MAYO 21-27, 2013 VOL 1 NO 9
ANG BALITANG TOTOO
TAPATAN
May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun? - Pahina 8
Ano ba talaga ang “separation of Church and State”? - Pahina 10
1,000 graduates, may scholarship bilang ‘future teachers’
- Pahina 3 ADVICE NI ATE AMI:
College girl, nakakuha ng STD - Pahina 7
Yaya noon, businesswoman na ngayon - Pahina 6
PROTESTANG
TAIWANESE vs PINAS,
TULOY PA RIN - Basahin sa Pahina 3
@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
www.tapatnews.com
balita
2
MAYO 21-27, 2013
National consecration gaganapin sa June 8
Ni CLARISSOL REONAL
MINARKAHAN na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Hunyo 8, 2013 bilang araw na nakatakdang gawin ang national consecration mg bansa sa Malinis na Puso ni Maria. Sa ganap na ika-10 ng umaga, sabay-sabay na ihahabilin ng lahat ng kaparian at mga obispo ang bansa sa Malinis na Puso ni Maria sa lahat ng mga parokya, katedral, dambana at kapilya sa darating na Hunyo 8. “Hinihikayat namin ang mga tao na magsagawa ng indibidwal na kilos ng paghahandog sa Diyos araw-araw, isang maiksing panalangin”, ani CBCP Secretary General Msgr.
Bilang pagsuporta sa national consecration, may ilang grupong nagpapalaganap ng individual consecration tulad ng Confraternity of Mary Mediatrix of all Grace.
Joselito Asis. “Sana magsimula ang “conversion” o pagbabago sa ating sarili, sunod naman sa buong bansa. Ito ay isa ring panawagan,” dagdag pa ni Msgr. Asis. Layunin ng consecration na humingi ng biyaya ng pagbabalik-loob ng mga tao sa Diyos, biyaya para sa integridad at katarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa mga komunidad at sa buong mundo. Ang nasabing pagtatalaga ay bahagi ng Taon ng Pananampalataya, at parte ng siyam na taong nubena bilang paghahanda sa 2021, ang ika-500 taong anibersaryo ng pananampalatayang Kristyano sa bansa.
Buhay, nangunguna sa labanang party list TAGLAY ang lamang ng mahigit kumulang 25,000 na boto, nangunguna ang Buhay Hayaan Yumabong party list, isang pro-life na organisasyon, sa labanan ng mga party list, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Pumapangalawa lamang ang A Teacher na may 1,033,873 boto, kumpara sa Buhay na may naitalang 1,255, 734 na boto noong Miyerkules. Nahigitan na nito ang kanilang pagkapanalo noong 2007, kung saan naging no. 1 party list din ito na may 1,169, 338 na boto. Inaasahang matapos ngayong linggo ang bilangan ng boto para sa party list, na ayon sa Comelec, may 95 porsiyento na ng lahat ng certificates of canvass (COC) ang naibilang. Pumapangatlo naman ang Bayan Muna na may 945,639 boto, sumunod naman ang 1-CARE, isang grupong nagtataguyod sa rural energy, na may 931,303 boto. Pang-lima naman ang Akbayan na may 820,351 votes. Ang umani ng pinakamaraming boto noong halalan 2010, ang Ako Bicol, ay nasa ika-anim na posisyon, na may 761,115 boto, habang pang-pito ang
Abono na may 753,161. Sumusunod sa listahan ang mga party list na nakalikom ng higit sa 2 porsiyento ng lahat ng boto o mahigit kumulang 200,000 votes. 8. OFW Family - 735,854 9. Gabriela - 706,194 10. Senior Citizens - 671,916 11. COOP-NATCCO - 640,180 12. AGAP - 588,095 13. CIBAC - 578,320 14. Magdalo - 561,613 15. An Waray - 540,210 16. Abamin - 465,192 17. Act Teachers - 449,710 18. Butil - 437,084 19. ACT-CIS - 371,309 20. Amin - 370,351 21. LPGMA - 369,989 22. Kalinga - 367,839 23. TUCP - 365,299 24. YACAP - 364,278 25. AGRI - 363,204 Nangangailangan ng 2 porsiyento o 200,000 hanggang 206,000 boto ang isang party list upang makapanalo ng isang congressional seat.
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com
MAYO 21-27, 2013
balita
1,000 graduates, may scholarship bilang ‘future teachers’
3
Protestang Taiwanese vs Pinas, tuloy pa rin
Ni PAOLO DE GUZMAN
Upang maiangat ang kalidad ng edukasyon, hinihikayat ang pinakamahuhusay na estudyante na piliin ang propesyon ng pagtuturo.
MAY 1,000 na pinakamahuhusay na estudyante na hihikayating sumama sa hanay ng mga guro sa pamamagitan ng scholarships. Ang mga magtatapos mula sa high school na bahagi ng pinakamataas na 10 porsyento sa kanilang klase ay maaaring bigyan ng Department of Education ng scholarship para sa apat na taon na kursong BS Education sa mga piling paaralan sa buong bansa. Matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET, kinakailangang magturo sa pampublikong paaralan ng limang taon ang mga iskolar kapalit ng scholarship. Ang mga iskolar ay maaaring mag-major sa Math, Science, English, elementarya, o Early Childhood Education at kinakailangang may average na B upang manatili sa programang tinatawag na 1000 Teachers Program (1000 TP). Layunin ng programa na paunlarin ang imahe at kalidad ng propesyon ng pagtuturo sa bansa. (CR)
Teen Creed Don’t let your parents down, they brought you up. Be humble enough to obey, You may give orders someday. Choose companions with care, You become what they are. Guard your thoughts, what you think, you are. Choose only a date who would make a good mate. Be master of your habits, or they will master you. Don’t be a show off when you drive. Drive with safety and arrive. Don’t let the crowd pressure you, Stand for something or you’ll fall for anything. - Human Life International
TALIWAS sa ipinahayag kahapon ng Palasyo na nagpapahayag ng pasasalamat sa ipinakitang pakikitungo ng mga lider ng bansang Taiwan hinggil sa panawagan na huwag saktan ang mga Pinoy, patuloy pa rin diumano ang mga panaka-nakang protesta laban sa Pilipinas sa nasabing bansa. Ramdam ang pangamba ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naninirahan sa tinaguriang ‘Republic of China’ dahil sa mga nagpoprotesta na karamihan ay mga mangingisda na nagpapahayag ng kanilang saloobin hinggil sa diumano’y pasasawalang-halaga sa buhay ng mga opisyal ng
Philippine Coast Guard (PCG). Matatandaang pinaputukan ng mga opisyal ng PCG ang barkong naglululan sa mga mangingisdang Taiwanese nationals at naging dahilan ng pagkakapatay kay Hung Shih-cheng na may edad 65. Pinasinungalingan naman ng pamunuan ng naturang ahensya ang mga paratang at sinabing pinasok daw diumano ng mga naturang Taiwanese ang teritoryo ng Pilipinas. Kamakailan ay pinabulaanan naman ni Taiwan Deputy Justice Minister Chen Mingtang ang posisyon ng PCG at sinabing mali ang paratang ng ahensya, ito ay ayon na
rin sa ebidensya na kanilang nakalap mula sa voyage data recorder ng barkong pangisda. Hanggang sa mga oras na ito patuloy pa rin ang mga panawagang hustisya at pananagot ng may mga sala. Matapos mapahintulutan patuloy namang nagiimbestiga ang National Bureau of Investigation sa Taiwan at mariing tinitingnan lahat ng posibleng anggulo upang matukoy ang totoong nangyari. Sa ngayon may humigit kumulang 87,000 Pinoy domestic helpers na nagtatrabaho sa bansang Taiwan na nagpapasok sa bansa ng daang milyong dolyares kada taon.
editoryal
4
MAYO 21-27, 2013
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Communications Inc. You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
Dalawang patunay sa ‘Catholic vote’
May kasabihang ganito: “If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it” na nagsasaad na anumang matinding kasinungalingan na ulit-ulitin ay paniniwalaan ng mga tao pagtagal. Ito ay diumano sinabi ni Joseph Goebbels, isang pulitikong Aleman at ekspertong propagandista noong panahon ng Nazis, sa loob ng higit sampung taon simula noong 1933. Ayon sa kasaysayan, nakumbinsi ang milyun-milyong Aleman tungkol sa diumano’y kawalan ng dignidad ng mga Hudyo at sa pangangailangang puksain ang mga ito sa mundo. Untiunting naniwala din ang mga Aleman na ang kanilang lahi ang tanging mahusay, marangal at marunong sa lahat. Alam na natin ang mga pangyayaring naganap bilang resulta ng ganitong pag-iisip at ng pagpapaniwala sa propagandang ipinalaganap sa lipunan ng panahong yaon. Sa kabutihang-palad, humubog ng mas malalim na pag-aanalisa at pagpapahalaga ang tao sa mga ideya itong mga nakaraang dekada – natutunan din ang galing sa pagtatasa ng katotohanan at kamalian – kung kaya’t hindi na basta-basta naniniwala sa anumang nadidinig.
“Hayaang ang patas na resulta sa Senado, at ang pagiging numero uno ng isang party-list na nagtataguyod ng buhay, ang maging katibayan at paalaala na may ‘di maipagkakailang pwersa ang Catholic vote sa bayang Pilipino. “
Subalit may mga panahong naniniwala agad ang mga tao, imbes na mangibabaw ang wastong pagsusuri. Ngayon ay tila isa sa mga panahong iyon, na kung saan ang “nagbabagang balita” o kaya ang pinakamalalakas na boses sa lipunan ang siyang pinakamadaling tanggapin at sang-ayunan na lamang. Kung minsan ay nakadaragdag ang matinding emosyon kung kaya’t nakalilimutang pag-aralan ang kabuuang isyu. Nang matapos ang nakaraang halalan, sa mga unang araw ay naglabasan ang mga kuro-kuro hinggil sa diumanong kawalan ng “Catholic vote”. Matinding kabiguan ang naramdaman ng maraming aktibo sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter; puno rin ang media ng mga ulat at opinyong nagsasabi na gawa-gawa lamang ang tinatawag na “Catholic vote.” Ano ang basehan ng ganitong opinyon? Marahil ay ang malinaw na resultang hindi lahat ng 12 senador na iprinoklama ay kasapi sa “Team Buhay.” Marahil ay ang ‘di
pagwagi ng kani-kaniyang kandidato sa Senado o sa Kamara de Representante. Subalit dahil siguro sa kabiguang naramdaman ng marami at dahil na rin sa paglaganap ng ganitong sentimyento sa mga usap-usapan at sa media, tila hindi nabigyan-pansin ang ilang mahalagang bagay: Una, hindi lumamang ang dami ng proRH na kandidatong nagwagi sa Senado. Paano maituturing na “talo” ang mga nagtataguyod ng buhay samantalang pantay ang dami ng pro-RH at anti-RH sa mga nahalal na senador? Sa kabila ng pagkampanya ng pangulo ng Pilipinas para sa kanyang mga kapartido, at sa kabila ng pagbuhos, malamang, ng limpak-limpak na panggastos upang masiguro na pumasok sa Magic 12 ang buong Team Pnoy, patas pa rin ang kabuuan ng labanan: 6-6. Pangalawa, mismong si Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz ay nagbahagi ng obserbasyon kung bakit ‘di maituturing na natabunan ang boses ng Katoliko:
“I think one indication that [the Catholic vote] worked somehow is that the Buhay party list is leading the count,” sabi ng obispo ayon sa isang pahayagan dalawang araw matapos ang eleksyon. Sa kasalukuyan, ang Buhay party list ay nangunguna pa rin sa higit na 1,200,000 boto. Sa madaling salita, tila nakaliligtaan ng mga nagpapahalaga sa tinatawag na Catholic vote na ang pananalig sa Panginoon ay nagbunga. Ang pagpupunyagi, ang mga sakripisyo, at ang matibay na paniniwalang may Catholic vote – at ang pagbuo ng mga samahan hinggil dito sa loob ng napakaigsing panahon – limang buwan lamang – ay patunay na may pwersa ang mga botanteng Katolikong Pilipino. At sa mga nagdadalamhati pa rin dahil sa diumano’y “kawalan ng Catholic vote” -- marami pang kailangang gawin, at ang paningin ng lahat ay marapat na nakatutok sa 2016 at sa mga susunod pang halalan. Subalit sa kasalukuyan, hayaang ang patas na resulta sa Senado, at ang pagiging numero uno ng isang party-list na nagtataguyod ng buhay, ang maging katibayan at paalaala na may ‘di maipagkakailang pwersa ang Catholic vote sa bayang Pilipino. At ito ay nakatakda pang lalong magtipon ng lakas.
opinyon
MAYO 21-27, 2013
THE JUMPING WALL
makahahatak sa atin para mag-isip sa isang partikular na paraan. Ganoon din ang pagkiling sa ilang Rogie Ylagan ideya dahil tayo ay natural na naaapektuhan at nakabubuo ng sarili nating paniniwala base sa atIsang napakahalagang kukunin. ing mga nararanasan. biyaya sa tao ang kakayaWalang pamantayan Pero hindi natin dapat han natin na mag-isip. kung ano ang tamang hayaan na ang ating pagHindi humihinto ang at- paraan ng pag-iisip. Sub- iisip at pagdedesisyon sa ing utak sa pagproseso ng iba’t ibang impormasyon na ating nasasagap kada segundo. Bawat isa dito ay may epekto sa ating nagiging mga pananaw. Ito rin ang mga alit may mga paraan para buhay ay makulong labagay na humuhubog ng ating matiyak na nalulu- mang sa ideya na ating ating mga desisyon sa bos natin ang gamit nito kinikilingan. Hindi ko sibuhay, mula sa simpleng para sa ating sariling nasabi na maging malampagpili ng kulay ng damit kapakanan. Ang implu- bot tayo sa ating panininna isusuot ngayong araw wensya ay isang bagay digan, subalit lagi nating hanggang sa kung anong na hindi mawawala da- isaisip na sa anumang kurso sa eskwela ang hil imposibleng walang banggaan ng mga panin-
Pag-isipan ang pag-iisip
“Hindi natin dapat hayaan na ang ating pag-iisip at pagdedesisyon sa buhay ay makulong lamang sa ideya na ating kinikilingan.”
REPORTERAKER Yen Ocampo
Ke Sierra-Sierra Kamakailan lamang ay nagpunta ako kasama ang ibang kaibigan sa siyudad ng Cabanatuan upang tunghayan ang isang aktibidad ng mga Squires, tawag sa mga kabataang miyembro ng Knights of Columbus. Nagkaroon ang mga kabataan ng Summer Youth Camp (Summer Outdoor Adventure, Advancement & Reflection) na ginanap sa Camp Atate, Palayan City, Nueva Ecija noong Mayo 16 – 19. Habang ang mga bata ay nagka-camping, ako at ang aking mga kasama ay tumuloy sa isang karatig na hotel, ang Sierra Madre Suites. Sa unang tingin, ang naturang hotel ay maganda, tahimik, mapayapa at malawak dahil sa laki nitong tatlong ektarya. Meron itong swimming
pool at pinagdarausan minsan ng mga events tulad ng kasal, kalimitan ay para sa mga may kaya lamang sa lugar. Ang Sierra Madre Suites ay hindi magpapahuli sa mga naglalakihang hotel sa Maynila baka mas maganda at magarbo pa nga. Pero katulad ng mga napapanood natin sa teleserye, kung anong ganda ng kontrabida, ay kabaligtaran ang pag-uugali nito. Ang hotel na ito ay may itinatagong.,.. ano bang pwedeng tawag dun,,, konting pag-aagam-agam?...katanungan? Dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganoong kagarang hotel na pagmamay-ari ng… lokal na gobyerno. Tama! Local government ang may ari ng hotel na iyon at
nakalulungkot isipin na wala itong income. Paano ko nasabing walang income? Eh walang customer. Walang resto sa loob ng hotel pero may swimming pool, para talaga itong mansyon. Naranasan rin namin ang hindi maayos na pasilidad. Sirang pintuan, walang basurahan, hindi maganda ang amoy, walang telebisyon at marami pang iba. Paano ito mina-market? O sadyang ginawa lamang ito para bakasyunan? Nino? Nagutom kami ng mga kasama ko at naghanap kami ng makakainan pero sa aming pagkagulat, wala ni isang desenteng makakainan, ni fast food chain ay wala. Ang ginawa namin ay pumunta kami sa tinatawag nilang pamilihan na hindi rin maayos. Nakapagtataka, paanong nagkaroon ng isang napakalaking hotel sa isang probinsya, pero walang maayos na pamilihan? Paano ang mga lokal na naninirahan
5 iwala at ideya, bawat magandang dahilan na mayroon ang iyong panig ay meron din ang kabila. Dahil dito, higit na dapat nating subuking alamin kung bakit naninindigan ang kabilang panig sa kanilang paniniwala. Alin man dito ang maaaring mangyari sa iyo kapag ginawa mo ito. Maaaring maging mas matatag ang iyong paninindigan sa iyong paniniwala dahil sa iyong mga malalaman, o magbago ang iyong paninindigan dahil sa nasumpungang mas mabuti at mas tama sa kabila. O ang huli ay mas lumawak pa ang iyong pananaw patungkol sa magkabilang panig at magamit mo ang lahat ng mabubuting bagay na nagmula sa magkabila at makabuo ng mas mabuting mga desisyon at pananaw.
doon? At ito pa, dahil sa pagtataka, nagtanong-tanong kami. Magkakaroon raw diumano ng “dumpsite” doon na 40,000 ektarya ang lawak… May mga malalalim na tanong nga ang mga residente doon: 40,000 hectares dumpsite sa 40,000 population? Tuloy, ang magarang hotel ay naging ‘haunted house’ sa aming paningin. Sa pagkakaalam ko, pag gagawa ng ‘income generating project’ ang isang local government dapat lahat ng nasasakupan ay nakikinabang. Pero bakit tila may mali? Sa Sierra Madre Suites, sino ang nakikinabang? Gaano rin katotoo na dapat ay lalagyan ito ng pamosong casino? Hindi lamang natuloy kasi may mga nagreklamo? Ano kaya ang katotohanan sa likod nito? Ehemmm… katatapos lang po ng eleksyon… sana masolusyunan ang isyu na mayroon sa Ke SierraSierra. (re4teraker@ hotmail.com)
THE DREAMER Paul Edward Sison
Bayang sumisinta kay Maria, June 8 Andito kami ngayon ng misis ko sa Baguio para sa aming personal retreat para malaman namin through discernment kung ano ba ang gusto ng Diyos na gawin namin sa mga darating na araw. Ang pakiramdam ko kasi, hindi ako dinala ng Diyos sa larangan ng media at public relations para sa pansariling interes. Naniniwala ako na kaya ako tinulungan ng Diyos na makilala ang mga editors, reporters at kolumnista ay para gamitin ito balang araw para sa gawaing simbahan o gawaing Diyos. At dumating nga ang panahon na tila pinaramdam na Niya sa akin kung ano ang aking assignment o
sa ganap na alas diyes ng umaga. Sa araw na iyon ay iko-consecrate ng lahat ng obispo at mga kaparian ang kani-kanilang diyosesis at parokya sa proteksyon ng Mahal na Ina. Ito ay ginawa na noong 1984 ng ating mga obispo kasama si Pope John Paul II nung bumisita siya rito. Maraming naniniwala na ang pag anunsyo ni dating Presidente Ferdinand Marcos ng 1985 snap elections ay isang divine intervention na bunga nitong national consecration. Alam naman nating lahat ang mga sumunod na kaganapan sa EDSA noong 1986 kung saan naging presidente si Corazon Aquino. Ang National Con-
“Naniniwala ako na kaya ako tinulungan ng Diyos na makilala ang mga editors, reporters at kolumnista ay para gamitin ito balang araw para sa gawaing simbahan o gawaing Diyos.” dapat gampanan para sa Kanya. Ito ay noong makilala ko sina Fr. Francis Lucas na presidente ng Catholic Media Network; si Jeffrey Cal ng Maximedia na dating sikat na production outfit; si Ms. Allen na isang producer at event organizer; at si Bishop Guillermo Afable ng Digos, Davao. Ang meeting ay para sa National Consecration ng Pilipinas sa Immaculate Heart of Mary na gaganapin sa June 8, 2013, Sabado,
secration ay isang sagradong kaganapan na ginagawa ng Simbahan sa oras ng peligro o panahon na mas kailangan nilang tumawag sa Diyos para sa tulong. Sa panahon ngayon, ang National Consecration na gaganapin sa June 8 ay isang paghahanda sa darating na International Eucharistic Congress na gaganapin sa Cebu sa 2016. Suportahan po natin at paghandaan ang konsekrasyon na ito sa June 8.
tampok
6
MAYO 21-27, 2013
Yaya noon, businesswoman na Ni ROGIE YLAGAN
D
alawang bagay ang kadalasang instrumento sa tagumpay na nakakamit ng isang tao sa buhay. Edukasyon at pangarap. Mawala man ang isa dito ay marami ring nagkakaroon ng maayos na kinabukasan. Subalit ang pagkakaroon ng dalawang ito ng magkasama ay higit na nagpapataas ng tsansa na maabot ang tagumpay na inaasam. Ito ang nangyari sa noo’y 17 taong gulang na dalaga mula sa Visayas na nakipagsapalarang lumuwas sa Maynila para hanapin ang kinabukasang pinapangarap para sa kanyang pamilya. Salat sa kaginhawaan at ultimo elektrisidad ay wala ang kanilang tahanan. Ikaapat sa anim na magkakapatid sa kanilang pamilya si Trish Matalubos, ngayon ay 28 taong gulang. Dahil na rin sa kahirapan sa buhay, ang tatlong nakatatandang kapatid ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. At isa rito ay ang kanyang ate na namamasukang kasambahay sa isang pamilya sa Marikina na siyang tumulong na makapagtapos siya ng high school. Taong 2003 nang lisanin ni Trish ang Antique patungong Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa
Tiyaga, malasakit sa kapakanan ng iba, at pananalig sa Diyos pangarap na bumuti ang k tulong ng kanyang tiyahin. Nagsimula na siyang mag-ayos ng requirements naman ay pumapasok sa paaralan. para sana sa kolehiyo nang nakatangMakalipas ang isang taon, napangap siya ng tawag sin na may mula sa kapatid sa kakaiba sa Marikina. Inalok kinikilos siya ng oportuang batang nidad na magtrakanyang baho bilang alaga. Natagapag-alaga ng diagnose na sanggol. Dahil may kaso ng na rin sa panganautism ang gailangang kuanak ng kanmita ay tinangyang amo. gap niya ito. Ang ganiSa kabila ng tong uri ng pagtrabaho ay ‘di kondisyon niya tinalikuran ay nanganang pangarap gailangan na makapagtang dagdag pos – desisyong na kaalasinuportahan naman mula sa man ng kanyang Trish Matalubos nanganmga naging amo. galaga kung Nag-enroll siya kaya busa isang malapit na eskwelahan na kod sa pag-aaral, ikinuha din siya ng may programa para sa mga working kanyang amo ng training para magstudent nA kursong Hotel and Restau- karoon ng sapat na kaalaman dito. rant Management (HRM). Sa umaga Hindi naging madali ang karanasang ay nag-aalaga siya ng bata at sa gabi ito para kay Trish subalit dahil na rin sa
kanyang malasakit sa bata at sa training na natanggap ay nagawa niya nang maayos ang pag-aalaga. Hindi ito naging hadlang sa kanyang pag-aaral at natapos niya ang kurso sa loob ng dalawang taon. Matapos ang apat na taon na pag-aalaga ay sinimulan na niyang hanapin ang oportunidad sa corporate world na sinuportahan ng kanyang amo. Naging maayos ang kanyang karanasan bilang office admin sa isang kumpanyang kanyang pinasukan, subalit isang taon pa lamang siyang naroon at tinawagan siya muli ng kanyang amo. Hiniling nitong bumalik siya pansamantala dahil nagkaroon ng regression ang kanyang batang alaga. Hindi siya nagdalawang isip sa pagtanggap ng alok dahil may malaking pitak na rin sa kanyang puso ang dati niyang alaga. Umabot ng dalawang taon ang kanyang pag-aaruga hanggang sa naging maayos muli ang kalagayan ng bata. Muling naghanap si Trish ng trabaho at nakapasok sa accounting department ng isang kumpanya ng mga motorcycle parts. Habang nagtatrabaho dito ay napasok din siya sa isang multilevel marketing MLM) business at dito
Anong itsura mo bago ka mag-birth d Birth day ha – yung araw na mismong isinilang ka at first time kang nakita ng nanay mo, hindi birthday na tumatanda ka ng isang taon tapos kakantahan ka pa ng “happy birthday” song. Alam mo ba ang anyo mo noong mga buwan na dinadala ka ng iyong ina sa sinapupunan? Narito ang ilang mga litrato. Atsaka alam mo ‘yung madalas sabihin ng mga tao na “Wow! Magiging nanay/tatay ka na!” kapag nalamang buntis si misis? Ang saya nga noon pero kung tutuusin, nanay at tatay na ‘yung mag-asawa kahit hindi pa pinapanganak si baby. Alam mo kung bakit? Kasi inaaruga na nila, lalo na ni nanay, ang sanggol na lumalaki sa sinapupunan – kaya nga maingat si nanay sa kinakain niya, sa hindi niya pagpapagod sa sarili, at sa regular na check-up sa health center o ospital. Kailan nagsisimula ang heartbeat ni baby? Anong buwan nabubuo ang mga braso’t binti niya? Sinisinok ba siya? Rinig na rinig ba niya ang tugtog galing sa radyo? Narito ang mga sagot! Una, nagsisimulang tumibok ang puso ni baby 18 araw matapos ang “conception” o ang pagsanib ng semilya ng lalaki at ng ovum ng babae. Matapos ang tatlo pang araw, ang puso ay nagpapadaloy na ng dugo sa isang closed circulatory system. Mga iba pang “milestones” sa buhay ni baby bago siya ipanganak: 4 linggo after conception: Mga mata, tainga at respiratory system ay nabubuo
7 linggo: Napag-obserbahan nang sinisipsip ng sanggol ang kanyang hinlalaki sa ganitong edad. Dito rin ay mayroon nang sariling blood type si baby.
9-12 linggo: Halos kumpleto na ang pagkabuo ng puso, at ang pagtibok nito ay malakas na kaya’t maaaring marinig sa pamamagitan ng Doppler machine (ginagamit ang instrumentong ito ng ibang OB-Gyne).
10 weeks
13-15 linggo: Ang utak ay buong-buo na, at ang panlasa ng sanggol ay gumagana na rin! 20 linggo (5 buwan), at marahil mula pa noong 16 linggo, naririnig at nakikilala na ng sanggol ang boses ng kanyang ina. Nakaririnig na rin siya ng ingay galing sa labas, tulad ng musika.
6 buwan: Ang oil at sweat glands ay gumagana na, at nabubuo na rin ang footprints at fingerprints ng sanggol.
MAYO 21-27, 2013
tampok
7
a ngayon
ang naging gabay niya – at ang pagkakaroon ng kabuhayan. niya nakilala ang dalawang bagong kaibigan na siya ring naging mga business partners niya kinalaunan. ‘Di nagtagal ay nag-resign siya sa motor parts company at sinimulan nilang magkakaibigan ang Trishmark Company na may opisina sa Taguig, gamit ang kanilang mga naipong puhunan (sila ay nagsu-supply ng mga produktong pang-fire safety and protection). Nagpatuloy pa rin silang konektado sa kanilang MLM business. At dito na nagsimulang lumago ang kanyang kabuhayan. Nagpundar si Trish ng mga gamit at napakabitan ng kuryente ang kanilang tahanan sa Antique. Bumili rin ang dalaga ng ilang pandagdag kabuhayan sa pamilya tulad ng mga baka at kambing, at natubos pa ang lupang naisanla noon ng kanyang lolo. Nang minsang nagkaroon ng malubang sakit ang kanyang tatay, naipagamot niya ito at ayon sa kanya ay nakatulong rin ang food supplement na produkto ng kanilang MLM business sa paggaling ng kanyang ama. Napagtapos rin niya ang kapatid niyang sumunod sa kanya, habang ang bunso ay papatapos na sa kanyang vocational course na kinukuha. Dahil sa mga nangyari ay mas higit pang tumatag ang pananampalataya ni Trish sa Diyos. Hindi raw niya kailanman inisip na ang kanilang kalagayan noon sa buhay ay magiging hadlang sa pag-abot ng pangarap. Ginamit niya itong inspirasyon para magsikap pang lalo sa buhay. Kasabay ng panalangin at pagsisikap ay ang pagbigay-prayoridad sa kalagayan ng kanyang pamilya bago ang sarili. Dahil dito ay patuloy ang pagdating ng biyaya sa kanyang buhay na bukas-puso naman niyang ibinabahagi sa kanyang mga kaibigan at pamilya.
day? 7 buwan: Siya ay malimit na “nag-e-exercise” sa pamamagitan ng pag-unat at pagsipa. Ito ay bahagi ng pagensayo para sa kanyang pagsilang. 8 buwan: Dito kumakapal ang balat niya, at siya’y umiinom ng isang galon ng amniotic fluid (pumapaloob siya sa amniotic sac bilang proteksyon, at ito ay puno ng fluid) bawat araw. Madalas siyang sinukin. Sa kanyang pang-9 na buwan, ang sanggol ay bumibigat ng kalahating pound kada linggo. Sa pagkapanganak nito, puputulin ang ugat ng pusod at ang sanggol ay hihinga – hangin na ang papasok sa kanyang baga sa unang pagkakataon.
24 weeks
Tatapatin kita… ni Ate Ami
College girl, nakakuha ng STD
Dear Ate Ami, Nalilito po ako at sobrang nalulungkot dahil sa nalaman ko kamakailan ang tungkol sa pinsan ko. Tawagin nalang natin siyang Marilou. Lumuwas po ako ng Maynila para asikasuhin ang enrollment ko (4th year high school) at para na rin dalawin ang mga kaibigan kong ‘di ko nakita buong bakasyon. Binisita ko rin si Marilou na isa sa mga pinsan kong ka-edad ko. Matanda lang siya sa akin ng isangtaon. Ganito po ‘yung nangyari: Pagka galing sa doktor nalaman po na meron siyang STD. Hindi ko nga po alam na may nobyo siya. Pero ang nangyari pala ay iba-iba ang naging partner niya at nakakuha siya ng sakit doon. ‘Di ko po alam kung bakit niya nagawa ‘yon, mahal naman po siya ng tito at tita ko pati ng kapatid niya. At pagdating naman sa gastusin, mukhang sapat naman po ang kinikita ng tito at tita ko dahil nagpapadala sila ng pera sa aming mag-anak paminsan-minsan bilang tulong. Bakit ho nagkaganoon si Marilou? At may magagawa ba ako para makatulong? Parang ‘di ko alam ang sasabihin ko sa kanya, pero gusto kong tulungan naman siya kahit papano lalo na’t nalaman na ni tito at tita ang sakit niya kaya parang ‘di normal sa bahay nila ngayon. Hihintayin ko po ang payo niyo. More power to you! - Claire Dear Claire, Grabe ka naman magtanong—Diyos lang makakasagot niyan, kung bakit nag kaganon ‘yang pinsan mo. Pero pipilitin nating unawain ang kalagayan niya. Una, nalaman mong may STD siya. Nakuha niya dahil sa high school, iba-iba boyfriend niya. Sa panahon ngayon, hindi nabihira ang ganyang mga pangyayari. Hindi ibig sabihin eh kinukunsinti natin iyon. ‘Yun lang, huwag ka nang ma-shock, lalo na’t mukhang hindi naman kayo masyadong in-touch ni Marilou. Pagkaminsan, kahit na mahal ng mga magulang, kapatid at buong pamilya ang isang tao/ babae, nagagawa pa rin niyang “gumawa ng ganon”. Pinapakita lamang niyon na hindi sapat na mahal siya para maging tapat siya at manatili sa tuwid na landas. Maraming tukso ngayon sa panahong ito, at lalo’t higit, naglipana ang kasinungalingan, mga maling paniniwala at pagpapahalaga na nakararahuyo sa kabataan, maraming mga impluwensiyang malakas ang kapit sa murang isipan. Kaya’t nadadaig ng mga impluwensiyang ito ang pagmamahal ng magulang. Dumarami ang mga kabataang nagiging “matapang” sa pagkakamali dahil sa sulsol ng barkada, dahil sa nakikita sa iba, lalo na sa telebisyon, pelikula, sa internet, atbp. Noongaraw, wala halos nakikitang “bastos” na babasahin ang mga kabataan; ngayon, kahit limang-taong gulang na kindergartener na marunong mag-computer ay maaari nang makapanood ng porno sa internet. At dahil “babad” ang mga kabataan sa mga ehemplong ipinakikita ng mga celebrities—mga artista, pulitiko, socialites na okey lang mag-live-in, mag hiwalay, magtaksil sa asawa, mabuntis nang dalaga pa, at kung ano-ano pang dati naman ay wala o “bawal” sa kultura natin—kapag hindi naalalayan ang kabataan, tuluyan na silang naniniwala na ito ang acceptable lifestyle o behavior. Lalo pa kung hindi pala-simba o walang kinikilalang authority ang mga kabataang iyon. Paano ka makakatulong? In the first place, ang dapat unang nababahala dito ay ang kanyang mga magulang at pamilya. Pumapangalawa ka na lang bilang pinsan at kaibigan ni Marilou. Magmasid ka muna—baka naman hindi gusto o kailangan ni Marilou ang tulongmo, baka masabi pang nakikialam ka. Ang pinakamabisa mong tulong na maibibigay ay: ang magpakatatag ka sa sarili mong tamang paniniwala at pamumuhay at ipanalangin mo na makaraos sila nan gmaluwalhati sa problemang ito. Alalahanin mo na may pakay ang Panginoon sa pagkakaloob sa atin ng ating katawan at kasarian. Kung maipapadama mo ito nang hindi ka nagmamataas o nagsesermon kay Marilou, malaking tulong na iyon sa kanya, bagama’t “hindi halata” na tulong iyon. Talos ng Espiritu Santo ang na sa puso nating lahat.
Ate Ami
balita
8
MAYO 21-27, 2013
Mga kandidato, deklarahin TAPATAN Question! mga gastos sa eleksyon – BIR Simbahan, sandigan ng marami. Linggo-linggo, Ni RICA CANON
hindi mawawala sa atin ang magsimba, kasama ang pamilya, mga mahal sa buhay. Baka nga tayo ay mga tinaguriang “taong simbahan” na inaraw-araw ang pagpunta sa parokya – dahil sa mga meeting sa Mother Butler o kaya naman dahil sa pag praktis sa choir. Kung ano’t ano pa man, ang Tapatan Question na ‘to tiyak ay para sa iyo:
May gusto ka bang baguhin sa iyong parokya? Ano ‘yun?
Hindi natatapos sa eleksyon ang responsabilidad ng mga kandidato – nahalal man o hindi.
PINAALALAHANAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kandidato sa kakatapos na halalan na magdeklara ng mga donasyon at gastos sa kanilang pangangampanya. Binigyan ng hanggang Hunyo 13 ang mga kandidato upang isumite ang listahan ng kanilang mga nagastos at donasyong natanggap, mali-
ban sa isinumite nilang report sa Commission on Elections (Comelec). May karampatang parusang 10 taong pagkakakulong at higit-kumulang P10,000 na multa para sa mga kumandidato na hindi tama ang pagdedeklara ng mga ito. Ang pagtatangkang umiwas sa buwis ay may kaparusahan
na multang P30,000 hanggang P100,000 at pagkabilanggo mula 2 hanggang 4 taon. Samantalang ang kakaharapin ng mga kandidatong lumabag sa pagdedeklara ng kanilang mga donasyon at nagastos sa halalan ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P10,000 at pagkabilanggo ng hanggang 10 taon.
FOLLOW US... FOLLOW US... FOLLOW US @tapatnews tapatnews@gmail.com
tapatnews www.tapatnews.com
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com
“There are three thing that I want to change: mga manang na wala nang ginawa kundi magtsismisan at magsiraan at kung minsan pati ang pari sinisiraan... at ung mga matatandang masyadong pinakikialaman ang lahat ng bagay kahit hindi na dapat sila nakikialam. sa aking konteksto, I want to change yung mga nasa youth council ng parokya kasi marami sa kanila ang nagpapasaway na kahit ilang beses pang pagsabihan at bigyan ng formation walang nagbabago.” – Mark Vertido ng Laoag, Ilocos Norte “‘Yung pari, palitan ‘di maganda mag homily.” – Louie Espino ng San Pedro, Laguna “Gusto ko sanang magkaroon ng higit na maraming oportunidad sa katesismo. Palagay ko kasi, kaya maraming tumatalikod sa pananampalataya ay dahil hindi nila ito naiintindihan.” – Mark Roblas ng Caloocan City “Meron. ‘Yung ugali ng bawat isa. Alam naman nating lahat na iba-iba ang ugali ng bawat isa. Pero may ugali ang mga taga simbahan na mayabang. Ginagamit ang mga posisyon meron sila, pa-star, may mga gusto lang mag serve para sumikat pero ‘di naman talaga sila willing to serve God.” – Camille Samson ng Tondo, Manila “Sa mga nagsisimba pong mga tao tuwing Linggo, kasi nagsisimba naman sila ok lang ‘yun pero ‘yung attire nila when going to the church, naka-shorts,spaghetti [strap], sana naka-pants at polo shirts, ‘yung hindi nakikita ‘yung katawan bale.” – Aldous Beltran ng Los Baños, Laguna
10
balita
Unapologetically Catholic
MAYO 21-27, 2013
By EDGARDO C. DE VERA
What really is “separation of Church and State”? Whenever the Church opposes government policies or initiatives to legalize anti-Gospel laws, politicians, editorials, and opinion-makers are quick to denounce “Church interference in State affairs” – nakikialam na naman and Simbahan is the common complaint. The Church is criticized in media as meddlesome, medieval, and out-of-touch with the times. Some critics assume a moral stance by quoting Scripture, “Render to Caesar what is Caesar’s and to God what is God’s.” Teaching the Church Scripture has got to be the height of conceit. Are politicians and media Bible experts now? If a Bible is taken out of context it is pretext, this takes the cake: highlighting Caesar’s rights and totally ignoring God’s! Vox populi, vox Dei others sat. Wrong! God’s world is not a democracy, but a theocracy where His word is law. His voice should be the people’s voice. The State needs His guiding voice to enact laws that make for true democracy. Temporal matters are not absolute State domain. The Church as custodian of Truth
and entrusted with a prophetic mission has every right “to pass moral judgements even in matters related to politics, whenever the fundamental rights of man or salvation of souls requires it (Gaudium et Spes).” Bishops must boldly speak out at risk of ridicule, persecution, or physical harm. Silence mean an abandonment of divine mandate. Admittedly, a few undiscerning clergy are dupes of secular affairs. There are those too preoccupied with politics like Fr. Cardenal of Nicaragua, the Sandinista bureaucrat chastised by then Pope John Paul II at the airport tarmac, and our own revolutionary priests never in the confessionals but always at rallies; readily game for interviews and media limelight. Church and State have clashed time and again over misunderstandings. Guilt may be found on both sides especially where politics – Satan’s playground – is involved; but the State is often at fault in meddling from lack of appreciation of the Church’s role. The first meddler was Constantine.
After legalizing Christianity and sponsoring the Council of Nicaea, he tried to influence its outcome. All succeeding emperors meddled. The Church suffered repeated encroachment by powers-that-be, notably from the Middle Ages onwards by ruling families of Europe. Nobility secured ecclesiastical office for relatives, allies, and rascal cronies through foul schemes as bishops, even Popes, allowing disreputable lackeys to occupy positions in the hierarchy causing corruption and scandals. The Church struggled to maintain sovereignty. Clergy railing against injustice were persecuted: exiled, imprisoned, tortured or even executed for indiscretion of “meddling”. Pope Boniface VIII promulgated the Papal Bull Unam Sanctam in 1302 that dealt on unity of Church and temporal powers. He carefully distinguished their respective roles and stressed the essential superiority of the spiritual. Eventually, benign rulers recognized the Church’s spir-
Mag subscribe na sa Tapat!
itual role and undertook her protection as a fundamental duty, giving rise to the principle of separation of powers: a proposition that guarantees State protection of the Church from any interference. Meddling and persecution exist today in totalitarian states; likewise in democracies where lawmakers and media infringe on moral matters. To whom does a citizen owe primary allegiance? King Henry VIII had his good friend the Exchequer of England, Thomas More beheaded for opposing his divorce, break with Rome, confiscating Church property, and subjecting the clergy of England to the crown. Said More at his execution, “I am the king’s loyal servant, but God’s first.” Edgardo C. de Vera is a graduate of De La Salle College (University). He is a founding director of Defensores Fidei Foundation, a Kerygma columnist (Catholic Soul), a contributing writer to Docete, an environmental management consultant, and a member of the Formation Ministry of Parish of St. James the Great.
KATESISMO, MISMO! Paano ba nakikibahagi ang mga magulang sa gawain pagpapabanal ni
Kristo?
Narininig na natin na hindi matatawaran ang halaga at impluwensya ng mga magulang sa kanilang mga anak. Dala-dala ng mga nanay at tatay ang isang napakaimportanteng gawain ni Hesus sa pamilya. Paano nga ba ginagawa ng mga magulang ito? May dalawang paraan: 1.) Sa pamamagitan ng Kristiyanong buhay magasawa 2.) Sa pagtiyak na makatatanggap ng isang edukasyong Kristiyano ang kanilang mga anak
11
MAYO 21-27, 2013
Upcoming Activities
Lorenzo Ruiz Parish, Manila * San Choir auditions [every Sunday, 3pm] Contact person: Maki Coro - 0917 894 2885 Inah Mira - 0935 128 2412
Michael Retreat House, Antipolo * St. S.A.F.E (Subtle Attacks Against the Family Explained) Seminar [every 3rd weekends, Saturday 8 a.m. to Sunday 5 p.m.]
Contact numbers: (02) 696-1729 or 696-0382 or 0917896-7202
Niño de Tondo parish, Manila * Sto. Parish Youth Ministry Sportsfest [Manila Cathedral School, 25 May, Saturday, 7am onwards]
On Marriage
“Marriage is an act of will that signifies and involves a mutual gift, which unites the spouses and binds them to their eventual souls, with whom they make up a sole family - a domestic church.” - Pope John Paul II
the Queen Parish, San Juan City * Mary Registration ongoing for candidates for Holy Communion and Confirmation [parish office, 9 a.m. to 5 p.m.] Contact number: (02) 722-9711
*
St. Benedict Parish, Don Antonio Heights, Quezon City Healing mass [every Fridays, 6 p.m.] Contact number: (02) 9326521
*
San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Avenue, Quezon City Flores de Mayo culminating procession [26 May, Sunday, 7 p.m.]