Sa gitna ng muling pagbangon ng mga mamamayan ng Bohol, nananatiling sandigan ang pananampalataya para sa marami.
OKTUBRE 22-28, 2013 VOL 1 NO 19
TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY
TANGGALIN ANG MGA ‘BABOY’,
photo by CBCP-NASSA
HINDI LANG ‘PORK’
@tapatnews
– ARSOBISPO
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
- Pahina 3
www.tapatnews.com
balita
2
TAPATAN Question!
OKTUBRE 22-28, 2013
Stem cell therapy tinataguyod ang aborsyon -- Villegas
Karamihan ng mga Pinoy ay mabubuhay at Ni JENNIFER ORILLAZA mamamatay nang hindi man lang makakausap ang pangulo ng bansa, kaya’t naisip naming ta- MANILA – AYON sa susunod na pangulo nunging ang ilang mga netizens: ng Catholic Bishops’ Conference of the
Kung may pagkakataon kang makausap si PNoy, ano ang itatanong mo? “How do you enjoy your private moments with your self and with your family? Or ‘If you are not the president, how do you think you can help the country?” ~ Ruel Tenerife, photographer, Marikina City “Why can’t you just abolish PDAF and move its funds to the different government departments that answer the need of the people?” ~ Dylan Reyes, pastoral worker, Pasig City “Bakit ayaw mong i-extend ang term mo, kung maganda naman ang ginagawa mo?” ~ RV De Asis, real estate agent, Mandaluyong City “What is family to you? What is a friend to you?” ~ Norman Dumdum, Laguna “Anong plano mo sa PDAF?”~ Lucky Dela Rosa, graphic designer, Quezon City
Philippines (CBCP),direkta o ‘di direktang ipinapalawig ngstem cell therapy gamit ang embrayo ng tao ang aborsyon. Binatikos ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang paggamit ng mga cell na galing sa mga batang inabort at sinabing ang gawaing ito ay may direkta o ‘di direktang epekto sa pagpapalaganap ng aborsyon. “Stem cell research and therapies that use stem cells derived from human embryos or aborted fetuses should be rejected and prohibited,” paliwanag niVillegas sa isang pahayag sa Union of Catholic Physicians sa kanyang arkdiyosesis, na humingi ng gabay tungkol sa nasabing isyu. Hindi lamang “mali ayon sa moralidad”ang ganitong gawain, ayon kay Villegas, kung hindi “nakasusuklam”, dahil ibig sabihin nito ay kailangang may isang sanggol na mamatay upang iligtas ang isa pang buhay. Binigyang-diin ni Villegas ang mga katuruan ng Simbahang Katolika na nagsasabing ang isang embrayo, saygot o fertilized ovum ay isang kumpletong tao. “Such human being or entity is irreplaceable and is always an end in himself. Killing an embryo in any of its stage of development is killing a human being. This makes it morally repugnant,” dagdag pa nito. Ayon din kay Villegas, kailangang mag-ingat din ang mga siyentipiko at dalubhasa sa pagsasagawa ngtherapy at pananaliksik tungkol sa stem cell gamit ang mga cell na galing sa halaman, hayop at mga “genetically modified human stem cells” at siguraduhing pumasa ang mga ito sa nakatalagang beripikasyon at awtorisasyon upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Kapag Palay na ang Lumapit... Tutuka Ka Ba? Ni AYIE DELA CRUZ
M
araming relasyon ang nasisira dahil sa ‘third party’, lalo na kung ang relasyon ay bilang mag-asawa na pinagbuklod ng Panginoon, ngunit hindi pinagtibay ng tao. Si Conrad ay may asawa at 3 anak, palakaibigan, masayahin, masipag, isang responsableng ama at mapagmahal na asawa. Isa sa mga malapit na kaibigan ni Conrad ay si Eba, isang ‘tradisyunal’ na babae sa unang tingin at ninang ng panganay nyang anak. Sawi sa pag-ibig si Eba at lagi niyang nahihingahan ng sama ng loob si Conrad, dahil dito halos araw-araw na sinasabayan ni Eba sa pag-uwi si Conrad, dinadalhan ng pagkain, ka-text maya’t maya, alam nila ang ginagawa sa bawat oras, at iba pa. Marami ang nakapapansin sa ‘extra sweetness’ at pagiging malapit na magkaibigan nina Conrad at Eba -- ultimong mga katrabaho nila sa kani-kanilang opisina. Hanggang sa may isang naglakas-loob na paalalahanan sila, ngunit ito ay binalewala nilang dalawa sa dahilang, ‘wala naman kaming ginagawang masama’. Hindi kalaunan ay biglang nagbago ang ugali ni Conrad, naging bugnutin ito, madaling magalit,
naiinis kapag nalaman na may nagkakagusto kay Eba at nagagalit kapag nakaririnig ng hindi maganda tungkol rito, ngunit si Eba ay kabaligtaran dahil sa kabila ng alam niyang pamilyadong tao si Conrad ay masaya siya na animo’y pinoprotektahan siya ni Conrad. Hanggang sa mga kaibigan na mismo ni Eba ang pumuna sa kanya, ngunit tila walang narinig at bingi sa mga paalala. Ang ganitong eksena para kay Eba ay hindi bago, dahil para sa kanya ay wala siyang ginagawang ‘mali’. Bago pa man naging nobyo ni Eba si Abril (ang dahilan ng kanyang pagkasawi sa pag-ibig) ay mayroon itong nobya, sa kabila ng pagiging magkaopisina nilang tatlo ay nagawa ni Eba na ‘akitin’ si Abril sa pamamagitan ng pagyakap-yakap, pag-dampi ng maseselang bahagi ng katawan at pag-hilig sa balikat ng lalaki. Dahil sa mga karakter na ito ni Eba, ika nga, ‘palay na ang lumapit sa manok’ na sinamantala ni Abril at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang nobya. Ang relasyon ni Eba at Abril ay tumagal ng taon, ngunit nauwi din sa hiwalayan.
Sabi nga ng Golden Rule, ‘do not do unto others what you do not want to do unto you’. May mga bagay na hindi na kinakailangang maging literal upang maging isang kamalian, ganito ang nangyari sa panig nina Conrad at Eba. Kahit hindi literal na ‘wala silang ginagawang mali’ hindi nararapat ang ginagawa o ang karakter ni ipinapakita nila sa isa’t isa. Dahil si Conrad ay pamilyadong tao, marapat lamang na maging sensitibo si Eba sa kung ano ang mararamdaman ng asawa at anak ni Conrad sa mga ipinapakita niya. Hindi rin akma para sa isang dalagang tulad ni Eba ang ikinikilos niya, marapat lamang na bigyan niya ng dignidad ang kanyang pagkababae at irespeto ang sarili upang mahanap niya ang tunay na magmamahal sa kanya. At para kay Conrad, hindi pa huli ang lahat. Respeto para sa pamilya niya ang kailangan at pagtibayin ang pagmamahalan nilang mag-asawa para hindi pa-kaliwa ang landas na tahakin, higit kaninuman sa sitwasyon niyang ito, ang kanilang anak ang masasaktan. Ikaw?... kapag palay na ang lumapit, tutuka ka ba?
OKTUBRE 22-28, 2013
balita
Tanggalin ang mga ‘baboy’, hindi lang ‘pork’ –arsobispo
3
Kakaibang Halloween party, iminumungkahi ng mga homeschooling moms
Ni PAOLO DE GUZMAN
MANILA -- UPANG puksain ang katiwalian sa bansa, ang pagtanggal sa sistema ng ‘pork barrel’ ay hindi sapat, kinakailangang malupig din ang mga ‘baboy’ mula sa pamahalaan, giit ng isang Katolikong arsobispo. “Paano kung mawala nga ang pork barrel, ngunit mananatili ang mga baboy?” tanong ng retiradong arsobispo ng Lingayen – Dagupan na si Oscar Cruz. Ayon sa kanya, upang iligtas ang bansa mula sa litanya ng kurap na gawain, hindi dapat ma kuntento ang mga Pilipino sa pag-alis ng dahilan ng kurapsyon, kung hindi maging ang pagpapatalsik sa mga kurap na pulitiko . “Upang sabihin ito sa isa pang paraan, hindi sapat ang pagtanggal sa pork. Dapat ring alisin ang mga baboy . At ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga baboy mula sa itaas hanggang sa ibaba ng gobyerno, “ dagdag pa ni Cruz . “Paano? Hayaan ang mga taong nagmamahal sa kanilang bansa , na nagmamalasakit para sa kanilang kababayan, na nagnanais ng mas mahusay na hinaharap para sa kanilang mga anak, na magpasya . Ito ay ang kanilang mga alalahanin. Ito ay ang kanilang mga pagpipilian. Ito ay ang dapat gawin at nasa kanila ang kilos,” ani Cruz. Ipinahayag ito ng opisyal ng Simabahang Katolika sa gitna ng mga sunod-sunod na kilosprotesta ng taongbayang nananawagang tanggalin na ang kontrobersyal na pork barrel at iba pang discretionary funds o mga pondong nakasalalay sa mga mambabatas ang desisyon kung paano gagamitin. Nagkaroon ng hakbang na mangalap ng mga pirma na
Dumalo ang magkapatid bilang si Santa Monica at si San Miguel Arkanghel.
QUEZON CITY – IMBES na mag costume bampira at aswang, iminumungkahi ng isang grupo ng mga homeschooling na maybahay ang isang ‘All Saint’s Day’ party na gaganapin sa Nobyembre 7 sa Medela House, kung saan ang pangunahing tema ng selebrasyon ay ang mga santo. “Sa pamamagitan ng pag-udyok sa mga bata na mag damit santo, umaasa tayo na binibigyan natin sila ng inspirasyon na maging santo din,” paliwanag ni Tina Santiago – Rodriguez, isang homeschooler na unang nagkaroon ng ideya tungkol sa alternatibong Halloween party tatlong taon na ang nakalilipas. Dagdag pa ni Rodriguez, kailangang ibalik ang pagiging banal ng tradisyon ng ‘Halloween’ o bisperas ng ‘Araw ng mga Santo’, kung saan ang orihinal na ibig sabihin ng ‘Halloween’ ay ‘banal na gabi’. Hinihikayat ni Rodriguez ang iba pang mga magulang na pabor sa permanenteng pagtatanggal sa lahat ng mga uri ng pondong pampulitika na namamaniubra lamang at nawawaldas sa kurapsyon. Kasalukuyang tinatalakay ng Kataas-taasang Hukuman kung ang sistema gaya ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ay naaayon sa Saligang Batas. “Panahaon na upang kumilos at tuluyan nang tanggalin ang lahat ng uri ng pork barrel kahit paulit-ulit na magpahayag ang Malacañang na sila ay tutol at nagsabing wala na ang pork barrel. Naroroon pa rin ang napakalaking pondo ng Kumander-in-Chief na nasa kanya ang direktang desisyon,” dagdag ni Cruz.
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com
- Pahina 6
editoryal
4
OKTUBRE 22-28, 2013
AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISE Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
M
atapos mayanig ang buong bansa sa pinsala na naganap sa Bohol at Cebu dahil sa isang 7.2 magnitude na lindol, heto na naman ang isang sakuna na pilit itinatago ng administrasyong Aquino – ang kahihinatnan ng mga kasong sangkot ang pork barrel. Malayang makapupuslit ang mga kaalyado ni pangulong Aquino. Ni isa sa kanila ay hindi kakasuhan sa ikalawang batch ng plunder charges, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, habang mabilis namang ipinakansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pasaporte nina Senators Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada and Ramon Revilla Jr. Bakit hindi pupursigihin ng DOJ ang pagbuo ng kaso sa mga iba pang mambabatas na kapartido ng pangulo? Wala bang ebidensya laban sa mga ito? Ayon kay, de Lima, “limited resources” o limitadong pondo at oras ang dahilan kaya’t hindi kakayaning imbestigahan pa ng National Bu-
Pitik-bulag “Bakit hindi pupursigihin ng DOJ ang pagbuo ng kaso sa mga iba pang mambabatas na kapartido ng pangulo? Ayon kay, de Lima, “limited resources” o limitadong pondo at oras ang dahilan kaya’t hindi kakayaning imbestigahan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pulitikal na kapanalig ni Aquino na nabanggit sa special report ng Commission on Audit (CoA) tulad nina Senate President Drilon at Sen. Francis Escudero.” reau of Investigation (NBI) ang mga pulitikal na kapanalig ni Aquino na nabanggit sa special report ng Commission on Audit (CoA) tulad nina Senate President Drilon at Sen. Francis Escudero. Wala pa dito ang kahina-hinalang pagsiwalat na nagbigay din diumano ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sina Senators Loren Legarda at Ferdinand “Bongbong” Marcos kay Janet Lim – Napoles sa pamamagitan ng NGO nito. Ang “maliit” na detalye na ito ang nag-iiwan ng tandang pananong. Gaano ba kaliit ang budget ng Department of
Justice upang maisip nilang pakawalan nang basta-basta na lamang ang ilang taong pinaghihinalaang nagkamal ng kaban ng bayan? Kung ang isyung ito ay hindi karapat-dapat sa pondo at atensyon ng isa sa pinakapangunahing ahensya ng pamahalaan, alin ang mas dapat tuunan ng pansin? Ang mas matinding tanong: Nagkataon nga ba na pawang mga taga-oposisyon ang tuluyang nadawit sa isyu? Tila sarado na ang kaso at sina Enrile, Estrada at Revilla ang lumalabas na kinasangkapan upang maibsan ang galit ng publiko dahil sa bilyong-
pisong halaga ng pandaraya ng pork barrel scam. Kung pakikinggan ang mga salita ni pangulong Aquino tungkol sa kanyang Disbursement Acceleration Program (DAP), hindi mahirap mabatid na ang pag-uusig sa mga nasangkot sa pork barrel scam – maliban kung ikaw ay tagaoposisyon – ay hindi prayoridad at malayo sa saklaw ng political will ng kasalukuyang administrasyon. Nang humarap si Aquino sa isang pagpupulong ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (Focap) kamakailan, ginawan pa nito ng
kaugnayan ang pagsampa ng kasong pandarambong laban sa ilang “kilalang pulitiko” at ang mga atake sa DAP na, ayon sa mga kritiko, ay labag sa General Appropriations Law. Siguro ang dapat sagutin ni Pnoy ay kung paano naging operational ang isang programang labag pala sa batas? Imbes na ituwid ang pagkakamali ng DAP, maliwanag na dinedepensahan pa ito. Ang isyung higit na nagpakita sa totoong kulay ng kasalukuyang administrasyon ay ang sistema ng pork barrel at iba pang discretionary funds. Dito lumilitaw na parang laro ng pitik-bulag ang “sayaw” ng administrasyong Aquino at ng mga pinuno ng mga ahensya nito – mula sa Communications Secretary na si Ricky Carandang, Justice Secretary Leila de Lima, Senate President Franklin Drilon, Budget Secretary Butch Abad. Nagtutugma-tugma na lamang ang mga galaw at bawian hinggil sa pork barrel issue. Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang mamamayan?
OKTUBRE 22-28, 2013
opinyon Pope Emeritus tungkol sa paggamit ng condom ng mga prostitutes na may HIV-AIDS upang hindi ikalat sa iba. Tinawag niya itong pang-unang hakbang patungo sa tamang moralidad. Binigyang kahulugan agad ito ng marami. Ang iba ay tahasang pinakahulugang pagbabago daw ito ng aral ng Simbahan. Pero kung babasahing maigi ang konteksto, binang-
ang kanilang katayuan kundi upang buksan ang kanilang kamalayan sa pagkakaroon ng responsibilidad sa kanilang ginaRogie Ylagan gawa at sa tuluyang pagbabago tungo sa mabuti. Gayon din ang ngayo’y Santo Papa Francisco na marami sa kanyang mga atindi kong bina- sa ‘kin ang sagot. Tuloy pahayag ay binibigyan tikos ang Simbahan lang siya sa pagbigay ng ng iba’t ibang pakahulunoon. Gumawa pa ako mga impormasyon at kalgan na tila pagbago sa ng account sa isang on- mado niya itong ginawa. katuruan ng Simbahan. line forum para gamitin Hindi ako agad naniwala Samantalang kung ibakong pambatikos bangga ang mga ito sa mga gawain at Hindi ako sigurado kung ito nga ang nasa sa sa katesismo ng Simpaniniwala ng mga isip niya. Pero sa pamamaraang ito kasi ay na- bahan ay hindi naKatoliko. Noon ay ta- giging bukas ang isip ng kanyang mga kausap, man mali. Marahil lagang naiinis na ako ay ginagamitan lang at napupuno sa mga mas makikinig sa kanya. Maaari pa itong mag- niya ng kolokyal na ginagawa ng mga ka- ing daan upang maunawan ng mas maraming pananalita sa paraang pwa ko Katoliko at ng hindi malalayo ang tao ang aral ng ating Simbahan. ilang mga namumuno damdamin ng kausap, dito. Malapit ko na ngang sa kanya. Kaya gumawa git niya ito hindi bilang at hindi naman lihis sa iwan ang Simbahan. Pero ako ng sariling pagsalik- pagsang-ayon sa gusto ng aral ng Simbahan. Hindi sa kabila ng pambaba- sik sa mga sinabi niya sa ibang tao o kaya ay para ako sigurado kung ito tikos ko, may isang mem- akin at para rin subukang lang maging “in”. Dito nga ang nasa sa isip niya. ber doon na matiyagang tapatan ang kanyang mga marahil niya kasi na- Pero sa pamamaraang sinasagot nang maayos sinasabi. kikita ang “lamat” kung ito kasi ay nagiging buang lahat ng alegasyong Naalala ko ang pag- saan magkakaroon siya kas ang isip ng kanyang ibinabato ko at ng iba pa. banggit ng noo’y ating ng magandang dayalogo mga kausap, mas makiLahat ay may sagot siya. Santo Papa na si Benedict sa pagkatao ng mga pros- kinig sa kanya. Maaari Hindi niya dinidirekta XVI na ngayon ay ating titute na hindi ibinababa - Pahina 6
THE JUMPING WALL
Hanapan Mo Ng Lamat
M
scenes’ na kaganapan ika nga sa PUP-OSFA at ang mas nakalulungkot pang isipin ay maramYen Ocampo ing estudyante sana ang matutulungan ng halagang P11.3 million. Binawasan ng gobyerno ang pondo para sa mga state colleges at universities lalo na ang PUP. Ayon sa mga ulat, amusta na, mga Isko mainit na pinagtatalunan mula 2-billion pesos ay at Iska? Hindi na- ngayon sa Senado at nasa bumaba sa 560-million kaligtas ang ating sin- gitna ng bilyong piso ang pondo ng mga PUtang paaralan, ang Po- na korapsyon ng iba’t l i t e k n i k o n g Ang inyo pong lingkod ay pinalad na maging scholar PIAN, ito ngayon ang pinaghahatian Unibersidad sa PUP noong kolehiyo (2001-2005). Ibig sabihin, ng 22 PUP campusng Pilipinas (PUP) sa is- ngayon ko lang rin napagtanto na naabutan ko ‘yung es sa buong bansa. Ano na ang kakandalong kisinasabing ‘isang dekada’ na hindi nagamit ang hihinatnan ng nakasangkutan pondo para sa mga PUP scholars. mga mahihirap ng mga pulpol na politikong nasa ibang pulitiko sa bansa. kung sino ang naginter- na gustong magkaroon posisyon ngayon. Ang inyo pong ling- view). Ang pinagtataka ng edukasyon kung Ang P11.3 million diu- kod ay pinalad na mag- ko ay kung bakit ang ang natitirang pag-asa mano na dagdag pondo ing scholar sa PUP noong mga kaklase ko ay na- nila ay hindi rin kaypara sa mga PUP schol- kolehiyo (2001-2005). Ibig kakuha rin ng ganung ang manindigan para ars ay hindi nagamit sa sabihin, ngayon ko lang scholarship nang walang sa kanilang karapatan? Sa halagang Php12.00/ loob ng isang dekada?! rin napagtanto na naabu- kahirap-hirap, lalo na at Ito ang pahayag ng tan ko ‘yung sinasabing may trabaho naman ang unit ito ay kayang kaya ng Commission on Audit ‘isang dekada’ na hindi kanilang mga magulang. mga kabataan na gustong (COA). Ang pondo na nagamit ang pondo para Nakakasama lang ng magkaroon ng maganito ay galing sa Prior- sa mga PUP scholars. loob na pagkatapos ng danag kinabukasan. Sinity Development AssisPara po sa kaalaman ng isang dekada ay mabubu- tang paaralan, tanglaw tance Fund (PDAF) na lahat, ang PUP-Office of nyag na may ‘behind the ka nga ba ng bayan?
RE4TERAKER
Iskolar ng bayan, pondo mo ay nasaan?
K
Scholarship and Financial Assistance o OSFA ay hindi agad-agad nagbibigay ng scholarship fund. Ito ay dumaraan sa masusing imbestigasyon kung ang isang estudyante ba ay karapat-dapat na bigyan ng scholarship. Natatandaan ko pa nga noong nag-aaply pa lang ako ng scholarship na ito, pinamukha sa akin na ako ay ulilang lubos (hindi ko na matandaan
5
LIVE FREE Samantha Manuel
Pagpapahalaga sa Buhay ayon kay Bl. John Paul II
I
tong nakaraang Oktubre 22 ay ating ipinaggunita ang kapistahan ni Blessed John Paul II. Marahil, karamihan sa atin ay lubos na nalungkot sa kanyang pagpanaw, subalit, ang kanyang mga inspirasyon ay buhay na buhay sa ating mga puso. Isa sa kanyang importanteng pinamana sa atin ay ang pagtatanggol at pagtaguyod sa kahalagahan ng buhay.
ang aking natutunan sa kanyang mga adhikain. Bilang isang ina, ako ay nagpapasalamat sa pribiliheyong makapagsilang ng bagong buhay sa mundo. Bilang isang babae, ako ay nagagalak sa buhay na ipinagkaloob sa akin. Tunay na mahalaga ang buhay anuman ang sitwasyong ating hinaharap at mga hamon na ating pinagdadaanan. Marami sa atin ang na-
Binuo niya ang isang bagong pagkilala sa ‘kultura ng buhay’ (culture of life) kung saan ang bawat tao, anumang edad o estado sa buhay ay kinikilalang mayroong hindi malalabag na karangalan at mga karapatan sa buhay, kalayaan at pag-ibig. Tunay na siya ay isang “Champion of the Dignity of Life and Love”. Kanyang hinamon ang ‘kultura ng kamatayan’ (culture of death), kung saan ang tao ay itinuturing na isang instrumento lamang na maaaring gamitin sa halip na isang katangitanging regalo na nararapat pahalagahan. Binuo niya ang isang bagong pagkilala sa ‘kultura ng buhay’ (culture of life) kung saan ang bawat tao, anumang edad o estado sa buhay ay kinikilalang mayroong hindi malalabag na karangalan at mga karapatan sa buhay, kalayaan at pag-ibig. Bilang isang “prolife advocate”, malaki
hihirapang pahalagahan ang buhay, lalo na kung mukhang wala itong pinatutunguhan. Subalit, anumang hamon ng buhay, hinuhubog nito ang ating pagkatao. Dito natin mapapatunayan ang tunay na katatagan ng ating kalooban at pananampalataya. Sa aking mga pinagdaanan at pinagdadaanan, maraming beses na ring nasubukan ang aking paninindigan. Ngunit, sa bawat pagsubok ay may naka-abang na tagumpay. Dito ko napaatutunayan sa aking sarili ang kahalagahan ng bawat minuto, bawat sandal ng bawat buhay. Salamat Blessed John Paul, sa pagpapaalala mo sa amin ng kahalagahan ng aming buhay at pagkatao.
6
OKTUBRE 22-28, 2013
IDOLONG Tapat! Si G. Clemente Cilos, 40 ay miyembro ng Samahan ng mga Nagkakaisang Manininda sa Intramuros. Mayroon siyang maliit na tindahan kung saan kabilang sa kanyang mga paninda ay ang mga dyaryo. Ayon kay Cilos, kabilang sa pagiging Tapat ay ang pagpapahayag ng katotohanan kung ano ang nangyayari sa bansa kung kaya nagpasya siya na tumulong sa pamamagitan ng paglalako ng dyaryong TAPAT, Tapat sa Balita, Tapat sa Buhay. Naniniwala rin siyang ang dyaryong ito ay isang alternatibong pahayagan na dapat tangkilikin rin ng mga mamamayang may pakialam sa lipunan (YO/TapatNews)
Hanapan mo ng lamat...
mula sa pahina 5
pa itong maging daan upang maunawan ng mas maraming tao ang aral ng ating Simbahan. Sa maraming pagkakataon, ang paghanap sa lamat ang pinakamabisang paraan upang maiparating ang mensahe sa ating kapwa. Minsan ay kailangan mo ring alamin at gawin ang kanilang gawi na hindi mo sinasagasaan ang sarili mong mga paninindigan. Hanapin mo ang gitna. O kung lalampasan mo man ng kaunti patungo sa kanyang linya na hindi ka gagawa ng masama, gawin mo ito, lalo na kung ang kapalit nito ay mahatak mo siya nang tuluyan patungo naman sa direksyon na iyong pinaglalaban. At sa mga taong gumagawa ng ganitong pamamaraan, isinasakripisyo nila kadalasan ang mahusgahan ng kapwa. Hindi masama ang maging konserbatibo sa mga bagay-bagay. At hindi rin naman kalabisan na umalis sa posisyong ito paminsan minsan upang humalubilo, maramdaman at maunawaan ang saloobin ng iba at tuluyang makita ang kanilang lamat at mabigyan sila ng tamang gabay sa buhay. At noong nagpatuloy ako sa pagsaliksik sa mga naibigay na sagot ng isang miyembro noon sa forum, imbes na makahanap ako ng isasagot sa kanya ay nalaman kong may basehan pala ang kanyang mga binahagi sa akin. At sa ilang mga tanong ko pa, napansin ko na lang na gumagawa na ako ng sarili kong pag-aaral. Kung noon ay puro batikos ang ginagawa ko, iginugol ko na lang ang oras sa pagsasaliksik. Hanggang sa dumating ang panahon na isa na ko sa kasama ng forum member na ito na nagtatanggol at nagpapaliwanag sa pananampalatayang Katoliko. Hanggang ngayon ay malaki ang pasasalamat ko sa pagkakakita niya ng aking lamat noon. theignoredgenius.blogspot.com / rogie_ylagan@yahoo.com
Kakaibang Halloween...
mula sa pahina 3
magdaos ng sariling ‘All Saints’ Day’ party sa kani-kanilang mga lugar. Para sa mga ideya, maaaring bisitahin ang mga websites tulad ng CatholicIcing.com at CatholicInspired.com Para naman sa magulang na interesadong isali ang kanilang mga anak sa nasabing ‘All Saints’ Day’ party, maaring makipag-ugnayan kay Rodriguez sa kanyang blog, http://trulyrichmom.com/contact-me/, sa pamamagitan ng email tina@trulyrichmom.com o sa kanyang Facebook page sa https://www. facebook.com/trulyrichteachermamatina [NED]
It’s good to know that... A University of Texas study found that couples who saw a divine purpose in their marriage were more likely to collaborate, to adjust better to marriage, and were less likely to use aggression.
good news
may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
OKTUBRE 22-28, 2013
Katoliko
7
Unapologetically Catholic
May Purgatoryo nga ba?
A
ng Doktrina ng mga Huling Bagay o kilala bilang Eschatology mula sa salitang Griyego na nangangahulugang katapusan o kahihinatnan ay naglalayong ipaliwanag ang misteryo ng mga huling talata ng Kredo ng mga Apostoles na kilala bilang dalangin na ‘Sumasampalataya Ako’: “…ang muling pagkabuhay ng katawan at buhay na walang hanggan.” Ito ay mas kilala bilang “Ang Huling Apat na Bagay”-- Kamatayan, Paghuhukom, Kalangitan, at Impiyerno at kasama sa katuruan ang purgatoryo, ang Ikalawang Pagbabalik ni Kristo, at ang Katapusan ng Mundo. Nagaganap ang partikular na paghuhukom sa punto ng kamatayan kung saan itatalaga ang desisyon kung ang namatay ay karapat-dapat sa langit o sa impiyerno. Saan nga ba ang purgatoryo? Nabanggit ba ito sa Bibilya? Ang salitang ‘purgatoryo’ ay mula sa salitang Latin na purgo – o pagdalisayin at walang kinalaman sa kaligtasan; ito ay proseso ng paglilinis. Hindi naman binabanggit sa mga Doktrina ng Simbahan ang haba at paraan ng paglilinis o pagdadalisay, ngunit mayroong paniniwala na ang paraan ay sa pamamagitan ng apoy. Ang terminong ito ay hindi diretsong nababanggit sa Bibilya, ngunit mayroon namang mga bersikulo na sumusuporta naman sa pagkakaroon ng lugar na patungkol sa Purgatoryo (CCC 1030-1032). Nabanggit ni Kristo ang pagpapatawad sa mga kasalanan sa mundong ito at maging sa darating, Kanyang sambit... “Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa anumang paraan ay hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang huling sentimo” (Mateo 5:26). Maging ang mga sinaunang Ama ng Simbahan na sina San Agustin at San Gregorio at iba pa ay nagkakaisa sa paliwanag na ito ay patunay sa Purgatoryo. Noong 210, sumulat si Tertullian, “Kung ating uunawain ang kulungan ng binabanggit sa Ebanghelyo bilang Ha-
des, at ating uunawain ang huling sentimo (Mateo 5:25-26) bilang munting pagkakasala na dapat malinis bago ang Huling Paghuhukom, walang duda na ang kaluluwa ay dumadaan sa parusa sa Hades.” Itinuro naman ni San Pablo ang sinabi ni Kristo patungkol sa “mababang rehiyon” sa Epeso 4:9 at nagdadalisay na apoy, “Ang gawa ng bawat isa, anumang uri ito ay susubukin ng apoy” (1 Kor 3:10-15). Si San Juan ay nagturo naman tungkol sa nakamamatay at hindi nakamamatay na kasalanan (1 Jn 4:16-17) na tinawag naman ng Simbahan na mortal at hindi mabigat na mga kasalanan. Lahat ng maling gawain ay
KATESISMO, MISMO! Pakikipag-isa kasama ang mga namayapa Simula pa noong panahon ng mga sinaunang Kristiyano, binibigyan na ng halaga, pagpapaalala at respeto ang mga namayapa. Ito ay dahil itinuturing na banal ang pagdarasal para sa mga namayapa upang sila ay mapakawalan sa bitag ng mga kasalanan. Ang buong Mistikal na Katawan ni Kristo kasama ang mga nabubuhay simula pa noong unang panahon ay naggagawad ng sakripisyo para sa mga namayapa na kinakailangang linisin mula sa maliliit na bahid ng pagkakasala bago makarating sa langit. Ang ating mga dalangin ay siyang may kakayahan -- alinsunod na rin sa kataruan ng mga sinaunang Kristiyano – na makatulong sa pagbawas ng pagdurusa na dinadanas ng mga yumaong nasa purgatory. (2 Macabeo 12:39-45).
“Ang Ebanghelyo ay itinuro maging sa mga yumao.” Ang pagdaong sa mga patay ay nagdala ng mensahe ng kaligtasan mula sa Ebanghelyo na siyang kabuuan ng misyon ni Kristo. Sa huling bahagi ng buhay at misyon ni Kristo, Siya’y nanaog sa mga patay upang buksan sa lahat ang kaligtasan. Ayon sa 1 Pedro 4:6, “Ito ay sapagkat ang ebanghelyo ay inihayag maging sa mga namatay upang sila ay mahatulan ayon sa mga taong nasa katawang laman ngunit maging buhay ayon sa Diyos sa espiritu.” Si Hesus ay “bumangon mula sa pagkakahimlay” at naging patunay ng kaligtasan ang ipinakong Kristo. Gaya ng karaniwang tao, Siya ay namatay at nabuhay na muli at sa kanyang kaluluwa sinamahan Niya ang mga naunang yumao. Bumaba Siya sa lugar ng mga yumao upang maging tagapagligtas para sa kanila. (1 Gawa 3:15; Rom 8:11; 1 Kor 15:20).
by EDGARDO DE VERA
kasalanan, kahalayan, kasama na rin ang hindi mabigat na mga kasalanan. Dahil walang ‘di malinis ang makalalapit sa Diyos (Paghahayag 21:27) saan napupunta ang mga kaluluwa na kontaminado ng hindi nakamamatay na kasalanan? Pinagbabayaran ang kasalanan sa pagliligtas na gawa ni Kristo at ipinapatawad sa Kumpisal, ngunit ang pansamantalang epekto ng kasalanan ay nangangailangan pa rin ng pagbabayad. Kahalintulad ng paninirang puri sa reputasyon ng iba, patatawarin lamang kung humingi ng tawad, ngunit ang kaapihan ay nananatili at nangangailangan ng bayad-pinsala. Lumpo ang kaluluwa ng mga namatay na may kaakibat na pagkakasala at nangangailangan ang mga ito ng pagdadalisay. Ang masakit na pagpipino ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng kabanalan sa ating buhay. Ang Plenaryong Indulhensya ay naglalayong pagaanin ang buong kaparusahan, samantalang ang kumpletong pagpipino ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sakripisyo. Tayo ay naghahandog ng mga dasal para sa mga kaluluwa sa purgatoryo upang sila ay maligtas sa kanilang kalagayan (2 Mac 12:42-46).
From the Saints... If it is “daily bread,” why do you take it once a year? . . . Take daily what is to profit you daily. Live in such a way that you may deserve to receive it daily. He who does not deserve to receive it daily, does not deserve to receive it once a year.
St. Ambrose of Milan
#CoolCatholics
8
OKTUBRE 22-28, 2013
Awit ng mga awit
by SKY A. ORTIGAS
Awit ng mga awit Lyrics and Music by: Rommel Gojo Interpreted by Reymond Sajor, is one of the Grand Finalists in A Song of Praise (ASOP) Music Festival 2013 For more info: http://www.asoptv.com/finalist/ROMMEL-GOJO/ Download this song (FREE): http://www.asoptv.com/downloads-2013/
I Kay rami kong naririnig Mga tinig sa aking paligid Maging sa loob ng aking dibdib Kay ingay, ‘di matahimik CHORUS 1 Ang awit ng mga awit Mithiin ng pusong nananabik Masumpungan ang tunay na pag-ibig Na ngayo’y kay ilap sa ating daigdig
A
ng dami talagang #CoolCatholics! Isa sa mga taong nakakapag inspire sa akin ngayon ay isang brother na kasama ko sa CFC Singles for Christ community, si Rommel Gojo. Si Brother or Kuya Rommel ay hindi lang isang magaling na lider ng community kundi sobrang mabait na kaibigan and of course, isang napakagaling na musician.
Matutuwa ka sa kanya kasi he always writes songs for the Lord. Aside from that, nagsusulat pa sya ng kanta para sa mga brothers and sisters naming ikakasal. Yung klaseng kantang mapapadasal ka talaga, yung tagos sa puso, yun oh! Noong isang buwan lang, naging finalist ang kanta ni Kuya Rommel sa ‘A Song of Praise Music Festival 2013.’ Ang kanyang ginawang kanta ay may titulong “Ang awit ng mga awit” na inspired naman sa Song of Songs na libro sa Bible. Nagpapasalamat ako kay Kuya Rommel sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makausap sya at matanong man lang ang aking mga “silly” questions. Here goes… Sky: Ano ang iyong mga simple joys?
Rommel: Sleeping, relaxing outdoors while enjoying nature’s beauty, eating healthy meals, working out, time kasama ang pamilya at kaibigan, pagbasa ng Bible at inspirational materials, pag-serve sa community, listening to good music, singing at pagsusulat ng kanta. Sky: Paano nakakapag- inspire sa’yo ang music? Rommel: Hearing the right song/music at the right time lifts me up into higher realms. It gives my life meaning and purpose. Sky: Ano iniisip mo bago ka magsulat ng kanta? Rommel: Always akong nagsisimula sa isang prayer to seek inspiration and guidance from the Divine Musician. Sky: What inspired you to write “Awit ng mga Awit”? Rommel: Inspired by Zephaniah 3:17 and the Song of Songs, Awit ng mga Awit* is a song that represents every man’s constant longing to find/experience true love. It equates the greatest song with the love of God for all of us.
II Ngunit dumating Ka at handog Mo Matamis na himig ng pagsuyo Tapat at wagas na pangako Tanging pag-asa ng buhay ko CHORUS 2 Ang awit ng mga awit Ang pinakadakilang awit Ito ang himig ng Iyong pag-ibig Sa puso kong nananabik BRIDGE Ang himig Mo’y kay sarap pakinggan Ang salita Mo’y aking panghahawakan Ang dala Mo’y tunay na kaligayahan Ang pag-ibig Mo’y walang hanggan Walang hanggan REPEAT CHORUS 1 AND CHORUS 2 CODA Ito ang himig ng Iyong pag-ibig Sa puso kong nananabik (2X)