@tapatPH
tapatPH
www.tapatPH.com
Mga kardinal, dumagsa na sa Roma
MARSO 5-11,2013 VOL 1 NO 1
- Basahin sa Pahina 5
ANG BALITANG TOTOO
PNOY, NANGANGAMPANYA SA KABILA NG GULO SA SABAH?
- Basahin sa Pahina 5
TAPATAN: Sa tingin mo, ano ang dapat gawin ng gobyerno tungkol sa lumalalang isyu ng Sabah?
i-text ang sagot niyo sa: tampok 0932-1469436
Manhid ka ba? - Pahina 9
sports
- Pahina 12 Miriam College, Cheerdance Champion
balita
2
MARSO 5-11,2013
PDAF misuse, iimbestigahang maigi Ni GRACE CAJILES
Kinakalampag ngayon ng isang kongresista ang mga ahensyang may hawak sa kasong di umano’y maling paggamit ng pork barrel ng ilang mambabatas, na laliman at imbestigahan ng maigi ang nasabing isyu. Ani House Deputy Speaker Erin Tañada, dapat atasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) paratingnan at pag-aralan ang mga pekeng non-governmental organization (NGO) na nakinabang sa P195 milyon na pork barrel diumano nina Senador Ramon “Bong” Revilla, chairman ng LakasCMD, Senate President Juan Ponce-Enrile, SenadorJinggoy Estrada at dating Buhay Partylist Rep. Rene Velarde noong 2011. Maging ang Commission on Audit (COA) ay hinimok ng kongresista na ipasiyasat narin sa Ombudsman ang parti-
Sina Senador JV Ejercito at Senate President Juan Ponce Enrile ay dalawa lamang sa sinasabing sangkot sa pag-divert ng PDAF sa isang pekeng NGO.
Buy and sell ng boto, itigil na! - obispo Ni PAUL ANG
Nanawagan si Bp. Teodoro Bacani Jr. na baguhin na sa darating na halalan ang mga nakagawiang vote-buying at selling.
Nananawagan ang isang obispo sa mga kandidato at sa publiko na itigil na at huwag nang gawin pa ang mistulang ‘buy and sell’ ng boto na kalakaran lalo na sa darating na Mayo 13 mid-term polls.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. , hindi umano dapat na iwan ng mga Kristiyano at Pilipino ang kanilang tamang pananampalataya sa Diyos sa bawat gawain nito, lalo na sa pagboto dahil kasalanan umano ang pagbili ng mga kandidato sa boto, maging ang pagbebenta nito ng publiko. “Anuman ang gawin ng mga mananampalataya, dapat gawain ito bilang isang Kristiyano, maipapakita ang gawaing maka-Kristiyano sa paghalal ng kandidato sa halalan na naaayon sa kagustuhan ng puso at konsensiya,” paliwanag ni Bacani. Dagdag pa ng obispo, nararapat lamang na gawing inspirasyon at gabay ng mga tao ang pagiging Kristiyano upang maging malinis ang kanilang konsensiya sa pa boto at makapili ng karapat-dapat na mga pul tiko na siyang may malaking maitutulong sa kapakanan ng nakararami.
Soup no. 7 huwag inumin, wa epek Sa isang bansa na may kakulangan sa paggalang sa buhay ng sanggol sa sinapupunan, mukhang patuloy pa rin ang ganitong pananaw. Nananawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko na huwag kumain ng tinatawag na soup no. 7 dahil ito ay kontrabado at masama sa katawan ng tao. Ibinunyag ni PMA Vice President Dr. Leo Olarte na nakakarating na sa Pilipinas ang soup no. 7 at ibinebenta sa mga iligal natindahan. “Itong soup number 7 po ay merong stem cell daw na pampalakas sa ating li-
bido, sa ating sexual activity... Stem cell daw ito na nanggagaling sa mga aborted fetus na galing sa China,” aniya. Ito ay nakalagay sa parang gamot o tablet na ihahalo sa mainit na tubig para maging sabaw. Giit ni Olarte, bukod sa kontrabando ang soup no. 7 ay pekeng gamot din ito o walang bisa. Kaya panawagan ng PMA sa publiko, na huwag magpaloko sa mga nag-aalok ng stem cell therapy galing sa fetus o hindi kaya’y sa hayop o halaman, bagkus ay lumapit sa mga lisensyadong doktor. (GC)
sipasyon sa di umano’y anomalyang ito ng mga taga-Department of Agriculture (DA). Napag-alaman na ang DA ang siyang nag-aapruba sa kung aling mga NGO ang mabibigyan ng alokasyon mula sa pork barrel ng mga mambabatas. Samantala, naniniwala naman si House Minority Leader Danilo Suarez na may kinalaman sa pulitika o eleksyon ang pagputok ng nasabing isyu. Kuwestyonable umano ang timing ng pagpapalutang ng administrasyon sa isyu na nagdadawit sa mga taga-oposisyon. Giit pa ng mambabatas, iniisa-isa na ng administrasyon ang mga kalaban nito sa pulitika para palabasin na ang mga lider ng oposisyon gaya ng United Nationalist Alliance (UNA) at Lakas ay may bahid ng katiwalian.
Rice industry sector, lumagda sa covenant kontra rice smuggling Ni ROMY PANAHON
Lumagda sa isang kasunduan ang iba’t ibang sektor sa industriya ng bigas sa bansa upang sama-samang labanan ang malawakang rice smuggling sa bansa. Ang covenant na sinaksihan nina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at National Food Authority (NFA) Administrator Orlan A. Calayag na tinawag na “Covenant of the Multi-Sectoral Groups of the Rice Industry” ay pinangunahan ni 2nd district Nueva Ecija Rep. Joseph Gilbert F. Violago na kasamasa kampanya ng pamahalaan para mawakasan ang pagpupuslit ng bigas sa bansa. Sa ilalim ng kasunduan, ang rice industry multi-sectoral groups na kinabibilangan ng mga magsasaka, rice traders, millers, processors at retailers mula sa Luzon ay nagkaisa na huwag bumili at magbenta ng
mga puslit na bigas. Kaugnay nito, nanawagan din ang mga ito kay Pangulong Benigno Aquino III na magpalabas ng isang public declaration bilang suporta sa Anti-Smuggling Drive at otorisahan ang Department of Agriculture na mabusisi ang Customs area na sinasabing may mga alingasngas ng smuggled rice na nakaimbak at dapat na mai-discharge. Nais din ng rice industry major stakeholders na magpalabas si Pangulong Aquino ng kautusan sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa Philippine National Police (PNP) at sa Philippine Coast Guard para kontrolin ang pagpasok ng mga imported rice at gawing ang pamahalaan sa pamamagitan ng NFA ang tanging importer ng bigas sa bansa. - sundan sa Pahina 5
MARSO 5-11,2013
balita
3
16 pasaway na senatoriables, Halalan sa Mayo, dapat pinadalhan ng violation notice environment-friendly ng COMELEC Ni PAUL ANG
Ayon sa COMELEC, iilang miyembro ng Team PNoy, na sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, Bam Aquino, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros at Rep. Sonny Angara ay lumabag sa campaign rules.
Pinadalhan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 16 na pasaway na senatorial candidates upang bigyan ng babala ang mga ito tungkol sa kanilang mga paglabag sa campaign rules. Ayon sa listahan ng COMELEC, kabilang sa mga napadalhan ng campaign violation notice ay sina dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, dating Sen. Jun Magsaysay at Sen. Alan Peter Cayetano. Kabilang din sa nasabing listahan sina Sen. Koko Pimentel, dat-
ing Akbayan Rep. Risa Hontiveros, Bayan Muna Rep.Teddy Casino, Rep. Sonny Angara, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Francis Escudero, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, Rep. Jack Enrile, Nancy Binay, Bam Aquino at dating senadora na si Jamby Madrigal. Nabigyan ng mga notice ang mga nasabing senatoriables bunsod ng kanilang paglabag sa mga campaign rules ng poll body tulad ng pagkakabit ng ilang posters at tarpaulins sa mga lugar na ipinagbabawal ng COMELEC, at maging ang kanilang mga gimik sa pangangampanya tulad sa online
networking sites. Sa kabilang dako, magugunitang iniimbestigahan na ng COMELEC ang di umano’y pagpapa-raffle ni Madrigal ng iPad sa Facebook at ang pa-contest ni Pimentel sa Twitter habang posible pa umanong madagdag sa listahan nito si dating senador Ernesto Maceda. Sa panig naman ng mga party-list groups, nangunguna ang Kabataan party-list na may pinakamaraming campaign violations na napadalhan na ng apat na abiso habang kasama pa rito ang lima pang ibang partido.
Nag-ala superhero ang mga aktibista na suot ang popular superheroes costumes na tulad nina Hulk at Ben 10, kasama din ang mga local eco-warriors na Super Walang Aksaya, Boy Bayong at B Eliminator at nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros upang himukin ang ahensiya na gawing environment -friendly ang kapaligiran sa panahon ng halalan sa Mayo. Tinatagubilinan ng naturang mga grupo ang mga politiko sa kanilang obligasyon bilang mga future public servants at maimulat ang mga botante kung sino ang karapat dapat na maluklok sa puwesto. “The country’s leaders should be green superheroes--not jokers or, worse, environmental villains,
(Ang mga pinuno ng bansa ay dapat mga bayani ng kalikasan -- hindi mga payaso o mas malala, mga kalaban ng kalikasan) ” pahayag ni Francis dela Cruz, tagapagsalita ng Greenpeace Southeast Asia. Ang naturang mga superheroes ay kasama ng environmental advocates mula sa Greenpeace, EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), Buklod-Tao at Gulayan Pilapil Neighborhood Association (GPNAI). Ang mga ito ay nagsuot ng kulay berdeng maskara bilang pag-promote sa kanilang 2013 Green Electoral Initiative (GEI) na tinawag na “Berde ka ba?” – isang snapshot kung saan ang mga senatorial candidates ang tinutumbok sa mga usaping pang-kapaligiran. (RP)
Pagbabawal ng softdrinks sa mga eskwelahan, pinag-aaralan ng Malakanyang
Low earners, senior citizens may discount sa tubig - Maynilad Upang mapagaan ang bayarin ng mga low earners sa bansa, nagkakaloob ang West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng discount sa singil sa tubig sa mga ito na nasa kanilang mga concession area. Ang mga low earners na gumagamit ng hindi hihigit sa 10 cubic meters (cu.m.) na tubig kada buwan ay tatanggap ng 41 porsiyentong discount sa basic water rate nito sa kumpanya. Bukod dito, nagkakaloob din ng bawas-gastos sa water service application fees ang kumpanya. Mula sa standard fee dito na P8,160 kasama na ang guarantee deposit, ang mga ito ay sisingilin lamang ng P3,000 ng Maynilad upang madaluyan lamang ang mga
ito ng sapat na suplay ng malinis na tubig. Ang mga senior citizens naman na kokonsumo ng hindi hihigit sa 30 cu.m. Kada buwan ay may 5 porsiyentong discount mula sa Maynilad. Ang mga government-owned/ non-profit senior citizen centers at pabahay na umaabot sa 2,786 accounts naman ay bibigyan ng 50 porsiyentong discount. Samantalang ang mga may maliit na negosyo tulad ng home-based sari-sari stores ay magbabayad lamang ng residential charges sa kanilang unang 10 cu.m. na gamit sa tubig mula sa semi-business rate. Kasama dito ang mga institusyon na nagkakaloob ng serbisyo publiko tulad ng public preparatory,
Pag-aaralan ng administrasyon kung dapat nga bang ipagbawal ang softdrinks sa mga paaralan, tulad sa New York City sa U.S. kung saan bawal sa buong lungsod ang mga nasabing high calorie na inumin.
elementary, secondary at tertiary schools na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGU); public hospitals na inooperate ng mga LGU, at mga bilangguan na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan. (RP)
Bukas umano ang Malakanyang na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng softdrinks sa mga pampublikong paaralan sa bansa upang maiwasan na din ang mga kabataang mag-aaral ang mataas na sugar content ng mga produktong ito. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa umano ang palasyo na pag-aralan na ang naturang pagbabawal subalit kinakailangan pa din umanong ikonsulta ang usaping ito sa Department of Education (DepEd) at sa Department of Health (DOH). “Meron din pong iilan na priba-
dong eskwelahan na hindi po sila pumapayag na magbenta ng soda sa mga kantina nila o saan man sa loob ng eskwelahan dahil mismo sa high sugar content [ng mga produktong ito]. Hindi po ito nakakabuti dun sa mga bata,” paliwanag ni Valte sa isang panayam sa radyo. Sa kabilang dako, suportado din ng Malakanyang ang kampanya ng DOH na ipagbawal na din ang pagbebenta ng mga produkto at pagkain na mataas sa calories sa mga paaralan sa bansa maging ang tamang food labeling sa mga ito. (PA)
balita
4
6,212 Hacienda Luisita farmers, nabiyayaan na ng lupain Ni ROMY PANAHON
Pagkatapos ng 'di mabilang na demonstrasyon at protesta, nagawad na sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang kanilang lupain.
TARLAC CITY, Tarlac--Makaraan ang mahigit 10 taon, tumanggap na nitong nakaraang lingo ang may 6,212 mga magsasaka ng Hacienda Luisita na benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng lupa na pagmamayari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III sa naturang lalawigan. Ang naturang bilang ay mula sa 8,641 bilang ng mga magsasaka na nag-apply bilang benepisyaryo ng lupain ng mga Cojuangco mula noong Mayo 2012. Ito ay
sampung buwan mula nang magpalabas ng kautusan ang Korte Suprema na dapat ipamahagi ang kontrobersyal na lupain. Personal na tinungo ni DAR Secretary Virgilio delos Reyes ang barangay Mapalacsiao, Tarlac City, isa sa mga bayang sakop ng Hacienda Luisita, at doon ay naipaskil ng kalihim ang pangalan ng naturang mga magsasaka na makikinabang sa lupain ng mga Cojuangco. Nilinaw ni delos Reyes sa mga magsasaka na hindi maaaring maibenta sa loob ng sampung taon ang lupaing naibigay sa kanila ng
pamahalaan dahil kung ibebenta nila ay babawiin ito sa kanila ng pamahalaan at may kaukulan pang kasong kakaharapin. Ang bagay na ito ayon sa kalihim, ang ilan sa mga kasunduan na nabuo kaugnay ng ginawang pamamahagi ng lupain sa mga CARP beneficiaries ng Hacienda Luisita. Isa naman ang 63-anyos na lolang si Aling Julieta Garcia na kasama sa listahan ng mga makikinabang sa naturang lupain ang personal na nagpasalamat sa kalihim.
Makaraan ang tatlong buwan, tinanggal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sardine fishing ban sa dalampasigan ng silangan ng Sulu, Basilan Strait at Sibuguey Bay. Mula ngayon, maaaring maglayag sa nabanggit na mga karagatan ang mga mangingisda para makapanghuli ng sardine fish.
Naipatupad noong Disyembre 2012 ang sardine ban sa nabanggit na mga lugar upang mabigyang daan ang pagpaparami ng binhing sardine fish sa lugar at madagdagan ang bilang nito doon. Noong 2012, umabot sa 156,153,51 metric tons ng sardine fish ang nahuli sa naturang lugar na mas malaki kaysa sa
146,835.66 metric tons na huli ng sardine fish noong 2011. Samantala, tumaas ng mahigit na 35 porsiyento ang sardine production sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), mula 4,013.23 metric tons noong first quarter hanggang 6,380.79 metric tons sa ikalawang quarter ng 2012. (RP)
Sardine fishing ban, inalis ng BFAR
MARSO 5-11,2013
Customs collector, dinismis ng Ombudsman MISAMIS ORIENTAL--Ipinagutos ng tanggapan ng Ombudsman ang pag-dismis sa isang kolektor ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Phividec sa Tagoloan, Misamis Oriental dahil sa hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagsasama sa kanyang SALN ang pag-aari ng lupain sa Davao City. Sa siyam na pahinang kautusan, napatunayan ng Ombudsman na si Customs Collector IV Lowell Lomuljo Medija ay guilty sa kasong ‘gross neglect of duty and seriousdishonesty’ kaya’t bukod sa pagkaka-dismis nito sa trabaho ay kanselado na angkanyang eligibility, walang na siyang benefits at hindi na maaaring magtrabaho saanumang tanggapan ng gobyerno. Sa SALN ni Medija, hindi nito isinama ang nabiling house and
lot sa Talomo BucanaMoon land Subdivision sa Davao habang ang anak na si Brian Dexter ay may isa pang lote na nakapangalan dito gayung wala naman itong maaaring pagkunan ng pambili ng lupain. Sinasabing ang asawa ni Medija na si Evelyn ang nagmamay-ari naman ng isa pang residential lot na nasa pangalan nito. Si Medija ay napatunayan ding may piggery sa loob ng 5.5 ektaryang lupang agrikultural na may tanim na mga punong kahoy tulad ng pomelo, saging at mangga, anim na poultry buildings at isang residential lot sa Toril Eden Mountain Haven Subdivision sa Davao. Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni intelligence officer Oscar Moratin ng Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS). (RP)
Mga asong patungong kawali, pinalaya Ni ELVIE LACARAN
Pinagbabawal ng 1998 Animal Welfare Act ang pagkain ng karne ng aso o dog meat.
BATANGAS CITY, Batangas-Nakaligtas sa mainit nakawali at pagkaka-adobo ang sangkaterbang mga aso makaraang maisalba ang mga ito ng Regional Public Safety Battalion4-A ng PNP sa Batangas City. Base sa report ng PNP Region 4-A Director, Chief Supt. Benito Estipona, nakatanggap ng impormasyon ang 2nd Mobile Company ng Regional Public Safety Battalion 4-A nitong nakaraang Huwebes ukol sa mga asong ibibiyahe patungo sa lungsod ng Baguio na gagawin sanang dog meat. Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad atnaharang ang van na may
plakang WRP-965 na nagdadala samga aso, sa kahabaan ng highway sakop ng Dioco highway Lemery,Tagaytay City. Arestado naman ang mga nasa likod ng iligal na operasyon nakinilalang sina Cabrera Generoso Garga 47-anyos, Roneto Medina 35-anyos, at Rosendo Magsino 52-anyos. Lupaypay na ang 24 na mga aso, habang 3 naman ang patay na nangmabuksan ng mga otoridad ang van. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek habang nakatakda namang i-turn-over sa Philippine Animal Welfare Society(PAWS) ang mag asong nailigtas.
ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT advertising@omnibusmediagroup.com
MARSO 5-11,2013
balita
5
PNoy, nangangampanya sa kabila ng gulo sa Sabah?
- Rice Industry, mula sa Pahina 2
Nakasaad pa sa kasunduan na ang lahat ng smuggled rice ay kailangang kumpiskahin ng Bureau of Customs habang ang NFA warehouses ang imbakan nito na may kaukulang bayad. Kapag ang nakumpiskang bigas ay bubuksan sa bidding, ang NFA ay bibigyan ng kapangyarihan na tanggihan o magsagawa ng pagtapat sa offer
para sa highest bidder. Bilang karagdagang safety nets at bilang isang mid-term solution sa smuggling, ang mga rice millers at processors ay nagkasundo na maglagay ng kanilang brand name/s na rehistrado sa NFA upang mabilisang mabubuking ang mga puslit na bigas at masino ang accountabilities.
- Hope Christian, mula sa Pahina 12
top-scorer ng torneyo. Nalimita naman si Lao sa puntos at 5-of-20 shooting mang sa Game 3. Nagharap din sa juniors nals ang dalawang koponang Muli na namang pinasaringan ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay si Pangulong Benigno Aquino III matapos nitong unahin ang pangangampanya sa kanyang ‘Team PNoy’ sa kabila ng gulo na naaganap sa bansang Malaysia, partikular sa Sabah kung saan nasasangkot ang ilang Pilipinong Muslim. Ani Magsaysay, “Dapat mamili si PNoy kung ano ba talaga ang priority niya, patakbuhin ang bansa o maging campaign manager ng Team PNoy. Ano ang mas importante?” Ito ay matapos unahin ng pangulo ang kampanyang ‘Team PNoy’ sa Pampanga, ang tinaguri-
ang balwarte ng mga Arroyo. Isiniwalat naman ni senatoriable Nancy Binay na naiwasan sana ang nangyaring gulo sa Sabah kung binigyan pansin lamang ni PNoy ang liham ni Sultan Jamalul Kiram III na ipinadala kay Aquino noong 2010 patungkol sa pagaako ng karapatan ng Sultanate ng Sulu sa Sabah. Ayon pa kay Binay, sa kalagitnaan ng gulo binanggit ni, Kirama ang tungkol sa sulat, ngunit wala diumano itong natanggap na kasagutan mula sa pangulo. Inamin naman ng pangulo na ang liham ay nawala sa dami ng kanyang papeles.
WORLD NEWS
Ni JANDEL POSION
Ayon pa kay Magsaysay, kandidato ng UNA sa pagka-senador, dapat inuna ng pangulo ang isyu sa Sabah at sinabing kaya naman ng kanyang mga kandidato ang kanilang mga sarili kaysa balewalain ang buhay ng mga Pilipinong nakasalalay. Kinumpirma naman ng mga otoridad ng Malaysia na 12 Pilipino na ang namatay sa nangyaring putukan kamakailan. Dagdag pa ni Magsaysay, “So ngayon, ang tanong ng mga Muslim kay PNoy: kanino ka ba talaga? Are you working for the Malaysian interest or the Filipinos’ interests?”
noong 2011 ngunit nanalo noon 18 ang Xavier School, 2-1. Noong la- isang taon ay nakuha ng Hope Christian ang No.1 spot at nakabfi- alik sa finals ngunit tinalo sila rito ito ng No.3 Chang Kai Chek, 2-0.
- GM Wesley, mula sa Pahina 12
Gayunman, pinaghatian pa rin ng tatlo ang pinagsamang premyo para sa first, second at third place ng torneyo. Sa umpisa ng torneyo ay tangan ni GM So ang Elo rating na 2684 ngunit dahil sa maganda niyang ipinakita sa torneyo ay umakyat sa 2701 ang kanyang rating, ayon sa talaan ng FIDE, ang world governing body ng chess. Ang iba pang nagtapos sa Top 11 ay sina (ayon sa pagkakasunod) GM Anish Giri ng The Netherlands, GM Ivan Cheparinov ng
Bulgaria, International Master Wei Yi ng China, GM Marcin Dziuba ng Poland, GM Ding Liren ng China, NM Yaacov Norowitz ng USA, GM Gawain Jones ng England, at GM Ivan Sokolov ng The Netherlands. Pinaghahandaan na ngayon ni GM So ang paglahok niya sa 2013 World Chess Cup na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5 sa Tromso, Norway. Tanging sina GM So at GM Oliver Barbosa pa lamang ang nakapag-qualify sa 2013 World Chess Cup.
Mga kardinal, dumagsa na sa Roma Rome, ITALY—Patuloy na nagsisidatingan ang iba pang mga kardinal mula sa iba’tibang bansa para makilahok sa pagpili ng bagong Santo Papa matapos magbitiw si Santo Papa Benedito XVI noong Pebrero. Mula kahapon, nagsimula na ang serye ng pagtitipon na kilala sa tawag na general congregations upang pag-usapan ng mga kardinal ang petsa para sa espesyal na eleksiyon o conclave para sa pagpili ng susunod na Santo Papa. Maliban sa petsa ng conclave, pag-uusapan din ng mga kardinal ang magiging direksiyon ng Simbahang Katoliko at kung anong uri ng Santo Papa ang gusto nilang
Mubarak et al, muling lilitisin sa Abril
Bata, naglikom ng pera para sa kaibigan
EGYPT—Isang korte sa Egypt ang nagtakda ng bagong paglilitis sa dati nitong lider na si Hosni Mubarak, ang kanyang mga anak at mga opisyal noong panunungkulan niya, na isagawa siyam na araw bago ang eleksiyon ng parliamento sa susunod na buwan. Ayon kay Samir Abu el Maati, ang pinuno ng Appeals Court, nakatakda ang bagong paglilitis sa Abril 13. Napatalsik sa pwesto si Mubarak matapos na mabilanggo sa kasong pag-utos sa pagpatay sa mga demonstrador, samantalang ang mga anak at ibang opisyal sa kanyang adminstrasyon ay humaharap sa kasong katiwalian at paggamit ng pampublikong pondo.
UNITED STATES — Isang pitong taong gulang na bata sa Amerika ang tumutulong ngayon sa kanyang kaklase sa pamamagitan ng paglikom ng 30,000 dolyar para makahanap ng gamot para sa kakaibang sakit ng kaibigan. Kahit nasa grade one palang si Dylan Siegel, hindi ito naging sagabal sa paglilikom ng pera para sa pagsasaliksik ng lunas para sa kaibigan nito na si Jonah Pournazarian na naghihirap dahil sa kakaibang sakit sa atay na wala pang lunas na naiimbento. Sinimulan ni Dylan na magsulat ng libro na pinamagatang Chocolate Bar at ipagkaloob ang kanyang mga
makita. Sa panayam kay Fr. Federico Lombardi, ang tagapagsalita ng Vatican, mahigit 75 na kardinal na ang nasa Roma mula Linggo, samantalang may iilang kardinal pa ang paparating, at may kabuuang 141 kardinal ang dadalo. Pinahayag naman ni Fr. Lombardi na hindi pa naisasaayos ang Sistine Chapel kung saan magpupulong ang mga kardinal para sa conclave Sa ngayon, nakabibisita pa rin ang mga turista at mga peregrino sa Sistine Chapel na kilala dahil sa kisameng pininturahan ni Michelangelo.
nalikom sa mga mananaliksik nitong nakaraang tag-lagas. Sa panayam naman kay Mr. Siegel, ama ni Dylan, sinisimulan na din trabahuin ng kanyang anak ang kanyang layunin na makapagpondo ng isang milyong dolyar. Nagbigay din ng kanyang mungkahi si Mr. Siegel na gumawa nalang sila ng lemonade pero mas gusto talaga ng kanyang anak na magsulat ng libro para sa suportang gusto nitong ipaabot sa kaibigan. Sa ngayon, ang Chocolate Bar ay nakalikom na ng mahigit 30,000 dolyar sa mga events, sales at mga donasyon mula sa Facebook at mula sa isang website na nakalaan para sa kanyang hangarin.
editoryal
6
MARSO 5-11,2013
OMNIBUS communications for asia foundation inc. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc. You can reach us through the following: Mobile number: +639064992537 Email: info@omnibusmediagroup.com Website: www.tapatPH.com All rights reserved 2013
Team Buhay at Team Patay, tama lang
Editoryal
P
inatunayan ng diyosesis ng Bacolod ang banta nito na idadaan sa eleksyon ang pagpapatuloy ng laban sa kontrobersyal na Reproductive Health Law o R.A. 10354. Matatandaang lampas sampung taon na paulit-ulit sinubukang ipasa ang panukala at paulit-ulit din itong nababasura. Nitong nakaraang Disyembre, sa direktiba mismo ng Palasyo matagumpay na naigapang at naipasa ang naturang panukala. Nakakabit dito ang pangakong dagdag pork barrel para sa papabor at kabawasan o kawalan naman ng PDAF para sa tutol dito. Hindi na bago na tuwing may ipinapasang batas patungkol sa paggugol ng pondo, kasunod nito ang pagpataw ng buwis upang maisakatuparan lamang ang pagpopondo nito. Ang pagpasa sa Sin Tax law ay sinasabing magiging tulay upang mapondohan ang RH law na naglalayong gastusan ng higit sa labing tatlong bilyong piso ang pills at condom. Bakit tama lang ang bansag na Team Buhay at Team Patay? Una, papatayin na
‘Catholic vote’ siguradong buhay ang maninindigan para sa turo ng Simbahang Katolika at patay ang mga pumili sa pildoras at kondom. Sa ating pananaw, mga kababayan, napapanahon na rin na piliin natin ang mga kandidato na may takot sa Diyos. Ang ginawa ng diyosesis ng Bacolod ay isang pagpapaalala sa mga mananampalataya na matagal na ring nadadaya ng popularidad at pangako. Siguro din naghahanda lamang ang Simbahang Katolika sa mga maaari pang itulak na panukala gaya ng aborsyon, diborsyo, euthanasia o ang legal na pagpatay sa mga may sakit at walang pakinabang o sa mga nakatatanda, at ang kasal para sa parehong kasarian. Hindi na kaila sa atin na ang mga nagtulak ng RH bill para maisabatas ay siya ring mga gumagalaw para maipasa ang mga nasabing panukala. Ikaw ba, kabayan, pabor ka ba sa Team Buhay o sa Team Patay?
“Sa dami ng mga Katoliko sa ating bansa -- na tinatayang nasa 80% ng kabuuang populasyon -- kung matutuloy ang sinasabing ‘Catholic vote’ siguradong buhay ang maninindigan para sa turo ng Simbahang Katolika at patay ang mga pumili sa pildoras at kondom.” naman tayong mga mamamayan sa karagdagang buwis na magpapamahal sa bilihin. Ikalawa, patay na naman ang mga Pilipinong nangangailangan ng libreng gamot na nagpapagaling at hindi nakapapatay gaya na lamang ng paracetamol at antibiotics. Ikatlo, patay pa rin sa kahirapan ang ating mga kababayan dahil pagkain, damit at bahay ang kanilang kailangan, ngunit pinili ng ating gobyerno na gastusin na lamang ang bilyon-bilyon sa pills at condom. Ikaapat, sa dami ng mga Katoliko sa ating bansa -- na tinatayang nasa 80% ng kabuuang populasyon -- kung matutuloy ang sinasabing
MARSO 5-11,2013
opinyon
GRASSROOTS Leonardo Q. Montemayor
A fresh approach to coconut industry development
Amid the rosy reports on the economy’s expansion in 2012, one senses uneasiness and even dismay over the lack of growth in jobs and incomes as well as the widening gap between the rich and the poor. A particularly worrying scenario is playing out in the countryside. Take the case of the predominantly coconut-producing areas, which account for around a quarter of the country’s population. Around five years ago, the price of copra was at the 50-pesos-perkilo level. Coconut farmers were ecstatic. Today, the price hovers around the 10-peso mark. Given a national pro-
duction average of 1,000 kilos of copra in one hectare of coconut land, a typical farm family is currently earning about P10,000 a year. That’s about P833 a month, or less than P30 per day! Even if some intercropping and side jobs enable the doubling of a family’s daily income to P60, that amount will still not suffice to keep body and soul together. This dire situation need not, and should not, prevail. For one thing, the coconut levy funds have been freed after many years of litigation. Some P70 billion are now held in trust by the national treasury for the benefit of the coconut farmers and the
ALAGAD Anthony Perez
Bobotante ka ba? Hayaan ninyong isulat dito ang sinulat ng aking kaibigang si Rogie Ylagan ng Antipolo tungkol sa eleksyon. May sundot sa konsensya dahil marami sa atin ay guilty at tatamaan sa kanyang sinulat. Marami sa atin ang umaangal bakit hindi umuunlad ang Pilipinas at bakit mahirap pa rin ang buhay. Kung minsan nyo na ring sinabi ang ilan sa mga ito, mag-isip-isip na tayo...baka nasa atin ang problema. Paulit-ulit na tayong sinasabihang vote wisely. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahalal si wisely, dahil pinapairal
natin ang ating pagiging bobotante. Ang sabi ng bobotante: 1. “Sayang ang boto ko, di naman ‘yan mananalo.” Ginawa mong sugal ang boto mo. Dahil dehado, kahit tingin mo eh ok naman, hindi mo iboboto. Ngayon binoto mo yung kahit ayaw mo pero at least malaki chance manalo. Ok congrats, panalo ka. Para kang tumaya sa karera ng kabayo o sabong. Panalo ang tinayaan mo. Ano ngayon premyo mo? Ilang taon ka na bumoto ng ganyan, malaki na ba nap-
7
entire coconut industry. This huge resource, coupled with innovative approaches to develop the industry, can bring about a radical transformation in the coconut sector. An idea that has been gaining ground is that farmers should no longer focus on copra as their main product. The argument is that reliance on copra and its main derivative – crude coconut oil – is a prescription for perpetuating the poverty and joblessness in coconut areas. This is not only because coconut oil is a minor player and price taker in the global market for vegetable oils, but also because so many other valuable parts and features of the coconut are being ignored and wasted. One initiative has been dubbed by some as the “fresh coconut” (FRESCO) industry development approach. Unlike in the traditional set-up, where farmers concen-
trate on just producing dried coconut meat, the FRESCO model will empower the coconut farmer by developing and processing the coconut in its entirety. Out of the coconut husk will emerge durable plant pots, anti-soil erosion nets, and soil conditioning peat. The coconut shell will be the raw material for activated carbon. Water from the mature coconut is a rich source of vitamins, minerals and amino acids. Coconut farmers and their families should be encouraged to drink it or use it in for their cooking needs. The water from the mature coconut can also be processed into natural sports/isotonic beverages more nutritious than the synthetic drinks now monopolizing the market. Alternatively, evaporated coconut water yields an equally nutritious concentrate that is tastier than premium soy or oyster sauce. Furthermore, 3040% of the white liquid
analunan mo? O ganon pa rin sitwasyon mo? 2. “Wala pa naman silang napatunayan. Mga bago lang ‘yan. “ Kaya bumoto ka ng pamilyar na pangalan. Sila uli, dahil sabi nga tutal may napatunayan na sila. May karanasan na. At naranasan mo na rin ang hirap. At marami ring may karanasan na sa pangungurakot, expert na. Mahirap nang hulihin.
naka-log in sa Facebook pero yung pagbasa man lang ng profile at list ng mga kandidato online, di mo magawa. Tapos rereklamo ka ng kung sino-sino ang nananalo.
3. “Di ko kilala mga kandidato. Bahala na sa makikita ko sa balota.” Napakaraming mga web pages tulad nito na nagpapakilala sa mga kandidato. Pag bibili ka ng cellphone, nagre-research ka pa ng sandamukal at nagtatanong-tanong ka kung ano ang okey na bilhin. Naghahanap ka pa kung san ka makakamura. Andami mong oras na
(called “gata”) resulting from squeezed coconut meat can be separated as fresh or virgin coconut oil, which can be used for cooking, beauty and health care, among others. In turn, skimmed coconut milk can be made into delicious lactose-free beverages, ice cream, butter, cheese and other dairy products. The residual “sapal” or coconut flour can be mixed with wheat flour for baking. Under the FRESCO model, these various byproducts from the whole coconut will be produced by a national network of farmer-owned, village or municipal level processing plants. It will not be unrealistic to project that farmers’ incomes and job opportunities will multiply many times. Utilizing the coconut levy funds now in government’s hands for this purpose will therefore be money wisely invested for the sustained benefit of coconut farmers and the entire Filipino people.
galingan ay hindi dapat maging kaisa-isang basehan ng pagboto. Hindi porke ganito o ganyan ang trabaho nila, iboboto o hindi na sila ang iboboto. Puede itong maging batayan. 4. “Boto ko ‘tong Pero marami pang anak/kapatid/asawa/ ibang puedeng gawing pinsan ni kwan. Ok panukat kasama nito. naman kasi siya kaya malamang ok din 6. “Di na ko boboto, itong kadugo niya.” wala rin naman magHindi tamang man- babago.” ghusga dahil lang sa Ok lang yan, pero kadugo. Maaari itong huwag ka ring masyamakaapekto, sang ayon dong mag-reklamo. Daako dito. Puedeng sa hil ang di mo pagboto, mabuti, puede ring sa katulad na rin ‘yan ng masama. Pero kung ito pagsuporta mo sa taong lang ‘yung dahilan mo ayaw mong manalo. para iboto o hindi iboto Ang di mo pagboto, ay ang isang kandidato, ito hindi direktang pagboto ay tatak ng pagiging bo- sa kandidatong di mo botante. gusto. Tandaan: nasa inyong 5. “Artista/atleta/ mga kamay ang kinabuekonomista/sikat ‘yan, kasan ng ating bansa at kaya iboboto/hindi ko ng iyong pamilya. Magyan iboboto.” ing mapanuri sa pagTulad ng dugo o lahi, pili ng iboboto ngayong ang trabahong pinang- Mayo.
THE DREAMER Paul Edward Sison
Sagrado sa Pilipino ang ating Ina May kasabihan tayo – “libre ang panaginip” o “libre ang mangarap.” Kung kaya’t sisikapin natin na ibahagi sa inyo ang mga panaginip o pangarap ng ordinaryong Pilipino sa munting bahagi ng pahinang ito. Nawa’y magsilbing paalala, inspirasyon o dahilan para makapagmuni-muni tayo sa mga bagaybagay na bahagi ng ating pang araw-araw na buhay. Tulad na lang halimbawa ng pagiging matriarchal society ng Pilipinas. Tutuo ba na sa karamihan ng pamilyang Pilipino … ang ama ang hari, pero ang ina ang alas? Karaniwa’y dinadaan sa biro ang katagang ito ngunit napaka-makatotohanan ano po? Aminin na natin na napakalaki ng impluwensiya sa atin ng mga babae sa ating buhay tulad ng ating mga nanay at lola. Kaya nga ang daming Pilipino na Mama’s Boy eh. Mapalad tayo na mataas ang tingin at respeto natin sa ating mga kababaihan. Di tulad ng ibang bansa. Masisisi ba nila tayo kung napakahusay ng ating ina at lola, ng ating mga guro na nagturo sa atin mula pre-school, ng ating mga yaya at kasambahay, at pati marahil ang mga nars na nag-alaga sa atin kung tayo ay may sakit? Nakita naman ninyo, saan mang lupalop ng mundo … pinupuri ang kanilang kakayahan at paraan ng pag-aalaga. Very affectionate kasi ang ating kababaihan.
“Mapalad tayo na mataas ang tingin at respeto natin sa ating mga kababaihan. Di tulad ng ibang bansa.” Alam ko na ang nasa isip mo … “ang ating ina, isusubo na lang … ibibigay pa sa atin.” Marami diyan imbes na sarili ang isipin at bumili ng kung anu-ano para sa kanya tulad ng mga bagong damit, make-up, sapatos, atbp. ay mananatiling napaka-simple para lang may pambiling pasalubong para sa mga anak. Sigurado ako, bawat isa sa inyo may mga kuwento tungkol sa kadakilaan ng inyong ina – kung paano siya nagmalasakit, kung paano niya isinakripisyo ang sariling kapakanan para sa inyo at inyong pamilya. Kaya nga mahal na mahal natin ang ating mga ina. Lalo na’t “Honor thy Father and thy Mother” ang kabilin bilinan ng sampung utos. At masakit sa atin kung babastusin, iinsultuhin, at lalapastanganin ang ating minamahal na ina. Tama po ba? Manhid na lang siguro ang hindi maaapektuhan. Kung tayo’y nasasaktan … ganun din kaya si Hesus sa kanyang ina?
tampok Tagalog? Ingles? Parehong narito! 8
MARSO 5-11,2013
Ni DIANA UICHANCO
M
ababa ba ang grado ng anak mo sa Filipino? Hirap ba siyang intindihin ang mga aralin at homework dahil Ingles ang ginagamit niyo sa bahay? O baka naman sa Tagalog siya sanay kaya’t tagilid siya sa English at Reading. Kung nakakapagsalita lang ang mga librong pambata, malamang humihiyaw na sila para mapansin mo dahil kung sa Ingles o Tagalog man nangangapa ang bata, mababasa niya ito at mag-e-enjoy pa siya pihado. Bilingual ang maraming aklat na inilalabas ng ilang taon na ngayon ng iba’t ibang tagalimbag – may English at Tagalog translation sa bawat pahina kaya’t ma-e-engganyo ang nagbabasang alamin ang kahulugan ng mga salita’t pangungusap sa lenggwaheng hindi pa niya masyadong nakakabisa.
“Puwede naman silang matuto ng Ingles at Tagalog sa TV,” sabi siguro ng iba. Ngunit marami na ring mga pag-aaral ang nagpapakitang mas maraming benepisyo ang pagbabasa kaysa panonood ng telebisyon, lalong lalo na para sa mga bata. Sa telebisyon, nasasanay ang nanonood sa mabilis na paggalaw ng mga images, at ito ay nakakaapekto sa kanyang attention span. Ang resulta? Madaling mainip, hirap sa mga gawaing nangangailangan ng “concentration” tulad ng pakikinig sa klase, pag-aaral ng leksyon at iba pa. Sa mga aklat, nahahasa ang bata sa pagbasa upang malaman at intindihin ang kuwento. Kung sa TV ay nasasanay ang batang tumanggap ng impormasyon ng nakatitig lang sa screen, sa pagbabasa ng
Pera-pera lang ‘yan
S
ubukan mong mag-ikot sa grocery habang gutom ka. Kung di mo pa ito nagagawa, makikita mong tila gusto mong bilhin lahat ng mukhang katakam-takam. Totoo nga ang sinasabi ng mga eksperto sa psychology na kapag namimili sa tindahan ng wala ka sa ayos (may dinaramdam, galit, sobrang gutom atbp.), apektado ang pagpapasya at malamang hindi pinag-iisipang mabuti ang pagpili ng mga bilihin. Mabuting alamin ang mga wastong kaugalian sa paghawak ng pera, kasama na dito kung paano mag-desisyon ng wasto pagdating sa paggastos. Heto ang mga sagot ng ilang tao sa tanong na ito:
libro ay mas pinaghihirapan. Eh ano ngayon? maaaring tanong mo. Parang walang halaga ito ngunit malaki ang nagagawa nito sa paghubog ng mga mabuting asal sa isang bata, tulad ng tiyaga at pasensiya. At masasabi nating kailangan ng mga asal na ito upang magtagumpay sa buhay, hindi ba? Wastong kaalaman, mabuting asal Kung ikaw ay ama o ina ng mga batang maliit, pihadong napapansin mo kung minsan na may napupulot silang mga dimabuting ugali at napakahirap tanggalin ng mga ito. Sa mga kalaro ba nila napulot ‘yon? Sa eskwela? Sa mga palabas sa TV? Kahit saan pa man, hindi mo mapipigilang maexpose ang mga anak mo sa iba’t ibang uri ng mga tao’t pamamaraan –maliban na lang kung ikulong mo sila sa bahay araw-araw
Napapagastos ka ba ng hindi inaasahan?
Una, isulat ang mga talagang kailangang bilhin. Ikalawa, alamin ang halaga ng mga iyon. Ikatlo,magdala ng pera na sapat lang para sa mga talagang kailangan. Ikaapat, bilhin agad ang mga nakalista at umalis na, habang iniisip ang swerte sa natipid na panahon. Ikalima, gamitin ang oras na natipid para sa bagay/hobby na gustong-gusto mong gawin. - Theresa Bambao, guro
Kapag may gusto akong bilhin, tinatanong ko sarili ko kung ito ba ay kailangan (need) or gusto (want) ko lang. Kapag ito ay kailangan, bibilhin ko ito dahil ito ay importante. Kapag ito naman ay gusto ko lang kasi bago o uso, nagdadalawang isip ako. Ganyan ang Ano ang strategy mo para di ka napapagastos ng naging pamantayan ko, lalo na nuon ako ay naging di kailangan sa palengke, grocery o mall? estudyante sa ibang bansa. - Ferdie Maglalang, manunulat Bago kami pumunta sa mall, kinakausap muna namin ang mga bata para alam nila kung bakit kami Sinusulat ko lang sa listahan kung ano’ng mga kailanpupunta doon at di mamimilit na bumili ng kung gan ko. Tapos sinisiguro kong ang perang nasa wallet ko anu-ano. Halimbawa, sasabihin namin ‘Kailangan ay sapat lang para sa kailangan kong bilhin. nating bumili ng sabon at shampoo at pwede kayong - Dominic Barrios, photographer magtingin-tingin. Pero yun lang ang bibilhin natin.’ Kapag pupunta kami sa grocery, may listahan kaming Bago pa man ako pumunta sa grocery store/palengke, dala. nililista ko na lahat ng “kailangan” kong bilhin, at -Mara Esguerra, ina ng 4 kasama na doon ang pagba-budget. Kung magkano lang yung nasa listahan, yun lang more or less yung Huwag gumamit ng credit card at huwag magdala ng perang dadalhin ko, para makaiwas na rin sa paggastos cash o basta yung tamang cash lang kapag wala ka na- sa mga hindi importanteng bagay. Kapag may kauntmang balak bilhin o hindi mo kailangan yung gusto ing sobra sa pera, tsaka lang ako bibili ng mga wala sa mong bilhin. Kung may gusto kang bilhin pero hindi listahan. Ang mahalaga, pasok sa budget, at alam ko ka sigurado, maghintay ng tatlong araw hanggang yung priorities ko sa paggastos. isang buwan bago mo bilhin. - Lobelea Barrion, estudyante - Francis Bautista, sales executive
at itapon ang TV at mga diyaryo! Ngunit ang maaaring mong gawin ay dagdagan ang pinanggagalingan ng wastong kaalaman at mabuting asal na nasa paligid nila. Maliban sa iyo, ang mga babasahin ay makapagtatanim ng mga aral na gagamitin nila habangbuhay. Ang Adana House, Hiyas, at Lampara ay ilan lang sa mga naglilimbag ng mga aklat na kwentong pambata. May mabuti nang aral at wastong kaalaman na maibibigay sa mga anak mong maliit, mahahasa pa sila sa Ingles at Pilipino! Pati mga kwento ay nakakaaliw kung iisa-isahin mo ang mga libro, kaya’t kahit wala si Lola Basyang na magkukwento sa mga bata, magiging masayang bonding ninyong pamilya ang storytelling gamit ang mga aklat na ito.
MARSO 5-11,2013
tampok
9
Manhid ka ba?
mang lupalop kayo gigimik. Tanda ng kawalan ng modo ang pagsasalita ng malakas sa mga pampublikong sasakyan, ganun na rin ang pagpapatugtog ng malakas. Hindi bawal magkwentuhan, mga katoto. Pero kung magkukwentuhan ay huwag naman sanang parang nasa kabilang bundok ang kausap sa lakas ng boses.
Guhit: NICOLE BAUTISTA
Ni ANTHONY PEREZ
M
ay mga bagay tayong ginagawa (o hindi ginagawa) na akala natin ay hindi napapansin ng kahit na sino man. Mga simpleng bagay na pinalalampas natin o hindi masyadong binibigyan ng halaga, ngunit lumalabas na napaka-importante pala. Mga bagay na kapag napabayaan natin ay nakadudulot ng abala o inis sa ibang tao. Ang lagay eh, kailangan nating makisama—yung wastong uri
ng pakikisama ha. Kahit na ba mas madaling gawin kung ano lang ang gusto mo, tandaang hindi ikaw ang iniikutan ng mundo. Naalala mo pa ba ang Golden Rule? Gawin sa iba ang nais mong gawin din sa ‘yo. Bakit mahalaga ito? Dahil mahalaga ang tao, kaya’t mahalaga rin kung pa’no natin sila pakitunguhan. Kung nakikita mo ang sarili mo sa listahang ito, manhid
ka nga! Buti na lang habang may buhay ay may pag-asang baguhin ang kailangang baguhin!
2. Ang pagpapatugtog ng videoke sa dis-oras ng gabi. Kailangan pa bang ipaliwanag ito? Oo, masayang magkantahan. Pero igalang natin ang oras ng tulog ng mga tao. May mga taong sadyang manhid, umaabot hanggang umaga ang kanilang sintunadong pagkanta ng Skyline Pigeon. Please naman, isipin din natin ang kapakanan ng iba na pagod na pagod sa trabaho at gusto nang matulog lalo na’t may pasok pa kinabukasan. 3. Ang hindi pagligo o pagsipilyo. Alam niyo bang manhid na tayo sa sarili nating BO or body odor, o sa madaling salita ay anghit? Oo. Hindi natin mapapansin kung tayo ay nangangamoy na, pero yung katabi natin sa jeep, maaamoy niya na isang linggo ka nang hindi naliligo. Ganun din ang hindi pagsipilyo. Huwag na nating hintaying mag-biro ang ating mga kasama na tulad nito: “Pare, alam ko ang ulam ninyo kanina. Pusit! Naaamoy ko pa eh.”
1. Ang pagsasalita ng malakas sa pampublikong sasakyan, lalo na kung ikaw ay nasa sasakyang tahimik tulad ng LRT, MRT, o FX. Hindi na namin kailangang malaman kung sino ang nakabuntis kay ganyan, o kung bakit iniwan ni ganito si ganyan, o kung saan 4. Ang hindi nagsasabi ng
“thank you.” Magpasalamat sa lahat ng bagay, maliit man o malaki. Isa yan sa katangian ng mga Pilipino na hindi dapat tinatalikuran o kinakalimutan. Madalas kasi, nakakaligtaan nating magpasalamat. Tanungin ninyo yung nagbigay ng kanyang upuan sa bus o LRT kung ano ang pakiramdam ng hindi napasalamatan. Tayo ay nagpapasalamat hindi lang bilang ganti sa gumawa sa atin ng kabutihan; ito ay tanda rin ng sibilidad. Ugaliing magpasalamat kahit sa mga nagsisilbi sa atin. 5. Ang hindi nagre-reply sa text. May mga taong hindi sanay magtext. Kaya kapag tayo ay nakatanggap ng text, magkaroon naman tayo ng konting pag-unawa sa pagod nila kaka-text sa inyo sa cellphone at mag-reply. Kung walang load, maki-text muna sa iba. Ganun din sa tawag. Handa siyang gumastos para lang makausap ka, at may dahilan siya na tumawag at kausapin ka kahit na pwede naman niyang i-text. Tawagan mo siya kung nagmiss call siya, o mag-text man lang para tanungin bakit siya napatawag. Ang hindi marunong mag-reply ay may kakulangan sa konsiderasyon sa ibang tao. Ilan lang ‘yan sa mga halimbawa ng pagka-manhid, at siguradong madagdagan niyo pa yan. Huwag naman sana tayo maging manhid; mas masaya ang buhay kung maging sensitibo tayo sa pangangailangan ng bawat isa.
Mainit-init na paalaala para sa FIRE PREVENTION MONTH Ni MICHELLE S. NICOMEDES
Noong mga panahon kuweba at gubat pa ang tirahan ng karamihan ng tao, ang pag-diskubre ng apoy at, pagtagal, ang mga paraan ng pagsindi ng apoy ang siyang nasa isip ng mga mamamayan. Walang pangangailangan para sa tulad ng “Fire Prevention Month” noon, pero malaki at
marami na ang mga pagbabago sa buhay ng tao. Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month kung kaya’t nagkakaroon ng mga programa at paalaala tungkol sa halaga ng seguridad laban sa sunog. Nagkaroon ng pagkakataon ang Tapat na makausap ang isang tagaBureau of Fire Protection national headquarters na si Fire Officer 2 Laurence Firmanes. Binigyan niya kami ng ilang tips para makaiwas sa sunog. Ilan dito ay ang maingat na pagsusuri ng mga binibiling electrical appliances at ang maingat na pagpili ng mga electrician na magsusuri ng mga electrical wire sa inyong bahay. “Pag bibili kayo ng electrical appliances, dapat mayroon nakalagay na seal ng ICC. And seal na ito ang nagpapatunay na ang binibili niyong appliances ay nasuri ng DTI,” sabi ni Firmanes.
“Huwag kayong magtitiwala sa mga hindi lisensyadong electrician para lang makatipid, “dagdag pa niya, “dahil ang paggamit ng mababang klase ng materyales ay puwedeng maging sanhi ng ikasusunog ng iyong bahay.” Ito pa ang ilang mga karagdagang mahalagang tips upang makaiwas sa sunog:
sumabog at pagmulan ng sunog. buti ay patayin mo na muna ang Ugaliing bumili sa mga subok na iyong sigarilyo sa ash tray o kaya dealer para sa inyong seguridad. ay ubusin mo na muna bago ka pumwesto sa hihigaan mo. 2. Huwag mag-iwan ng nakabukas na apoy ng walang magbaba- 4. Mag-ingat sa mga nakasindntay nito. Kung kailangan mo ta- ing kandila o gasera – isa sa lagang iwanan ang iyong niluluto, mga pangunahing pinagmupuwede namang patayin muna mulan ng sunog. Ilagay sa hindi ang apoy o kaya’y hinaan ito kung abot o matatabig ng mga bata o saglit ka lang aalis. Tatagal nga ang alagang hayop. Kung kailangan 1. Suriing mabuti ang mga iba’t pagluluto mo, pero mas mahalaga mong umalis, patayin muna ang ibang gamit sa loob ng bahay na naman ang seguridad ng pamilya apoy, at sindihan nalang muli sa may malaking posibilidad na mo. iyong pagbalik. pagmulan ng sunog. Isa dito ay ang electrical wires – ang pangu- 3. Iwasan ang mahiga ng may 5. Itago sa wastong lugar ang nahing pinagmumulan ng sunog. hawak na nakasinding sigarilyo. mga bagay na madaling magliMabuti na ang manigurado – ku- Alam naman nating nakaka-engg- yab, tulad ng alkohol, gasolina muha ng electrician para suriin anyong matulog basta’t nakahiga, at pintura. Ilagay ang mga ito sa ito. Isa pang kailangang bigyang at kung ‘yan nga ang mangyari, lugar na kung saan hindi mabibipansin ay ang LPG o liquified pe- baka mahulog pa ang sigarilyong lad sa araw at sa bahagi ng bahay troleum gas. Huwag mapanatag nakaipit sa mga daliri o kaya na kung saan hindi labis na nana maglagay sa bahay ng tangke ng madikit sa anumang madaling ka- giging mainit. Isang mabuting LPG na panay kalawang dahil ito pitan ng apoy. Kaya kung pagod gawin ay ilagay sa labas ng bahay ay may malaking posibilidad na na at gusto nang matulog, ma- ngunit may lilim.
libangan
10
MARSO 5-11,2013
Gising na!
Hindi mo ba naririnig ang alarm mo tuwing umaga kaya palagi ka na lang late sa trabaho? Puwes, subukan mo ito: ilagay ang alarm clock Bawal: amoy bawang! sa loob ng aluminum na kaserola. Para matanggal ang amoy ng bawang sa Pagtunog nito, malamang magigiskamay mo, kiskisin ang kamay sa gamit na ing ka agad! giniling na kape (used coffee grounds).
Ayaw sumulat na bolpen
Di ba kung minsan ayaw sumulat ng bolpen? Para dumaloy ang tinta, maglagay ka ng nakasinding posporo sa ilalim ng dulo ng bolpen. Pero ikut-ikutin ang bolpen para hindi matunaw ang plastik.
Instant icepack
Basta’t may bata sa bahay, kailangang may nakahandang icepack palagi dahil pihadong may magkakaroon ng bukol o pasa. Kung nagtatago ka ng yelong nasa plastik sa freezer, palaging mag-reserba ng isa para sa ganitong pangangailangan kung mayroon mang madapa, mabunggo o mauntog. Bago i-apply sa balat, ibalot sa malinis na basahan o tuwalya.
TAPAT HIRING May isang uri ng hayop na kung saan ang lalaki – hindi ang babae – ang nagdadala ng supling sa katawan bago isilang. Anong hayop ito? Clue: Hayop sa karagatan ito! Gaano katagal pagkatapos ng conception nagsisimulang tumibok ang puso ng bata sa sinapupunan? a) 18 araw b) 4 na linggo c) 5 buwan d) 6 na buwan Ano ang bumababa at tumataas ngunit hindi gumagalaw? Bakit ang lahat ng manhole ay bilog at hindi kwadrado? (Hindi ito bugtong)
ACCOUNT EXECUTIVE
- Graduate of Mass Communication or any related course - Willing to work under pressure and able to meet deadlines - Willing to extend hours to finish deadlines - Excellent oral and written communications skills - Good interpersonal skills - Team player - Computer Literate - Attentive to details - Passionate, hard working and well organized professional with ability to prioritize and multitask - With pleasing personality
Email your resumes to: info@omnibusmediagroup.com
May isang lalaking puro itim ang suot: itim na pantaas, itim na polo, pantalon, medyas, sapatos, jacket. Nakasuot din ng itim na gwantes. Siya’y naglalakad sa isang kalyeng aspaltado, at lahat ng street light ay nakapatay. Isang itim na sasakyan – nakapatay ang headlights – ang humahagibis papalapit sa lalaki, ngunit ito’y tumigil ng hindi nabubundol ang lalaki. Paano nakita ng drayber ang lalaki? 1. Seahorse 2. a) 3. Temperatura 4. Ang kwadradong takip ng manhole ay maaaring ihulog ng palihis (diagonally) sa butas. Kung bilog ang manhole, hindi maaaring ihulog ang takip sa butas. Kaya’t para sa seguridad at kaligtasan, ang lahat ng takip ng manhole ay dapat bilog. 5. Nangyari ito during daytime
12
Kape at Gatas magtutuos sa PBA
sports
MARSO 5-11,2013
Editor, MENERE RICAMATA NASIAD
Games (March 6) - Smart Araneta Coliseum 5:15 p.m. - Air21 vs Meralco 7:30 p.m. - SanMig vs Alaska
Kape kontra Gatas. Iyan ang matutunghayan sa pagtatapat ng SanMig Coffee at Alaska Milk sa PBA Commissioner's Cup Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Bukod sa paghugot ng ikatlong panalo sa anim na laro ay puntirya din ng SanMig Mixers na mabahiran ang malinis na kartada ng Alaska Aces na hindi pa natatalo sa limang laban. Patuloy na aasa ang SanMig sa import nitong si Denzel Bowles na siya ring naghatid sa kanila sa kampeonato sa naturang torneyo noong isang taon. Huhugot naman siya ng suporta kina Joe Calvin Devance, Marc Pingris, Mark Barroca, Peter June Simon at ang two-time Most Valuable Player (MVP) ng liga na si James Yap. Galing sa dalawang sunod na panalo ang SanMig laban sa Talk 'N Text, 90-82, noong Pebrero 24 at kontra GlobalPort, 91-84,
TEAM STANDINGS
Alaska Petron Rain or Shine Barako Bull SanMig Coffee Meralco Talk 'N Text GlobalPort Air21 Ginebra
W 5 5 4 3 2 2 2 2 1 1
L 0 1 1 3 3 3 3 4 4 5
noong Sabado sa Jesse Robredo Coliseum sa Naga City. Hindi naman magiging madali para sa Mixers na masungkit ang ikatlong diretsong panalo dahil mabigat na kalaban ang nangungunang Aces. Ang Alaska ay patuloy na sasandal kina JVee Casio, Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Joachim Thoss, Gabe Espinas at import na si Rob-
ert Dozzier. Ang Alaska ay galing sa nakabibilib na 92-69 panalo kontra sa reigning Philippine Cup champion Talk 'N Text noong Biernes. Sa larong iyon ay limang manlalaro ng Alaska ang umiskor ng double-digit sa pamumuno ni Dozzier na nagtapos na may 23 puntos bukod pa sa 18 rebounds at limang assists. Sa isa pang laro sa Miyerkules ay magkakasubukan naman ang Air21 at Meralco. Ang Air21 Express ay galing sa 53-60 kabiguan laban sa Petron Blaze noong Biernes habang naungusan naman ng Meralco Bolts ang GlobalPort, 90-89, noong Pebrero 24. Samantala, noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum din ay tinambakan ng Petron ang Barako Bull, 91-78, at binigo naman ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra, 96-93.
Paeng Nepomuceno muling kinilala ng Guinness Records
SA edad na 56 ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bansa si Rafael "Paeng" Nepomuceno. Kamakailan ay muling kinilala ng Guinness World RecordS ang champion bowler ng Pilipinas. Tatlong Guinness World Record ang hawak ni Nepomuceno at isa rito kanya pang pinalawig. Nasa lumang talaan ng Guinness ang 118 kabuuang titulo na napanalunan ni Nepomuceno sa buong mundo at ito ay itinaas ng Guinness sa 124 matapos na kilalanin ang anim pang kampeonatong kanyang napanalunan. Kabilang sa mga titulong idinagdag sa record ni Nepomuceno ay ang 2008 South Pacific Classic sa Melbourne, ang 2010 Bowling World Cup National Finals at ang 2011 Philippine International Open. Hawak din ni Nepomuceno ang Guinness World Record bilang youngest world bowling champion nang manalo siya sa 1976 Bowling World Cup sa Teheran, Iran
sa edad na 19. Siya rin ang katangi-tanging manlalaro na nanalo ng world bowling titles sa tatlong dekada. Bukod sa 1976 ay nakopo rin ni Nepomuceno ang kampeonato sa Bowling World Cup noong 1980, 1992 at 1996. “It’s truly a big honor for me and the country to be listed for the third time in the Guinness World Records,” sabi ni Nepomuceno, ang pinakabatang Pinoy na nanalo ng international bowling championship sa edad na 17. Noong 1999 ay nahirang si Nepomuceno bilang Bowling Athlete of the Millennium ng FIQ, ang world governing body ng bowling. Siya rin ang kauna-unahang male bowling athlete na maluklok sa World Bowling Hall of Fame. Mayroon din siyang life-sized image na naka-display sa entrance ng Hall of Fame and Museum sa Arlington, Texas.
GM Wesley So unang Pinoy na naabot ang 2700 Elo rating Gumawa ng kasaysayan sa chess ang Filipino Grandmaster na si Wesley So noong isang linggo. Ang 19-taong-gulang na si So ang naging unang Pilipino na naabot ang Elo rating na 2700. Ito ay matapos na makaiskor ng 8.0 puntos si So sa 10-round 28th Reykjavik Open chess championship na nilahukan ng 227 manlalaro kabilang ang 34 iba pang
Grandmasters. Nagtapos si GM So na katabla sa unang puwesto sina GM Pavel Eljanov ng Ukraine at GM Bassem Amin ng Egypt. Ngunit opisyal na nakuha ni Eljanov ang kampeonato bunga ng mas mataas na tiebreak points. Pumangalawa naman si GM So at pumangatlo si GM Amin. - sundan sa Pahina 5
CHEERDANCE CHAMPION. Nakopo ng Miriam College sa ikalawang sunod na taon ang kampeonato ng 11th Women’s Colleges Sports Association (WCSA) cheerdance competition na ginanap kamakailan sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila. Pumangalawa naman ang St. Scholastica’s College at pumangatlo ang University of Asia & the Pacific.
Kampeonato ng Tiong Lian, inangkin ng Hope Christian
Sa nakalipas na dalawang season ng Metro Manila Tiong Lian Basketball Association (MMTLBA) ay narating ng Hope Christian High School ang finals ng juniors division subalit sa parehong pagkakataon ay bigo itong maiuwi ang kampeonato. Kaya naman nang muling pumasok sa finals ang Hope Christian sa taong ito ay siniguro nitong hindi na ito uuwing luhaan. Huwebes ng gabi sa Chiang Kai Chek College gym ay tinalo ng Hope Christian ang Xavier School, 62-55, sa Game 3 para manaig sa finals series, 2-1, at maging kampe-
on sa kauna-unahang pagkakataon mula 1993. Ginawa ni Arjan dela Cruz ang walo sa kanyang 29 puntos sa fourth period para pangunahan ang Hope Christian sa Game 3. Mayroon din siyang 11 rebounds at kasama si John Apacible na may 15 rebounds ay nadomina ng Hope Christian ang Xavier School sa rebounding department, 54-44. Nakauna sa serye ang Hope Christian nang makahirit ito ng 74-66 panalo sa Game 1 subalit nakabawi ang Xavier School sa Game 2, 80-74, sa likod ng 31 puntos mula kay Kyles Lao, ang - sundan sa Pahina 5