“Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga Pinoy OFWs?” - Basahin sa Pahina 5
@tapatnews
Tapat. Ang Balitang Totoo
www.tapatnews.com MARSO 19-25,2013 VOL 1 NO 3
tampok
Papet Pasyon - Pahina 4
ANG BALITANG TOTOO
sports
Azkals handa na sa AFC Challenge Cup - Pahina 11
balita
Jobless na Pinoy, pumalo na sa 2.89-milyon
KASO VS. MGA PINOY SA SABAH, KINASA NG MALAYSIA!
- Basahin sa Pahina 5
- Pahina 2
TAPATAN: Kung may Buwan ng Kababaihan, tingin mo ba kailangang may Buwan ng Kalalakihan din? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436
balita Jobless na Pinoy, Kamara, nananawagan kay VP na unahin ang Sabah pumalo na sa 2.89-milyon
2
MARSO 19-25, 2013
Ni ROMY PANAHON
Malaking bahagi din ng populasyon ang kabilang sa informal sector tulad ng mga street vendors na hindi tiyak ang pang araw-araw na kita.
BATAY sa data ng National Statistics Office (NSO), nitong Enero, umabot na sa 2.89 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa. Ito ay mas mataas kaysa sa 2.76 milyong naitalang jobless noong Oktubre 2012. Ayon sa NSO, mula na-
man sa underemployed na Pinoy na 7.16 milyon noong Oktubre 2012, tumaas na ito sa 7.93 milyon. Ang underemployed ay mga manggagawa na hindi sapat ang oras at kinikita sa isang trabaho, o mga overqualified sa napasukang trabaho.
Ilan naring kongresista ang nagpahayag na kailanganan nang aksyonan ang isyu ng Sabah sa lalong madaling panahon.
KINAKALAMPAG na ng ilang miyembro ng Kamara si Vice-President Jejomar Binay na unahin ang isyu ng Sabah. Mungkahi ni House Assistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez kay Binay na sa halip aniyang tutukan ang kaso ng isang Pinoy na nahaharap sa pagbitay dahil sa pagpatay sa isang Sudanese
national sa Saudi Arabia, mas kailangang bigyan ng atensyon ang isyu ng Sabah Paliwanag ni Romualdez na kaysa pag-aksayahan ng panahon ang pagkalap ng blood money para kay Joselito Zapanta, 32 na tubong Bacolor, Pampanga ay mas marapat aniyang iligtas ang libu-libong Pilipino na nasa Sabah. Aniya, nahatulan na ang
OFW ng parusang kamatayan ng pamahalaan ng Saudi Arabia, samantalang ang mga Filipino na nasa Sabah ay walang kinalaman sa kaguluhan sa pagitan ng Malaysia at grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III. Mahalaga aniya na magtulungan at gawin ng gobyerno ang lahat upang mailigtas ang mga Pinoy na nasa Sabah. (GC)
kumpara sa dati,” pahayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo Jr.. Sa 27 na nasawi, 12 ang barangay kagawad, 9 ang barangay chairmen, mayor, councilor, tumatakbong konsehal, government official/election officer, at dalawang supporters. Naitala naman sa bahaging Western Mind-
anao Police Region ang pinakamataas na insidente na anim, habang tig-tatlo naman sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Dalawa sa Metro Manila, tig-isa sa Valenzuela at Quezon City, kung saan sa lungsodng Quezon ay si Mayor Erlinda Domingo ng Maconacon, Isabela, ang nag-iisang naitalang pinaslang nitong nakalipas na Enero22.
PNP, AFP, kailangan magsumite ng report - COMELEC 27 patay sa election-related violence Ni PAUL ANG
KAUGNAY ng nalalapit na local campaign period at May 13 midterm elections, inatasan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na regular na magsumite ng kanilang peace and order reports. Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., nais nitong makita ang mga naturang report galing sa PNP at AFP upang magkaroon ito ng ideya kung aling mga lugar ang maaaring maideklarang nasa ilalim ng Comelec control dahil sa mga insidente ng election-related violence (ERV). Magugunitang isinailalim na sa COMELEC control ang mga lugar na may kaso ng ERV at mas binibigyan ang mga ito ng pansin ng upang maiwasan ang karahasan bago, habang at pagkatapos ng halalan sa Mayo.
Ni ELVIE LACARAN PUMALO na sa 27 katao ang napaslang, at 24 katao naman ang sugatan sa naitalang 45 insidente na may kinalaman sa halalan o election-related violence (ERV) simula nitong Enero 12. “Tiyak na mas payapa ngayon. Sa mga nakalipas na eleksyon, ang mga insidente ng karahasan lumalagpas ng 200…Masasabi ko na malaki ang binaba
MARSO 19-25, 2013
balita
good news may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw-kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email ng inyong kwento sa tapat@omnibusmediagroup.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
3
Bagong Bilibid director, ‘lilinisin’ ang naiwang kalat Ni GRACE CAJILES
BUONG kompiyansang sinabi ng bagong talagang Director ng Bureau of Corrections (BuCor) na lilinisin at bubuwagin nito ang lahat ng naiwang kalat at iligal na gawain sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Nangangako si Atty. Franklin Jesus Bucayu na ipatutupad nito ang repor-
ma sa bilibid na tutuligsa sa pagpuslit ng droga, pagdukot sa ilang mga bilanggo, prostitusyon at mga iligal na kubol sa loob ng NBP. Pormal nang nanumpa kay Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang acting director ng BuCor na si Bucayu. Nagsimula ang panu-
nungkulan ni Bucayu nitong Marso 16. Ayon kay de Lima, personal nitong inerekomenda si Bucayu upang maging susunod na BuCor director. Si Bucayu ay dating Police C/Supt ng Region 1 at dating nanguna sa UN Civilian police at isang peacekeeper.
Cash reward para sa mga estudyante ng Taguig
Ni MICHELLE NICOMEDES
Cash reward na umaabot sa P30,000 ang ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa sampung pinakamahusay na estudyante ng mga pampublikong paaralan. “Paraan ito ng Taguig para mabigyan ng gantimpala ang mga bata na nagpakahirap mag-aral sa kabila ng kahirapan at nagawa paring manguna sa klase,” ani Taguig Mayor Lani Cayetano tunkol sa ordinansang naglalaan ng nasabing benepisyo sa mga estudyante. Mapalad ang mga masisipag na estudyanteng makakatanggap ng gantimpala na cash reward dahil sa academic excellence.
ADVERTISE WITH US... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com @tapatnews
tapatPH
www.tapatnews.com
P30,000 ang matatanggap ng high school valedictorian; P25,000 ang para naman sa mga salutatorian. Makatatanggap rin ng tig-iisang cash reward na nagkakahalagang P10,000 ang mga estudyante ng highschool na nakapasok sa top 10 ng kanilang batch. P15,000 naman ang makukuha ng elementary valedictorian at P12,500 naman ang matatanggap ng salutatorian. Bibigyan rin ng reward na P5,000 ang bawat estudyante na nasa top 10.
Higit 1,600 tiklo sa gun ban PUMALO pa sa 1,632 katao ang arestado sa buong kapuluan dahil sa paglabag sa election gun ban simula lamang nitong Enero 12. Sa tala ng Philippine National Police (PNP) Camp Crame, 12 na ang nahuling AFP Personnel, 20 na PNP Personnel, tigiisa mula sa Bureau of Jail Management and Penol-
ogy (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), 20 government officials, 2 Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU),94 na mga security guard at 1,484 na mga sibilyan. Nasa 1,657 naman ang nakumpiskang mga baril, 69 na airgun/airsoft, 462 na mga bladed weapons, 74 na granada o pampasabog, 296 na mga improvised explo-
sive devices, at 14,831 na bala ng baril. Tanggap na din ng PNP na sa kabila ng patuloy na kampanya at paulit-ulit na information campaign sa tuwing sumasapit ang election period ukol sa gun ban ay dadami parin ang mga mahuhuling lumalabag dito hanggang sa pagtatapos sa buwan ng Hunyo ngayong taon. (EL)
balita
4
MARSO 19-25, 2013
PNP ‘overtime’ dahil sa Boracay Mansion, Semana Santa, election, ipinagigiba graduation Ni ELVIE LACARAN
PAGDAGDAG ng oras ng duty o trabaho ang nakikitang solusyon ni Philippine National Police (PNP) Director General Chief Alan Purisima para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng sambayanang Pilipino ngayong halos magkakasunod ang aktibidad sa bansa. Ayon kay Purisima, mula sa walong oras na duty ng bawat PNP sa buong kapuluan magiging 12 oras ito o higit pa. "Dito po kasi ‘pag dating ng Semana Santa, ‘yun pong mga lugar pagsasakyan ng ating mga kababayan
pauwi sa kanilang probinsya ay binabantayan natin. Pero binabantayan po natin ‘yung mga naiiwan po nilang mga kabahayan dito sa Metro Manila," pahayag ni Purisima. Asahan din aniya na maraming makakakita ng presensya ng kapulisan sa mga pantalan, terminal, airport, paaralan, mga lansangan at iba pa, ganun din ang paglalagay ng mga help desk ng PNP sa mga matataong lugar para sa agarang tugon. Dagdag ni Purisima na kanilang tiniyak na matutugunan ang pangangailangan ng
Website ng Phivolcs hindi pinaligtas ng hackers
HINDI pinaligtas ng hackers ang website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraang ma-hack ang naturang webpage noong Linggo, partikular na ang welcome page nito. Hindi naman nagpakilala ang naturang hackers at wala ring mga iniwang mensahe, taliwas sa mga naunang pag-atake sa ilang government websites. Gayunman, niliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum na hindi naman ito makaaapekto sa kanilang mga data tungkol sa mga lindol. Sinabi ni Solidum na may mga mirror websites naman silang ginagamit upang maipagpatuloy ang operasyon kahit nasira ang ilang bahagi ng kanilang main webpage. (RP)
publiko sa panahon ngayon na kaliwat kanan ang graduation at outing; idagdag pa ang nalalapit na paggunita ng Semana Santa ng Simbahang Katoliko, higit ang election sa buwan ng Mayo.
IPINAGIGIBA na ng pamahalaan ng Quezon City ang kontrobersyal na ‘Boracay Mansion na sinasabing pagmamay-ari ni dating pangulong Joseph Estrada. Linipat ng Sandiganbayan ang pagmamay-ari ng Boracay Mansion sa Quezon City govern-
ment matapos din ang ilang taon na hindi nababayaran ang kaukulang buwis ng mansyon. Sinasabing plano ng lokal na pamahalaan na pagtayuan ng isang museo at ilang tanggapan ang naturang lugar para mapakinabangan ito ng publiko partikular ng mga ta-
ga-QC. Magugunitang hindi inamin ni Estrada na siya ang may-ari ng naturang mansyon. Ang nasabing property sa New Manila, QC ang isa sa mga naging basehan ng kasong plunder na kinaharap ni Estrada sa Sandiganbayan. (RP)
Papet Pasyon: Ibang klaseng pasyon Ang mga pangyayari sa mga huling araw ng buhay ni Hesus ay ginugunita sa Pasyon o Pabasa. Sumasali ka ba dito taun-taon? Isa itong tradisyon na ginaganap pa rin sa maraming komunidad at parokya sa bansa tuwing Semana Santa. May isang uri ng Pasyon na kung saan nabubuhay ang mga eksena sa pamamagitan ng mga papet! Hindi ito bago – 1984 pa nung sinulat ni Amelia Lapeña-Bonifacio (Lola Amel siya sa mga bata) ang isang papet drama para maihatid ang Pasyon sa mas batang henerasyon. Noong Domingo de Ramos o Palm Sunday ng1985 nag-premiere sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang Papet Pasyon, na siyang naging paalala para sa mga mamamayan ukol sa tunay na kahulugan ng Cuaresma at Semana Santa. Taun-taon kapag Palm Sunday, ang Teatrong Mulat ng Pilipinas – na siyang itinatag ni Lola Amel – ay nagpapalabas ng Papet Pasyon sa Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo sa Quezon City. Kakaibang karanasan ang manood nito dahil ang tradisyonal na puppetry ay sining na hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa eskwela, kaya’t siguradong makukuha ang pansin ng mga bata dito sa children’s theater kapag nagsimula na ang musika at aksyon ng palabas. Si Nicole Bautista ay isang puppeteer na kasapi sa Teatrong Mulat ng Pilipinas mula noong 2004 at naging bahagi na ng ilang palabas ng grupo maliban pa sa Papet Pasyon. Ngunit nakikita niya ang nagagawa ng Palm Sunday na drama para sa mga kabataan. “Nakikilala nila si Jesus at si Maria. Pagkakataon ito para ituro sa kanila sa ibang paraan ang tungkol sa dinanas ni Jesus nung mga huling araw niya, ng naiiba sa typical
Papet Pasyon 2013 Marso 24 (Palm Sunday), 3:00 pm at 5:30 pm Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo 64 Mapagkawanggawa St. Teacher’s Village East, Diliman, QC Cell no. 0918-9032040 at email mulatpuppets77@yahoo.com LIBRE ANG PALABAS. DALHIN ANG INYONG PALASPAS!
catechism set-up,” paliwanag ni Bautista. “Itong Mulat, isa rin itong paraan na magkaroon pa ng mga kaibigan at magtulongtulong bilang isang team. Dito sa teatro ko nakikita yung halaga ng bawat tao – kahit props ka mahalaga yung papel mo,” dagdag niya. “Kasi kunwari magkamali ka sa tinapay at kopa, eh di mukhang lumulutang na sila sa ere,” sabi niya sa pagpapaliwanag sa eksena ng Last Supper. (DU)
MARSO 19-25, 2013
balita
TAPATAN Question! Milyun-milyon ang nagdiwang sa pagkakaluklok kay Pope Francis bilang bagong Santo Papa kung kaya naman, tinanong namin ang ilang mga Pinoy ng ating Tapatan Question ngayong linggo:
“Paano matutulungan ni Pope Francis ang mga OFWs?”
“Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW Pinoys around the world sa pamamagitan ng pag-ayos at pagestablish ng chaplaincy program na may ‘listening sessions’ and sacraments.” - Erick Manrique, Sydney, Australia “Kung ‘yung parishes have a way of accommodating the OFW and later on, endorsing them to wherever they’re moving to, it would help them out.. They almost forgo Church kasi hindi nila alam kung saan ang mga parokya sa bagong area na ‘yun.” - Julz Roberto, Sacramento, California “We’ve been here in the middle east for 7 years and we are practising our faith underground. Nagdadasal kami na payagan kami na mag-build ng church para we don’t have to have underground masses at catechism classes para sa mga bata to respect their laws. I hope the Pope will help us pray that we Catholics here can practice our faith without being disobedient to their law. So we do hope he can help us pray and he will cross paths with our king here and they can talk about it.” - Lolit Barreto, Middle East “Matutulungan ni Pope Francis ang mga OFW kung mas magiging accessible siya sa kanila kahit through social media or sa podcasts kung saan maaaring mapakinggan ng mga OFWs ang kanyang mga mensahe.” - MK Guaño, Quezon City, Philippines “Sa tingin ko, the Pope should run a migrant integration program that would allow the OFWs to blend in with the community smoothly and para mawala ang barriers tulad ng language, etc.” - Fredney Gales, Campbelltown, Australia
5
Kaso vs. mga Pinoy sa Sabah, kinasa ng Malaysia! Ni PAULO DE GUZMAN ‘Illegal possession of firearms’, ‘intrusion’ at ‘inciting to war’. Ito ang mga kasong kakaharapin ng humigit kumulang 104 na mga Pinoy na ikinulong kamakailan sa Malaysia kaugnay ng sagupaan dahil sa Sabah territorial dispute. Ani Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib, ang mga Pinoy ay dinakip dahil sa paglabag sa Security Offenses (Special Measures) Act ng Malaysia na pinagtibay itong taon lamang. Hindi naman ipinahayag ni Taib kung kailan masisimulan ang paglilitis sa mga nasakoteng Pilipino, kabilang na diumano ang ilang mga kaanak ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III, ayon sa Malaysian state news agency na Bernama.
Ayon naman sa army field commander ng Malaysian forces na si Lt. Gen. Datuk Seri Zulkiple, kasalukuyan na nilang iniimbistigahan ang iba pang maaaring kasangkot at taga-suporta ni Kiram. Dagdag pa ng Bernama, nasa 50 na lamang ang natitira sa mga miyembro ng Royal Army ni Kiram na kasalukuyan pang tinutugis. Taliwas ito sa bilang na 170 na binigay naman ni Kiram na patuloy na naninindigang hindi opsyon sa kanila ang lisanin ang Sabah. Idiniin naman ng tagapasalita ng sultanato ng Sulu na si Abraham Idjirani na may 170 pa ang nalalabing miyembro ng Royal Army sa Sabah mula sa orihinal na 235, kung
IM Dimakiling ... mula sa pahina 11
kampeonato at nahulog sa pangalawang puwesto si Nouri ng Escalante City, Negros Occidental. Tabla rin sa pangatlong puwesto sina Grandmaster John Paul Gomez ng Binan, Laguna at Fide Master David Elorta ng Maynila na parehong may 5.5 puntos. Nasungkit naman ni Jasper Laxamana ng Candon ang titulo sa 16 years old and under category at nakuha ni Alekhine Nouri ang kampeonato sa 12-under age-group. Kapwa sila nagtala ng anim na puntos sa tor-
neyong inorganisa ng Candon City Chess Club. Samantala, aarangkada sa Marso 23-26 ang huling yugto ng 2013 National Age Group Chess Championship. Ito ay isang grassroots development program ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na may layuning makahanap ng mga batang manlalaro na maaaring maging Grandmaster sa hinaharap. “The tournament will be divided into the following categories: 20 years and below; 16 years and below; 14 years and below; 12 years
saan hindi bababa sa 61 na ang napatay. Sa tala nila, may 10 ang nasawi, 10 ang nahuli, apat sugatan at 35 na nadakip sa Tawi-Tawi. Dagdag din ni Taib, target ng kanilang operasyon ay hindi lamang ang mga kaanak ni Kiram, kundi ang lahat ng sangkot sa ilegal na pagpasok ng armadong grupo ni Raja Muda Kiram sa Sabah. Kamakailan, nauna nang binansagan ng Malaysia na mga terorista ang mga tagasunod ni Kiram at mula noon ay walang humpay ang mga operasyong isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis ng Malaysia. Dagdag pa dito ang mga napaulat na pagmamaltrato sa mga Pilipino sa Sabah.
and below; 10 years and below; and 8 years and below. There will be different divisions for boys and girls,” sabi ni NCFP executive director GM Jayson Gonzales. Ang mga mananalo sa Pangasinan leg ay uusad sa national finals kasama ng mga nagwagi sa iba pang regional legs. Ang mga magkakampeon sa national finals naman ay may tsansang makapaglaro sa 2013 ASEAN Age-Group Chess Championships na gaganapin sa Chiang Mai, Thailand sa Hunyo.
editoryal
6
MARSO 19-25, 2013
OMNIBUS communications for asia foundation inc. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc. You can reach us through the following: Mobile number: +639064992537 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Matuto kaya sa Papa?
Nitong Marso 13, nasaksihan ng buong mundo ang pagkakatalaga kay Jorge Mario Cardinal Bergoglio mula sa Argentina bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Pinili niyang tawagin ang sariling ‘Francis’ na aniya’y kanyang pagbibigay pugay kay St. Francis ng Assisi na kilalang mapagkumbaba at mapagmahal sa mahihirap. Marami ang namangha sa taglay na kababaang loob ni Pope Francis, lalo na nang ilathala sa mga pahayagan ang kanyang pagbalik sa hotel sakay lamang ng bus pagkatapos mahalal bilang Santo Papa. Pinaniniwalaang taglay ni Pope Francis ang mga katangiang nararapat ding gayahin ng mga lider sa iba’t ibang panig ng mundo. Marami sa mga lider ng buong mundo ang mabilis ding nagpaabot ng kanilang pagbati sa santo papa kabilang na si Pangulong Benigno Aquino III. Sa kabila ng intensyon na maging madiplomasya sa Simbahan sa
“Sa kabila ng intensyon na maging madiplomasya sa Simbahan sa pamamagitan ng naturang pagbati, nananatiling magkasalungat ang pananaw ng pangulo at ng Simbahang Katolika sa iilang isyu.” pamamagitan ng naturang pagbati, nananatiling magkasalungat ang pananaw ng pangulo at ng Simbahang Katolika sa iilang isyu. Nabanggit ni Pnoy ang “panahon ng pagkakaisa ng mga Katoliko.” Matatandaang hinati ng kontrobersiyal na RH Law ang bansa kung saan napabalitang ipinilit diumano ng pangulo ang pagpasa nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag pork barrel para sa boboto pabor, at kabawasan naman o kawalan ng pondo para sa mga kongresistang hindi papabor. Nabanggit din ng pangulo ang “paghugis sa mundo kung saan
bawat tao ay may karapatang mabuhay nang tahimik at may dignidad.” Wari ko’y iba ata ang nagsulat ng mensahe na ito sa kadahilanang ang bawat sanggol na maaaring mabuhay sa sinapupunan ng ina ay hindi mabibigyan ng karapatang mabuhay dahil sa RH Law at mga abortifacients na popondohan nito. Hindi na bago sa atin ang naging turingan ng mga obispo at Palasyo. Bago pa man maipasa ang RH bill, usap-usapan na ang pagpapatanggal ng chapel sa loob ng Malakanyang; ang pag-atras sa diyalogo kasama ng mga obispo
patungkol sa RH bill; at nito lamang nakaraang buwan, pag-utos ng palasyo na tanggalin ang Team Buhay/Team Patay tarpaulin sa diyosesis ng Bacolod kung saan umabot na sa Supreme Court ang naturang isyu. Sa kabila nito, mga kababayan, bilang isang pangulo -- iisang tabi na natin ang pagiging Katoliko ng pangulo -- nararapat na ipakita niya ang kanyang respeto sa pananampalatayang kanyang kinabibilangan gaya ng pananampalatayang nakita sa kanyang ina, ang yumaong dating pangulong Corazon Aquino, na ‘di kailang siya ring nagbigay-daan sa pangulo upang maihalal. Ang slogan ni Pnoy ay “kung walang corrupt, walang mahirap” at malamang kung bibigyan niya ng panahon ang pagdalo sa inauguration ni Pope Francis, matututo siya sa bagong Santo Papa at mabibigyan niya ng tamang pagpapahalaga ang mga mahihirap sa ating bansa ng may pagpapakumbaba.
opinyon
MARSO 19-25, 2013
THE DREAMER Paul Edward Sison
Bakit mahalaga ang Pilipino bilang isang lahi
Tayong mga Pilipino talaga … ang hilig nating hatakin ang sarili nating pababa. Sa harap pa ng ibang tao! Napakababa ng ating self-image. Eh kung tayo mismo, ang baba ng tingin sa sarili, eh papaano pa tayo rerespetuhin ng iba? Bakit ba mas gusto natin punahin ang ating mga pagkukulang? Kaya tuloy ang dami nang lumalabas sa Facebook at internet na mga sulat o komento ng mga dayuhan tungkol sa galing ng Pili-
pino at ganda ng ating lahi. Panay ang puri sa atin ng mga nagsulat ng liham na mga Koreyano at Amerikano. Tapos, makikita mo … kapwa Pilipino pa ang tumutuligsa at walang tiwala sa atin. S e l f - f l a ge l l a t i o n . Masokista yata tayo at gusto nating saktan ang ating mga sarili. Mukhang tama ata ang obserbasyon ng mga dayuhan na kulang tayo sa pagmamahal sa ating bansa … love of country. Eh kung yun lang ang kulang, eh di ek-
REPORTERAKER Yen Ocampo
Isang dugo, isang lahi Nung March 13 nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Sulu Sultan Kiram III sa kanyang bahay sa Taguig sa tulong ni Sister Arnold Maria Noel, SSpS na isang award-winning peace advocate. Kinabahan ako nung una kasi ang pagkakaintindi ko oneon-one interview, kaya naman naghatak ako ng isang kaibigan, si Jack ng Radyo Veritas. Pagdating namin ang daming tao, as in! Mukhang malabo na harapin kami ni Sultan kaya nauna nang
umalis si kasamang Jack pero naghintay pa rin ako ng ilang oras. (Nahiya naman ako sa dinamay ko, mabuti na lang at maunawain, sabi nya ‘it happens’..Salamat gumaan ang pakiramdam ko.) Nakausap ko nung una ang spokesperson ng Sulu Sultanate na si Abraham Idjirani. Nagpasalamat sya sa lahat ng taong sumuporta lalo na sa mga obispo sa Mindanao na nanawagang iligtas ang mga apektadong Pilipino lalo na ang mga sibilyan. Mahaba rin ang am-
7
sakto ang timing ng mga nangyayari sa Sabah at West Philippine Sea para umigting at lalong mag-alab ang ating pagmamahal sa ating bansa. Baka yan lang ang kailangan para magkaisa tayo bilang Pilipino at mangibabaw ang patriotism sa bawat Pilipino. Mahusay naman talaga ang Pilipino – kung gugustuhin niya! Tignan mo kung sino ang paborito ng mga taga-ibang bansa pagdating sa mga mag-aalaga sa kanila na duktor, nars, at caregivers? Pinoy siyempre! Pinay siyempre! Pati sa mga teachers, ganun din … Pilipino ang first-choice nila. Ngayon naman, naabutan na natin ang India sa pagiging most
preferred BPO location sa buong mundo. Napansin nyo rin ba na napaka-masunurin ng mga kababayan natin at napakasipag kapag nasa ibang bansa? Nag-e-excel, nangingibabaw sa ibang lahi. Pero alam nyo ba kung saan nanggagaling ang lakas na yan ng Pilipino? Sa pagiging maka-Diyos at makapamilya. Sa pagiging Mama’s boy. Naniniwala ka ba na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan at ayon sa banal na plano ng Maykapal? Akala nyo ba na ikinalat tayo sa iba’t ibang sulok ng daigdig para lang maging bayani sa bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga - pahina 10
ing naging kamustahan pero nagtapos iyon sa simpleng ‘Salamat Anak.’ Huwaw! First time na may Muslim na tumawag sa akin ng ‘anak.’ Naramdaman ko ang sincerity na kahit anong relihiyon mo pala ay pwede kayong magkagaanan ng loob. Nung simula kasi nangilag ako. Paalis na ako nang biglang may pinagkakaguluhan sa loob ng bahay kasama ni Princess Jaycel, isang madre! Nasabi ko na lang sa isip ‘hulog ka ng langit, Sister.’ Bakit? Kasi papasok na sya sa kuwarto ni Sultan nang bigla akong magmano, nagpakilala at sumabay sa pagpasok.hehe (one point)... Ang siste, nakaharap ko mismo si Sultan.
Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot at ang kanyang katawan ay hapong-hapo, iba pag nakikita sa TV-ibang iba. Sa maliit na silid ni Sultan ay nag-usap sila ni Sister Arnold. Ilan sa mga binitiwan nyang salita ay ‘Please stop fighting, let’s sit in a square table and have a dialogue.’ Sabi ni Sultan sa mababang boses, ‘We were with you Sister 100 percent with all concern’. Nung tinitignan ko silang dalawa, napapaisip ako... Pwede naman palang maging isa ang dalawang magkaiba ang paniniwala at pag gusto, may paraan! Teka, parang may absent sa pag-uusap nina Sister at Sultan. - pahina 10
GRASSROOTS Leonardo Q. Montemayor
CARP extension, anyone? A generation after People Power “restored” democracy, it is difficult for those living far away from the countryside to grasp the immense hardship of many small farmers seeking agrarian justice and socioeconomic emancipation for themselves and their families. One case in point is the ongoing travails of 17 families who have been cultivating as share tenants (some since the 1960s) the 36-hectare Arsenio Imperial estate in sitio Pasto, barangay Tagbong, Pili, Camarines Sur. Last September 1st, at 5:45 a.m., armed men entered the estate. With the use of a big tractor and several hand tractors, they forcibly destroyed or uprooted the farmers’ standing crops and tore down their homes. Over the next two weeks, a reign of terror ensued as the assailants set up guardhouses around the area and indiscriminately fired their pistols and Armalite rifles. Last September 14th, two ladies and two small boys were traumatized by the goons’ leader, a certain Nicanor Carbonel, who fired his handgun a mere meter away from them. The farmers say that, over the years, they had been paying their land shares or rentals to a Willy Imperial and, later on, to Nicanor Carbonel. Without the knowledge of the 17 actual farm tillers, then Municipal Agrarian Reform Officer Nelson Tongco allegedly facilitated the transfer of the estate to Carbonel and other outsiders (many of them residents of Naga City) under the Comprehensive Agrarian Reform Program. Sadly, despite numerous appeals from the farmers, police, local government and Department of Agrarian Reform representatives have been unable to disarm the armed men. Nor have they managed to protect the farmers and reinstate them in their former landholdings. In this kind of situation, what further recourse can our democratic system of government offer to our farmers? How is it possible that, instead of attaining liberation from social bondage and poverty under the CARP, they have seen their human rights trampled upon and yet have received no easing of their burdens? Will extension of the CARP beyond 2014 solve their problems and those of many more long-suffering and would-be agrarian reform beneficiaries?
tampok
8
MARSO 19-25, 2013
Cool na cool
Ni DIANA UICHANCO Kapag matindi ang init ng panahon, mas malakas ang benta. Pero ang appeal ng sorbetes – sa bata man o sa matanda – tila pang-habang-panahon.
M
eron bang party na walang ice cream? Meron naman, pero kung ganito kainit ang panahon tulad ng nararanasan natin ngayong summer na, ayos na ayos pag may sorbetes na masayang pang-tapos sa pansit at iba pang handa. Gusto ng sorbetes ng mga magpa-party ng isang kumpanya sa Makati, at si Mang Lando – ang mamang sorbeterong si Yolando Cajipe -- ang siyang tinawagan para dito. Dahil walang service na sasakyan para sunduin si Mang Lando at ang kanyang ice cream cart, game na game siyang naglakad mula sa Quezon City na kung saan siya ay nakatira hanggang sa Makati. “Mga tatlong oras akong naglakad. Okey lang naman, umalis lang ako ng maaga,” masayang kwento ng sorbetero, na siyang sanay nang araw-araw na naglalakad mula Cubao hanggang sa karaniwang
Para sa mga detalye tungkol sa party, matatawagan si Mang Lando sa 0919-2054765 pwesto sa Temple Drive na di kalayuan sa Ortigas Avenue. Ngunit nang araw na iyon, nasubukan ang tibay ng mga gulong ng kanyang ice cream cart! Lumuwang lang ng kaunti, at kaunting higpit ng mga turnilyo pagkatapos ay parang bago na ulit. Mga 20 taon nang nagtitinda ng sorbetes si Mang Lando, at paminsan-minsan, dahil na rin sa pag-rekomenda ng mga pamilya, wala siya sa karaniwang pwesto para mag-
Bunga ng init ng panahon: bungang-araw! Ayan na naman ang init ng panahon, at marahil lalo pang titindi ito dahil simula lang ng summer ngayon! Ano ang karaniwang dala ng tag-init? Bungangaraw, o prickly heat/heat rash, dahil sa karagdagang pagpapawis na nararanasan.
sa balat na madalas ay matatagpuan sa may liig, sa likod o sa tiyan. Kung sa tingin mo ay may bungang-araw ka, siguruhin munang ito’y hindi bulutong o kaya’y chicken pox. Kumunsulta sa duktor.
ng panahon, pananamit (baka masyadong makapal ang tela o patong-patong ang kasuotan), o kahit na mataas na lagnat.
Paano ito maiiwasan?
Ang pinakamabisang paraan upang iwasan ang Ano ang sanhi nito? pagpapawis ay lumagay Ang sobrang pagpapawis sa mga di mainit na lugar, Ano ba ito? na siya namang pwedeng paggamit ng bentilador Maliliit at pulang tuldok resulta ng matinding init o airconditioner, o pag-
bawas ng mga nakakapagod na aktibidades. Ang mga malamig na inumin o kaya’y sorbetes ay nakakapawi ng init kaya’t ito’y makakatulong rin. Ang bungang-araw ay lumalala dahil sa masikip na kasuotan kaya’t iwasang masuot nito.
attend ng party kasama ang kanyang makulay na ice cream cart. Madalas ay mga birthday party ng bata, pero ang pabalik-balik na kumukuha ng sorbetes ay bata pati matanda, sabi niya. Ang palaging unang maubos ay ang keso flavor, pero popular din naman daw ang tsokolate at mangga, dagdag pa niya. May mga panahong mahina ang benta ng sorbetes, tulad ng tag-ulan. Pero sige pa rin si Mang Lando dahil inaasahan na niya at ng kanyang mga kapwa sorbetero ang ganoong takbo ng benta. Kailangan lang naman ay maging “cool lang” dahil hindi magtatagal at sisikat na naman ang araw o di kaya’y may magpa-plano ng party at tatawagan na naman ang mamang sorbetero. Maaaring pabagobago ang panahon, pero ang hatak ng ice cream – sa bata at sa matanda – ay tila pang-habangpanahon.
ang balat para tanggalin ang pawis. Matapos ay dahan-dahang punasan ng tuwalya at siguruhing tuyo na ang balat. Madalas ay nawawala ng kusa ang bungang-araw pagkalipas ng ilang araw basta’t hindi ito kinakamot. Maaaring lagyan ito ng gawgaw o kaya’y cornstarch powder Ano ang lunas kung para hindi agad pawisan ikaw ay may bunat para na rin mabawasan gang-araw? ang pangangati. Huwag Unang una, hugasan ng maglagay ng mga lotion, tubig at sabong banayad oil at pabango.
MARSO 19-25, 2013
tampok
9
Dear Ate Ami
Bakit walang tigil ang mga problema?
Dear Ate Ami,
Ako po ay isang simpleng taga-Tondo, may asawa’t tatlong anak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo dahil kahit anong gawin ko ay parang mailap sa akin ang tagumpay. Dati ay namasukan ako sa isang pabrika ng apat na taon, sumunod ay sa isang kumpanya bilang delivery staff. Tumagal ako doon ng halos sampung taon, pero sa kasawiang palad ay nagsara ang kumpanya tulad ng una kong pinasukan. Sa pamamagitan ng maliit naming ipon ng aking asawa, nagsimula ako ng maliit na negosyo (pandesal) ngunit itinigil na rin namin dahil sa mga utang ng customer na parang kinalimutan nang may utang sila sa amin. Alam kong sipag at tiyaga lang ang kailangan pero bakit parang kahit ano po ang gawin ko, kapalpakan ang laging kinalalabasan? Tulungan niyo po ako dahil hindi ko na makita ang kabuluhan nitong pagiging mabait; ang mga kaibigan ko pong mga walanghiya (ipagpaumanhin niyo po ako sa pagsabi nuon) ang siyang umaangat at masaya sa kanilang mga katungkulan habang kami ng pamilya ko ang nasusuklian ng hirap para sa pagpapakabait. Gusto ko rin po naman bigyan ang aking misis at mga anak ng mas maginhawang buhay. - Tonio ng Tondo Dear Tonio ng Tondo, Unang una, ipahintulot mong sabihin ko muna sa iyo na “feel na feel” ko iyang sinasabi mo, dahil nagdaan din ako diyan. Alam mo kasi, dito sa trabaho ko sa pamamahayag, kailangang tapat ako sa tungkulin kong hanapin ang katotohanan at iyon ang iparating sa mamababasa. Siyempre, “press” ako, madaming “nangliligaw” sa akin para mapakinabangan nila ang istado ko sa media. Pero hindi ko maatim na tanggapin ang “friendship” nila pagkat iyon ay mangangahulugang hindi na ako magiging tapat sa tungkulin, sa tao, sarili
ko, at sa Diyos. Pero hindi madaling manindigan sa prinsipyo ko. Dumaan ako sa matinding paghihirap tulad ng dinadanas mo ngayon, at pati ang Diyos ay halos sumbatan ko na rin, kasi eto ako, nagpapakabait nang buong puso, nagsusumikap maging tapat sa kalooban Niya, wala akong luho, pero hindi ako maubus-ubusan ng problema sa pera lalo na; inuutangan ako nang hindi binabayaran, dinidispalko ng katiwala ko ang pera ko, hindi tuloy ako makabili ng kotseng bago o laptop man lang, o makapagbigay ng malaki-laki sa mga charities ko—samantalang yung mga kasamahan ko sa trabaho na walang pakialam sa Diyos, hindi na nila kailangang paghirapan ang mga pasarap sa buhay, meron pa ngang masasarap ang buhay, yun pa ngang “kabit” me kotseng magara, me tsuper pa, magaganda ang damit, at maraming kaibigan. Unfair si God, di ba? Pero kalaunan, nakita ko na sa kabila nung mga bagay na meron sila, hindi pala payapa ang kalooban nila, hindi sila makuntento, laging naghahanap ng higit pa, at marami silang sakit. Ako, walang luho, walang sakit. Siguro dahil natutunan kong pasanin ang mga problema ko bilang pagdamay kay Kristong nagpakasakit gawa ng kasalanan ng iba, nahabag Siya sa akin. Hindi “unfair si God” at hindi rin malas na nasa kalagitnaan tayo ng problema. Mailap sa iyo ang tagumpay, sabi mo? Pag-isipan mo ang aking mga sinabi, at subukan mong iluhog sa Diyos ang mga iniisip mo. Bibigyan ka Niya ng liwanag para iangat ang istado mo sa buhay, sa Kanyang paraan. Ibabalik Niya ang “balance” sa iyong buhay ng hindi mo namamalayan. Basta gawin mo ang dati mong ginagawa nang buong tapat sa Kanyang mga alituntunin dahil mahal mo ang Diyos na nagbigay sa iyo ng hininga.
Ate Ami
PH umani... mula sa pahina 11
thority at MVP Sports Foundation ay si bantamweight Jonas Bacho na nabigong makapasok sa semifinal round. Sa finals, dinurog ni Marcial, ang 2011 World Junior champion, si Batzorig Otgonjorgal ng Mongolia, 29-12 habang hiniya naman ni Bautista ang panlaban ng Uzbekistan na si Mirazizbek Murzahalilov sa pamamagitan ng 19-10 panalo. Nagwagi rin ang dating World Youth Championship bronze medalist na si Bornea kay Kosei Tanaka ng Japan, 15-13, at nanaig si Palicte kay Liu Xiaoshuai ng China, 17-13. “A great day for Philippine boxing,” sabi ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas. “Words can’t express how proud I am of the overall effort and resolve put together by our young ABAP boxers in this tournament. Truly magnificent! Great job, guys.”
Azkals... mula sa pahina 11
bansang Cambodia, Turkmenistan at Brunei. Ang mangunguna sa grupong ito ay awtomatikong makakapasok sa 2014 AFC Challenge habang ang No. 2 team dito ay may pag-asa ring umusad depende sa resulta ng iba pang Group Stages. Nauna nang nagwagi sa Group Stage ang Myanmar (Group A), Afghanistan (Group C) at Palestine (Group D). Ang Group B ay paglalabanan ng Kyrgyzstan, Tajikstan, Pakistan at Macau. Sa pagtatapos ng mga Group Tournaments ay makakasama ng limang group winners ang top two second placers ng qualifying round sa main tournament. Awtomatiko namang magkakaroon ng slot ang host country na Maldives sa walong-koponang torneyong ito. Ang kampanya ng Azkals dito ay pangungunahan nina Chiefy Caligdong, Neil Etheridge, Stephan Schrock, Jerry Lucena, Dennis Caraga, Rob Gier, Juani Guirado, Ray Jonsson at ng magkapatid na James at Phil Younghusband. Nanatili pa ring coach ng Azkals si Hans Michael Weiss ng Germany.
Ikalawang panalo... mula sa pahina 12
ano na umiskor din ng 15 puntos sa unang laban laban sa Fruitas. Ang Boracay Rum Waves naman ay galing sa 95-85 panalo kontra Informatics College Icons. Ang Waves ay pinangunahan ni Roider Cabrera na umiskor ng 28 puntos kabilang ang 15 puntos mula sa threepoint area. Gumawa rin ng tigalawang tres sina Jeff Viernes at Fhadzmir Bandayiing para tulungan si Cabrera na paulanan ng tres ng Boracay Rum ang Informatics. Nagtapos si Viernes na may 14 puntos habang si
Bandayiing naman ay may 10 sa laro. May pagkakataon naman ang Informatics na makabawi ngayong Martes sa pagharap nito sa Café France. Ang Informatics ay pangungunahan nina Nathaniel Matute, Moncrief Rogado, Marc Lester Benitez at Jeric Teng. Makakatapat naman nila sa kabilang kampo sina Mon Alvin Abundo, Raymund Maconocido, Marion Magat at Michael Parala. Galing ang Bakers sa 8083 kabiguan laban sa Blackwater Sports.
10
MARSO 19-25, 2013
@tapatnews
Tapat. Ang Balitang Totoo
www.tapatnews.com Bakit mahalaga... mula sa pahina 7
dollar remittances na nagpalutang sa ating ekonomiya nung mga nakaraang krisis pinansyal? Napakababaw ng tingin natin sa ating sarili. Sa plano ng Diyos, tayo ang ginagamit niya para ihatid ang mabuting balita sa ibang bansa. Tayo ang ginagamit niya para buhayin muli ang mga simbahang nagsara sa Europa, Australia, atbp. Tayo ang ginagamit niya para ipadama sa ibang lahi na mahalaga ang pagmamahal, concern at affection sa ating kapwa taong may sakit, sa ating uugod-ugod na mga mahal sa buhay na retirado na ngayon, sa mga bata na ihinahabilin sa ating mga babysitter, sa mga taong kausap sa telepono na nangangailangan ng tulong o direksyon, at napakarami pang iba.
Isang dugo.. mula sa pahina 7
ah.hehe Ano na nga ba ang ginagawa ng gobyerno natin tungkol sa Sabah? Any update?...hmmm sana nga matapos na ang sigalot; ang dami nang nadamay at sana naman makipagtulungan at maging bukas ang isipan ng Malaysia hinggil sa pag-uusap. Hindi lang naman mga Pilipino ang apektado kundi mga kababayan rin nila. Ang ending?..Isa lang ang napatunayan ko, hindi hadlang ang relihiyon para magkaisa tayo dahil kahit iba-iba ang paniniwala natin, meron pa rin tayong pagkakatulad at iyan ang pagkakaroon ng Isang Dugo at Isang Lahi ng mga Pilipino. (re4teraker@hotmail.com)
San Mig... mula sa pahina 12 da pero umaasa si Mixers head coach Tim Cone na makaalagwa ang kanyang koponan kontra Air21 sa Martes para ma-solo nito ang ikaapat na puwesto. Pero tiyak na hindi naman basta padadaig ang Air21 Express na matapos na manalo lamang ng isang beses sa unang anim na laro ay kasalukuyan namang may two-game winning streak. Magkasunod na tinalo ng Air21 ang  GlobalPort, 10694, at Alaska Milk, 74-68, para makaahon sa kinalulubugang putik. Ngunit kailangan pa ng Express ng ibayong pagsisikap para magtuloy-tuloy ang kanilang pag-angat. Sasandig si Air21 coach Franz Pumaren sa mga pambato ni-
yang sina Nino Canaleta, Mike Cortez, John Wilson, Mark Isis, Wynne Arboleda at import nitong si Michael Dunigan. Tulad ni Bowles ay masipag at matatag sa ilalim si Dunigan. Kontra GlobalPort ay kumulekta ng 35 puntos at 20 rebounds si Dunigan at kontra Alaska naman ay may 25 puntos at 14 rebounds ito. Sa isa pang laro sa Martes ay magtutuos ang Rain or Shine at Barako Bull. Kapwa pakay ng dalawang koponang ito na mapigil ang kanikanilang losing streak. Ang Rain or Shine ay papasok sa larong ito  tangan ang dalawang dikit na kabiguan habang ang Barako Bull naman ay hindi nanalo sa huling apat na laro.
TAPAT HIRING ACCOUNT EXECUTIVE - Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality Email your resumes to: info@omnibusmediagroup.com
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com
MARSO 19-25, 2013
sports
11 Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Caloy Loyzaga nasa bansa para PH umani ng 4 na ginto sa paglulunsad ng tribute book sa Asian Youth Boxing Nasa bansa ngayon ang tinaguriang “The Greatest Filipino Basketball Player” na si Carlos “Caloy” Loyzaga para personal na dumalo sa book launching ng Caloy Loyzaga: The Big Difference. Nakatakda ang paglunsad ng tribute book para kay Caloy sa Miyerkules, Marso 20, sa San Beda College chapel sa Mendiola, Manila. Ang libro, na pinagtulungang buuin ng mga pangunahing sports writers sa bansa, ay may kapal na 100 pahina at naglalaman ng mga kuwento, mga larawan at iba pang bagay tungkol kay Caloy na tinagurian ding “The Big Difference,” “The Great Difference” at “King Caloy” noong naglalaro pa siya para sa San Beda College. Hinatid ni Caloy, na ngayon ay 82 taong gulang na, ang Red Lions sa kampeonato ng NCAA noong 1951, 1952 at 1955. Pinangunahan din niya ang San Beda noong nasungkit nito ang National Open championship noong 1951. Si Caloy ay may taas na 6’3’’ lamang ngunit magiting niyang tinapatan ang mas matatangkad na sento ng kalabang bansa sa iba’t ibang international tournaments. Hinatid niya sa gold medal finish ang pambansang koponan ng Pilipinas sa Asian Games ng apat na beses (1951, 1954, 1958 at 1962) at sa ABC tournament (FIBA-Asia na ngayon) ng dalawang beses (1960 at 1963). Pinanguanahan din niya ang bansa sa bronze medal finish sa 1954 Rio de Janeiro World Basketball Championship matapos mag-average ng 16.4 puntos kada laro sa torneyo. Muli siyang nakasama ng kopo-
Nanalo ng gintong medalya si Ian Clark Bautista (blue jersey) ng Pilipinas matapos niyang pagharian ang flyweight division ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship na nagtapos nitong Sabado sa Subic. Bukod kay Bautista ay nagwagi rin ng ginto ang mga kababayang sina Jade Bornea (lightflyweight), James Palicte (lightweight) at Eumir Marcial (light welterweight).
nan sa World Basketball Championship sa Santiago, Chile noong 1959. Nakapaglaro din siya sa Olympics noong 1952 sa Helsinki at noong 1956 sa Melbourne. Si Caloy ay kasalukuyang naninirahan sa Australia at bumalik ng Pilipinas kamakailan para sa naturang book launching na inorganisa ng San Beda College Alumni Association, San Beda College Alumni Foundation at San Beda Law Alumni Association. Ilan sa mga napiling magsulat para sa libro ay sina Quinito Henson, Beth Celis, Tessa Jazmines, Henry Liao, Lito Cinco, Ignacio Dee, Frederick Nasiad at dating senador Rene Saguisag.
IM Dimakiling kampeon sa Candon chessfest Pinagharian ni International Master Oliver Dimakiling ng Davao City ang 2013 Candon Rapid Open Chess Championship na ginanap noong isang linggo sa Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur. Tinapos ni Dimakiling ang torneyo na may 6.0 puntos sa pitong rounds katabla si Fide Master Hamed Nouri, ngunit dahil tinalo ni Dimakiling si Nouri sa round 6 ay naiuwi ng Dabawenyo ang - pahina 5
Sa limang batang amateur boxers isinali ng bansa ay apat ang nanalo ng gintong medalya sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships na natapos nitong Sabado sa Subic Gym sa Zambales. Ang mga umani ng parangal para sa bansa ay sina light flyweight Jade Bornea, flyweight Ian Clark Bautista, lightweight James Palicte at light welterweight Eumir Marcial. Ang tanging nalaglag na Pinoy sa torneyong inorganisa ng ABAP-PLDT katuwang ang Subic Bay Metropolitan Au- pahina 9
Azkals handa na sa AFC Challenge Cup qualifying tournament Handang-handa
na ang Philippine Azkals na sumabak sa qualifying tournament ng 2013 AFC Challenge Cup na gaganapin sa Marso 22-26 sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Manila. Makakasagupa ng Pilipinas sa Group E ang mga - pahina 9
sports
12
SanMig, Air21 magkakasubukan Aksyong umaatikabo ang tiyak na masasaksihan sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum ngayong Martes, March 20. Magsasagupa ang SanMig Coffee at Air21 na kapwa naghahangad na makabangon sa hindi magandang simula sa liga. Galing sa 76-71 panalo ang SanMig Coffee Mixers kontra Meralco Bolts sa larong kinatampukan ng double-double perfor-
mance ng import nitong si Denzel Bowles. Si Bowles, na hinatid ang koponang ito sa kampeonato noong isang taon, ay humataw ng 23 puntos at 16 rebounds para pangunahan ang Mixers sa panalo. Nagdagdag naman ng 19 puntos si James Yap, at si Marc Pingris ay nagtapos na may pitong puntos at 16 rebounds. Kasalukuyang katabla ng SanMig ang Talk ‘N Text at Meralco sa ikaapat na puwesto sa team standings na pawang may 4-4 karta- pahina 10
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Team Standings Alaska Petron Rain or Shine Talk ‘N Text Meralco San Mig Coffee Barako Bull Air21 Ginebra Global Port
Ikalawang panalo pakay ng Jumbo Giants Baguhan lamang ang Jumbo Plastic Linoleum Giants sa PBA D-League ngunit sa Martes, Marso 19, ay pinupuntirya na nito ang ikalawang sunod na panalo sa liga. Sa unang laro ng Giants ay tinambakan sila ng Fruitas Shakers, 56-81, ngunit agad namang bumawi ang koponang minamanduhan ni coach Steve Tiu noong Huwebes nang humataw ito ng 81-55 panalo kontra Hog’s Breath Café na isa ring baguhang koponan sa liga. Sa layong iyon ay gumawa ng 17 puntos si Aljon Mariano at nag-ambag naman ng 13 puntos si Elliot Tan at 11 puntos si Marvin Hayes. Kontra Boracay Rum ay inaasahan ni Tiu na patuloy na maglalaro ng mahusay ang tatlong ito lalung-lalo na si Mari- pahina 9
MARSO 19-25, 2013
W 7 6 5 4 4 4 3 3 3 2
L 2 2 3 4 4 4 5 5 5 7
Umiskor ng 28 puntos si Mark Caguioa para pangunahan ang 107-100 panalo ng Barangay Ginebra laban sa Talk ‘N Text nitong Linggo sa PBA Commissioner’s Cup.
Game Schedules Mga Laro sa Martes (March 19) (San Juan Arena) 2 p.m. Informatics vs Café France 4 p.m. Jumbo Plastic Linoleum vs Boracay Rum Mga Laro sa Miyerkules (March 20) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull 7:30 p.m. SanMig Coffee vs Air21
Mga Laro sa Huwebes (March 21) (Ynares Arena, Pasig) 12 p.m. Cebuana Lhuillier vs NLEX 2 p.m. Fruitas vs Blackwater Sports 4 p.m. EA Regen Med vs Hog’s Breath Café Mga Laro sa Biernes (March 22) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Petron Blaze vs Talk ‘N Text 7:30 p.m. Ginebra vs Meralco Bolts