@tapatnews
facebook.com/tapatnews
www.tapatnews.com
TAPATAN:
ABRIL 2-8, 2013 VOL 1 NO 5
ANG BALITANG TOTOO
Naniniwala ka bang may “Catholic vote”? Bakit o bakit hindi? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436
sports
Ikaapat na panalo target ng Blackwater Sports sa D-League - Pahina 12
MGA PINOY, HANDANG I-EVACUATE MULA SA SOUTH KOREA - Basahin sa Pahina 3
tampok
PRICE ROLLBACK… SA PAMAMAGITAN NG TIPID TIPS - Basahin sa Pahina 6 tampok
balita
PCOS demo center, bukas na sa publiko - Pahina 8
Usapang suwelas
Pa’no patagalin ang buhay ng sapatos? - Pahina 7
Opinyon
Is rice self-sufficiency attainable without smuggling? - Basahin sa Pahina 5
balita Magna Carta of the Poor walang silbi, pirmahan man o hindi - grupo 2
ABRIL 2 - 8, 2013
Ni GRACE CAJILES
NANINIWALA ang isang grupo ng maralita na walang silbi ang Magna Carta of the Poor kahit pirmahan man o hindi ito niPangulongBenigno Aquino III. Ayon sa grupo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), isang pambansang alyansa para sa urban poor, kahit na umano maisabatas ang nasabing Magna Carta at malagakan ito ng pondo, magiging walang silbi parin ito sapagkat nananatili ang pag-iral ng mga programa at patakarang nagbabaon sa mga Pilipino sa kumunoy ng kahirapan. Kasama sa mga sinasabing programa ng sumisikil sa mahihirap ay ang pagpapatupad ng gobyerno ng iba’t ibang porma ng pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo, pasilidad at mga ari-arian na umano’y magsasadlak sa milyun-milyong maralita sa kahirapan at maging sa kamatayan. Dagdag pa ng KADAMAY, hindi na
Apektado ang mga maliliit na vendors sa Luneta dahil sa planong gawing pribado ito.
Deployment ng PCOS machines, sinimulan na! Ni PAUL ANG
SINIMULAN nang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapadala ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines at iba pang kagamitan na gagamitin para sa darating na May 13 midterm elections sa iba’t ibang lugar at lalawigan sa bansa. Ayon sa notice mula sa packing and shipping committee ng Comelec, ipadadala na ang mga PCOS machines sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at mga lalawigan ng Cagayan, Palawan,Capiz at Cebu. Batay pa sa notice, ang joint venture ng 2GO Express, Inc. at 2GO Logistics, Inc. ang napiling courier ng poll body upang maghatid ng mga nasabing kagamitan patungo sa Regions VI, VII at VIII. Samantala, para naman sa natitirang bahagi ng bansa, ang Airfreight 210o Inc. ang nakatakdang magdeploy ng mga naturang PCOS machines.
Nagsisimula na ang pagpapadala ng mga PCOS machines sa ilang probinsya sa bansa para sa darating na halalan.
sila umaasang maipapasa ang anumang maka-maralitang batas, kabilang na ang Magna Carta of the Poor, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Kamakailan lamang ay giniba ng National Park Development Committee (NPDC) ang mga stalls ng mga maliliit na vendors sa Phase 2 ng Luneta Park. Inaasahang 200 maliit na manininda ang mawawalan ng tanging pinagkukunan ng kanilang kabuhayan sa pagpapatupad ni Aquino ng pagsasapribado ng Luneta Park. Hirit pa ng KADAMAY, sa oras na maisapribado na ang Philippine Orthopedic Center (POC), madali nalang para sa pamahalaan ang pagsasapribado ng aabot sa 30 pampublikong ospital sa bansa. Libu-libong maralitang pasyente umano ang mamamatay sa tuluyang pagtalikod ng gobyerno sa paglalaan ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan, dagdag ng grupo.
ABRIL 2 - 8, 2013
balita
TAPATAN Question! Sa lalong umiigting na usapin tungkol sa halalan at mga kalakip na mga isyu nito, nababanggit ang tinatawag na “Catholic vote.” Taliwas man sa paniniwalang ito ay isang bloc vote, ang “Catholic vote” ay tila isang panibagong salik na nagbabadyang baguhin nang lubusan ang larangan ng pulitika sa bansa.
Mga Pinoy, handang i-evacuate mula sa South Korea
3
Ni PAULO DE GUZMAN
Ang ating Tapatan Question sa linggong ito:
Naniniwala ka bang may “Catholic vote”? Bakit o bakit hindi? “yup. i thnk merun, pero hndi xa tipong promotd ng wagas, dahl narn sa mga nangyari sa rh bill.” – Akz Paril, Quezon City “hindi. sa sto domingo kasi ang trend, kahit mga religious people, tumatanggap na ng vote buy. we know it’s a sin pero nagpapadala sa temptation.” – Cynthia Fe Ras, Sto. Domingo, Albay “well, it’s possible to have that through the efforts of the lay people. as long as it is and remains a lay initiative and not from the clergy, why not?” – Jan Richmond Tieng, Recto, Manila “I think ‘NO’, because not all Catholics are actively participating in mass or activities of the church. Catholic church should also not get into this because this can be use for political purposes only. Example: What if a congressman/women not favored the RH Bill but he/she has a corrupt mind and thinking of personal gain only. Meaning to say the Catholics will vote that person? Catholic church should avoid this to maintain its purity and integrity.” - Gilbert Bustamante, Pasig City “What Catholic vote?” - RL De Roxas, Kuwait, Al Kuwayt “kasi pag ginawa mo yun it removes the essence of our faith it uncatholic to do a catholic vote its beacuse its as if we dont trust GOd that we have to be in control all the time like we want to push an outcome instead of living the present moment its the lost of trust to god thats why its uncatholic to do so.” - Beejay Rodriguez, Manila “freedom is an integral gift of god and filipino catholics are very much attuned to it when it comes to politics. conscience vote there is but catholic vote? none so far. we have already elected a protestant president. I believe that church authorities should only give guidelines and not to name names.” - Gerald Joseph de Joya, Quezon City
Ang litratong pinakakalat ng pahayagan ng Korea Worker’s Party (KWP) na Rodong na pinapakita ang paghahanda ng North Korea sa pag-atake sa U.S. mainland.
Dahil sa pambihirang pagdeklara nitong Sabado ng state of war ng North Korea sa kalapit nitong South Korea (SoKor), handa diumano ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ilikas ang may 40,000 OFWs sa SoKor. Ayon kay tagapagsalita ng DFA na si Raul Hernandez, kasalukuyang nasa alert level 1 ang embahada ng Pilipinas sa South Korea at handa itong ilipad pabalik ng bansa ang ilang libong Pinoy sakaling sumiklab ang malawakang giyera sa pagitan ng North at South Korea. Nagpakita naman ng pwersa ang Amerika nang ipadala nito ang isang U.S. Navy missile defense ship malapit sa hangganan ng North Korea upang manmanan ang galaw sa mga istasyon ng missiles ng North Korea. Inanunsyo sa Korean Central News Agency (KCNA) ng North Korea ang hakbang ng
naturang bansa matapos ang pagpapalipad ng Amerika ng mga eroplanong pandigma na mga B-52 na, ayon sa una, ay isang paguudyok sa giyera at hindi na maituturing na pagpapakita lamang ng lakas. Idineklara rin ng gobyerno ng North Korea na napagdesisyunan na nito, kasama ng ruling party at iba’t iba pang mga organisasyon na dadaanin nila sa aksyong militar ang ano mang panghihimasok ng Amerika gayun din ang anumang bantang maaaring ipakita ng South Korea. Hindi din malayo diumano na isunod ng North Korea ang all-out war laban sa South Korea kung magpapatuloy ang mga banta ng pagkilos laban sa kanilang bansa. Dagdag pa sa naturang news agency, sa mga oras na ito inihanda na ng NoKor ang kanilang mga strategic rockets at long-range artillery units na nakaumang sa mga base
militar ng Amerika sa Guam, Hawaii at maging sa sentro ng US. Sinabi naman ni Caitlin Hayden, spokeswoman ng National Security Council ng White House, na seryoso nilang ikinukunsidera ang mga banta ng North Korea at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa kaalyadong South Korea. Makikita naman sa litratong nilathala ng pahayagan ng Korea Worker’s Party (KWP) na Rodong ang planong pagatake sa U.S. mainland. Sadya diumano itong ipinakalat sa buong North Korea upang himukin ang taong bayan na maghanda sa nakaambang giyera. Matatandaang nagsimula ang iringan nang isulong ng South Korea ang pagpaparusa sa matagal nang kaalitang North Korea matapos ang mga inilunsad nitong ‘nuclear test’ na siya rin namang pinangangambahan ng Amerika.
editoryal
4
ABRIL 2 - 8, 2013
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Areopagus Communications Inc. You can reach us through the following: Landlne # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapat@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Time’s up nga ba para sa PPCRV?
Sa tuwing darating ang eleksyon, maraming isyu ang naglalabasan tungkol sa kalidad ng magiging halalan. Kamakailan lumabas sa mga balita ang pagbawi ng supporta ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action o CBCP-NASSA sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Maraming kampong naniniwalang tinalikuran ng PPCRV ang nauna na nitong adhikain nang hindi nito kwestiyunin ang pagiging lehitimo ng nakaraang eleksyon kahit sa kabila ng nagsusulputang isyu tungkol sa naging kalidad at kawastuhan ng halalan. Mula sa kaduda-dudang bilang ng naitalang botante sa nakaraang halalan na lagpas 256 milyon kontra sa 50 milyon na rehistradong mga botante, hanggang sa nabinbing paggawa ng
“
Kung walang pagpapahalaga sa buhay ang isang kandidato, hindi malayong maging makasarili at korap, mapang-abuso sa kalikasan at higit sa lahat, walang respeto sa pananampalataya.
Random Manual Audit (RMA) ng eleksyon noong 2010 na dapat ginagawa sa loob ng 12 oras, ngunit naisakatuparan lamang isang buwan matapos ang eleksyon. Hindi na rin siguro nakabibigla ang desisyon ng CBCPNASSA. Dahil sa pagkakapasa ng RH bill noong isang taon,
lumaki ang kampanya sa Simabahang Katolika upang magkaroon ng tinatawag na ‘Catholic vote’ o ang paraan ng pagpili sa mga kandidatong magtataguyod ng Katolikong prinsipyo -malayo sa inaakala ng marami na isang bloc vote. Ayon sa website ng Catholic Vote Philippines, ang tatlong
”
prinsipyong moral na dapat ikunsidera sa pagboto ay ang pagtatanggol ng buhay mula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan; kilalanin at itaguyod ang likas na depinisyon ng pamilya bilang pagsasama ng lalaki at babae; at karapatan ng mga magulang na hubugin ang kanilang
mga anak. Marahil ang mga nasabing batayan ay maaaring bigyang-halaga ng taong bayan, hindi lamang ng mga Katoliko. Dahil nga naman kung walang pagpapahalaga sa buhay ang isang kandidato, hindi malayong maging makasarili at korap, mapang-abuso sa kalikasan at higit sa lahat, walang respeto sa pananampalataya. Noong maiorganisa ang PPCRV, malaki ang pangangailangang magkaroon ng magbabantay para sa isang malinis na halalan. Ngunit dahil na rin sa napapanahong pagpili sa mga kandidatong may pagtingin sa tamang moralidad, napapanahon na rin siguro na tapusin na ang pagiging non-partisan at simulan na na maging partisan at pumili ng mga karapat-dapat na kandidato. Baka sakaling heto lamang ang kulang tungo sa tunay na pagbabago. Daang ‘di lamang tuwid kundi tama.
opinyon
ABRIL 2 - 8, 2013
GRASSROOTS Leonardo Q. Montemayor
Is rice self-sufficiency attainable without smuggling? I was both pleased and surprised when the newly minted Agriculture Secretary and my former colleague in the House of Representatives Procy Alcala announced in mid2010 that the country would be self-sufficient in rice by 2012. My elation with Sec. Alcala’s announcement was likely shared by our rice farmers and Filipinos as a whole. We want government to support our producers with infrastructure and other resources that they need, instead of patronizing the rice exporters of Vietnam, Thai-
land, and India. Moreover, Filipinos oppose a repeat of the long lines of consumers waiting for hours to buy cheaper rice at National Food Authority outlets in 1995 and the huge losses incurred by the NFA when it imported rice at exorbitant rates from 2008 to 2010. On the other hand, I was concerned that the year being targeted for self-sufficiency was too soon. Substantial funds and some time would be needed to rehabilitate many of our deteriorating irrigation systems, and especially to build
REPORTERAKER Yen Ocampo
Silencio Hindi mahulugan ng karayom ang Quiapo church noong Biyernes Santo. Kasama ko ang aking matalik na friendship na si Amy Lowell Mahiya. Bale 7 years na namin ginagawa ang pagbisita sa Quiapo tuwing Mahal na Araw at piyesta. Naabutan namin nagpapatotoo ang isang doktora tungkol sa kanyang buhay --kung paano sya pinilit sa isang kurso na hindi nya gusto at kung paano sya nagalit sa kanyang ina at kung paano ang huli ay naghintay sa pagbubukas muli ng kanyang isipan. Ang kanyang ina ay nasa mahigit 80 taong gulang na, bagamat hindi na nakakapagsalita at nakakarinig ang kanyang ina
patuloy nya pa rin itong inaalagaan. Naka-relate ako kasi ang mother ko namatay nung second year high-
new ones. Most farmers still cannot borrow from the formal lending sector to purchase fertilizer and other farm inputs, which have become costlier over the years. (Plus, the DA has removed price subsidies for certified/hybrid seeds and fertilizer for rice farmers.) And the many gaps in our farm extension system, following the transfer of agricultural technicians from the Department of Agriculture to the local government units, remain unfilled. Recently, Sec. Alcala’s projection of 2012 as the year of rice self-sufficiency was moved to 2013, after he announced that the NFA still needed to bring in 187,000 metric tons of rice to shore up its buffer stocks for the lean months of July to September this year. What is bothersome
lang binawian na rin sya ng buhay. Simula non, hindi na ako nag-aaksaya ng panahon na ipakita, sabihin at iparamdam sa mga taong mahal ko kung gaano sila kahalaga kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin. Minsan talaga kailangan natin ng ‘silence’ para makapag-isip ng tama at para ang mabi-
“Simula non, hindi na ako nagaaksaya ng panahon na ipakita, sabihin at iparamdam sa mga taong mahal ko kung gaano sila kahalaga kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin.” school ako, ni hindi ko man lang nasabi na mahal ko sya bagkus binulong ko nlng sa tenga nya habang nakaratay sa ospital. Alam ko naman na narinig nya kasi tumulo ang kanyang luha pagkatapos kong sambitin na ‘I love you mama’ kaya saglit
lis na inog ng mundo ay bumagal... kahit sa sandaling oras lang. Katulad nitong nagdaang holiweek, ang dami kong n-arealize, at nakapagpahinga hindi lang ang aking katawan kundi pati na rin ang aking isip. Kasabay nito ang pag-
5 amid all this assurance of self-sufficiency is the glaring omission of rice smuggling as a major concern. Based on United States Department of Agriculture figures, the “undocumented” (translation: “smuggled”) rice importations in the Philippines averaged about 1 million metric tons in 2011-2012. Were the Bureau of Customs to successfully clamp down on smuggling, our aspiration of self-sufficiency by 2013 would remain a pipe dream. Still and all, the country’s performance in rice production since 2000 has been moderately positive. We registered an average growth of more than 3% annually (compared to 0-2% in other countries). This also exceeds our population growth rate of about 1.9%.
ninilaynilay sa mga paghihirap na aking pinagdaanan at kung haggang saan ba ang sakripisyong kaya kong ialay sa paglilingkod sa Kanya. Hanggang saan nga ba?...hanggat may hininga! Pero kailangan ko pa rin ng ibayong pagdarasal upang huwag panghinaan ng loob. Sabi nga pag ikaw raw ay naglilingkod, dalawa lang ang pwedeng kahinatnan, you will become ‘unbeliever’ or ‘believer’. Ang 2013 holiweek ko ay naging masaya at makabuluhan, dito ko napagtanto na mas marami akong bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil binigyan nya ako ng panibagong buhay at sa aking bawat pagkakadapa laging andyan ang Panginoon upang itayo tayo at gabayan...nawa’y huwag natin Siyang pagdamutan na tulungan tayo, bagkus papasukin natin Siya sa bawa pintuan ng ating buhay. (re4teraker@hotmail.com)
THE DREAMER Paul Edward Sison
Bumoto ng husto at wasto sa Mayo 13 Katulad ka rin ba ng karamihan na hindi masyadong binibigyan ng halaga ang botohan? Para sa ating bansa at sa ating mga bayan na tinitirahan, mainam na pag-isipan po natin ng mabuti ang bawat kandidato na ating iboboto. Iluklok po natin sa puwesto ang mga karapat-dapat. Siyasatin po natin ng maigi ang kwalipikasyon ng bawat isa para sa ganoon ay tama at may ibubuga naman ang ating mga iboboto sa Mayo 13. Napakasuwerte natin ngayon dahil meron tayong Comelec na
pagpapatino ng botohan sa ating bansa. Lalong lalo na sa mga bayan sa Metro Manila na tahimik ang darating na midterm elections dahil sa walang kalaban ang mga incumbent mayors or congressmen. Ganyan ang situwasyon sa amin sa Marikina at sa iba pang lungsod ng Metro Manila tulad ng Quezon City, San Juan, atbp. Pero ang mahirap sa walang kalaban ang top positions ay ang tendency ng karamihan na magrelax at huwag nang bumoto.
“Sa pamamagitan ng magandang hangarin at dedikasyon ng isang institusyon ay nayanig ang kalakaran sa halalan at napilitan sumunod ang mga kandidato at partido sa mahigpit na guidelines ng Comelec.” seryoso sa pagpapatino ng ating electoral process. Dating election lawyer si Comelec Chairman Sixto Brilliantes kaya alam niya ang lahat ng pasikutsikot ng dayaan at palusutan sa eleksyon. Sa pamamagitan ng magandang hangarin at dedikasyon ng isang institusyon ay nayanig ang kalakaran sa halalan at napilitan sumunod ang mga kandidato at partido sa mahigpit na guidelines ng Comelec. Forced to good, ika nga. Tama ka, masunurin naman ang Pinoy. Lalo na pag alam niya na hindi siya makakalusot! Huwag po nating sayangin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng
Yan ang lumalabas na sentimiyento galing sa survey na aming ginawa kailan lamang. Marami sa mga respondents ang nagpahayag na hindi na nila kailangang bumoto dahil wala naman daw kalaban. Sana naman makita ng mga botante sa mga lugar na ito ang kahalagahan ng pagboto nila sa darating na halalan kahit na hindi ito hotly contested. Sa ganito kasing situwasyon kadalasan nakakasingit ang mga palpak na kandidato. Nawa’y makumbinse natin ang ating mga kamag-anak at kaibigan na bumoto ng husto at bumoto ng wasto sa darating na halalan.
tampok
6
ABRIL 2 - 8, 2013
PRICE ROLLBACK‌ SA PAMAMAGITAN NG TIPID TIPS 5 payo para makatipid sa konsumo ng petrolyo Ni ROGIE YLAGAN
ehicle mored v laki at r a i d in lang h an ng Buti na trak na saksak o mo. Kung o kaya ng minamaneh mo, tiyak bigat a ang sasakyan-gas mo! ganito gi ang pang ubos la
S
a dami ng pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino, ang pagtitipid sa lahat ng bagay ay napakahalaga. Isa sa araw-araw na di maiiwasang gastos ay transportasyon. Sa pag-byahe sa trabaho, eskwela at kahit saan pa ay siguradong kakailanganing gumastos sa pamasahe o sa gasolina. Para sa ating mga tsuper, ang pagtitipid sa krudo ay napakalaking bagay sa kanilang pamilya.
BIGLAANG PAGHATAW.
Iwasan ang biglaang akselerasyon sa pagmamaneho. Kailangang nasa tama lamang ang pagbabago ng tulin ng inyong sasakyan. Ang biglang pagpapalit ng bilis ay higit na kumokonsumo ng gas kesa sa marahan at sapat na pag-angat ng tulin.
OIL GAUGE, TEMPERATURA.
Laging tingnan ang sukat ng langSi Denney Gutierrez, isang mekaniko at drayber is at temperatura ng makina upang hinng iba’t-ibang uri ng sasakyan nang mahigit 11 taon di hirap sa takbo ang inyong sasakyan. na ay nagpaunlak ng panayam upang magbigay ng ilang mga teknikal na tips ukol sa pagtitipid sa pag- REGULAR CHECKUP. konsumo ng petrolyo. Importante rin ang pagpapanatili sa kondisyon ng sasakyan. Palagiang pagpapa-checkup para siguTIRE PRESSURE. raduhing maayos ang takbo ng bawat bahagi. MalaTingnan kung tama ang sukat ng hangin sa gulong. ki ang naitutulong nito sa pangkalahatang takbo, sa Kung malambot o kaya ay sobra sa hangin, nakaaapekto pagtitipid ng konsumo ng petrolyo at lalo’t higit sa ito sa pagtakbo ng sasakyan na nagpapahirap sa maki- kaligtasan ng mga pasahero. na nito. Ugaliing nasa tamang pressure ang gulong. Simple lang ang mga payong ibinahagi ni Gutierrez na kung ating susundin, may maitatabi na PAGPAPAINIT NG MAKINA. Hindi kinakailangang patakbuhin ng matagal ang tayong pera mula sa ating matitipid o kaya ay magamakina para painitin bago ito patakbuhin. Ayos na gamit sa ibang importanteng bagay. Ugaliin nating ang tatlong minuto para dito. Ugaliing i-start ang sa- pangalagaan ang ating mga sasakyan. Tandaan na sakyan sa saktong oras na kayo ay aalis na upang anumang bagay ang ating binibigyang importansya maiwasan ang matagalang pagtakbo ng makina ha- ay magbabalik din sa atin ng maayos na serbisyo at halaga. bang ito ay nakahinto.
@tapatnews
facebook.com/tapatnews
www.tapatnews.com
Mga praktikal na tipid tips mula sa mekanikong si Denny Gutierrez Alamin ang pinakamalapit na ruta patungo sa iyong destinasyon. Makakatulong ang pakikinig sa balita tungkol sa trapiko upang makaiwas sa masisikip na mga daanan. Kung may ilang lugar na pupuntahan na kayang gawin sa isang lakaran, gawin ito. Kung magpupunta ng palengke o grocery, ilistang maigi ang mga mahahalagang bibilhin nang maiwasan ang pagpapabalik-balik dito. Bawasan o tanggalin sa sasakyan ang karga na hindi naman kailangan. Mas matipid sa gas ang sasakyang magaan. Kung malapit lang ang pupuntahan, subukang lakarin o gumamit ng bisikleta. Naehersisyo ka na, nakatipid ka pa sa gasolina. Subukan ang carpooling. Kung may mga kakilala ka o kapitbahay na pareho mo ng oras ng pasok at ng rutang dinadaanan, imbes na magdala ng sariling sasakyan ay maaari kayong magsabay na lamang. Pwedeng palitan kayo sa bawat araw kung sino ang magdadala. Nakatipid ka na, nakapahinga ka pa sa ilang araw ng pagmamaneho, at may kasabay ka pa sa byahe mo araw-araw.
ABRIL 2 - 8, 2013
tampok Tatapatin kita… ni Ate Ami
7
Usapang suwelas
Walang humpay magbantay si Itay
Dear Ate Ami, Ano po ba gagawin ko tungkol sa tatay ko? Pinakikialaman po niya ako lagi, kung anong ginagawa ko, kung nag-aral na ba raw ako, kung sino mga kasama ko kapag may lakad kami ng barkada eh kakain lang naman po kami o kaya manonood ng basketbol sa barangay. Pati gamit ko po ay minsan hinalungkat niya. Ako lang naman po ang ginaganun niya, sabi ng mga kapatid ko dahil daw ako ang lapitin ng mga boys sa amin. Hindi naman po maarte at wala po akong ginagawang masama. Pinakaokey pong kasama barkada ko at puro kami babae. Pero nasasakal na ako sa kakabantay ng tatay ko, hindi na po ako bata. Ako po’y 19, taking up commerce. - Beng Dear Beng, Una, huwag kang mainis. Tatay mo yan eh, me karapatang makialam kahit 19 ka na, pagka’t nasa poder ka pa niya. Natural lamang sa magulang ang “makialam”, pagka’t sa kanila, hindi pakikialam iyon kungdi “pag-aalaga”. Pagka’t gusto ng mga magulang na mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak, pinangangalagaan nila ang mga ito sa mga “distractions” tulad ng maagang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend, barkadang may masamang impluwensiya, sobrang laboy, at iba pang mga bagay na maaaring makasira ng pag-aaral. Sabi mo, ikaw lang ang ginaganoon dahil ikaw ang lapitin ng mga boys? Maaaring iyon ang pinakadahilan kung bakit extra-strict ang tatay mo sa iyo. Kung bunso ka, maaring isa pa ring dahilan iyon, bine-“baby” ka niya. Maraming mga parents ay tila hindi maka-detach sa pagbe-baby ng anak, kaya hayun, napagdidiskitahan ang bunso, lumalaki tuloy “weaklings” ang ilang mga bunso. Anyway, kung hindi ka naman bunso, maaaring ikaw ang favorite ng tatay mo. Hindi man aminin ng mga magulang, meron silang mga favorite sa mga anak. Pinipilit nilang maging fair sa lahat ng mga anak nila pero halata pa rin minsan dahil mas malambing sila doon, mas mahigpit, mas pinapanigan nila kapag nag-aaway ang magkakapatid—ganun eh! Sila mismo ay hindi maipaliwanag iyon; masalimuot ang bagay na iyan. Baka naman kaya sobrang pakialamero ang tatay mo ay dahil favorite ka niya, dahil maaaring kamukha ka ng nanay mo noong nililigawan pa lang niya iyon, so he can’t help being jealous of boys. Iyung paghahalungkat niya sa mga gamit mo ay isang sign na nagiging overprotective na siya sa iyo gawa noong dahilang nabanggit ko. Hindi healthy iyon, kahit na sa isang magulang na nagmamahal, na humantong sa ganoon ang pag-aalaga sa anak. Dapat maunawaan niya na sobra na “possessiveness” niya, at ikaw, sa ramdam ko, ang maaaring makatulong doon sa parteng iyon. Paano? By proving to him that you are a responsible and trustworthy child. Magpatuloy ka lang sa pagiging isang mabuting anak—aral muna, no boyfriend, at wala kang ginagawang masama—keep it that way! Knowing you are in the right will give you confidence in dealing with his “pakikialam”. Next time sobra siyang mausisa, o maghalukay ng gamit mo, ngitian mo lang at sabihan mo, “Naku si Tatang, mahal na mahal ako talaga! Huwag kayong mag-alala, mahal na mahal ko din kayo kaya’t wala akong itinatago sa inyo!” Pagkatapos, wala lang, kalimutan mo lang na nakialam na naman siya sa iyo. Huwag na huwag kang maiinis, o gaganti by doing what he fears you are doing. Kapag ginawa mo ang mga iyon, papatunayan mo lamang na tama siya sa pagsususpetsa at pakikialam niya sa iyo. “Lunurin” mo siya sa pagmamahal at unti-unting magtitiwala ang tatay mo sa iyo.
May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.
Ate Ami
Pa’no patagalin ang buhay ng sapatos? Ang sikreto diyan ay nasa pagaalaga. Heto ang ilang tips: Pansinin mo kung paano ka maglakad.
Kung parang gusto mong marinig ang tunog ng takong mo tuwing naglalakad ka, sinisira mo ang iyong sapatos. Maglakad ka ng hindi tila nilalampaso ng suwelas mo ang sahig upang hindi mapabilis ang pagpudpod nito.
Gamitin ang wastong sapatos para sa wastong aktibidades.
Isusuot mo ang sandalyas mo tapos magba-basketbol ka? O ang gamit mo ay 4-inch heels para maglakad ng buong maghapon? Naku, hindi lang sasakit ang paa mo at magkakaroon pa marahil ng paltos; sinisira mo pa ang sapatos mo. Ang bawat uri ng sapatos ay ginawa para sa tanging sadya, kaya’t ang mga ito ay tatagal kung gamitin para sa wastong sadya lamang.
Linisin, linisin at linisin pa.
Ang alikabok, putik at iba pang uri ng dumi ay maaaring makasira ng materyales ng sapatos, maging ito ay tela, balat o goma. Punasan ito araw-araw sa pamamagitan ng malinis na basahan. Mamasa-masang basahan naman ang gamitin upang tanggalin ang natuyong putik. Kung may biton ka, gamitin ito sa balat na sapatos paminsan-minsan bilang karagdagang proteksyon mula sa dumi.
Regular na palitan ang suwelas.
Depende ito sa uri ng sapatos, pero madalas kung balat o leather shoes, mainam na pinapalitan ang goma na suwelas kahit na hindi pa sagad ang pagkapudpod nito. Kadalasan ay mas nakatitipid pa nga ang ganito imbis na bili nang bili ng bagong sapatos dahil ang bilis napudpod at nasira ng suwelas ng sapatos.
good news may good news ka ba? Maraming nangyayaring positibo araw-araw-kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapat@omnibusmediagroup.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
balita PCOS demo center, bukas na sa publiko 8
Ni PAUL ANG
ABRIL 2 - 8, 2013
Bawal maligo sa Manila Bay
Nananatiling kaaya-ayang pook libangan ang Manila Bay sa mga nais mag swimming tuwing tag-init. Sa demo center, maaaring direktang subukan ng publiko ang paggamit ng PCOS machines.
PORMAL nang binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang isang permanenteng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine demonstration center sa punong tanggapan nito sa Intramuros, Manila na maaaring dayuhin ng sinumang nais makita kung paano pinapagana ang mga ito. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, layunin ng pagpapasinaya ng nasabing Demo Center ay upang maipakita sa publiko na hindi papalya ang mga makinang gagamitin sa eleksyon at mapatunayan ang kredibilidad at seguridad ng mga ito. Dagdag pa ni Jimenez, matutulungan din ang mga botante na maranasan ang bumoto at magfeed ng balota sa mga PCOS machines na gaga-
mitin sa darating na May 13 midterm elections. Napag-alaman naman na mag-o-operate ang nasabing demo center tuwing working days hanggang isang linggo bago ang mismong araw ng halalan. “Ang mga estudyante, mga citizen journalists at ang publiko ay malugod na tinatanggap sa PCOS Demo Center sa Intramuros. Bisitahin ninyo kami kung kailan kayo maaaring dumalaw,”ani Jimenez sa wikang Ingles. Dagdag pa ni Jimenez, mismong si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., kasama ang iba pang commissioners, ang siyang nanguna sa pagbubukas ng PCOS Demo Center sa loob ng Palacio del Gobernador building sa Intramuros, Maynila.
NAGLABAS umano ng kautusan ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mahigpit na nagbabawal sa paliligo ng sinuman sa Manila Bay lalo na nitong panahon ng tag-init tulad ng nakagawian ng ilan nating kababayan. Ayon sa City ordinance 3827, ipinagbabawal na umano ang paliligo sa nasabing dagat dahil narin sa resulta ng pagsusuri ng Department of Health (DOH) na ang tubig rito ay maaaring kontaminado ng mikrobyo o kemikal at delikado para sa kalusugan ng publiko na maliligo sa lugar. Sinabi naman ni Manila Mayor Alfredo Lim, hin-
di umano ligtas ang paliligo sa Manila Bay dahil maraming basurang naglulutangan sa tubig na maaaring magdulot ng samu’t saring sakit sa balat at amoebiasis. Samantala, patuloy umanong magbabantay ang puwersa ng kapulisan at ang mga kawani ng City Hall sa nasabing lugar upang mapigilan ang sinumang magbabalak na maligo sa naturang bay. Magugunitang nagiging paboritong tambayan ang Manila Bay ng publiko upang magtampisaw at maligo upang maibsan ang sobrang init ng panahon dahil sa summer. (PA)
INTRAMUROS, Manila -- Hindi takot sa lagapak o gasgas sa siko o sa tindi ng araw, maraming kabataan ang nahuhumaling sa skateboarding.
balita
ABRIL 2 - 8, 2013
USS Guardian natanggal na saTubbataha Ni ELVIE LACARAN
Hindi pa matukoy ang kabuuang danyos na kailangang bayaran ng U.S. para sa nasirang corales sa Tubbataha reef.
NAGTAPOS na ang apat na buwang pagkakabahura ng USS Guardian sa mga corales ng isa sa pitong world site heritage sa bansa na Tubbataha Reef matapos na tuluyang matanggal ito sa pamamagitan ng salvaging o pagpira-piraso sa nasabing barko na pinagtulungan ng mga pamahalaan ng Estados Unidos at Pilipinas. Ayon kay Lt. Grenata Jude
ng Philippine Coast Guard (PCG), maayos at maingat ang isinagawang salvaging sa barko upang matiyak na ‘di na lalawak pa ang napinsala ng corales sa Tubbataha. Ang huling natanggal ay ang stern ng US Minesweeper na ngayon ay tinutukoy na din ang kabuuang haba ng napinsalang corales upang matukoy para sa babayarang
danyos ng U.S. government. Umabot naman sa 68 metro ang haba ng barko o katumbas ng 223 talampakan kaya’t asahan anya na mas malaki dito ang haba ng pinsala sa mgacorales. Matatandaan na Enero17, 2013 nang mabahura saTubbataha reef ang nasabing barko sa isa sa ideneklarang UNESCO na world heritage site sa Pilipinas.
Ilang libong milya mula sa bansa, ginawaran ng Peter Pan Prize ng bansang Sweden ang librong pambatang Naku, nakuu, nakuuu! (“My, my, oh my!”) na katha ni Nanoy Rafael at ginuhit ni Sergio Bumatay III. Kinilala ng International Board on Books for Young People (IBBY) ang librong naghahatid sa kwento ng batang si Isko na binabagabag dahil sa pagdating ng isang nakababatang kapatid sa eksena ng kaniyang buhay.
WORLD NEWS
9 Ni JANDEL POSION
Labing-anim na pribadong pahayagan sa Burma, pinayagan ng ulit magbenta BURMA—Matapos ang limangpung taon, pinayagan na ng gobyerno ng Burma na magbenta ang mga pribadong pahayagan kung saan, labing-anim sa mga ito ay binigyan na ng lisensiya at apat naman ang nagsimula nang magbenta ng pahayagan kahapon, Lunes. Ang mga pribadong pahayagan sa lenguaheng Burmese, English, Indian at Chinese na naging pangkaraniwan na sa dating British Colony ay sapilitang pinasara noong 1964 sa ilalim ng panununtunang militar. Ang mga mamamahayag naman ay kalimitang pinapamanmanan ng gobyerno at ang iba naman ay kinukulong o pinahihirapan kung kumalaban sa gobyerno. Pinapasara naman ang mga pahayagang hindi sumusunod sa batas militar. Nabago ang programa matapos na maluklok sa pwesto si Thein Sein bilang pangulo noong 2011. Ito’y isang napakahalagang milyahe para sa paglalakbay ng Burma papalayo sa panununtunang awtoritaryan.
Mandela, bumuti na ang kalagayan SOUTH AFRICA—Ayon sa gobyerno ng South Africa, bumubuti na ang kalagayan ng dati nilang pangulo na si Nelson Mandela matapos mag lagi ng apat na araw sa ospital para mag pagamot dahil sa pneumonia. Dagdag pa nila, nasa maayos na kamay ang kanilang dating pangulo at tiwala sila sa serbisyong binibigay ng mga doktor kay Mandela. Si Mandela ang hinalal na unang itim na pangulo ng South Africa noong 1994 kung saan ay tinaguyod niya ang adbokasiya ng pagkakasundo sa dalawang lahi, mga itim at ang mga puting minorya sa naturang bansa. Noong Marso, dinala din si Mandela sa ospital para sa kanyang check-up kung saan ay namalagi siya ng tatlong linggo at na-confine siyang muli noong Disyembre 2012 dahil naman sa impeksiyon sa baga.
Sampung katao patay dahil sa pagbaha sa Mauritius MAURITIUS—Mahigit sampung katao ang napaulat na namatay dahil sa pagbaha nitong nakaraang Sabado at karamihan sa kanila ay nakulong sa isang underpass na papuntang Caudan Waterfront, isang komersyal na lugar sa Port Louis. Ayon kay Prime Minister Navinchandra Ramgoolam nitong Linggo na sa Port Louis lamang, nakapagtala na nagkaroon ng 152 mm na buhos ng ulan sa loob ng dalawang oras. “Dahil sa mabilis na pagpatak ng tubig ulan ay humantong sa trahedyang pagkawala ng maraming buhay at mabigat na pinsala sa ari-arian,” ani Ramgoolam. Kahapon, Lunes, ay dineklarang day of mourning sa bansang Mauritius.
ADVERTISE WITH US... EMAIL US AT
advertising@areopaguscommunications.com
10
ABRIL 2 - 8, 2013
Air21 masusubukan... mula sa pahina 12
madedehado ang Air21 dahil makakalaban nito ang pinakasikat at kasalukuyang pinakamainit na koponan sa liga. Pakay ng Gin Kings sa Miyerkules na mapalawig sa lima ang winning streak nito. Inaasahang itatapat ni Ginebra coach Alfrancis Chua kay Dunigan ang kasing husay at kasing sipag na import nitong si Vernon Macklin. Ngunit di tulad ni Dunigan ay nakakakuha ng suporta si Macklin sa mga tulad nina LA Tenorio, Kerby Raymundo, Rudy Hatfield at Mac Baracael. Hindi naman matiyak kung makapaglalaro na ang Most Valuable Player na si Mark Caguioa na may iniindang injury. Sa Miyerkules din ay magtatagisan ang Talk ‘N Text at nagdedepensang kampeong SanMig Coffee, ang dalawang koponang nagharap sa Commissioner’s Cup finals noong isang taon. Ang Tropang Texters ay aasa kina Larry Fonacier, Jimmy Alapag, Ryan Reyes, Jayson Castro, Kelly Williams, Ranidel de Ocampo at Donnell Harvey. Ang Mixers naman ay pangungunahan nina James Yap, Peter June Simon, Mark Barroca, Rafi Reavis, Yancy de Ocampo, Wesley Gonzales at Denzel Bowles.
Boom-Boom Bautista... mula sa pahina 12
Pinaghandaan din ng husto ni Bautista ang labang ito at nagbantang pababagsakin niya ang Meksikanong dayuhan sa Abril 20. Maglalaban naman sa main supporting bout sina Rocky “The Road Warrior” Fuentes ng Pilipinas at Juan “Loquito” Kantun ng Mexico. Magtutuos din sa undercard sina Arthur “El Matador” Villanueva ng ALA Gym at Marco Demecillo ng Wakee Salud Stable para sa Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) super flyweight championship gayundin sina Lorenzo “Thunderbolt” Villanueva ng Braveheart Stable-Cotabato at Arief “The Ice” Blader ng Indonesia sa isang 8-round 126-lb bout.
Ikaapat na panalo... mula sa pahina 12 Lhuillier noong Marso 26. Bukod kina Mangahas at Llagas, sasandal din sa opensa si Blackwater Sports coach Leo Isaac kina Kevin Ferrer, Justin Chua at Robby Celiz konta Informatics. Ang Informatics ay nakalasap ng tatlong dikit na kabiguan kontra Boracay Rum (85-93), Café France (77-84) at Cagayan Valley Rising Suns (56-98). At para makuha nito ang unang panalo sa torneyo ay umaasa si Informatics head coach Jonathan Reyes na makapaglalaro ng mahusay ang mga kamador niyang sina Nathaniel Matute, Moncrief Rogado, Cedric Ablaza at Jeric Teng. Sa isa pang laro sa Martes ay magtutuos ang Cebuana Lhuillier (2-2) at Hog’s Breath Café (1-3).
2013 Le Tour... mula sa pahina 11 lutions Inc. ay may kabuuang distansiyang 608.20 kilometro. Magsisimula ito sa Bangui, Ilocos Norte sa Abril 13 at magtatapos sa Baguio City sa Abril 16. Tulad noong isang taon kung saan sa huling leg ng karera humataw si Ravina ay sa akyatan muli niyang balak pataubin ang kanyang mga katunggali. Aniya, kabisado na niya ang matarik at nakakahilong daan papuntang Baguio City at gagamitin niya itong muli para biguin ang mga dayuhang siklista. Gayunman, hindi pa rin nakasisiguro ng panalo si Ravina dahil tiyak na magiging markado na siya sa karerang ito at pinag-aralan na rin ng mga dayuhang karerista ang mga zig-zag road ng Cordillera. Gayunman, kampante pa rin si Ravina na mapananatili niya ang kampeonato sa tulong ng kanyang mga kakampi. Ang mga foreign continental teams na darating ay galing sa Ireland, Taiwan, Singapore, Iran, Uzbekistan, Azerbaijan, Malaysia at Portugal. May mga koponan ding kasali mula Iran, Hong Kong, Mongolia, Japan, Australia, Korea, United Arab Emirates, Brunei, Germany at The Netherlands. Ang unang stage na babagtasin ng 130 siklista ay magsisimula sa Bangui at magtatapos sa Aparri, Cagayan na may layong 175.5 kilometro. Susundan ito ng isang 196-km race patungong Cauayan, Isabela. Ang Stage 3 ay isang 104-km race sa patag na daan patungong Nueva Vizcaya at ang huling yugto ay paakyat ng Baguio City na may layong 133.5 km.
TAPAT HIRING ACCOUNT EXECUTIVE - Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality Email your resumes to: info@areopaguscommunications.com
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@areopaguscommunications.com
ABRIL 2 - 8, 2013
sports
11 Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Pilipinas pinaghahandaan ang 2013 Summer Universiade sa Russia
Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang paglahok nito sa 27th Summer Universiade na gaganapin sa Kazan, Russia sa darating na Hulyo 6-17. Nakatakdang magpadala ng 83-kataong delegasyon ang Federation of School Sports Association of the Philippine (FESSAP). Ang Summer Universiade ay ginaganap kada dalawang taon at nilalahukan ito ng mga pangunahing atleta ng mga unibersidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Huling ginanap ang Summer Universiade sa Shenzhen, People’s Republic of China noong 2011 kung saan nakapaguwi ng silver medal ang Pilipinas mula kay Samuel Thomas Harper Morrison ng Far Eastern University sa larong taekwondo. Ito ang tanging medaly-
ang napanalunan ng bansa sa palarong nilahukan noon ng 65 na bansa. Inaasahan naman ng FESSAP na darami pa ang bansang sasali sa taong ito at lalong hihigpit ang kumpetisyon. Ilan sa mga kinukunsiderang powerhouse countries sa palarong ito ay ang China, Japan, South Korea, Estados Unidos at ang host Russia. Ang head of delegation ng Pilipinas ay si AgriNurture Inc (ANI) chairman Antonio Tiu at ang napiling flag-bearer ay si Ret. Col. Ariel Quirubin, ang vice president ng Philippine Federation of Body Builders, Inc. Ang Pilipinas ay lalahok sa basketball, chess, fencing, badminton, beach volleyball, table tennis, weightlifting, lawn tennis, swimming, judo at athletics.
Iginawad ni David Ong (3rd from left), presidente ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) ang karangalan bilang head of delegation ng bansa sa 27th Summer Universiade kay Antonio Tiu (4th from left). Gaganapin ang pinakamalaking school-based games mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 17 sa Kazan, Russia. Nasa larawan din ang mga FESSAP officials na sina (from left) Richard Cuartero, Teresita Abundo, David Ong, Antonio Tiu, Dennis Sia, Dr. Diosdado Amante, Prof. Robert Milton Calo, at Christian Tan.
2013 Le Tour de Filipinas aarangkada sa Abril 13 Binigyan ng special award ni DZMM station manager Mara Faner Capuyan (kanan) bilang The Oldest Participant si Felix Belarmino, 87, sa 3rd DZMM Takbo Para sa Karunungan na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Marso 23. Mahigit 3,000 mananakbo ang sumali sa event na ito na may layuning matustusan ang pagaaral ng 75 iskolar ng himpilan sa Metro Manila at Cagayan de Oro City.
Castro, Romero kampeon sa age-group chessfest sa Pangasinan Hinirang na kampeon sina Jose Carlo Castro at Gladys Hazelle Romero sa under-20 division ng 2013 National Age-group Chess Championships na ginanap sa Pangasinan Training and Development Center sa Lingayen, Pangasinan. Si Castro, isang third-year high school student ng Far Eastern University-FERN sa Quezon City, ay nakipaghatian ng puntos kay Prince Mark Aquino sa ikalimang round bago dinaig ang kakamping si Dave Patrick Dulay sa huling round tungo sa pagkubra ng titulo sa boys’ under-20 division sa natipong 5.0 puntos. Si Romero, isang college chess varsitarian ng FEU-Manila, ay tumuhog na-
man ng apat na sunod na panalo bago humirit ng tabla sa huling dalawang laro laban kina Jean Karen Enriquez at Brena Mae Membrere para makubra ang korona sa girls’ under-20 class. Ang iba pang namayani sa 6-round Swiss system tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines ay sina Antonio Almodal III (boys U-16), Eric Robert Yap (boys U-14), Emmanuel Van Paler (boys U-12), John Ruiz Bravo (boys U-10), Darwin Villanueva Jr. (boys U-8), Merlene Membrere (girls U-16), Samantha Glo Revita (girls U-14), Holythurs Mariel Pangan (girls U-12), Ma. Elayza Villa (girls U-10) at Jocelyn Reyes (girls U-8).
Aarangkada sa Abril 13 ang 2013 Le Tour de Filipinas, ang pinakaprestihiyosong karera ng bisikleta sa bansa. Tampok sa karerang may basbas ng International Cycling Union ang dalawang continental teams ng bansa na 7-Eleven-Roadbike at LBC-MVPSF Cycling Pilipinas, mga local clubs na Navy-Standard Insurance, Navy-Marines at LPGMA-American Vinyl at ang pambansang koponan ng PhilCycling.
Makasasagupa ng mga ito ang walong continental teams mula ibang bansa at sampung iba pang foreign teams na tiyak na magbibigay ng matinding hamon sa mga Pinoy lalunglalo na sa nagdedepensang individual champion na si Baler Ravina na kasapi ng 7-Eleven-Roadbike team. Ang apat na araw na karerang ito na inorganisa ng Dynamic Outsource So- Pahina 10
12
Air21 masusubukan kontra Ginebra
Nakalasap ng kabiguan ang Air21 nito lamang Linggo at ngayong araw, ay tiyak na mapapalaban na naman ang Express sa pagsagupa nito sa Barangay Ginebra San Miguel sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Lumaban nang dikdikan ang Air21 sa unang tatlong quarters noong Linggo ngunit nasapawan ng Rain or Shine sa fourth period para malasap ng
Team Standings Alaska Rain or Shine Petron Talk ‘N Text Ginebra Meralco SanMig Coffee Air21 Barako Bull GlobalPort
W L 8 8 6 5 5 5 5 5 3 2
3 3 4 5 5 5 6 6 7 9
sports
ABRIL 2 - 8, 2013
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Boom-Boom Bautista, itataya ang korona
Itataya ni Rey “BoomBoom” Bautista ang hawak niyang World Boxing Organization (WBO) International featherweight championship sa Abril 20 sa main event ng Pinoy Pride XIX na gagawin sa University of Southeastern Philippines (USEP) gym sa Davao City. Ito ang unang pagkakataon na maidepensa ng mandirigmang galing ng Candijay, Bohol ang kanyang titulo. Makakatapat ni Bautista si Jose “Negro” Ramirez ng Mexico na may ring record na 24 panalo, 3 talo at 15 KOs. Papasok naman si Bautista sa labang ito na tangan ang kartadang 34 wins, 2 losses at 25 KOs. Nakuha ni Bautista ang baExpress ang 83-94 kabiguan. Kontra Elasto Painters ay kanteng korona matapos bigumawa ng 34 puntos at ku- guin si Daniel Ruiz ng Mexico mulekta ng 15 rebounds ang import ng Air21 na si Michael Dunigan pero hindi ito naging sapat para maagaw ang panalo dahil kinapos siya sa suporta mula sa kanyang mga kakampi. Tanging si Nino Canaleta Mga Laro sa Martes lamang ang umiskor ng dou(Abril 2) ble digit para sa Express sa (San Juan Arena) kinamada niyang 12 puntos. Sa Miyerkules ay muling 2 p.m. - Pahina 10 Cebuana Lhuillier vs Hog’s Breath Café
sa split decision noong Oktubre 20 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kampante naman si Bautista na mapananatili niya ang kampeonato at mapasasaya ang mga boxing fans sa Davao City. - Pahina 10
Game Schedules
Ikaapat na panalo target ng Blackwater Sports sa D-League
Ang makuha ang ikaapat na panalo sa limang laro ang pakay ng Blackwater Sports sa pakikipagharap nito sa wala pang panalong Informatics College Martes ng hapon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Arena. Ang tanging kabiguan na natamo ng Blackwater Sports sa torneyo ay kontra sa wala pang talong Fruitas Shakers sa double overtime (95-91) noong Marso 21. Sa larong iyon ay umiskor ng 22 puntos si Allan Mangahas habang nag-ambag naman ng 19 puntos si Pari Llagas para sa Elite ngunit kinapos pa rin sila kontra Shakers na nakakuha naman ng mas maraming rebounds, 71-56. Bumalikwas naman ang Elite sa sumunod na laro sa pagtala ng 87-80 panalo laban sa Cebuana - Pahina 10
4 p.m. Informatics College vs Blackwater Sports Mga Laro sa Huwebes (Abril 4) (JCSGO Gym) 12 p.m. Boracay Rum vs NLEX 2 p.m. Cagayan Valley vs Fruitas 4 p.m. Café France vs EA Regen Med
Mga Laro sa Miyerkules (Abril 3) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Air21 vs Ginebra 7:30 p.m. Talk ‘N Text vs SanMig Coffee
Mga Laro sa Biernes (Abril 5) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Meralco vs Petron 7:30 p.m. Alaska vs Rain or Shine