Tapat vol 2 no 2 web

Page 1

@tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com

Pana-panahon... FEB 11

FEB 12

FEB 13

FEB 14

FEB 15

FEB 16

FEB 17

29°C 23°C 29°C 23°C 29°C 22°C 30°C 20°C 30°C 20°C 30°C 20°C 30°C 20°C

It’s good to know that... TAPAT SA BALITA

TAPAT SA BUHAY

PEBRERO 11-17, 2014 VOL 2 NO 2

Couples who started praying together experienced a 20 - 30% increase in romance, conversations and other measures of marital happiness, a study showed.

NO SORRY

NI PNOY, IKAPAPAHAMAK

NG OFWS Ni Paolo De Guzman

MANILA – MARAMING sari-saring pangamba gaya ng posibleng giyera at pagmamalupit sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa patuloy na pagtanggi ni pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na humingi ng dispensa dahil sa mga napatay na Hong Kong nationals noong unang taon ng kanyang termino. Hinimok ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika ang pangulo na humingi na ng paumanhin upang maiwasan ang tuluyang paglala ng relasyon ng dalawang bansa. - Pahina 3


balita

2

LIFE NEWS

Palawigin ang adbokasyang pro-life – obispo

PEBRERO 11-17, 2014

“Ang ipaglaban ang kahalagahan ng buhay, pamilya at ng kasal ay sapat na dahilan upang makibaka ang mga Katoliko”

Ni PAOLO DE GUZMAN

= From the Saints =

MANILA – ISANG Katolikong Obispo ay nanawagan sa mga Pilipino na palawigin, ipaglaban at pagtibayin ang turo ng Simbahang Katoliko tungkol sa kahalagahan ng buhay, lalong-lalo na ngayong buwan ng Pebrero. Ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes, mas malaki ngayon ang pangangailan para sa mga laykong handang manindigan para sa buhay, at maging kampeon ng mga mahihirap, mahina, maging ng mga sanggol sa sinapupunan. Bilang chairman ng Episcopal Commission on Family and Life, itinataguyod ni Bishop Reyes ang iba’t-ibang aktibidad ng Pro-Life Philippines sa buong buwan ng Pebrero. Binibigyang-diin din ng naturang Obispo ang mensahe ng Ebanghelyo tungkol sa buhay at pag-ibig sa buhay ng sambayanan. “Tayo ay nasa gitna ng isang giyerang espirituwal. Dapat panindigan ng bawat layko ang Kaharian ng Diyos sa gitna ng pulitika, masa, social media at serbisyong pampub-

liko. Ang bawat Katoliko ay dapat maging banal at may malalim na kaalaman upang maipalaganap ang mensahe ng Ebanghelyo sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar, sa bawat institusyon,” ani Bishop Reyes. “Ang ipaglaban ang kahalagahan ng buhay, pamilya at ng kasal ay sapat na dahilan upang makibaka ang mga Katoliko,” dagdag pa ng obispo. Ang Pebrero ay tinaguriang Buwan ng Buhay, kaya’t sa ika-27 taon ng pagdiriwang ng ‘Pro-Life Month’, may mga nakahandang programa na naglalayon na hikayating maging aktibo ang layko sa mga adhikaing pro-life. Hinimok din ni Reyes ang layko na ibuhos ang kanilang lakas at kakayahan upang maitaguyod ang kahalagahan ng buhay, at tuluyang “ilayo sa kultura ng kamatayan ang bansa.” Binanggit din ni Bishop Reyes ang pahayag ni Pope Francis, “Ang populasyon na hindi nagtataguyod ng kanyang matatanda at ng kanyang kabataan ay walang kinabukasan, sapagka’t kusa nitong itinatatwa ang kanyang alaala at ang kanyang pangako.”

“We become what we love and who we love shapes what we become. If we love things, we become a thing. If we love nothing, we become nothing. Imitation is not a literal mimicking of Christ, rather it means becoming the image of the beloved, an image disclosed through transformation. This means we are to become vessels of God´s compassionate love for others.”

= St. Clare of Assisi =


PEBRERO 11-17, 2014

balita

3

No Sorry ni PNoy ikapapahamak ng OFWs

{{What’s up in Church?}}

Ni PAOLO DE GUZMAN MANILA – MARAMING sari-saring pangamba gaya ng posibleng giyera at pagmamalupit sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa patuloy na pagtanggi ni pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na humingi ng dispensa dahil sa mga napatay na Hong Kong nationals noong unang taon ng kanyang termino. Hinimok ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika ang pangulo na humingi na ng paumanhin upang maiwasan ang tuluyang paglala ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang “I’m sorry” ay maliit na ba-

gay, ngunit magiging sapat para mapawi ang hinagpis ng kaanak ng mga biktima. Aniya, “Paumanhin lamang ang hinihingi ng gobyerno ng Hong Kong. May pagkakamaling nangyari bakit tila hindi kayaning humingi ng paumanhin, lalo na ng pangulo ng bansa sa ngalan ng mamamayan?” “Nakakahiya ang nangyari, hindi alam ng kapulisan ang gagawin sa taong humihingi lamang na maibalik sa trabaho,” ani Cruz. Giniit naman ng executive secretary ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na si Fr. Edwin Corros na kailangang bigyan ng administrasyon ng alternatibong hanapbuhay ang mga OFW na magiging apektado ng ipinataw ng Hong Kong govern-

ment na ang sanction bunsod ng pagmamatigas ng pangulo na humingi ng paumanhin. Dagdag pa ni Cruz, hindi na dapat pinatagal ng pangulo ang hiling ng mga tagaHong Kong upang hindi na sana maapektuhan ang tinatayang halos 167,000 manggagawang OFW sa Hong Kong na bumubo ng 5.5% ng kabuuang bilang ng mga OFW sa ibat-ibang panig ng mundo. Our Lady of Lourdes Grand Procession Matatandaang noong isang February 11, 5.30 p.m., National Shrine of Our Lady of linggo tinawag na ‘ignorante’ Lourdes, Kanlaon cor. N. S. Amoranto Ave. (formerly at ‘amateur’ ng Xinhua News Retiro St.) Sta. Mesa Heights, Quezon City Agency state press agency ng For more information, call (02) 731-9306 or (02) 740-8878 People’s Republic of China si pangulong Aquino matapos nitong ikumpara kay Hitler ang agresibong hakbang ng Tsina sa West Philippine Sea na ikinabahala naman ng maraming Pilipino.

Gen Rosso “Street light” Musical

For further inquiries and other concerns, kindly visit their website at http://www.genrosso.com or like their Facebook Fanpage at https://www.facebook.com/GRPhilippinessolidaritytour2014

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@areopaguscommunications.com

Social Media Literacy: Empowering Preachers to New Evangelization

February 16, 7.00 a.m. to 5.00 p.m., 4th floor San Pio V Building, Sto. Domingo Church compound For more information, contact Ms. Ruby Atienza (02) 356-4611 or email ip.socialcomm.op@gmail.com


editoryal

4

PEBRERO 11-17, 2014

AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014

Editoryal Isyu ng Pork Barrel matatapos na nga ba kay Ruby Tuason?

M

atapos lumutang at maging state witness ang isa sa mga kinasuhan ng plunder sa pagkakasangkot sa P10-bilyones na pork barrel scam at maling paggamit ng Malampaya fund, marami sa ating mga kababayan ang umaasang matatapos at mananagot na ang mga may sala. Isang pag-asang magdadala sa kaginhawan. Nitong Biyernes dumating mula sa Estados Unidos si Ruby Tuason at sinalubong ng matinding seguridad dahil diumano sa banta sa kanyang buhay. Isisiwalat diumano ng dating empleyado ni Senador Jinggoy Estrada at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na si Ruby Tuason ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa pork barrel scam na siyang magtatapos sa naturang isyu. Ganito rin ang pananaw ni pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon sa pangulo, “‘Yung sinabing magtetestify siya, mayroong isa na magkumpleto ng proseso, magtatahi, mag-reaffirm ng mga allegations ng ating whistleblowers, so mas mapapatibay ang ebidensya.” Ngunit tila parang sigurado

Isa pa, bakit kung ang mga nadadawit ay bata at malapit sa pangulo ay tila hindi gaanong naipapalabas o nasusulat at kung mailathala man ay hindi man lamang tumatagal pag-usapan at mabilis pa sa alas-singko ay wala na sa kaisipan ng tao? Gaya nalang ng pagkakasangkot ng pangulo sa kasong plunder na itinutulak ng mga maralitang magsasaka na grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung saan kasama ang pangulo maging si Janet Lim Napoles sa kasong pandarambong... na ang pangulo na ang mga sinasabing sangkot ay may sala kahit hindi pa nagsisimula ang paglilitis. Ang prosesong magpapatunay sa pagkakasala sa korte ay hindi maaaring maging mapagpabor at dapat mabigyan ng sapat na pagkakataon maging ang tila may mga sala na sagutin ang mga paratang at depensahan ang sarili. Hindi na bago sa atin na kapag ganito ang takbo ng hustisya madalas ang nakukulong ay ang walang sala. Nakalilimutan din ata ng pangulo na siya ay pangulo ng lahat ng Pilipino maging ng mga nakagawa ng mali at labag sa batas. Idiniin din naman ng pangulo

ang kasigurohan na nasa ebidensya ang sagot. Aniya, “Sabi ko nga sa sambayanan, kung saan tayo dadalhin ng ebidensya, doon tayo tutungo. So makakatulong ‘to sa pagsasara sa kabanata nito na nangyaring pang-aapi sa sambayanan.” Subalit, tila isinasarado sa ganitong pananalita ang nasabing kaso, maging ang malawakang nakawan sa gobyerno. Kung mananatili ang ganito, maaaring mahubog ang kaisipan ng mamamayan na iilan lamang ang mga magnanakaw sa gobyerno kahit pa alam natin na kaya nga nagpapatayan ang mga pulitiko at nagbubuhos

ng sandamakmak na salapi tuwing eleksyon ay dahil sa laki ng makukurakot kung sakaling maupo sa puwesto. Isa pang kapansin-pansin ay kung ano ang init sa mga sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam ay siya namang kaluwag ang dipensa sa mga taong malapit sa pangulo. Ilan dito ay sina Department of Budget and Management secretary Butch Abad at si Department of Agriculture secretary Proseso Alcala na may kasong plunder mula sa pagbubulsa diumano ng P457.2 milyong pondo mula sa pagaangkat ng bigas mula sa Vietnam.

Isa pa, bakit kung ang mga nadadawit ay bata at malapit sa pangulo ay tila hindi gaanong naipapalabas o nasusulat at kung mailathala man ay hindi man lamang tumatagal pag-usapan at mabilis pa sa alas-singko ay wala na sa kaisipan ng tao? Gaya nalang ng pagkakasangkot ng pangulo sa kasong plunder na itinutulak ng mga maralitang magsasaka na grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung saan kasama ang pangulo maging si Janet Lim Napoles sa kasong pandarambong kung saan nakitaan sa audit ng National Agri-Business Corporation o Nabcor, isang korporasyon ng gobyerno sa ilalim ng departamento ni secretary Alcala ang halos P1.35 bilyong halaga ng pork barrel na nanakaw. Kung magpapatuloy ang ganito, ‘di kataka-takang maniniwala nalang nang basta-basta ang sambayanang Pilipino, habang mananatili ang korapsyon sa ating bansa. Panahon na upang maging mapagmatyag at huwag hayaang basta na lamang madala sa mga napapanood sa TV at nababasa sa dyaryo. Magbantay tayo!


PEBRERO 11-17, 2014

opinyon

even assumes our own faults, but who also comes to help us, purify and redeem us. He actually intervenes in our life all the time. He Fr. Roy Cimagala is inside us and around us. He is in everyone and in everything, both big and small. He is in the ordinary and extraordinary things, the regular and special H, the famous line brother of James and Jo- events in our life. of Christ: “A proph- seph and Judas and Simon? We have to be more et is not without And are not his sisters here aware of this predicament honor except in his native place and among “That we are still alive, that we are his own kin and in his own house.” He said relatively healthy, that there is still air this on one of those to breathe, food to eat, water to drink, occasions that he was disappointed with the that our planet still works in spite of reaction of the peo- calamities—these are some blessings ple—this time his own that we often take for granted, but townmates—to what he said and did. which are actually strong reasons to be In spite of being excited and most thankful to God.” initially astonished by what he said and the and start to do something manner with which he with us?” they asked in dis- about it. In fact, given the spoke, his own people took turbing disbelief. way we are at the moment, offense at him instead. It’s a sad phenomenon we need to do something They found him too much that continues to happen about it in a more serious for them, he who was sup- up to now. We can take and systematic way. Away posed to be just like them. God for granted—God with a casual attitude to“Is he not the carpenter, who comes to us, who ward this issue! the son of Mary, and the makes Himself like us, who We should not be sur-

SAILING

O

Count your blessings, be led to God

5 prised that we have the great tendency to take God for granted. That’s because we have our own limitations and imperfections that are aggravated by our sins that, in turn, if not corrected, can harden into vices—blinding, desensitizing vices. With that predicament, it is not surprising that we can be so full of ourselves, so smug that we cannot relate anymore to others whom we can see, much less to God whom we do not see. Yes, we can still relate ourselves to others, but this time treating them not as persons but more as objects and instruments to be used according to our own self-serving game plans. Yes, we can also still relate ourselves to God, but this time treating him more as some ornament or prop to support a certain image that we can still find useful in some self-serving way at the moment. We need to nourish our faith such that we can recognize God in everything, - Page 6

mamahal ay kaakibat ng lang kami nagkikita. lakas ng loob na humarap Hindi ako naninisa pamilya ng iyong wala sa mga ‘torpe’ kasi napupusuan at sabihin ito tayong mga tao kapag sa kanya ng harapan. may gustong-gusto, anYen Ocampo Sa ganitong paraan, doon ang pagpupursige maipapakita mo sa iyong at pagiging desidido. Tayo nililiyag ang sinseridad mismo ang gumagawa ng na may mabuti kang in- paraan upang makamit tensyon na makuha ang anuman ang naisin natin. a panahon ngayon, email, atbp. Pero sa mga kanyang matamis na ‘oo’. Masuwerte ang mga paano nga ba malala- ganitong uri ba ng pag- Korni pero wala ng mas lalaking nakahanap ng man kung wagas papahayag ay maipadara- sasarap sa isang pag- totoong magmamahal sa ang pag-ibig na inaalay? kanila, lalo na Paano nga ba ipinapahay- “Sabi nga ng iba ay ‘techie mode’ na raw iyong pareho ag ang pag-ibig na tunay? nilang mahal ang panliligaw ngayon. Totoo nga ba? ang isa’t isa. Ano o saan nga ba ang At tamang pagpapahayag ng Dinadaan sa social media, texting, email, para sa mga iyong saloobin o narara‘alone but not mdaman? Nagsisimula ba atbp. Pero sa mga ganitong uri ba ng pag- lonely’ ang peg ‘yan sa inuman o sa loob papahayag ay maipadarama mo sa iyong ngayong buwan ng tahanan? ng mga puso, Kasabay ng pag-unlad nililiyag ang katapatan ng iyong puso?” huwag kayong ng teknolohiya sa Pilipi- ma mo sa iyong nililiyag mamahal ng isang taong mag-alala... Patience + nas ay ang pagbabago ng ang katapatan ng iyong kaya kang ipaglaban at Pray = True Love. kultura nating mga Pilipi- puso? panindigan. Ang pag-ibig na wagas no, higit lalo sa usapin ng Makaluma man pa- Ang tanong, mayroon ay dumarating sa tamang pag-ibig. Sabi nga ng iba kinggan pero para sa akin pa kayang ganito ngayon? oras -- mula sa mga taong ay ‘techie mode’ na raw ay mas gugustuhin kong Sabi ng iba wala na raw, handang hamakin ang laang panliligaw ngayon. magsimula ito sa loob ng sabi naman ng iba may- hat at ipaglaban ang kaTotoo nga ba? Dinadaan tahanan dahil naniniwala roon pa. Siguro naman, nilang mahal. sa social media, texting, ako na ang tunay na pag- meron pa -- hindi pa nga (re4teraker@hotmail.com)

RE4TERAKER

S

Uso pa ba ang harana?

TABI PO

Melo Acuña

Mga malalagim na sakuna

S

a nakalipas na ilang buwan, ikinabahala ng mga mamamayan ang sunud-sunod na sakunang ikinasawi ng mga pasahero, mga tsuper at mga walang kamuwang-muwang at ‘di sinasadyang napunta sa lugar na pinangyarihan ng mga sakuna. Nagugunita ko pa noong dekada sitenta, sa awitin ng Hotdog na pinamagatang Manila, tanging mga jeep na nagliliparan lamang ang nakikita sa Kamayni-

and Regulatory Board sapagkat nakalulusot ang mga sasakyang kolorum na mamasada sa mga lansangan. Ang hindi ko mawari ay kung bakit hindi sinusuri ng mga mambabatas ang kalakaran at pagtrato ng mga transport operators sa kanilang mga kawani tulad ng paniningil ng pagkataas-taas na boundary. May mga operator din na hindi lumalagda sa loan application sa Social Security System ng kanilang mga

Nagugunita ko pa noong dekada sitenta, sa awitin ng Hotdog na pinamagatang Manila, tanging mga jeep na nagliliparan lamang ang nakikita sa Kamaynilaan. Ano itong mga naganap kamakailan, mga bus na nagliliparan? laan. Ano itong mga naganap kamakailan, mga bus na nagliliparan? Ano ang pinag-uugatan ng mga sakunang ito? Marahil ay may kinalaman sa pangangailangan ng mga tsuper at konduktor na kumita ng sapat kaya’t nagiging pabaya sila sa kanilang paglalakbay. Marahil may kinalaman pa rin ito sa uri ng maintenance ng mga taxi, jeepney at bus. Isama na natin ang mga trak na pangkargamento. Gaano ba kadalas sinisilip at inaalam ng mga mekaniko ang mga sasakyang ito? Magtataka ka rin kung bakit may mga sasakyang ‘di na nararapat maglakbay sa mga lansangan ang may kaukulang rehistro pa? Maliwanag na kapabayaan ito ng Land Transporation Office. May kapabayaan din ang Land Transport Franchising

tsuper sa pangambang hindi magbabayad. May mga operator na nananamsam ng drivers’ license sa oras na hindi mabuo ang boundary. Sa mga kumpanya naman ng bus, sa kanilang paghahabol ng mas mataas na porsiyento, napipilitan silang humarurot sa mga lansangang tulad ng Commonwealth Avenue, Epifanio delos Santos Avenue at maging sa Skyway. Nababalita nating mayroong kahit pagod na ay napipilitan pa ring bumiyahe. Sa pagtatangkang manatiling gising, may nalululong sa shabu. Kung hindi rin lamang mapapatakbo nang maayos ang mga ahensyang ito, marapat na marahil na maghanap na ng ibang trabaho ang Kagalang-galang na Kalihim Joseph Emilio Abaya at mga nasa pamunuan - Pahina 6


balita

6

IDOLONG TAPAT!

PEBRERO 11-17, 2014

Kabataan, nangangailangan ng payo tungkol sa pre-marital sex

Jojo at Denise Ortiguerra Nabuo ang pamilya nina Jojo at Denise Ortiguerra nang dumating sa buhay nila si baby Gab. Paano nga ba magsimula ng sariling pamilya? Ayon kay Denise, “Sa pag-ibig handa kayong magsakripisyo para sa isa’t isa, handang magpatawad at kayang magmahal unconditionally. Ito ay nagbubunga ng sobrang kaligayahan at kung minsan kalungkutan. Sa pag-ibig nabubuo ang iyong pagkatao, napupunan ang mga puwang sa buhay mo. Ang sabi nga, ito ay parang puzzle, hindi lahat ng piraso ay swak sa isa’t isa, pero sa huli it will make a beautiful picture.” “For us, our little angel Gabriel Paolo is our love and life,” dagdag pa niya. (YO/TapatNews)

Count your blessings....

from 5

even in the most ordinary and insignificant events of the day. We should see to it that it is God with whom we should be most excited to be with, and not any other motive. For this, we have to remind ourselves of the many reasons why we ought to be always in awe at God. We should not take Him for granted, which is what we usually do. We have to learn to count our many blessings and make them our immediate paths to bring us to God. They are effective and tremendous means to keep us in touch with God and lead us to think of God and to participate actively in His providence over us. That we are still alive, that we are relatively healthy, that there is still air to breathe, food to eat, water to drink, that our planet still works in spite of calamities—these are some blessings that we often take for granted, but which are actually strong reasons to be excited and most thankful to God. If we just give a pause to consider them slowly once again, savoring their deeper significance, they can open our eyes and heart to the wonderful world of our faith, of encountering the living Christ in the midst of the ordinary events and circumstances of our life. We obviously need to be humble to be able to do this. Our tendency is to allow ourselves to be ruled only by our feelings, worldly estimation of things, the prudence of the world that often cannot penetrate the spiritual and supernatural realities breathing in our midst. Our tendency is to deaden our spirit or to let it be dominated by the flesh. With humility, we activate our faith, releasing our mind and heart from the grip of passing mundane realities, and leading us to count our blessings, since these bring us to the essential, the ultimate, the eternal—that is, to God.

May malagim na sakuna...

mula sa pahina 5

ng Department of Transportation and Communication. Kung hindi nagbitiw si NAIA General Manager Jose Angel Honrado matapos ang pamamaril sa NAIA III, marahil ay nararapat pamunuan ni Kalihim Abaya ang pagbibitiw upang huwag nang mapulaan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nagkamali sa kanyang mga kinuhang miyembro ng gabinete. Tabi po!

MANILA— Sa gitna ng mainit at nakagugulat na balita na 1 sa bawat 3 kabataang Pinoy ay nakaranas na ng pre-marital sex, iminumungkahi ng isang obispo na lalong paigtingin pa ang mga counseling services para sa kabataan upang magkaroon ng oportunidad na mapag-usapan ang mga ganitong isyu. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, isang hamon sa mga pinuno ng Simbahan na patuloy gabayan at kausapin ang mga kabataan tungkol sa pagpapaliban ng pakikipagtalik. Isang partikular na paraan ay ang paglalaan ng counseling

services na maaaring maging isang daan naa-access ng mga kabataan. Inamin naman ni Bishop Ongtioco na ang Simbahang Katolika ay “marami pang kailangang gawin para sa kabataan.” Ayon sa 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study, isa sa bawat 3 kabataang Pilipino, edad 15 – 24 ay nagkaroon na ng sekswal na relasyon bago ikasal. Ito ay may 14% pagtaas kung ikukumpara sa istatistika ng 1992, ayon sa isang pagsusuri ng University of the Philippines Population Institute. “Dapat lalo tayong hamun-

in ng resulta ng pagsusuri na paigtingin ang formation ng mga kabataan tungkol sa tunay na values na kailangan nila sa proseso ng kanilang pagiging ganap na tao,” dagdag ni Ongtioco. Ayon naman kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth, nakababahala ang bilang ng mga kabataang sexually active. Ayon sa pagsusuri, tinatayang 6.2 milyong kabataan ang nakipagtalik na bago pa man ikasal. “Kung ‘yan ang napagalaman ng kanilang pagsusuri, nakababahala,” ani Garganta. [Roy Lagarde]

‘33 Days to Morning Glory’ by Fr. Michael Gaitley, MIC explains in simple yet clear language why consecration to Mary is really the ‘easiest, surest and fastest’ way to Jesus. Featuring the Marian devotions of St. Louis de Monfort, St. Maximillian Kolbe, Blessed Mother Teresa and soon to be saint, Blessed John Paul II, it is a journey into the heart of Our Lady. Each book is Php 250.00. Email Jhonsen Sales at jhonsen2010im@gmail.com for orders.


PEBRERO 11-17, 2014

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

Sang-ayon ba ang Simbahan sa ni MARK SILVA

A

death sentence?

yon sa Exodo 20:13, kung saan ipinagutos ng Diyos sa sangkatauhan na “Huwag kang papatay”, ipinahihiwatig dito ang kahalagahan ng buhay. Marami sa mga sumusuporta sa adbokasyang pro-life ang naniniwalang ang hatol na kamatayan na siyang muling ipinanukala ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ay taliwas sa pagiging pro-life. Ngunit ‘di na kaila sa ating lipunan, madalas ay ang inosente ang siyang napapatawan ng parusa sa kadahilanang kulang ang kakayahang kumuha ng mga magagaling na abogado o tagapagtanggol dala na rin ng kahirapan. Taliwas sa kaalaman ng nakararami, ang Simbahang Katolika ay hindi tuluyang kinokondena ang paghatol ng kamatayan. Napakahaba na

ng panahon kung saan ibinigay ng Simbahan sa isang Estado ang karapatan upang maghatol ng kamatayan. Ngunit ito ay gagawin lamang sa kadahilanang ito ay naayon sa Diyos, makabubuti sa mas nakararami at hindi mayroong saysay. Ipinapakita sa Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan sa Genesis 9:6 ang hatol na kamatayan sa sinumang nakapatay, “Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka’t sa larawan ng Dios nilalang ang tao.” Maging sa Bagong Tipan nababangit sa Mga Taga-Roma 13:4 “Sapagka’t siya’y ministro ng Diyos sa ikagagaling mo. Datapuwa’t kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka’t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka’t siya’y ministro ng

KATESISMO, MISMO! BAKIT APOY ANG SIMBOLO NG BANAL NA ESPIRITU? Kung ang tubig ay simbolo ng buhay at panganganak na iniaatang sa Banal na Espiritu, ang apoy naman ay simbolo ng nag-aalab na paggalaw ng Banal na Espiritu. Ang aksyon ng Espiritu Santo ay nakikita sa dasal ni propetang Elias, nang siya ay “tumayong parang apoy” at nagwika ng mga “salitang nag-aalab tulad ng sulo”. Ang pangyayaring ito ay hawas ng apoy ng Banal na Espiritu, na siyang nagbabago ng anumang dapuan nito. Si San Juan de Bautismo, na siyang nauna “bago ang Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias,” ay nagpapahayag na si Kristo ang siyang, “magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu na may apoy.” Ihahayag din ni Kristo sa Espiritu: “Ako ay naparito upang magpalaganap ng apoy sa mundo; at dahil dito ay mag-aalab.” Sa wangis ng mga dila “na isang apoy,” ang Banal na Espiritu ang bumaba sa mga disipulo noong unang Pentekost. Ipinagpatuloy ng espirituwal na tradisyon ang ganitong simbolismo ng apoy bilang tanda ng pakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu. Huwag pababayaan ang Espritu, ayon sa 1 Mga Tessalonika 5:1.

Diyos, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.” Ang Inang Simbahan ay mapangunawa higit sa lahat sa mga dukha. Ang paghatol ng kamatayan ay hindi niya sinasangayunan, lalo na kung ito ay magdudulot lamang ng kawalan ng hustisya. Naniniwala ang Simbahan na ang mga korte ang siyang may layunin sa pagpataw ng parusang kamatayan. Ilan sa mga ito ay: pagbabago sa kriminal; proteksyon ng nakararami mula sa kriminal; at upang hindi na tularan pa ang kriminal. Ang nais ng Simbahan ay gawin ang lahat ng paraan upang ang nakagawa ng krimen ay magbago at ang hatol na kamatayan ay ang pinakahuli at nalalabing hakbang na lamang.


#CoolCatholics


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.