzales ay inabuso ang militar sa Zamboanga, dahil na rin sa respeto nito sa pamunuan at kahandaang sumunod sa utos ng nakatataas.

Takbo at mag bike para sa buhay! KUNG hilig mo ang mag bike at tumakbo, para sa iyo ang “Run-Bike-LIVE — for a Pro-Life Nation” na gaganapin sa Dis-yembre 8, Linggo sa Marikina Riverbanks. Bukod sa pagtataguyod ng kalusugan at ehersisyong pangkatawan, nais itaguyod ng nasabing aktibidad ang pagpapahalaga sa buhay, pamilya at pag-aasawa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang konteksto, grupo para sa iisang layunin -- ang isang bansang para sa buhay. Maaaring makilahok ang mga pamilya, magkakaibigan, mga komunidad, paaralan at mga organisasyon sa “Run-BikeLIVE -- for a Pro-Life Nation” na isang proyekto ng Pro-Life Philippines Foundation / E-ventologist Co. Libre lang magparehistro! Para sa karagdagang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa secretariat sa (02) 733-7027.


editoryal

4

OKTUBRE 8-14, 2013

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal

Si Ma’am Arlene, Madame Janet, atbp.

L

aman naman ngayon ng usap-usapan ang isang ‘Ma’am Arlene’ na diumano’y nag-aareglo ng mga kaso sa Court of Appeals (CA) para sa mga mayayaman na mga kliyente. Matapos ang mga umuugong na mga rebelasyon tungkol sa talamak na korupsyon sa pamahalaan kaugnay ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF), narito naman ang mga hinala na may -- hindi lamang isa kung hindi -- tatlong ‘Ma’am Arlene’ na nagpapatakbo ng isang modus operandi na kasangkot ang mga imbestigador, piskal at mga mahistrado sa Metro Manila. Mala-Janet Lim-Napoles ang peg ni ‘Ma’am Arlene’ o ng mga ‘Ma’am Arlene’ na ito at binabati natin ang mapagbantay na mga kinauukalan para tuluyang maimbestigahan ang nasabing isyu, ngunit, heto ang tanong ko: Hindi ba’t lubhang napapana-

matapos ang pagkaaresto kay

“Apat napu’t apat na araw matapos ang pagkaaresto Napoles, hindi pa ginagalud puno’t dulo ng pork barkay Napoles, hindi pa ginagalud ang puno’t dulo ng ang rel scam. Posible ba talagang ang isang tulad pork barrel scam. Posible ba talagang magmaniubra magmaniubra ni Napoles na walang makamga kasapakat ang isang tulad ni Napoles na walang makapang- pangyarihang -- maliban, halimbawa, kina Juan Ponce Enrile, yarihang mga kasapakat -- maliban, halimbawa, Senador Jinggoy Estrada at Bong ReBuong layang nagreynakina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at villa? reynahan si Napoles na tila isang malaking palaruan ang Bong Revilla?” lehislatura. Saan nanggagalhon ang paglitaw ng karakter ni ‘Ma’am Arlene’ -- sa gitna ng ‘di mapigilang pagkayamot ng publiko sa tugon o kawalan ng tugon ng Malacañang sa panawagang wakasan ng administrasyon ang PDAF at lahat ng uri ng discretionary funds?

walang iba kung hindi ang pangulong Benigno Aquino III. Kung sa kauna-unahang rally sa Luneta noong Agosto 26, si Janet Lim - Napoles ang bida, este kontrabida, ngunit, untiunting lumalabas na ang PDAF ay isa lamang maliit na sapa ng korupsyon sa gitna ng umaagos na karagatan ng paglilinSa anti-pork rally na ginanap lang sa taong bayan. sa Makati mga ilang linggo na ang nakararaan, ‘di matatanggi Ang isa pang tanong ay bakit ang pag-iba ng tono ng malak- magpahanggang ngayon, sa ing pagtitipon na ito -- na ang pangatlong ulit, nagawang tunay na pork barrel king ay takasan ni Madame Janet ang

humarap sa isang Senate inquiry tungkol sa tunay na papel niya sa pork barrel scam. Hindi ba’t nakapagtatakang si Napoles, na nasa gitna ng mga cover-up tungkol sa isyu ng PDAF scam, ay hindi pa kwinekwestyon tungkol sa nalalaman niya? Ayon sa pangulo ng Senado na si Franklin Drilon, hinihintay niya ang utos mula sa Ombudsman tungkol sa pagkwestiyon kay Napoles.

ing ang kanyang kumpiyansa? ‘Di kaya’y may isang dambuhalang backer si Napoles na kayang-kaya siyang pagtakpan at hanggang ngayon ay pinoprotektahan siya? Sino naman ang tao o mga taong ito? Ang hindi pagharap ni Napoles sa Senado ang isa sa mga senyales na hindi pa nasisiwalat sa publiko ang buong katotohanan ng pork barrel scam.

Huling tanong, magugulat ka ba kung malaman mong ang mga bakas ng iskandalo ay huApat napu’t apat na araw mahantong sa Malacañang?


OKTUBRE 8-14, 2013

opinyon

5

LIVE FREE

THE JUMPING WALL

hil na rin sa ako pa lang May hindi nakatapos ang nakapagtapos noon, pero mayroon namang binigyan nila marahil ng disenteng trabaho. BiRogie Ylagan bigat ang aking mga payo hira na kami magkita at opinyon. Hinikayat kita ngayon dahil na rin ko sila kahit papano na sa aming mga sitwasyon, subuking tapusin ang ka- ngunit tuwing nagkanilang pag-aaral. Kung karoon ng pagkakataon, oong panahong kanila ay mas bata kaysa hindi man talaga kaya, masaya kaming nagkukuako ay binata, sa akin at ang ilan ay nag- ituloy pa rin ang pagsisi- wentuhan at madalas ang madalas kong aaral pa o kaya naman ay kap dahil hindi rin naman usapan namin ay tungkol kasama ay ang sa mga dati naming Hinikayat ko sila kahit papano na subuking mga kaibigan ko ginagawa. Dagdag sa may amin. Tu- tapusin ang kanilang pag-aaral. Kung hindi man dito, nagplaplano din lad ng ibang mga talaga kaya, ituloy pa rin ang pagsisikap dahil kami na sa susunod lalakeng magkakaay makapagtayo kami barkada, bukod sa hindi rin naman sa pagtatapos lang ng pag-aaral ng maliit na negopagbabasketball ay syo kung kakayanin makakamit ang maayos na buhay. may oras na nanamin. Hindi ko inkatambay lang kami at huminto na. May ilan na sa pagtatapos lang ng aako ang pagbabago o nagkwekwentuhan tung- nagtatrabaho na ngunit pag-aaral makakamit ang pag-ayos ng buhay ng kol sa iba’t ibang mga ba- ‘di pa nakapagtapos ng maayos na buhay. mga kaibigan ko dahil gay. Minsan may kasama kolehiyo. Ako naman Makalipas ang ilang sila naman ang may gawa pang ilang bote ng beer. ay nakatapos na noon taon, marami sa amin at nagdesisyon ng mga Dahil sa dito ko sila at nagtratrabaho na. ang nakatapos na -- may nangyari sa kanilang bumadalas makasama, doon Tuwing magkakasama mga maaayos na trabaho. hay. Pero kami na mismo lang ako nagkaroon ng kami, nagbabahaginan May iba na nag-aaral pa ang naniniwala na ‘yung pagkakataon na ibahagi kami ng mga kuro-kuro rin ngayon kasabay ng mga dati naming mga ang ilang pananaw ko sa at plano sa buhay. Bilang pagtratrabaho. May ilan - Pahina 6 buhay. Ang karamihan sa nakatatanda at siguro da- na may pamilya na rin.

Hindi lahat nakukuha sa tingin

N

TABI PO

sa loob ng Mall of Asia Arena, samantalang nagtutunggali ang Houston Rockets at Indiana Pacers. Melo Acuña Wala namang masama na makita si Chairman Tolentino habang nanonood ng basketball. Naniniwala naman akong may mga alter ego si Chairman ToNoong Miyerkules ng naririnig na nakakapa- lentino na inakala niyang hapon, mga ganap na nayam ng mga taga-me- maasahan subalit hindi ika-lima, tumigil na ang dia, mapa-telebisyon o pala. Huwag naman santraffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue sa panulukan ng F. B. Harisson, matapos may maiwanang back pack sa tabi ng isang bus. Tumagal ng hang- radyo. Ni walang narinig ang maulit ang insidengang ika-siyam ng gabi ni isang kataga kung na- teng ito sapagkat wala bago nabuksan ang mga saan ang Kgg. Antonio man lang makapagturo lansangan sa trapiko. Calixto ng Pasay City. kung saan maaaring duGumamit ng aso, robot Noon namang Hu- maan ang mga motorista. kontrobersyal at mga pulis na dalubhasa webes ng gabi, buhol din Mas sa ligtas na paglilipat at ang traffic sa Metro Ma- pa ang isang matropaglilikas ng mga bomba nila dahilan sa malakas na nix na nakita sa loob ang kinauukulan. Hum- buhos ng ulan. May kasa- ng isang casino na nasa aba naman ang traffic sa bay pa itong pagbugso ng harap ng slot machines. mga lansangan at uma- hangin. Subalit nakita ng Depensa ang Madam, bot na ng hanggang Cu- madla si MMDA Chair- hindi raw po casino bao sa southbound lane. man Francis Tolentino iyong kanyang kinalaTanging mga pulis ang na mainit na sumisigaw lagyan. Hindi naman sig-

Mga nakagugulat na pangyayari

uro Timezone sa loob ng SM North ang kanyang pinaglalaruan. Mukhang naaliw lang siya sa gumagalaw ng mga kulay at mga larawan ng candy bar, dollar sign, atbp. Isa pa ring nakagugulat na pangyayari ang naging sagupaan ng mga Moron National Liberation Front (MNLF) at mga kawal ng pamahalaan. Nakalulungkot ang kinasasadlakan ng mga evacuees, sapagkat matapos masunugan, binaha naman sila sa kanilang evacuation center. Minsan na namang napatunayan na sa bawat kaguluhan, tanging ang matatanda at mga kabataan ang pinakananganganib na mapahamak. Sila ang walang laban sa kaguluhan at sa kakulangan ng mga pasilidad. Huwag na muna nating talakayin ang PDAF at DAP sapagkat ang ating espasyo’y aandap-andap na -- kung baga’y abangan ang susunod na kabanata.

Minsan na namang napatunayan na sa bawat kaguluhan, tanging ang matatanda at mga kabataan ang pinakananganganib na mapahamak.

Samantha Manuel

What to do while waiting to fall in love

L

et’s face it! We all desire to find our one true love.

Many times, we think finding true love will guarantee us a fairy-tale ending. But this is only the beginning of a long and winding, even sometimes, difficult road to happiness and fulfillment. Falling in love is a moment in our lives which can suddenly make our world a beautiful place to live in. Having someone to love and someone who will love us back will give our life more meaning and essence -- reason enough to believe that life is indeed worth living! But before we begin this journey, there is that period of searching...of waiting...of hoping... This is a difficult reality we sometimes need to face in our effort to discover true love. The thing is, we often focus too much on reaching our ultimate destination -- a life with the one we are destined to be - that we tend to forget how to prepare and to appreciate the actual journey of searching, and waiting for our one true love.

On the other hand, it was during this period of waiting that I learned to discover more about my life. I found myself falling in love everyday -with God, with myself, with the life I was living. It took me 24 years to find true love. I would constantly give God a deadline, but He kept on telling me to wait. On the other hand, it was during this period of waiting that I learned to discover more about my life. I found myself falling in love everyday -- with God, with myself, with the life I was living. It was then that true love finally came knocking at my door. The long wait was finally over and it was definitely worth it! I married my one true love. One important aspect in finding true love is to fill our lives with love, peace, and happiness. When all these are evident in how we live our lives, true love will eventually find us. So go ahead… learn to love life! Love yourself Prepare yourself to find your one true love by learning to love yourself first. Get to know yourself more, discover your inner strengths and passion. Pursue the things you dream of doing. Pamper yourself. Guard your heart, enrich your mind, purify your soul. . Love the idea of loving Love is a gift from God -- not just the person. The - Pahina 6


6

OKTUBRE 8-14, 2013

Hindi lahat nakukuha sa tingin...

mula sa pahina 5

pagsasama-sama ay malaking bagay rin bilang support system namin noon. Lalo sa akin dahil bago kami nagkasama-sama, nagkaroon ako ng sakit noon na dulot ng matinding stress at pagod. ‘Pag inaatake ako ng sakit ko na ‘yun, namamanhid ang buo kong katawan at nahihirapan akong huminga. Simula nang nakasama ko sila, nabawasan ang aking stress kahit papano hanggang sa tuluyang ‘di na ako sinusumpong. Nagkatulungan kaming lahat. ‘Yung mga panahong kami ay nakatambay at nag-iinuman noon, marahil sa paningin ng iba ay pagsasayang lamang ng oras. Parang walang kabuluhan. Pero hindi na rin sa amin importante kung ano ang iniisip ng iba noon dahil wala naman kaming ginawang masama at nagbunga pa nga ng ilang mabubuting bagay ang mga oras na ‘yon sa amin. At sa tuwing maalala ko ang bahaging ito ng buhay, napapaalalahanan ko ang aking sarili na hindi ko dapat husgahan basta basta ang kapwa ko sa nakikita kong ginagawa nila o estado nila sa ngayon dahil maaaring ito pala ang pinakamabuting daan patungo sa kanilang mas maayos na kinabukasan. rogie_ylagan@yahoo.com

What to do while waiting...

mula sa pahina 5

right person is only the vessel through which God’s love will flow. To love or the act of loving is the real gift. Love God As cliché as it may sound, to love God with all your heart, soul and mind, will rain blessings on your life. Love God above all things and the rest will fall into place. Love to love Spread love to the people in your life -- family, friends, co-workers. A simple act of kindness will make a lot of difference in the lives of others. Opening yourself to loving others will teach you to be selfless and expose you to different situations and experiences in order to learn and grow more as a person. Love the life you live Focus on your blessings rather than on the things that are not going well in your life. Instead of feeling bad about not having someone in your life, be thankful for your great job and wonderful family. Learning to be fulfilled and happy as an individual will make it easier to achieve a fulfilled and happy relationship as well.

ADVERTISE WITH US.....

EMAIL US AT tapatnews@gmail.com

Deciding to love life will help us appreciate the “waiting” even more. The more we love, the better our life will turn out for us to share it with that one person we are destined to spend the rest of our life with. The longer we wait, the more we will cherish our one true love in the manner that he / she deserves. The more we hope, the greater the opportunity for God’s plan to work not only in our lives, but also in the life of the person meant for us.

It’s good to know that... Couples who practice Natural Family Planning (NFP) have a divorce rate of about 5%, significantly lower than the 50% divorce rate of couples who utilize contraception. Kapangyarihan ng Santo Rosaryo...

mula sa pahina 7

Dinudurog ng ating tinaguriang ‘Mama’ ang ulo ng ahas sa Rosaryo; ang dakilang kadena na nagtatali kay Satanas. Simple at makabata ngunit, makapangyarihan laban sa lahat ng masama: “Kung ikaw ay nagnanais ng mataas na antas ng dasal, na may buong katotohanan, walang pagkabigo laban sa mga bitag ng demonyo na inihahanda sa ating mga nagdadasal, manalangin kayo ng Rosaryo araw-araw,” ayon kay St. Louis de Monfort. Ang buong patawad o indolohensya ay maaaring makamit sa pagdadasal bilang pamilya, grupo sa Simbahan, kapilya, o kahit nag-iisa sa Banal na Sakramento. Bilang mga masunuring anak nakikiisa tayo sa dasal at sa pamamagitan ni Maria para sa kapatawaran ng mga nagkasala at para sa kapayapaan sa mundo – kapayapaan na maaari lamang makamit mula kay Kristo kung saan naroroon ang presensya ng Banal ng Espiritu sa bahat yugto ng ating buhay.


OKTUBRE 8-14, 2013

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

Kapangyarihan ng Santo Rosaryo

A

ni EDGARDO DE VERA

no ang Santo Rosaryo? Tinawag ni Pope Julius III itong “Kaluwalhatian ng Simbahan.” Ang tawag naman ni Leo XIII ditto ay “ang Salteryo ni Maria”; para kay Pius XII, ito ay “korona ng mga rosas”; ayon naman kay John XXIII, ang rosary ay “paraan ng pakikiisa sa Diyos”; ito ay “maikling kabuuan ng Ebanghelyo”, ayon naman kay Paul VI. At para kay John Paul II, ang pinaka Marian na Santo Papa, ito ay “dasal ng Ina ng Simbahan”, “Sagot sa pangangailangan ng ating panahon” at “aking paboritong dasal.” Ang Santo Rosaryo ay nararapat na maging paboritong dasal bawat Kristyano. Kahit sino na mataimtim na humiling kay Kristo ay makakakamit ng karagdagang grasya kung dadaan siya sa Kanyang Ina na ang papel ay ilapit ang bawat isa kay Kristo na unang anak. Sinabi ni Archbishop Fulton Sheen, “Nang kanyang hugisin si Kristo sa kanyang katawan, kanya ring hinubog si Hesus sa ating mga kaluluwa. Dala ni Maria ang mensahe ng Ebanghelyo na nagtuturo, ‘Gawin mo ang kahit anong Kanyang sasabihin,’ (Juan 2:5) na inuulit lamang ang utos ng Diyos Ama… Makinig kayo sa kanya (Mateo 17:5).” Si Kristo ay nasa Rosaryo. Tayo ay mataimtim na nakasentro kay Hesus tuwing inaalala ang mga misteryo sa Ebanghelyo mula sa fiat ni Maria na nagtalaga sa kanya bilang unang tagasunod: “…Mangyari nawa sa akin ang iyong mga salita.” Sa ating mga gunita ang

Banal na Espiritu ay nagbabahagi ng grasya upang maliwanagan at magabayan tayo na ipamahagi ang kaparehong fiat para mapatotoo ang mga Kasulatan “…lahat ng henerasyon ay tatawagin akong mapalad” sa pagbasbas ka kanya tulad ng ginawa ni Elizabeth. Nagiging kaisa natin ang Reyna ng Kalangitan na

18:20).” Hindi tayo nag-iisa sa Santo Rosaryo. Pinababanal natin ang ating mga sarili sa Pagaantada ng Krus, pagpapahayag ng pananampalataya sa Kredo, dasal na ‘Ama Namin’, pagpapahayag ng mga salita sa Bibliya patungkol sa Pagkakatawang-Tao, paghingi ng tulong kay Inang Maria, Pagluwalhati sa Trinidad at sa kanyang mga pagpupuri ng mga Anghel, Ang Gloria at paghingi ng kapatawaran kay Kristo, kaligtasan, at habag sa dasal ng Fatima. Sinasambit natin ang Diyos nang 55 beses; Ama 15 beses; Anak 9; Banal na Espiritu 10; Hesus: 60 Kristo isa; at Panginoon na 54 na beses. Ang kumpletong Rosaryo ay may kabuuang apat na misteryo, Tuwa, Liwanag, Hapis at Luwalhati makaapat na ulit ng mga banal na ngalan. Ang bawat sambit sa mga ito sa Nag-iisang Totoong Diyos ay nagbibigay takot kay Satanas at sa kanyang mga alagad -- napapatakbo, umaalis, at nawawalan ng kapangyarihan.

Sinabi ni Archbishop Fulton Sheen, “Nang kanyang hugisin si Kristo sa kanyang katawan, kanya ring hinubog si Hesus sa ating mga kaluluwa. siyang nagdidikit sa ating mga dasal na parang mga bola ng rosaryo, kasama ang mga Anghel na tinaguriang kaulapan ng mga saksi na walang katapusang nagsasamba kasama ang mga Santo na kabilang sa Matagumpay na Simbahan sa Kalangitan sa Diyos. Pinatutunayan nito ang mga kataga ni Kristo… “Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila (Mateo

KATESISMO, MISMO!

Bakit kay San Pedro ang unang puwesto sa mga disipulo?

Nasa pangunahing puwesto si San Pedro sa kadahilanang: 1. Inamin niya na si Hesus ay ang Mesyas. 2. Tinanggap niya mula kay Kristo ang “kapangyarihan ng susi”, ang kapangyarihang magpatakbo ng Simbahan. Ayon sa Mateo 16:19, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit.” Sa Batas ng katuruan ng Simbahan, si Simon Pedro ang may hawak ng unang pwesto sa labing-dalawang disipulo. Ipinagkatiwala ni Kristo ang naiibang misyon sa kanya mula nang kanyang sambitin ang, “Ikaw ang Kristo, Ang anak ng Diyos na buhay.” At dahil dito, inihayag naman ni Kristo, “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” Si Kristo na “buhay na Bato,” ay nagpasiguro sa Kanyang Simbahan, na pinasimulan mula kay Pedro at may kapangyarihang manaig laban sa kamatayan. Dahil sa pananampalataya ni Pedro, mananatiling matibay na bato ng Simbahan si Pedro. Ang kanyang misyon ay panatiliing matibay ang pananampalataya ng kanyang mga kapatid.

- Pahina 6

From the Saints...

“Never will anyone who says his Rosary every day become a formal heretic or be led astray by the devil.” Saint Louis de Montfort


8

#coolCATHOLICS

OKTUBRE 8-14, 2013

‘I am Happiest at Mass’

W

by SKY A. ORTIGAS

ith all the issues going on in the country and the Church, I am sure that the good Archbishop and incoming Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Fr. Socrates Villegas has received a lot of calls, visits and emails requesting for an interview. So, I got really excited when he gave me some of his time to answer a few of my “silly” questions. Here are some questions that allowed me to learn more about Fr. Soc, his life, vocation and commitment that is always focused on pleasing the Father. Sky: What makes you feel like a child? Fr. Soc: When I join my mother at a meal, I feel like a child. When I pray the rosary, I feel like a child. When I am given a chance to walk long miles or hike uphill in my rubber shoes, I feel like a child. Sky: What is the happiest place on earth? Fr. Soc: The altar. I am happiest at Mass. Sky: What are your simple joys? Fr. Soc: Looking at the pictures of my grand nephew and grand niece hugging each other. Embracing a newly ordained priest is awesome. I know it is Christ I embrace. Sky: When is the time that you first fell in love with God? Fr. Soc: It was not a moment of falling in love. It was a growing in love kind of thing. Our parents brought us up going to Mass together; playing priest as a boy; making the rosary my necklace; being a cadet honor guard at Marian processions; going to weekly confession as a teenager—all these led me to grow in love with God. Love is not an event in the calendar sometime in the past. Love is a life-long stepping together with my true love. Watch Archbishop Soc Villegas on his new online show “The Light of Faith” every Friday at http://bukal.tv. You can also like his Facebook page http://facebook.com/frsocratesvillegas and follow him on Twitter @frsocvillegas.

“Papalapit na ang Pasko. Ano ang regalo mo kay Junior?

Hindi ba’t magandang makilala niya ang kauna-unahang teenage saint ng Pilipinas -- si San Pedro Calungsod? Order na ng limited Pedrito dolls, Php 650.00 bawat isa! Mag email sa ypopportunities@gmail.com isama niya ang inyong pangalan, email address at contact numbers.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.