ABRIL 16-22, 2013 VOL 1 NO 7
ANG BALITANG TOTOO
Ang anim na kandidatong inendorso ng White Vote Movement ay sina Congressman JV Ejercito Estrada, Congresswoman Mitos Magsaysay, mga senador Gregorio Honasan, Koko Pimentel III, Antonio Trillanes IV at si dating senador Cynthia Villar
100,000 DUMAGSA SA PAGSUPORTA SA ‘WHITE VOTE’ -Basahin sa Pahina 3
@tapatnews
/tapatnews
tapat@areopaguscommunications.com
TAPATAN:
Anong ginagawa mo para enjoy ang summer mo? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436
Walang sisihan ...? - Pahina 6
www.tapatnews.com
balita
2
ABRIL 16-22, 2013
Panukala ukol sa multa ng Tubbataha, suportahan - Rep. Herrera-Dy Ni GRACE CAJILES
Hinihingi ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Berandette Herrera-Dy ang suporta ng mga papasok na kongresista sa 16th Congress para sa panukalang pagtaas ng multa sa sisira sa Tubbataha Reefs. Base sa panukalang ito ng kongresista, itataas ng 700 porsiyento ang multa sa mapapatunayang sisira sa Tubbataha. Dagdag pa na ang cash penalty aniya ay dapat na maitaas tuwing ika-limang taon kapag nagpatuloy ang pagsira sa Tubbataha Reef National
Pagkatapos ng U.S.S Guardian, ang sumunod naman na sumadsad sa Tubbataha reef ay ang isang Chinese fishing vessel.
Simbahan, kaaway ng Palasyo! – Cruz Ni PAUL ANG MALAKI ang paniwala ni retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na itinuturing ng Administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na mahigpit na kaaway ang simbahan. “Ang administrasyon ngayon itinuturing ang Simbahan na malaking kaaway,” giit ni Cruz. Ayon kay Cruz, matindi at tila lumalalim na din umano ang galit ng Malakanyang sa Simbahan bunsod ng pagtutol nito sa dalawa pang batas na nais maipasa ng administrasyon tulad ng divorce law at batas para sa same-sex “marriage.” Giit pa ng Arsobispo, ang Malakanyang din ang ‘di umano’y nasa likod ng pagpapalabas ng Survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing wala pang 4 sa Ayon kay Lingayen - Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kada 10 Katolikong Pinoy ang mga isyu tulad ng RH Law, diborsyo at same-sex “marriage” nagsisimba kada Linggo. ang pinag-uugatan ng ‘di pagkakaintindihan ng Simbahan at “Sila ang nagpa-survey, sila administrasyon. ang nagbayad at naturalmente, para rin sa kanilang propagan- kanyang na magsalita tungkol lamang umano ito na hindi da ‘yan,” ani Cruz. sa mga alegasyon ni Cruz at na dapat pang bigyan ng koTumanggi naman ang Mala- sinabing opinyon at tsismis mento.
Marine Park. Ginawa ng kongresista ang paghahamon sa mga bagong manunungkulan sa Kongreso matapos na sadsaran muli ng isang Chinese vessel ang kilalang “world famous marine sanctuary” sa teritoryo ng Pilipinas. “Maaaring walang presyo ang kahit katiting na sira sa ating ingatang-yaman na Tubbataha, pero ang ating karakter bilang mga Pilipino ay dapat pangalagaan din,” ani Herrera-Dy.
Pamumudmod ng giveaways, itigil na! – Comelec
Tuwing panahon ng kampanya, hindi lamang mga flyer at sticker ang pinamimigay kung hindi mga samu’t saring bagay na pinagbabawal ng Comelec.
MARIING nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa nalalapit na May 13 midterm polls na itigil na ang walang humpay na pamumudmod ng giveaways sa mga botante tuwing nangangampanya. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., bunsod ng tila walang tigil na pamimigay ng giveaways ng mga pulitiko ay nakatakda na itong maglabas ng panibagong panuntunan na nagsasaad ng tamang halaga ng mga giveaways na maaaring ipamigay ng mga kandidato.
Giit ng poll chief, kung hindi pa din umano titigil ang ilang mga kandidato sa gawaing ito ay maaari na silang makasuhan dahil maituturing ang pamimigay ng kung anu-ano sa mga botante na vote-buying o pagbili ng boto. Nagbigay pa ng halimbawa si Brillantes, katanggap-tanggap naman umano ang pamamahagi ng bote ng mineral water sa tao tuwing campaign rallies lalo na ngayong summer season upang makaiwas sa heat stroke, subalit ibang usapan na umano ito kapag malalaking botelya na ito ng tubig. (PA)
ABRIL 16-22, 2013
balita
TAPATAN Question! Init na init ka na ba sa tag-init? Ang summer ay panahon para sa outing, sa halo-halo at sa iba naman ay trabaho pa rin ang ibig sabihin nito. Kaya’t sa mga milyun-milyong Pilipinong tagaktak ang pawis ngayong tag-init, ito ang Tapatan Question mo!
3
100,000 dumagsa sa pagsuporta sa ‘White Vote’ Ni DIANA UICHANCO
Anong ginagawa mo para enjoy ang summer mo?
“Nothing. Chill sa bahay.” – Annyka Dela Cruz ng Kalibo, Aklan “Magpicture-picture po, kumain, kumain, kumain ulit nang kumain, hahahaha. Spend time sa family,” – Gerald Salandanan ng Tondo, Manila “Spend wonderful time with family and friends kahit sa bahay or sa resorts. And traveling will also be fun!” – Jen Umpad ng Consolacion, Cebu City “May summer classes ako e. So lagi ako lumalabas kasama yung mga classmates. Maybe yung pakikipagusap sa kanila. Enjoy na ako doon.” – Daniel Bangug ng Balanga, Bataan ”Hang-out with my friends and serve the Lord. Hindi kumpleto ang summer vacation without those.” – Adette Aquino ng Caloocan City “Put myself in a stress-free environment..do things that I can and will enjoy..just make myself busy.. as long it is worthwhile doing.” – RV De Asis, Biñan, Laguna “Of course am into swimming and diet.” – Mark Louie Oberio ng Dili, Timor Leste “Huhu..wala akong summer pero usually - hang out with family. Ever since nagstart mag-work yung siblings ko and nag-college ako ang hirap maghanap ng time together, so gina-grab namin yung opportunity pag summer: travelling, eating out, etc.” – Joy Reyes ng San Francisco, U.S.A
Libo-libong mga taga-suporta ng White Vote Movement ang nagdagsaan sa Amvel Business Park sa Parañaque nitong Sabado. Sa isang hakbang na marahil ay aani ng pagbatikos at suporta mula sa iba’t ibang panig, nagpakita ng puwersa nitong Sabado ng iilan sa mga pinakamalalaking religious group sa bansa ang tinatawag na White Vote Movement na naglalayon na maprotektahan at paliwigin ang family values sa bansa, maging sa larangan ng pulitika. “Angkinin niyo ang pananagutan para sa pagbabago ng lipunan. Huwag ipaubaya kanino na lang; nasa inyong kamay ang magandang kinabukasan!” ani retired Bishop Teodoro Bacani na siya ring spiritual adviser ng El Shaddai, sa pagtitipon ng mahigit kumulang 100,00 na mga miyembro ng naturang grupo at ng iba pang pangkat na kasapi sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), sa pagpapahayag ng nasabing grupo ang mga ine-endorsong kandidato para sa Senado. Ang anim na kandidatong inendorso ng White Vote Movement ay sina Congressman Joseph Victor “JV” Ejercito Estrada, Congresswoman Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay,
mga senador Gregorio Honasan, Aquilino “Koko” Pimentel III, Antonio Trillanes IV, at si dating senador Cynthia Villar. “Sama-sama kayong magdasal, mag-diskusyon, kumilos upang ang katotohanan ay mangibabaw. Ang basehan ng iba ay ang laki ng bayad, kung popular, kung magaling sumayaw… hindi tayo naghahanap ng celebrities pero tagalingkod bayan. Kinakailangang maka-Diyos, maka-buhay, maka-pamilya,” iginiit ni Bacani. Malaki ang kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan upang mapabuti ang lipunan -- ito ang ipinahayag ni Bacani sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon. “Wala pong nagpilit sa kanila. Mga hindi dating magpagsama-sama [na grupo], nagsama na ,” ayon naman kay Bro. Mike Velarde na tagapagtatag at servant leader ng El Shaddai na siya ring spokesman ng White Vote Movement. Hindi umaasenso ang Pilipinas dahil hindi magkakalakip ang mga mamamayan, dagdag pa nito. Ang LAIKO ang nanguna
sa pagbuo ng koalisyon ng iba’t ibang Catholic lay groups na binansagan ng pangalang White Vote Movement, na siyang itinatag bilang sagot sa paniniwala ng maraming Katoliko hinggil sa papel ng mga laiko upang pagtibayin ang mga pinakamahalagang family values. Iginiit ni Bacani ang responsibilidad ng bawat ordinaryong mamamayan na tumulong sa pagluklok ng mga lider sa gobyerno na tunay na makatutulong sa bansa – isang malaking pagkakaiba sa tungkulin naman ng kaparian. “Magbigay ng wastong turo at magbigay ng energy – ito ang papel ng mga obispo, sabi ni Pope [Emeritus] Benedict XVI sa isang encyclical na kanyang sinulat. At ang sabi naman ni Pope Francis… ngunit ang direktong pakikilahok sa pagbabago ng lipunan, iyan ay tungkulin ng mga laiko,” paliwanag ni Bacani. Ipinaliwanag rin ng obispo na hinihikayat ng turo ng - Pahina 8
editoryal
4
ABRIL 16-22, 2013
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Areopagus Communications Inc. You can reach us through the following: Landlne # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapat@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Kung may sakit ang Pilipinas, ano ito?
Isang palaisipan ang naglalaro sa maraming isipan lalo na’t papalapit na naman ang halalan. Kung hihimayin natin, kung susuriin ng maiigi, kung titingnan ng diretso at hindi patagilid -- ano nga ba ang isyu ng mamayang Pilipino? Marahil, mapapakamot ang marami sa katanungang ito, dahil tila naglipana ang sandamakmak na isyu ang lipunang Pilipino – nariyan ang korupsyon na habang kasuklam-suklam sa nakararami, ang mga buwayang sumasamsam sa yaman ng bansa ay siya ring paulitulit na nauupo sa puwesto. ‘Di rin naman malilimutan ang isyu ng pagwasak sa kalikasan na pinag-uugatan din ng mga kalamidad na mas kilala sa mga bansag nilang “Ondoy”, “Sendong,” at marami pang iba. Kung mga estudyante at mga kabataang palaboy-laboy naman ang lalapitan, ang reklamo nila ay tungkol sa kawalan ng oportunidad na makapagaral at ang tumataas na bayarin ng mga nais mag-aral. Sa marami, iisa ang problema
“
Kung nais ng isang tusong kaaway na lupigin ang isang kaharian o isang bansa, kailangan lamang nitong palihim na puntiryahin ang mga pamilya sa kahariang ito at babagsak ang estado, ang ekonomiya, ang edukasyon, maging ang mga namumuno dahil kakalat na tila mikrobyo ang anarkiya, dahil bawat tao -- mayaman man o mahirap, edukado man o walang pinag-aralan – ay bahagi ng isang pamilya.
ng Pilipinas: kahirapan. Ang mga pamilyang napipilitang lumikas mula sa kani-kanilang probinsya at nakikipagsapalaran sa lungsod ay mga patunay na salat ang bansa sa oportunidad – para sa kabuhayan, para sa edukasyon, para sa isang mas magandang buhay. Ngunit bakit nga ba? Sa nagdaang buwan, may tumitinding panawagan para sa kakaibang pulitika at may nababatid na pag-iba ng klima ng pananaw, paniniwala at pagpapahalaga para sa karaniwang Pilipino.
Hindi iisa, kung hindi nagsusulputang tila mga makamandag na kabute ang mga grupo tulad ng Catholic Vote, Catholic Conscience Vote, Catholic Philippines at ngayon naman, ang pinakabago, ang White Vote Movement. Maraming bumabatikos sa mga nasabing grupo dahil makitid anila ang pananaw na dapat iisang isyu ang magiging batayan ng boto ng isang mamamayan. Samakatuwid, habang hindi mapagkakaila na importante ang isyu ng pro-life o mga usapin
”
tulad ng aborsyon, paggalang at pagrespeto sa buhay, sa pagaasawa at karapatan ng magulang na turuan ang kanilang mga anak – sabi nila – hindi ito ang pinakaimportanteng isyu. Mamarapatin nating kikilalanin na habang ang bansa ay maaaring ihalintulad sa isang naghihingalong nilalang, matagal na siyang hindi maresetahan ng doktor dahil lamang sa bulag ang karamihan sa atin kung ano ang tunay na isyu na dapat higit tuunan ng pansin. Ang pro-life issues o
mga isyu na unti-unting umaagnas sa pamilya ang totoong puno’t dulo ng lahat. Dahil ang pamilya ang pumipintig na hibla ng lipunan, ang pinakabuod ng sigla at galing ng bansa. Tingnan na lamang natin sa ganitong paraan: Kung nais ng isang tusong kaaway na lupigin ang isang kaharian o isang bansa, kailangan lamang nitong palihim na puntiryahin ang mga pamilya sa kahariang ito at babagsak ang estado, ang ekonomiya, ang edukasyon, maging ang mga namumuno dahil kakalat na tila mikrobyo ang anarkiya, dahil bawat tao -- mayaman man o mahirap, edukado man o walang pinag-aralan – ay bahagi ng isang pamilya. Kaya’t kung titingnan ang mga grupong ito, ang Catholic Vote, ang White Vote Movement at iba pa ay hindi makaluma, hindi paurong sa kanilang pananaw kung hindi malalim ang pag-unawa sa tunay na dinamika na nagpapatakbo sa isang lipunang marangal at maunlad.
opinyon
ABRIL 16-22, 2013
GRASSROOTS Leonardo Q. Montemayor
A Cooperative Destruction Authority? Is the Cooperative Development Authority (CDA), an agency tasked by law to promote and develop cooperatives, bent on destroying the cooperative movement? This question has been plaguing some 20,000 micro- and smallscale enterprises that constitute 92% of registered cooperatives. Under existing CDA regulations, all cooperative officers (board member, general manager, secretary, treasurer and member of audit/election/mediation committee) are required to attend a series of training cours-
es over two years. Board members and general managers should take nine and eleven courses, respectively. Secretaries, treasurers and members of audit/election/ mediation committees must finish between four and seven trainings. Non-compliance with these educational standards will result in the erring coop’s loss of its CDA certificate of good standing. As a consequence, the cooperative will forego its tax exemption privileges. On the other hand, training expenses are now extremely onerous,
REPORTERAKER Yen Ocampo
Desaparecidos Nabuhay muli ang kaso ni Jonas Burgos, dahil sa ina nitong patuloy na naghahanap ng katarungan. Kamakailan lamang nakumpleto na ng Court of Appeals ang imbestigasyon tungkol sa pagkawala ni Jonas at direkta nitong isiniwalat na may kinalaman ang Philippine Army. Si Jonas ay matatandaan na biktima ng ‘desaparecidos’ o yung mga taong biktima ng biglaang pagkawala noon April 28, 2007 sa isang mall sa Quezon City. Pero ang kwentong ito ay hindi tungkol kay Jonas; tungkol ito sa isang hindi malilimutang karanasan ko sa kanyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng
karamihan, ang ama ni Jonas na si Jose Burgos Jr. ay isang siyentista. Noong Hunyo 9, 2008 nabigyan ito ng ‘Post-
especially on new or small cooperatives. In Cebu, for example, a CDA-accredited training provider charges a P9,000 daily training fee, or P27,000 to conduct a three-day basic cooperative course. In addition, the coop concerned shoulders the trainors’ accommodations and meals, plus the cost of photocopying training materials. It is estimated that a coop will be spending P60,000 to P70,000 (for registration fees, accommodations, meals, transportation, etc.) for each board member over a two-year period in order to meet the CDA’s requirements. How can, say, a credit cooperative with assets of less than P3 million and a monthly income of P60,000 afford the costs of training its board members and other officers? By laying off
some of its employees? To aggravate matters, the CDA has imposed an accreditation fee of P50,000 for auditors of cooperatives. So, now, most cooperatives spend P15,000 for the services of an auditor, compared to the P3,000 to P5,000 they were paying previously. Why is the CDA making business more difficult for cooperatives? Is it true that some incumbent CDA officials are reportedly acting as trainors/resource persons of a non-governmental training provider organized by retired CDA employees? Or that, in official CDA forums in the Central Visayas, receipts are issued allegedly not by the CDA but by a cooperative training provider established by current CDA employees? Should the CDA be renamed “Cooperative Destruction Authority”?
byerno at may titulong Science Research Specialist I (SRS1). Isa po ako sa mga naatasan na magasikaso sa awarding ng 50 Great Men and Women of Science -- editing, short biography, invitation, etc. Nagkaroon kami ng problema dahil pinapatanggal raw diumano ng Presidente (ng mga panahon na iyon) ang pangalan ni Jose Burgos
ni ka-Jose sa kabila ng hindi matatawarang ambag niya sa lipunang ito. Buti na lamang at hindi pumayag ang editor at mga kasamahan ko na tanggalin ang pangalan niya dahil hindi nga naman dapat pinepersonal, at sabi pa nga nila dati kung kinakailangan magwelga gagawin namin (game naman ako). Maraming behind the scene ang nangyari nun pero sa madaling salita nabigay ang parangal na iyon sa isang karapatdapat tulad ni ka-Jose... kung tama man ang aking pagkakatanda hindi dumalo ang dapat magaaward mula sa Palasyo?! Ang tumanggap ng posthumous award ay ang butihing ina at asawa na si Prof. Edita Burgos. Ito ngayon ang hamon: paano ipapatupad ng gobyerno ang nilagdaang Desaparecidos law kung sila naman ang itinuturong number one violator?! (re4teraker@hotmail.com)
“Nakita ko kung paano sinikil ang karapatan ng isang namayapa na tulad ni ka-Jose sa kabila ng hindi matatawarang ambag niya sa lipunang ito.” humous Award’ dahil napabilang ito sa tinaguriang ‘50 Great Men and Women of Science’ dahil sa ambag nito sa rice research ng bansa bukod pa sa hindi matatawarang achievements nito sa iba’t ibang larangan. Ang inyo pong lingkod nang mga panahon na iyon ay empleyado sa isang kagawaran ng go-
5
Jr sa listahan ng mga aawardan dahil ito ang kainitan ng kampanya tungkol sa ‘Free Jonas’ campaign ng iba’t ibang sektor. At wala rin magawa ang gabinete kundi ang sundin ang utos at iyon ang nakarating sa amin. Nakita ko kung paano sinikil ang karapatan ng isang namayapa na tulad
THE DREAMER Paul Edward Sison
May saysay pala ang paghihirap Marami sa atin ang may mga kakilalang dumadaan sa matinding suliranin dulot ng nakamamatay na sakit. Nasa ICU ng Medical City si Nicey Cadlum, empleyado ng Assumption Antipolo. Asawa ng kaibigan kong si Martin. Pinapirmahan na si Martin ng mga duktor ng kung anu-anong waiver at sinabing “to expect the worst.” Buti naman, sa huling posting nya sa Facebook ay nag-improve daw si Nicey at nag-stabilize ang kanyang kundisyon. Ang kaibigan naman ng misis ko, si Marie Brown, ay magkichemo para sa kanyang stage 1 cancer. Sobrang sakit daw ng kanyang nararamdaman. Marami pa yan. Mahirap man o mayaman. Matino man o makasalanan. Ganun din po ba sa inyo? Bago nito, marami na rin kaming kakilala na nauna na. Sigurado, kayo rin. Walang nagawa ang estado nila sa buhay para sila ay maligtas o gumaling. Pero bakit ganuon? Kahit gaano katutuo ang realidad ng kamatayan sa ating pang araw-araw na buhay, marami pa rin sa atin ang suwail? Kaya nga siguro “wake-up call” ang tawag ay dahil magigising lang tayo sa katotohanang ito kapag tayo na ang magkasakit ng malala. Matigas talaga ang ulo natin pare-pareho. Sana man lang matulungan natin ang mga dumaranas ng matinding delubyo sa buhay. Natural na kailangan nila ang tulong pinansy-
al at mga dasal. Ngunit may isa pang paraan … turuan natin silang bigyan ng saysay ang kanilang dinaranas para mawala ang atensyon nila sa paghihirap nila at mabaling ito sa mas malalim na misyon para sa kapwa. Si Mother Teresa yata ang nagsabi dati, “Napakalaking sayang! Kung alam lang ng mga pasyente sa mga ospital ang laking ‘reservoir’ ng ‘redemptive suffering’ ang nasasayang dahil hindi nila inaalay ang sakit at paghihirap nila para sa pagbabago ng mga makasalanan.” Ano po ba ang redemptive suffering? Ito ay ang pag-aalay ng ating paghihirap (sufferings) para sa ikaliligtas (redemption) ng makasalanan. So hindi lang pala ito limitado sa sakit (both illness and pain) ... pwede rin pala ialay ang mga ordinaryong paghihirap tulad ng traffic, sobrang dami ng trabaho, pang-aapi sa iyo ng ibang tao, atbp. Sa Ingles, ayon sa Wikipedia: “Redemptive suffering is the Roman Catholic belief that human suffering, when accepted and offered up in union with the Passion of Jesus, can remit the just punishment for one’s sins or for the sins of another. Like an indulgence, redemptive suffering does not gain the individual forgiveness for their sin; forgiveness results from God’s grace, freely given through Christ, which cannot be earned. After one’s sins are forgiven, the individual’s suffering can reduce the penalty due - Pahina 10
tampok
6
ABRIL 16-22, 2013
Walang sisihan ...?
“Masa hindi nam ng buhay kontras
Ni DIANA UICHANCO “Ang ilan sa mga pinakamagaling na leksiyon na ating natututunan ay dahil sa mga pagkakamali ng nakaraan. Ang pagkakamali ng nakaraan ay ang karunungan at tagumpay ng hinaharap.” (Some of the best lessons we ever learn are learned from past mistakes. The error of the past is the wisdom and success of the future.) – Dale Turner
ang pera ng taongbayan para sa edukasyon at pamumuhay. “Huwag ibili ng condoms o pills,” dagdag niya. Si Mike Mapa, isa ring negosyante, ay nagtiwala rin sa kandidatong Noynoy Aquino at sa mga pangakong ipinahayag nito na susugpuin nito ang kurapsyon, na siyang isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino sa bansa.
Hindi lang iisa ang “Dale Turner” kung isasaliksik ang pangalang ito sa internet pero kahit na ba hindi masiguro sa ngayon kung alin sa kanila ang tinutukoy dito, may kabuluhan ang sinabi niya. “Naniwala akong magiging mabuting Pangulo si Noynoy sa usapin ng pagbawas ng kurapsyon. Nasaan ka noong May 10, 2010? Bumoto ka ba noong Tingin ko may nagawa na rin siya tungkol dito pero araw na ‘yon? Naalala mo pa ba ang pakiramdam hindi sapat,” kwento ni Mapa. nang buong puso mong pinili ang taong para sa iyo ay Pero hindi niya inaasahan ang paglagay ni Pnoy ng karapat-dapat na mamuno sa Pilipinas? Buong puso katakut-takot na pwersa sa Kongreso upang ipasa ang ba talaga? O pinagsisisihan mo ba ang iyong desisyon? RH bill, dagdag ng ama ng dalawang batang maliit.
Paniniwala sa mga pangako
Si Justine Bautista ay isa sa mga umamin na isang “Buong-buo ang paniniwala kong makakasira mahalagang leksiyon para sa kanya ang hinantungan itong RH sa moralidad ng lipunan natin at isa itong ng kanyang pagpili sa umuupong pangulo ngayon. pag-aksaya ng bilyun-bilyong piso na kinakailangan para sa ibang bagay,” giit ni Mapa.
‘Parang naloko ako big time’
“Masakit kapag ang taong binoto mo ay hindi naman pala naniniwala sa pagka-sagrado ng buhay at walang pakialam sa kasamaan ng kontrasepsyon. Parang naloko ako big time,” ani Bautista.
Mukhang nasa huli nga ang pagsisisi ayon sa karanasan ng dalawang botanteng naniwala sa mga ipinakita’t ipinahayag sa kampanya ng nakaupong Presidente. Pero hanggang pagsisisi na lang ba ang hahantungan ng natantong pagkakamali?
Todo-bantay kung pro-life ba talaga
“Pagkatapos ng RH bill, ang mga taong nagsulong nito ay siyang ring magsusulong ng divorce, abortion, gay unions. Bulag ba si Pnoy? Si Cory at si Ninoy, siguradong hindi gagawin ‘yan, “ dagdag ng ina na isa ring negosyante. “Ngayon, binabantayan ko nang husto ang paniniwala ng mga kandidato tungkol sa RH Pati kay Bautista ay napakalaking konsiderasyon “Sensible na tao si Pnoy pero bakit ayaw niyang law at sa iba pang mga anti-life at anti-faming pagka-prolife ng sinumang nag-aasam na mahaipaglaban ang buhay at makiisa sa panig ng Diyos?” ly na panukalang batas. Kung Team Patay sila, Dapat ay protektahan ng Pangulo ang pamilyang siguradong hindi ko sila iboboto,” giit ni Mapa. lal, lalo na’t ngayon ay mas “mapanganib dahil ipinepwersa nilang [isagawa] ang RH law. Pero kailanPilipino, sabi pa ni Bautista, at gamitin nang wasto gang labanan natin ito at tandaan na ang lahat ng ibang bansang gumawa ng batas na nagpalaganap ng kontrasepsyon ay naghihirap na ituwid ang pagkakamali nila,” sabi ni Bautista.
good news ... good news may good news ka ba?
Maraming nangyayaring positibo araw-araw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo sa paligid! Magemail lang sa tapat@areopaguscommunications.com at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!
“Ngayon sinisiguro ko na lahat ng kandidatong iboboto ko ay ‘prolife sarado’,” dagdag ni Bautista na isang ina at negosyante. Sadyang maaaring matuto mula sa mga pagkakamali ng nakaraan, tulad ng sinabi ni Dale Turner.
FOLLOW US... FOL @tapatnews
tapat@areopaguscommun
ABRIL 16-22, 2013
tampok
akit kapag ang taong binoto mo ay man pala naniniwala sa pagka-sagrado y at walang pakialam sa kasamaan ng sepsyon. Parang naloko ako big time”
7
Tatapatin kita… ni Ate Ami
‘Ano ang susunod na kabanata ng buhay?’ - tanong ng OFW na pauwi na Dear Ate Ami, Ako’y sumusulat mula sa Middle East na kung saan ako’y nagtatrabaho bilang inhinyero ng higit kumulang sa 30 taon na. Naging mabuti ang trabahong ito para sa akin dahil sa pamamagitan ng aking kinita sa loob ng maraming taon, nabigyan ko ng desenteng tahanan ang aking pamilya at nakapagtapos ng pag-aaral ang apat na anak naming mag-asawa. Ngunit magbabago na ng husto ang takbo ng buhay para sa akin dahil ako ay nag-retire na at uuwi sa Pilipinas ngayong Mayo. Ilang linggo na akong nalulungkot sa sitwasyon, marahil dahil sa kawalan ng seguridad. Ang pakiramdam ko ay para akong upos ng sigarilyong wala nang silbi, pero may mga nagpapaalaala naman sa akin na ang halaga ng buhay ay hindi nakasalalay sa tungkulin o sa kakayahan. Ganoon pa man, hirap akong isipin na ang mga susunod na taon ay ‘di na magiging tulad ng dati. Siguro ay dapat niyo ring malaman na matagal nang nawala ang paniniwala ko sa Diyos, dala ng mga masakit na karanasang nagparamdam sa akin na walang Panginoon na pinagmulan ng lahat at na anuman ang mga nais kong mangyari sa buhay ko ay kailangang pagsikapan. Salamat. - Emil
Itong si Turner din ang nagsabi ng isa pang mabuting paalaala hinggil sa pagkakamali at sa asal: Ang pag-amin sa ating mga pagkakamali at ang paggawa ng bayad-pinsala ay ang pinakamataas na uri ng respeto sa sarili. Ang gumawa ng mali ay kamalian lamang ng pagpapasya, pero ang kumapit dito matapos matuklasan ang pagkakamali ay nagpapakita ng kahinaan ng KARAKTER/KARANGALAN/ ASAL (It is the highest form of self-respect to admit our errors and mistakes and make amends for them. To make a mistake is only an error in judgment, but to adhere to it when it is discovered shows infirmity of character).
LLOW US... FOLLOW US facebook.com/tapatnews
nications.com
www.tapatnews.com
Dear Emil, Seryoso problema mo, Emil! Pero the fact na binanggit mong matagal nang nawala ang paniniwala mo sa Diyos ay hindi ko masasabing “hopeless case” ka na. At least, natukoy mo ang ugat ng problema mo—kaya’t ang kalahati noo’y lutas na! Pero sa halip na sermonan kita ay babatuhin na lang kita ng mga katanungan. Naiintriga kasi ako sa kaso mo—parang puwedeng isapelikula, dyokdyok! Sabi mo, more than 30 years ka abroad, “naging mabuti” ang trabaho mo, etc. etc. etc. Kelan kaya nawala ang pananampalataya mo sa Kanya? Noong naghahanap ka pa lang ng trabaho, may tinatawagan ka bang Diyos para hingan ng tulong? Nang makakita ka ng trabaho, sino o ano ang pinasalamatan mo? Tao ba o swerte? Bakit ginusto mong bigyan ng ginhawa ng buhay ang pamilya mo, at pamanahan ng edukasyon ang mga anak mo? Dahil lang ba sa gusto mo? O may nag-utos sa iyo na iyon ang tama? Mukhang malusog ka kaya nakapagtrabaho ka nang ilang dekada bago ka nag-retire. Healthy ka kaya dahil magaling ang doctor mo, o dahil ipinanganak kang matibay? Bakit ka nahihirapang magbabago na ang takbo ng buhay mo sa hinaharap dahil lamang sa retirado ka na? Bisyo mo na bang gumiling nang gumiling para buhayin ang pamilya mo, o para patunayan sa sarili mong may saysay ang buhay mo? May naaalala akong isang masiglang huntahan kasama ng mga kaibigan kong Muslim sa Egypt. May isa kaming kasama—si Mourad—na hindi na naniniwala kay Allah, at nakikipagtalo siya sa kaibigan niyang si Magdi na may buo pang pananalig kay Allah. Sobrang smart kasi ni Mourad, successful sa lahat ng bagay na pinasok niya, at sa paniwala niya, ang lahat ng tagumpay niya ay galing lamang sa pawis niya, at hindi kay Allah na siya namang iginigiit ni Magdi. Diyosme, ang haba ng paggigirian ng dalawang Muslim, tila walang susuko—tuwang-tuwa naman kaming mga Kristiyanong nakikinig. Sa dulo, napagod na si Magdi, kaya bigla niyang hinamon si Mourad: “Sige, maniniwala na ako sa iyo, pero igawa mo muna ako ng isang lamok, ngayon din!” Natameme si Murad—kasi hindi niya kayang gumawa ng lamok. Emil, kung gusto mong maputol ang paghihirap ng loob mo, habang humihinga pa, magpasalamat ka na sa Lumikha sa iyo. May kasabihan tayong mga Pilipino: “Ang hindi lumingon sa pinaggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Kilalanin natin ang nagbigaybuhay sa atin, Siya ang papawi ng lahat ng pangamba natin sa hinaharap.
May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.
Ate Ami
8
balita
ABRIL 16-22, 2013
100,000 dumagsa sa paglunsad ng White Vote
... mula sa pahina 3
Simbahan ang mga laiko na seryosohin ang kanilang tungkuling maghalal nga mga mabuting lider – at kasama dito ang pag-e-endorso. “Sinabi na noong 1991 sa Second Plenary Council ng Pilipinas, sa mga laiko na nasa posisyon ng responsibilidad… na sila ang magendorso ng mga makabubuti sa bayan. Iyan po ay karapatan, di labag sa alituntunin ng Simbahan,” dagdag pa nito. Ang ilan pang nagpahayag ng mensahe noong gabing iyon ay sina Fr. Melvin Castro ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL), at Frank Padilla, Servant Leader ng Couples for Christ-Foundation for Family and Life (CFC-FFL). Ang mga grupong kasapi sa White Vote Movement ay ang Adoracion Nocturna Filipina, Archdiocesan Council of the Laity of Lipa, Archdiocesan Council of the Laity of San Fernando, Pampanga, Bukas Loob sa Diyos Covenant Community, Catholic Teachers’ Guild, Children of God our Father of All Mankind, Christian Family Movement, Children of Mary/Prayer Partners Ex Seminarians for Life/ Kilos Laiko, Familia Community, Family Renewal Movement, Family Rosary Crusade, Family Rosary Crusade –Youth Ministry, Holy Name Society of the Philippines, Kababaihan ng Maynila, Knights of Columbus – Luzon Jurisdiction, Legion of Mary, Live Christ Share Christ Movement, Live Pure Movement, Light of Jesus, Lord’s Flock, Marriage Enhancement & Team Services, Mother Butler Mission Guild, National Sandigan Foundation, St. Peter Community, St. John Apostle & Evangelist Assn., Teodora, Teresian Association, Women of Asia for Development, at Young Christian Workers of the Phils.
ABRIL 16-22, 2013
Cedula, papalitan ng national ID
Ni GRACE CAJILES
balita WORLD NEWS
9 Ni JANDEL POSION
Imbestigasyon sa bumagsak na eroplano sa Indonesia, sinimulan na INDONESIA—Sinimulan na ng National Transportation Safety Committee (KNKT) ang imbestigasyon kung bakit lumagpas sa paliparan ang eroplano ng Lion Air at lumagpak sa dagat ng Bali noong Sabado. Nakuha naman ang flight data recorder (FDR) pero ‘di pa rin nahahanap ang cockpit voice recorder (CVR) para mapag-aralan kung ano talaga ang nangyari. Sumadsad ang Lion Air Boeing 737-800 aircraft sa tarmac o huling bahagi ng paliparan ng Ngurah Rai International Airport pagkatapos baybayin ang Bandung sa West Java. Lahat naman ng 108 na pasahero at pitong tripulante ay nakaligtas sa pagsalpok ng eroplano.
Maduro, panalo bilang pangulo ng Venezuela
NATIONAL identification (ID) system ang nakikitang posibleng ipalit kung tatanggalin ang cedula o community tax certificate. Ang ideyang ito ay isinusulong ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong matapos iminungkahi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibasura na ang cedula o community
tax certificates. Nagpapaalala ng pananakop o “stigma of colonization” ang rason na binanggit ng kongresista kung bakit aniya kailangan nang ibasura ang cedula. Nito lamang Pebrero 5 ay naipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6895, na inihain ni Albay Rep. Al Francis
Bicharra na naglalayong magkaroon ng isang Filipino identification system. Nakapaloob sa panukala na ang bawat Pilipino, nasa abroad man o nasa Pilipinas ay kailangang magkaroon ng isang non-transferable Filipino I.D. card na magiging balido sa loob ng 10 taon at maaaring irenew tulad ng pasaporte.
‘Pagluha ng dugo’ ng Birhen sa Cebu, wag paniwalaan! Ni PAUL ANG NANANAWAGAN ang isang opisyal ng simbahan sa mga Cebuano na huwag basta basta maniniwala sa ‘di umanoy nagmimilagrong imahen ng Birheng Fatima kung saan ito hinihinalang lumuluha ng dugo. Ayon kay Msgr. Esteban Binghay, ang episcopal vicar ng Southern Cebu par-
ishes, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Archdiocese of Cebu bunsod ng nababalitang pagluha ng dugo ng imahen. Ani Binghay, huwag munang maniniwala sa mga ganitong milagro dahil maaari lamang umano itong manipulahin ng tao, elemento ng demonyo o ng kalikasan.
Matatandaang kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga tao ang imahen ng Birheng Fatima sa bahay ng pamilya Rayla sa Sitio Kanhay Lutaw-lutaw, Barangay Tisa, Cebu City. Samantala, una na umanong umiyak ng dugo ang imahen noong Biyernes Santo at nasundan pa ng mga sumunod na araw.
VENEZUELA -- Ang kandidato ng partidong sosyalista na si Nicolas Maduro ang nanalo sa eleksiyon ng pagka pangulo sa Venezuela. Si Maduro, personal na pinili ng pumanaw na lider ng naturang bansa na si Hugo Chavez ay nagkamit ng 50.7% ng boto laban sa kandidato ng oposisyon na si Henrique Capriles sa 49.1% na boto, kung saan 80% ng botante ng bansa ay nakaboto. Sinabi naman ng komisyon na namamahala ng eleksiyon na ang resulta ay hindi na mababago. Wala naman komento tungkol dito si Capriles na kamakailan lang ay nag-anunsiyo na may iilang elemento na nais pakialaman ang resulta ng halalan. Manunumpa naman si Maduro sa darating na Abril 19 at magsisilbi hanggang Enero 2019.
Santo Papa, nagtalaga ng bagong opisina magrereporma ng Simbahan ROME—Kamakailan lang ay nagtalaga ng walong cardinal mula sa iba’t-ibang bansa ang Santo Papa para matutukan ang pagreporma ng Simbahang Katolika. Ang grupo na kinabibilangan ni Boston Cardinal Sean O’Malley ay magsusuri ng mga paraan upang baguhin ang saligang batas ng Vatican na Pasto Bonus, na nagtatakda ng mga panuntunan para sa pagpapatakbo ng Roman Curia o ang hierarchy ng Simbahan. Habang walang pambatasang kapangyarihan ang nasabing grupo, ang pangunahing tungkulin ng opisina ay bigyan ng payo ang Santo Papa. Nagsimula ang ideya mula sa suhestiyon noong ginaganap na General Congregations, isang serye ng mga pulong kung saan pinagsama-sama ang lahat ng mga cardinal bago inihalal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio bilang Santo Papa. Ang pito pang cardinal ay sina Giuseppe Bertello, ang kasalukuyang presidente ng Vatican City State governorate; Francisco Javier Errazuriz Ossa mula sa Chile; Oswald Gracias mula sa India; Reinhard Marx mula sa Germany; Laurent Monsengwo Pasinya mula sa Democratic Republic of the Congo; George Pell mula sa Australia; and Oscar Andres Rodriguez Maradiaga mula sa Honduras. Si Monsignor Marcello Semeraro, isang Italyanong obispo, ang magiging sekretarya ng nasabing grupo. Ang reporma ng Simbahang Katoliko ay bunsod ng mga iskandalong kinasasangkutan ng ilang pari at mga obispo gaya ng sekswal na pang-aabuso ng mga bata.
10
May saysay... mula sa pahina 5 for sin. O handa ka na bang tulungan ang kaibigan mo? Ano? Baka sabihin na nasisira na ba ang ulo mo? Eh, di ... ialay mo ang kahihiyan. Practice what you preach nga, di ba?
ABRIL 16-22, 2013
ADVERTISE WITH US... EMAIL US AT
advertising@areopaguscommunications.com
Kampeonato naagaw... mula sa pahina 11 Boxing Writers Association. “He beat me tonight. I gave it all I got. I never studied the fight and I should have.’’ Dahil naipanalo ni Donaire ang lahat ng kanyang apat na laban noong isang taon at dahil sa tanggap na kaliwa’t kanan na parangal mula sa iba’tibang grupo ay nagdududa ang karamihan na baka sumobra ang kumpiyansa niya papasok sa labang ito. Kumpara kay Donaire ay maituturing na baguhan pa lamang si Rigondeaux ngunit hindi pa siya natatalo sa loob ng 12 professional fights at sumalang siya sa mahigit 400 amateur bouts. Noong Linggo ay nakapagpatama ng 129 sa 396 pinakawalang suntok si Rigondeaux habang si Donaire ay may 82-of-352 accuracy lamang. Bumagsak naman sa umpisa ng 10th round si Rigondeaux pero ayon sa reperi na si Benjy Esteves, hindi ito knockdown dahil nadulas lamang ang kampeon. Hindi naman ito ininda ni Rigondeaux dahil sa puntong iyon ay malayo na ang kanyang lamang sa iskor. Gayunpaman, sa huling dalawang rounds ng sagupaan ay muling naging agresibo si Rigondeaux habang hindi makasagot si Donaire. Ito ang ikatlong sunod na kampeonato na nabitawan ng Pinoy sa larangan ng boxing. Noong isang taon ay natalo ng dalawang beses si Manny Pacquiao laban kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez at kamakailan lamang ay nabigo si Brian Viloria na maidepensa ang kanyang WBO at WBA flyweight titles kontra Juan Francisco Estrada.
Matagumpay ang Araw... mula sa pahina 11 sahan ito sa Death March Kilometer Post Zero Marker sa Mariveles, Bataan sa ganap na ika-9 ng umaga noong Abril 8. Tampok dito sina Veterans Federation of the Philippines (VFP) Post Commander Peregrino Divinagracia at iba pang buhay na bayani kasama ang pundador na si Ed Paez ng San Fernando Runners Unlimited, Inc. na siyang nagbukas ng taunang patakbong nagsimula noong 1986. Isang maikli, madamdamin at payak na programa ang naganap, na sinundan ng pagsindi ng simbolikong “Sulo ng Katapangan” ni Divinagracia, na kaniyang ipinasa kay event founding organizer na si Ed Paez. Itinakbo naman ito ng grupong San Fernando Runners Unlimited, Inc. (SAFER RUN), kasama ang Caloocan North Running Club, Sta. Rosa City Runners, Runners Plus at Rotary International District 3918 patungong Lubao, Pampanga. Nadaanan ng grupo ang isang siyudad at siyam na bayan ng Bataan, bago nagpalipas ng magdamag sa Lubao Gymnasium ang mga “modern-day marchers,” kung saan muling inilatag ang “pulang alpombra” nina Pampanga Gov. Lilia Pineda, anak na si Mayor Mylyn Cayabyab, at dating punongbayang kapatid nitong si Dennis Pineda, para sa mga mananakbo. Sa pag-ampong ito ng mag-iina sa mga panauhing mananakbo,matagumpay na naipagpatuloy ang makatuturang takbong ito, na inayudahan din ng Milo Energy Drinks, Unilab Active Health, PCSO, Mayo Productions, Inc., San Miguel Corp., Pocari Sweat, Pampanga’s Best, Alice Bakery & Grocery, Speed Detergent Bars, Excellent Noodles, Isport Botak, F.M. Ringor Engineering/AdEvents, Hotel Victoria de San Fernando, at ang bukod tanging opisina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Gitnang Luzon. Hindi tulad ng kanilang iniidolong World War II Veterans, na puwersahang isinakay sa bagon ng tren, ang mga namamanatang mananakbo ay kumportableng sumakay ng kani-kanilang back-up vehicles patungong Sto. Domingo, Capas, Tarlac, kung saan nagsimula ang patakbo sa natitirang 12-kilometrong lakbayin patungong Capas National Shrine o mas kilala bilang Camp O’Donnell, na siyang pinaka-dulo ng taunang saludong-patakbo, na nagtapos sa dalawang-araw na panata ng mga Patriotic Runners.
2013 Palarong Pambansa... mula sa pahina 11 table tennis (NOCC Plenary), taekwondo (SPUD gym), tennis (Praxevilla Tennis Court, SU Tennis Center at YMCA), track and field (Lamberto L. Macias Sports Center at Silliman University gym), at volleyball (ACSAT gym/FU-IYSP gym). Tatlong events naman ang idinagdag sa taong ito bilang mga demonstration sports. Ang mga ito ay wushu for secondary boys and girls, billiards for secondary boys at futsal for elementary girls. Tinatayang hindi bababa sa 10,000 atleta ang inasahang lalahok sa 2013 Palarong Pambansa. Noong isang taon ang Palarong Pambansa ay ginanap sa Lingayen, Pangasinan kung saan nakuha ng National Capital Region ang overall championship. Pumangalawa naman ang Western Visayas at pumangatlo ang Calabarzon.
ABRIL 16-22, 2013
sports
11
Kampeonato naagaw kay Donaire Nagpakita ng magandang laban si Nonito Donaire Linggo ng umaga sa Radio City Music Hall sa New York ngunit hindi ito naging sapat para manalo kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba. ‘Di hamak na mas mabilis at mas malakas ang kasalukuyang WBA super bantamweight champion na si Rigondeaux para manaig via unanimous decision (114-113, 115-112 at 116-111) at maagaw din kay Donaire ang WBO super bantamweight belt. Ito ang unang kabiguan ni Donaire sa loob ng 30 laban mula 2001. ‘’I apologize. I wanted to deliver. During the last two rounds, I got stupid. I didn’t do my job. I didn’t use my jab and go to my left. I have no excuse,” sabi ni Donaire, ang pinarangalang 2012 Fighter of the Year ng Professional - Pahina 10
2013 Palarong Pambansa bubuksan sa Abril 21 sa Dumaguete
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
7th Summer Grand Slam Softball sa Clark
Itinakda ng nag-oorganisang Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL) ang 7th Summer Grand Slam softball tournament nito sa darating na May 1-7 sa Clark Field, Pampanga. Umabot na sa 27 koponan ang nagkumpirmang lalahok sa torneyo. Ilan sa mga nagpahayag ng interes na sumali sa Summer Grand Slam ay ang Adamson University, University of the Philippines, National University, Rizal Technological University, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, Central Luzon State University, Bulacan State University, Davao, Rizal, Ateneo de Manila, University of the Cordilleras-Baguio, Makati City, La Salle Zobel, Philippine Air Force, Cebu, Zamboanga, MS
Marikina, Libjo Batangas, Baras-Rizal at Pasig. Dalawang dayuhang koponan din ang makikihalubilo sa torneyo. Ang mga ito ay Lakidende ng Indonesia at Chikara ng Brunei. Ang Summer Grand Slam ay nahahati sa Open at Club division para sa mga men’s at para sa women’s divisions. Magkakaroon ito ng single round robin format at ang mananalo sa Open ay mag-uuwi ng P30,000 premyo. Ang Club champion naman ay pagkakalooban ng P15,000 gantimpala. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan si ASAPHIL Operations Manager Jun Veloso sa 09164938937 o i-email sa ismael12068@yahoo.com. Bumisita rin sa www.asaphil.com.ph.
Matagumpay ang Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon
INAASAHANG unti-unti nang magsisidatingan sa Dumaguete City, Negros Oriental sa linggong ito ang mga delegasyon mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa para sa 2013 Palarong Pambansa. Ang taunang palaro para sa mga atletang mag-aaral ng elementarya at high school ay magbubukas sa Abril 21 at magtatapos sa Abril 27. Ang opening ceremony ay idaraos sa Mariano Perdices Memorial Coliseum kung saan lalaruin ang karamihan sa mga sports events. Maglalaban-laban dito ang mga kinatawan ng 16 regions ng bansa tampok ang 18 na sports disciplines na archery (na gaganapin sa Ang Tay Gold range), arnis (sa Holy Cross High School gym), badminton (The Court-LP Hypert Mart), baseball (Dr. Orbeta Ball Park at Silliman Heights Ball Park), basketball (Lamberto L. Macias Sports Center at Silliman University gym), boxing (Robinson’s Place Atrium), chess (Dumaguete Cathedral Credit Cooperative Function Hall), football (Silliman University Cimafranca Ball field, SU Ravelo Field at Foundation University Football field), gymnastics (NORSU Cultural Center), sepak takraw (SLS-Don Bosco High School gym), sipa (Catherina Cittadini High School gym), softball (Cimafranca Ball Park Diamond), swimming (LG Teves Aqua Center), - Pahina 10
Ipinasa ni VFP Mariveles, Bataan Post Commander Peregrino Divinagracia ang symbolic torch sa event founding organizer ng 114-km Araw ng Kagitingan UltraMarathon na si Ed Paez sa pagbubukas ng taunang patakbo.
HINDI naging sagabal ang init ng araw at iba pang kaakibat na problemang dumating sa punong-abala sa taunang pagsaludo nito sa Kabayanihan ng mga Bayani ng Bataan. Tagumpay pa ring maituturing ang pagsagawa ng mga namamanatang relay-runners sa pagsagawa ng taunang non-competitive, relay ultra-marathon
na itinahak sa 1942 Death March Trail. Ang ika-28 edisyon ng Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon (A Tribute To World War II Veterans) ay isinagawa nitong Abril 8-9. Ang event na ito ang pinakamatanda at pinakamahabang distansiyang takbuhang may habang 114-kilometrong ruta. Inumpi- Pahina 10
sports
12
ABRIL 16-22, 2013
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Ikaapat na puwesto paglalabanan Team Standings ng Petron at Talk ‘N Text PAGLALABANAN ng Petron Blaze at Talk ‘N Text ang ikaapat na puwesto sa pagtatapos ng elimination round ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Miyerkules, Abril 17, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Parehong may pitong panalo at anim na talo ang Boosters at Tropang Texters na kasalukuyang magkasalo sa ikaapat na puwesto. Ang mananalo sa kanilang sagupaan sa Miyerkules ay mananatili sa No. 4 spot, habang ang matatalo ay maaaring bumagsak mula No. 5 hanggang No.7 berth depende sa resulta ng laro sa pagitan ng Meralco at Rain or Shine. Wala nang saysay para sa Elastopainters ang laban nila kontra Bolts dahil nakopo na
Alaska Rain or Shine SanMig Coffee Talk ‘N Text Petron Ginebra Meralco Air21 Barako Bull GlobalPort
ng Rain or Shine ang No. 2 slot papasok sa quarterfinal round. Ang No. 1 at No. 2 teams kasi ay may twice-to-beat advantage sa quarterfinal round laban sa No. 8 at No. 7 teams. Ang No. 3 at No. 6 teams naman ay magtutuos sa isang best-of-three series gayundin ang No. 4 at No. 5 teams. Sa pagitan ng Petron at Talk ‘N Text ay mas kinakailangang manalo ng Boosters kaysa sa Tropang Texters. Ito ay dahil mas mababa ang quotient points ng Petron kumpara sa Barangay Ginebra at Meralco Bolts sakaling magkaroon ng three-way tie para sa 5th place. Magkakaroon ng triple tie sakaling manaig ang Meralco sa Rain or Shine sa Miyerkules. Kaya tiyak na magpupursige ang Petron na talunin ang Talk ‘N Text sa Miyerkules.
W 11 9 8 7 7 7 6 6 5 2
L
3 4 6 6 6 7 7 8 9 12
Game Schedules Mga Laro sa Martes (Abril 16) (JCSGO Gym) 2 p.m. Blackwater Sports vs Big Chill 4 p.m. NLEX Road Warriors vs Cagayan Valley Tinambakan ng Talk 'N Text ang Barangay Ginebra nitong Linggo at sa Miyerkules ay makakasagupa nito ang Petron Blaze.
Blackwater llamado kontra Big Chill sa D-League Ang masungkit ang ikaanim na panalo sa pitong laro ang puntirya ngayon ng nangungunang Blackwater Sports Elite sa pagpapatuloy ng 2013 PBA D-League Foundation Cup sa Martes sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City. Makakalaban ng Blackwater Sports ang Big Chill sa unang laro at magtutuos naman ang nagdedepensang kampeong NLEX at Cagayan Valley sa pangalawang laban. Maganda ang naging simula ng Elite sa torneyong ito. Galing sila sa 72-69 panalo kontra Jumbo Plastic Linoleum noong isang linggo. Kontra Big Chill ay patuloy na aasahan ni Blackwater
Sports head coach Leo Isaac ang mga kamador niyang sina Giorgio Ciriacruz, Robby Celiz, Justin Chua, Allan Mangahas at Kevin Ferrer. Ang Big Chill naman ay pangungunahan nina Lendmark Montilla, Alex Nuyles, Mark Angelo Canlas, Quinton Heruela at Arvie Bringas. Samantala, asinta naman ng NLEX Road Warriors ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap nito sa Rising Suns. Sa pagbubukas ng torneyo ay agad nakalasap ng dalawang sunod na kabiguan ang NLEX ngunit bumalikwas ito at sumikwat ng tatlong diretsong panalo para makabalik sa kontensiyon.
Mga Laro sa Miyerkules (Abril 17) (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Meralco vs Rain or Shine 7:30 p.m. Petron vs Talk ‘N Text Mga Laro sa Huwebes (Abril 18) (Ynares Arena, Pasig) 2 p.m. EA Regen Med vs Fruitas 4 p.m. Cebuana Lhuillier vs Jumbo Plastic Linoleum