Tapat Vol 1 No 8

Page 1

MAYO 7-13, 2013 VOL 1 NO 8

ANG BALITANG TOTOO

Galit sa ‘Death Bills’ Apat na pro-life party list, buhay na buhay

- Pahina A6

Dos and Don’ts ng eleksyon - Pahina A3

ELEKSYON NA! PCOS, PATULOY ANG ABERYA

- Basahin sa Pahina A3

@tapatnews

/tapatnews

tapatnews@gmail.com

6 + 3 = mga senador natin

Kilalanin ang mga pro-life na kandidato para sa Senado - Pahina A8

Pahina

B1

FYI: For Your Info Official Publication of Pro-Life Philippines

www.tapatnews.com


balita

A2

MAYO 7-13, 2013

Democratic Party, handang maninindigan laban sa RH law Ni CLARISSOL REONAL OPISYAL na dumagdag sa humahabang listahan ng mga grupo at personalidad na kumukontra sa RH Law ang Democratic Party of the Philippines (DPP). Sa isang linagdaang “Manifesto of Support for the Catholic Church Position vs. RH Law,” tinawag ng partidong “immoral” ang Republic Act No. 10354 o mas kilala bilang RH Law. “Sa halip na gumastos ng bilyong piso para sa contraceptives, mas makikinabang ang maraming Pilipino kung ang perang nakalaan dito ay gagamitin para mabawasan ang kahirapan, magbigay ng mas maraming trabaho at libreng pabahay sa mga mahihirap,” dagdag ng statement. Linagdaan ang naturang dokumen-

to nina Baldomero Falcone, Christian Señeres at Greco Belgica, mga miyembro ng partido na pawang tumatakbo para sa pagkasenador. Kasama sa mga plataporma ng DPP ang paggamit ng financial initiatives tulad ng pagbibigay puhunan sa mga pamilya at pagpapababa ng utang ng bansa. Nauna nang nagpahayag ng mariing pagtutol sa RH Law ang iilang mga grupo tulad ng Ang Kapatiran party, Buhay party list at Ang Prolife party list. Naisabatas ang RH Bill na kilala ngayon bilang RA 10354, noong Disyembre 21, 2012, matapos ang mainit na talakayan at botohan sa Kamara at Senado.

Pangunahing pamantayan sa pagboto, pro-life

Ang White Vote Movement ay isa lamang sa mga dumaraming interest groups na kinikilalang importanteng usapin ang pro-life issues.

Para sa pamilya at para sa buhay. Ito ang sinasabing pangunahing pamantayan sa pagpili sa isang kandidato, ayon kay Dra. Amelita Go, executive director ng White Vote Movement, sa isang press conference kamakailan. Ayon sa kanilang website, ang desisyon ng koalisyon ng mahigit 40 na grupo na hayagang mag-endorso ng mga pro-life na kandidato ay galing sa paniniwalang may malaking papel ang mga karaniwang tao na pangalagaan ang family values at ang buhay.

Ang Ulirang Ina... mula sa pahina A5 ng kabayaran – pinasasalamatan mo ba sila? Nginingitian, binabati, binibigyan ng kabuluhan? Nakikiisa sa dalamhati, tinutulungan sa kanilang pag-durusa at kulang sa pag-unawa? Ang munting mundo ng bawat isa ay pulos

may kababaihan. Sa inang nagmamahal, bawat dukha ay dakila. Iyan ang makapag-aangat ng kalidad moral na pangkabuhayan: batayan ang ulirang ina sa paggalang sa sangkatauhan.

Halalan na.. mula sa pahina A5 Kung tayo bang mga karaniwang tao ang mayroong tatlong bilyong pisong mula sa ating pagpupunyagi, bigla-bigla mo na lamang bang gagastusin ito upang kumandidato ka sa panguluhan? Kung mayroong isang kongresista na gumastos noong dekada otsenta ng P 70 milyon sa kanyang napakaliit na lalawigan, saang kamay ni Abraham naman kaya niya babawiin ang kanyang ginasta?

Ako po’y nag-aabang ng magaganap sa mga susunod na araw. Sa oras na malaman kong walang source code na tangan ang Commission on Elections, marahil ay hindi na ako lalahok sa botohan. Hindi ko rin mawari kung ako ang babantayan ng mga volunteer ng PPCRV at NAMFREL samantalang walang bilangang magaganap sa presinto. Baka naman itong halalang ito’y mauuwi sa hangalan?

“We are not imposing, we are just offering these things,” dagdag ni Go. Ilan lamang sa mga kinikilalang kandidato ng White Vote ay ang mga bumoto kontra sa dating Reproductive Health Bill na sina JV Ejercito, Mitos Magsaysay, Gringo Honasan, Antonio Trillanes at Koko Pimentel. Dahil na rin sa ilang deliberasyon, nadagdagan ang listahang ito at inendorso na rin ng grupo sina Miguel Zubiri, Dick Gordon, Nancy Binay at Marwin Llasos.(CR)

Teen Creed Don’t let your parents down, they brought you up. Be humble enough to obey, You may give orders someday. Choose companions with care, You become what they are. Guard your thoughts, what you think, you are. Choose only a date who would make a good mate. Be master of your habits, or they will master you. Don’t be a show off when you drive. Drive with safety and arrive. Don’t let the crowd pressure you, Stand for something or you’ll fall for anything. - Human Life International


MAYO 7-13, 2013

balita

Dos and Don’ts ng eleksyon

A3

Aberya sa PCOS, hindi maayos-ayos?

Ni RICA CANON

Para maging handang handa sa halalan, tandaan ang ilang mahahalagang bagay bago pumunta sa mga polling centers. Ayon sa isang video na ipinalabas ng Commission on Elections, huwag kalimutan ang sumusunod:

• Magdala ng valid ID (at hindi sertipiko mula sa barangay) at cedula. • Bibigyan ang bawat botante ng opisyal na balota, isang marker, at secrecy folder. • Gamitin ang secrecy folder habang bumoboto. • Dapat markahan nang maayos ang hugisitlog na may kaukulang pangalan ng 12 na kandidatong kanilang napili at isang party-list group. • Mawawalan ng bisa ang boto para sa posisyon kapag ito ay sumobra na. • Dapat ay walang ibang guhit o markang ilalagay sa balota. • Gamitin pa rin ang secrecy folder kapag dadalhin na ang balota sa PCOS machine. • Bawal magdala ng pagkain at inumin na maaaring maipahid sa mga balota. Pinapayagang magdala ng cellphone ang mga botante, ngunit hindi sila pahihintulutang kumuha ng mga larawan o video ng balota at ng voting area. [CR]

Hindi linulubayan ng mga kritiko ang PCOS machines magpasa hanggang ngayon, ilang araw bago ang eleksyon sa Mayo 13 ORAS na lamang ang binibilang bago dumagsa ang sambayanan sa mga polling stations sa Lunes, ngunit marami pa ring grupo at personalidad na hindi mapalagay sa mga teknikal na aberya na naganap magpahanggang sa Final Testing and Sealing o huling pagsubok sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines. Sa isang press conference nitong Martes, ani Atty. Marwil Llasos, na tumatakbo para sa pagka-senador, “PCOS is very much imperfect and they don’t want to fix [the] imperfection and that they have been sitting on it despite the voices that have been raised to the contrary.” Si Llasos, na inendorso ng White Vote Movement, ay isa lamang sa mga bumabatikos sa mga napabalitang technical glitches tulad ng mga PCOS machines na mahirap paganahin sa Quezon City; mga makinang paulitulit ang error sa Laguna; mga makinang kulang ang mga

parte at ayaw mag-print sa Cavite; at mga balotang ayaw basahin ng mga PCOS machines sa Mandaluyong City. Ayon sa isang ulat sa ABSCBN, hindi pa rin nawala ang problema ng paper jamming o ‘di maayos na pagsiksik at pagdikit ng balota sa mga makina, pati na rin ang pagkakaiba ng manual na bilang ng boto kumpara sa automated na tally mula sa PCOS machines. “We are going to be cheated,” sabi naman ni Richard Gordon, na nagtagumpay sa kanyang petisyon sa Korte Sumprema na ipasuri ang kontrobersyal na source code ng mga PCOS machines. Noong Mayo 9, nagsisimula ang apat na araw ng paginspeksyon sa source code, na karaniwang isinasagawa sa loob ng 90 na araw. Dagdag ni Gordon, maraming batas ang nilabag ng Commission on Elections (COMELEC) dahil walang electronic signature na gagamitin ang mga makina at

hindi naisagawa ang inspeksyon ng source code tatlong buwan bago ang halalan. Ang source code ang “blue print” o pinaka kodigo ng PCOS machines na nagdidirekta kung ano ang eksaktong gagawin nito sa pagbilang at pag canvass ng boto. Dagdag pa dito ang hinaing ng ilang grupo ng mga guro sa Metro Manila na hindi sapat ang kanilang pagsasanay para paandarin ang mga makina, partikular na ang pagpalit ng back-up battery kung sakaling magkaroon ng blackout. Naging agam-agam ng marami ang posibilidad na magkaroon ng malawakang power failure sa araw ng eleksyon tulad ng naranasan ng Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Bulacan nitong nakaraang Miyerkules. Ginigiit naman ni Chairman Sixto Brillantes na maliliit na aberya lamang ang mga nabanggit na error, kumpara sa mga aberyang naranasan noong halalang 2010.


editoryal

A4

MAYO 7-13, 2013

AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief DIANA UICHANCO Managing Editor SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Tuesday by Areopagus Communications Inc. You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Fax # 0871 314 1470 Email: tapatnews@gmail.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2013

Editoryal Sa gitna ng kaguluhan na hatid ng patuloy na tanong at misteryo sa likod ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines, samahan pa ng sumisirkong karnabal ng kampanya, may iilang grupong nakatuon na, hindi sa Mayo 13, kung hindi sa 2016. May kakaibang antolohiya ang mid-term elections ngayong taon. Naging matunog ang ‘Team Buhay/ Team Patay’ dahil sa mga ordinaryong mamamayan ng diyosesis ng Bacolod na naglakas-loob na lantarang gawing pamantayan sa pagboto ang usapin ng buhay. May love team din dahil sa iyakan at mala teleseryeng romansahan ni Chiz Escudero at Heart Evangelista. Ang sagot ng publiko? Bumagsak si Escudero ng ilang puwesto sa mga survey. Halatang hindi lamang ang mga magulang ni Heart ang ‘di boto sa kaniya. ‘Di naman mawawala ang suspense at katatakutan dahil sa mga PCOS machines. Gumagana nga ba ang mga ito? Gaano ka-wasto ang automated tally nito kumpara sa manual? Talaga bang hindi makakalikot ang source code nito? Ngunit kung tutuusin, ang pinaka agaw pansin na kaganapan sa nagdaang campaign period ay ang na-

Nginig ng 2016

Hindi kailanman sa kasaysayan ng bansa – ngayon lamang – nagkaroon ng napakabilis at ‘di mapigilang pagbugso ng damdamin para sa isang napakahalagang isyu at dagliang nagkaroon ng mga kaakibat na pagkilos upang bumuo ng mga grupong susulong nito pulitika.

pakalawak at hindi maipagkakailang paglahok ng mga Katoliko sa larangan ng pulitika – sa pagendorso, lantarang pagkilatis ng mga kandidato at – para sa iilan -- pagtakbo bilang kandidato. Hindi kailanman sa kasaysayan ng bansa – ngayon lamang – nagkaroon ng napakabilis at ‘di mapigilang pagbugso ng damdamin para sa isang napakahalagang isyu at dagliang nagkaroon ng mga kaakibat na pagkilos upang bumuo ng mga grupong susulong nito sa pulitika. Sa ilang buwan nagkaroon ng Catholic Vote Philippines, White Vote Movement, Lay Initiative for Elections (LIFE) at iba pa. Hindi pa kasama dito ang mga maliliit na grupo sa mga parokya, diyosesis at paaralan. Kung titingnan sa konkreto, nananatiling huli sa mga survey ang top

3 na kandidato sa pagka-senador na ineendorso ng karamihan ng mga nasabing grupo. At kung umikot ka kahit sa Metro Manila, masuwerte kung may makita kang poster ng kahit isa kina JC Delos Reyes, Marwil Llasos at Lito David – hindi galing sa political dynasty, mga baguhan sa pulitika at saradong Katolikong pro-lifer. Nakababahala? Nakapanghihina? Dito papasok ang usapin ng 2016. Kung ang Simbahang Katolika – at ang tunay na ibig sabihin ng ‘Simbahan’ ay lahat ng nananampalataya, hindi lamang pari at obispo – ay nakayanang makapag-organisa ng kanilang sarili sa loob ng ilang buwan, ano pa kaya ang maaaring mangyari sa tatlong taong paghahanda? Ayon kay Philippine Star columnist

Bobit Avila, namangha siya sa isang Unity for Life rally na nadaluhan niya sa Cebu, kung saan ipinahayag ng grupong LIFE ang kanilang mga kandidatong ineendorso para sa eleksyon. Mga 3,000 na katao ang dumalo at ani Avila, hindi mga ‘hakot’ ang mga ito na sanay tayong makita sa rally ng anumang partido. Ang mga sinasabing ‘hakot’ ay madaling makilala: pare-pareho ang suot na t-shirt, kailangang pakainin ng packed lunch pagkatapos at siyempre may ‘baon’ pauwi dahil sa pagdalo, naglalaro sa P350 o P500 kada tao. Ngunit kakaiba ang 3,000 na kataong dumalo sa Plaza Independencia sa Cebu; walang pumilit sa kanilang pumunta at talaga namang naniniwala sila sa prinsipyong pinagsisigawan sa entablado. Sa totoo lamang, ang 3,000 ay maliit kung ihahambing sa milyunmilyong botante sa bansa, ngunit hamunin natin ang kahit anong grupo o partido na tapatan ang paninindigan, pagkamasigasig, at dami ng mga Katolikong pro-life at malamang, wala silang katulad. Marahil, dito nakasalalay ang tunay na nginig ng 2016. Ang 2013 ay isang pagbabanat ng buto, isang ‘litmus test’ para sa potensyal ng tulog na higante ng Katolikong botante.


MAYO 7-13, 2013

opinyon

A5

walang humpay na inuman. Kaya nga lamang, ‘pag nakainom na ang mga botante, saka sasabihan ng mga lider na mayroong liquor ban kaya’t hindi na sila makaboboto. Noong mga nakalipas na halalan, hindi lamang Commission on Elections ang bumibili ng indelible ink, ang tintang inilalagay sa kuko ng hintuturo (index finger) ng mga botante. Kahit mga kandidato ay bumibili ng tinta upang ilagay sa mga daliri ng mga botanteng sumusuporta sa kanilang kalaban. Ang kalakarang ito ay tiyak na may kapalit na halaga. Sapagkat naganap na ang nakita ni Herbert Marshall McLuhan, ang dalubhasa sa larangan ng media at isang intellectual mula sa Canada, ang pagkakaroon ng global village, mas maraming kandidato ang umaasa sa kanilang exposure sa radyo, telebisyon at maging sa internet.

Nakatutuwang isipin na ang mga isinusulong ng mga kandidato sa pagkasenador ay hindi nila basta magagawa, tulad ng pagbibigay ng hanapbuhay, pagpapababa ng presyo ng bilihin at pagsugpo sa katiwalian. Bagama’t may posibilidad na magawa ito, hindi ko mawari na sa laki ng kanilang gastos sa mga patalastas sa media, sa kanilang mga public relations managers at iba pang alyadong serbisyo, lubhang napakabanal naman yata ng kanilang adhikain upang gumastos ng pagkalaki-laki upang maglingkod sa bayan na kakarampot naman ang tatanggaping sahod. May mga pagsusuri na upang makapaglunsad ng isang masiglang kandidatura ang isang naglalayong maging pangulo ng bansa, kailangang mayroon siyang P 3 bilyon o tatlong libong milyong piso.

sa pamantasan. Masdan mo nga naman sila – may dangal at karapatan na iginagalang ng karamihan. Ngunit bakit patuJenny Bermudez loy ang sigaw ng aktibistang feminista, paulit-ulit ang hinaing at hinagpis: “Dukha at kahirapan ay Hindi maipagkakaila Madaling sabihin, ma- nakaukit sa mukha ng kana aktibo ang kababaihan daling paniwalaan na api babaihan”? *** sa Kongreso at puwe- sa bansa ang ating mga stong pampulitiko. Sa kababaihan. Suriin natin “Parang bagyo” ang katunayan, 21.4% ng at- ang ilang dato: ayon sa Minsan ing lehislatura ay binu- Newsweek 2011, kinikila- kasabihan. buo ng kababaihan, mas la ang bansang Pilipinas mainit, minsan malamig. mataas sa global average bilang “pinakamagan- Ganyan rin ang kabana 18% na naitala noong dang lugar sa Asya para baihan. Ganap na hindi 2009 ngunit malayo pa sa mga kababaihan.” Sina- mauunawaan ang pangpagkatao sa inaasam na 50% sa bi rin ng MDG Report na kalahatang kalawakang mundo. Ga- pantay-pantay ang pag- kung estadistika lamang yunpaman, namasdan kakataon ng mga kala- ang pag-uusapan. Malang pangkaraniwang ka- lakihan at kababaihan sa wak ang puso, matarik bataan na “benchwarm- pagkamit ng edukasyon ang kaisipan, at malaers” lamang ang kara- sa mababa at mataas na lim ang kabutihan ng mihan sa kanila… May antas: nakapag-aaral, ulirang Pinay. Malaking katotohanan ba ito? Ang nakapagmamay-ari, at bagay ang akses sa kalumas positibong panukala nakapagtataguyod ng sugan at karunungan na at aksyon mula sa mga di- suliraning pampamilya siyang ipinaglaban sa lag natin sa gobyerno ang at panlipunan ang kaba- Kongreso kamakailan – patuloy pa ring ihinihil- baihang Pinay. Higit pa salamat! Malaki ngunit ing ng mga feministang – mas nakararami ang ‘di sapat ang MDG kung Filipina… kabataang babae sa la- hindi nito bibigyang panlaki ang nakapagtatapos sin ang kalidad moral na ***

pangkabuhayan. Hindi tapat ang suliraning nilulutas ng mga dayuhan at United Nations para sa progresong pambansa. Nasaan ang pag-asa? Sa bawat isa. Kung nais mo ng mundong dalisay na gumagalang sa dangal at talento ng kababaihan, mangyaring tumakbo ka rin sa pagtingala ng kalidad moral ng bansa.

TABI PO Melo Acuña

Halalan na! Sa darating na Lunes, ika13 ng Mayo, idaraos ang tinaguriang mid-term elections na katatampukan ng paghalal sa labingdawalang senador at higit sa dalawang daang mambabatas. Magmumula ang mga mambabatas sa mga distrito at party-list. Mula sa aking pagkabata na may katagalan na rin naman, lagi akong nagmamasid sa paraan ng pagboto at sa kalakaran ng pagbibilang sa mga presinto. Sa bilangan, ‘di maiiwasan ang kantiyawan ng mga tagasunod ng mga kandidato sa pagka-gobernador, bisegobernador, mga bokal o board members at mga

alkalde. Nagbabantayan ang mga watcher ng iba’t ibang political parties sapagkat baka magkaroon ng dayaan. Naaalala ko na mayroong mga kandidatong likas na magulang. Kung may P300.00 ang watcher ng kalaban, bibigyan niya ng P 500.00 ang sasabihang magmeryenda ka na at bumalik na lamang sa oras na matapos ang bilangan. Mayroon ding mga kandidato na umaarkila ng mga bus upang dalhin sa isang resort ang mga botanteng hindi niya makumbinseng bumoto sa kanya sa araw ng halalan. Sa resort magkakaroon ng masaganang kainan at

MUNDONG DALISAY

Ang ulirang ina

- Pahina A2

*** Isang angkop at pinagmumulang batayan ang uri ng pagturing natin sa bawat kababaihang kilala natin. Nariyan si ate, kapatid, bunso, lola, pinsan, kasambahay at kapitbahay. Nariyan ang kamagaral, tindera, labandera, promo girl. Higit sa lahat, nariyan ang mahal nating ina, ilaw ng tahanan. Paano mo naipamamalas ang paggalang at pagmamahal sa kanila? Naglilingkod sila sa buhay na hindi naghihintay - Pahina A2

THE DREAMER Paul Edward Sison

Thou shall not bear false witness against thy neighbor Ito marahil ang pinaka nilabag sa mga Ten Commandments ngayong eleksyon ... bearing false witness. Ipinagmamalaki pa naman natin na Catholic country tayo. Tapos, ganito kadumi ang pulitika sa atin? Bakit ba kailangan pang humantong sa ganito ang kampanya? Bakit kailangang magsinungaling at manira ng kapwa? Hindi ba sapat ang galing at abilidad ng kandidato? Hindi ba siya mananalo kung ipaliwanag lamang niya ang kanyang plataporma? Kailangan ba talaga ang dirty tricks? Ipinagmamalaki mo pa yung ginawa mong demolition job? Hindi ba nag-

kahit pa bumalik siya ay andiyan pa rin ang masamang gawaing ito. Totoong ganyan talaga ang kalakaran. Pero bakit kailangan mong gawin? Kung labag sa iyong prinsipyo o pananampalataya, eh bakit mo ginagaya? Buti na lamang mapalad ako dahil desente ang aking mayor at hindi siya ‘yung tipo na walang pakundangan sa paninirang puri para lamang manalo. Pero iba pa rin talaga ang masalimuot na mundo ng pulitika. Ang bigat sa katawan – agawlakas. Nakaka-low batt. Maaaring ituring ninyong panaginip, pero, hindi ba pwedeng baguhin natin ang kalakaran? Kaso, hindi sapat ang

“Kung sabagay, si Kristo nga mismo biktima ng mga sinungaling na nagpaparatang. At kahit pa bumalik siya mula sa kamatayan ay andiyan pa rin ang masamang gawaing ito.” sasalamin ng iyong budhi ang black propaganda na ginagawa mo? Paano yung mga taong pinagkaingatan talaga nila ang kanilang pangalan? Sisirain mo ng basta ganun na lamang? Ilang biktima na kaya ang nagpakamatay dahil sa paninira ng kanilang pagkatao? Ilang pamilya na rin ang nasira dahil sa malisyosong paratang. Kung sabagay, si Kristo nga mismo biktima ng mga sinungaling na nagpaparatang. At

managinip lamang. Dapat ay kumilos tayo para mabago ang kalakaran. Natural, handa dapat tayo sa anumang epekto ng ating aksiyon. Para mabago ang kalakaran sa pulitika, kailangan na may maglakas-loob. Kailangan na may magsakripisyo. Ano ‘yon? Ayaw mong mawalan ng trabaho? Ikaw talaga! Mortal sin ‘yang ginagawa mo. Magbagong buhay ka na.


balita

A6

Galit sa ‘Death Bills’

MAYO 7-13, 2013

Apat na pro-life party list, buhay na buhay Ni RONALYN FRIAL

KUNG pagbabatayan ang orihinal na layunin ng party-list sytem, ang isa sa mga sektor na pinakasalat sa representasyon na nangangailangan ng tagapagtaguyod ay ang mga sanggol sa sinapupunan at mga pamilya. Kilatisin ang apat na party list na masugid na tumututol sa mga tinatawag na ‘death bills’, mga panukalang batas para gawing legal sa bansa ang diborsiyo, same-sex “marriage” at euthanasia na nakahain na sa ika-16 na Kongreso.

Ang Prolife party list #42

“Lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatang mabuhay sa ating lipunan” – ito ang nais panghawakan ng Ang Prolife party list, na sa unang pagkakataon ay sasabak sa darating na halalan. Ang paniniwala ng grupo ay ang matatag na lipunan at ekonomiya ay nakasalalay sa matatag na pamilya at respeto sa buhay. Ang unti-unting paggiba ng pamilya ay ramdam sa ekonomiya, sa pulitika at sa pangkalahatang lipunan dahil ang pamilya ang hiblang bumibigkis sa isang bansa, ani Atty. Jeremy Gatdula, isa sa mga kinatawan. Ang mga representante ng party list ay sina Atty. James Imbong, Atty. Jeremy Gatdula, Lorna Melegrito, Lareina Lea Manalang-Garcia, at Edgardo Tirona.

Pacyaw party list #100 Bukod sa pangangalaga sa buhay, may partikular na plataporma ang Pilipino Association for the Country-Urban Poor Youth Advancement and Welfare (PACYAW) para sa kabataang mahihirap. Itinatag noong 2010, nais palawigin ng grupo ang mga oportunidad ng mga kabataang Pilipino na makapag-aral at makapaghanap-buhay, na kung tutuusin ay karapatan ng bawat nilalang. Ang mga representante ng PACYAW ay sina Rene M. Velarde, Wilfrido Buyson Villarama, Dr. Antonio Godinez Calanoc, Maria Jocelyn Barles at Perla Z. Biron.


balita

MAYO 7-13, 2013

Una Ang Pamilya party list #87 “Kaisa at Katuwang ng Pamilyang Pilipino� ito ang motto ng Una Ang Pamilya party list, isa din sa mga grupong mariing tinutulan ang RH Bill sa Kamara. Dahil dumarami ang atake sa tradisyunal na pamilyang Pilipino, ang Una Ang Pamilya party list ay naninindigang bigyan ng boses ang pinakapangunahing institusyon ng bansa -- ang pamilya-- sa pamamagitan ng pag tutok sa cooperatives development, agrarian reform, women and gender equality, rural development, poverty alleviation, health at family relations, national defense at security. Ang mga nominee ng nasabing party list ay sina Romeo C. Prestoza, Atty. Baltazar C. Asadon, Reena Concepcion G. Obillo, Bienvenido L. Geronimo at si Virgilio M. Rosete.

A7

Buhay party list #135 Maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at makabayan. Habang tumatagal, tumitindi ang hamon na itaguyod ang mga nasabing mga prinsipyo at isa ang Buhay party list sa mga naglalakas-loob na gawin ito mula pa noong mainit na debatehan para sa RH Bill sa Kamara. Top 1 party list noong halalan ng 2007 ang Buhay party list, kung saan may 1,169, 338 na Pilipinong pumili dito. Inaasahang mahihigitan ng naturang party list ang huling pagkapanalo nito noong 2010, kung saan mahigit 1.2 milyong Pilipino ang bumoto dito. Sa mid-term elections nitong Mayo 13, sina Mariano Michael Velarde Jr., Jose L. Atienza Jr., Irwin C. Tieng, Francisco Xavier S. Padilla, Dr. Edgardo M. Capulong, at Dr. Primitivo D. Chua ang mga nakatalagang representante ng grupo na kung papalarin ay makapapanalo ng hanggang 6 na puwang sa Kongreso.

Ang party-list system ay isang mekanismo para sa proporsyunal na representasyon sa paghalal ng mga kinatawan sa Kongreso, mula sa maliliit at salat sa representasyon o mga marginalized sectors. Isa lamang ang maaaring piliing party list, ngunit mapapansing dumarami ang mga grupong nagmamatyag sa tunay na pangangailangan ng mamamayang Pilipino.

FOLLOW US... FOLLOW US... FOLLOW US @tapatnews

tapatnews

tapatnews@gmail.com

www.tapatnews.com

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT tapatnews@gmail.com


tampok

A8

6 + 3 = mga senador natin

MAYO 7-13, 2013

Kilalanin ang mga pro-life na kandidato para sa Senado Ni RICA CANON

6 + 3 – ito ang suma total ng mga kandidato para sa pagka-senador na tumatayo para sa buhay. Tatlong ‘di kilalang pangalan at 6 na mas kilalang personalidad ang bumubuo sa kontrobersyal na ‘Team Buhay’.

#20

#17

#9

#27

#10

#11

#20 Marwil Llasos

Sa kabila ng paglaki niya malayo sa piling ng kanyang inang overseas Filipino worker, nakilala ang isang Marwil Llasos sa larangan ng abogasya at pagiging legal consultant sa Department of Agrarian Reform sa panahon ng dating pangulong Joseph Ejercito Estrada. Bukod sa pro-life issues, patuloy niyang pinaglalaban ang universal health care, mas mababang singil sa kuryente at ang pagtutol sa mga panukala ng STFAP (Socialized Tuition Fee Assistance Program) ukol sa tuition.

#9 John Carlo ‘JC’ Delos Reyes

Isa namang kampeon ng mahihirap si JC Delos Reyes, na unang nakilala bilang bagitong kandidato na tumakbo para sa pagka-presidente noong 2010. Siya din ang executive director ng Breaking the Yoke of Poverty Foundation, na nangangalaga sa mga pabahay para sa mga 60 na mahihirap na pamilya sa Olongapo City. Kahit na galing si Delos Reyes sa mahabang linya ng mga pulitiko, naniniwala ito na hindi tama na pinamumunuan ng mga political dynasties ang bansa. Nagtapos mula sa Franciscan Universtiy of Steubenville sa Ohio, sa Amerika si Delos Reyes.

#23

#32

#5

#23 Milagros ‘Mitos’ Magsaysay

“Congresswoman Libre” – ito ang bansag kay Magsaysay dahil sa mga proyektong ipinatupad niya sa kaniyang distrito sa Zambales tulad ng libreng pagamutan at scholarships. Kinilala na rin siya bilang ‘Most Outstanding Congresswoman’ sa 6 na sunud-sunod na taon at isang Emeritus Hall of Famer awardee ng Kamara. Isa sa mga pinakamatapang na boses sa mababang kapulungan, tinatawag din si Mitos na “Dragon Lady of Zambales” dahil sa pagbatikos niya sa mga administrasyong Aquino.

#10 Rizalito ‘Lito’ David

Isa namang socio-political analyst na lumaki sa Tondo, Manila si Lito David. Mula 1997 hanggang 1998, siya ay naging political affairs consultant at Head of Political Operations for Mindanao sa ilalim ng pamunuan ni Deputy Speaker Hernando Perez. Bilang miyembro ng partidong Ang Kapatiran, naniniwala si David na walang magandang idinudulot ang mga political dynasties, gaano man “kaganda” ang mga sinasabing plataporma ng mga ito. Itinataguyod din ni David ang freedom of information at principles-based politics.

#17 Gregorio ‘Greg’ Honasan

#5 Nancy Binay

Naging matunog ang pangalan ni Nancy Binay dahil sa mga adbokasiya niya tulad ng pabahay at pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata. Naging parte siya ng mga foundation na nakalaang magbigay ng mga pangangailangan ng mga kapus palad tulad ng Brighthalls Children’s Foundation.

Maliban sa hindi paggamit ng kaniyang pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund) marahil bilang isang patunay ng kaniyang ‘di matawarang integridad, si Gregorio ‘Greg’ Honasan ay isa sa mga nakipagkaisa upang makamit ang kalayaan noong rebolusyon ng EDSA I. May-akda din si #32 Cynthia Villar Honasan ng mga mahahalagang batas Naging representante ng Las Piñas City, tulad ng Clean Air Act of 1999 at Na- si Villar ay nakapagpatayo ng 11 sentro sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para tional Security Policy. sa mga kababaihang biktima ng abuso. Tinatawag rin na “Mrs. Hanapbuhay,” naging isang financial analyst si Villar bago pumasok sa larangan ng pulitika. #27 Aquilino ‘Koko’

Pimentel III

Ang Bar topnotcher na si Koko Pimentel ay nangunguna sa pangangalaga sa mga atleta at kabataan. Dating Mindanao commissioner para sa National Youth Commission, si Pimentel ang may-akda mga batas tulad ng Professional Filipino Athletes Retirement, Health Care and Death Benefits Act of 2013 at ang batas na nagtalaga sa Cordillera Autonomous Region (CAR)

#11 Joseph ‘JV’ Victor Ejercito

Anak ni dating pangulong Joseph Ejercito Estrada, patuloy ang pagpapaunlad ni Ejercito sa mga prokyektong may kaugnayan sa kanyang adbokasiyang labor at employment, lokal na reporma sa edukasyon at youth development. Isinusulong din niya ang dagdag pondo para sa mga state university sa bansa.


MAYO 7-13, 2013 VOL 1 NO 8

Humble Hands The 3 Ang Kapatiran candidates for the senate JC delos Reyes, Lito David, and Marwil Llasos, as well as the Ang Prolife nominees, were fully aware of what they were up against as they marched gallantly to the battlefield of the campaign for the 2013 elections: they have passion, they have love for country, and they have the ability to lead. What they didn’t have were the funds and the machinery to run a proper campaign. With very few tarps and posters, and absolutely no TV ads, they were up against giants of the political world who possess infinite resources for their campaign. Unfazed, they still went through their campaign, like little Davids going toe to toe with huge Goliaths. Everyday, they went out, voices crying out in the wilderness, preaching what they call prophetic politics. Many chose not to listen, but some did. Carrying the fire of truth in their hearts, they spread the word about these valiant warriors fighting for their place in the senate. One by one, these humble workers in God’s vineyard, with their humble yet capable hands, gathered all they had, and used their crativity in order to promote and camapaign for them. This is from our friend, Jose Zafra, from Surigao del Sur, and it shows his parishoners grabbing Ang Kapatiran ang Ang Prolife tarpaulins after a voter education session: https://www.facebook.com/photo.php?v=101518904 06964988&set=o.532571763439613&type=2&theater A young fellow named Christopher Mendoza Rivera made this very simple poster out of cartolina and placed it in front of his house for all his neighbors to see; such a very touching effort from someone so young.

After a week, he sadly told us that his poster was stolen along with the tarps of other candidates at their place. Learning that, we sent him new tarps to replaced the stolen poster. He was so delighted when he received the tarps. He immediately sent us picture where he put the tarp outside their house.

Yesterday, a supporter from Macau sent us money to have tarps and flyers sent to his hometown of Dagupan. He even has a picture of his whole clan holding on to AKP tarps! We may not mention all, but all of you know who you are and deep in our hearts we thank you for all the efforts and support you have continuously giving us in the campaign.Supports from different organizations, groups, charismatic groups, Lay initiatives of dioceses and parishes are overwhelming. Few to mention are Youth United for the Philippines, Filipinos for Life, Couples for Christ Foundation for Family and Life,Couples for Christ Global, Pro-Life Youth Cebu, Dreamers Message, Soldiers for Christ, Children of Light, Radio Veritas 846 and all their Kapanalig listeners. A supporter from Macau sent us money to have tarps and flyers sent to his hometown of Dagupan. He even has a picture of his whole clan holding on A few weeks ago, AKP and Ang Prolife visited the to AKP tarps! convent of the Carmelite nuns in Cebu. Convinced that the AKP senatorial bets, as well as the nominees for Ang Prolife are indeed the men this country needs in the senate and in congress, produced their own flyers to promote them.

Everyday, we at AKP and Ang Prolife receive messages asking for flyers and promising us of their support, and these are not rich nor powerful people helping us. It is the work of these humble hands that the Catholic Vote is coming into fruition. This is the spirit of the Bayanihanat work; the very same People Power that toppled a dictator will one day put worthy leaders in the congress, senate, and even in Malacanang; leaders who espouse the Christian faith and live it with conviction, leaders who are not afraid to protect life and the institutions of family and marAlso in Cebu, a bunch of young prolifers surprised us riage; leaders who will help us seek the Kingdom of with these posters: God, who will lead us all into the light of the new day we have all been waiting for. Seeing the efforts of so many, we cannot help but feel that we have already won; the lessons we learned in this campaign will be very useful for the next elections. The Catholic vote will be an ideology of choosing the common good, and choosing to do good for the country. We may not have the big machinery that traditional politicians have but if we help each other out, God will bless our efforts and will reward us with victory. Seeing the efforts of so many, we cannot help but feel that we have already won; the lessons we learned in this campaign will be very useful for the next elections. The Catholic vote will be an ideology of choosing the common good, and choosing to do good for the country.


B2

MAYO 7-13, 2013

A Few Good Men

To quote Charles Dickens: “It was the best of times, it was the worst of times, it was the age of wisdom, it was the age of foolishness, it was the epoch of belief, it was the epoch of incredulity, it was the season of Light, it was the season of Darkness, it was the spring of hope, it was the winter of despair, we had everything before us, we had nothing before us, we were all going direct to heaven, we were all going direct the other way...”

These are times of both darkness and opportunity. The RH bill has been passed and is now called RA 10354, and with it loom other anti-life bills like the divorce bill and the same sex marriage bill. These and other immoral and unjust legislation are waiting passage by people who want to promote the culture of deah in our county. We are facing very great threats to the future of our society and our family. However, God has not forgotten his people. He sends them people who can lead them to a better country, a country that is both prosperous and God-fearing. These men, a few good men among many who are wicked and corrupt, are men of sound principle and good chraacter. They will serve us well in the senate, if voted. 1. JC DELOS REYES Born February 14, 1970, he studied in Ateneo de Manila for his elementary education, and graduated in De la Salle for high school. He finished his B.A. in Theology from the Franciscan University of Steubenville, Ohio. In 1999 he finished his post-graduate studies in Public Administration from the

University of the Philippines and has a law degree from Saint Louis University, Baguio City. In 1995, he ran and was elected City Councilor of Olongapo. During his term, he focused on the poor, the youth and cooperatives. In 1996, JC met Nandy Pacheco in the National Renewal Movement and in late 2003, Norman Cabrera for Central Luzon, JC de los Reyes for Northern Luzon and Fr. Leonardo Polinar for the Visayas and Mindanao gathered the needed signatures for the accreditation of Alliance for the Common Good or Ang Kapatiran Party. It was finally accredited by COMELEC on 8 May 2004 or 2 days before the 10 May 2004 elections. After a decade absent from local politics, JC ran under Kapatiran party in the 2007 elections and, among the party’s 30 local and national candidates, he was Kapatiran’s lone winner. He campaigned against illegal drugs, rampant violations of worker’s rights at Hanjin and was outspoken against illegal fish cages in Olongapo. More recently, he also led protests against the proposed coal power plant and criticized government’s plan to open more casinos in Subic. He filed numerous cases before the Ombudsman against high ranking government officials where he himself was complainant. In the 2010 national elections, he was the youngest presidential candidate who led the charge for new politics, together with a vice-president, 8 senatorial and 50 local candidates. Though they lost the election, they won the awareness of the people on issues such as the RH bill, the political dynasties issue, the FOI and the need for platform and principles based politics. 2. MARWIL LLASOS Atty. Marwil Llasos is an educator by heart. While still in Legazpi City, he worked as a Social Science Instructor, Head of the Social Science Department, and Coordinator for Research, Extension and Development Services of Computer Arts and Technological College in Old Albay District, Legazpi City from 1996-1998. At present, Atty. Llasos teaches Economics, Philippine Government and Constitution, Law on Obligations and Contracts, Negotiable Instruments Law, Labor and Social Legislation and Income Taxation at Siena College Quezon City and Siena College of San Jose in San Jose Del Monte, Bulacan. After graduation from the UP College of Law, Atty. Llasos had experience in these areas of law: (1) Legal Education –Atty. Marwil Llasos served as Law Education Specialist in the Institute of International

Legal Studies of the UP Law Center in 2005. He also served as Lecturer in The Manila Times Institute for Paralegal Studies from 2006-2009. From 20092010, Atty. Llasos was a Professorial Lecturer teaching Statutory Construction at the School of Law and Jurisprudence of Centro Escolar University in Makati City. (2) Corporate Law – Atty. Marwil Llasos worked as assistant corporate counsel of International Thunderbird Gaming Corporation (a multinational corporation) and Eastbay Resorts, Inc. in 2006. (3) Litigation – Atty. Marwil Llasos was actively involved in litigation and appellate practice as Partner of the law firm of Dasal Laurel Llasos and Associates from 2006-2010. (4) Development and Alternative Law – Atty. Marwil Llasos is presently engaged in development and alternative lawyering as Senior Lawyer of the Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc., a non-government organization (NGO) providing services to farmers and migrant workers, among others. IDEALS, Inc. also does work in environmental protection, international trade, and social enterprise development. As part of his advocacy, Atty. Llasos extends his services to the Philippine Deaf Resources Center. Atty. Marwil Llasos served as Executive Assistant and Legal Consultant in the Department of Agrarian Reform from 2000-2002. He appeared as a Resource Person in the House of Representatives Committee on Agrarian Reform. Atty. Llasos also served as Secretary to the Sub-Committee on the Rules on Criminal Procedure of the Supreme Court.

3. LITO DAVID Here’s a brief look at his educational background and career in education and politics: Educational Attainment • David finished Bachelor of Arts Major in Sociology at University of the Philippines Los Baños with a Rotary Club of Raha Sulayman-Manila Scholarship and University Grant 1984. • He graduated masters in Environmental Studies Minor in Rural Sociology from the same school. Career Timeline 1984-1986: David started out as a research assistant for the University of Los Baños Program on Environmental Sciences and Management. In 1985, he became a part-time research assistant for the UPLB-NEDA Philippine Institute for Development Studies on Migration.

VOL 1 NO 8

1986–1987: He was an Instructor to UPLB’s Department of Social Sciences and Graduate School. 1989: He became Development Management Officer for the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Upland Development Program. 1992: He became Chief of the Strategic Planning-Planning and Policy Studies Office of DENR. In the same year, he became Chief of the Research and Monitoring Staff of the Liberal PartyPDP LABAN for the 1992 Presidential Elections. 1993-1995: He became executive assistant and Committee Secretary or the Supervising Legislative Staff Officer under the Office of Senator Francisco Tatad. In 1995 to 1996, he became director of the Political Affairs Staff of Senator Tatad. 1996-1998: He served as Senior Executive Assistant of the Kaunlaran Group of Companies. 1997-1998: He then became Consultant on Political Affairs and Head of the Political Operations for Mindanao under the Office of Deputy Speaker Hernando Perez at the House of Representatives. 1998-2004: David then transferred to the office of Sen. Robert Jaworski as Head Executive Assistant and Concurrent Director for Political Affairs. 2007-2008: He was a part-time faculty on Environmental Science in Enderun Colleges in Pasig City. ANG PRO LIFE PARTYLIST In order to gain more seats for prolifers in congress, Pro-life Philippines endorses the Ang Prolife Partylist. The partylist will focus on promoting pro-life legislation especially geared towards the families of OFWs. The representatives of Ang Prolife are: 1. Atty. James Imbong 2. Atty. Jemy Gatdula 3. Lorna Melegrito 4. Leny Manalang 5. Ed Tirona We urge all our voters to go vote and actively campaign for these gentlemen for senator and Ang Prolife for partylist. These men and women have the courage to step up and serve the nation; what they do lack is the campaign resources and machinery in order to reach out to the people who need our votes. For this reason, we ask that we all be volunteers for a common cause from this moment forward: to see these brave men and women elected into office and to truly represent the people, to be the voice and the protector of those who cannot fight for themselves.


MAYO 7-13, 2013

B3

VOL 1 NO 8

OUR BATTLE IN THE UNSEEN REALM

By BABY NEBRIDA BALLESTY

lunan naman.” My reply is this: Sayang rin ang pagka Katoliko mo - dahil hindi mo nakikita ang laban ng Panginoong Diyos. Ang mga taong ito ay naninindigan sa kanilang pananampalataya, tinataya nila ang buhay nila upang maipahayag sa mga Pilipino kung ano ang tama sa moralidad, at sa ating matitinding paniniwala bilang Kristiyano. Dapat lang iboto silang tatlo maski man lang bilang pasasalamat sa lahat ng ginagawa nila para sa ating Panginoong Diyos.

JC Delos Reyes speaks against the moral evils in the society in a rally

Fighter for life: Lito David charges against the RH Bill in front of PICC

To run for the Senate under “Ang Kapatiran” involves a lot of tears, hard work, and sacrifice. They do not have the well-oiled machinery of the LP and UNA. Most of all, they do not have the logistics. They do not have the funds and the backing of our businessmen and politicians.

cities to promote them? How many of us would think of printing campaign materials for them, to give away to parishes? Not many would bother, I am sure! We all want change in the political scene and so, this is the change what we all are talking about. Let us walk the talk and stop whining about the kind of leaders we elect. Marwil, JC and Lito deserve our votes and our full support regardless of their so called ill perceived “winnability.” Marwil, JC and Lito have made a difference in their media campaign. It is impressive that all of them come well prepared during

Kapatiran Senatorial Candidates Lito David, Atty. Marwil Llasos and JC Delos Reyes fight for God, life and family (Photo: @ABSCBN_Halalan)

It is hurtful and wrong to say that the Ang Kapatiran Party should not be taken seriously -- after all-- they have “no chance to win anyway.” Friends tell me to stop dreaming. But really, who are we to say this? If everything is fair and square this May 13, (the Feast of Our Lady of Fatima), we can never be so sure. Miracles do happen! They may do well if devout Catholics who are committed Pro Lifers go out of their way to campaign and vote for them. They may do well if our parish-based organizations require their members to campaign for them. How many of us would do this extra mile to travel in nearby

One with the bishops, priests, religious and the People of God: Atty. Marwil N. Llasos battles against the RH Bill outside Batasan

TV and radio interviews. They have won many hearts, too, despite the little resources they have. I get furious when I hear some Catholic friends say that they will leave out the 3 Senatoriable Kapatiran candidates after all - “they will not win anyway.” When they say - “Sayang lang ang boto natin sa tatlong ‘yan dahil tiyak na ta-

May 13 Elections cannot just be a FIGHT among personalities. This is a SPIRITUAL BATTLE-- good vs. evil pro life vs. pro death, Satan vs. God and other moral issues attached to this. The battle that rages on in the unseen realm is between right and wrong, between light and darkness. Still others say that positive forces wanting to preserve life must fight against negative forces that intend to disrupt or destroy life. But no matter how it is described, there is no question it is a Christian reality. The well-being of the Church overall depends on acknowledging that the battle exists and understanding how Satan works. It is also important that we make the choice to become active in Mary’s Army, the fierce Army of God. Admittedly, we all don’t have the

cunning, the strength or the stamina to fight the battle on our own. The only way we can fight and win is to be strong in the Lord and the power of His might (Ephesians 6:10). The times we live in are very significant as the ramifications of this battle will be felt by the future generations of the entire country. However, the current times are also highly conducive for spiritual practice to follow His Divine Will for us. If we follow the leading of the Holy Spirit, we can win the battle. We must include ANG KAPATIRAN candidates in our entire Catholic lineup. In my opinion, out of gratitude and out of moral duty, Marwil Llasos, Lito David and JC De Los Reyes deserve our VOTES! Needless to say, Pro Life Partylist, Buhay, and other partylists that promote the value of life should win our votes. These partylists propagating LIFE should all win. And so we should make sure they have the numbers. They need not compete among themselves as they are all needed in Congress. May God bless and sanctify each and every soul reading this.


B4

MAYO 7-13, 2013

VOL 1 NO 8

BENEFACTORS FEBRUARY - APRIL 2013

BOARD OFFICERS Edgardo C. Sorreta Chairman

Dr. John Wong Angel Guevarra Lovilla Tan Rimando Josie Ong Alfredo Taruc Assisi Development Foundation Wilfredo Arcilla

Eric B. Manalang Philippine Development Foundation Imelda Victoria Marian Suarez Minda Fuentes Mariano John Tan

Eric B. Manalang President Willy Arcilla Vice President Dr. Melissa A Poblete Secretary Rita Linda D. Dayrit Treasurer BOARD OF TRUSTEES Bp. Benny Abante Mrs. Fenny Tatad Mr. Willy Arcilla Mr. Raul Nidoy Mr. Moises Cañete Atty. Hector Villacorta Mrs. Rita Dayrit Dr. Edna Monzon Mr. Eric Manalang Mr. Tony Kosca Dr. Melissa Poblete Mr. Ansel Beluso Mr. Ed Sorreta Mr. Rollie Delos Reyes Mr. Willie Villarama BOARD OF ADVISERS Lina Arevalo Ma. Asuncion Ramirez Dr. Angelita Aguirre, M.D. Jose Sandejas Dr. Primitivo D. Chua Benjamin Santillan Esther Dela Cruz Ruperto Somera, Ph. D. Minda Fuentes Nita Trofeo Bro. Gonzalo Goquiolay Mercy Tuazon Florinda M. Lacanlalay Dr. Myrna Zapanta, M. D. Dr. Cely Malinit, M.D. Fr. Vicente Cajilig OP Spiritual Director Most Rev. Gabriel Reyes, D.D. Spiritual Adviser SECRETARIAT Marilou O. Agsaluna Kent J. Bianes Aurea G. Jaucian Lorna B. Melegrito Ellen C. Sanchez Anthony James U. Perez Editor & Lay-out Artist

SAN LORENZO RUIZ STUDENT CATHOLIC CENTER, 2486 LEGARDA ST., SAMPALOC, MANILA 1008 Tel. No.: 733.7027 • Telefax: 734.9425 • Mobile No.: 0919.2337783 Email: life@prolife.org.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.