@tapatnews
facebook.com/tapatnews
www.tapatnews.com
MARSO 26- ABRIL 1,2013 VOL 1 NO 4
ANG BALITANG TOTOO
PRESYO NG PETROLYO, PABABA NANG PABABA
- Basahin sa Pahina 5
Tatapatin kita ni Ate Ami
TAPATAN: Gaano ka-importante ang isyung James-Kris, Chiz-Heart sa mamamayang Pilipino? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436
Pano tutulungan ang kaibigang nangaliwa?
- Pahina 9
Opinyon sports
Ikatlong panalo puntirya ng Blackwater, Cebuana Lhuillier - Pahina 12
balita
Low voters precints, ni-recluster ng Comelec - Pahina 3
Ang Lihim ni Gandang Humihimbing
- Pahina 7
2
Karne ng baboy na may lason mula China, babantayan ng DA Ni PAUL ANG
Gumagawa na ng hakbang ang DA upang manatiling ligtas ang food supply ng bansa mula sa kontaminadong karne ng baboy.
NANINDIGAN ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na mahigpit nitong tututukan ang mga borders, at daungan sa bansa upang mapigilan ang tuluyang pagpasok sa Pilipinas ng mga kontaminado at nakalalasong karne ng baboy na ‘di umano’y mula sa bansang China. Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang mga nasabing karne ng baboy ay maaaring magdulot ng Foot and Mouth Disease sa mga taong makakakain - pahina 5
Listahan ng blacklisted recruiters, ilabas - Sen. Bongbong HINIHIKAYAT ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isapubliko sa pamamagitan ng tradisyunal at social media ang mga blacklisted recruitment agency na nambibiktima ng mga aplikanteng OFWs. Ito ay kaugnya ng pagtanggal ng ban sa deployment ng Filipino workers sa Iraq at Yemen, na siguradong dudumugin na naman ng mga Pilipino at ng illegal recruiters. Hinimok ng senador ang naturang ahensya na maglabas ng malinaw na guidelines hinggil sa pagde-deploy ng OFWs sa naturang mga bansa, pati ang listahan ng mga recruitment agency na awtorisadong magpadala ng trabahador sa naturang destinasyon. “Palagi tayong nakakarinig ng malungkot na kuwento ng mga aplikanteng Pilipino na nagbenta ng kanilang ari-arian o kinuha ang naipon sa bangko upang ipanggastos sa pag-aaplay ng trabaho sa abroad, pero nauwi lang sa
balita
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
Local absentee voting application, extended! -COMELEC
Kabilang ang mga gurong magbabantay sa mga polling stations sa mga maaaring mag-aplay bilang local absentee voter.
NAGPASYA ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na i-extend pa ang deadline para sa pag-aaplay sa local absentee voting sa bansa hanggang Abril 2. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pinalawig ng poll body ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa local absentee voting bunsod na din ng kahilingan ng iba’t ibang kumpanya at ahensya ng pamahalaan. Magugunitang batay sa resolusyon ng Comelec, ang deadline para sa government employees, mga pulis at sundalo na nais mag-avail ng pribiliheyo ng local absentee voting ay
nakatakda sanang magtapos noong Marso 15, para naman sa mga miyembro ng media ito ay sa Marso 31 pa. Sa ilalim ng local absentee voting, maaaring bumoto ang mga pulis, sundalo, public school teachers at mga mamamahayag, na nag-avail ng absentee voting, dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 13 o mula Abril 28 hanggang 30. Nabatid naman na kinakailangan lamang umano na aktibong registered voters ang mga nasabing indibidwal subalit ang maaari lamang iboto ng mga ito ay mga kandidato sa partylist at pagka-senador. (PA)
good news Inaasahang dadagsa na naman ang mga OFWs sa mga bansang Iraq at Yemen dahil sa bagong status nito.
wala dahil sa illegal recruiters,” pahayag ni Marcos. Nais din ni Marcos na imonitor at agad kandaduhan ng POEA ang mga
ahensyang humihingi ng sobrang taas na application at processing fees sa mga nag-aaplay na OFW. (GC)
may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw-kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapat@omnibusmediagroup.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
balita
3
DoLE pay rules Low voters precints, para sa Holy Week, ni-recluster ng Comelec nilabas na Ni GRACE CAJILES
NAGLABAS ng pay rules para sa mga manggagawa sa pribadong sektor para sa Mahal na Araw ang Department of Labor and Employment (DoLE). Para sa March 28, Maundy Thursday, at March 29 o Good Friday, na pawang mga regular holidays, ang tamang pay rules ay ang mga sumusunod: Sakaling ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 percent ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance (COLA); sakaling pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 percent ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA. Kung ang empleyado naman ay nagtrabaho ng
lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate. Kung ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang daily rate at 200 percent ng kanyang arawang suweldo. Kapag day-off naman ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw. Para sa March 30, Black Saturday, na isang special non-working day, paiiralin ang mga sumusunod na pay rules: sakaling ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ipapatupad ang “no work, no pay” principle. Kapag nagtrabaho naman, tatang- pahina 10
Upang ma-maximize ang resources ng Comelec nag-recluster ito ng mga precincts na may mababang bilang ng botante.
NAGLABAS na ng reso- ma-sama na lamang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Illusyon ang Commission mga kakaunting botante sa oilo, Isabela, Laguna, Lanao del Sur, Leyte, Maguindanon Elections (Comelec) na iisang voting precint. naglilipat o nagrere-cluster Batay sa Comelec Resolu- ao, Marinduque, Misamis sa mga polling precints sa tion 9244, kabilang sa mga Occidental, Misamis Ori44 na lalawigan sa bansa lalawigan na apektado ng ental, Northern Samar, Ocna napag-alamang may reclustering ay ang Abra, cidental Mindoro, Palawan, mababang bilang ng mga Agusan del Norte, Agusan Quezon, Quirino, Rizal, del Sur, Aklan, Antique, Romblon, Samar (Western botante. Ayon kay Comelec Chair- Apayao, Basilan, Benguet, Samar), Siquijor, Southern man Sixto Brillantes, Jr., Bohol, Bukidnon, Cagayan, Leyte, Sultan Kudarat, Sulu, station ng PAGASA mula layunin ng reclustering na Camarines Sur, Capiz, Cat- Tawi-Tawi, Zamboanga del sa limang regional centers ma-maximize ang resourc- anduanes, Cebu, Davao del Norte, at Zamboanga del nito sa buong bansa. es ng poll body at ipagsa- Sur, Eastern Samar, Ifugao, Sur. (PA) Sinabi ni Servando, na bagamat hindi pa masabi kung gaano ito ka-accurate, ipinagmalaki niya na mas pino ang resolusyon NANINDIGAN si Leyte Rep. Lucy Torres- dating Rep. Eufrocino Codilla Jr., na kahit nito kaya’t mas mapapa- Gomez na manatili sa kanyang pwesto pa madaliin nito ang proseso ay hindi pa rin bilis na rin ang paglalabas sa kabila ng desisyon ng Korte Supre- ito maaaring pumalit sa kanyang pwesto nila ng impormasyon sa ma na siya ay patalsikin sa Kongreso. dahil wala itong mandato mula sa taongAyon sa kongresista, hindi siya baba- bayan. Ayon pa sa mambabatas, mananatiweather system. ba sa posisyon dahil hindi pa pinal li siya sa pwesto hanggang wala silang naSa loob aniya ng apat na ang desisyon ng Supreme Court (SC). tatanggap na kopya ng resolusyon ng SC. oras bago mangyari ang Bukod pa sa nasabing dahilan, hindi pa Matatandaang nagpalabas ng desisyon isang simpleng thunderrin aniya natatanggap ng kanyang abog- ang SC na nagpapatalsik kay Torresstorm ay makapag-aabiso ado ang kopya ng ibinabang desisyon. Gomez bilang kongresista ng Ormoc na sila sa publiko dahil naDahil dito ay nagplaplano ang kanyang dahil sa hindi balido ang pag-substikikita ng bagong COSMO kampo na maghain ng motion for recon- tute nito sa asawang si Richard Gomez model ang pinagsama-sasideration. na nadiskuwalipika bunga ng kwestmang impormasyong galBwelta niya sa kanyang kalaban na si yunableng residency status nito. (GC) ing sa ground, air at satellite. (RP)
Bagong pasilidad ng PAGASA para sa bagyo, inilunsad INILUNSAD ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomic Services Administration – Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) nitong nakaraang linggo ang visual weather system at COSMO Numerical Model Prediction na may layuning magbigay ng mas tamang impormasyon sa publiko tungkol sa bagyo at ulan sa bansa. Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, sa pamamagitan ng bagong pasilidad na galing pang Germany ay higit na magiging sentralisado ang monitoring
Lucy Torres, stay pa din sa kanyang pwesto
4
Oplan ligtas kuwaresma, inilunsad sa mga expressway Ni ROMY PANAHON
Inaasahang dadagsa ang mga motorista patungo sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.
MAGKAKASAMANG inilunsad kamakailan ang Oplan Ligtas Kuwaresma project ngayong taon na tinawag na “Safe trip mo, sagot ko for Holy Week” upang alalayan ang mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) , Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Manila-Cavite Expressway. Ani ni Raul Ignacio, VP for Construction and Engineering Department ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), isa sa mga tagapagtaguyod ng proyekto, na may 24/7 silang mga dagdag na mga tauhan sa kuwaresma na magbabantay at magroroving sa mga lansangan ng ex- pahina 5
Rodriguez, Rizal madadaluyan na ng malinis na tubig MADADALUYAN na ng sapat at malinis na inuming tubig ang mga residente ng Rodriguez, Rizal. Ito ay makaraang magsagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) ng information caravan sa naturang lugar na nasasakupan ng Manila Water sa pagdiriwang ng World Water Week. Sa naturang caravan, tiniyak ng tanggapan na angkop ang serbisyong natatanggap ng mga residente sa lugar, may malinis na maiinom na tubig at sapat ang water pressure sa mga lugar na sakop ng naturang water concessionaire. Kaugnay nito, hinikayat ni MWSS Regional Office Laboratory Specialist Evelyn Agustin ang mga residente ng Rodriguez, Rizal na gamitin ang tubig mula
balita
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
WORLD NEWS
Ni JANDEL POSION
Dalawang Italyanong marino, pinabalik sa India dahil sa kasong pagpaslang ITALY—Para maiwasan ang diplomatikong ‘di pagkakaunawaan, sumang-ayon na ang gobyerno ng Italya na pabalikin sa India ang dalawa nilang marino matapos silang akusahan ng pagpatay sa dalawang mangingisda noong isang taon. Nagbigay naman ng abiso ang opisina ng Prime Minister ng Italia na papabalikin sa India ang dalawang marino matapos makatanggap ng sulat ng katiyakan mula sa gobyerno ng India na bibigyan ng proteksyon ang karapatan ng dalawang marino. Sang-ayon naman ang dalawang marino sa desisyon ng kanilang gobyerno.
Lalaki, nakitaan ng talim ng kutsilyo sa likod CANADA—Nakitaan ng talim ng kutsilyo sa likod ang isang lalaki sa Canada matapos magreklamo ng pananakit at pangangati. Nakuha sa likuran ni Billy McNeely ang talim ng isang kutsilyo na hinihinalang nakaligtaang mapansin ng mga doktor na gumamot sa kanyang sugat tatlong taon na ang nakalilipas nang siya ay saksakin ng limang beses sa isang away. Noong nakaraang linggo, kinamot ni McNeely ang kanyang likod kung saan nahagilap ng kanyang kuko ang dulo ng 7.5cm na talim at natuklasan ito. Nang tinahi ang kanyang mga sugat, hindi kinunan ng X-ray si McNeely. Inaalam pa kung sasampahan niya ng kaso ang lokal na kagawaran ng kalusugan na gumamot sa kanya.
Dalawampu patay dahil sa buhawi
Ang access sa malinis na tubig ay nananatiling problema ng maraming lugar sa bansa.
sa Manila Water dahil hindi lahat ng water refilling stations doon ay pasado sa microbiological, physical at chemical tests batay na
rin sa inilabas na anunsyo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee ng Department of Health. (RP)
BANGLADESH—Isang buhawi ang tumama sa timogkanlurang bahagi ng Bangladeshi capital ng Dhaka, kung saan nag-iwan ng halos dalawampung kataong patay, sirang mga bahay, putol na mga puno at walang kuryente sa malaking bahagi ng nasabing lugar. Maaaring tumaas ang bilang ng nasawi matapos mag-iwan ang buhawi ng 300 sugatan kung saan mahigit 500 kabahayan ang nasira. Isa sa mga nasira ang kulungan ng Brahmanbaria kung saan isang guwardiya ang patay matapos gumuho ang naturang gusali, pero sinabi ng mga opisyal na wala ni isang bilanggo ang nakatakas at namatay.
ADVERTISE WITH US... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
balita
TAPATAN Question! Nagpalabas naman ang Korte Suprema ng isang STATUS QUO ANTE (SQA) para sa R.A. 10354 o RH Law na ikinagalak ng marami, ngunit siya ring kinondena ng iba. Heto ang iilang reaction na nakalap natin para sa ating Tapatan Question ngayong linggo:
Ano ang masasabi mo sa SQA ng Supreme Court na pumipigil sa pag-implementa ng RH Law? “Mas maganda yan kung ibabasura na yang RH LAW kasi hindi makakabuti sa mga nagdadalang tao yan lalo sa lahat ng Kabataan.” – Jeric San Antonio, Tondo, Manila “Palagay ko, tungkulin ng pamahalaan na masiguro ang kaligtasan ng mga babae sa panganganak at maging sa kanilang kalusugan habang nagbubuntis. ito ang alam kong adhikain ng RH Law. at malinaw sa ating Konstitusyon na hindi papayagan ang alinmang batas na magsasaligal ng aborsyon. ginawa lamang ng pamahalaan ang batas na ito para sa kapakanan ng ating kababaihan.” – Francis Villar, Binangonan, Rizal “Sa palagay ko although pro-RH ako at admittedly di ko nabasa whatever reason they gave for the TRO, maybe the SC found merit after all about opposition to RH kaya they implemented the TRO instead. Kasi di ba madami ang nag appeal sa pagpasa ng RH, maybe their arguments proved to be good enough for the SC to delay [implementation] of the [law].” – Jing Jacobo, Quezon City “I think, the supreme court wants to study the details of the bill. they want to hear the points/arguments of the two sides. i just think the 120 day suspension is quite long. reasonable ung suspension for them to assess and decide what’s best pero the period is too long. un lang naman ang opinion ko.” – Joshua Gabor, San Juan City
5
Presyo ng petrolyo, pababa nang pababa Ni PAULO DE GUZMAN
MANILA, PHILIPPINES – Bumaba muli ang presyo ng petrolyo sa ikalimang pagkakataon pagkatapos ng magkakasunod ng pagbaba nito sa nakalipas na mga araw. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Petroleum Corp., Total Philippines, Inc., SEAOIL Philippines, epektibo ng 12:01 kahapon ng umaga, Lunes, bumaba ng 25 sentimo kada litro ang presyo ng Xtra, XCS at Blaze; 55 sentimo naman kada litro ng Turbo Diesel at DieselMax; at 70 sentimo kada litro ng kerosene. Ayon kay Raymond Zorilla, assistant vice-president for external affairs ng Phoenix, ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay alinsunod sa pandaigdigang kalakalan. Sinangayunan ni Department of Energy (DoE) Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada, ang pagbaba ng presyo ay dahil sa may sapat na imbak ng langis. Ayon pa din kay Monsada sa nakalap nilang balita mula sa US Energy Information Administration, may labis na langis sa huling imben-
toryo ng Amerika. Samantalang, naniniwala naman ang International Energy Agency (IEA) na ito ay bunsod ng mababang pandaigdigang pangangailangan sa langis sa kasalukuyang taon. Sa kanyang huling text message, sinabi pa ni Monsada na sa pag-aaral ng IEA ang pagbaba sa pangangailangan ng daigdig sa langis ay dahil na din sa pagtitipid ng gobyerno ng Amerika, ang pagbagal ng ekonomiya ng Europa at Tsina. Sa kabilang banda, ang presyo ng langis ng Dubai (Dubai crude) ay nasa $ 105.15 kada bariles noong nakaraang linggo. Ang Dubai crude ay ang batayan ng karamihan ng bansa sa Asya sa kalakalan ng langis at iba pang produktong krudo.
Noong Marso 21, ang huling datos ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan ay $123/ bariles mula $125/bariles ng diesel, samantala $122/ bariles mula $123/bariles ng gasolina. Mula na din sa datos ng DoE, mula Marso 16, ang presyo ng gasolina ay bumagsak ng P48.55/ litro mula P54.84/litro, habang ang diesel naman ay P38.80/litro mula P41.74/ litro. Ikinasaya naman ng libolibong motorista sa buong bansa ang pagbaba ng presyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Petroleum Corp., Total Philippines, Inc., at SEAOIL Philippines, pagkatapos ang pagtaas ng presyo ng petrolyo simula nitong Enero.
Karne ng baboy.... mula sa pahina 2 Oplan ligtas... mula sa pahina 4 pressways para asistihin ang mga biyahero. May mga nakaantabay din silang mga mekaniko para sa mga papalya ang sasakyan. May ilalagay na mga traffic information signs at may mga naitalagang medical stations na aalalay naman sa mga mahihilong mga motorista.
nito kaya naman puspusan na ang isinasagawa nitong screening at pagbabantay. Inalerto na din ang iba pang concerned government agencies upang mahigpit na bantayan na hindi makapasok sa bansa ang mga nasabing baboy na di umano’y kontaminado ng porcine circovirus. Tiniyak naman ni Alcala na walang dapat ikabahala ang publiko at walang outbreak na magaganap sa mga inangkat na karne ng baboy dahil galing naman ang mga ito sa Amerika at Canada.
editoryal
6
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc. You can reach us through the following: Landlne # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Ano ang tunay na tayo ng SUCs?
Marami ang nabahala sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada, isang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang pagkitil niya sa sariling buhay – maski marahil, hindi lamang ang pagtigil sa pagaaral ang dahilan sa likod ng kanyang kawalan ng pag-asa – ay tumatak at patuloy na gumagambala sa maraming Pilipino. Lingid sa kaalaman ng karamihan, nito lamang Marso matapos pumutok ang balita sa pagpapatiwakal ng naturang dalaga, nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng higit kumulang P831.8 milyon na pondong nilaan para sa mga ilang ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang State Colleges and Universities (SUC).
“
Nagpasya man ang gobyerno na dagdagan ang budget ng SUCs, hindi pa rin ito sapat dahil malaking porsiyento naman nito ay nakalaan para sa mga insentibo ng mga opisyal at empleyado.
”
nagbibigay ng oportunidad sa mga miyembro na makalikom ng pautang para sa pangangailangang pang-edukasyon.
mi: Sapat na ba ang pondong inilalaan ng pamahalaan para sa SUCs? Sapat na ba ang mga educational loan na nakalaan para sa kabataan?
Nakapagtatakang isipin na dumating sa puntong may isang pamilyang paulit-ulit nagtangkang makalusot sa mahigpit na paHalos kasabay nito ang pro- takaran ng U.P. tungkol sa usaping grama naman ng SSS at Pag- bayaran ng tuition. Isang tanong IBIG Fund Educational Loan na tuloy ang bumabagabag sa mara-
Hindi na bago ang mga protesta ng ating mga estudyante patungkol sa mga tuition hikes at subsidy ng mga SUC. Matatandaan na noong 2011, tatlong estudyante ng U.P. ang lakas loob na nagprotesta habang nagtatalumpati si
Pangulong Benigno Aquino III sa naturang unibersidad. Ito ay matapos tapyasan ng pangulo ng 1.39 billion ang budget ng mga SUCs. Nagpasya man ang gobyerno na dagdagan ang budget ng SUCs, hindi pa rin ito sapat dahil malaking porsiyento naman nito ay nakalaan para sa mga insentibo ng mga opisyal at empleyado. Ngayong buwan ng pagtatapos, inaasahang dadaming muli ang mga bagong gradweyt na hindi malaman kung saan makakahanap ng trabaho. Ang natitirang opsyon nalang ba para sa mga magagaling at matatalas na isipan ng mga Pilipino ay ang maging OFW at makipagsapalaran sa ibang bansa? Pahirap sa pag-aaral at pahirap sa paghahanap ng trabaho. Hanggang kailan magtitiis ang ating mga kababayan sa tila bulag at tutulog-tulog nating gobyerno?
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
opinyon
ALAGAD Anthony Perez
Si Kristel, Ang Santo Papa, at Si Vincent Kaawa-awa ang sinapit ng pamilya ni Kristel Tejada. Nagpatiwakal ang isang estudyante ng UP Manila nang mabigo syang mabigyan ng palugit sa pagbayad ng kanyang tuition sa nasabing paaralan. Malaking dagok ito hindi lamang sa mga opisyal ng UP, kundi sa gobyerno natin mismo. Inilabas ng Korte Suprema ang desisyon na suspendihin ang pagpapatupad ng batas RH, na dapat sana ay ipatutupad sa
Pasko ng Pagkabuhay ng ating Panginoon. Paano nasisikmura ng ating mga lider na gumastos ng bilyonbilyong piso para lamang sa RH samantalang kulang na kulang ang badyet para sa edukasyon? Nitong linggong ito ay opisyal nang itinalaga si Pope Francis bilang Santo Papa ng Simbahang Katolika. Marami ang natuwa sa unang linggo matapos siyang mahalal bilang Papa: ipinakita ng media na siya ay
TABI PO...
Melo Acuña
Usapang taxi Ugali kong makipagusap sa bawat taxi driver na aking nakakasama sa paglalakbay. Mula sa kumustahan at pagtatanong kung naka-boundary na ba sila, nakararating ang huntahan sa larangan ng pulitika, ekonomiya, kultura at iba pang paksang hindi mo halos marinig sa mga regular na mamamahayag lalo pa’t abala sila sa mga kwentong pulitiko, sa mga naghahangad maging senador, gobernador, mayor atbp. Nakalulungkot nga na natatakpan ng
usaping Kris-JamesBaby James at ChizHeart ang nagaganap sa Sabah na ayon sa ilan ay kusang sinasadya upang pagtakpan ang kakulangan ng pamahalaan. Napag-usapan namin ng ilang tsuper ang kanilang kalagayan sa ilalim ng isang malaking operator. Karaniwang higit sa isang libong piso ang kanilang boundary, depende sa kung bagong-bago ba ito o ilang turnilyo na lang ang kailangan at magkakahiwa-hiwalay na. Mapapaisip ka tuloy
7
may tunay na malasakit sa mahihirap, at pinagsabihan pa nga ang kanyang mga kababayan sa Buenos Aires, Argentina, na huwag nang dumalo sa kanyang inauguration, at ibigay na lamang ang perang gagastusin sa mga mahihirap. Sa kanyang sermon, sinabi niya na dapat nating ipagtanggol ang mga mahihina at mga mahihirap. Swak ang kanyang mga sinabi sa mga nangyayari dito sa Pilipinas. Obligasyon ng ating mga lider na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap; pero sila-sila, nagpapayaman. Sinimulan ng lolo, sinundan ng anak, at akala ninyo matatapos sa apo? Hindi!
Ginawang negosyong pampamilya ang politika ng ating bayan! Ang pagkamatay ni Kristel ay sumisimbulo sa kamatayan ng pangarap ng mga maliliit na taong tulad natin dahil ang mga namumuno ay masyadong ganid sa pera at sa kapangyarihan. Habang sinusulat ko ito ay naalala ko pa ang kumpil ng aking dating estudyante na si Vincent kaninang umaga. Kinuha niya akong ninong, at sino ba naman ako para tumanggi? Nagtungo kami sa isang restoran pagkatapos ng kumpil, at nang bayaran na ay nagpilit akong ako na ang magbabayad, dahil alam kong mahirap lamang ang pamilya - pahina 10
kung paano nakalusot sa istriktong mga tauhan ng Land Transportation Office ang mga ito. Naikwento ng ilang tsuper na pag nagasgasan ang kanilang taxi, pinababayaran sa kanilang mga tsuper ang pinsala. Kinakaltasan sila ng kontribusyon sa SSS subalit ayaw namang pirmahan ng kumpanya kung sila’y mangungutang sapagkat baka raw takbuhan ng tsuper na nangangailangan ang kayang obligasyon. Nakatutuwang regulasyon ng kumpanya ng taxi na kung kulang ang iyong boundary, sasamsamin ang lisensya ng pobreng tsuper hanggang sa hindi nababayaran ang kakulangan. Hindi natin maikakaila na
mayroong mga tsuper na kusang manununog ng boundary subalit karamihan nama’y tapat sa kanilang hanapbuhay. Ang siste pa nito’y obligado kang bumili ng basahan sa halagang sampung piso, kailangan mo ring bumili ng sampaguita na lima o sampung piso, magbabayad ka ng P 30.00 para sa sandalang rattan. Sa oras na magpapagawa ka sa mekaniko’y susuhulan mo pa ng P100 upang gawin kaagad ang iyong unit at nang ika’y makapasada. At hindi lamang iyan, kwento ng isang nakausap ko, natrangkaso siya ng isang linggo at naratay sa banig ng karamdaman. Pagpasok niya, may utang siyang - pahina 10
MUNDONG DALISAY Jenny Bermudez
Ang Lihim ni Gandang Humihimbing (The Secret of Sleeping Beauty) Nakakatulog ka ba nang mahimbing tulad ni Sleeping Beauty, o ikaw ba’y parang Princess and the Pea na hindi maka-idlip kung may butil na nararamdaman? Ayon sa Helpguide.org ng Harvard Health Publications, ang ingay, liwanag at lubhang kapaguran ay pangkaraniwang dahilan ng insomnia; ngunit sa katotohanan, may ibang mga malalim na dahilan nito. Nangingibabaw rito ang lubos na pagdadalamhati kung tayo ay nakasakit ng mahal sa buhay o nandaya ng kapwa-tao. Bakit nga ba tayo tila inaantok sa araw at nakamulat sa gabi? Ayon kay Ashley Morris ng Sleep.com, ang pagsisisi at pagdadalamhati sa masamang kinagawaan ay nagdudulot ng kalungkutang pilit tinatalikuran at ng dimapakaling pakiramdam sa pagsapit ng gabi. Ang kaalamang tayo ay naging mapanakit, mandaraya, may itinatanim na galit, o naging biktima ng maljusticia, ay nagbibigay-kusa sa pagninilay-nilay at laking-pagdilat ng mga mata sa kadiliman. Sa ganitong kalagayan, mahirap talagang matulog na ng mahimbing! May kasabihang , “The softest pillow is a clean conscience.” Si Dr. Frederic Luskin, direktor ng Stanford Forgiveness Project at manunulat ng Forgive for Good (Harper Collins, 2010) ay nagbigay ng mga tiyak na payo upang makatulog na ng mahimbing sa gabi. Itinuro niya ang pagpapakumbaba at paghingi ng kapatawaran. Minsan, ayon kay Dr. Luskin, maaring sarili natin ang kailangang kilalanin: ang pagpapakumbaba na tayo ay nagkamali, ang pagdurusa sa lungkot na naibaling sa iba, at ang pagnanasa ng bagong pagkakataon upang bumangon na muli. Sa Katolisismo, may panukalang paraan sa paglutas ng lubhang kasalanan – ang Sakramento ng Pangungumpisal. Subukan mo – ang paghingi ng tawad mula sa taimtim na puso at tapat na pagsisisi, kasama na rin ang panatang matatag na pag-iwas sa kasalanan at pangakong di gagawing muli ang kasamaan, ay magdudulot ng ngiti sa gabi, at kusang mapayapa’t mahimbing ang mararanasan sa pagtulog sa gabi. Kung nais - pahina 10
tampok Kapag iniintindi, tumitindi ang pananampalataya 8
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
Ni DIANA UICHANCO
Maraming mga bagay ukol sa pananampalataya na hindi pinahahalagahan (“taken for granted” ‘ika nga), pero kapag iniintindi – tulad ng mga Katolikong nakausap namin – ay nakapagpapalalim ng pananampalataya. Tulad ng kahit anong bagay (o relasyon) na hindi inaalagaan, madaling makalimutan ang halaga nito sa buhay natin. Ang pananampalataya, kapag hindi pinagaaralan o sinasariwa, ay ganoon din. Pero tulad din ng tao (kaibigan man o mga iniidolo), kapag mas kinikilala ang pananampalataya o ang Panginoon ay nagiging mas matindi pa. May inang laging nagdadasal para sa kanya “Hindi ko na-appreciate dati yung turo ng Simbahan tungkol kay Maria. Sa tingin ko dati ay sobrang taas ng trato kay Maria na parang ka-level na niya ang Diyos,” kwento ni Aaron Ching. Matapos niyang mas seryosohin ang kanyang pagka-Katoliko at lumalim ang kanyang pagkakaintindi sa mga bagay-bagay, nakita niyang mali pala ang kanyang paniniwala dati. Nakatulong ng husto ang kanyang pagdarasal at pagbabasa ng mga turo ng Simbahan upang matanggap niya ang katotohanan tungkol sa papel ni Maria sa buhay ng Katoliko, paliwanag ng inhinyero. “Nakakatulong [ang pagkakaintindi ko nito] kasi mas naging maayos ang pagdarasal ko. At mas umayos ang paniniwala ko sa turo ng Simbahan. At saka alam ko na mayroon akong ina na lagi akong ipinagdarasal,” dagdag ni Ching. Si Meldy Fider naman ay nagaral sa eskwelahang walang katesismo, at hindi pinag-uusapan ang relihiyon sa kanyang tahanan dahil magkaiba ang pananampalataya ng kanyang ina at ama. Kakaunti ang kaalaman niya ukol sa mga turo ng Simbahang Katolika sa kabila ng kanyang pagiging Katoliko.
tasan yung mga Catholic traditions.. .hanggang sa pinadala ako ng Panginoon sa isang pilgrimage sa Vatican, Lourdes sa France, at iba pa,” kwento ni Fider na isang nagdi-disenyo ng mga produkto. “Ipinakita sa akin ng Diyos ang richness ng ating pananampalataya at ang pangangailangang ibahagi din ito sa iba, lalo na yung Salita Niya at lalo na sa mga mahihirap. Kung iwanan natin ang pananampalataya natin, sino ang magpapakita ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa mga Katoliko? Kailangan ding matutunan ito ng mga Katoliko.” Natutuwang kwento pa ni Fider na naging buhay at nagbunga ang pananampalataya niya “dahil sa paglingkod sa mga mahihirap at pagbahagi ng Salita ng Diyos. Masasabi kong mas Katoliko na ako ngayon. God is merciful and did not allow me to remain ignorant!” ‘Di ka talaga nag-iisa’ Ang nakapagpatindi sa pananampalataya ni Lara Martin ay ang turo ng Simbahan tungkol sa communion of saints, o komunyon ng mga banal, “kasi dito mo makikita na di ka talaga nag-iisa. Lagi kang may kaibigan sa langit, o kahit sa purgatoryo.” Dahil sa pag-iintindi niya sa konseptong ito, na kung saan ang pagiging banal ng bawat Kristiyano ay nakatutulong sa pagkabanal ng ibang tao sa mundo, ramdam niyang tila “may matatakbuhan ako for every concern!”
Ano ang epekto nito sa buhaypananampalataya ni Martin? “Mas natitibayan ako ng loob kasi kahit anong pagsubok ang hinaharap ko, alam kong may kakampi ako at laging nagdadasal para sa akin. Hindi tuloy ako bas‘Mas Katoliko na ako ngayon’ ta-basta na mawawalan ng pag“Dati madalas kong pinipin- asa,” paliwanag ng manunulat.
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
tampok
Tatapatin kita… ni Ate Ami
Pa’no tutulungan ang kaibigang nangaliwa?
Dear Ate Ami, Nalaman ko po na ang kaibigan ko at kasama sa trabaho ay nakipagsiping sa ibang babae, at itoy’ nalaman ng kanyang asawa. Ngayon hindi na siya kinakausap ng misis niya at pinalayas pa sa bahay nila. Sorry naman siya sa ginawa niya pero hindi ko talaga alam kung anong sasabihin sa kanya o pano siya tutulungan. Hindi ko lang talaga maintindihan dahil tatlong taon pa lang silang kasal at ganito ang nangyari. Bakit po nagkaganon? At pano ko po ba siya matutulungan maliban sa pagdarasal para sa kanya? - Concerned Dear Concerned: In the first place, nagtataka lang ako kung bakit ganoon kang ka-concerned. Mukhang close kayo somehow, kasi nalalaman mo ang namamagitan sa kanila, pero … sila ba mismo ang humihingi ng tulong mo? Tuloy, ang masasabi ko lang sa iyo ay: ingat… kung hindi ka nila gasinong kilala, baka isipin pa nilang pakikialam ang concern mo. Natural lamang siguro sa iyo na maging concerned ka. May mga taong ganong mag-aruga sa kapwa. At sa maganda at mahinahong paraan ay maipararating mo sa kanila ang pagiging concerned mo sa nangyayari sa kanilang pag-aasawahan. Kung makakausap mo nang mahinahon ang lalaking sumiping sa ibang babae, gawin mo. Ipaalala mo lang sa kanya na malinis ang hangarin mong magkaayos sila ng misis niya, at kung sa tingin niya ay may maitutulong ka para umayos ang kalagayan nila, ay nandyan ka lang, tawagin ka lang niya. That’s all you can do for the moment dahil hindi ka naman yata niya talagang hinihingan ng tulong, so alukin mo lang siya at bahala na siya kung gusto ka niyang lapitan para magkaayos ulit sila ng misis niya. Baka naman gusto lang niya ng “hingahan”, ng isang taong makikinig at makakaunawa o dadamay sa kanya? In short, isang kunsintidora? Ikaw ba yon? Gusto mo bang maging ganon sa kanya? Nauunawaan mo din ba ang sakit sa loob ng misis niya kaya siya nagawang palayasin sa panlalamig nito? Delikado yang isang party lang ang naririnig mo, sa lalaki, at hindi sa babae. Kapag nagpatuloy iyan, baka sa kahinaan mo, e mawala ang pagka-objective mo at kumampi ka na lang sa nagkamali, at makita ang lahat through his eyes. Lumang tugtugin na ‘yan, baka bukas makalawa,
ikaw na ang sipingan niyan! Ingat! May gusto lang akong sabihin para sa kapakanan ng mga ibang mambabasa natin: tungkol sa “SORRY”. Sabi mo kasi, “Sorry naman siya sa ginawa niya…” Tanong ko: paano niya ipinakita ang “sorry” niya? Bukambibig lang, pero walang damdamin? Kiss and make-up lang ba ang katapat ng pagtataksil niya? Merong nagsosorry ang bibig habang ang mga mata’y malagkit pa ring sinusundan ng tingin ang ibang babae. Meron ding ugalinganghel sa harap ng pinagtaksilan, pero pagtalikod, balik sa dating pangloloko sa asawa, hangga’t hindi nahuhuli ulit. Ang “sorry”, higit sa lahat, ay ipinakikita sa gawa, sa pagkukumbaba, sa pagbabago ng gawi. At mangyayari lamang ito kung tapat at tiim sa kalooban ang pagsisisi. Para tuluyang mapawi ang kasalanan sa puso niya, kailangan niyang manahimik at makipagniig sa Panginoon, nang walang ibang pinakinggan kungdi ang tinig Niya, pagkat tanging Siya lamang ang nakapagpapamukha sa ating mga nilalang ng sarili nating kabuktutan. Kung magagawa mong ipakita ang katotohanang iyan, at matutuho siyang lumuhod sa harap ng Diyos at magtika, nagawa mo na ang dapat mong gawin bilang isang concerned na kaibigan.
Ate Ami May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@ gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.
9
Bad mood? Pa’no tanggalin ang konsumisyon Ni SNEAKERS DOMINGO
A
lam mo ba’ng maaaring madiktahan ang mood o emosyonal na pakiramdam mo sa pamamagitan ng pagsusuri kung bakit bad mood ka? Una, tanungin mo ang iyong sarili: “Bakit ba ang init ng ulo ko?” Ikaw ba’y: • nag-aalala tungkol sa pera? • nababagot sa trabaho/ eskwelahan? • kulang sa tulog? • gutom? • kailangang maghintay ng isang oras para makasakay ng bus o jeep? • namomroblema dahil baka may iba na ang sinisinta mo?
naka-focus, kaya’t kung hindi natin makuha ang gusto natin, parang ang sarap magdabog. Halimbawa, imbis na makipagtalo tayo sa kapatid o sa asawa tungkol sa papanooring palabas sa TV, pagbigyan na lang natin sila. Palabas lang naman ‘yan eh. Umidlip o kumain. Baka pagod o gutom lang ang dahilan ng konsumisyon mo. Napuyat ka ba? Nalipasan ng gutom? Kahit 15 minuto lang subukan mong matulog sa lunch break (huwag kalimutang i-set ang alarm) kung ito ang kailangan mo; kung hindi ka nakapag-almusal at tila hindi na tatagal ang tiyan mo hanggang lunch break, mag-merienda ka ng kahit kaunting biskwit para bumuti ang pakiramdam mo. Kapag inaantok o kaya’y gutom, hindi lang bad mood ang maaaring abutin mo; mahirap ding magtrabaho ng maayos.
Ang pagkainis ay maaaring dulot ng iba’t ibang dahilan, at makabubuting suriin mo paminsan-minsan kung bakit ka ba talaga bad mood. Isa pa, huwag mong hayaang madala ka ng iyong negatibong emosyon. Kaya mo namang kontrolin ‘yan eh. Ito ang Magdasal. panimula – mga puwedeng Kapag may pinoprob“antidote” sa pagiging ir- lema, puwedeng uminit itable: ang ulo. Ayaw mo naman ng ganoon, di ba? SubuIsipin ang ibang tao, kan mong magdasal – ano hindi muna ang sarili. ba naman ang sampung Sa maniwal ka’t sa hin- minuto para kausapin ang di, ang pagka-iritable ay Panginoon tungkol sa gumaaaring mawala (kahit mugulo sa iyong isipan? na pansamantala lamang) Dumaan ka sa simbahan kapag bawasan natin muna kung may pagkakataon, ang pag-iisip tungkol sa umupo ka sandali at “ako, ako at ako” at mas manalangin. Kadalasan, pagkaabalahan ang ibang pagkatapos nito, mas magtao. Kadalasan kasi, puro inhawa na ang pakiramsa mga kagustuhan at pan- dam dahil naliwanagan ka gangailangan natin tayo na sa pinoproblema mo.
10
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
@tapatnews
facebook.com/tapatnews
www.tapatnews.com
DoLE pay rules.... mula sa pahina 3
gap ang manggagawa ng dagdag na 30 percent ng kanyang daily rate para sa unang walong oras at kapag nag-overtime naman ay babayaran siya ng 30 percent ng kanyang hourly rate. Sakaling nataon naman sa rest day at nagtrabaho pa rin, tatanggap ang empleyado ng dagdag na 50 percent ng kanyang daily rate para sa unang walong oras, at kapag nag-overtime naman ay babayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate. Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, kailangang sundin ng employers ang panuntunan para sa general occupational safety at health labor standards para sa mga manggagawa.
Si Kristel, Ang Santo Papa .... mula sa pahina 7 ni Vincent. Bandang huli ay pumayag ako na sila ang magbayad, upang hayaan silang makagawa ng kabutihan, masuklian man lang ang ginawa kong pagtuturo sa anak nila. Ganyan ang dignidad na mayroon ang ating mga kapatid na mahihirap. Naisip ko tuloy na kung sino pa ang hindi pinalad sa salapi ay sila pa ang labis kung magbigay. Mas tao pa sila kaysa karamihan sa mga politiko natin.
Ang Lihim ni Gandang Humihimbing
.... mula sa pahina 7
mo ng mundong dalisay, mangyaring alisin muna ang “bumubukol” sa unan bago tumihaya – humingi ng kapatawaran, kalimutan ang galit; at pagbangon ng madaling-araw ay mag-handang mag-bagong buhay. Early to bed, early to rise. Akmang aksyon ito gabi-gabi, araw-araw. Alalahanin natin ngayong Mahal na Araw, “All roads lead to forgiveness.” Ang paghingi ng kapatawaran ay susi sa katahimikan, kagalakan at mahimbing na pagtulog. Maligaya Bati sa Muling Pagkabuhay!
Usapang Taxi .... mula sa pahina 7
Ikatlong panalo.. mula sa pahina 12 Ang Blackwater Sports naman ay galing sa 95-91 double overtime na kabiguan kontra Fruitas. Gumawa ng 22 puntos si Allan Mangahas at 19 puntos si Pari Llagas ngunit hindi ito naging sapat para mapanatili nito ang malinis na kartada. Sa isa pang laro sa Martes ay susubukan ng NLEX Road Warriors na masungkit ang una nitong panalo sa tatlong laro sa pakikipagharap nito sa bagong koponang Hog’s Breath Cafe. Ang Hog’s Breath naman ay may 1-2 kartada at galing sa tambakang kabiguan laban sa isa pang bagong koponang EA Regen Med, 83-58. Magkakaroon naman ng Lenten Break ang liga at magbabalik sa Lunes, Abril 1, kung saan magsasagupa ang Big Chill at Cafe France, magtatapat ang EA Regen Med at Boracay Rum at magtutuos ang Cagayan Valley at Jumbo Plastic Linoleum.
P3,000 dahil “nabitin” daw ang unit na kanyang dinadala na karaniwan nama’y ipinadadala sa mga “extra.” “Nagkasakit ka na nga, hindi ka na nga kumita, nagkautang ka pa,” daing ng pobreng taxi driver na kakwentuhan ko. Nakalulungkot ang ganitong mga pagkakataon na tila hindi nalalaman at nasisiyasat ng mga alagad ng pamahalaan. Sino ang mangangahas na ipasiyasat ito? Sino ang nakababatid ng tunay na kalagayan ng mga tsuper ng taxi? Nasaan ang magagaling na party list lawmakers? Nasaan ang maeepal na senador na karamiha’y nagpapa-cute sa taong bayan? *** Nadagdagan ang aking mga kaibigan. Naiwan ko ang aking wallet sa Cris-Iris Taxi (UVU 191) Linggo ng gabi. Tinawagan po ako ni Monet Timbol at ang sabi’y natagpuan ng tsuper na si Ricky ang aking wallet. Pinuntahan ko sa Kamuning area at walang anumang nawala sa laman nito. Kahit pa umano hirapan si Ricky na may apat na anak at dalawang ampong pamangkin, hindi siya nag-atubiling ibalik ang aking wallet. Salamat po sa inyo. Nagiwan naman ako ng kahit kaunti at nangako sa aking sariling babalikan ko si Ricky at ang kanyang pamilya.
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
sports
Coca-Cola PBA Youngstars Basketball League bubuksan sa Abril
Mabibigyang muli ng pagkakataon ang mga kabataang basketball players na makapaglaro sa mataas na lebel na kumpetisyon sa pagbabalik ng Coca-Cola PBA Youngstars Basketball League sa Abril. Ang torneyong ito ay bukas sa mga kabataang may edad 13 hanggang 16 taong gulang. Magsasagawa rin ng nationwide tryouts ang liga sa Abril, at ang national finals, na paglalabanan ng apat na regional finalists (Northern Luzon, Southern Lu-
zon, Visayas at Mindanao) at ng top two finishers ng Metro Manila leg, ay nakatakda sa Mayo 19-26. “If there is one surefire way to gain PBA’s attention and support, it is through time and resources invested on our youth as the Coke management has done by helping us organize this tournament,” sabi ni PBA commissioner Chito Salud. Ang mga taga-Metro Manila ay maaaring mag-tryout mula Abril 1 hanggang 13 sa Valenzuela, Marikina, Caloocan, San Juan, Manila, Taguig, Rizal, Navotas, Muntinlupa, Cainta, Pasig at Las Piñas. Magkakaroon din ng tryouts sa Abril 2-14 sa Cagayan de Oro, Laoag, Iloilo, Zamboanga, Cavite, Laguna, Bacolod, Pangasinan, Davao, Cebu at Batangas. “I’d like to assure everyone, especially the parents of our youth, of PBA’s unwavering commitment to our responsibility to serve as a role model to our precious youth. We take pride in it. We derive tremendous satisfaction and meaning from it,” dagdag pa ni Salud. Para sa iskedyul ng tryout at clinic bumisita lamang sa www. coca-cola.com.ph o sa Coca-Cola Facebook fan page www.facebook.com/presidentforhappiness.
Azkals tiniris ang Cambodia, isusunod ang Turkmenistan
Pinagbidahan ni Phil Younghusband ang 8-0 pagwawagi ng Philippine Azkals laban sa Cambodia sa pagbubukas ng kampanya nito sa Group E ng AFC Challenge Cup qualifying tournament, Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila. Apat na goals ang ipinasok ng striker ng bansa para pangunahan ang panalo sa larong sinuspindi ng mahigit isang oras dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha ng playing field. Dalawang goals naman ang ginawa ni Javier Patino sa kanyang unang laro bilang Azkals at nag-ambag ng tig-isang goal sina Stephan Schrock at Carli de Murga. Noong Biernes pa sana unang maglalaro ang Azkals ngunit umatras sa torneyo ang Brunei. Natalo rin ang Cambodia sa unang laban nito kontra Turkmenistan, 0-7, noong Biernes. Magsasagupa sa Martes ang Pilipinas at Turkmen kung saan draw lamang ang kakailanganin ng Azkals para pagharian ang torneyong ito at awtomatikong makakakuha ng silya para sa 2014 AFC Challenge Cup na gaganapin sa Maldives.
11 Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Pacers-Rockets preview ng NBA pre-season game sa Huwebes Ang mga Pinoy basketball fans na excited nang mapanood ang kaunaunahang NBA game na gaganapin sa bansa ay may pagkakataong mapanood ang dalawang koponan na maghaharap sa season na ito. Sa Marso 28, Huwebes, nakatakda ang sagupaan ng Houston Rockets (38-31) at Indiana Pacers (43-26). Kasalukuyang nasa pangalawang puwesto sa Eastern Conference ang Pacers at nakasisiguro na ito ng puwesto para sa NBA Playoffs. Ang Rockets naman ay nasa ikapitong puwesto sa West at kailangan pang magpursige para huwag mahulog sa Top 8 ng kanilang conference. Nakatakdang maglaro ng 201314 NBA pre-season game ang Houston at Indiana sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Ang Rockets ay pinangungunahan nina Jeremy Lin, Chandler Parsons, Carlos Delfino at James Harden, na kasamang naglaro sa
NBA Ultimate All-Star Weekend na ginanap sa Araneta Coliseum noong Oktubre 2011. Pero hindi tulad noong 2011, ang laro sa darating na Oktubre ay bahagi ng pre-season tournament ng liga. Ilan sa mga pangunahing manlalaro ng Pacers ay sina Paul George, Roy Hibbert, George Hill at Danny Granger.
TAPAT HIRING ACCOUNT EXECUTIVE - Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality Email your resumes to: info@omnibusmediagroup.com
12
Alaska, Petron babangon sa masaklap na kabiguan Kapwa galing sa mapait na kabiguan ang Alaska Milk at Petron Blaze na magtatapat sa Martes, Marso 27, sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Noong Sabado ay binigo ng SanMig Coffee ang Alaska, 84-83, sa isang kontrobersyal na laro na na kinatampukan ng muling pagharap ni Mixers head coach sa dati niyang koponan. Ito ang ikawalong pagkakataon na makalaban ni Cone ang koponang minanduhan niya ng mahabang panahon at hinatid sa maraming kampeonato at sa ikawalong pagkakataon din ay nanaig ang koponan ng beteranong coach. Nagkaroon ng kontrobersiya ang pagtatapos ng labang ito bunga ng
“double lane violation” na itinawag ng referee habang nasa free throw line ang ace rookie ng Alaska na si Calvin Abueva. May 12.1 segundo na lamang ang natitira sa laro nang ma-foul si Abueva. Nag-mintis siya sa una niyang tira ngunit bago pa man niya mabitawan ang pangalawa niyang gift shot ay tumawag ng double lane violation ang reperi at pinigilan si Abueva sa kanyang pangalawang attempt. Sa halip ay nagkaroon ng jump ball sa gitna ng court. Ayon kay Alaska coach Luigi Trillo, nagkamali sa tawag ang reperi. Sa halip na magkaroon ng jump ball ay warning lang dapat ang ipinataw nito at binigyan dapat ng isa pang pagkakataon si Abueva sa free throw line. Bagaman nagbanta ang
sports
MARSO 26- ABRIL 1, 2013
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Team Standings
W Alaska 7 Rain or Shine 7 Petron 6 Talk ‘N Text 5 Air21 5 SanMig Coffee 5 Ginebra 5 Meralco 4 Barako Bull 3 GlobalPort 2
L 3 3 3 5 5 5 5 5 7 8
Aces na maghahain ng protesta sa PBA Commissioner’s office ay nagpasya itong iurong ang reklamo. Sa huling laban naman ng Petron ay pinataob ito ng Talk ‘N Text sa overtime nitong Biernes, 93-85. Ang masaklap sa kabiguang ito ay matapos na maghabol ang Tropang Texters at makapuwersa ng over-
time ay napigilan nito ang Petron na maka-iskor sa five-minute extension. Abante ng anim na puntos ang Petron, 37.1 segundo na lang ang natitira sa laro nang mag-rally ang Tropang Texters at makapuwersa ng overtime, 85all. Sa overtime ay lalong hinigpitan pa ng Talk ‘N Text ang depensa habang nagmintis naman ang Petron sa lahat ng kanilang panalo at isang talo ang mga tira. Elite at Gems at ang mananalo sa larong ito ay mananatili sa pangalawang puwesto sa likod ng wala pang talong Fruitas Shakers (3-0). Ang Cebuana Lhuillier Mga Laro sa Martes ay galing sa maigting na (March 26) panalo laban sa nagdede(San Juan Arena) pensang kampeong NLEX, 71-64. Sa larong iyon ay naglikom ng 16 puntos at 2 p.m. 11 rebounds si Gab Banal Blackwater Sports at nagdagdag naman ng vs 10 puntos si James MarCebuana Lhuillier Gems tinez kabilang ang isang 4 p.m. League Foundation Cup sa importanteng tres sa hulNLEX Road Warriors ing minuto na laro na nagMartes, Marso 26, sa San vs siguro ng panalo para sa Juan Arena. Hog’s Breath Cafe Parehong may dalawang Gems. - pahina 10
Ikatlong panalo puntirya ng Blackwater, Cebuana Lhuillier
Matapos na biguin ng Talk ‘N Text ang Petron ay sila naman ang pinabagsak ng Rain or Shine, ang koponang kanilang tinalo sa nakalipas na Philippine Cup finals. Pinahiya ng Elastopainters ang Tropang Texters, 116-85, Linggo ng gabi para makasalo ng Rain or Shine ang Alaska sa liderato at bumagsak naman ang Talk ‘N Text sa pang-apat na puwesto katabla ng Air21, SanMig Coffee at Ginebra.
Game Schedules
Maghihiwalay ng landas ang Blackwater Sports at Cebuana Lhuillier sa pagpapatuloy ng PBA D-
Mga Laro sa Miyerkules (March 27) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. GlobalPort vs Meralco 7:30 p.m. Petron vs Alaska