photo by Vincent Valencia
ENERO 21-27, 2014 VOL 2 NO 1 Ang ‘Dinagyang’ Festival ng Iloilo ay isa lamang sa maraming mga piyestang naka-sentro sa debosyon sa Sto. Nino sa Pilipinas.
TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY
PRO-ABORTION CONFERENCE
PRINOTESTA
- Pahina 3
Tumanggap ng mga libreng kopya ng libro tungkol sa epekto ng aborsyon sa kababaihan ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakabantay sa nasabing prayer rally sa harap ng PICC.
@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com
Isang musmos na bata na sinama ng kanyang ina ang nagmistulang opisyal na mascot ng prayer rally.
www.tapatnews.com
balita
2
TAPATAN Question!
I
sang ulat kamakailan ang nagbunyag na ang Pilipinas ang isa sa top producers ng child pornography sa buong mundo. Sa kabila ng nakababahalang balitang ito, ang isang tanong na lumilitaw ay:
Ano pa ang maaaring gawin ng mga Pinoy tungkol sa lumalalang cyber child pornography? “I think dahil malawakan na ang problema nasa gobyerno na ang malawakang solusyon diyan. Pero siyempre, may magagawa tayo. Ingatan natin ‘yung mga bata na malapit sa atin.” ~ Robertson Poblete, staff “The reasons to attack child porn is based on curing the disorder of those who partake in that evil. Parents who care for their children is the asset.” ~ Mary Hao, student “I don’t think the average Pinoy can’t do anything [about it]. I saw one documentary on how they were cracked down and it requires a strong government and private funding to do so. To beat technology, technology must be used as well.” ~ Genesis Reonico, online business owner
ENERO 21-27, 2014
LIFE NEWS Internet porn lumalala dahil sa RH law MANILA -- Sinisi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law dahil sa malawakang pagkalat ng pornograpiya sa bansa. Sa isang panayam sa Radio Veritas kamakailan, ipinahayag ni Pabillo na hindi masusugpo ng pamahalaan ang paglaganap ng pornograpiya sa internet kung hindi nito itinuturo ang kasagraduhan ng seks. Dagdag pa nito, ang ‘culture of addiction’ ay lalong lalala dahil sa pagtataguyod ng gobyerno ng condoms, contraceptives at sa pamamagitan ng pagsuporta nito sa Reproductive Health law na tinututulan ng Simbahan. Idiniin ng obispo na sinasalungat ng pamahaalang Aquino ang sariling pagsagupa nito sa child pornography, dahil patuloy naman ang pag-
papalaganap nito sa ‘culture of sex’ sa pamamagitan ng pills at condoms. “It is saddening that the government said it would combat pornography, but it itself promotes pills and condoms that encourages relationships outside marriages and extra marital affairs. It is not right and they should be consistent,” dagdag ni Pabillo. “Hindi mo malalabanan ang pornography kung hindi mo alam ang halaga ng seks, hindi ito laro, sagrado ito. May layunin ito at hindi dapat basta-basta prinopromote kahit sa mga bata,” ani Pabillo. Ayon din sa obispo, kahirapan ang dapat tuunan ng pansin ng adminstrasyon na siyang dahilan ng mabilis na paglaganap ng internet pornography kung saan karamihan ng mga biktima ay menor de edad. “Poverty is the reason, it is
because of poverty amongst our people that pushes them to cyber pornography and it should be addressed sincerely. What is happening is that most parents were unable to provide education for their offspring causing ignorance that eventually drives their children to cyber pornography to make a living,” paliwanag ni Pabillo. Noong 2013, sa kalagitnaan ng mga Bill, ang ngayong Republic Act (RA) 10354, ipinahayag ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas, kilala bilang malapit na kaibigan ng pamilyang Aquino, sa isang pastoral statement na ang nasabing kontrobersyal na batas ay isang uri ng korapsyon. Archbishop Villegas ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). [PDG]
Bigyan ng ‘affirming words’ ang mga bata, bawasan ang gadgets
Ni ANA YSALAKAN
TNK has been helping street children get off the streets since 1998. You can help too. Our dream is to to have regular donations that we can count on, such as a pledge from one family to provide ten tubes of toothpaste per month, or one sack of rice each month. No donation is too small but it helps greatly to get them regularly.
MAKATI CITY – Ang kailangan ng mga bata – higit pa sa isang iPad – ay ‘words of affirmation’, ayon sa isang pari. “Let’s learn from what God the Father did to Jesus. He affirmed His son and many of your children simply need affirmation. Let’s not resort to [giving] iPads or gadgets,” ani Fr. Renato de Guzman, SDB sa isang misa noong Kapistahan ng Bautismo ni Hesukristo. Ayon kay Fr. De Guzman, ang bagong kura paroko ng St. John Bosco Parish, Makati City, ang Ebanghelo tungkol sa pagbinyag ni Juan kay Hesus at ang pagbigay-parangal ng Diyos Ama kay Hesus ay isang napapanahon na ehemplo na maaaring tularan ng mga magulang. . “It must have been a very affirming situation for Jesus to hear His Father say, ‘This is my beloved Son,’” dagdag pa ni Fr. De Guzman. May kakaibang dating
ang mga salitang nagpa- mundo kaya’t nasabi Niya, palakas ng loob na galing sa ‘This is my beloved Son in mga magulang, ayon sa pari. whom I am well pleased.’”. “Kids really wait for affirmMakikita ang importan-
Ayon sa isang pari, mas kailangan ng mga bata ngayon ang mga salitang magpapalakas ng loob mula sa kanilang mga magulang at hindi mga gadgets.
ing words from their parents as the Father did to Jesus,” paliwanag ni Fr. De Guzman. Dagdag pa nito, napakasaya ng Diyos Ama sa pagtanggap ni Hesus sa kanyang misyon na maghirap at mamatay sa krus para sa kaligtasan ng
sya ng bautismo ni Hesus, ani Fr. De Guzman, dahil binanggit ito ng apat na manunulat ng Ebanghelyo. “You’ll be able to see if [an event] is authentic and historical if all four Gospel writers will report it,” paliwanag pa nito.
balita Pro-abortion conference prinotesta
3
ENERO 21-27, 2014
What’s up in Church?
Ni RAYMOND SEBASTIÁN
Nagsama ang mga rallyistang lola, teenager at bata noong Enero 21 sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) laban sa isang regional conference na nais isulong ang reproductive rights agenda, kabilang na rito ang aborsyon.
PASAY City — Hawak ang mga rosaryo, nagprotesta ang ilang Katolikong grupo sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) noong Enero 21 laban sa isang pagpupulong na ginaganap ngayon sa bansa na lantarang itinataguyod ang aborsyon. “Linilinlang ng [mga conference organizers] ang publiko. Ang pagpupulong nila ay walang iba kung hindi isang pro-abortion conference na nagkukunwaring isang siyentipikong panayam,” ani Lorna Melegrito, executive director of Pro-Life Philippines, isa sa mga grupong nanguna sa nasabing pagkikilos kung saan nagdasal ang mga rallyista ng rosaryo sa harap ng PICC, ang paggaganapan ng 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights (APCRSHR). Dagdag pa ni Melegrito sa isang panayam, “Nakapanlulumo na ang mga taong ito ay nangahas pang pag-usapan
nang basta-basta ang isang napakasensitibong paksa tulad ng aborsyon…Maghahanap pa sila ng mas bago at mas ligtas na pamamaraan upang patayin ang buhay sa sinapupunan.” Ayon kay Melegrito, hindi mapagkakaila ang pro-abortion agenda ng pagpupulong dahil buong pangalawang araw ng programa ay nakalaan para lamang sa usapin ng “post-abortion care”, sa ikatlong araw naman, tatalakayin ang “women seeking safe abortion services”. Kasama din sa iskedyul ang pagbisita sa mga “sexual and health rights” centers na diumano’y nagsasagawa ng aborsyon o ‘di kaya naman ay mga kilalang tagapagtaguyod ng aborsyon. Kinumpirma ni Melegrito ang pagdalo ng mga grupong pro-abortion tulad ng International Planned Parenthood, na kinikilala ng Pro-Life Philippines bilang “number one abortion provider in the world”; Women’s Global Net-
Book launch of “Sentire cum Ecclesia” (“Thinking, Feeling with the Church”), a Festschrift sponsored by the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) and Loyola School of Theology (LST) in honor of Fr. Catalino G. Arevalo, SJ on the 60th Anniversary of his Presbyteral Ordination. [Plenary Hall, 3rd Floor, Pius XII Catholic Center, 5:30 p.m., January 23]
work for Reproductive Rights; United Nations Population Fund (UNFPA), binansagang “the architect of China’s onechild policy”; Catholics for Choice, isang grupo na proabortion at pro-same sex marriage na naka-base sa U.S.; Marie Stopes International, isa ring grupong nagtataguyod ng aborsyon na may mga tangga- Another book launch will be held at pan sa bansa; Asia Safe Abor- Loyola School of Theology. The date tion Partnership, at marami will be announced soon. pang iba. Tinuligsa din ni Melegrito ang “kahambugan ng mga conference organizers na lumabag sa batas ng bansa na pinapahalagahan ang kasagraduhan ng buhay.” Kasama sa mga grupong nagprotesta ang Soldiers of Christ, Couples for Christ and Singles for Christ (CFC-SFC), Quiapo Family Life, CFC Las Piñas, Ang Kapatiran, Kilusang Kabataan ni Kristo, Center for Life, Alliance for Family, and Commission on Family and Life ang isang “pagpatay ng lahi”, ang aborsyon.
It’s good to know that... People who consistently help others are generally less prone to depression, healthier and calmer.
Speed Dating for Nation Building is a collaboration project of Youth for Peace Advocacy Movement, Inc. , Tulong sa Kapwa Kapatid Inc. , Waray Balay Housing Project for Tacloban, and Divine Sowers Foundation, Inc. In partnership with Global Advocacies TES International Missions, Para sa Bayan Advocacies and Kaizen [CRS AFP Multi-purpose Hall, Camp Aguinaldo, 6:00 p.m. on wards, February 7] For more information log on to http://parasabayan.org/Speeddatingfornationbuilding/
Training on Critical Incident & Stress Management [Guidance & Counseling Center of Global City Innovative College, 8:00 a.m. - 12:00 noon, January 30] Pre-Register until January 24. Contact us at counseling@global.edu.ph. For inquiries, please call 8824242 loc 839. Look for M.s Celeste or Ms Leng.
editoryal
4
ENERO 21-27, 2014
AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013
Editoryal
A
ng katatapos lamang na piyesta ng Sto. Niño. Ang ulat na ang Pilipinas ay isa sa top producer ng internet child pornography sa buong mundo. At ang pinakahuli, ang 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights. May kaugnayan ang tatlong paksang ito. Nandiyan ang isang pagdiriwang na malalim na ang ugat sa kultura, pag-iisip at kaugalian ng mga Pilipino. Libo-libo ang nakikisayaw at sumasabay sa saliw ng tambol at tugtog, dala-dala ang kani-kanilang mga imahen ng Sto. Niño. Ang nakalilimutan ng marami, hindi lamang debosyon sa batang Hesus ang nais itaguyod ng nasabing piyesta kung hindi kababaang-loob, pagtalima sa Diyos, at ang kahalagahan ng bawat bata at sanggol bilang natatanging likha ng Maykapal. May kabalintunaan na ilang araw bago idaos ang mga piyestang naka-sentro sa batang Hesus tulad ng Sinulog sa Cebu, Ati-Atihan sa Aklan, Dinagyang ng Ilo-ilo at iba pa, pumutok ang ulat na ang Pilipinas ang isa sa top pro-
Bata, bata..paano ka na?
“Ang Pinoy ay sadyang mapagmahal sa pamilya; naka-sentro sa tahanan ang puso at isipan niya. Ngunit sa panahon ng taghirap, sino ang makapagsasabi kung ano ang magagawa ng isang taong gutom? Hanggang kailan ibabaling ng pamahaalan ang tingin nito mula sa tunay na isyu ng kahirapan? Tulad ng itinuturo ng mga isyu tulad ng PDAF at FOI, korapsyon ang ugat ng kahirapan. Dumating na tayo sa pinakamapanganib na bangin dahil sinisimula na nating ipain ang sariling mga supling.” ducer ng child porn sa internet. Ayon sa impormasyong nakalap ng Philippine National Police (PNP), sa halagang $100 kada oras, makapapanood ang kahit sino ng mga batang gumagawa ng iba’t ibang sex acts. Nagkakahalaga naman ng P1,000 ang mga video at photo ng nasabing mga session. Ang isa pang kagimbal-gimbal na paghahayag ay ang mga magulang mismo ng mga bata ang siyang pumapain sa sariling mga anak sa mga “kliyenteng” karamihan ay galing U.S. at Europa. Matapos ang mararamdamang ngitngit at pagkadismaya sa balitang ito, unang tanong
sa isipan ay, “Mayroon ba talagang magulang na ganoon ka-halang ang bituka?” Malamang ang sagot ay hindi. Ang mayroon ay mga magulang na hindi alam ang puno’t dulo ng mga salot sa lipunan tulad ng child pornography at ang epekto nito sa mga musmos na bata. Dito papasok ang usapin ng kahirapan na tumutulak sa maraming Pilipino na kumapit sa patalim at ibugaw ang sariling dugo’t laman. Sa isang panayam, ani Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, “Poverty is the reason, it is because of poverty amongst our people that pushes them to cyber por-
nography and it should be addressed sincerely.” Pasok naman ang ikatlo at huling isyu ng tinaguriang “reproductive health” rights. Ngayong linggo nakatakdang ganapin ang 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights sa Manila upang patuloy na isulong ang kaisipan na mahalaga sa pag-unlad ng Pilipinas ang access sa condoms, pills at higit sa lahat, aborsyon. Isang session sa nasabing pagpupulong ay ang tungkol sa mga pangangailangan ng mga kababaihang naghahanap ng “safe abortion services.” Ano
ang pabulong na sinasabi ng ganitong paniniwala? Na ang mga bata ay sagabal at maaaring gawing opsyon. Maaaring piliin, maaaring itapon…Isa ding usapin ang budget ng RH Law na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema. Kung gamitin na lamang ang tinatayang P14 bilyong piso na panukalang budget ng Department of Health para sa RH services sa totoong pangangailangan ng bayan, magiging ‘top producer of cyber child porn’ pa kaya ang Pilipinas? Ang Pinoy ay sadyang mapagmahal sa pamilya; nakasentro sa tahanan ang puso at isipan niya. Ngunit sa panahon ng taghirap, sino ang makapagsasabi kung ano ang magagawa ng isang taong gutom? Hanggang kailan ibabaling ng pamahaalan ang tingin nito mula sa tunay na isyu ng kahirapan? Tulad ng itinuturo ng mga isyu tulad ng PDAF at FOI, korapsyon ang ugat ng kahirapan. Dumating na tayo sa pinakamapanganib na bangin dahil sinisimula na nating ipain ang sariling mga supling.
opinyon
ENERO 21-27, 2014
das ng buwis ng bansa. Lumitaw ang pangalan ni Janet Napoles at ng ilang mga pulitiko na sinasabing kasabwat niya. KabiRogie Ylagan kabilaan ang rally at talagang matindi ang galit ng marami. Ilan pa sa kinagalit ng mga tao ngayong taon ay ang pagkakaroon ng agawan sa teritoryo sa pagitan ng ating bansa at alo-halong emos- panimula ng ekonomiya ng ilang karatig bayan tuyon ang bumalot ng bansa na nagdulot ng lad ng Tsina at Malaysia. sa karamihan ng magandang epekto sa Idagdag pa natin kaliwa’t mga Pilipino noong 2013. May saya dulot Kung ganito lang sana talaga, marami ng pagkapanalo sa na sanang bagay ang nabago para sa maraming patimpalak tulad ng sa pam- ikabubuti ng bayan. Kaso, bilang ka palakasan na nanalo ang Gilas Pilipinas lang ng isa o dalawang linggo o minbasketball team ng san maigsi pa lalo kung may bago pa silver medal na siyang magbabalik sa bansa uling malaking pangyayari at panigusa World Cup makaradong nakalimutan na agad. lipas ang ilang dekadang paghihintay. Dagd- stock market at interest kanang batikos sa resulta ag din ang kabi-kabilaang rates sa bangko. Isa pa ng eleksyon. At ang mga pagkapanalo sa mga diyan ang pagpasok ng aksidente na dulot ng kabeauty contests tulad ng Pilipinas sa investment pabayaan tulad ng mga Miss World na napanalu- grade. banggaan ng ng mga nan ni Megan Young. Sa Nagalit naman tayo sa trucks at buses. Isa na nga ganitong paraan, kahit mga isyu tulad ng nalan- ang nahulog pang Don papano nakalilimot tayo tad na malawakang pan- Mariano bus sa Skyway. sa mga problema. Idagdag darambong at panloloko Nalungkot naman pa natin ang magandang sa tao dulot ng pagwawal- tayong lahat dahil sa
THE JUMPING WALL
Mga Bagong Lilimutin sa Bagong Taon
H
RE4TERAKER Yen Ocampo
N
Abante, Bisaya!
akalulungkot ang sinapit ng mga kababayan natin dahil sa sunod-sunod na kalamidad na nangyari sa bansa, ngunit ang mas nakalulungkot ay ang walang humpay na bangayan ng mga lokal na opisyal sa kabila ng malaking problemang kinakaharap ang Pilipinas. Mabuti pa ang ibang bansa na tahimik na tumutulong sa mga biktima ni Yolanda. Teka! Kamusta na nga pala ang mga donasyon na pinamamahalaan ng Department of Social
Welfare and Development o DSWD? Naibahagi kaya nang maayos ang mga iyon? Eh, ang bilyung-bilyon piso na mula sa iba’t
pumunta kami sa ilang apektadong lugar tulad sa Ormoc at Tacloban noong Disyembre. Nabisita rin namin ang Diocese of Palo kung saan mahigit isang libong mga biktima ang panandaliang nakahimpil sa diyosesis ng mga panahong iyom (na apektado rin ng bagyo). Nakita ko sa mukha
Nakita ko sa mukha ang mga ngiti dahil sa wakas natapos na rin ang kalamidad pero mababanaag pa rin ang hapdi at kirot sa mga mata ng mga biktima na tila nagtatanong, “Saan kami pupunta mula rito?” ibang bansa, saan kaya napunta? Kasama ang Caritas Interanationalis at National Secretariat for Social Action Justice and Peace,
ang mga ngiti dahil sa wakas natapos na rin ang kalamidad pero mababanaag pa rin ang hapdi at kirot sa mga mata ng mga biktima na tila nag-
5 maraming mga sakunang sumira at nagwasak sa kabuhayan ng marami nating kababayan tulad ng lindol sa Bohol at Cebu, Yolanda sa Samar at Leyte at sa iba’t iba pang mga bagyong nauna nang dumating at sumalanta sa iba’t iba pang lugar ng ating bansa. Natakot tayo sa mga pangyayaring tulad ng kaguluhan sa Zamboanga kung saan nagbakbakan ang MNLF at ang ating mga sundalo. Ganon din sa banta ng terorismo sa ilang lugar na nagkaroon ng pagbobomba tulad sa isang bar sa katimugang bahagi ng bansa na ilang mga sibilyan pa nga ang nasawi. Isa pang pinangambahan natin ay ang kabi-kabilaang pagkalat ng iba’t ibang sakit tulad ng dengue. Kasama pa diyan ang takot na baka maulit pang muli ang malalaking trahedya at sakuna anumang oras. Halo-halo namang galit, gulat, lungkot at pangamba ang naramda- Pahina 6
tatanong, “Saan kami pupunta mula rito?” Nakadudurog ng puso ang makitang binibisita ng mga anak ang kanilang mga magulang sa “mass grave” sa Tacloban. Ang makitang nakahilera ang mga bangkay na biktima ni Yolanda. Ang makitang napakahaba ng pila para kumuha ng relief goods. Ang makita at maramdaman na hindi alam ng gobyerno kung ano ang gagawin para sa kanilang bayan. Ganunpaman, naniniwala ako at nananalig na lahat ng ito ay malalagpasan rin ni Juan Dela Cruz sa tulong ng Panginoon. Para sa mga kababayan natin lalo na sa kabisayaan, hindi kayo nag-iisa. Abante, Bisaya! (re4teraker@hotmail.com)
TABI PO
Melo Acuña
Bagansyang Tulala? Karaniwan kong naririnig ang katagang ito sa mga pulis-Maynila. Karaniwang ikinakaso sa mga taong walang maliwanag na direksyon at kinakikitaan ng pagkagulat sa oras na mabulaga ng pulis sa lansangan. Bakit ba tila walang humpay ang suliraning hinaharap ng bansa at ng mga mamamayan? Tila walang liwanag kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng sigalot sa Zamboanga. Hindi pa nakahihinga ang kinauukulan ay lumindol naman sa
tay ng mga rasyong pagkain. Mapalad ang nakatatanggap ng biyaya sa takdang panahon. Ang masakit nito’y kung nababahiran pa ng iba’t ibang dahilan ang pagtulong sa mga biktima ng trahedya. Kakwentuhan ko ang isang nangangasiwa sa pageempake ng pagkain at relief goods at nabanggit niyang walang katuturan kung makapaghanda sila ng relief packs na aabot sa 50,000 kung wala namang pagsasakyan. Nakarating din sa aking kaalaman na may mga ayudang nadala na
Masakit na katotohanan ang ating hinaharap sapagkat lumabas na wala tayong sapat na kakayahang tulungan ang ating sarili. Angkop na ba ang warning system tungkol sa mga papalapit na sama ng panahon? Anong nangyari sa mga capability-building seminars ng pamahalaan para sa mga opisyal ng pamahalaang lokal? Nasayang ba ang mga pagsasanay na ito sapagkat hindi napaghandaan ang mga trahedyang ganito? Bohol. Matapos ang tatlong linggo, hinagupit naman ni “Yolanda” ang Kabisayaan. Maraming balita tungkol sa kabayanihan ng mga mamamayang nanatiling matatag sa pagsisimulang muli matapos mawala ang mga mahal sa buhay at mga ari-arian. Hindi biro ang pinsalang idinulot ng tatlong mga trahedyang naganap noong 2013. Ang sabi nga po ay sa tuwing may pagsubok ay nakikilala kung sino ang may kakayahang humarap sa katotohanan. Hindi birong manirahan sa evacuation centers at maghin-
sa Cebu, subalit hindi naman madala sa Samar at Leyte. Mayroon pa ring turf war ang mga pulitiko na dapat sana’y naayos ng mga opisyal ng pamahalan. Maaari namang maisantabi ang party affiliation sa ngalan ng mga mamamayan lalo’t higit na parehong mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran. Masakit na katotohanan ang ating hinaharap, sapagkat lumabas na wala tayong sapat na kakayahang tulungan ang ating sarili. Angkop na ba ang warning system tungkol sa mga papalapit na sama ng panahon? Anong nangyari sa - Pahina 6
6
ENERO 21-27, 2014
Mga Bagong lilimutin ....
mula sa pahina 5
man nating lahat sa pagtaas ng halos lahat ng bilihin tulad ng langis, bigas, kuryente, tubig atbp. Kumpletos rekados ika nga ang aksyon sa buong taon. Mula umpisa hanggang huli. At dito rin ay kitang-kita natin ang bugso ng damdamin ng bawat Pilipino tuwing may malaking pangyayari sa ating bansa. Tuwing may ganitong mga eksena, para bang laging magkakaroon ng malawakang rally o People Power dahil sa bugso ng emosyon. ‘Yan ay kung babasahin natin ang social media posts ng maraming tao. Matindi. Tila ba magbubuwis ng buhay sa tindi ng ipinaglalaban. Kung ganito lang sana talaga, marami na sanang bagay ang nabago para sa ikabubuti ng bayan. Kaso, bilang ka lang ng isa o dalawang linggo o minsan maigsi pa lalo kung may bago pa uling malaking pangyayari at paniguradong nakalimutan na agad. Nasan na ang imbestigasyon sa PDAF scam? Ano na ang nangyari sa mga donasyon ng ilang bansa para sa nabiktima ng Yolanda? Kamusta na ang paghabol sa mga may kasalanan sa Zamboanga siege? Ilan na ba sa mga nabiktima ng bagyo at lindol ang natulungan na ng gobyerno na makabangon? Ano na ang nangyari sa issue ng Sabah? Nabakuran na nga ba talaga ng Tsina ang Scarborough Shoal? Bagong taon na. Ano na naman kaya ang ikakagalit nating mga Pilipino? At ilan kaya ang tunay na masosolusyonan at ilan naman ang mababaon na lamang muli sa limot? (rogie_ylagan@yahoo.com)
KATOLIKO ONLINE! Maraming cool at informative Catholic websites ngayon. Isa na rito ang...
http://saintscatholic.blogspot.com/ na may mga dasal, quotes from the saints at inspiring images tulad nito:
Kaya, next time na online ka, bisitahin ito at i-post sa iyong Facebook page o i-email sa mga kaibigan!
Bagansyang tulala? ....
mula sa pahina 5
mga capability-building seminars ng pamahalaan para sa mga opisyal ng pamahalaang lokal? Nasayang ba ang mga pagsasanay na ito sapagkat hindi napaghandaan ang mga trahedyang ganito? Ilang buhay sana ang nailigtas kung naging angkop ang warning system? Ilang man-hours ang nawala sa mga manggagawa? Anong pinsala ang idinulot nito sa mga magsasaka at mangingisda? Sabi nga ay “we were caught with our pants down” kaya hirap ang madla. Sino kaya ang makakasuhan ng “bagansyang tulala”?
IDOLONG TAPAT!
Jerome
Mike
Sina Michael Ruma at Jerome Tembro ay mga volunteers ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA). Sila ay na-deploy sa mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’. Para sa kanila ang Tapat na paglilingkod sa bayan ang pangunahing kailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo. Nanawagan rin sila na itigil na ang pamumulitika at nawa’y maging makabuluhan ang pagpasok ng taong 2014 para sa mga biktima ng kalamidad. (YO/TapatNews)
Nasa Bibliya ba ang Rosaryo...
mula sa pahina 7
16:19-20, Lukas 24:50-53 at Gawa 1:9-11. Ang Pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Mahal na Birhen ay mula sa Gawa 2:1-41 at ang huling dalawang misteryo ng pagakyat sa langit ng Mahal na Birhen at pagpapatong ng korona sa Mahal na Birhen ay parehong sinaunang turo ng Santa Iglesia. Madalas din ang pagkutya sa Banal na Santo Rosaryo na ito ay gawa lamang ng tao at hindi ipinagutos. Matatagpuan sa Mga Bilang 15:38 ang utos na, “Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila’y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa’t laylayan ng isang panaling bughaw.” Ang ‘panaling bughaw’ ay tinawag na ‘Tzitzit’ na karaniwang ginagamit ng mga Hudyo kung saan nagmula ang mga Krsitiyano bilang tanda sa pagbibilang nga kanilang mga dasal. Makikita sa larawan ang halimbawa ng tzitzit na kahalintulad mismo ng Rosaryo na ginagamit naman ng mga Katolikong Kristiyano. Malinaw na ang paniniwala at debosyon sa Santo Rosaryo ay salin mula sa Bibliya.
‘33 Days to Morning Glory’ by Fr. Michael Gaitley, MIC explains in simple yet clear language why consecration to Mary is really the ‘easiest, surest and fastest’ way to Jesus. Featuring the Marian devotions of St. Louis de Monfort, St. Maximillian Kolbe, Blessed Mother Teresa and soon to be saint, Blessed John Paul II, it is a journey into the heart of Our Lady. Each book is Php 250.00. Email Jhonsen Sales at jhonsen2010im@gmail.com for orders.
ENERO 21-27, 2014
Katoliko
7
Unapologetically Catholic
Nasa Bibliya ba ang Rosaryo? ni EDGARDO DE VERA
M
adalas nating marinig sa mga hindi Katoliko ang tanong kung ang ating pinaniniwalaan o ginagawa bilang Katoliko ay matatagpuan sa Bibliya tulad na lamang ng pinaka-popular na dasal na Santo Rosaryo. Ang simpleng Santo Rosaryo mismo ay dasal na naglalaman ng mga kaganapan mula sa Banal na Kasulatan o Bibliya. Ang isang ehemplo na lamang ay ang pagtuturo mismo ni Hesus kung paano magdasal na matatagpuan sa Mateo 6:9-15 kung saan Kanyang sinabi, “Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; kakainin para bukas. at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!” Ang dasalin na ito ang atin ngayong tinatawag na ‘Ama Namin.’ Ang Santo Rosaryo ay isa ring pagninilay sa buhay, pahihirap at kamatayan ni Kristo. Samakatuwid, hindi lamang tayo nananalangin ng dasal na hango mismo sa Bibliya, bagkus tayo ay nagninilay sa mga pinagdaanan ng ating Panginoong si Hesus. Maging ang Misteryo ng Tuwa ay hango mismo sa Banal na kasulatan taliwas sa mga paratang na ang Rosaryo ay walang basehan sa Bibliya. Ang mga Misteryo ng Tuwa na pinasisimulan ng pagbati ng anghel sa Mahal na Birhen ay matatagpuan sa Lukas 1:35, ang Pagdalaw ng Birhen Maria kay Santa Isabel mula sa Lukas 1:39-56; ang pagsilang sa mundo ng Anak ng Diyos mula sa Lukas 2:1-20; ang paghahain sa Templo ng Anak ng Diyos mula sa Lukas 2:22-39;
at ang pagkakakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem na matatagpuan sa Lukas2:41-50. Ang mga Misteryo ng Liwanag na binahagi sa atin ni papa Juan Pablo ikalawa ay malinaw na matatagpuan sa Bibliya tulad ng pagbinyag kay Hesus sa ilog Jordan na makikta sa Mateo 3:13-17, Marcos 1:9-11, Lukas 3:21-22 at Juan 1:32-34 . Ang misteryo ng Pagpapahayag ng Kanyang sarili sa Kasalan sa Cana ay matatagpuan naman sa Juan 2:1-12. Kasama din dito ang misteryo sa Kanyang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos; ang pagtawag patungo sa pagbabago na mula sa Mateo 4:12-25;46, Marcos 1:14-13:37, Lukas 4:14-21:38 at Juan 3:13-12:50; ang misteryo sa Kan-
KATESISMO, MISMO! Anong tatlong ugali ang nakukuha ng isang mananampalataya sa Diyos? Ang pananampalatay sa Diyos ang umuudyok sa atin upang sumampalataya sa Kanya bilang ating pinagmulan, patutunguhan at wala na tayong ibang nanaisin o pipiliin kung hindi ang Diyos lamang. Ang isang mananampalataya sa Diyos ay: 1. Umaasa sa Diyos lamang 2. Wala nang pipiliin pa bukod sa Diyos 3. Wala nang ipagpapalit pa sa nag-iisang tunay na Diyos.
yang Pagbabagong-anyo na mula sa Mateo 17:1-8, Marcos 9:1-12, Lukas 9:28-36. At ang huling Misteryo ng Liwanag na Kanyang pagtatatag ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag ng Sakramental ng Misteryo Paskawal ay hango naman sa Mateo 26:26-29, Marcos 14:22-25 at Lukas 22:14-20. Ang susunod ay ang Misteryo ng Hapis simula sa panalangin ni Hesus sa Halamanan mula sa Mateo 26:36-46, Marcos 14:32-42 at Lukas 22:39-46. Ang paghampas kay Hesus na nakagapos sa haliging bato ay mula sa Mateo 27:26, Marcos 15:15, Lukas 23:14-16 at Juan 19:1. Ang pagpuputong ng koronang tinik kay Hesus ay hango sa Mateo 27:2730, Marcos 15:16-19 at Juan 19:2-3. Ang pagpapasan ng krus ni Hesus ay matatagpuan sa Mateo 27:31-33, Marcos 15:20-22, Lukas 23:26-32 at Juan 19:16-17. Ang pagkapako at pagkamatay ni Hesus sa krus ay hango sa Mateo 27:34-56, Marcos 15:23-41, Lukas 23:33-49 at Juan 19:18-30. Ang panghuling mga misteryo ay ang Misteryo ng Luwalhati mula sa unang misteryo ng Pagkabuhay Muli ni Hesukristo na hango sa Mateo 28:1-15, Marcos 16:1-13, Lukas 24:1-12 at Juan 20:1-18. Ang pag-akyat sa langit ni Hesukristo ay hango sa Marcos
From the Saints...
- Pahina 6
“So let the name of the saints enter our homes through the naming of our children, to train not only the child but the father, when he reflects that he is the father of John or Elijah or James...Do not because it is a small thing regard it as small; its purpose is to help us.”
St. John Chrysostom
8
#CoolCatholics Genesis Reonico: Living the Life.. Online
ENERO 21-27, 2014
by SKY A. ORTIGAS
I
first got to know Genesis Reonico when we were looking for speakers for the Catholic Social Media Summit v2.0. We were looking for someone who was Catholic, loved the Church, going on mission, but at the same time, knew technology and was into online jobs. When I got to talk to him, while preparing for the summit, I was amazed by his conviction and passion to serve God through the internet. Together with his wife, they are rocking the online world! So here’s a bit about our recent conversation: Sky: How did you start a career doing online jobs? Genesis: I landed this type of career after I left my I.T. Job and was given a mission to lead our Church group, Singles for Christ. I was, in fact, hesitant to accept the role because it entailed leaving my dream job, but God is great and His plans are much more wonderful. After I made the decision to accept the role, someone asked me if I would like to work from home doing online jobs. The rest is history. Sky: As a Catholic, what is your vision while doing this kind of lifestyle? Genesis: This online jobs lifestyle offers a great opportunity for everyone to have more control over their time to do the things that they love. In my experience, doing Church work and mission in most cases requires you to somehow leave the conventional 9 to 5 work and try to be creative in finding a way for you to earn and help your family. With online jobs, any Church servant and missionary, especially a skilled one, can find an online job that will fit him or her, make a decent living, while having the chance to work anywhere and go places. I envision that more and more Catholic missionaries and laymen will consider this type of career and help in spreading our Church’s mission of peace, hope and love. Sky: Do you have any tips for those who are considering online work? Genesis:
5 tips on how to land that online career
Tip#1: Know your skills and strengths. There are so many online jobs available, but to succeed in this career, you must only choose those that you are good at. Tip#2: You must be confident in talking to clients. One of the hardest things to teach any one aspiring to become an online professional is confidence. If the person is too shy to begin with, chances are, this career might not work for him or her. I am sure you yourself wouldn’t hire someone who isn’t confident to speak and interact, right? Tip#3: You must be willing to learn new things and spend time doing it. The key to a successful online jobs career is the continuing education and learning by the online professional. Clients pay for the skills, so the more skills you have, the higher the change you can ask for a higher rate or fee. Tip#4: Join online groups that can help, support and encourage you in this online career journey. Working from home can, in most cases, be lonely because you are just at home and there is basically no social life, unless you reach out. Tip#5: Have Patience. Finding your very first client is the hardest thing in the life of any online professional. So you need to have patience and must be really determined. In due time, you will land that first client and your online jobs career has surely began.
@tapatnews
/tapatnews
tapatnews@gmail.com www.tapatnews.com
“This online jobs lifestyle offers a great opportunity for everyone to have more control over their time to do the things that they love. In my experience, doing Church work and mission in most cases requires you to somehow leave the conventional 9 to 5 work and try to be creative in finding a way for you to earn and help your family.”