Tapat Vol 1 No 2

Page 1

good news

MARSO 12-18,2013

VOL 1 NO 2

Batang dinakip at pinaglimos, natagpuan! - Basahin sa Pahina 4

TAKOT, NAGHAHARI SA

ANG BALITANG TOTOO

MGA PINOY SA

MALAYSIA

- Basahin sa Pahina 5

TAPATAN:

Ano ang mga pinakamahalagang katangian na kailangan sa susunod na Santo Papa? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436

@tapatnews

Tapat. Ang Balitang Totoo

www.tapatnews.com

tampok

sports

Ika-6 diretsong panalo pakay ng Rain or Shine - Pahina 11

Bakit okey na okey ang natural pagdating sa kalusugan at sa buhay mag-asawa? - Pahina 10

Libreng lunas sa sakit? Sa kusina ang takbuhan! - Pahina 9


2

Sabah isyu, iakyat sa korteng int'l– Kamara

balita PSE pumangatlo sa buong mundo

MARSO 12-18,2013

Ni MICHELLE NICOMEDES

Ni PAUL ANG

Nananawagan ang mga kongresista sa kamara na iakyat ni Pangulong Benigno Aquino III sa International Court of Justice (ICJ) ang isyu ng Sabah claim. Pormal nang naghain ng isang resolusyon sa Kamara upang himukin ang Pangulo na kumilos para maiakyat sa ICJ ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah. Sa ilalim ng House Resolution 3043, ang pagkilos ng liderato ng Kamara at ng buong miyembro nito

ay himukin si Pnoy na huwag maging pro-Malaysia at huwag maging adversarial sa paninindigan ng Sultanate of Sulu. Alinsunod na rin ito sa desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 16, 2011 na buhay o aktibo at maaaring ipursige ang claim ng bansa sa naturang isla. Nakapaloob din sa resolusyon na ang ICJ ang pinakamahusay na venue para resolbahin ang isyung paghahabol ng Pilipinas sa Sabah dahil parehong miyembro ng lupon ang Pilipinas at Malaysia.

Petisyon vs political dynasty, binasura ng SC Pormal na ibinasura ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga petisyon na isinampa ng iba’tibang indibidwal kaugnay sa political dynasties dahil sa kakulangan ng mga argumento na magpapatibay sa giit ng mga ito. Ayon sa petisyon na inihain nina senatorial candidate Ricardo Penson at dating vice-president Teofisto Guingona, ang SC umano ang may kapangyarihan para atasan ang Kongreso na magpasa ng batas upang mapairal ang probisyon sa 1987 Constitution na nagbabawal sa political dynasty. Iginiit naman ni Penson na ang pamumuhay ng milyun-milyong Pilipino ay kinokontrol na lamang ngayon ng mga malalaking angkan ng mga pulitiko sa bansa Samantala, ilan sa mga pina-

Patuloy na isa sa 'best performing' markets ang Philippine Stock Exchange.

Ayon kay Ricardo Penson na kumakandidato para sa pagkasenador, malawak ang impluwensiya ng mga tinatawag na political dynasties sa bansa.

tatamaan ng dalawa ay ang mga kumakandidato sa pagka-senador sa midterm polls sa Mayo 13 na sina “Bam” Aquino at Margarita Cojuangco, pinsan at tiyahin ni Pangulong Benigno Aquino III; mga anak ni Vice-President Binay na sina Nancy, Abigail at Erwin,

congressman at mayor sa Makati City; at pamilya ni dating pangulo at ngayo’y Manila mayoralty candidate Erap Estrada na may pitong kamag-anak na tumatakbo sa iba’tibang posisyon, kasama ang anak na si JV na kumakandidato din sa pagka-senador. (PA)

Pumangatlo ang Philippine Stock Exchange (PSE) sa mga mahuhusay na pandaigdigang market, ayon sa report ng World Federation of Exchanges (WFE). Ayon sa pinakabagong report na “2012 Market Highlights” ng WFE, pumapangatlo ang Pilipinas sa 50 pang stock exchanges sa buong mundo kasunod lang ng Turkey at Thailand. Ito ay pagkatapos magtala ang PSE ng 38.9 percent na pagtaas sa market nitong nakaraang taon. “Ito ay isang patunay sa sinasabi

namin na ang Pilipinas ngayon ay kasali na sa global radar para sa puwedeng pamumuhunan ng iba’ti bang kumpanya, at patunay ito na karapat-dapat tayo para dito,” ani PSE President at CEO Hans B. Sicat. Binanggit rin nito na sa lahat ng mga nangungunang stock exchange noong 2011, ang PSE lamang ang nakabalik sa taas ng listahan sa taong 2012. Ito’y isang patunay na ang market ng Pilipinas ay isa sa pinakamalaking potensyal.

OFVs na binura sa Voters List, makaboboto muli - COMELEC

Tinatayang mahigit kumulang sa 200,000 OFVs ang muling makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 13.

Makaraang tanggalin sa pinal na listahan ng mga botante, muli nang pinayagang bumoto ng Commission on Elections (Comelec) ang humigit kumulang na 200,000 Overseas Filipino Voter (OFV) sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., naglabas na umano ang poll body ng resolusyon na nagbabalik ng karapatang bumoto sa 238,000 OFV na nauna nang nabigong makapagsumite ng kanilang manifest of intent to vote para sa nalalapit na halalan. Napag-alaman naman na ang

pagpapalabas ng resolusyon ng Comelec ay bunsod narin ng pakikipagdayalogo ng mga grupong OFVs kay Comelec Commissioner Grace Padaca kung saan hiniling ng mga ito na payagan silang muling makaboto matapos na matanggal sa voters list. Dito na muling na-retain ang pangalan ng mga OFVs sa listahan ng Comelec kung saan kailangan lamang ng mga itong lumutan at bumoto sa mga itinakdang voting precints at schedule ng poll body sa kani-kanilang mga kinaroroonang bansa. (PA)


MARSO 12-18,2013

balita

3

Susunod na Santo Papa, huwag pagpustahan - obispo Ni PAUL ANG

WORLD NEWS Ni JANDEL POSION Pulis, sinakripisyo ang sarili para sa iba AFGHANISTAN—Isang pulis ang nagsakripisyo ng sarili upang mailigtas ang maraming tao sa isang suicide bomber nitong Sabado. Napatay sa bomba si police officer Murad Khan at walong menor de edad na kabataan sa edad na pito hanggang labingpito, habang dalawa ang sugatan. Tinangkang pasukin ng suicide bomber and isang baranggay kung saan ang pwersa ng coalition ay nagsasagawa ng pagsasanay kasama ang pwersa ng pulisya sa Afghanistan, pero nang makarating sa tsekpoint, naharang siya ni Khan.

Maduro, niluklok bilang pansamantalang presidente ng Venezuela VENEZUELA—Niluklok bilang pansamantalang presidente ng Venezuela ang dating bise-presidente ng bansa na si Nicolas Maduro matapos ang libing ni Hugo Chavez. Namatay si Chavez noong Marso 5 dahil sakit na cancer. Bilang pansamantalang presidente, inaasahan na magpapatawag si Maduro ng isang halalan sa loob ng 30 araw.

Pagpili ng Santo Papa, isasagawa ngayong araw VATICAN—Tinakda na ng mga Kardinal na magsagawa ng pagboto sa susunod na Santo Papa ngayong araw, Marso 12. Matapos ang isang misa sa St. Peter’s Basilica, magsisimula na ding magbotohan ang mga kardinal sa Sistine Chapel. Isang daan at labing limang kardinal ang boboto hanggang sa isang kandidato ang makatanggap ng 2/3 o 77% ng kanilang suporta.

Nakatakdang magsimula ang conclave ng mga kardinal sa Roma, Italy para pagbotohan ang susunod na Santo Papa ngayong araw, Marso 12.

Nananawagan ang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa mga Pilipino, hindi lamang sa bansa, kung hindi pati sa ibayong dagat na huwag pagpustahan kung sino ang susunod na magiging Santo Papa. Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, ang conclave o ang proseso ng pagpili ng bagong hihiranging Santo Papa ay isang banal

na seremonya at hindi tamang pagpustahan tulad ng mga lumalabas na ulat na may mga online betting sites na nagsasagawa ng pustahan ukol rito. Iginiit naman ni Malolos Bishop Jose Oliveros na ang naturang paghalal sa bagong Santo Papa ay kinasasangkutan ng Espiritu Santo at hindi dapat haluan ng “human

frivolity” (kawalan ng kahulugan), habang hinimok naman ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo ang publiko na ipagdasal na lamang ang mga kardinal na sasabak sa conclave sa halip na magsagawa ng online betting. Magugunita namang Pebrero 28 nang tuluyang bumaba sa pwesto si Pope Emeritus Benedict XVI.

Mga anak ng 'environmental heroes', paaaralin ng DENR Ni ROMEO PANAHON Upang bigyang pagkilala at pagbabalik-tanaw sa magandang nagawa ng mga mga manggagawa ng ahensiya na namatay habang nasa duty, bibigyan ng libreng paaral sa college ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga anak nito. Sa record ng DENR, may mahigit sa 60 ng mga tauhan nito ang namatay habang nasa ka-

nilang duty mula nang mabuo ang ahensiya noong 1987. Partikular na makikinabang sa programang ito ang “Bayaning Kalikasan” awardee na si Melania Dirain, isang 46-year-old forestry specialist na nabaril at napatay sa kanyang opisina sa bayan ng Sanchez Mira , Cagayan noong Pebrero 7, 2012. “Kami ay naglunsad ng programang paaral dahil maliban

sa paniniwala namin sa halaga ng edukasyon, alam namin na pangarap ng bawat magulang na makitang makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang anak, kaya’t gusto naming matupad ang pangarap na ito,” sabi ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje na siyang lumagda sa memorandum circular no. 2013-02 na nagsasaad ng general guidelines para sa scholarship program.

Kinindap na Pinoy peacekeepers sa Syria, balak bawiin ng UN sa mga rebelde SYRIA—Balak bawiin ng United Nations ang 21 Pinoy peacekeepers mula sa mga rebeldeng Syrian nitong Sabado. Ayon kay UN peacekeeping chief Herve Ladsous, ang mga Pinoy peacekeepers ay nakatago sa basement ng apat na bahay sa Jamla, malapit sa Israeli-occupied Golan Heights. Ang mga peacekeepers ay parte ng UN Disengagement Observer Force na kabilang sa nagsusubaybay sa ceasefire line sa pagitan ng Syria at Israel simula 1974.

Paniningil sa nurse trainee, ipagbabawal na Ni GRACE CAJILES Nananawagan ang isang kongresista na maisabatas ang panukalang magbabawal at magbibigay parusa sa mga ospital na naniningil sa mga nars na nag-te-train para sa kanilang two-year mandatory work experience na kinakailangan para sa pag-aaply ng trabaho sa ibangbansa. Isusulong ni ALE Party-list Rep. Catalina Bagasina ang House Bill 4293 dahil sa mga ospital na umaabuso at nangingikil sa mga nars na nais magkaroon ng work experience. Ayon sa panukala, ang mga ospital na kulang sa nars ay kinakailangang mag-hire ng mga registered nurse bilang regular na nurse at

hindi maaaring pagbayarin ng affiliation fees ang mga aplikante. “Pero ang mga ospital na ito ay patuloy na nangongolekta ng mga affiliation fees mula sa mga naghihirap na mga graduate ng nursing,” dagdag pa ni Bagasina sa wikang Ingles. Marami, ani Bagasina, mapapublic o private na ospital man, ay kulang sa tao at hindi na mameet ang patient-to-nurse ratio na standard ng gobyerno. Dagdag pa ng kongresista, papatawan ng 12 taong pagkakakulong ang administrator, hospital officers o kung sino man ang may awtoridad na magpapatupad ng affiliation programs.


balita

4

MARSO 12-18,2013

good news Batang dinakip at Ni DIANA UICHANCO

pinaglimos, natagpuan!

Dahil sa pagmamalasakit – at sa basketbol – nakitang gulat ng kapitbahay. muli ang batang nawawala matapos ang 20 araw

“Tapos nag-acting ako na parang nagba-basketbol,” dagdag niya, at pinakita ang tila pag-di-dribble ng bola. Madalas maglaro si Jerome sa labas ng kanilang bahay gamit ang basketbol at enjoy na enjoy ito, kwento ni Mijares. Lalong ngumiti ang lalaki nang makita ang pag-dribble ni Mijares, kaya’t nabuhayan ng loob ang kapitbahay at tuloy-tuloy ang pag-usap sa 15-anyos na biktima. “Kain tayo mamaya ha!” dagdag pa niyang sinabi kay Jerome, at natuwa ang bata at tumango lang. Dahil hindi makapagsalita ng maayos ang lalaki, tumango at umungol na lang ito upang ipakita ang tuwa. “Nag-apir pa kami at nagtawanan, tiniting-

Ngiti at basketbol lang ‘yon, pero naging susi ang dalawang ito sa pagkakatagpo kay Jerome Julaton, isang batang dinakip ng mga pinaghihinalaang miyembro ng sindikato. Ika-20 araw nang nawawala si Jerome, 15 taong gulang, at patuloy pa rin ang kanyang ama na si Jerry sa paghahanap sa kanya. Lumabas ang bata sa kanilang bahay noong Enero 22 ng walang nakaaalam, sabi ng ama. Malaki ang pangamba ni Jerry dahil sa kondisyon ng anak niya—dahil may Down Syndrome ito at limitado ang abilidad na makipag-usap at magpasya ng wasto, maaaring pagsamantalahan ng mga taong may di mabuting pakay. Dahil nag-paskil ng mga poster si Jerry na may larawan at iba pang impormasyon tungkol sa kanyang anak matapos itong mawala, marami-rami rin ang nakaalam sa pagkawala ni Jerome. Isa dito ang kapitbahay ng pamilya na si Wilfredo Mijares. Isang araw ay naglalakad si Mijares sa Katipunan Ave. sa Quezon City upang sunduin ang asawa mula sa opisina nito. Nang umabot siya sa itaas ng hagdanan ng tulay sa kanto ng Katipunan at Aurora Blvd., napatingin ito sa isa sa mga nakaupong namamalimos. Ang lalaking gusgusin ay nakayuko, ang isang kamay nakataas upang tumanggap nan na nga kami ng mga ibang tao eh. Pero gusng mga baryang maaaring ilagay sa kanyang palad ng mga to kong matuwa siya at hindi siya tumigil at magdumadaan. isip [tungkol sa sinapit niya],” dagdag ni Mijares. Natigilan si Mijares at tinitigan ang lalaki.

“Kung ikaw talaga ang makakakita… kung ako ay makakatulong, gagawin ko. Give and take lang naman ‘yan.”

Gusgusin at iba na ang anyo

“May kutob ako eh, parang kamukha [ni Jerome], sabi ko sa sarili ko, pero nakatungo siya,” ani 43-taon na kapitbahay. Mahirap malaman kung siya talaga ang batang nawawala dahil ito’y gusgusin at mahaba na rin ang buhok –hangga’t ito’y lumingon pataas at tiningnan si Mijares. Tinitigan pa ng kapitbahay ang lalaki ng ilang sandali para manigurado, at tinawag nito ang pangalang “Jerome.” Nagpakita ng pagkakilala ang namamalimos, sa

Nakiusap sa kapwa-manlilimos

Sa kasawiang palad, ubos na ang load ng kanyang mobile phone kaya’t minabuti niyang maghanap ng telepono para tawagan ang ama ni Jerome tungkol sa pagkakatagpo. Nakiusap si Mijares sa kapwa manlilimos ni Jerome na bantayan ang lalaki habang siya’y naghanap ng telepono: “Pakitingnan lang muna siya ha, kawawa naman ang mga magulang niya. Kailangang tawagan ko…” Matapos kausapin sa telepono ang ilang tao para siguruhing hindi pa rin natatagpuan si Jerome ng kanyang pamilya, para ipagbigay-alam sa barangay ang nakita sa tulay, at para

Maguindanao backhoe operator nagpapalipat ng kulungan Ni ROMY PANAHON

Giniit sa Quezon City court ng umano’y backhoe operator ng Maguindanao massacre na bigyang pansin ang kanyang kahilingan na mailipat siya ng kulungan mula QC-extension detention cell saTaguig papuntang Camp Crame. Sa apat na pahinang mos-

yon na inihain sa QCRTC branch 221, hiniling ng abogado ni Bong Andal na si Atty. Romarico Ayson kay Judge Jocelyn Solis Reyes na maaksiyonan ang unang kautusan ng naturang hukom dahil hindi nasuring mabuti ng prosecutor ang kanyang testimonya kaugnay ng kaso.

Nabatid sa mosyon sa paunang pagsusuri na hindi ibinunyag ni Andala ang kanyang nalalaman sa massacre dahil natakot siyang madamay ang kanyang kapatid at tatay na nagtatrabaho sa kaanak ng political clan. Napaulat din na ang ama at kapatid ni Andal ay

nakatakdang tumestigo sa kasong plunder, subalit hindi nakasaad sa mosyon kung kanino laban ang testimonya. Si Andal na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Bagong Diwa ay inaresto noong Nobyembre 24, 2012 sa Midsayap, North Cotabato.

sabihin sa ama ng bata kung nasaan sila, bumalik si Mijares sa kinalalagyan ng biktima at naghintay ng mahigit na isa’t kalahating oras hanggang dumating ang mga tinawagan. “Nakakatuwa kung nakita mo sila. Si Jerry mugto ang mata… siyempre tatay siya nung batang mga 20 days nang nawawala. Yung bata naman, nung nakita ang tatay niya, napayuko ulit, tapos pagtingin ulit sa tatay niya, iba na. Maaliwalas ang mukha,” ani Mijares, na siya ring maluhaluha sa nakita niyang tagpuan ng mag-ama. “Doon ako sa anak naiyak dahil kahit di siya nagsasalita, kahit may kapansanan siya, makikita mo sa mata niya ang tuwa niya.”

‘Give and take lang’

Agad na iniuwi na ng ama at ng barangay kagawad ang bata. Walang tigil ang pagpapasalamat nila kay Mijares sa kanyang matiyagang pagbantay kay Jerome at sa pagtawag sa kanila. Pero bale-wala naman sa lalaki. “Kung ikaw talaga ang makakakita… kung ako ay makakatulong, gagawin ko. Give and take lang naman ‘yan,” sabi niya. “Baka pinagkaloob ng Diyos na mahanap ko siya,” dagdag pa nito. Ginunita niya ang muling pagkilatis kay Jerome nang unang nakita ang lalaki. “Tiningnan ko talaga siya ng mabuti, mga two minutes. May kutob talaga ako pero ibang iba ang itsura niya. Pero parang nagsisimula pa lang maging madumi yung mga braso niya—parang hindi siya bagay dun sa kinalalagyan niya. Eh si Jerome, alaga siya ng tatay niya, malinis at palaging magka-terno ang suot,” paliwanag ni Mijares. Bumalik na ulit sa paglalaro ng bola si Jerome, pero mas binabantayan na ng pamilya. Balik na ulit sa pag-ngitingiti ang bata sa kabila ng dinanas niya sa loob ng 20 araw. Walang magawa ang pamilya niya kundi hulaan na lang ang sinapit nito ng mga araw na ‘yon, pero ang alam nila, ngiti at basketbol ang nagging susi sa pagkakatagpo sa kanya.

may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo arawaraw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email ng inyong kwento sa tapat@omnibusmediagroup.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com


balita Takot, naghahari sa mga Pinoy sa Malaysia

5

MARSO 12-18,2013

- Takbo, mula sa Pahina 7

ipinaglaban. Isusulat ko rito ang mga buhay at karanasan ng mga taong aking nakilala. Mga karanasang nagpa-antig sa aking puso at tumatak sa aking isipan. Hayaan niyo akong ibahagi ito sa inyo sa isang paraan ng pagpaparangal at upang kapulutan rin ng gintong aral..... tulad ng buhay ni Dexter. Maligayang paglalakbay, kaibigan, hanggang sa muli nating pagkikita. (re4teraker@hotmail.com) - Mundong Dalisay, mula sa Pahina 7

SABAH, MALAYSIA -- Nagpahayag ng pangamba ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga balitang dahil sa brutal na pagtrato sa mga Pilipino, takot ngayon ang naghahari sa Lahad Datu at iba pang lugar sa Sabah. Isiniwalat ng mga Pinoy na dumating sa Sulu at Tawi-tawi mula sa Sabah ang tungkol sa pang-aabuso sa mga inosenteng Pilipino sa Malaysia. Ayon sa ulat ng isang pahayagan, nagsasagawa ang mga Malaysian police ng malawakang paghahanap sa mga tagasuporta ng grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III at walang habas diumano ang paninipa, panununtok at pamamalo na nagdudulot ng matinding takot sa mga Pinoy sa Sabah. Dagdag pa ng ulat, inuutusan daw ng mga miyembro ng Malaysian police ang mga Pilipinong tumakbo ng mabilis at walang habas namang pinapuputukan ng baril ang mga ito. Pinasinungalingan naman ng Sabah police ang mga balitang binubugbog at binabaril ng Malaysian security forces ang mga sibilyan, bilang pagsupil sa mga tagasunod ni Sultan Kiram.

Mula pa noong Biyernes, may tinatayang 750 na evacuees ang dumating sa Sulu mula sa Sabah. Inaasahan naman na may isang libo pang maaaring dumating sa mga susunod na araw. Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang maidokumento ang mga nasabing ulat para sa kaukulang pag-aksyon hinggil dito. Samantala, sinabi naman ni Simunul mayor Nazif Ahmad Abdurahman ng Tawi-Tawi na maaring magdeklara anumang oras ang naturang bayan ng state of calamity. Ito ay dahil na rin sa walang humpay na pagdagsa ng mga Pilipinong tumatakas mula sa Malaysia. Ani Abdurahman, kakailanganin ang nasabing deklarasyon upang makakuha ng pondo para sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga evacuees. Dagdag pa nito, kinakailangan din na magsimula ng mga livelihood programs para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dulot ng labanan sa Sabah.

Pagbuo sa QC Tourism Department, aprubado na Nilagdaan na ni Quezon City mayor Herbert Bautista bilang isang batas ang ordinansa na lumilikha sa QC Tourism Department (QCTD) na susubaybay at mangangasiwa sa pagpapalawig ng industriyang turismo sa QC. Kinailangan na likhain ng lungsod ang QCTD upang maipatupad ang hangaring maging isa ang QC sa premier tourism urban destinations sa bansa.

Sa pagbubuo ng QCTD ay inaasahan ang pagkakaroon ng barangay tourism councils upang mabigyan-daan ang tourism development sa mga barangay sa lungsod. Ang QCTD ay makikipag-ugnayan din sa pamunuan ng Parks Administration and Development Department sa lungsod upang mapangasiwaan ang national events na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Parks department ng QC. (RP)

kasam-bahay at kapit-bahay. Nariyan ang kamag-aral, tindera, labandera, promo girl. Higit sa lahat, nariyan ang mahal nating ina, ilaw ng tahanan. Paano mo naipamamalas ang paggalang at pagmamahal sa kanila? Naglilingkod sila sa buhay na hindi naghihintay ng kabayaran – pinasasalamatan mo ba sila? Nginingitian, binabati, binibigyan ng kabuluhan? Nakikiisa sa dalamhati, tinutulungan sa kanilang pag-durusa at kulang sa pag-unawa? Ang munting mundo ng bawat isa ay pulos may kababaihan. Tamang panahon ngayon ang magbigay-saya sa ilaw ng sariling tahanan, sa mga kababaihan ng sariling kapaligiran. *** Sa inang nagmamahal, bawat dukha ay dakila. Iyan ang makapag-aangat ng kalidad moral na pangkabuhayan: batayan ang ulirang ina sa paggalang sa sangkatauhan. - Cheerdance, mula sa Pahina 11

Beda para muling pagharian ang NCAA. Sinundan ito ng College of St. Benilde na nagtapos din sa pangalawang puwesto sa ikatlong diretsong taon. Ang St. Benilde ay nanalo sa taekwondo (men’s at women’s), table tennis at soft tennis para magtapos na may 502 puntos sa season. Nasa ikatlong puwesto naman ang San Sebastian College (423) habang nasa pang-apat ang UPHSD (388). Sinundan ito ng Arellano University (381), Letran (368), EAC (362), Lyceum (191), Jose Rizal University (137) at Mapua (133). Sa juniors division naman ay pinangunahan ng San Sebastian College na nakopo ang kampeonato sa ikaapat na diretsong season. Naungusan lamang ng SSC Staglets ng isang punto, 295294, ang pumangalawang Letran Squires sa overall tally. - Donaire, mula sa Pahina 12

Ang Quezon Memorial Circle ang isa sa mga tourist spots na matatagpuan sa lungsod.

lang 2012 Fighter of the Year ng Boxing Writers Association of America (BWAA) matapos ang isang nakabibilib na kampanya sa nakalipas na taon. Apat na beses siyang lumaban sa title fight at apat na ulit din niyang pinatumba ang kanyang mga kalaban kabilang si Jorge Arce ng Mexico sa 122-pound division ng World Boxing Organization (WBO) nitong Disyembre. Inumpisahan ni Donaire ang 2012 sa pag-angkin sa WBO super bantamweight crown laban kay Wilfred Vazquez Jr. ng Puerto Rico noong Pebrero 4. Sinundan niya ito ng unanimous decision win kontra Jeffrey Mathebula ng South Africa para makuha rin ni Donaire ang korona sa International Boxing Federation noong Hulyo 7. Ang sumunod na biktima ni Donaire ay si Toshiaki Nishioka ng Japan na kanyang pinatulog sa 9th round noong Oktubre 13 at tinapos nga niya ang magandang taon sa pagkuha ng 3rd round knockout victory kay Arce nitong Disyembre. Bibigyan din ng major award ng PSA ang iba pang world boxing champion na sina Brian Viloria, Johnriel Casimero, Donnie Nietes at Sonny Boy Jaro gayundin sina Baler Ravina at Mark Galedo ng cycling, Tony Lascuna at Dottie Ardina ng golf, back-to-back Milo Marathon queen Mary Grace Delos Santos, Mark Caguioa ng Barangay Ginebra at Bobby Ray Parks Jr. ng National University Bulldogs sa basketball, at ang star driver na si Vincent Floirendo. Pararangalan naman bilang Executive of the Year si commissioner Chito Salud ng Philippine Basketball Association.


editoryal

6

MARSO 12-18,2013

OMNIBUS communications for asia foundation inc. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc. You can reach us through the following: Mobile number: +639064992537 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: www.tapatPH.com All rights reserved 2013

Editoryal

Parang hindi Pinoy si Pnoy

Mula noong nakaraang Martes, tuloy-tuloy ang pang-bo-bomba ng Malaysian security forces sa Lahad Datu sa Sabah upang hantingin ang mga taga-suporta ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III. Nakakalungkot isipin na may mga Pilipino ngayon na maaaring sa mga oras na ito ay binabawian na ng buhay. At ang mas nakakalungkot ay namamatay sila dahil tila tinalikuran na sila ng mga tao na dapat unang nagbibigay ng proteksyon sa kanila.Tama bang sabihin ng isang pangulo na hindi niya isasangkalang ang relasyon ng bansa sa Malaysia nang dahil lamang sa iisang pamilya? Matatandaan na noong 1995, sa kabila ng personal na pakiusap ni dating pangulong Fidel V. Ramos, tuluyang naisakatuparan ang hatol na kamatayan kay Flor Contemplacion na sinasabing guilty sa pagpatay kay Delia Maga. Nagluksa ang buong bansa at kaisa ng mga Pilipino ang Pangulo sa isyung ito. Sa mga nangyayari sa Sabah, iisa rin ang damdamin at nais ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino na naipit sa kaguluhan sa lugar na iyon ay dapat bigyan ng proteksyon ng ating pangulo kahit pa iisang pamilya lamang at mga sundalo nito ang kasangkot. Ang tugon na nararapat mula sa pangulo ay

“Malinaw na ang layunin ng pangulo ay ang panatilihing maayos ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at bansang Malaysia kung kaya’t tila binabalewala ang himutok ng ating mga kababayan.” hindi ang pananakot na sila ay kakasuhan. Mula nitong Lunes, marami na rin sa ating kababayan ang nagsiwalat ng pangaabuso sa mga Pinoy mula sa kamay ng mga Malaysian police. Hindi talaga malayong mangyari ito. Kung ang sarili nga nating pangulo ay tila bulag, pipi at bingi sa hinaing ng mga Pilipino sa Sabah, ano pa ang aasahang proteksyon kung siya mismo nangangahas na pagbantaan ang sariling ka-

babayan? Malinaw na ang layunin ng pangulo ay ang panatilihing maayos ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at bansang Malaysia kung kaya’t tila binabalewala ang himutok ng ating mga kababayan. Ito ay dahil naging malaki ang papel ng Malaysia upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng GRP (Pilipinas) at MILF. Kung baga sayang ang achievement nga naman, mga kababayan.

Hindi na kaila sa atin ang isyu ng habol ng Pilipinas sa Sabah; matagal na rin itong ipinaglalaban ng ating bansa. At nakababahala na mismong pangulo pa ang mukhang tumatalikod sa isyu. Hindi na rin kataka-taka na sabihin mismo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na parang hindi Pilipino si Pnoy. Hindi na rin bago ang sablay na desisyon ng pangulo. Nangyari na rin ito noon kung saan pinaatras niya ang ating barkong pandagat mula sa Scarborough Shoal at hanggang ngayon, hindi na natin pa mabalikan dahil tuluyan nang binabantayan ito ng bansang China. Marami ang nagtatanong sa ating kababayan: bakit tila iba ang ating pangulo sa kanyang ina na noon ay nagbigay ng pagkilala sa mga batang nasa sinapupunan kumpara kay Pnoy na sang-ayon naman sa maaaring banta sa buhay ng sanggol sa sinapupunan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng RA 10354 o RH Law? Bakit tila iba ang ating pangulo sa kanyang ama na si Ninoy na ibinuwis ang kanyang buhay para sa bayan? Talaga nga bang tapos na ang pagmamahal ng mga Aquino sa mga Pilipino? Tuluyan na nga bang naabo ng yosi ang pagmamahal sa ating lahi, sa bawat Pilipino, maging Muslim man o Kristiyano?


MARSO 12-18,2013

opinyon

TABI PO… Melo Acuña

Ganoon nga ba? Maraming salamat po. Nagpapasalamat po ako sa paanyayang sumulat sa pahayagang ito. Ang napili ko pong pamagat ay Tabi po… ang kinagawiang pagbati kung naglalakad sa ilang ang nangangambang baka makatapak ng mga ‘di nakikitang nuno sa punso at iba pang mga lamang lupa. *** Kamakailan po ay nakinig ako ng mga talumpati at talakayan sa ikalawang anibersaryo ng Arangkada Philippine Forum na may temang “Realize the Potential!” na tila ba nagsasabing sige pa, bilisan mo pa upang umabot ang bansa at mga mamamayan

sa mga kalapit-bansa sa timog-silangang Asia. Sa likod ng mga balitang natamo ng Pilipinas ang 6.6% na kaunlaran sa Gross Domestic Product noong nakalipas na taon, napuna ng mga taga Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines na mataas pa rin ang bilang ng mahihirap sa bansa. Hindi na ito nabawasan, nadagdagan pa ‘di tulad ng mga kalapit bansa. Sa kanilang pananaw, ang pangmatagalan at malawakang kaunlaran ang siyang susugpo sa kahirapan tulad ng Singapore, Korea, Thailand at Malaysia. Napuna rin nila na ang Indonesia ay may lumalagong

REPORTERAKER Yen Ocampo

Takbo para kay Dexter Sumali ako sa Color Manila Nite Run na ginanap sa Bonifacio Global City noong Pebrero 23. Gusto ko lang sanang mag-unwind, pampaalis stress, maglibang... Pero hindi ko akalain na ang takbo kong iyon ay iaalay ko pala sa isang kaibigan. Mga around 10:00am nung Sabado ring iyon, nag-text ang kaibigan kong si Benay: ‘Lider ng Boracay Ati Tribal Organization, Pinatay.’ Ang tinutukoy niya ay si Dexter Contez, 26 taong gulang at isang aktibong lider ng mga ‘Boracay Ati’ o ng mga katutubong naninirahan sa Boracay. Si Dexter ay binaril ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan habang

patungo sa kanilang lupaing ninuno sa Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island noong Pebrero 22. Base sa ulat, si Dexter ay galing sa isang pulong ng mga religious organization na masikhay na sumusuporta sa mga Boracay Ati, at ng siya ay pauwi na doon nangyari ang malagim na trahedya. Nagtamo si Dexter ng 6 na bala sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Nakakalungkot isipin na ang isang katulad ni Dexter na masugid na nangangampanya upang mapasakanila ang lupaing ninuno na matagal na nilang pinaglalaban, ay walang awang pinatay.

middle class.

7

*** Nabanggit nga pala ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. na umaasa silang makapagbibili ng 200,000 bagong sasakyan ngayong 2013. Higit sa 100,000 ang kanilang naipagbili noong 2012. Subalit sa Indonesia ay umabot sa 1 milyon ang bilang ng mga sasakyang naipagbili. Kung isasama ang mga sasakyang dumaan sa Subic at Cagayan, lalabas na mas maraming segundamanong sasakyan ang binili ng mga Pilipino. Kailan na lang ba dumating ang mga bagong sasakyan sa Cagayan? Bago pa naluklok si ngayo’y dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo ay pumasok na ang mga reject sa ibang bansa na naipagbili sa murang halaga. *** Ano kayang kahihinat-

nan ng mga taga-sunod ng Sultan ng Sulu? Matapos magkaroon ng sampung nasawi at ilang mga sugatan, kasama na rin ang mga nadakip, may haharapin pang usapin ang makababalik sa Pilipinas. Sa aking pagkakaalam, matagal nang nagbabayad ng upa ang Malaysia sa mga tagapagmana ng Sultan ng Sulu sa halagang P77,000.00 taun-taon. Ibinigay ito ng Sultan ng Borneo sa Sultan ng Sulu bilang pasasalamat sa tulong na ipinarating sa mga taga-Borneo. Sa aking pakikinig kay Prop. Clarita Carlos ng University of the Philippines, sinabi niyang noong mangako si Pangulong Diosdado Macapagal noong 1962 na tutulungan ang tagapagmana ng Sultan ng Sulu, ginawa niya ito sa ngalan ng Republika ng Pilipinas at hindi basta lamang pangako ng sinuman.

Hindi na maibabalik pa ang buhay ng mga nasawi. Iwasan na lamang sana ng magkabilangpanig na magkaroon ng anumang sagupaan at hindi makatutulong sa magkabilang-panig. Nawa’y magkaroon ng kalutasan ang alinmang sigalot sa pagitan ng mga taga-Malaysia at mga kabilang sa Sultanate of Sulu.

Si Dexter ay pinatay dahil isa siya sa mga lumaban sa mga may kapangyarihan sa lokal upang huwag i-commercialize ang lupaing tinitirhan ng mga katulad niyang katutubo. Si Dexter na aking kaibigan na nakitaan ko ng kasikhayang kumilos para ipaglaban ang kanilang karapatan ay walang awang pinatay ng mga ganid at gahaman sa pera at kapangyarihan. Bago ang krimen, marami nang insidente ng harassment kina Dexter, tulad ng dati, nire-report naman nila ito pero walang nangyayari sa kaso. May isang gabi pa nga na may pumaradang mga nakavan sa mismong tinitirhan ng mga katutubo sa Brgy. Manoc-manoc, may dalang mga baril na mahahaba at sinabihan silang umalis na roon. Ang malupit niyan, nagpakilala ang mga lalaking iyon na mga local government officials na inutusan diumano ng

isang pribadong kumpanya na gustong kamkamin ang lupa. San ka pa! Nakasama ko si Dexter nang mag-cover ako ng ‘2012 Padyak para sa Katutubo at Kalikasan’ sa Boracay. Doon ko rin unang narinig ang mga hinaing ng mga ninuno natin. Sino ba naman ang makakalimot kay Dexter—isang Ati lider na umiiyak at nagmamakaawa na ibigay na ang lupang para naman sa kanila habang misa noong 2012 Indigenous Peoples Sunday. Sa totoo nga niyan ang larawan at video ni Dexter ay hindi ko pa inaalis sa aking tablet, dahil tumimo sa aking isipan ang kanyang mga tinuran... pero hindi ko rin akalain na may paggagamitan ako nito sa ibang paraan. Naiwanan ko pa nga rin ang paborito kong jacket sa kanila. Maraming kwento si Dexter sa akin tungkol sa pagsikil ng karapa-

tang pang-tao ng mga katutubo. Ang kwento ni Dexter ay hindi na bago, maraming insidente ng pagpatay sa mga lider ng manggagawa, magsasaka at katutubo. Kalimitan sa mga ito ay sa kanayunan. Nasaan na nga ba ang hustisya? Mali pala ang tanong ko, dapat ay… meron pa bang hustisya? Ilang lugar pa ba sa Pilipinas ang tila paraiso pero may mga mababangis na hayop na nagkukubli… Kasabay ng pagtipa ng aking mga kamay ay ang hindi mapigilang pagluha, para sa isang taong nakasama ko sa sandaling panahon pero nag-iwan ng matinding marka ang mga salita at kilos na ipinakita niya. Ang opening sargo ng column na ito ay alay ko sa iyo, Dexter. Ang iyong pagkawala ay hindi katapusan ng iyong mga naumpisahan, bagkus ito ay isang simula para mas lalong paigtingin ang iyong

*** Mayroong nagtatanong kung ano raw ang hinahanap ko sa mga kandidato sa pagka-senador sa darating na Mayo 13, 2013. Ang sabi ko ay naghahanap ako ng mga taong may potensyal na maging leader. Karamihan kasi nang nahahalal ay mga dealer kaya hindi umuusad ang ating bansa. Hanggang sa uulitin. Sa inyong reaksyon at mga mensahe, ipadala po sa acunamelo@ gmail.com. Maraming salamat po!

- Pahina 5

MUNDONG DALISAY Jenny Bermudez

Bagong sulong,bagong landas ng kababaihan Sale na naman sa SM. Hindi naman Pasko, at lilipas pa ang Semana Santa bago mag pre-summer sale. Subalit usapang madla ang Millennium Development Goals at tila lahat ng kandidatong pampulitiko - gayon na rin ang ating shopping malls - ay nagnanais makipagdiwang sa Buwan ng Kababaihan. Tamang panahon upang magbigay-saya sa mga hiyas ng bansa! *** Hindi maipagkakaila na aktibo ang kababaihan sa Kongreso at puwestong pampulitiko. Sa katunayan, 21.4% ng ating lehislatura ay binubuo ng kababaihan, mas mataas sa global average na 18% na naitala noong 2009 ngunit malayo pa sa inaasam na 50% sa kalawakang mundo. Gayunpaman, namasdan ng pangkaraniwang kabataan na “benchwarmers” lamang ang karamihan sa kanila… May katotohanan ba ito? Ang mas positibong panukala at aksyon mula sa mga dilag natin sa gobyerno ang patuloy pa ring idiniraing ng mga feministang Filipina… *** Madaling sabihin, madaling paniwalaan na api sa bansa ang ating mga kababaihan. Suriin natin ang ilang dato: ayon sa Newsweek 2011, kinikilala ang bansang Filipinas bilang “pinakamagandang lugar sa Asya para sa mga kababaihan.” Sinabi rin ng MDG Report na pantay-pantay ang pagkakataon ng mga kalalakihan at kababaihan sa pagkamit ng edukasyon sa mababa at mataas na antas: nakapagaaral, nakapagmamay-ari, at nakapagtataguyod ng suliraning pampamilya at panlipunan ang kababaihang Pinay. Higit pa – mas nakararami ang kabataang babae sa lalaki ang nakapagtatapos sa pamantasan. Masdan mo nga naman sila – may dangal at karapatan na iginigalang ng karamihan. Ngunit bakit patuloy ang sigaw ng aktibistang feminista, paulit-ulit ang hinaing at hinagpis: “Dukha at kahirapan ay nakaukit sa mukha ng kababaihan”? *** “Parang bagyo” ang kasabihan. Minsan mainit, minsan malamig; kamakaila’y mabigat ang patak ng ulan na para bagang Hunyo, hindi Marso. Ganyan rin ang kababaihan. Ganap na hindi mauunawaan ang pangkalahatang pagkatao kung estadistika lamang ang pag-uusapan. Malawak ang puso, matarik ang kaisipan, at malalim ang kabutihan ng ulirang Pinay. Malaking bagay ang akses sa kalusugan at karunungan na siyang ipinaglaban sa Kongreso kamakailan – salamat! Malaki ngunit di sapat ang MDG kung hindi nito bibigyang pansin ang kalidad moral na pangkabuhayan. Hindi tapat ang suliraning nilulutas ng mga dayuhan at United Nations para sa progresong pambansa. Nasaan ang pag-asa? Sa bawat isa. Kung nais mo ng mundong dalisay na gumagalang sa dangal at talento ng kababaihan, mangyaring tumakbo ka rin sa pagtingala ng kalidad moral ng bansa. *** Isang angkop at pinagmumulang batayan ang uri ng pagturing natin sa bawat kababaihang kilala sa buhay. Nariyan si ate, kapatid, bunso, lola, pinsan, - Pahina 5


tampok

8

MARSO 12-18,2013

Libreng lunas sa sakit? Sa kusina ang takbuhan! Ni JANDEL POSION

L

Luya

unas na ‘di mahal ang hanap mo? Pwes, hindi ka na kailangang maghanap sa ma• Isang sinaunang pampalasa layo o bumili sa drug store. Kung na ginagamit din sa kanyang sipon, ubo, sakit ng ulo, sirang katangiang nakapagpapatiyan o pamamaga man ang kaso, gamot, libong taon na ang malamang may mahahanap kang nakararaan lunas sa sarili mong kusina. May • Ginamit nga mga Griyego mga sangkap sa ating mga pagkain para matunawan at ng mga na maaring magamit bilang natuIntsik para sa pagkalula ral na lunas para sa mga karaniwang karamdaman at impeksyon. Itong mga sangkap na nagbibigay Epektibong lunas para sa: • ubo at sipon ng sustento sa ating katawan ay • pagduduwal at pagkahilo nakagagamot rin at maaring ku• sakit ng ulo milos upang suportahan ang natu• sira ng tiyan ral na mekanismo ng katawan. • pamamaga • mataas na antas ng kolesterol Dahil ligtas, mabisa at madaling • fungal infections ihanda, ang mga remedyong erbal galing sa kusina, hindi magiging sanhi ito ng malalang epekto gaya Nakagiginhawa ito lalo na sa ng antok, pagtatae, allergy at pag- mga may sipon, ubo, sore throat kapagod. Heto ang dalawa sa mga at sira ng tiyan bilang tsaa, o salnatural na remedying makatutu- abat. Putulin ang isa o dalawang piraso ng luya at balatan para mas long sa iyo:

“Ang init ng panahon.” “Wala akong kasama.” “Ang boring.” “Bibili pa ko ng sapatos na gagamitin.” “Malayo ‘yung gym/ campus/court sa amin.” “Magastos.” Mga halimbawa ito ng mga da-

hilang ibinibigay kapag kailangan ngunit ayaw mag-exercise. Tinatamad ka lang ba? Hayaan mo—may mga praktikal na paraan kung paano ka gaganahan at hindi mawawalan ng gana sa pag-ehersisyo. Sabi ni Ron Araneta, opisyal ng Philippine Navy na “self motivation,” o ang pagganyak sa sarili ang technique. Ang mag-set ng goal para sa iyong sarili ang kinakailangan, sabi pa ng ibang kasama niya. Kahit ba ‘yon ay ang target mong timbang, o kaya ay isang napag-tripang pustahan, o di kaya ay ang pagsagot ng nililigawan mo, ang importante ay mayroon kang layunin kung para saan ang ginagawa mo. Ito ang magtutulak sa iyo para determinado kang tapusin ang iyong sinimulan.

Bawang • Kilalang isang alternatibong

nakasisigurong malinis. Pakuluan ito, at ang sabaw ay inumin. Dahil maanghang ang salabat, maaaring lagyan ng kaunting kalamansi o asukal para mas madaling inumin.

Walang gana mag-exercise? Ito ang kailangan mo!

Ni MICHELLE S. NICOMEDES

Ibahin ang iyong pananaw. Itigil na ang pag-iisip ng “hindi ko ‘to kaya” dahil kaya mo ‘yan! Sabi nga ni Cyrian Agujo, isang regular na nag-e-ehersisyo, “Magpapatalo ba ako sa katamaran? Tsaka pag nakikita ko ang picture ko dati na para akong stick insect [mas lalo pa akong ginaganahan mag-ehersisyo].” Maganda rin ang magpaskil sa lugar na palagi mong makikita ng mga larawan mo noon bago ka nagsimulang mag-ehersisyo, dahil dito, makikita mo ang dahilan kung bakit ka nagsimula at ano ang gusto mong marating. Ayusin ang iskedyul. Sabi ng isang regular na basketbolista na si Dicktracy Nicomedes, “Oras muna ang uunahin. Kung wala kang maayos na oras, paano ka mag-e-exercise?” Dapat ay meron kang sapat na oras para sa pag-e-ehersisyo at pagpapahinga, para wala kang dahilang umayaw. Mag-enjoy!

Paano nga ba hindi tatamarin sa pageehersisyo? Magkaroon ng pangunahing layunin. Kailangan ay mayroon kang isang matinding layunin na gusto mo talaga patunayan. Ang sabi naman ng nakausap naming regular na nageehersisyo na si Raymond Go, “Syempre dapat may goal ka na maging healthy.”

Photo: Alessandro Paiva

lunas ng higit limang siglo na • Naglalaman ng antioxidants at mayaman sa bitamina C ilagay sa tubig, dagdagan ng isang at B6, kalsyum, mangganeso, kutsaritang suka, at pakuluan ito. posporus at siliniyum. Matapos ay magpa-steak para malanghap ang tinimplang bawang at Epiktibo bilang: suka sa mainit na tubig. • pamatay sa lamok Rayuma at sakit ng ngipin: • natural na antibiotic Durugin lamang ang ilang clove • panggamot sa sipon, ng bawang at ilagay sa bahagi ng lagnat,respiratory infections, katawang apektado mataasna antas ng kolesterol, Sakit ng ulo: Durugin ang bloodclots, pagtatae, rayuma, isang clove ng bawang at ilagay sa acne tela or manipis na bimpo matapos initin o pakuluan. Ilagay sa Para sa lagnat: Magpakulo ng da- magkabilang temples o sa kaliwa’t hon ng bawang at ipahid sa kata- kanang bahagi ng ulo, sa pagitan wan at ulo. ng tainga at mata. Ubo, sipon, sakit sa lalamuKagat ng insekto, Durugin o nan, pamamalat, at hika: Du- hatiin ang bawang at ikiskis sa barugin ang isa o dalawang bawang, hagi ng katawan na apektado.

INSTANT DUMBELLS! Di na kailangang bumili – i-recycle mo lang ang mga bote ng mineral water, juice o iced tea at lagyan ng mga bato. Meron ka nang gagamitin pang-exercise, nakamura ka pa!

“Make it fun!” payo ni Kelvin Mateo, isang mixed martial arts athlete. Kahit nahihirapan na, mag-enjoy ka pa rin at bale-walain ang mga naiisip na “ang hirap naman, ayaw ko na” dahil wala kang matatapos kung ganyan. Dapat lahat magaan; huwag masyadong seryosohin! Siyempre, unang-una ay pumili ka ng sport o aktibidades na gusto mo na talaga o kaya gusto mong matutunan.


MARSO 12-18,2013

tampok

9

Bakit okey na okey ang natural pagdating sa kalusugan at sa buhay mag-asawa?

N

apakagaling ng likas na kundisyon ng katawan ng tao – basta’t alagaang mabuti, ingatan ang uri at dami ng kinakain, bigyan ng sapat na ehersisyo at pahinga, iwasan ang anumang uri ng dumi o pollution, at makikita ang resulta sa iyong kalusugan. Sayang naman kung sa kabila ng effort na panatilihing maganda ang kalusugan natin, sisirain natin dahil lang hindi tayo pamilyar sa mga masamang epekto ng mga kemikal na nasa mga tinatawag na birth control drugs o kontraseptibo – pills man o isinasaksak sa pamamagitan ng injection. Sabi ni Dr. Rene Bullecer, isang manggagamot na higit sampung taon nang nagtuturo sa mga babae tungkol sa katawan at kung paano ito sinisira ng pills, na kailangang ipaalam sa mga babae hanggan’t maintindihan nila ang mga dulot ng paglagay ng mga di-kailangang kemikal sa katawan.

Bakit iinom pa ng artipisyal kung mayroon nang natural sa katawan?

“Palagi kong sinasabi sa kanila: ‘Mayroon ba kayong hormones sa katawan niyo? Mayroon ba kayong estrogen?’ Sagot nila, ‘Yes, sir.’ ‘Progestin, mayroon ba sa katawan ninyo?’ ‘Yes, sir.’ ‘So

ang paraan ng pagpapaliban ng pagdadalantao, heto ang kasagutan: mayroong tinatawag na natural family planning o NFP. Safe dahil walang ginagamit na mga drugs o mga kasangakapan kaya’t walang side effects; libre, dahil walang bibilhing anuman, at nakakapag-yabong pa ng relasyon ng mag-asawa. “Pinapayaman ng NFP ang komunikasyon at pagkakaintindihan ng magasawa,” ani Willy Jose na NFP trainor. “Ang mga may NFP lifestyle ay mas may konsiderasyon sa kanya-kanyang equilibrium dahil pinag-uusapan nila madalas ang kalaguan o fertility at sinusubukang intindihin ang bawat isa. Ang pananaw ng mga gumagamit ng contraceptives hinggil sa kasal o pagsasama ng mag-asawa kadalasan ay simpleng pagtatalik lang – sa babae, na matapos na, at sa lalaki naman, isang pagnanasa na kailangang makuntento kung kalian man niya gusto,” paliwanag ni Jose, na Family and Life Ministry Vicariate Coordinator for the St. Joseph Vicariate under the Cubao Diocese. Dahil ang buhay mag-asawa at lahat ng kasama dito – pagpapasya, pagpapalaki ng mga anak, pang-araw-araw na mga reKapaligiran o ecology: hello sponsibilidad – ay isang partnership, mahalaga na si mister at si misis ay parehong natural, goodbye artificial mag-attend ng NFP seminars dahil ito’y Kung akala mo ay kontraseptibo lang pinagtutulungan, paalala ni Jose. bakit pa kayo iinom ng mayroon na pala kayo sa katawan niyo? At artificial form pa ang linalagay ninyo sa katawan niyo – hindi tunay. Nagtatangka lang ang [synthetic hormones] na ito na gayahin ang natural na nasa katawan niyo,” kwento ng duktor. Marahil ay hindi nasabi ng komadrona o ng barangay health worker sa mga kababaihan, “pero bilang isang duktor ng medisina, sinasabi ko sa iyo na ayon sa pagsasaliksik at sabi na rin ng International Agency for Research on Cancer (IARC) – na nasa ilalim ng World Health Organization (WHO) – noong July 2005, ang mga oral contraceptive pills, kasama ang DepoProvera at IUD… ay Class 1 carcinogenic,” iginiit ni Bullecer. Ang ibig sabihin ng Class 1 ay maaari itong magdulot ng kanser, tulad ng sigarilyo, paliwanag ng manggagamot. “Ayaw natin ng basura, ng dumi sa mga ilog natin dahil nasisira ang kapaligiran ECOLOGY. Unang-una kailangan nating isipin ito – ang pinakamahalagang kapaligiran ay ang katawan ng babae, at ang number one na nakakarumi nito o pollutant ay ang mga artificial contraceptives,” dagdag pa niya.

Saan pwedeng matuto tungkol sa Natural Family Planning? John Paul II Natural Family Planning Center

San Carlos Pastoral Formation San Carlos Formation Complex, EDSA, Makati City Tel. No. 896-0607/ Mobile No. 0906-2129110 Email: familyandlifeministry@yahoo.com

St. Gerard Family Life Center

Nat’l Shrine of our Mother of Perpetual Help Redemptorist Baclaran, Paranaque City Tel. No. 851-5770

Pro-Life Philippines Foundation San Lorenzo Ruiz Student Catholic Center 2486 Legarda St., Sampaloc, Manila Tel. No. 733-7027/ Mobile Nos. 0919-2337783, 0932-8776593 Email: life@prolife.org.ph

Family and Life Ministry – Cubao Diocese

Coordinator: Bessie Rivera Mobile No. 0922-8917896

Serve Life CDO

Unit 1, 2nd floor, Borromeo Bldg. Daumar St., Cogon, Cagayan de Oro City Mobile No. 0917-7022111 Email: servelifecdo@yahoo.com.ph

Mga natural na deodorizer

K

ung amoy sigarilyo ang kwarto, o umaalingasaw ang amoy ng bagoong sa buong bahay, may natural deodorizer na maaaring gamitin. Pwede namang mag-spray na lang ng aerosol air fresheners, pero iba na ang natural:

alam mo ba... … na mas mainam magjogging sa lupa o damo kaysa sa aspalto at semento? Mas malambot ang

lupa at damo pagbagsak ng mga paa mo – ramdam na ramdam naman ito, hindi ba? Shock absorption ang pinag-uusapan dito, at dahil sa tigas ng semento o aspalto, ramdam ng buong katawan mo ang impact kapag tumatakbo ka sa ganitong kalye o track oval – ang likod mo, pati ulo, pero ang mga

ULING Maglagay ng dalawa o tatlong piraso sa platito o takip ng garapon at iwanan sa kuwarto. Ma-atuhod ang pinakatumatanggap ng absorb nito ang mabahong amoy impact ng bawat hakbang sa iyong makaraan ang ilang oras. pag-jogging, ayon kay Dr. Manuel Sison ng Philippine Orthopedic SUKA Association. Kahit sukang paumbong o ano Dagdag pa niya, nakakatulong mang uri ng suka ang mayroon ang mga makabagong sapatos na sa kusina, maglagay ng kaunti sa pantakbo dahil sa disenyo nito isang tasa at iwanan sa kwartong pagdating sa shock absorption, nangangamoy. Maya-maya ay pero kung may pagpipilian na- wala na ang amoy na nakagagamang tatakbuhan, mas mabut- mbala sa ‘yo. ing damo o lupa na lang kaysa sa matigas na mga surface tulad ng BAKING SODA semantado o aspaltadong lugar. Kung nangangamoy naman ang Para na rin sa iyong kalusugan ito.

carpet o kaya tela ng sofa, lagyan ito ng baking soda at iwanan ng mga kalahating oras hanggang isang oras. Matapos nito ay i-vac-

uum para mawala ang baking soda. Kung wala namang vacuum cleaner na magagamit ay pagpagin mo na lang ng maigi ang carpet o sofa.


ads

10

MARSO 12-18,2013

TAPAT HIRING ACCOUNT EXECUTIVE

- Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality

Email your resumes to: info@omnibusmediagroup.com

Libreng Pa-Greet!

Kahit saan man siya naroroon, abot siya ng text mo...Kaya, i-text mo na ang libreng greetings mo -pa-happy birthday, pa-hi, congrats -sa 0932-1469436.

Binabati ko po ung mga sfc sa quezon wb3a (^^,)tsk musta.. hahaha - mula kay Cristian Caliwag ng Quezon City Happy Priestly Ordination Anniversary Bishop Pol Jaucian, SVD, DD.More fruitful years Apo! - mula kay Jetrix Tenebro ng Bangued hello richie : ) we miss you here! pasalubong ng milk tea : ) see you soon manong richie! : ) take care.. - mula kay Lui Maddela ng Quezon City Pra kay Tatay Soviet ag Nanay Christine ag sa ang mga manghod nga si Venice ag Lakan, nga ro pinaka palangga ko nga pamilya. ag para kay Marco Parce, nga uwa gid nagpundo it pati kang. - mula kay Annyka Dela Cruz ng Kalibo, Aklan

Mabuhay ang bagong kasal! Edwin and Janice Garcia - mula kay Diana Chua ng Baguio City Congratulations to the Diocese of Legazpi for having a Congress of Faith last March 8-9 successfully, kudos to Bp.Bong and to all the priests and lay workers! Padagos an Misyon! mula kay Angel Basco ng Legazpi City Advanced happy Anniversary Ghie! I love you very much! - mula kay Saab Dizon ng Mandaluyong City

Happy 100th birthday, tio isauro! sori hindi kami makapunta jan pra maki-party. luv, yang2 - mula kay Yang2 ng Quezon City Hapi graduation sa pinsan kong napakagwapo na si Owie! Engr ka na! Palibre naman - mula kay April ng Sta. Rosa, Laguna Mga kabataan, sama sama tayo makilahok sa susunod na halalan. - Mga PPCRV Volunteers


MARSO 12-18,2013

sports

11

Ika-6 diretsong panalo pakay ng Rain or Shine

Tila desidido ang Rain or Shine na makabalik sa championship round ng Philippine Basketball Association (PBA). Sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup ay nakapagtala na ng limang diretsong panalo ang

Elasto Painters para iangat ang kanilang kartada sa 5-1 at sa Miyerkules, Marso 13, ay susubukan ng Rain or Shine na matuhog ang ikaanim na panalo. Ngunit hindi ito magiging madali para sa 2012 Governors Cup champion dahil makakasagupa ng koponang minamanduhan ni coach Yeng Guiao ang Talk ‘N Text ni coach Norman Black. Bagaman hindi maganda ang simula ng Tropang Texters ay kinukunsidera pa ring paborito at hindi maaaring balewalain ang reigning Philippine Cup champion. Nitong Sabado, sa out-of-town game ng liga sa Legazpi City ay dinaig ng Talk ‘N Text ang Barako Bull, 101-98, para iangat ang baraha nito sa 3-3. Sa larong ito ay pinangunahan ni Rabeh Al-Hussaini ang Tropang Texters sa kanyang iniskor na 19 puntos habang sinuportahan naman siya nina Larry Fonacier at Jason Castro na kapwa umirit ng tig-18 puntos. Inaasahan ni coach Black na patuloy na maglaro ng mahusay ang tatlong ito sa Miyerkules kasabay nina Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo. Gayunman, umaasa si Black na manunumbalik sa Mi-

yerkules ang laro ng import nitong si Donnel Harvey na kumana lamang ng walong puntos noong Sabado. Kung nahirapan si Harvey na umiskor laban sa Barako Bull, lalong mas mahihirapan siya kontra Rain or Shine na kilala sa matinding depensa. Makakatapat ni Harvey ang 7-foot-3 import ng Elasto Painters na si Bruno Sundov. Sa huling laban ng Rain or Shine nitong Biernes ay dinaig nito ang GlobalPort, 103-95. Sa larong iyon ay humakot ng 17 puntos at 16 rebounds si Sundov habang si Chris Tiu ay humirit ng career-high 16 points kabilang ang 10 puntos sa fourth quarter. Bilang pantapat ni coach Guiao sa matinding local line-up ni Black ay aasa rin siya sa mga players niyang sina Jervy Cruz, Gabe Norwood, Jireh Ibanez, JR Quinahan at Paul Lee. Sa isa pang laro sa Miyerkules ay magsasagupa ang Barako Bull at Meralco Bolts. Puntirya ng Barako Bull na maputol na ang kanilang 3-game losing skid habang nais namang palawigin ng Meralco sa tatlo ang kasalukuyang winning streak nito.

Game Schedules Mga Laro sa Martes (March 12) (San Juan Arena) 12 p.m. Cebuana Lhuillier vs Boracay Rum 2 p.m. Jumbo Plastic vs Fruitas Shakers 4 p.m. Big Chill vs NLEX

Mga Laro sa Miyerkules (March 13) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Barako Bull vs Meralco Bolts 7:30 p.m. Rain or Shine vs Talk ‘N Text

Mga Laro sa Biernes (March 15) (Ynares Center, Antipolo) 5:15 p.m. SanMig Coffee vs Meralco Bolts 7:30 p.m. Alaska Milk vs Air21 Express

Editor, MENERE RICAMATA NASIAD

NLEX uumpisahan ang kampanya para sa ika-5 diretsong titulo sa D-League Simula nang mabuo ang liga noong 2010 ay tanging NLEX Road Warriors pa lamang ang nakakatikim ng kampeonato sa PBA D-League. At sa pagbubukas ng ikalima nitong conference sa Martes, March 12, ay bubuksan din ng NLEX ang kamapanya nito para sa ikalimang sunod na titulo. Ngunit hindi ito magiging madali, sabi ni NLEX head coach Boyet Fernandez, dahil nagpalakas na rin ang iba pang mga koponan at tiyak na ang Road Warriors ang kanilang pupuntiryahin sa PBA DLeague Foundation Cup. Dagdag pa sa pahirap sa NLEX ay ang tatlong bagong koponan na sasali sa liga umpisa sa conference na ito. “This will be a very exciting and competitive conference. With three new teams joining the league, defending the crown will be tough,” sabi ni Fernandez. Ang tinutukoy ni Fernandez ay ang paglahok sa liga ng Hogs Breath Café, Jumbo Plastic at EA Regen Medical Group Inc. Bukod sa NLEX ay nagbabalik din sa liga ang Big Chill, Blackwater Sports, Boracay Rum, Café France, Cebuana Lhuillier, Fruitas Shakers, Informatics at Cagayan Valley na hindi man lang nakatikim ni isang panalo sa Foundation Cup noong isang taon ngunit

Team Standings W Alaska 6 Rain or Shine 5 Petron 5 Talk ‘N Text 3 Meralco 3 Barako Bull 3 SanMig Coffee 3 Air21 2 Ginebra 2 GlobalPort 2

L 1 1 2 3 3 4 4 5 5 6

pumasok sa finals ng katatapos na D-League Aspirants Cup. Binigo ng NLEX ang Cagayan sa best-of-three finals, 2-0. Sa unang tatlong conference finals ay umiskor din ng 2-0 sweep ang NLEX laban sa Cebuana Lhuillier (2010-11 Foundation Cup), Freego (2011-12 Aspirants Cup) at Big Chill (2011-12 Foundation Cup). “The just concluded Aspirants’ Cup saw the rise of new stars and new rivalries. I expect no less this conference. The Foundation Cup, with three new teams taking part, promises to be as thrilling and exciting,” sabi naman ni PBA Commissioner Chito Salud. Sa unang araw ng 2012-13 Foundation Cup ay agad na sasabak sa aksyon ang NLEX na mapapalaban kontra Big Chill. “We just have to continue to outwork everyone and be ready every game so we can give our team a chance to defend the crown,” dagdag pa ni Fernandez. Ang elimination round ng Foundation Cup ay single round robin at ang mangungunang dalawang koponan ay awtomatikong aabante sa semifinal round. Ang No. 3 at No. 4 teams naman ay magkakaroon ng twice-tobeat advantage laban sa No. 6 at No. 5 teams sa quarterfinal round. Ang semifinal round at ang Finals ay magiging best of three series pa rin.


sports

12

MARSO 12-18,2013

Editor, MENERE RICAMATA NASIAD

Cheerdance title napunta sa Perpetual Help; Overall NCAA championship sa San Beda

Bilang pagtatapos ng ika-88 season ng National Collegiate Athletic Association ay isinagawa ang taunang cheerdance championship nitong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. At sa ika-7 pagkakataon ay hinirang na kampeon ang mga cheerleaders ng University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD). Dahil sa panalo ay naiuwi rin ng UPHSD ang P100,000 premyo at ang magarang tropeyo. “This victory is another reason to be thankful to God for His endless blessings to our university. We congratulate our team for their 7th win. They really deserve this crown because they have worked so hard to maintain their stature in the league,” sabi ni UPHSD president Anthony Tamayo. Pumangalawa naman ang Arellano University at pumangatlo ang Emilio Aguinaldo College. Inamin naman ni UPHSD cheerdance coach Ruf Vandolph

Rosario na taun-taon ay lalong lumalakas ang “pressure” na mapanatili ng koponan ang korona sa NCAA kaya naman taun-taon ay sinisiguro niyang mas maganda ang performance ng UPHSD kaysa nakaraang taon. “Everybody is expecting us to win so we really have to give our best. Another challenge for us is to come up with new routine and to give a fresher flavor to our stunts every year,” sabi ni Rosario. Nakuha man ng UPHSD ang cheerdance championship ay nabigo naman itong masungkit ang overall champion ng NCAA. At ito ay muling napunta sa San Beda College. Sa tulong ng pagkakapanalo nito sa basketball at football ay naibulsa ng San Beda ang ikatlong sunod na overall championship sa liga. Sa kabuuan ng Season 88 ay nakalikom ng 538 puntos ang San

Donaire, iba pang atleta pararangalan sa PSA Awards Pararangalan sa Sabado, Marso 16, ang mga atletang nagbigay kinang sa Philippine sports sa nakalipas na taon sa itinakdang PSA-Milo Annual Awards Night sa Manila Hotel ballroom.. Tampok sa mga bibigyan ng pinakamataas na parangal ng Philippine Sportswriters Association ay sina super-bantamweight boxing champion Nonito Donaire, Big League Softball World Series winner Team Manila, AIBA World Women’s Boxing Championship gold medal winner Josie Gabuco at reigning five-time UAAP men’s basketball title holder Ateneo Blue Eagles na pawang napili bilang mga co-Athletes of the Years para sa 2012. Ito ang ikatlong pagkakataon para kay Donaire na mahirang bilang Athlete of the Year ng PSA mula 1981. Nakahanay na niya ang iba pang mga three-time awardees na sina Lydia De Vega, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Luisito Espinosa, Efren `Bata’ Reyes at Manny Pacquiao. Pinarangalan din si Donaire bi- Pahina 5

- Pahina 5

UV kampeon sa 65th NSBC

Inagaw ng University of the Visayas (UV) ng Cebu ang korona ng Jose Maria College (JMC) ng Davao City matapos itong magwagi, 77-64, sa final game ng 65th National Students Basketball Championship noong Linggo sa Don Carlos, Bukidnon. Lamang ng dalawang puntos ang dating kampeon, 32-30, sa pagtatapos ng first half ngunit binuksan ng UV ang second half sa paghulog ng 13-0 bomba para makuha ang kalamangan at hindi na lumingon pa. Umiskor ng 15 puntos si Hernan Escosio at nag-ambag naman ng 13 puntos si John Michael Abad para sa UV Green Lancers. Kapwa naman silang nahirang bilang co-Most Valuable Player ng torneyong sinalihan ng anim na paaralan at inorganisa ng Basketball Association of the Philippines (BAP). Ang JMC Kings ay pinangunahan nina Bob Ombecan at Marios Martinez na parehong may 15 puntos sa laro.

ADVERTISE WITH US... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com @tapatnews

tapatPH

www.tapatnews.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.