DISYEMBRE 3-9, 2013 VOL 1 NO 20 Nagtipon ang ilang mambabatas at mga empleyado para sa pagtatalaga ng Kongreso kay Maria noong Nobyembre 27.
Ilang grupo ang nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Ombudsman upang himukin ang madaliang pagpapanagot sa mga sangkot sa pork barrel scam. [Photo credit: Delmar Topinio Taclibon]
@tapatnews
TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY
PNOY SABIT DIN SA BOGUS NGO?
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
- Pahina 3
www.tapatnews.com
balita
2
DISYEMBRE 3-9, 2013
LIFE NEWS
Kongreso itinalaga kay Maria
‘33 Days to Morning Glory’ by Fr. Michael Gaitley, MIC explains in simple yet clear language why consecration to Mary is really the ‘easiest, surest and fastest’ way to Jesus. Featuring the Marian devotions of St. Louis de Monfort, St. Maximillian Kolbe, Blessed Mother Teresa and soon to be saint, Blessed John Paul II, it is a journey into the heart of Our Lady. Each book is Php 250.00. Email Jhonsen Sales at jhonsen2010im@gmail.com for orders.
Ang isinagawang pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ay alinsunod sa pambansang pagtatalaga na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero at isinagawa ng mga diyosesis nitong nakaraang Hunyo 8.
Q
UEZON CITY -- Itinalaga ng ilang mambabatas ng Kongreso at mga empleyado nito ang Pambatasan ng Pilipinas sa Quezon City sa Immaculate Heart ni Maria bilang bayad-pinsala diumano dahil sa pagpasa ng Reproductive Health (RH law), ngayon ay kilala bilang Republic Act 10354. Pinangunahan ni Monsignor Cesar Pagulayan, pinuno ng grupong Marian Movement of Priests, ang pagtatalaga matapos ang isang Banal na Misa. Ani Pagulayan, ito ang “naaangkop na oras” para sa pagtatalaga kay Maria matapos ang sunod-sunod na kalamidad na nangyari sa bansa . “Ang pag-aalala at pag konsecrate sa tingin ko ay magiging isang magandang tulong para sa mga taong nagtatrabaho sa Kongreso maging ang mga kongresista , upang tum-
ingin kay Maria sa panahon ng paghihirap dulot ng kalamidad,” dagdag ni Pagulayan . Ayon kay Pagulayan, makakakita ng koneksyon ang mga taong may malalim na pananampalataya sa sunodsunod na pangyayari at serye ng kalamidad sa bansa. “Sa tingin ko ang ating pananampalataya talaga ang magpapaintindi sa atin kung paano tayo dapat magpakabanal at kumilos ng naayon ngayon dahil kung hindi mababago ang ating mga puso pagkatapos ng mga nangyari sa Zamboanga, Bohol at Eastern Visayas matigas na talaga ang mga puso natin,” ani Pagulayan. Namigay naman ang grupo ng mga Miraculous medals sa mga dumalo sa pagtatalaga . Isinagawa ang pagtatalaga kay Maria noong Nobyembre 27, isang araw bago ang pista
ni Saint Catherine Laboure, ang Marian visionary, na siyang sinabihan diumano ni Birheng Maria na gumawa ng milagrosang medalya na ngayon ay isinusuot ng milyong mananampalataya sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Sa napipintong huling desisyon ng Korte Suprema tungkol sa kontrobersyal ng batas, dagsa ang panawagang ideklarang ‘unconstitutional’ o labag sa Konstitusyon ang RH law na pinaniniwalaang naipasa dahil sa paggamit ng pork-barrel bilang ‘insentibo’ sa mga mambabatas na papabor dito. Diin pa ni Pagulayan, “kailangan natin si Maria upang kanyang hawakan ang ating mga puso upang makita natin na nagbibigay ng mensahe ang Diyos sa mga nangyayari at pinagdadaanan natin sa araw-araw. [PDG]
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com
balita PNoy sabit din sa bogus NGO?
3
DISYEMBRE 3-9, 2013
Ni PAOLO DE GUZMAN
Hindi ligtas si pangulong Benigno Aquino III sa malaking anino ng pork barrel issue.
S
a kabila ng kampanya kontra katiwalian ng kasalukuyang pamahalaan lumalabas na sabit din diumano si pangulong Benigno S. Aquino III sa pagbibigay ng pondo sa mga kwestyonableng non-government organizations (NGOS). Ayon sa mga dokumento ng Commission on Audit (COA), ang pondong P100 milyon na napunta sa apat na kwestyonableng NGO na nakalaan para sa opisina ni senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ay mula sa P72.11 bilyong ‘stimulus funds’ ng pangulo. Ayon naman kay Marcos, wala siyang kaalam-alam sa naturang pondo at hindi ‘sinabihan’ na may naibigay na pondo para sa kanyang opisina. Ayon pa sa senador, lumalabas na mula ang pondo sa Disbursement Accelaration Program (DAP) ni pangulong Aquino at hindi sa kanyang pork barrel o Priority Development Assitance Fund (PDAF), taliwas sa naunang akusasyon laban sa senador. “Hindi galing ‘yun sa PDAF ko. Galing sa DAP ‘yun dahil may savings ang gobyerno at gusto nilang magamit ‘yun bago matapos ang taon dahil mapupunta muli ang pondo sa general fund. ‘Yan ang DAP,” ani Marcos. Lumabas diumano ang naturang impormasyon ani Marcos
nang makipag-ugnayan ang COA hinggil sa katotohanan ng kanyang ‘endorsement letter’ na inakala ni Marcos na nagmula sa kanyang PDAF na nagtatalaga ng pondo na may kabuuang P100M sa apat na kwestyonableng NGOs. Dagdag pa ni Marcos, palsipikado ang sulat na ipinadala sa presidente ng National Livelihood Development Corporation (NLDC) na sinasabing mula sa kanyang opisina. Kamakailan lamang nagbitiw sa kanyang tungkulin matapos mapabilang si Customs Commissioner Rufino “Ruffy” Biazon sa mga kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ng National Bureau of Investigation (NBI). Kabilang sa mga kinasuhan ang 34 pang katao, kasama ang pitong dating mambabatas. Mabilis namang nagpahayag ang Palasyo na sa pagkakadawit ni Biazon nagpapatunay lamang ito na walang pinapaboran ang administrasyon, maging miyembro pa man ng Liberal Party. Sinabi naman ni Biazon na haharapin niya ang naturang akusasyon. Sa kabila ng mga sunod-sunod na nangyaring trahedya sa bansa gaya ng naminsalang lindol sa Bohol at lbagyong ‘Yolanda’, maging ang gulo sa Zamboanga, nanatiling malak-
ing usap-usapan pa rin ang issue ng pork barrel scam, ayon sa huling Pulse Asia survey. Lumabas din sa naturang survey na lumagapak ng dagdag na labing-anim na puntos ang tiwala ng mamamayan hinggil sa kakayahan ng administrasyon laban sa katiwalian. Matapos tuluyang mabasura ng Korte Suprema ang PDAF ng mga mambabatas na magtatakda ng permanenteng ‘di pagtanggap ng milyun-milyong pork ng mga mambabatas at pagiimbestiga sa maaaring sangkot sa pork barrel scam. Nagbanta naman nitong Biyernes si Mindoro Oriental 2nd District Rep. Reynaldo Umali ng impeachment laban sa tatlong mahistrado ng Korte Suprema. Sinabi ni Umali na nagkamali diumano ang Mataas na Hukuman hinggil sa kaso ni Marinduque Rep. Regina Ongsiako matapos magdesisyon ng taliwas sa una ang Korte Suprema sa pag-diskwalipika ng naturang kongresista dahil sa isyu ng citizenship. Hindi naman pinangalanan ni Umali kung sino sa mga mahistrado ang napipintong maimpeach at inaming kailangan pa nitong magkalap ng suporta ng mga kongresista sa Kamara kasama na ang magiging opinyon ni House Speaker Sonny Belmonte.
Mga obispo kinundena ang malawakang katiwalian sa politika Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa isang pastoral letter kamakailan ang pulitika sa bansa at tinawag itong “pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating bansa.” “Ang mga kasalukuyang pangyayari hinggil sa katiwalian sa pork barrel na kung saan ang mga nasa kapangyarihan ay tila ayaw pakawalan ang mga pondo kahit pa laganap ang maling paggamit nito dahil na rin sa political patronage,” mariing pahayag ng samahan ng mga obispo na pinirmahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bagong talagang pangulo ng CBCP. Tinututulan din ng mga obispo ng laganap na pagnanakaw sa kaban ng bayan at katiwalian sa gobyerno na siya ring pangunahing dahilan ng kahirapan na laganap sa bansa. “Malinaw na ngayon na ng ating mga kababayan ay mahirap dahil sa ating mga pulitiko na inilugmok sila dahil sa kanilang kagahamanan sa pera at kapangyarihan,” dagdag nito. Dagdag pa ng pahayag, kahit pa may nauulat na pag-angat ng ekonomiya, nananatili naman ang kalidad ng buhay at kita ng mahihirap na sektor sa mga nakalipas na taon. Nanatiling taliwas ang paggamit ng kayamanan ng ating bansa. Itinukoy din ng CBCP ang patungkol sa diumano’y pagmaniubra ng pondo ng publiko sa mga kahina-hinalang nongovenrmental organization (NGO), at tahasang sinabing “pinalalawig nito ang kahira-
pan at ang agwat ng mga mayaman sa mahirap.” Pulitika bilang ‘proposisyon’ Pinuna din ng CBCP na ang paglilingkod sa bayan ay naging isang negosyo kung saan ang interes ng pera at kapangyarihan ay nangingibabaw at nakaugat sa kulturang Pilipino. “Ang pagkagahaman sa kapangyarihan ay kakambal ng kasakiman sa salapi. Ang mga may pera ay madaling nakakaroon ng kapangyarihan. Pag nasa puwesto na sila madali na nila mababantayan at mapaparami ang kanilang mga ari-arian. At sa Pilipinas, ang maupo sa gobyerno ay isang mabisang at siguardong paraan sa marangyang buhay,” dagdag ng statement. Sa pagkabulag sa pera at kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan, ayon pa ng CBCP, naisasantabi ang katotohanan at ang kabutihan ng nakararami alang-alang lamang sa makasariling hangarin ng iilang indibidual. Ang ganitong sitwasyon ang nagpapalugmok lalo sa mga Pilipino sa kahirapan. “At ang unang biktima ng kagahaman sa pera at kapangyarihan ay ang Katotohanan sapagkat kinakailangan magsinungaling at mandaya sa manatili sa kapangyarihan at mapanghawakan ang kanilang kayamanan. Kaya sa bandang huli ang Katotohanan ay naisasantabi at naisasakripisyo,” paliwanag ng nasabing pastoral letter. [Jennifer Orillaza]
editoryal
4
DISYEMBRE 3-9, 2013
AREOPAGUS social media for asia Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Ang pinakamainam na reporma sa ekonomiya
‘Emerging tiger economy’ – ito ang bansag sa Pilipinas ngayon. Pogi points naman ng administrasyong Aquino ang patuloy na pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, na siya rin namang pinupuri ng ilang ekonomista tulad ni Ruchir Sharma ng Morgan Stanley na naniniwalang nakasalalay ang pagbangon ng Pilipinas sa mga call center agent, padala ng mga Oversease Filipino Workers (OFWs) at mga reporma diumano ni Aquino sa ekonomiya. Habang nakikinikinita na ng mga eksperto ang pagbagal ng ekonomiya ng China dahil sa tumatandang populasyon at kakaunting kabataan sa workforce, itinatanghal ng iilan ang Pilipinas bilang isa sa mga lumalaking ekonomiya sa Asia. Gaano ka totoo ito? Saan nga ba galing ang kita ng bansa? Ayon sa mga statistics, ang mga remittances o padala ng mga OFWs pa rin, kasama ng kita ng mga empleyado ng mga Business Process Outsourcing
“Sa ngayon, hindi makakaangal ang mga pamilyang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa panganay na tapos ng kolehiyo at namasukan bilang call center agent sa graveyard shift, ngunit ang tanong, ito na ba ang pangarap natin para sa darating pang henerasyon?” (BPO) ang siyang nagpapalutang sa ekonomiya ng bansa. Sa ngayon, hindi makakaangal ang mga pamilyang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa panganay na tapos ng kolehiyo at namasukan bilang call center agent sa graveyard shift, ngunit ang tanong, ito na ba ang pangarap natin para sa darating pang henerasyon? Kung tatanungin ang mga doktor na naging call center agent o mga gurong nangibang-bansa upang maging domestic helper, kumakayod sila nang husto dahil na rin sa kagustuhang makapagbigay ng mas
magandang buhay sa kanilang mga anak, nakababatang kapatid, at mahal sa buhay. Nakatali na ba ang tadhana ng mga Pinoy sa dalawang opsyong ito? Hindi rin nakatulong na bumaba ang kalidad ng edukasyon sa mga premyadong unibersidad ng Pilipinas ayon sa mga international ratings. Ayon naman kay Richard Javad Heydarian, isang policy adviser, maraming isiniwalat ang super typhoon ‘Yolanda’. Isa na rito ang kahinaan ng bansa sa mga area tulad ng disaster preparedness na may ‘di maitatangging implikasyon sa ekonomiya. Ang nasa-
bing bagyo, na kilala sa buong mundo bilang ‘Haiyan’ ay tinatayang may pinsalang nagkakahalagang P9.46 bilyon at mukhang matatagalan pa ang proseso ng rehabilitasyon sa mga nasalantang probinsya. Kung hindi pa man ito komplikado, dagdagan pa natin ng isyu tungkol sa pork barrel na mukhang unti-unting ginagawan na ng paraan upang maisabit ang titulong ‘mastermind’ sa iisang tao lamang. Hindi biro ang pondong nalilihis mula sa kaban ng bayan papunta sa bulsa ng iilan – hindi lamang bilyon, kundi trilyontrilyong piso. Sa ngayon, hindi
kailangan ng eksperto upang maintindihan na ang pinakamainam at mahalagang reporma sa ekonomiya ay ang pagpuksa sa korupsyon sa pampublikong sektor. Nasasaid ang yaman ng bansa, ang buwis na binabayad ng karaniwang Pilipino na siya sanang popondo sa pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon, imprastraktura at pagtugon sa mga medium at long-term na pangangailangan ng bansa tulad ng disaster preparedness. Ngayon, tila natabunan ng iba pang mga suliranin ang isyu ng pork barrel at dali-dali namang “nabibigyan ng hustisya” ang usapin sa pamamagitan ng pagdawit kay Sen. Juan Ponce Enrile bilang puno’t dulo ng pork barrel scam. Papalapit na ang Pasko, makakalimutan ba ng publiko ang pork barrel? Ang sagot ang magtatakda sa kahihinatnan, hindi lamang ng ekonomiya, kung hindi ng darating pang henerasyon.
DISYEMBRE 3-9, 2013
opinyon
THE JUMPING WALL Rogie Ylagan
Tinamaan Ka Ng Magaling
M
asarap sa pakiramdam ang pagiging tama at pagiging mas magaling. Bilang tao, natural sa atin na gustuhin ito. Maraming paraan at maraming pagkakataon naman na tayo ay napupunta sa ganitong sitwasyon. Bukod sa respeto, ang paghanga ng ibang tao ang nakapagbibigay atraksyon para gustuhin mo na lagi kang ganito -- ang tama at magaling. At sa iyong pagkahumaling, hindi ka pa nagkasya sa basta na lang ikaw ay magaling at tama. Kailangan pang ipagdiinan at ipamukha
ito sa iba. At kailangan pang ibandera na ang ibang tao ay mali o mahina para lalo lang umangat, makita at mapansin
hindi ang pagtingin ng tao. Kaya kahit baluktot na ang paniniwala, kahit napatunayan nang may ibang mas dapat kang gawin at baguhin, pinanindigan mo na at niloloko mo na rin ang iyong sarili. Hanggang paniwalaan mo na ang sarili mong kasinungalingan. Mawawala na rin ang pagiging mapagpakumbaba na tumanggap ng pagpuna ng iyong
5 patungkol sa pagiging tama at magaling. Dahil ang tunay na magaling ay ang taong hindi na kailangan pang ipangalandakan ang pagiging magaling. Hindi sa iyo magsisimula ang mga salitang ito, at hindi mo rin dapat asahan na may magsasabi nito patungkol sayo. Kung mayroon mang magsabi, magpasalamat ka, subalit huwag mong ikalalaki ito ng ulo at lalong huwag maging dahilan para hindi ka na maghangad na maging mas magaling pa sa kung ano ang estado mo ngayon. At ang tunay na tama ay hindi ang laging pagiging tama kung hindi ito ay ang pag-unawa na hindi lahat ng taong taliwas sa iyong paniniwala ay mali. At kung may alam ka mang tama ngayon, magpasalamat ka sa iyong
Dahil ang tunay na magaling ay ang taong hindi na kailangan pang ipangalandakan ang pagiging magaling. Hindi sa iyo magsisimula ang mga salitang ito, at hindi mo rin dapat asahan na may magsasabi nito patungkol sayo. na ikaw ay tama at mas magaling kaysa sa kanila. Sa pagtagal ng panahon, hindi na ang pagiging tama at magaling ang iyong hinahabol kung
RE4TERAKER Yen Ocampo
H
Sa Dako pa roon
indi na pinahintulutan ng bansang Saudi Arabia na maextend ang amnesty ng mga illegal migrants sa kanila. Naku, paano na ang mga kababayan natin na ayon sa mga ulat ay may tinatayang 108,000 ‘undocumented overseas Fiipino workers’ roon? Hindi biro ang buhay ng isang OFW. Ang iwan mo ang sariling bayan na kinalakhan para maghanapbuhay sa ibang lupain. Ito ay isang napakalaking sakripisyo, lalo na kung ikaw ay isang pamilyadong tao. Gayunpaman, ayon kay
vice president Jejomar Binay na hindi dapat mangamba ang mga OFW sa Saudi na kasalukuyang
kamalian at kahinaan. Pero hindi pa naman huli ang lahat para ayusin ito. Subalit kailangan mong simulan mula sa ugat ng iyong paniniwala na hindi pa rin nag-apply ng repatriation o ang pagsasailalim sa proseso ng pagbabalik sa kanilang kinagisnang bansa. Siniguro rin ni Binay na mayroong dalawang bilyong piso na pondo na nakalaan para sa mga Pilipinong nais bumalik ng Pilipinas. Ayon sa talaan ng Department of Foreign Affairs, mayroon nang hu-
- Pahina 6
exit visa habang ang Philippine Embassy naman sa Riyadh at Jeddah ay may mahigit 4,500 repatriation cases at nakapag release na ng travel documents sa may mahigit 10,700 na mga OFWs. Hindi natin masisi ang mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit sa illegal na paraan, ito ay dahil na rin sa kahirapan at unemployment rate sa Pilipinas. Hindi pa nga nabanggit ang mga kababayan nating minamaltrato ng amo at nagtitiis para lamang kumita ng pera sa ibang lupain. Hanggang kailan kaya ganito ang Pilipinas? Sana bago ako lumisan sa mundong ito ay makita ko si Juan Dela Cruz na hindi na kailangang pumunta sa dako pa roon upang maghanap ng swerte. (re4teraker@hotmail. com)
Hindi natin masisi ang mga kababayan natin na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit sa illegal na paraan, ito ay dahil na rin sa kahirapan at unemployment rate sa Pilipinas. Hindi pa nga nabanggit ang mga kababayan nating minamaltrato ng amo at nagtitiis para lamang kumita ng pera sa ibang lupain. inaayos ang kanilang mga working permit at iba pang documents dahil hindi ito huhulihin. Ang mga nanganganib na mahuli ay ang mga kababayan nating nagtatrabaho
migit kumulang na 1,500 na mga OFWs na nasa pangangalaga ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na naghihintay na lamang ng kanilang mga immigration clearances at
LIVE FREE Samantha Manuel
The day I witnessed a miracle
A
ugust 6, 2008... It was the day motherhood became a reality for me...I gave birth to my first-born son. At first, I couldn’t believe that everything was happening for real and the time I had long been waiting for had finally arrived. The moment I first heard the cry of my little one, I knew my life would never be the same again. At the first sight of him, it felt as if we were the only two people in-
I would get my monthly period, I would lock myself up inside the bathroom and cry for hours. Whenever I would see a pregnant woman or somebody else’s baby, it always felt like life was so unfair. It was a tough time for me and my husband. But our love for each other grew stronger as we held on to one another for strength and comfort. I didn’t want to blame God but sometimes I would. There were times when I simply could not believe how
Every month I would get my monthly period, I would lock myself up inside the bathroom and cry for hours. Whenever I would see a pregnant woman or somebody else’s baby, it always felt like life was so unfair.
side that room. Tears of joy were forming in my eyes and my heart was so filled with love. I finally got my gift! My husband and I struggled to get pregnant for years. I have a thyroid condition. It is possible for me to conceive but it will definitely be difficult. One year into our marriage, I suffered a miscarriage. Never in my life did I ever feel so brokenhearted at the loss of my unborn child. And years after that, my husband and I tried and tried to have a child... but I never conceived. There were times when our lovemaking became too functional -- that we NEED to do it because we WANTED a baby so badly. Every month
He could allow some women to get pregnant only to have them abort them or abandon their gift of life. While there I was, longing so much to be a mother, yet God wouldn’t give me the miracle I was hoping for. But God continued to assure me that my moment will come in His own perfect time. And indeed, my surprise blessing came after 4 years of waiting! When I first held my newborn son in my arms, time stood still. For a moment it seemed like I was holding him so close to my heart and I was afraid to let go. It all seemed like a dream and I didn’t want to wake up. All those painful years I went through waiting for him - Pahina 6
6
DISYEMBRE 3-9, 2013
The day I witnessed ....
mula sa pahina 5
was definitely worth it. I knew that very instant that this wonderful miracle I was holding would change my life forever. The day I gave birth, I was given a new life to nourish and a new life to live. I embraced my new role as a mother. It’s definitely not going to be an easy task. But life with my son will be a new journey I am looking forward to experiencing together with my husband. Motherhood is indeed a wonderful gift and every new life is indeed a miracle!
Inang Immaculada ....
mula sa pahina 7
suporta dito: tinuturo ng Armenian Lectionary ng Jerusalem taong 451 ang patungkol sa malalim na Pagtulog ni Maria at Pag-akyat sa kanya sa Langit, katawan at kaluluwa. Sa ikatlong siglo naman, itinalaga ang “Pag-akyat ng Banal na Birheng Maria” bilang titulo sa Gregorian Sacramentary. Ang nakasulat sa sinaunang Dasal sa Pagbubukas ng Misa ay: “Diyos na tumingin sa mapagkumbabang Birhen, itinaas Mo siya sa dignidad na Ina ng Iyong Anak at kinoronahan siya ng walang katulad na kaluwalhatian.”
Tinamaan ka ng ....
mula sa pahina 5
nasumpungan. Pagkatapos ay bigyan mo pa ng mas malalim na pangunawa ang taong may patuloy pa ring maling gawi. Maaaring hindi pa lamang nila nakaharap ang mga pangyayari na naranasan mo noon na bumago sa iyo at sa iyong pananaw ngayon. At imbes na pagtulak pababa, ang pagtulong ang siyang mas positibo mong magagawa. theignoredgenius.blogspot.com/rogie_ylagan@yahoo.com
It’s good to know that... Studies show, prayerful people have better self control, were less likely to commit suicide and had better outcomes in psychiatric treatment.
good news
may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapatnews@gmail.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
DISYEMBRE 3-9, 2013
Katoliko
7
Unapologetically Catholic
Inang Immaculada
I
pinaliwanang sa Council of Ephesus noong taong 431 ang unang Marian Dogma, Teotokos – Pinagbubuntis ang Diyos, upang labanan ang paniniwalang hango kay Nestorius kung saan sinasabing may dalawang persona si Kristo, isang Diyos na persona, at isang taong persona. Ito ay taliwas sa turo ng Simbahang Katolika na si Kristo ay iisang Diyos na nagkatawang tao at si Maria ay tinaguriang Ina ng Diyos. Ang pinuno ng mga Nestorian ay nagsabing si Maria ay ina lamang ng taong si Kristo at hindi ng kanyang buong pagkatao o pagka-Diyos. Nang maiproklama ang Dogma ng Inang Immaculada nagtipon ang mga tao para sa isang prusisyon at paulit-ulit ang pagbigkas ng, “Banal na Ina ng Diyos, ipanalangin mo po kami.” Ang Diyos at kasalanan ay ‘di maaring maghalo kaya sa kapanyarihan ng Diyos iniligtas Niya ang kanyang magiging ina mula sa kahit anong uri ng sumpa o kasalanan. Isang walang bahid na tagapagdala ng Banal na Salita kung saan ang kanyang kawalan ng kasalanan ay pinapatunayan ng Bibliya. Ipinapakita din sa Protoevangelium o unang pagpapahayag ng Mabuting Balita na siya at si Satanas ay magkaalitan mula pa sa simula. ... ‘At papagaalitin ko ikaw at ang babae. Si Arkangel Gabriel ay bumati sa kanya --kecharitomene rendered gratia plena – napupuno ng grasya sa limbag ni San Geronimo. Kecharitomene ay nangangahulugang ‘charis’ sa salitang Griyego o grasya sa Tagalog, “Maria: sapagka’t nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos.” Isinakatuparan ni Kristo ang kanyang gawaing pagliligtas at si Maria ay ipinanganak na ligtas sa kahit anong bahid ng kasalanan na naayon sa Teotokos. Ipinaliwanag ni Gabriel, “Walang imposible sa Diyos.” At sinabi ni Maria, “Dinadakila ng aking
ni EDGARDO DE VERA Diyos, ay marami ang magagandang bagay ang ibinagay sa kanya kung saan walang sino man ang madaling mkaiintindi.” Naniniwala naman sila Calvin at Zwingli, mga tinaguriang ama ng Protestante, sa
Maging si Luther na ama ng mga Protestante ay nagsabing, “Sa gawang ito kung saan siya ay ginawang Ina ng Diyos, ay marami ang magagandang bagay ang ibinagay sa kanya kung saan walang sino man ang madaling mkaiintindi.”
kabanalan ni Maria, habang ang ibang mga bagong Protestante ay mapagkutya at sinasabing, “Paano magkakaroon ng ina ang Diyos?”, patunay lamang ng kawalan ng kaalaman tungkol sa pinagmulan mismo ng Protestantismo. Iprinoklama ni Pius IX ang Dogma ng Immaculada Concepcion noong Disyembre 8, 1854: “…Ang Banal na Birheng Maria ay iniligtas, mula sa iisang grasya at pabor mula sa Diyos na siyang makapangyarihan dahil na rin sa merito ni Hesu-Kristo ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ligtas mula sa lahat ng bahid ng Orihinal na Kasalanan.” Nagpanukala naman si Pius XII ng isang papal bull, ang “Munifiicentissimus Deus” na naglalayong pagtibayin ang paniniwala na si Mari ay Iniakyat sa Langit (Assumptio). Ang Banal na Kasulatan at walang putol na Tradisyon ng Simbahan ang bumuo kaluluwa ang Panginoon.” Tinawag naman siya ni sa basehan upang pagtibayin ang katuruan tungkol Elizabeth na, “...Ina ng aking Panginoon.” Maging sa pagkakaakyat ni Maria sa langit, katawan at kalusi Luther na ama ng mga Protestante ay nagsabing, luwa. Maging ang mga sinaunang liturhiya ay sumu“Sa gawang ito kung saan siya ay ginawang Ina ng - Pahina 6
KATESISMO, MISMO! Ano ang ipinaaalam ng doktrina ng Immaculada Concepcion? CCC 491 Sa paglipas ng ilang siglo, ang Iglesia ay naging higit pang maalam tungkol sa katauhan ni Maria, ‘puno ng biyaya’ sa pamamagitan ng Diyos (Lucas 1:28). Si Maria ay natubos na mula sa sandali ng paglilihi ng kanyang ina. Ito ang ipinapahayag ng dogma ng Simbahang Katolika sa ‘Immaculate Conception’, na ipinahayag ni Santo Papa Pius IX noong taong 1854. Ang pinakamapalad na si Birheng Maria ay, mula sa unang sandali ng kanyang buhay -- sa pamamagitan ng isang pangisahang biyaya at pribilehiyo ng Diyos at sa pamamagitan ng kagalingan ng mga merito ni Jesus Kristo , Tagapagligtas ng sangkatauhan -- napanatili si Mariang ligtas mula sa lahat ng mantsa ng orihinal na kasalanan (Pius IX, Ineffabilis Deus (1854)).
From the Saints... “Prayer is powerful beyond limits when we turn to the Immaculata who is queen even of God’s heart.”
Saint Maximilian Kolbe
#CoolCatholics
8
DISYEMBRE 3-9, 2013
Si Msgr Tighe at si @Pontifex ni SKY A. ORTIGAS
T
uwang-tuwa ako nang ma-meet ko si Msgr. Paul Tighe. Siya ang social media manager ni Pope Francis sa Vatican, meaning, isa siya sa mga taga tweet ni Pope sa account na @Pontifex. Pumunta siya dito kamakailan sa Pilipinas para maging keynote speaker sa nakaraang Catholic Social Media Summit v2.0 noong November 23-24, 2013 sa Colegio de San Juan de Letran. Bilang parte ng YouthPinoy, na nag-organize ng event na ito, nagkaroon ako ng pribilehiyo na makausap siya. Siya ay isa sa mga coolest Catholics na kilala ko. Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo ang kanyang sinabi noong Catholic Social Media Summit version 2.0. Sana ay ma-inspire din kayo sa pag-eevangelize sa online and digital media kagaya ko.
Sharing the Word: The Church in a Digital World Communications is at the centre of the life of the Church. As a community called together by Christ, our mission is to share the Good News of God’s love for all people with those we meet on the pilgrimage of life. The fullness of God’s love is revealed in the person of Jesus, the Word made flesh. Jesus communicated in word and deed; the Church is called to proclaim and to witness to the continuing presence of Jesus among us. The Church has always sought to use media to communicate. Currently, we are living through a radical transformation of the media and the Church is focused on understanding the ‘newness’ of the culture of digital communications in order to be communicate effectively. If we are to share the Good News with our brothers and sisters in the ‘digital continent’, we must speak a ‘language’ they can understand and be present as authentic witnesses to our faith. The’ language’ of digital and social communications is conversational, interactive and dialogical. If our communication is to touch people’s hearts and minds; we must be able to listen to them and engage seriously with their questions. As a Church, we are more used to preaching, to teaching and to issuing statements. These are important activities but the most effective forms of digital discourse are those that engage people individually, that seek to respond to their specific questions and that attempt to dialogue. It is a basic truth of communications that our witness – our actions and our patterns of behavior – is often more eloquent than our words and proclamations in expressing who we are and what we believe. In the digital arena, a particularly significant way of offering such witness will be through a willingness to give oneself to others by patiently and respectfully engaging their questions and their doubts as they advance in their search for the truth and the meaning of human existence (Pope Benedict XVI, Message for World Communications Day 2013). It is therefore important to know how to dialogue and, with discernment, to use modern technologies and social networks in such a way as to reveal a presence that listens, converses and encourages. Allow yourselves, without fear, to be this presence, expressing your Christian identity as you become citizens of this environment(Pope Francis, 21 September 2013). If we look carefully at the activities that drive social media, we see that people are seeking human friendship, searching for information and sharing their knowledge. These activities manifest the basic and persisting human needs for love, meaning and purpose. We must ask ourselves: are we up to the task of bringing Christ into this area, or better still, of bringing others to meet Christ? Can we walk alongside the pilgrim of today’s world as Jesus walked with those companions to Emmaus, warming their hearts on the way and bringing them to an encounter with the Lord? (Pope Francis, ibid). Even as we acknowledge the challenges to effective communication, we should remember that ultimately it is not our work but the grace of God that will change hearts. It is necessary to be absolutely clear that the God in whom we believe, who loves all men and women intensely, wants to reveal himself through the means at our disposal, however poor they are, because it is he who is at work, he who transforms and saves us (Pope Francis, ibid).