@tapatnews
facebook.com/tapatnews
www.tapatnews.com
ABRIL 9-15, 2013 VOL 1 NO 6
ANG BALITANG TOTOO
tampok
Yelo, gulaman, at iba pa! - Pahina 7
good news
2 pulis Mindanao, huwaran - Pahina 9
sports
Ginebra masusubukan kontra Alaska dear ate ami
- Pahina 12
Payo sa kabadong manliligaw - Pahina 7
TAPATAN: Importante pa ba ang beauty pageant?
i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436
Sa isang panayam, nagpahayag si Abraham Idjirani na may 400 pang taga suporta ang kampo ng mga Kiram na handang lumusob sa Sabah.
400 PANG PINOY SASAGUPA SA SABAH!
- Basahin sa Pahina 2
balita
2
TAPATAN Question! Swimsuits. Korona. Q&A portion. Heto ang madalas na sumasagi sa isipan ng marami kapag nababanggit ang “beauty pageant”. Napapanahon parin nga ba ang mga ganitong klaseng event para sa mga Pilipino?
ABRIL 9 - 15, 2013
400 pang Pinoy sasagupa sa Sabah! Ni ANA MIJARES
Salamat sa mga sumagot ng ating Tapatan Question of the Week:
Importante pa ba ang beauty pageant? Bakit o bakit hindi? “for me it is important also because isa ito sa nagbibigay ng turismo sa ating bansa at ipinakikilala ang kagandahan ng ating mga tourist spot lalo na ang talino at pag uugali ng ating mga kababaihan na sumasali dito.” – Esteve Medina, Cavite City “Pwede, important pa, para may role model.” – RJ Musa, Mandaluyong City “It gives inspiration lang din to other women obviously on wanting to look good, be healthy (dapat and not anorexic) haha, having goals, acheivng them. Pero on top of it, it promotes awareness na rin on issues that involves women. Essentially dpat gnon.” – Vin Pamintuan, Pasig City “Sa akin, okey lang naman na may mga beauty pageant. Minsan nakakatulong ito sa mga babae na maging mapag-alaga sa sarili at maintindihan ang epekto ng kanilang mga ginagawa sa environment nila. For example, kung alam mong marami sa kababaihan ay humahanga sa iyo, hindi ka basta-basta magbibigay ng maling example. Pero sana alisin nila yung bikini portion! Siguro totoo nga na dapat slim ang mananalo ng beauty pageant, pero madali naman iyon makita kung maganda ang pagkagawa ng kanyang gown. Parang lagi na lang kailangan parampahin ang mga babae nang nakasuot lang ng bikini at high heels, na hindi naman susuotin ng kahit sinong babae sa totoong buhay. Wala naman nagsusuot ng heels sa beach.” - Nicole C. Bautista, Quezon City “for women to be empowered, not only on physical beauty but also inner beauty when they are asked for interview or sa Q&A portion.” – Lorna Ilagan, Mandaluyong City “i think there are stll a lot of small girls around the world that look up to winners of beauty pageants. the thing is that these people should promote values that will inspire and help mold these little girls to better individuals if it fulfills that, then i would say yes [to beauty pageants].” - Purple Juachon, Dubai, UAE
Nagsimula pa noong Marso ang sagupaan sa pagitan ng Royal Army ni Sultan Kiram at puwersa ng Malaysia.
SABAH, MALAYSIA – Sa kabila ng ceasefire o tigilputukan na idineklara ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III kamakailan, may 400 kalalakihang handang lumusob sa Sabah at makipagsagupaan sa puwersa ng Malaysia, ani Sultanate spokesman Abraham Idjirani. Ayon sa GMA News, ang nasabing hukbo na nasa ilalim ni Raja Muda Azzimudie Kiram, kapatid ni Sulu Sultan Kiram, ay pawang mga boluntaryo na mula sa Sulu, Basilan at TawiTawi at mga kaanak ng mga nasawing Pilipino sa mga naunang engkwentro sa Sabah. Mababatid ang matatag na pasiya ng grupo ni Sultan Kiram sa isyu ng Sabah, sa kabila ng puspusang pagdepensa ng Malaysia sa Sabah sa pamamagitan ng pagpapadala ng 10 army battalions, na may kasamang mga armored fighting vehicles, artillery at ground attack aircraft. Inaantabayanan naman ng bansa ang desisyon ng Malacañang tungkol sa susunod na hakbang ng pamahalaan sa isyu ng Sabah. Matatandaang nitong Marso
Kunimpirma ni Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib ang paghuli sa isang armadong grupo na kahapon ay nakilala bilang mga naligaw na miyembro ng Liberal Party.
22, nagsumite si Justice Secretary Leila de Lima ng isang legal brief na kinapapalooban ng pag-aaral nito tungkol sa kasaysayan at legal na aspekto ng pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah. Wala pang linalabas na pahayag si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa isyu, maging si Secretary de Lima ay tikom ang bibig tungkol sa linalaman ng legal brief kaya’t hindi maliwanag kung lalapitan nga ng pamahalaan ang korteng internasional o tuluy-
ang bibitawan ng Pilipinas ang Sabah. Nitong Lunes lamang may 33 armadong kalalakihan na pinaniwalaang nagtatangkang makapuslit sa Sabah mula sa Mindanao ay nakilalang mga miyembro ng Liberal Party, partido ni Pnoy, na napadpad sa Sabah dahil sa malakas na alon at hangin. Kabilang sa grupo ang isang kandidato sa pagka-mayor sa Tawi-Tawi na sinubukang pumunta sa Taganak Islands upang mangampanya.
ABRIL 9 - 15, 2013
balita
3
Survey firms, explain!- Comelec Ni PAUL ANG
Ang Social Weather Stations at Pulse Asia ang pangunahing nais maimbestigahan ng Comelec tungkol sa mga naglalabasang mga survey tungkol sa mga senatoriables.
PINADALHAN ng summons notice ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang malalaking survey firms upang pagpaliwanagin ang mga ito ukol sa mga isinasagawang research kaugnay ng halalan sa Mayo 13. Kabilang umano sa mga balak imbestigahan ng poll body ay ang Pulse Asia Inc. at Social Weather Stations (SWS) upang tuwirang mabatid ng Comelec kung may nilabag bang alituntunin ang mga ito at makilala ang kani-kanilang
mga financiers. Ayon sa ulat, ilang political parties at mga kandidato na umano ng midterm polls ang nagbabayad ng malaki upang magsagawa ang mga naturang kumpanya ng survey sa mga lugar ng kanilang mga tagasuporta, partikular na sa kani-kanilang balwarte o teritoryo. Layunin din umano ng nasabing imbestigasyon na alamin ang kredibilidad at katotohanan ng mga survey na isinasagawa ng mga na-
sabing kumpanya dahil nakatatanggap ang Comelec ng impormasyon na ginagamit lamang ang mga ito upang maikondisyon ang isipan ng mga botante at taumbayan. Samantala, nasasaad sa Election Code na mahigpit nitong ipinagbabawal ang pagpopondo ng mga pulitiko o kandidato sa mga surveys tulad ng nabanggit dahil ito ay dapat non-profit at non-stock company lamang. Nakatakda ang pagdinig sa issue sa darating na Abril 15.
Bayarin ng mga OFW, bawasan - Cayetano Ni GRACE CAJILES
PAGCOR, DepEd at DPWH, nagtutulungan para sa maayos na classrooms TULUNG-TULONG ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatayo ng 2,000 na bagong silid-aralan sa taong 2014. Ang nasabing partnership ay sagot upang matugunan ang kakulangan sa pampublikong paaralan sa buong bansa. Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, ang nasabing additional na mga silidaralan ay itatayo ng DPWH na popondohan naman ng P2 billion na donasyon ng PAGCOR. Naglagdaan na ng memorandum of agreement (MOA) sina PAGCOR Chair and CEO CristinoNaguiat, DPWH Secretary Rogelio Singson at DepEd Secretary Luistro. Ani ng kalihim, ang hakbang na ito ng tatlong ahensiya ay malaking tulong upang mapunan ang lumalaking problema sa kakulangan sa silid-aralan. (GC)
Tinatayang may 9.5 hanggang 12.2 milyong OFW na naninirahan at naghahanap-buhay sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Tinatayang aabot sa 50,921 ang kulang na classroom sa bansa.
TINUTULAN ni senatorial candidate Alan Peter Cayetano ang mataas na singil na itinatakda ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa Overseas Employment Certificate (OEC) na kailangan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW). Nabatid na para sa first-time OFW, kinakailangang magbayad ng P6,120 para sa OEC, at sa returning OFW naman ay P2,417. Sa pag-uusap nina Cayetano at POEA Administrator Hans Leo Cacdac, nagpaliwanag si Cacdac na ang fee na ito ay
para sa mga pagbabago na ipinatutupad ng ahensya sa pagproseso ng mga dokumento ng mga OFW. Gayunman, nais ni Cayetano na mabawasan ang singil sa OEC o ‘di kaya’y tuluyan nang alisin ang bayarin upang mabawasan naman ang pasanin ng mga OFW. Napuna ni Cayetano ang mataas na singil para sa OEC sa kanyang surprise visit sa ahensya upang alamin ang pinagdadaanang proseso ng mga OFW sa pagkuha ng clearance para makapagtrabaho sa ibang bansa.
editoryal
4
ABRIL 9 - 15, 2013
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Areopagus Communications Inc. You can reach us through the following: Landlne # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapat@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Ang sirko ng eleksyon narito na!
Sa mga panahong ito na puspusan na ang pangangampanya para sa nalalapit na eleksyon, si Juan de la Cruz ay napaliligirang muli ng mga pangako at mga pahayag mula sa mga kandidatong naglipana sa mga kalye, mga plaza, TV, radyo at kung saan-saan pa. Mga pangako ng pagbabago na isinisigaw sa campaign sorties. Pangangalandakan ng mga proyektong naisagawa sa mga tarpaulin at poster. Walang kamatayang pagtalakay ng pangangailangan ng bansa at pagbida ng mga dahilan para iboto ang kandidato sa mga panayam sa TV at radyo. Kung matutupad man ang mga pangako o hindi ay makikita lamang makalipas ang ilang buwan o taon, kapag ang kandidato ay naluklok na sa kanyang tungkulin. Wala nang magagawa sa mga campaign rally kundi makinig at makakita ng anino ng ano ang maaaring asahan – kung ang kandidato ay may palabra de honor. Pagkatapos ng mga salita at mga pangako -- at ang kandidato ay nanalo
“
Kung iginagalang mo ang babae at nais mong irespeto siya ng iba, i-display ang kanyang katawan at itago ang kanyang kaluluwa. – ang tila sinasabi sa naturang sortie.
-- panahon namang ipatupad ang mga binitiwang salita sa pangangampanya. Kapansin-pansin na may campaign sortie na ginanap noong umpisa ng Abril, isang proclamation rally na ginawa sa harapan mismo ng Malabon City Hall. Masasabi nating ano mang mga pangako ang ginawa ng mga nangampanya doon ay walang kabuluhan, dahil ito’y natabunan ng mensaheng ipinahayag sa madla nang hindi gumamit ng salita. Non-verbal communication, ika nga. Sa harapan mismo ng congresswoman at nakaupong mayor ng distrito, kasama ang ilan pang political aspirants, isang mahalay na palabas ang ipinakita sa tulong ng isang grupo ng tatlong babae na tila ito ang specialty pagdating sa
uri ng aliwan. Sa mga litratong kumalat sa social networking sites ay nakita ang ilang mga lalaking kandidato na naghuhubad ng kanilang pantaas habang masayang pinanonood ng mga partner na babaeng dancer. Ang pinakamalalaswang litrato na ipinaskil sa Facebook ay tinanggal ng grupo ng babaeng dancer, pero ginawa lang ito matapos ng daan-daang mga komento at reklamo tungkol sa malaswang palabas. Kung ating susuriin, kahit walang mga speech at pangakong ipinahahayag, makapagbibigay na rin ang ganitong uri ng mga campaign rally ng ideya sa mga tao kung ano ang maaasahan sa mga kandidatong nakilahok at walang ginawa upang matigil ang nasabing iskandalo. Ang pag-apru-
”
ba ng ganitong klase ng aliwan para sa isang political sortie ay may malinaw na mensahe. Wala bang kamalay-malay ang mga kandidato sa rally na ‘yon sa mensaheng ibinahagi nila sa mga tao sa pamamagitan lamang ng kanilang pagpayag na maging bahagi ng malaswang palabas? May dalawang isyu dito: ang isa ay ang namamalas na pagtrato sa kababaihan. “Kung iginagalang mo ang babae at nais mong irespeto siya ng iba, i-display ang kanyang katawan at itago ang kanyang kaluluwa” – ang tila sinasabi sa naturang sortie. Maaaring napahiyaw ng mga seksing babae ang mga manonood; maaaring nabighani at nahuli ang kanilang atensyon. Ngunit kung ang pakay ng mga kandidato roon ay
ang magtanghal ng tila isang sirko kung saan ang mga babae ay nagmistulang mga hayop -- ang kaibhan nga lamang ay, ang kanilang laman ang pangunahing pang-akit, hindi ang paglundag sa mga pamigkis ng barriles o paglamon ng apoy – tiyak na nagtagumpay sila. Ang isa pang mensaheng ibinabahagi ng ganitong uri ng pagkakampanya -- maliban sa malinaw na kawalan ng paggalang sa kababaihan -- ay ang mababang pagtingin sa taongbayan at hindi lamang sa mga nanood ng rally. At kung saan mababa ang pagtingin sa tao, nariyan rin ang kawalan ng respeto sa kanila. Marahil ay nag-enjoy ang mga nanood ng proclamation rally na iyon, pero naiintindihan kaya nilang sa bawat pagtangkilik nila sa ganitong uri ng aliwan – na dapat naman ay naging masinsinang pagpapahayag ng mga pakay at plano ng mga tumatakbo sa eleksyon – ito ay pagpayag na rin sa mababang pagtrato sa atin ng mga nangangailangan ng ating boto?
opinyon
ABRIL 9 - 15, 2013
TABI PO
Melo Acuña
Pulitikang Pinoy Nakatutuwang panoorin ang mga patalastas ng mga kandidato sa pagka-senador. Lahat na lamang halos ng hahanap-hanapin mo sa mga manliligaw o katipan mo ay maririnig mo sa matatamis na pangako ng mga kandidato. Karapatan naman nilang magpakilala kaya nga lamang ay halata mong kulang sa katapatan ang kanilang mga pinagsasabi. Naalala ko ang sabi ng isang kaibigang commodore noong mga dekada nobenta. Kung mayroon daw nararapat tumanggap ng “Famas Awards” ay wala nang iba kungdi ang ating mga pulitiko. Itinanong ko sa kanya kung bakit at napakasimple ng kanyang paliwanag: “Mapapatawa at mapapaiyak ka ng mga pulitiko sa kanilang mga
talumpati at mauubos ang salapi sa kaban ng bayan na ‘di namamalayan ng taongbayan.” Sinagot ko siya at ang paninindigan ko’y mayroon din namang mga matatapat na mambabatas, maging mga kongresista o mga senador, bise presidente at maaaring mayroong ding mga pangulong tapat sa paglilingkod sa bayan. Kung ang isang kandidato sa pagkapangulo ay mangangailangan ng anim na bilyong piso sa kanyang pangangampanya, makatitiyak siyang magwawagi sapagkat marami siyang mga kaalyado hanggang sa barangay. May mga pagkakataon nga lamang na kahit pa mayroon kang sapat na salapi, hindi naman ito nakararating sa barangay sapagkat nadid-
ALAGAD
Anthony Perez
Ang Kanser ng Bayan Noong isang linggo, dumalo ako sa tinatawag na covenant signing ng Movement for National Transformation, Ang Kaptiran Party, at ang Prolife Partylist. Maraming umakyat sa entablado para magsalita. Galing sila sa iba’t ibang lugar, mula sa iba’t ibang baranggay at munisipalidad, pero iisa ang sinasabi: pampahirap sa taong-bayan ang ginagawa sa kanila ng kanilang lokal na gobyerno, partikular na ang kanilang mga mayor at kongresman. Sinabi ni Johnny Chang, tumatakbong
mayor ng Quezon City, na doble ang pinapataw na buwis sa mga negosyante sa Quezon City kumpara sa mga negosyante sa Makati. Napakalaki ng badyet na nakukuha ng munisipyo ng QC sa mga buwis, at kinikilala ang Quezon City bilang pinakamayamang lungsod sa buong Pilipinas. Pero sa kabila nito, napakarami pa ring mahirap sa lungsod na ito. Si Glenn Angeles na tumatakbong mayor ng San Juan, ilang dekada na ang tiniis sa pamamahala ng mga Estrada sa kanilang lugar. Ang ma-
idal ng ward leaders. Ipagpalagay na nating gumastos nga ng anim na bilyong piso ang isang kandidato, hindi mo rin maiiwasang magtanong kung saang kamay ni Abraham nagmula ang salaping pangampanya. Maaaring mula sa malalaking negosyante na susugal sa kanilang kandidato. At bakit naman sila magbibigay ng bilyong piso sa kanilang kandidato kung wala naman itong sapat na kapalit? Aking naalala ang pelikulang kinatampukan ni Eddie Murphy. Pinamagatan itong “The Distinguished Gentleman.” Nagwagi siya sa pagiging kongresista sa pamamagitan ng name recall. Nagkataong kaapelyido niya ang isang mambabatas na namayapa. Walang anumang ginawang pagtatalumpati o pangangampanya at pawang streamers at posters na naglalaman ng kanyang pangalan. Ni walang larawan subalit nagwagi dahilan sa name recall. Sa Pilipinas, pati ang saklap nito, ang dinastiya ay lumawak na palabas ng San Juan: si JV ay tumatakbong senador, at si Erap ay lumipat pa talaga ng Maynila para lamang tumakbong mayor. May Binay, Enrile, at Aquino na tatakbo sa senado. Hindi pa ba tayo nadadala? Ika nga ni JC delos Reyes (tumatakbong senador, numero 10 sa balota): Insulto sa taongbayan ang pag-takbo ng mga pamilyang ito, na para bang sila na lang lagi ang magaling, at sila lang ang marunong at may kakayahang mamuno sa ating bansa. Alam po ba ninyo, mga kapwa ko alagad, na sa mga pamilyang ito lamang umiikot ang halos 33% ng kayamanan ng buong bansa? Kaya walang pagbabago! May tatakbong senador, gagastos ng milyones para
5 mukha ng mga kilalang tao ay ginagaya mapalapit lamang sa mga botante. Ngayon ka makakakita ng mga nagta-tango o nagta-chacha sa tanghalan, makita lamang ng publiko ang kanilang “galing.” Ang pinakamalungkot na magaganap sa ating bansa ay kung wala kang mapagpilian sapagkat ang kanilang pagkakaiba’y pareho rin. *** Nabanggit nga pala ni Engr. Bert Suansing ng Global Road Safety Partnership-Philippines na 34 na Pilipino ang namamatay araw-araw mula sa mga sakuna sa lansangan. Ito’y dahilan sa kawalan ng paggalang ng mga motorist at mga pedestrian sa isa’t isa. Nakikita rin ang kawalan ng disiplina. Hindi sapat ang pagbabawal sa wangwang sapagkat mayroon pa ring mga may wengweng na nagmamaneho ng iba’t ibang sasakyan. May palatuntunan nga kaya ang mga kandidato - Pahina 10
lang mahalal, para saan? Para proteksyunan ang interes ng kanilang pamilya at mga mayayaman. Ang mahihirap, lalong humihirap, pero sila-sila, yumayaman at nagsisitabaan. Nararapat lang na suportahan natin ang mga kandidatong magsusulong ng pagbabago sa ating lehislatura, lalo na ang mga magsusulong ng paglaglag ng Pork barrel system, at pagsulong ng FOI at Anti-Dynasty bills. Sa ganitong paraan ay unti-unti nating masusugpo ang kanser na kumakalat at pumapatay sa ating bayan. Kung nagugutom kayo at ang inyong mga pamilya sa mga susunod na taon, sisihin natin ang sarili natin, dahil ang mismong hinalal natin ang nagpapahirap sa taong-bayan at sa kapwa niya Pilipino.
MUNDONG DALISAY Jenny Bermudez
Pangarap ng kabataan Panahon na ng pagtatapos mula sa mataas at mababang paaralan, gayon na rin sa mga pamantasan at technical vocational schools. Pakinggan natin ang igunuguhit na mundong dalisay ng mga mag-aaral na kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas: My dream is to buy a cream-colored house with a green roof and a red gate. There will be six rooms, one for my parents and for each of my siblings, plus a stock room where we could store extra pillows, bed sheets, etc. There will be a kitchen counter, a little chapel, and all the supplies we’ll ever need for our studies… For now I need to work hard to make this dream come true. – Dyrin S., San Joaquin, Iloilo Nais ko ng mundong mapayapa, may pagmamahal at may pananampalataya. Nais ko na ang bawat isa ay matutong mag-bigay halaga sa kapwa-tao. - Monica A., Balayan, Batangas We may not be wealthy, but I would like my family to be rich in love, happiness and contentment. I also want a slower-paced society and to give more time and importance to studying and nurturing relationships. – Grace P., Barobo, Surigao del Sur Gusto ko ng mundong malinis ang hangin para makaiwas sa lung disease. Gusto ko rin ng mundong punung-puno ng mga puno at bungangkahoy -- pambigay lakas at mabisang panlaban sa sakit! – Mary Joy B., Tagum, Davao I’d like to give job opportunities to my relatives and townfolks in Catanduanes by putting up a restaurant business someday. Holding on to this dream fuels my desire and motivation to keep studying hard. - Richelle S., Cubao, Quezon City My greatest dream is the gift of peace. Everywhere I go, I observe a lot of family misunderstandings, quarrels among friends, rivalries among politicians… I hope that our future families won’t suffer the same problems and conflicts as we do. Why disobey traffic rules, why keep hurting each other? As for me, I shall work for peace until the Philippines is declared not only as fun-loving but “the loveliest, most peace-loving country” in the world. I know that it all begins with me; but I think that the secret lies in having faith in God. - Liza D., Panitan, Capiz Ang mga nagsulat ay mag-aaral at iskolar ng Foundation for Professional Training’s Habihan Technical Vocational School. Napag-isip-isip mo na ba ang iyong pangarap at paano kang magsusumikap makamtan ito? Mabuhay ang kabataan!
tampok
6
ABRIL 9 - 15, 2013
Exercise: mga mabuting dulot sa mga nagpupursigi Ni MICHELLE NICOMEDES
K
ahit saan ka lumingon ngayon, mayroon kang makikitang poster ng mga “fun-run” tapos nagkalat din ang mga “milk tea stores” na kung saan mayroong binebentang tsaa na may sago. Marami pang iba-ibang nagsusulputang panibagong paraan para magkaroon ng magandang kalusugan ang mga Pilipino ngayon, pero syempre, hindi naman natin puwedeng makalimutan ang pag-e-ehersisyo. Bakit nga ba kailangan natin magehersisyo? Dalawang bagay: osteoporosis at cholesterol. Nakatutulong ang exercise sa pagiging malusog ng ating katawan, sa mga paraan na napapalakas nito ang mga buto para maiwasan ang osteoporosis. Nakakatulong rin ito sa pagbawas ng bad cholesterol sa katawan na nagiging sanhi ng high blood pressure at atake sa puso.
Mas malusog, mas malakas
Ito ang mga sagot ng mga tinanong naming kung ano ang nagagawa ng exercise para sa kanila: sabi ni Ron Araneta, isang opisyal sa Philippine Navy, malaki ang naitutulong nito sa kanyang kalusugan at postura o posture. “Siyempre, nakakapayat siya at naniniwala ako na mas healthy pag nag-e-exercise.” Sabi naman ng isang mixed martial artist na si Kelvin Mateo, nakatutulong ang ehersisyo sa energy level niya araw-araw. “Mas nagkakaroon ako ng lakas at mas marami akong nagagawa pang araw-araw.”
Natural na stress reliever
Ilan pa sa mga nakausap nami na mga regular na nageehersisyo tulad nila Nigel Maranan, Cyrian Agujo at Raymond Go ay nagsabi na nakatutulong ang page-ehersisyo sa pagkakaroon ng mas mabuting pakiramdam at nakababawas ng stress. Nabanggit rin nila na nakatutulong daw ito sa focus at disiplina.
Si Michael Reyes naman ay isang player ng mixed martial art na Jiu Jitsu. Nagpupursigi siyang mag-exercise dahil lalo siyang naging kumpiyansa sa sarili niya at mas nagkaroon siya ng magandang takbo ng pangangatawan at kalusugan. “Mas naging malakas ang loob ko, mas kumakain na ako ng tama at meron na akong nilalaan na oras para sa pagpapahinga, ” paliwanag niya. Ngayon, dalawang buwan na siyang patuloy sa pag-exercise at malaki ang itinulong nito sa kanya. Sa pisikal na kalusugan pa lamang, mas bumababa na ang cholesterol level niya. Mas maganda na rin ang katawan niya matapos makapagbawas ng 9 pounds, kaya’t mas nalapit ito sa kanyang ideal body weight. Ilan lamang sila sa marami pang ibang natulungan ng pag-e-ehersisyo. Dagdag na lakas, mabuting pakiramdam at proteksyon laban sa sakit, bawas sa stress at taba sa katawan! May mas mahalaga pa bang dahilan para hindi mag-exercise?
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@areopaguscommunications.com
tampok Yelo, gulaman at iba pa!
7
ABRIL 9 - 15, 2013
K
ung mag-iwan ka ng mantikilya sa la mesa itong mga araw na ito, sigurado wala pang five minutes tunaw na ‘yan (maliban na lang kung naka-aircon ang buong bahay niyo). Narito na naman ang tindi ng summer, at ang ibig sabihin niyan, kaaya-aya na naman ang isang baso ng halo-halo – arawaraw! O heto, kahit sa mga pahina ng aklat ay piniprisinta na rin para sa mga bata ang mga pagkain at inuming bahagi ng pagkaPinoy. Merong turon, merong ensaymada at iba pa, pero ang bida ay ang….tadah! Halo-halo! Tulad ng maraming aklat pambata ngayon, ang aklat na ito ay bilingual. Kaya maging Ingles man o Tagalog ang nakasanayan ng anak o pamangkin mong maliit, maiintindihan niya ito – at pihadong mapa-praktis pa siya sa lenggwaheng di niya kabisado. “Edad 6 pataas” – ‘yan ang nakasulat sa likod ng librong. Ang Haluhalo Espesyal, na kwento ni Yvette Fernandez at guhit ni Jill Arwen Posadas, ay tungkol sa isang batang gumamit ng kanyang imahinasyon upang mula Lunes hanggang Biyernes
ng linggong siya ay may sakit ay naaliw siya sa kusina ni Lola Itang kapag oras na ng meryenda. Bumubuti ang kanyang pakiramdam dahil masarap ang mga niluluto ni Lola Itang, pero Biyernes ang kanyang paboritong araw dahil ito ang araw ng haluhalo. Garbansos, gulaman, minatamis na saging at kung anu-ano pang masasarap na sahog ang mahiwagang mga sangkap sa araw na ‘yon! Sa mga huling pahina ng aklat ay may recipe ng haluhalo at guhit ng iba’t ibang sahog na magugustuhan ng batang mambabasa. Huwag kang magulat kung magyaya ang iyong maliit na anak na gumawa ng haluhalo sa inyong kusina!
Tatapatin kita… ni Ate Ami
Kabadong manliligaw
Dear Ate Ami, Ako po ay 26 years old at in love sa kaibigan ko. Siya ay isang high school teacher, at maganda po siya at mabait. Mga limang buwan na mula nung nagtapat ako sa kanya tungkol sa kagustuhan kong maging gf ko siya, at sinabi kong ang plano ko balang araw ay pakasalan siya. Dito rin po siya nakatira sa may amin at nung 2007 po kami nagkakilala (pero may bf po siya noon). Paano ko po ba maipapakita sa kanyang mahal na mahal ko siya at malinis ang aking hangarin? Sigurado na po akong siya ang gusto kong maging kasama habang buhay kaya nagtatrabaho ako nang mabuti para maging handa akong bigyan siya at ang magiging pamilya namin ng magandang kinabukasan (network administration po ang linya ko). Pero kabado ako dahil may isa pa siyang manliligaw. Kahit ayaw kong aminin, parang mas angat po siya kaysa sa akin. Ang laking tuwa ko po siguro kung mawawala na lang sana siya! Pero tanggap ko na pong siya ang karibal ko, so mayroon po ba kayong maipapayo para lumakas ang loob ko kahit na pwedeng sa ibang lalaki mapunta ang minamahal ko? At para mapasaakin ang minamahal ko dahil mahal na mahal ko talaga siya. - Romy Hay naku, Romy, naduduling ka na yata sa pagkahumaling diyan sa “mahal” mo. Wala ka namang gasinong sinabi tungkol sa kanya except that “maganda siya at mabait”. So what? Ang ganda ay madaling makita ng mga mata, pero ang kabaitan, sinusubok iyan ng panahon. Paano mo nasabing “mabait” siya—nakita mo na ba siyang magalit? Ano ang mga ikinagagalit niya? How does she behave when she’s angry? Isa pa lang iyan. Ikalawa, paano siyang gumalang sa mga magulang niya? Masunurin ba siya o pasaway? Kapag napapagsabihan siya ng mga magulang, paano siya nangangatuwiran? O tumatahimik na lang ba siya pero gagawin din niya ang ipinagbabawal ng mga magulang niya? Pero dumako muna tayo sa tunay na problema mo. Unang una, ang problema mo ay hindi kung papaano mo maipapakita sa kanya na mahal na mahal mo siya kungdi kung papaano mo mapapaniwala ang sarili mo na ikaw ay handa nang magmahal nang panghabang-buhay. Iyon ang tutukan mo. Napaalam mo na sa kanyang mahal mo siya, at nasabi mo na rin sa kanyang siya ang gusto mong makasama habang buhay. Ke sinagot ka na niya o hindi pa, hindi iyon ang dapat mong ikabahala, kungdi ang pagkakaroon mo ng lakas ng loob, para kahit sinong Poncio Pilato ang maging karibal mo, magiging matatag ka. Saan manggagaling ang lakas ng loob mo? Sa tunay na pagkilala sa sarili. Kung Kristiyano ka, talos mong ikaw ay mahalaga sa mata ng Diyos pagka’t anak ka Niya. Hangad Niya only the best for you, kaya’t magiging masunurin kang anak at hindi gagawa ng ikasisira mo. Pundasyon iyan ng paghahanda mo sa kinabukasan bilang isang padre de pamilya. Susukatin mo ang iyong mga kakayahan at maghahanapbuhay ka nang naaayon. Ihahanda mo ang iyong damdamin para maayos kang makikitungo sa mga in-laws mo, at maging mapagmahal na asawa at magulang. Magiging madunong ka sa paghawak ng pera alang-alang sa future family mo—masinop, wala kahit anong bisyo. Ayan, maganda nang simula iyan; hindi mo namamalayan, lumalakas na ang loob mo. Kapag handa ka nang alukin siya ng kasal, hindi ka kakabahan, pagkat batid mong mapalad ang babaeng tutugon sa pagmamahal mo. Kung tatanggapin ka niya, eh di masaya! Kung iba ang pipiliin niya, hindi ka malulungkot, dahil hindi ikaw ang mawawalan kungdi siya. Keep on being a good person. In due time, you’ll get what you so richly deserve!
May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.
Ate Ami
balita
ABRIL 9 - 15, 2013
WORLD NEWS
good news
Ni ELVIE LACARAN Armecin na hindi man lamang nagalusan sa engkwentro. Nagpakita naman ng kawanggawa sa kapwa ang 25-anyos na si PO1 Jessie Mallari na nagkataong nagtapos bilang isang nars bago pumasok sa pagkapulis kung saan ginamot nito ang isang matandang pulubi na ayaw magpatala sa ospital noong araw ng pagkabuhay o Easter Sunday sa harap ng cathedral sa lalawigan ng Davao. “Kahit sino naman po, kahit ‘di pulis gagawin din ang ginawa kong pagtulong kay Lolo dahil sa sitwasyon po niya na dumudugo ang ulo,” ang pahayag naman ni PO1 Mallari, na ngayon ay sikat sa social site na Facebook matapos na makunan ng isang mamamahayag sa kanyang ginawa. Mismong si Philippine National Police (PNP) Chief General Alan Purisima ang siyang nagprisinta sa mga mamamahayag sa Camp Crame kina PO1 Roel Armecin ng T’boli ng South Cotabato at PO1 Jessie Mallari ng San Pedro Police Station sa Davao City.
may good news ka ba???
Maraming nangyayaring positibo araw-araw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Mag-email lang sa tapat@areopaguscommunications.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
Limang Pinoy, muntik mabiktima ng human trafficking! Ni GRACE CAJILES
BAGO tuluyang maging biktima ng human trafficking ang limang Pinoy ay nasaklolohan sila ng Bureau of Immigration (BI) matapos maharang sa Clark International Airport, Pampanga habang pasakay ng Cebu Pacific aircraft patungong South Korea. Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David
Jr., umamin ang lima na sa Incheon, South Korea ang kanilang destinasyon kung saan sila ay magtratrabaho bilang mga nightclub entertainer. Hinarang ang paglipad ng mga naturang pasahero matapos madiskubre na wala silang overseas employment permits mula sa Philippine Overseas Employ-
Ni JANDEL POSION
Tsina, may bagong tala ng bird flu virus
2 pulis Mindanao huwaran CELEBRITY ngayong maituturing ang dalawang bagitong pulis matapos na magpakita ng katapangan at pagkalinga sa kapwa bilang mabuting halimbawa ng kapulisan sa bansa. Ang 28-anyos na si PO1 Armecin ay nakipaglaban sa 15 miyembro ng NPA na lumusob sa kanilang COMPAC area sa T’boli South Cotabato nitong nakalipas na March 20, na nagkataong nag-iisa lamang at kumakain pa nang pasukin at paputukan ng mga NPA. Gamit ng mga NPA ay mga AK 47, habang gamit lamang ni Armecin ang isang kalibre 45 na baril na may 14 bala, at mapalad ang bagitong pulis na napatay pa nito ang isa at nasugatan ang isa pang NPA, dahilan upang tuluyang umatras ang mga ito. “Laking pasalamat ko po na nagseryoso ako noong panahon ng aming training kaya nagamit ko po ito at ‘di ako natakot na nakipagbarilan sa mga NPA, dala na din sa pagtupad ng aking tungkulin,” pahayag ni PO1
9
ment Administration (POEA). Samantala, inalis naman sa kanyang posisyon ang immigration officer na nauna nang nagbigay ng clearance sa mga biktima na makaalis. Tumanggi naman si David na pangalanan ang naturang BI employee habang naka-pending ang isasampang kasong kriminal at administratibo laban dito.
CHINA—Kinumpirma ng bansang Tsina ang dalawang klase ng bagong bird flu virus sa Shanghai. Sa ngayon, mayroon na namang labing-walong kaso ng impeksiyon ng H7N9 strain kung saan, anim na katao na ang namatay at ayon sa World Health Organization (WHO), may walo pang kaso ang malala. Bilang tugon, pinalawak ng mga awtoridad sa Tsina ang pag-ban sa mga manok na pangkalakal sa lungsod ng Nanjing at sa Shanghai. Ang H7N9 strain ay isang uri ng bird flu na hindi pa nakabiktima ng tao. Iba ito sa H5N9 bird flu na kumitil sa buhay ng 360 katao sa buong mundo matapos itong matagpuan sa tao noong 2003.
Kontra partido, parehong nanalo “daw” bilang Montenegro president MONTENEGRO—Inanunsiyo ng ruling party at ng oposisyon ng bansang Montenegro na ang kanilang kandidato sa pagka-presidente ang nanalo sa katatapos lamang na eleksiyon noong Linggo, kung saan pinagtatalunan ang resulta ng botohan. Ayon sa ruling Democratic Party of Socialists (DPS), ang kanilang kandidato na si Filip Vujanovic, ang kasalukuyang presidente, ay nanalo ng 53% ng boto kumpara sa 47% ng oposisyon base sa 70% na botong nabilang. Base naman sa naturang botong nabilang, sinabi ng oposisyon na ang kanilang kandidatong si Miodrag Lekic ay nakapagtala ng 50.5%, samantalang 49.5% lamang ang napanalunan ni Vujanovic. Sa ngayon, di pa malinaw kung sino ang magiging presidente ng Montenegro dahil hinihintay pa ang 100% na bilang ng boto.
Pag-atake sa katedral, parang pag-atake na rin sa presidente EGYPT—Tinuligsa ng presidente ng Egypt na si Mohamed Mursi ang pag-atake sa Coptic Orthodox Cathedral sa Cairo noong Linggo, kung saan nag-iwan ng isang pataymatapos ang libing ng apat na Kristiyanong namatay sa karahasan noong Biyernes. Ayon kay Mursi, anumang pag-atake laban sa katedral ay isa na ring pag-atake sa kanya bilang indibiduwal at presidente ng Egypt. Sinabi ito ni Mursi kay Coptic Christian Orthodox Pope Tawardos II sa isang panayam sa telepono.
13 patay sa helicopter crash PERU—Isang helicopter na lulan ang mga tauhan ng isang kumpanya ng langis sa France ang bumagsak sa malayong parte ng hilagang Peru, kung saan labing-tatlo ang patay, kabilang ang isang empleyado ng Perenco at mga representante ng tatlong kontratista. Kinumpirma naman ng Perenco ang naturang aksidente kung saan walang nakaligtas. Mayroong siyam na pasahero at apat na tripulante sa naturang helicopter noong umalis ito sa lungsod ng Iquitos para bisitahin ang block 67 ng kumpanya. Sa taong ito, ang naturang crash ang pangalawang aksidente para sa mga kumpanyang pang-enerhiya na nagooperate sa gubat ng Peru na mayaman sa langis.
10
ABRIL 9 - 15, 2013
Pulitikang Pinoy... mula sa pahina 5 para sa road safety? Idinaos ang isang pang-rehiyong pagpupulong ng Global Road Safety Partnership-Asia na dinaluhan ng mga dalubhasa mula sa Asia. Nakalulungkot na wala man lamang ni isang cabinet member na nagsalita at sumalubong sa mga panauhin. Ni walang booth ang Kagawaran ng Turismo, ni walang kalihim mula sa Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Wala man lamang nagbigay halaga sa pagdalo ng may 200 mga banyagang dalubhasa sa pagpupulong na ito. “It’s more FUN in the Philippines,” sabi ng isa sa mga nasa likod ng pagpupulong.
Triathlon tampok... mula sa pahina 11 pinakamatamis na mangga sa buong mundo. Ang fun run ay gaganapin sa Abril 13 sa Provincial Capitol grounds, samantalang and darts competition ay lalarga sa Abril 19 sa GTIC Hall. Si Gov. Felipe Hilan Nava, M.D. ang inimbitahang magpapaputok ng baril bilang hudyat sa pagsisimula ng fun run, samantalang ang race director na si Pyr Jimenez naman ang kakalabit sa starting gun sa 2nd Mango Man Triathlon. Ang triathlon at fun run events ay pinangangasiwaan ni Teresita G. Siason sa pakikipagtulungan sa overall chairman ng 2013 Manggahan Festival na si Atty. Elijo Sharon H. Bellones. Tumutulong rin sa tatlong sports events na ito ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine Red Cross, Department of Public Works and Highways, at ang local government unit ng Guimaras.
Death March trail... mula sa pahina 11 Ayon kay Paez, na founder din ng San Fernando Runners Unlimited, Inc. (SAFER RUN), magkakaroon ng “Walk with the Heroes” portion na kung saan makikiisa ang mga nalalabing bayani ng Death March sa isang maigsing lakarin. Bago simulan ang muling pagtahak ng mga volunteer runners sa 114-kilometer Death March Trail ay magkakaroon muna ng simpleng programa na pangungunahan nina Mariveles Mayor Jesse Concepcion at ni Post Commander Peregrino Divinagracia. Lalahok sa ultra-marathon na ito ang mga runners ng SAFER RUN, Team Army, Caloocan North Runners Club, Sta. Rosa City Runners, Runners Plus, Team Tarlac City at Rotary International 3810. Magpapalipas ng gabi ang grupo sa Lubao, Pampanga at sila ay sasalubungin nina Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda at Mayor Mylyn Cayabyab. Ang mga mananakbo ay sasalubungin naman ni San Fernando Mayor Oscar Rodriguez sa Brgy. Sto. Nino Death March Shrine. Ang event na ito ay suportado rin ng MILO, Mayo Productions, Inc., POCARI Sweat, San Miguel Corp., EXCELLENT Noodles, Pampanga’s BEST, ALICE Bakery & Grocery, SPEED Detergent Bar, F.M. Ringor Engineering/ AdEvents, Isport BOTAK, BFAR Gitnang Luzon, PRO 3 at iba pang kaibigan ni Paez na tumutulong para lamang matuloy ang tinaguriang Tribute to World War II Veterans.
PH Davis Cup... mula sa pahina 11 sa mundo, ang Pilipinong si Johnny Arcilla, 6-3, 6-2, 1-6, 6-2. Sa Sabado naman ay pinataob ng tambalang Treat Huey at Francis Casey Alcantara sina Nuttanon Kadchaphanan at Pruchya Isarow, 6-3, 6-3, 7-6 (74), sa doubles event para mabigyan ng 2-1 bentahe ang Pilipinas. Ang finals ay itinakda sa Setyembre 13-15 kung saan ang mananalo ay aakyat sa Group I sa susunod na taon.
TAPAT HIRING ACCOUNT EXECUTIVE - Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality Email your resumes to: info@areopaguscommunications.com
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@areopaguscommunications.com
ABRIL 9 - 15, 2013
sports
11 Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
6,000 inaasahan sa 2013 Philippine National Games Inaasahang papalo sa record 6,000 atleta ang lalahok sa 2013 Philippine National Games na gaganapin sa Metro Manila mula Mayo 25 hanggang Hunyo 2. Magkakaroon din ng record number 50 sports events na paglalabanan sa palarong katatampukan din ng mga Pilipinong may dugong banyaga at mga junior athletes ng bansa. Noong isang taon sa Bacolod City, umabot sa mahigit 4,000 atleta ang nakilahok sa taunang palaro ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC). Pakay ng PSC at POC sa palarong ito na hindi lamang makahanap ng mga bagong talento sa iba’t-ibang sports kundi ang mahasa din ang galing ng mga pambansang atleta at ng mga elite athletes ng bansa. Sa unang pagkakataon din ay pinahihintulutan ng PSC at POC na sumali dito ang mga junior athletes na may edad 16-anyos pataas. Isasalang din dito ng mga national sports associations ang mga Fil-foreign recruits para makita ang kanilang husay sa paglalaro. Para sa taong ito ay naglaan ng P20 milyon ang PSC para sa PNG. Ang mga kikinang sa naturang palaro ay ikukunsidera ng POC para maglaro din sa 2013 Southeast Asian Games na gaganapin sa Myanmar sa Disyembre.
Tinalo ni Jho-an Banayag (foreground) si Mary Grace delos Santos (background) sa 10K run event ng Philippine National Games noong isang taon sa Bacolod. May pagkakataong makabawi ang huli sa una sa paglarga ng 2013 PNG sa Mayo 25 sa Metro Manila. Sina Banayag at Delos Santos ay parehong nagkampeon sa women’s division ng National Milo Marathon ng dalawang beses.
Death March trail tatahakin sa Araw ng Kagitingan ultra-marathon
Bibigyan ng parangal ang mga bayaning sundalo na naging bahagi ng Death March noong World War II sa paglarga ng 28th Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon sa Abril 8-9. Ang taunang non-competitive relay run na ito ay inorganisa ng mamama-
hayag at running enthusiast na si Ed Paez. Magsisimula ang ultra-marathon sa Kilometer Zero post marker ng Death March Trail sa Mariveles, Bataan at magtatapos sa Death March Shrine sa San Fernando City, Pampanga. - Pahina 10
Triathlon tampok sa Guimaras Manggahan Festival
Paiigtingin ng 2nd Mango Man Triathlon ang 20th Manggahan Festival sa Guimaras. Ang taunang festival ay tatakbo mula Abril 8 hanggang 21 at ang triathlon ay gaganapin sa Sabado, Abril 13. Mag-uumpisa ang 2nd Mango Man Triathlon sa mala-paraisong Raymen Beach sa Alubihod, Nueva Valencia. Ito ay may Olympic standard distance na 3K swim, 40K bike at 10K run para sa solo at relay categories. Sa bike at run leg naman masisilayan ng mga kalahok ang iba pang magagandang tanawin ng probinsiya. Bukod sa triathlon ay magiging bahagi rin ng Manggahan Festival ang 3rd Manggahan Fun Run at ang kaunaunahang national darts tournament sa Guimaras kung saan matatagpuan ang - Pahina 10
PH Davis Cup team wagi sa Thailand, uusad sa finals kontra New Zealand Pinatalsik ng Pilipinas ang Thailand, 4-1, sa kanilang sagupaan sa Davis Cup Asia/Oceania Group II semifinals match na ginanap nitong weekend sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu Lapu City, Cebu. Makakaharap ng Pilipinas sa finals ang New Zealand na tinalo naman ang Pakistan, 4-1. Inumpisahan ni Ruben Gonzales ang kampanya ng Pinas laban sa Thailand noong Biernes sa paghugot ng 6-7(8-6), 6-4, 2-0 (ret.) panalo laban kay Wishaya Trongcharoenchaikul na nabigong tapusin ang laban dahil sa cramps. Gumanti naman ang Thailand sa second singles match nang biguin ni Danai Udomchoke, na dating Asian Games champion at ngayon ay ranked No. 207 - Pahina 10
Johnny Arcilla
12
Ginebra masusubukan kontra Alaska
Patuloy na umaangat ang Barangay Ginebra San Miguel sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup. Noong Linggo ay naungusan ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 91-90. Sa larong iyon, tumira ng lay-up ang import ng Ginebra na si Vernon Macklin, 7.9 segundo na lang ang natitira sa laro para ibigay sa koponan ang ikaanim na diretsong panalo na siyang pinakamahabang winning streak ng torneyo. Sa Miyerkules ay makakasagupa ng Ginebra ang Alaska Milk na siya namang nangungunang koponan sa conference na ito.
Patuloy na sasandal si Ginebra coach Alfrancis Chua kina Mac Baracael, LA Tenorio, Rudy Hatfield, Robert Labagala, Chris Ellis at kay Macklin. Makakasagupa nila ang tropa ni Alaska coach Luigi Trillo na pinangungunahan nina Cyrus Baguio, JVee Casio, Calvin Abueva, Dondon Hontiveros, Gabe Espinas at import na si Robert Dozier, ang top rebounder ng liga na may average na 17 rebounds per game. Sa isa pang laro sa Miyerkules ay magtutuos ang SanMig Coffee at ang dumadausdos na Air21 Express. Noong isang linggo ay humugot ng importanteng panalo ang nagdedepensang
Game Schedules Mga Laro sa Martes (Abril 9) (Blue Eagle Gym)
Mga Laro sa Miyerkules (Abril 10) (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Blackwater Sports vs Jumbo Plastic Linoleum
5:15 p.m. Air21 vs SanMig Coffee
4 p.m. NLEX Road Warriors vs Café France Mga Laro sa Huwebes (Abril 11) (Ynares Arena, Pasig) 2 p.m. Big Chill vs Fruitas 4 p.m. Cagayan Valley vs EA Regen Med
7:30 p.m. Alaska vs Ginebra
Mga Laro sa Biernes (Abril 12) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Alaska vs GlobalPort 7:30 p.m. Barako Bull vs Rain or Shine
FOLLOW US... FOLLOW US... FOLLOW US @tapatnews facebook.com/tapatnews www.tapatnews.com
kampeong SanMig Coffee nang biguin nito ang Talk ‘N Text, 83-82, ang koponan na kanila ring tinalo sa finals ng torneyong ito noong isang taon. Kasalukuyang magkatabla sa ikalimang puwesto ang SanMig Coffee, Talk ‘N Text at Meralco na pawang may 6-6 baraha. Ang Express naman ay galing sa dalawang dikit na kabiguan kontra Ginebra (90-84) at Rain or Shine (94-83). Bagaman kasalukuyan silang nasa ikawalong puwesto ay nanaisin nitong manalo kontra Mixers para huwag mahulog sa top 8 at makausad sa quarterfinal round.
sports Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Nalusutan ng Ginebra ang Meralco, 91-90, Linggo ng gabi para makuha ang ikaanim na diretsong panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum
NLEX mapapalaban kontra Cafe France Binuksan ng nagdedepensang kampeong NLEX Road Warriors ang 2013 PBA DLeague Foundation Cup sa paglasap ng dalawang sunod na kabiguan. Ngunit bumawi ang koponan sa pagtuhog ng magkasunod na panalo para umangat sa 2-2 ang kartada nito sa team standings. Sa Martes ay tatangkain ng NLEX na mapalawig sa tatlo ang winning streak nito laban sa nangungunang Café France. Katabla ng Café France sa ibabaw ng team standings ang Blackwater Sports na may 4-1 baraha rin. Galing ang Bakers sa 107-92 pagwawagi kontra EA Regen Med at pakay naman nila ang ikalimang diret-
ABRIL 9 - 15, 2013
song panalo sa Martes kaya tiyak na mahihirapan ang Road Warriors sa larong ito. Ang unang apat na kampeonato ng liga ay napunta sa NLEX pero hindi tulad sa unang apat na conference ng liga, tila hirap ang Road Warriors na madomina ang elimination
Team Standings Alaska Rain or Shine Petron Ginebra Talk ‘N Text Meralco SanMig Coffee Air21 Barako Bull GlobalPort
W L 9 8 7 7 6 6 6 5 3 2
3 4 5 5 6 6 6 7 8 10
round dahil nagpalakas din ng tauhan ang ibang koponan lalung-lalo na ang Café France na pinangungunahan nina Michael Parala, Mon Abundo, Ryan Gallardo, Marion Magat at Michael Silungan. Ang NLEX naman ay patuloy na umaasa kina Nico Salva, Kevin Alas, Jake Pascual, Jeff Long, Ronald Pascual at Garvo Lanete. Sa isa pang laro sa Martes ay magsasagupa ang Blackwater Sports Elite at Jumbo Plastic Linoleum Giants. Ang Giants, na isa sa tatlong bagong koponan sa liga, ay may isang panalo sa limang laro at may three-game losing streak. Muli silang madedehado kontra Elite na itinuturing na isa sa paboritong koponan sa torneyong ito.