The Mentors' Journal January Broadsheet

Page 1

Late Enrolment Fine, patuloy ID Sticker, Dev’t Fee, babawasan nina JONICO S. SARCIA at GIANNA PATRICIA R. MARVILLA

Naibasura man ang Board of Regent (BOR) Resolution no.19, series of 2012 dahil sa maraming batikos at protesta ng mga mag-aaral at sa hindi na rin pagsang-ayon ni Bulacan State University (BulSU) President Mariano de Jesus, patuloy namang ipinatutupad ng administrasyon ang Resolution no.68, s. 2006 na nag-aatas ng multa sa mga mag-aaral na hindi makapagbabayad hanggang sa nakatakdang petsang nakapalugit. Nakapaloob sa nasabing resolusyon ang, “… to charge fine for late enrolment/ payment after one pay day from the start of classes up to the end

of the 2nd payday afterwhich the student is automatically dropped…” Nangangahulugang magkakaroon ng karagdagang bayarin ang estudyante kung mag-eenrol pagkalampas ng unang swelduhang matatapat sa kalendaryo matapos ang enrolment, at maaaring mag-enrol hanggang sa sumunod na swelduhan. Nakasaad na daragdagan ng P67 ang bayarin ng mag-aaral na magbabayad sa unang linggo, P134 sa ikalawang linggo, at P200 naman sa ikatlong linggo matapos ang swelduhan. “Talagang may fine na no’ng araw pa, estudyante pa ko rito mayro’n na. Normal ‘yon na

may number of days, weeks [for enrolment], ‘pagkaraan no’n ‘pag ‘di ka nagbayad may fine na talaga,” pahayag ni de Jesus. Sa kakulangan ng kaalaman ng mga estudyante sa nasabing resolusyon, agad dumulog at nagreklamo ang ilang BulSUans na napatawan sa tanggapan ng Student Government (SG) dahil sa pagkakaalam nilang naibasura na ang Resolution no.19. Isa na si Ninya Manahan mula sa College of Arts and Letters (CAL), ang nagreklamo dahil nagbayad siya P200 na penalty sa huling enrolment at mula naman sa

3

Vol. XVI, No. 4

Katutubo humataw sa Dayaw ni DYAN GRACE O. CRESPO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinaos ang Dayaw 2012 Festival sa Malolos, Bulacan na pormal na pinasimulan ng 47 representatves ng iba’t ibang tribo noong ika 27-29 ng Oktubre na ginanap sa KB Gym. Ang Dayaw ay taunang pagsasama-sama ng mga katutubo tuwing Oktubre, kaugnay ng Indigenous People’s Month alinsunod sa Presidential Proclamation no. 1906. Ito ang pinakamalaking pista para sa mga katutubo na sinusuportahan ng gobyerno sapagkat ipinapakita rito ang mga tradisyon, sining at kultura ng bawat tribo. Ito rin ang pagkakataon ng iba’t ibang katutubo upang magsama-sama at magpalitan ng kaalaman sa bawat isa. Dinaluhan ito ng iba’t ibang katutubo suot ang

Tribo Gadang, isa sa mga katutubong buong gilas na umindak sa pinaka-unang pagdiriwang ng Dayaw sa Bulacan. Photo by Merlyn Lozano

LET passing rate continues to ascend

by ARRIANE DE VILLA From last year’s overall passing rate of 28.25% and 36.73% for Elementary Education and Secondary Education respectively, BulSU-CoEd’s passing rate improved to 66.13% and 44.61% based on the results of Licensure Examination for Teachers (LET) held, September 30.

2

96.

1,2,3... Abangan sa Marso.

Dose ng Dos mil Dose!

Mga Katagang Tatak 2012 “So you think AMALAYER? AMALAYER? Answer me, AMALAYER?“ 8

2

Features When do you say you’re ready to LET the battle begin?

9

6

by DIANE C. PUNONGBAYAN Bulacan State University (BulSU) celebrated its 108th foundation week last December 3-8 with the theme, “Pagpapalaganap

ng Galing at Karunungan sa Pag-unlad ng Lipunan.” A mass officially opened the celebration at the Activity Center. As a part of the festivity, the Heroes’ Park turned into a mini market place. BulSUans from different colleges set up booths to sell variety of goods to students. Mostly, there were food booths selling street foods. Some of the other booths included a henna tattoo booth, rent-abike booth to roam around the university, and even a booth where Korean Pop or 2

WATTA WATTPAD!

LET the battle begin

Sa limang araw na pagdiriwang ng CoEd week ay lumahok at nagpasiklaban ng talento’t galing ang iba’t ibang organisasyon sa kolehiyo. Sino nga ba ang nangibabaw sa lahat?

BulSU on its 108th

Mga Istoryang Wantusawa “Grabe! Kinilig naman ako sa ‘She’s Dating the Gangster’!“

10

Opinion Enduring (the) Race

“Life is a never ending race.” How long can you endure?

5


2

Hataw sa Dayaw mula pahina 1

ACOMAS speaks up Association of Computer Majoring Students’ (ACOMAS) organization president, Nacylie San Miguel, broke her silence regarding the struggles the organization is facing. Activities such as ‘Status mo, post ko’, in which what students want to say will be posted in the organization’s bulletin board in exchange of P1 per post, and ACOMAS day were not pushed through due to unavailability of funds. The collected budget from the organization’s membership fee of P50 and signature campaign of P100 were not enough to fund the proposed projects since it was used last CoEd Week. “Walang natirang fund, naniningil pa lang yung treasurer namin para makabayad kami sa LSC [Local Student Council],” San Miguel said. Joseph Roy Celestino, Director of the Office of the Student Organizations (OSO) specified that everything must be based on the organization’s constitution and that it must be cleared with the members. “Kumbaga ang nasusunod lamang sa lahat ay ang sinasabi na penalty ng constitution, kasi kung hindi naka-specify sa konstitusyon ‘yun, talagang walang magagawa ang bawat lider ng organization… Hindi ko naman mapapayuhan [org leaders] direkta… Kasi ang tanging kokonsultahin natin talaga [constitution]. Babalik at balik, uuwi at uuwi sa lahat sa sinasabi ng konstitusyon,” Celestino pointed out.

Arriane M. de Villa

E-Circle initiates K-12 seminar

Part of the series of activities for the CoEd Week, E-Circle, the Society of Students Majoring English, conducted a seminar on K-12 Curriculum bearing the theme, “Visiting the Grades 7-12 English Teaching of the K-12 Curriculum,” last December 3 in Room 408-410. Along with it was the general assembly of the organization. All 269 English majors from first to fourth year who participated in the seminar were given lectures about the overview of the English Instruction in K-12 by Dr. Avelina M. Aquino, Director of the Office of the Admissions, and Ms. Chie C. San Miguel, an English Instructor. Before the program ended, the officers discussed and executed the organizational report, financial statement and fun games.

Juim S. Abanag

Gen Soc, short of fund

With P9, 000 as the remaining fund, General Society (GENSOC) struggles to do two major projects to conform to the accomplishment report to be passed to the Office of the Student Organization (OSO). The organization collected roughly P17, 000 to finance its activities. But from P17, 000, the fund dropped off to P9, 000 because of the projects of Local Student Council (LSC) last CoEd week in which the organization participated. Presently, the GENSOC is planning to have a gift-giving project to the elders of Tahanang Mapagpala in Bulacan Polytechnic College (BPC) tentatively. The date will still be discussed by the officers. Other projects that will maximize the remaining fund will also be suggested on their next meeting. “Two major activities could mean one major activity every semester,” said Director of OSO Joseph Roy Celestino. He also cleared that failure to come up with major projects will be subject to reprimand only and not dismembership.

Mercy C. Morales

KAPIMAPA at work

Inspite of not being one of the best organizations this academic year, Kapisanan ng mga Mag-aral sa Araling Panlipunan (KAPIMAPA) is still working on projects to rise again. “Planado na ang mga proyekto natin sa buong taon. Nagkaroon lang ng mga hindi pagkakasundo kaya may mga naudlot. Hindi kasi ako pwedeng mag-desisyong mag-isa. Kailangan ang tugon ng lahat.” said Elmer Tamparong, president of KAPIMAPA. He also stated that the monthly “diaper donation project” was canceled due to lack of cooperation of the members even though he remained reminding the organization. KAPIMAPA also have “Piso para sa Proyekto” where they collected a peso a day to have fund for their projects and for the renovation of Room 411 to turn it into a Social Studies Room. In this room, KAPIMAPAns can use computer units and LCD projector exclusively when they need it for their class. The materials are ready for renovation which will be started on summer break.

Aison G. Agustin

MMS’ Camping Still Uncertain

MAPEH Major Society (MMS) holds a camping event yearly to train the students learn about scouting and first aid. However, this year, the camping is not yet finalized due to issues about the venue. The venue, usually held in Guiguinto, is still tentative due to personal matters of the owner of the lot. In replacement of the venue, it is suggested that a campsite in Kakarong De Sili, Pandi, Bulacan be used. The outing usually takes place during the 1st week of March, lasting for three days and two nights. The event involves seminar-training on scouting and first aid and retreat. This event is pursued every year in fulfillment of the accomplishment report to be submitted to the Office of the Student Organization (OSO). Sir Ferdinand Alcantara, Sir Erwin Capardo and Sir Rowell Castro are said to supervise the event.

Diane C. Punongbayan

kani-kanilang katutubong damit. Nagkaroon ng mga programa at parada bilang hudyat ng pagsisimula ng Festival. Dumalo ang dating Senador Jamby Madrigal na humalili sa ating Pangulong si Benigno Ninoy Aquino bilang panauhing pandangal. Nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa mga Bulakenyo. Kaugnay ng pagdiriwang ay nagkaroon din ng iba’t ibang programa sa Capitol Miniforest gaya ng Dayaw Masining na Kabuhayan, Dayaw Hapag at Dayaw Masining na pamumuhay. Dito ipinakita ang specialties ng mga Dayaw gaya ng iba’t ibang putahe na kilala sa kanilang tribo. Gayundin ang mga katutubong sayaw gaya ng Totantak na kilala sa tribong Gandang. Sa tatlong araw na pagdiriwang ng Dayaw Festival, nagkaroon ng mga tyangge at dito ibinebenta ng mga katutubo ang kanilang mga pangunahing produkto. Nagkaroon din ng pagbisita sa piling paaralan sa Bulacan tulad ng Guiguinto National Vocational High School (GVNHS), Virgen Delos Flores High School, Dr. Felipe De Jesus National High School, Colegio de Calumpit, Balagtas National Agricultural High School (BNAHS) at Felizardo C. Lipana Memorial High School at doon nagtanghal ang mga Dayaw. Nagsimula ang Dayaw noong 2007 sa Davao

Dalaw sa katutubong Musika. Isang katutubo ang nagpakitang gilas sa pagtugtog ng katutubong instrument noong nagdaang Dayaw 2012. Contributed photo

kung saan tinatawag pa itong Kalimudan. Nag-iiba ang pangalan ng naturang selebrasyon depende sa lugar kung saan ito ginaganap. Tinawag lamang itong Dayaw nang ginanap ito sa Maynila

noong 2011. Tinangkilik ang naturang selebrasyon sapagkat naimulat sa mga kabataang Bulakenyo ang iba’t ibang kultura at sining ng mga Dayaw.

BulSU on its 108th from page 1 Kpop items can be purchased. Meanwhile the fraternity Alpha Phi Omega (APO) pursued their annual Oblation Run last December 5, making it one of the highlights of the celebration. Even before, the said run holds a theme per year and this year was about clean elections and nonviolence. Even so, the event piqued the interests of the students and drew spectators. Himig Guro, CoEd’s

very own chorale,competed in a choir competition on December 5 at BulSu’s Activity Center, singing their contest piece, Noche Buena and their warm up song Holy Night. With 7 other chorale groups, the Sarmiento Campus was hailed as the contending champion for three consecutive years. Meanwhile, the College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) bagged the 1st runner-up while the

group from Bustos Campus and College of Engineering got second and third respectively. Not only the booths contributed to the weeklong festivity but also the events, pageants, and contests inside the premises of the university, held and hosted by different colleges. Even at night, the number of students has not wavered. They took part and joined in the fun of these events prepared for them.

LET passing rate continues to ascend from page 1 The 208 test takers for Elementary Education consisted of 139 first timers and 109 repeaters. However, only 164 (114 from first takers and 50 from repeaters) passed. Out of 482 test takers for Secondary Education, 264 from the first timers and 218 from the repeaters, 215 passed the LET. Among these numbers, 157 are first timers and 58 are repeaters. “Actually kahit last year ganun din e. Fresh graduates naten, ‘yung mga first takers, talagang mataas ang percentage of passing. . .basta mga fresh graduates, ang problema lang natin mga repeaters. Saka ‘yung problema na ‘yun hindi lang tayo may problema nun. At wala na tayong control sa mga repeaters e,” commented Dr. Luzviminda Tantoco, Dean of the College. The Professional Regulation Commission (PRC) released the results on November 26, forty-two working days after the last day of examination. BulSU-CoEd got 16.84% above the national passing rate of 49.29% for Elementary Education and 1.11% above the national passing rate of 43.50% for Secondary Education.

*fresh graduates only


Late enrolment fine... Bustos Campus na si Kristina Siapco ang nagbayad ng P67 dahil sa first week fine. May mga estudyante namang nagre-reklamo sa opisina ng SG dahil pinatawan sila ng penalty kahit na nakapagenrol sila sa takdang oras. “Pina-photocopy namin ang mga COR nila at tama naman ‘yung date sa at oras sa assessment form pati sa COR, kaya ipinakita namin sa Accounting Office at sabi nila na sila na’ng bahala doon na tanggalin sa record,” paliwanag ni SG Vice President Krissia de Jesus. Para makaiwas sa nasabing enrolment fine, maaring makapag-enrol sa mismong araw ng enrolment sa pamamagitan ng partial payment basta’t may dalang promissory note at valid ID ng magulang ang estudyante para makapagpapirma ng partial payment sa Accounting Office. “…Pipirmahan ‘yung assessment [form] mo, you can pay the amount of P500 naka-enrol ka na… tsaka mo na lang bayaran ‘yung kulang, ang important nakapasok ka sa system,” saad ng

Para sa BulSUans. Si VP de Jesus ang naging kinatawan ng mga mag-aaral upang ilapit sa CHED ang ukol sa Development Fee. Photo by Regina Grace Reyes

3 mula pahina 1

pangulo. Sa ngayon, ang minimum payment para makapag-enrol ay ang kalahati ng tuition fee at kabuuan ng miscellaneous fee ngunit dahil sa promissory note ay maaring makapagbayad ng P1000 lamang na siyang napagdesisyunan ng mga dekano ng bawat kolehiyo. Matatandaang ang binasurang Resolution no.19, s. 2012 ay may multang P300 kung nakapagbayad matapos ang tinakdang petsa, P500 kung nakapagbayad naman sa panahong nagkaklase na, at P1000 sa mga tsekeng tumalbog. At mayroon ding 3% diskwento sa full payee at 10% penalty sa unpaid balance. Ang resolusyong ito ay may mas mabigat na pataw kung maihahambing sa Resolution no.68, s. 2006. Halaga ng maliit na sticker, babawasan Sa pagpupulong ng BOR noong Disyembre 6, inilapit ni SG President Julius Dado ang pagpapabawas ng ID Sticker Fee at kaagad naman itong inaprubahan ng Board sa pangunguna ni Commision on Higher Education (CHED) Commissioner Nona S. Ricafort. “Aprubado na talaga siya, hinihintay na lang kung magkano ‘yung ibabawas,” pahayag ni Dado. Kaniyang inihain na malaki ang halagang P50 para lamang sa maliit na sticker. “For verification na lang naman kasi ‘yung sticker kasi may ID naman na tayo kaya kailangan na ibaba ‘yung P50,” dagdag pa ni Dado. Ang nasabing pagbabawas sa ID Sticker fee ay siguradong mararamdaman na

ng mga mag-aaral sa susunod na school year. Pagpapabasura ng Development Fee, hindi aprubado Kaugnay naman ng isinagawang signature campaign ng Partido Pagkakaisa ng mga Demokratikong Mag-aaral (PDM) para sa pagpapabasura ng Resolution no. 64, s.2004 o ang paniningil sa Development Fee, idinulog ni SG Vice President de Jesus at Sen. Patrick Jan Carpio sa harap ni Ricafort ang nasabing adhikain noong BOR meeting. Tinutulan ito ng CHED Commisioner dahil ang pondo ay ginagamit umano sa pagpapatayo at pagpapaayos ng mga pasilidad sa unibersidad. Ngunit nitong Enero 4 lamang ay nagkaroon ng emergency meeting sa opisina ng CHEd at kasama silang ipinatawag para sa pagpupulong. “Doon sinabi ni commissioner [Ricafort] na babawasan na lang ng P100 ‘yung development fee at ipapatupad na siya sa susunod na enrolment,” pahayag ni de Jesus. Sinabihan sila ni Ricafort na nangangailangan na lang magpasa ng referendum upang matuloy ang nasabing pagbabawas sa nasabing singilin. Hindi man nagtagumpay sa pagpapabasura ng Development fee ay nagkamit na rin ng tagumpay ang mga estudyante dahil mababawasan na ang bayarin na pupunan tuwing enrolment. “Parang nanalo na rin tayo sa nangyari na ‘to. Hindi lang ‘to para sa PDM ngunit para sa buong mag-aaral kasi binawasan naman na kaya malaking tulong na ‘to lalo na sa mga mag-aaral natin,” pagsasara ni de Jesus.

Mentors: We need charter change by KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS

Due to recurring problems that The Mentors’ Journal has been experiencing, the Editorial Board (EB) 20122013 unanimously decided to restructure the publication. Mentors adopted a new constitution that is believed to solve problems in management, finances and staff recruitment and retention. “Aside from finances, Mentors has been struggling on having competent staffs that are dedicated and committed. This new charter involves mentoring and

promotion system which will uphold continuity and stability in the publication,” explained Mercy C. Morales, Managing Editor and former Associate Editor who has been in the publication for three years. With the new constitution, Mentors now has two departments: the Administrative Board that is in-charge of the managerial aspect of the publication and the Editorial Board that is concerned on every issue that will be released. “The EB has agreed that a publication is an

The Pioneers. Former Editorial Board of The Mentors’ Journal deliberating on the revision of the constitution. Photo by Kim Cathleen Mercado-Santos

organization as well. And the Editor-in-Chief cannot be the captain of both ships, so we decided to distinguish one from the other,” stated Jonard M. Calma, President and former Managing Editor for Administration. There are also practical changes in application procedure making it easier to join. Once an applicant is accepted, she will be a staff until she graduates as long as she stays a CoEd student and is able to pass the performance-based evaluation stated on the new constitution.

BIOSSA Stude places in Science Quiz Bee

Biological Science Students Association member (BIOSSA) Charlene Manlangit BSEd 3A, landed on 8th place in the 2012 Mathematics and Science Quiz Bowl and Research Congress Annual on December 10-14 held at the Isabels State University, together with BS Biology students Jaime Aclon and Samantha Sevilleno. According to Coach Richard Clemente of College of Science (CS), there were other College of Education (CoEd) students who joined the Congress but were eliminated.

Rachelle D.L. Ricio

Dela Cruz, designated as JCO President

Third year class and organization officers nominated Local Student Council (LSC) BSEd Board Member Jeric C. dela Cruz as the new president of Junior Class Organization (JCO) on January 4 at Bulacan State University (BulSU) Main Library, Roxas Hall. Other officers elected were Rowena L. Sasuluya, BSEd 3F, as Vice President; Jonico S. Sarcia, BEEd 3E, as Secretary. Jasmine G. Abengania, BSEd 3C, and John Joshua P. Cudia, BSEd 3A, were selected as the Treasurer and Auditor respectively. Moreover, Aleana B. Camat, BEEd 3D, and Niña Angelou V. Aquino, BSEd 3K, landed as Public Relations Officer (PRO) and Business Manager. “Ngayon na ako naman ang JCO president, gagamitin ko ang aking mga natutuhan bilang [LSC] Board Member. Mahirap man ang posisyon ng president, gagawin ko ang lahat, magsisipag ako upang maabot ko ang expectations ng marami. Ang lahat ng ito syempre ay sa tulong ng aking mga kapwa officers.” stated Dela Cruz. Although the College Dean Luzviminda F. Tantoco got disappointed because of the absence of any representative from the eight sections of third year and the concession of some nominated students, she was satisfied in the outcome of the said election. The new set of officers is now planning everything concerning the event. Third year students are encouraged to suggest a theme and the person who suggested the chosen theme will not be charged of any payment.

Rachelle D.L. Ricio and Jonico S. Sarcia

SOPHYSM’s del Rosario steps up

as CoEd CSE Commissioner

New College of Education (CoEd) Commission on Student’s Election (CSE) Commissioner Zacarie Jo P. Del Rosario, BSED 2B of Society of Physical Science Major (SOPHYSM) steps up as the Student Government (SG) Election planning commenced on November 29. After the 2-year term of Genesis Celis, BEED 4D of Pre-School Major (PREMAS) ended last year, Del Rosario was endorsed to take up the position. According to Mr. Joseph Roy Celestino of the Office of the Student Organizations, CSE commissioners are chosen based on their academic performances, good moral and right conduct. As the school year is nearing to its end, SG Election gears up as the date of the SG Election is set on February 21, 2013. The file of candidacy officially started on January 17-18 and 21-25, 2013, while the campaign period will begin on January 31 and end on February 19, 2013.

Christine Mae G. Cruz


4 Kayo po na nakaupo Goodbye practice area... Hello, airport! Bahagi na ng mga suliranin ng mga mag-aaral ng KoEd ang kawalan ng lugar na maaari nilang tambayan sa oras na walang klase. Dahil dito, madalas na matatagpuan ang mga kawawang mag-aaral na nakasalampak sa malamig na sahig o kaya’y nakaupo sa mga maruruming hagdan na kung mamalasin ay dahilan pa ng pagdumi ng uniporme. Nagmukha na ngang kawawa, napapagalitan pa ng mga prof at natatarayan ng mga kapwa nila mag-aaral dahil sa totoo nama’y nakakasagabal at nagdudulot ng ingay. Bilang tugon, kamakaila’y nagmagandang-loob na “nag-donate” ang admin ng sampung chrome benches sa ating kolehiyo na kasalukuyang nakapuwesto sa unang palapag ng Roxas Hall. Ayon na rin sa Local Student Council (LSC) ng KoEd, tumataginting na Php 12,500 ang tinatayang presyo ng bawat isa na sa kabuua’y may halagang Php 125,000. Dahil dito, nabawasan ang mga nakakalat na mag-aaral gayundin ang mga nakatambay sa hagdan at nakasalampak sa lapag. Nagkaroon din ng panibagong lugar na puwedeng paggawaan ng mga paperwork ng mga estudyante. Sa kabila ng magandang epekto nito ay hindi maiiwasang magkaroon ito ng negatibong implikasyon. Sa dami ng mga estudyante ng KoEd, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong maranasang mamahinga at maupo roon. Ang paglalagay nito sa mismong daanan ng mga mag-aaral ay siya namang pagliit ng espasyong dinadaanan papasok at palabas ng Roxas. Mas lalong naging makalat ang lugar at sa halip na maging maayos ay dumagdag pa ito sa ingay mula sa mga nakatambay na estudyante. Kung bibigyan nang malalim na pagsusuri, ang kawalan ng paglalagian ng mga mag-aaral ay hindi pangunahing suliranin ng KoEd. Kung lilibutin natin ang buong Roxas Hall ay makikita natin ang tunay na kakulangan at problema ng KoEd: ceiling fan na luma at ang karamiha’y sira pa, aircon na pupugak-pugak, Rooftop na mainit at binabaha at mga lobby na mukhang bodega. Ganito ang tunay na kalagayan ng ilang silid-karunungan ng KoEd na humahadlang sa pagtatamo ng karunungan ng mga magaaral na sana’y unang binigyang-pansin. Kung tutuusin ay 12 aircon o 100 na ceiling fan ang maaring mabili ng Php125,000 o kaya’y maisasaayos na ang mga mesa, bintana, lobby at silid ng Rooftop. Katumbas ng halaga ng mga bench ang maaari sanang mas maayos na kalagayan ng ating mga silid. Mas maganda sana sa KoEd kung ang bawat silid ay higit na kaaya-ayang pasukan, may aircon na gumagana, ang ceiling fan ay matino, lobby na mainam, at ang Rooftop ay hindi mainit at binabaha. Kung hindi naman kakayaning pagtutunan ng pansin ang mga nabanggit, sana’y tumutok na lamang sa isang bagay tulad na lamang ng pagsasaayos ng Room 408-410 na ginagamit bilang AVR . Ito sana’y mabigyan ng sapat at maayos na pasilidad tulad ng mainam na lightings at sound system at tamang bentilasyon upang magamit nang matiwasay ng ating mga kamag-aral at guro. Bilang paghahalintulad, ipagpalagay na lamang natin na sa isang paaralan ay mas uunahin ng isang principal ang pagpapasaayos ng playground kaysa sa mga silid-aralang sira at kulang ng pasilidad. Kabalintunaan. Tunay na maganda ang intensyon ng mga nakatataas para rito subalit sana’y nagkaroon ng pagtitimbang-timbang sa kung ano ang mas kinakailangang tugunan at alin ang dapat na unahin sa mga prayoridad.

The Mentors’ Journal Administrative Board

Jonard Calma, President | Paul Christian Cruz, Vice President for Publication and Circulation | Wilfredo Quiambao, Vice President for Finance | Lilet Anne Caparas, Vice President for Membership, Recruitment and Retention

The Mentors’ Journal Editorial Board

Kim Cathleen Mercado – Santos, Editor-in-Chief | Mercy Morales, Managing Editor | Israel Saguinsin, Opinion and Editorial Senior Editor | Arriane de Villa, News Senior Editor | Jonico Sarcia, Features Senior Editor | Alexis Julie Nirza, Hulagpos Senior Editor | Diana Rose Cabigao, Arts, Graphics and Photography Senior Editor | Mary Emmanuelle Miranda, Online and New Media Senior Editor

The Mentors’ Journal Editorial Staff

Juim Abanag, Lorenzo Aguilar, Aison Agustin, Shaira Joyce Alarcon, Mohammad Isah Andal, Mayel Araneta, Lornalyn Austria, Ana Bianca Cabarloc, Dyan Grace Crespo, Christine Mae Cruz, Gianna Patrcia Marvilla, Johann Pacayra, Diane Punongbayan, Elysa Camil Reyes, Rachelle Ricio, Queeny Valerio, Karl Vincent Villarico, Staff Writers | Jayvie Aboyme, Layout Artist | Kathleen Ambojot, Mark Eric Balagtas, Renzo Beltran, Aileen Mendoza, Aurelio Moquiring, Marizhine Morallos, Wilfredo Quiambao, Graphic Artists | Kristine Grace Galang, Merlyn Grace Lozano, Jaycel Punla, Regina Grace Reyes, Photojournalists Mr. Ernesto S. de Guzman, Adviser For comments and suggestions, join us at www.facebook.com/groups/the.mentors.journal and like us on www.facebook.com/BulSUTheMentorsJournal

SOLILOQUIM The Teaching Profession JONICO S. SARCIA

“My name is Jonico S. Sarcia. When I grow up, I want to be a teacher.”

-March, 1999. Sa dinami rami ng mga propesyon ay pagkaguro ang napili kong sabihin noong graduation day sa kindergarten. Dahil sa ang mga nagtapos noon karamihan ay doctor, nurse, fireman, o pilot ang sinabi at ako lang ang teacher, para unique at maiba naman sa kanila, naisip ko. Nang dumating ako sa Bulacan State University (BulSU), on-the-spot akong namili ng kursong isusulat sa application form dahil sa hindi pa ako desidido sa pipiliing kurso sa kolehiyo. First choice: BEEd, major in General Education. Second choice: BS Math, major in Applied Statistics. Education, dahil gusto ng magulang ko at dahil na rin nakatadhana na yata ito sa pamilya namin. BS Math, dahil sa hilig kong asignatura, kaya naisip kong kahit anong kurso na lang basta’t related sa mathematics (wala pa kasing accountancy rito no’n at wala nang slot sa BSEd Math). Nahilig din ako sa journalism dahil sa nilalaban ako noong elementary sa presscon na umabot pa sa

high school. Kaso, naisip kong mahirap ang trabahong papasukin ko kung ito ang pag-aaralan ko sa college. Kahit papaano, natupad naman ang gusto ko dahil nakasali ako sa publikasyong ito. At makadaragdag pa itong experience na magagamit sa pagtuturo. Nagustuhan ko na ang pagtuturo ngayong sinimulan ko na, kailangan ko na lang tapusin para makakuha ng lisensya at maging ganap na teacher na talaga. Magkakatotoo rin pala ang sinabi ko sa stage, sa harap ng maraming tao. “Mahina naman ang ulo mo, mag-teacher ka na lang!” Hindi naman masama ang kursong Education, ngunit bakit may ilang mga magulang na pilit pinapakukuha na lamang ng ganitong kurso ang kanilang anak dahil sa mahinang kaisipan. Ibinababa nila ang uri ng pagiging guro samantalang ito ang pinakakomplikado sa lahat ng propesyon. Hindi naman makapagtuturo kung walang alam. At higit sa lahat mahirap magturo kung nagkukunwa-kunwarian lang na may alam, sabi nga ng isa kong propesor. Sinabi pa nuon ni Sir Marlon Santos (TMJ, p.8, vol.8 no.2) na dapat ang guro ay hindi lamang nauuna ng ilang pahina mula sa kaniyang mga estudyante

kundi dapat ay mga aklat ang pagitan nila. Dahil totoo, hindi mo maibibigay ang wala sa ‘yo.

“Teaching is the noblest of all professions because it creates the other professions.” Mahirap man ang trabaho at propesyon ng mga guro, hindi matutumbasan ang kanilang mga gawa. Ang pagtuturo ay hindi madaling propesyon, hindi nito nagagarantiya ang halaga ng suswelduhin kahit na ang kanilang puhunan ay sariling oras, lakas, at kagamitan pa. Minsan, humahantong pa sa pagkadismaya, lungkot, at hapis ang nararamdaman. Ngunit ang pagmumulat ng kaisipan sa mga kabataan tungo sa makabagong kaalaman at ideya, at ang paghubog ng mabuting kalooban ay nakapagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan na hindi naman matutumbasan ng salapi. Ito ang dapat isapuso pagsapit na nagtuturo na sa apat na sulok ng silid-aralan. Ito ang mga alaalang maituturo at maisasabuhay sa darating pang panahon. “Sikaping maging mataas ang antas ng propesyon ng pagtuturo!”


Subcranial Blitz Alam kong ayaw mo itong basahin

5

WILFREDO R. QUIAMBAO Blah. Column? Bakit kailangan mo nga namang basahin? Mas nakakaenjoy namang magbasa sa entertainment section kaysa sa ganito. Bukod sa wordy o masalita ay hindi mo naman din maintindihan kung ano ba ang ipinapahiwatig ng manunulat. Ayaw mong mapagod ang isip mo sa pagunawa sa mga kataga. Ayaw mong mapagod ang mga mata mo sa pagtingin sa 8.5 na font size. Mas okay pa ang komiks. Nakakatawa. Tulad mo’y ganoon din ako. Mas gusto ko pa ang mga may drawing kaysa wala. Hindi ako palabasa.

drawing) noong 4th year high school. “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong. Oo, naging alagad din ako ni Bob Ong. Nakakatawa siya. At nagreklamo pa nga ako na bakit ganoon lang ang ending nu’n (kung nabasa mo na ay good; kung hindi, bawal manghiram...bumili ka ng sarili mong kopya!). Hanggang may nagtanong sa akin kung naintindihan ko talaga dahil political daw ‘yun. Weh? Talaga? Bakit? Hindi ba’t kwento lang siya ng alimangong nakakain ng puso ng saging? I was superficially reading the line then. Kumbaga sa ibabaw ng tubig ako nakatingin, hindi sa mga isda at bato sa ilalim.

Doon ko napagtantong mas kailangan ko pang magbasa at lawakan ang aking pang-unawa. Pero nagsisisi akong hindi ako lumaking palabasa. Hindi naman sa hindi ako marunong magbasa (alam ko ang A-A-A-Apple, B-B-B-Ball, C-C-C-Cat), pero huli na nang malaman ko ang kahalagahan ng pagbabasa. Una akong nakapagbasa ng nobela (kung nobela nga iyon dahil may

Doon ko napagtantong mas kailangan ko pang magbasa at lawakan ang aking pangunawa. Marami kang pwedeng mabasa. Malaya ang mga manunulat sa kung ano ang nais nilang isulat at ipabasa sa mga mambabasa. Maaari kang makabasa ng pag-ibig ng isang tao sa isang tao. Maaari

rin kung paano mo tinitingnan ang lumot sa alulod. Malaya. Pero hindi nagwawakas doon. May iba’t ibang perspektibo tayo sa pagbabasa. Maaaring sa kaniya ang ibig sabihin ng ganito ay ganito at ang ganiyan ay ganiyan. Halimbawa, sa eksena kung saan natae ang batang Bob Ong sa school noong kinder pa siya. Maaaring nakakatawa nga iyon at makare-relate ka dahil minsan sa buhay mo ay natae ka na sa salawal. Pero kung bibigyan mo ito ng pakahulugan, maaaring ang taeng iyon ay sikreto at kahit anong pilit mong pigilin na itago iyon, lalabas at lalabas at aalingasaw rin ang baho nito, naks! Natutunan ko sa pagbabasa na minsan akala mo tama ka na, ‘yun pala mali ka. Pagbabasa ang nagtama sa akin sa mga mali ko. Mula sa simpleng “raw” at “daw”, “rin” at “din”, hanggang sa kung paano nito hinamon ang mga paniniwala ko. Natuklasan ko na minsang ipinanukalang ibahin ang pangalan ng Pilipinas at gawin itong “Maharlika”. Nalaman mong ang unang nobelang nailimbag sa wikang Pilipino sa Pilipinas ay ang “Ninay.” Malalaman mong gwapo ang may-akda nitong column

(huwag kumontra, gumawa ka ng sarili mong column). Kung mayroon mang idinulot na mabuti sa akin ang pagbabasa, marahil ito ay ang pagbibigay halaga rito. Kung paanong lumawak ang pangunawa ko tungkol sa paligid ko sa simpleng pahina ng aklat, sa simpleng mga salitang nakaimprenta. Bago ka raw makapagsulat, dapat ay nakapagbasa ka na. Hindi naman mahalagang ang binabasa mo, e, ‘yung mga matatalinhaga. Hindi naman requirement na unahin mo ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo pero hindi naman kailangang maisantabi ito upang malaman mo rin kung paanong napainit nito ang ulo ng mga Kastila. Kailan nga lang nagsimula na rin akong magbasa ng mga pocketbook. Oo. Lalung-lalo na ‘yung mga gawa ni Martha Cecilia, ‘yung may halong kuwan. Haha. Ginagan’unganu’n mo lang iyon? Doon ko natutuhan ang mga salitang “tikhim,” “tagis,” “tiim,” “kapagkuwan.” Gusto kong dumating ang araw na muling magbabalik ang interes ng mga tao sa pagbabasa. Gaya noong panahong mabentang parang

ulam ang mga komiks na gawa nina Mars Ravelo, Carlo J. Caparas, at Gilda Olvidado. Kung saan tinatangkilik ng mga tao ang likhang nobela ni Lualhati Bautista gaya ng Dekada ’70 at Bata, Bata, Pa’no ka Ginawa? At kung paano naging bestseller ang mga gawa ni Martha Cecilia na Kristine Series. Maraming kaalamang nakatago sa mga pahina. Ikaw lang ang hinihintay nito. Bakit hindi mo subukan? Buksan ang aklat at simulan ang pagkatuto sa pagitan ng mga linya’t pahina. At patunayan mong mali ako sa sinabi kong alam kong ayaw mo itong basahin. Magdadalawang taon na ako sa Mentors’ at ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako. Salamat J,M,K. Salamat sa mga co-staff writers, colayout artists, co-illustrators (lahat ng trabaho nasubukan ko, maliban ang pagiging photojourn). Salamat sa mga mambabasa ng Subcranial Blitz. Sa mga na-touch, tinamaan, at na-inspire, maraming salamat sa inyo. Hindi ako mawawalan ng gana na magsulat dahil alam kong uhaw ang mga kaisipan ng mga guro para sa kaalaman. Ipagpatuloy sana ng mga maiiwan sa Mentors’ ang pagmamahal na ibinigay naming mga aalis sa publication. Sana mga ka-CoEd ay mas mahalin natin ang CoEd at ang Mentors’. Mabuhay! Padayon!

Even teachers have their own stories to tell. This space is open to

to express thoughts, feelings and views about issues Teacher Talk allmaywhotheywish be related or not to their respective profession.

ENDURING (THE) RACE ROWELL C. CASTRO

“To win a race, you have to be in a race.” This is one of my favorite lines from the movie entitled Mean Girls 2. I believe that it reminds us to always have the courage to accept challenges (no matter how hard or painful it is) in life for in the end it will make us a better person—a winner. Just like all other people, I have been to many races in life. These are not just the ones that require one’s physical strength and agility for running but, the race of life itself—the race that speaks of our struggles for winning and achieving what we want to be in the future. Hence, life is a never ending race. While I was writing this article, I focused my attention on a photograph hanging on the wall of our house. That one is my most favorite—my college graduation photograph which was taken four years ago. That moment stopped me for an hour or two and made me reminisce all the memories I had with my classmates and friends. It also made me remember the sleepless nights of cramming over deadlines, triumphs I achieved and even failures I surpassed. Indeed, it

reminded me of how I pushed myself to the limit just to reach my ultimate dream of becoming a teacher and most importantly, a mentor. This was one of the races in my life which I consider as the most triumphant so far.

rewarding. Sometimes we may feel so tired that we want to give up, stop running and forget about our goal of winning. Well, just like in my profession, I sometimes feel that professional dryness or lack of motivation to teach

expectationsany other craft which is far from the judgmental eyes of some people. I felt tired. I felt like giving up. I felt hopeless. I fell on the ground. And yes, I almost lost that race. But since I really love

“There may be many things which will try to stop you from running but you just have to always remember that there will be no other time for winning if you will let yourself be out of that race.” According to Dr. Avelina M. Aquino, anybody can be a teacher but it takes a lot of things to become a mentor. With that, I bear in mind that I should teach not to impress but as I have to inspire others, influence people and aim to change lives. For your students will remember you the most not with the things you instill on their minds but with the lessons you put in their hearts. Truly, being able to inspire other people will make you a winner of your own. It also makes me also appreciate more and be proud of my profession. Meanwhile, we also have to remember that being on a race is not always

but the photograph on the wall never cease to get me back on track. There will be times when you feel so sorry for yourself because of so much pressure from the people around you. Those people who expect you to become perfect, that you are not allowed to commit any mistakes and those moments when you just want to escape from reality so you can be the real you out of the standards of the society. Personally, I am not exempted with this experience. When I was new in the profession, I always have those agonies. I even thought of trying other profession which offers higher salary and with lesser

teaching, I still chose to run and drive my motivation to continue doing my work and to find happiness beyond every single disappointment I have. That simply means that no matter how painful it is, we have to be in our own race in life where ourselves are our only competitor and challenger. We have to overcome those things that hinder us in winning, those which tempt us to stop and give up, those which limit our capabilities and even those which hurt us. Instead, we should focus on the things that keep us going. If we are able to defeat our fears in life, then we are all winners, real winners! There may be many

things which will try to stop you from running but you just have to always remember that there will be no other time for winning if you will let yourself be out of that race. Winning is not just about meeting the standards of other people even receiving rewards for your hard work. Instead, it can only be attained when you learn how to stand every time you fall. Even though you are not certain where that race of life will lead you, just be on it; don’t stop. Remember that for every step you make and sweat you perspire is a victory that money cannot buy.

Sir Rowell M. Castro is a faculty of College of Education for almost 3 years now. He is a proud graduate of BEEd Generalist here in the university. He is currently completing his thesis for his Master’s Degree in Education major in Educational Management. Also, he is presently teaching Values Education, Educational technology 1 and 2 and Social Dimensions.


4

1

DAY

CoEd Week nagsimula na NI ARRIANE DE VILLA

B

ilang bahagi ng taunang selebrasyon, pinasinayaan ng Local Student Council (LSC) ng Kolehiyo ng Edukasyon (KoEd) ang pagbubukas ng CoEd Week noong ika-3 ng Disyembre, kasabay rin ng pagsisimula ng Foundation Week. Ang tema ng naturang selebrasyon ay nakahanay sa tema ng Foundation week na ‘Pagpapalaganap ng galing at karunungan sa Pag-unlad ng Lipunan.’ “Walang theme ang CoEd week, naka-align tayo sa theme ng Foundation week, sa opening program wala tayong

guest speaker. Sinadya ng LSC ‘yun kasi dapat naka-focus tayo sa students, kasi students’ activity ‘yun,” pagbibigay linaw ni Stephen Angelo Enriquez, Gobernador ng LSC. Muling inilunsad ng LSC ngayong taon ang Mr. and Ms. CoEd, kung saan nilahukan ito ng representante ng bawat organisasyon sa loob ng Kolehiyo. Nagkaroon ng parada ang mga kalahok bago nagtipon sa Valencia Hall upang ipakilala ang kanilang mga sarili. Kasabay nito, inilatag din ng LSC ang mga kaganapang hindi dapat palampasin ng mga estudyante sa pagdiriwang ng CoEd Week.

Kasing tamis ng pulot ang ngiti ng mga nagwagi sa naganap na quiz bee na sina (mula pangalawa sa kaliwa) Lozano, Nucum at Mangali. Kasama din sa larawan sila Gng. Remedios Azarcon (kaliwa) at Gng. Remelie Robles (kanan) na nagsilbing mga quizmasters. Photo by Regina Grace Reyes

Patintero Unang Gantimpala Society of Physical Science Major Ikalawang Gantimpala Society of Mathematics Major for Education Students Ikatlong Gantimpala The Society of English Majoring Students

DAY 2: Lakas at Galing,

ipinamalas ng mga mag-aaral ng KoEd

2

ni MOHAMMAD ISAH A. ANDAL

S

a ikalawang araw ng CoEd week, nagkaroon ng iba’t ibang laro na nilahukan ng mga myembro ng mga organisasyon. Nagpamalas ng lakas at galing ang mga magaaral sa iba’t ibang larangan katulad ng basketball, volleyball, at badminton. Nasungkit ng mga magaaral na lalaki ng SOPHYSM ang Unang Gantimpala sa larong volleyball, habang nasungkit naman ng mga mag-aaral na babae ng MMS ang Ikalawang Gantimpala. Wagi ang mga magaaral na lalaki ng SOPHYSM at mag-aaral na babae ng Gensoc habang tinanghal naman na kampeon ang mga magaaral na babae at lalake ng MAPEH Major Society (MMS) sa larangan ng basketball.

Tapang at Determinasyon. Manlalaro ng ACOMAS habang sinusubukan agawin sa SOPHYSM ang bola tungo sa pagkapanalo. Photo by Mohammad Isah Andal

S

sa pagdiriwang makaraang dumalo sa emergency meeting na ipinatawag ng ating Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaya’t hinalilihan siya ni Santos. Ayon kay Ms. Carmelita Sanga, isang CoEd faculty, “Na-refresh at narelaxed si Ma’am Milet(Ms. Remelie Robles). Maayos ang service. Muntik na nga siyang makatulog eh. Na-satisfy siya sabi niya sa amin. Maganda itong idea na ito para sa mga CoEd students pero sana mas marami pang service ang i-offer like pedicure.” Nagpatuloy naman ang patibayan sa volleyball at badminton. Sa badminton men ay nanaig ang Society of Physical Science Major (SOPHYSM) at sa badminton women naman ay ang pambato ng Generalist Society (GENSOC). Sa volleyball men, nasungkit muli ng SOPHYSM ang unang pwesto at sa volleyball women ay inuwi ng MAPEH Major Society (MMS) ang unang gatimpala.

Habang abala ang iba sa mga palaro ay nagtinda naman ang mga magaaral ng KoEd sa harap ng Roxas Hall. Kani-kaniyang diskarte ang iba’t ibang majors sa paghikayat sa mga estudyante para tangkilikin ang kanilang paninda. Hindi naman naiwasan ang mga problema sa pagdadaos ng mga naturang palakasan. Katulad na lamang ng pagdadaos ng Volleyball na nakatakda sanang ganapin sa Mojon Sports Complex ngunit dahil sa kakulangan ng mga gamit panlaro at espasyo, ang volleyball ay ginanap sa LHS Quadrangle. Ito ay gaganapin sana ng ika8 ng umaga subalit dumating ang mga kalahok ng ika-10 ng umaga na naging sanhi kaya huli na ito naumpisahan

DAY

Para naman sa mga mag-aaral na hilig ang mga larong pinoy ay sinamantala ang patimpalak na Laro ng Lahi na tampok ang mga

TESDA, at your Service! ni AISON G. AGUSTIN a pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Linggo ng KoEd, tuluy-tuloy din ang pagkakaroon ng gawain para sa mga mag-aaral. Isa sa pinakatampok na nangyari sa KoEd ay ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng ilang mag-aaral mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ipinaliwanag ng supervisor ng TESDA Specialista na si G. August Santos ang layunin ng programa. Ito ay upang mabigyan ng libreng serbisyo ang mga mag-aaral ng KoEd, tulungang magkaexperience ang mga scholars ng TESDA sa kanilang napiling specialization at magamit ang kanilang natutunan. Ang libreng serbisyo ay ginawa sa Room 409 ng Roxas Hall na dinaluhan ng mga ilang mag-aaral at guro na gustong mabigyan ng libreng masahe at gupit. Si Sec. Joel Villanueva ng TESDA ay hindi nakarating

larong gaya ng patintero at hilahang-lubid na ginanap naman sa Activity Center (AC).

3 DAY

Libreng gupit bumida sa CoEd week. Isang mag-aaral ng CoEd ang nahandugan ng libreng serbisyo mula sa TESDA. Photo by Merlyn Grace Lozano

Quiz Bee Unang Gantimpala Society of Physical Science Major Ikalawang Gantimpala Biological Science Students Association Ikatlong Gantimpala Pre-School Major Society

Tug of War Unang Gantimpala Society of Physical Science Major Ikalawang Gantimpala Association of Computer Major Students Ikatlong Gantimpala Pre-School Major Society Society of Future Technical Educators

Basketball Girls Unang Gantimpala Mapeh Major Society Ikalawang Gantimpala Samahan ng Mag-aaral ng Filipino Ikatlong Gantimpala Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan

Basketball Boys Unang Gantimpala Mapeh Major Society Ikalawang Gantimpala Society of Technology and Livelihood Education Students Ikatlong Gantimpala Samahan ng Mag-aaral ng Filipino


Talas ng isipan, husay ng talento, KoEd nagpatalbugan ni CHRISTINE MAE G. CRUZ

N

Badminton Single Female Unang Gantimpala Generalist Society Ikalawang Gantimpala Society of Future Technical Educators

Badminton Single Men Unang Gantimpala Society of Physical Science Major Ikalawang Gantimpala Association of Computer Major Society

Wagi “Araw, Gabi.” Naiuwi ni Joan Elfie Baguios (E- Circle) ang tropeo para sa solo category ng Indabirit nang kanyang haranahin ang mga hurado sa kanyang rendisyon ng Araw, Gabi ni Regine Velasquez. Photo by Regina Grace Reyes

Volleyball Boys Unang Gantimpala Society of Physical Science Major Ikalawang Gantimpala Mapeh Major Society

Dance Competition Unang Gantimpala Society of English Majoring Students

Duet Category Champion Fearly Ann Torres BsEd 1D Ron Camilo M. Manreza BSEd 3D

ng mga mag-aaral ng KoEd ang kanilang angking mga talento sa naganap na IndaBirit. Nakamit ng E-Circle Movers na binubuo nina Alexis Julie Nirza, Diana Rose Cabigao, Arriane de Villa, Arraine Shantal Cruz (BSEd 4G), Abigail Adriano (BSEd 3G), Ashley Alexie delos Reyes at Jovelyn Capiral (BSEd 3K) ang tagumpay sa kategorya ng pagsayaw. Sa kanyang rendisyon ng “Araw, Gabi”, nakamit ni Joan Elfie Bagiuos, BSEd 2G ng E-Circle ang kampyonato sa Solo Category habang si Ron Camilo Manreza, BSEd 3D ng Mapeh Major Society (MMS) ang nakakuha ng ikalawang pwesto. Sa Duet Category, nagwagi rin si Manreza kasama si Fearly Ann Torres, BSEd 1D (MMS).

4 DAY

Talento’t Galing ng CoEd, pinarangalan ni LORNALYN S. AUSTRIA

H Volleyball Girls Unang Gantimpala Mapeh Major Society Ikalawang Gantimpala Society of Future Technical Educators Ikatlong Gantimpala Society of Mathematics Major for Education Students

agtagisan ng talino, boses at indak ang mga kinatawan ng iba’t-ibang organisayon sa ika-apat na araw ng CoEd Week noong Disyembre 6 na ginanap sa Roxas Hall 408 (Quiz Bee) at Activity Center (IndaBirit). Nakuha ni Camille Lozano, BSEd 4B ng Society Of Physical Science Major (SoPhysM) ang unang pwesto sa Quiz Bee habang ang kinatawan naman ng Biological Science Association (BioSSA) na si Manuel Nucum, BSEd 3A ang nakasungkit ng ikalawang pwesto. Matapos maging tabla sa ikatlong pwesto sina Gillian Mangali, BEEd 3C ng Pre-School Major Society (PREMAS) at Michael Clark Capili, BSEd 3B ng SoPhysM, nasungkit ni Mangali ang pwesto hawak ang isang puntos na lamang matapos na kuhanin ang kanilang iskor sa elimination round. Pinatunayan din

anggang sa huling araw ng CoEd week ay hindi natapos ang pagpapakita ng talento at galing ng mga mag-aaral sa larangan ng isports at pagandahan. Naging pinakatampok ang Mr. and Ms. CoEd sa huling araw ng selebrasyon na ginawa sa Valencia Hall. Kasabay nito ay pagbibigay parangal sa mga nagwagi sa iba’t-ibang patimpalak ng kolehiyo. Matagumpay na nasungkit ni Jonavelle D.G. Pascual ng Generalist Society (GenSoc) ang korona bilang Ms.CoEd 2012. Nakamit naman ni Niña Angelou V. Aquino ng E-Circle ang pwesto para sa unang karangalan, Maria Louella A. Ferrer ng PreSchool Major Society (PrEMAs) sa ikalawang gantimpala, Jalel Louise Sta. Maria ng Association of Computer Major Society (ACOMAS) para sa ikatlong pwesto at Liwanag S. Sandel Society of Mathematics Major for Education Students (SMMES) para sa ika-apat na karangalan. Para naman sa mga kalalakihan, tinanghal si Rogelio R. Ramos Jr. ng Samahan ng Mag-aaral ng Filipino (SAMAFIL) bilang Mr. CoEd 2012. Matagumpay ding nakuha ni Jose Israel L. Aguilar ng Biological Science Student Association (BIOSSA) ang pagkilala para sa unang karangalan, Lorenzo C. Aguilar ng E-Circle para sa ikalawang gantimpala, John Carlo L. Dela Cruz Penia ng Mapeh Major Society (MMS) sa ikatlong karangalan at Christian B. Santos ng ACOMAS sa ika-apat na pwesto .

Sa gitna ng pagdiriwang, hindi naiwasang nagkaroon ng maliit na diskusyon tungkol sa pagdedesisisyon sa pagpili ng Top 5. Ipinaliwanag naman ng mga hurado na may panuntunan at porsyentong sinusunod sa bawat kategorya. Nagpatuloy ang pagbibigay parangal sa mga nanalong Top 5. Naiuwi nina Maria Louella A. Ferrer at Lorenzo C. Aguilar ang titulo bilang Mr. and Ms. Samera Event Services at sina Christian B. Santos at Niña Angelou V. Aquino ang nakakuha ng pagkilala bilang Ms. and Mr. Photogenic. Para naman sa kategoryang Mr. and Ms. Like-Able sina Jonavelle D.G. Pascual at Christian B. Santos ang nagkamit nito. Sina Mary Joy P. Caparas at Christian B. Santos ang nanalo bilang Best Casual Wear, at sina Niña Angelou V. Aquino at Lorenzo C. Aguilar ang naguwi ng titulong Best Sports Wear. Si Jonavelle D.G Pascual ang nagwagi para sa Best Long Gown at Rogelio R. Bautista para naman sa Best Formal Wear. Ang Top 5 at mga tinanghal na Mr. and Ms. Samera Event Services ay magkakaroon ng Trip to Boracay for 2 na handog ng Samera Event Services. “ Unexpected kasi hindi ko naman inakala na ako ang mananalo dahil sa dinarami-rami na mga naging katungali ko sa pageant. Lahat kami ay may kakayahang manalo dahil lahat kami ay binayayan ng angking talento, kaya naman thankful ako sobra nung nanalo ako.” pahayag ni Rogelio R. Ramos Jr, Mr. CoEd. Bago matapos ang

5

DAY

programa ay pinarangalan ang mga nanalo sa mga aktibidad na ginawa. Sa nakaraang limang araw matagumpay na nakamit ng E-Circle ang pagkilala bilang Over All Champion. Naging masyadong dikit at mainit ang labanan sa pagitan ng Generalist Society at PreSchool Major Society kaya naman parehas nilang nakamit ang unang karangalan. Hindi naman nagpadaig ang (MMS), ipinakita nila ang kanilang determinasyon upang manalo sa mga paligsahan

dahilan upang masungkit nila ang ikalawang pwesto. “Actually, for so many years ngayon na lang ulit nag-champion ang E-Circle sa activities ng CoEd kaya masayang-masaya kami kasi yung efforts ng lahat ng officers worth it talaga. Saka masaya kami na ngayong taon na nag Over-All Champion kami, it feels like E-Circle is finally back on track,” ani ni Rochelle Anne Liwanag, E-Circle President.

Talino at ganda, katumbas ay korona. Tinanggap ng may pagpapakumbaba ni Jonavell D.G Pascual ang korona mula sa Ms. CoEd 2011, Rowena Sasuluya. Contributed photo


8

! Dose ng Dos milM gDa oK ase tagang Tatak 2012 nina KARL VINCENT C. VILLARICO at ELYSA CAMIL P. REYES

2

013 na pala?! Weh ‘di nga?! Akalain mo nga naman heto ka at humihinga, hawak-hawak at nag-e-enjoy habang binabasa ang The Mentors’ Journal. Dahil d’yan… palakpakan! Congratulations! Isa ka rin pala sa mga nakaligtas. Masakit mang isiping nagpaloko ka sa tsismis tungkol sa Doom’s Day na naging dahilan ng pagkakaroon mo ng instant syota, hayaan mo na at alisin ang poot na nasa kalooblooban mo. Samahan mo na lang kaming isa isahin ang mga salitang nagsulputan at nagbigay kulay sa nagdaang 2012. Oh, bago ka magtaka at magprotesta, ibinase namin ang pagkasunod-sunod ng mga salitang ito ayon sa dalas ng pagkakagamit nito sa mga ordinaryong sitwasyon. At aminin mo man sa hindi, alam naming ginamit mo rin ang isa sa mga sumusunod na salitang ito. Ano, ready ka na ba?

palabas na Eat Bulaga. Nauso ito mula ng magsulputan ang mga taong magagaling, at alam ang lahat, ‘yung tipong nagmamarunong. Reincarnation ni Aristotle at astang anak ng Diyos (Charot!). Suitable for all ages. “Ikaw na! The best ka eh, bigyan ng jacket!”

makapagpapatumba, pinaka sa mga pinaka, cream of the crop, best among the rest (Bow!). Siya na! “Ganda ng article na ‘to! UNKABOGABLE ang writers.”

10

BET MO?/ BET NA BET –

12

9

PBB TEENS? –

Nauso ito nang umere sa telebisyon ang mga kabataang walang ginawa kundi ang maglandian, magyapusan at mag-utuan sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Para ito sa magsing-irog, magsyota, magbf-gf, magkasintahan, basta may malisya ang relasyon. Senswal ba. “In love na yata ako sa writers nito, nakaka-PBB TEENS.”

Another term para sa salitang papetiks-petiks o pa easyeasy na cheap ang dating na pinauso ni Vice Ganda. Iyong tipong kahit nagmukha nang eyebags na tinubuan ng mukha ang mga kaklase mo sa Algebra eh nagagawa mo pang palitan ang shade ng lipstick mo dahil ‘di ito match sa eyeshadow mo. “Ano ba ‘yan ang puputchu ng major exams ko, ‘di man lang ako pinagpawisan.”

EKSAHERADA! (exaggerated) –

Dahil puro panlalait ang mga nauna, rito naman tayo sa medyo magandang pakinggan. Ito ‘yung pinaka superlative degree ng papuri. Pero ingat ingat din, baka kasi inuuto ka lang ng kausap mo. Shake well before using. “Friend! Ang ganda mo today, eksaherada ang foundation! Naghuhumiyaw!”

8

11 IKAW NA! Best ka! –

PUTCHUPUTCHU –

The UNKABOGABLE -

Ito ang pinaka effective na pambara sa mga taong knowit-all na unang narinig sa

Hindi matatalo, walang

7 Isa pang impormal na pamalit sa mga katagang maayos naman in the first place. Ginagamit itong pamalit sa “gusto”. Aliw ‘di ba? BET? “BET na BET ang article na ‘to.”

6 AMALAYER? AMALAYER? (I’m a

liar? I’m a liar?) – Ito ang pinakamainit na expression noong bagong matapos ang 2012. Mula ito kay ate Paula Jamie Salvosa na isang Masscom student ng La Consolasion College turned English major sa LRT Santolan station dahil kay madam lady guard. Umani ng iba’t ibang reaksyon lalo na sa social media. Galit, inis, tuwa at iba pa. Pero aminin mo naaliw ka sa monologue ni ate! “Ang pangit ng article na ’to. AMALAYER? AMALAYER?”

5 ANYARE? (Anong nangyari?) – Nagmula kay

Vice

Ganda,

gasgas na gasgas ang salitang ito lalo na sa mga taong ipinanganak na clueless at ‘yung ipinanganak na walang alam, pwede rin itong sabihin tuwing may kakaiba o biglaang nangyari. Isang paraan din ito upang makapanglibak ng physical features (Wow!). “Anyare sa mukha mo? Mukha kang model ng Baygon.”

4 AGAD AGAD?! ‘di ba pwedeng… muna? -

Ito ay ekspresyong ginagamit sa pagkakataong parang ang bilis ng mga pangyayari. Iyong sitwasyong parang hindi mo masundan daig pa ang fast forward sa sobrang advance, ‘yung tipong unang received mo pa lang ng text n’ya na in love ka kaagad hindi ba pwedeng crush na muna?

“Kapag ba naka varsity jacket jejemon agad? ‘Di ba pwedeng frustrated tanod muna?”

3

UNLI? UNLI? Paulit ulit? –

Hindi ito loading station. Sinasabi ito kapag paulit-ulit ang kausap mo. Hindi ito loading station. “UNLI” kapag paulit-ulit ‘yung kausap mo. Hindi ito ‘yung loading station na pinag-iistambayan mo sa tuwing nauubusan ka ng load na pang reply sa taong lumalandi lang sa’yo. Inuulit

ko, hindi ito loading station. “Hindi nga raw bakla si Tim Yap! UNLI? UNLI?”

2 ANSAVEEH? (Anong

sabi?) – Siya ang elder sister ni ANYARE. Kapansin-pansin na mas malandi siya sa kaniyang kapatid, sa spelling pa lang ‘di ba? Ginagamit ito sa mga sitwasyong masyadong malalim at hindi abot ng karaniwang isipan. Maari rin itong pamuna sa ‘di kaayaayang pananamit. “ANSAVEEH ng shorts ni Marquez? Rexona! It won’t let you down”

1 NGANGA! –

Hindi ito ‘yung mga madalas sabihin ng mga kaibigan nating dentist o ‘yung favorite pastime ni Lola. Ginagamit ito sa mga pagkakataong sabaw na sabaw at lumilipad sa milky way ang utak mo. “Walang NGANGA moments ‘tong write-up na ‘to.” Oh, ayan, naibigay na namin sa inyo ang pinaka nagmarkang expressions ng taong 2012. Nakahihiya naman sa inyo eh. Charot! Nakaaaliw man, patunay rin ito sa natural na pagkamalikhain ng Pinoy. Hintayin na lang natin ang mga susunod pang pasisikatin ni Juan Dela Cruz na pagpapasapasahan ng marami. Oh sige, gorabels na kami mga kapatid, until next time!


L E Tt h e

9

battle begin

by LORENZO C. AGUILAR and MAYEL ANNE S. ARANETA “Hold yourselves, the LET is coming.” The Licensure Examination for Teachers or LET is held in the months of March and September, where vigorous studying, cognitive battering and whole heart dedication finally pays off or unluckily dies out. According to DepEd, the percentage of LET passers are about to hit the alarming level. This is a timely issue, because in just months from now, our college will produce another batch of fresh graduate ready to take over the field of education, but, before they could conquer the arena, they should first face the final boss of their battle – the LET, and to help them in their quest for glory, here are some battle stories to keep them inspired and set their eyes for the victory. Never back down Ms. Grace who majored in Social Studies is currently teaching at Catmon National High School in Catmon Sta. Maria, Bulacan and on her first year of teaching in public school. On her first trial to pass the LET, she preferred to study by herself because she is confident in that manner. On the examination day, she felt confident and trouble-free until she turned the pages of the exam. “Hindi pa naman ganoon kasakit ‘yung impact, nu’ng una kasi alam ko

naman na hindi ako ganoong nakapaghanda.” stated Ms. Grace. On her second try, she enrolled in a review center and underwent months of crucial and mind boggling schooling while simultaneously teaching in a private school. On her second take, she was confident and looking forward to pass the exam and ready to hold her license afterwards, but for the second time, the ache that she felt last time, doubled. “’Yun ang masakit na, kasi alam ko na sa sarili ko na naghanda naman ako at binigay ko lahat ng makakaya

Teaching is a calling This story was the experience of Mr. Rhommel Revisa,(Called Sir Vice by his pupils) English major currently teaching at Balasing Elementary School, Sta. Maria, Bulacan and a proud graduate of New Era University, Quezon City. Sir Vice’s review was neither harsh nor ruthless. He preferred to be laid back and easy and started to read just a week before the exam. “Wala akong time no’n kasi nagwo-work ako sa call center, kaya konting basa-basa lang talaga ang nagawa ko,”

She never really had a plan to take the LET for the third time but the idea passed her mind. Then, she began the very serious and most dedicated review of her life. ko. Sabi ko noon, ayoko na, suko na ako,” Ma’am said. According to her, she never really had a plan to take the LET for the third time but the idea passed her mind. Then, she began the very serious and most dedicated review of her life. “At ‘yun, awa ng Diyos ‘yung pangatlo ko eh pumasa na. Iba ‘yung feeling, ang sarap, lisensyado na ako eh. Lahat ng sakit at paghihirap ay mababayaran din ‘pag hindi ka sumuko,” Ma’am Grace as she ended our conversation.

stated Sir Vice. It was exactly 2:30 am on the day of his exam when he received a text from his then girlfriend. As he reads the message, his heart was crushing and tears run down his cheeks. “Alam n’yang araw ‘yun ng exam ko pero do’n n’ya pa napiling makipag-break. Masakit, pero kailangan kong tanggalin sa isip ko dahil exam ko nga.” Before he took the exam he sipped a hot cup of coffee and bit on pieces of crackers just for the sake of not taking the board with an empty

stomach, but the odds were never at his side that day. “Labas ako ng labas no’n dahil sa nagsusuka ‘ko. Nalamigan ‘yung tiyan ko. Walang ginawa ‘yung assistant proctor kung hindi himasin ‘yung likod ko. Awang-awa ako sa sarili ko, ang gusto ko na lang noon eh matapos ko ‘yung exam,” Sir Vice related. After the exam, Sir Vice never thought of having a high chance of passing the board, he was not hoping really for a license. “Sabi ko kung hindi ako papasa, hindi na ‘ko kukuha pa ulit, hindi na ‘ko magtuturo kasi hindi ‘to para sa ‘kin.” As the result of the LET was released, no person could be as happy as Sir Vice. A miracle happened and he was one of the newly licensed teachers of his batch. “Hindi ko talaga akalain ‘yun dahil sa hirap na dinanas ko no’n, grateful talaga ako noon at nagpapasalamat sa Diyos. Ang saya! Kung para sa ’yo kasi talaga ang pagtuturo, para sa ‘yo talaga, it’s God’s will,” Sir Vice’s last line before we ended the interview. Preparation is a requirement On November 26 the result of the September 2012 Licensure Examination was revealed. One of those who passed is Ms. Regina Tanalgo also known as Mang Jing. She’s now an instructor, teaching Speech and Stage Arts. Ma’am Jing took BSED English in Bulacan State University and after she has graduated as Cum Laude, she was offered by BSU to teach as an English teacher, Ma’am Jing has shared how she has prepared for LET. “Preparation kasi, estudyante pa lang kasi ako pinaghandaan ko na ang LET kasi kung magpe-prepare ka two

months before the LET, masyado na ‘yung gahol, dapat estudyante ka pa lang peneperceive mo na ang mga pinagaaralan mo [ay] magagamit mo na sa LET.” It’s not only that she has perceived of the thing that she’s going to use in taking the LET, but also the step she take after her four years in school as a student. “Before graduation, nag-start na akong magreview, bago pa ako maggraduate as in review na, babalikan ko na ‘yung dapat na aralin. Then nag-enroll ako sa isang review center sa UP Diliman at nag-collect din ako ng iba’t-ibang reviewers sa other school, PNU, ayon.” Ma’am Jing as asked if LET was easy, she said “Sa Gen. Ed and Prof. Ed, hindi ako na hirapan… naging confident ako. ‘Yung sa major, may mga ‘di madali pero in general, kinaya naman. Pero syempre may mga part na nahirapan din.” For future educators, Ma’am Jing said that taking the examination is a requirement for success especially for those who are aspiring to be teachers. “’Yung paghahanda sa LET more on sa pag-aaral bilang estudyante dapat habang estudyante, pinagiigihan ang pag-aaral ‘di yung sa review ka na babawi. Kasi ‘yung two months na review, hindi n’ya mako-compensate yung four years na pag-aaral. Parang requirement siya para makapasa sa LET. Pero after this, malaki pa ‘yung laban, ‘yun pa ‘yung dapat paghandaan.” LET the battle begin. There are lots of means and ways to prepare for the Licensure Examination for Teachers. To anyone who will be taking the LET, do what works for your style, do your best and slay the enormous monster blocking your way to professionalism. Different stories, different endeavors, different odds, different situations. To the graduating class of 2013, are you ready to make your own story?


10

WATTA

Istoryang Mga WATTPAD! Wantusawa

nina SHAIRA JOYCE V. ALARCON at LORNALYN S. AUSTRIA

“Oo, nabasa ko na. Kinilig nga rin ako!”

“Nabasa mo na ba ‘yung kinwento ko sayo?“

“Grabe ‘no? Sana ako na lang ‘yung girl .”

I

kaw kapatid, nakarinig ka na ba ng mga ganitong mga eksena? Kahit saan ka naroon mayroong Wattpadusers kaya’t hindi dapat mainis sa ganitong mga sitwasyon, dahil sa panahon ngayon, normal na lamang ito. Subukan mo kayang magbasa rin ng Wattpad para naman mabawasan ang init ng ulo mo. May mga kwentong pag-ibig dito na gustong-gusto ng mga kabataan kaya’t hindi nakakapagtaka kung bakit ito kinababaliwan ng karamihan. Mayroon ring mga kwentong wantusawa ritong tiyak na uulit-uulitin mo at tiyak na hindi mo kababagutan at pagsasawaan. Ang Wattpad ay… “The best place to discover and share stories.” Ito ang tagline ng Wattpad. Nabuo ito noong Oktubre 2006 sa pagsasanib nina Allen Lau at Ivan Yuen mula sa Canada, upang makapagbigay-aliw sa mga tao saan mang panig ng mundo at ngayo’y sumisikat na rin sa Pilipinas. Binuo ito para sa pambihirang layunin na pasiyahin at aliwin ang mga mambabasa. Kaya nang naimbento ang Wattpad, mga kwento nito ay nagsimula na at tuluyang kumalat. Kwento ko, kwento mo, kwento nila, kwento nating lahat! “Wattpad s’yang ipinalit sa pocketbook…” ani Jayson Hilario, BSED 1I, dahil mas cool at astig gamitin, everywhere at everyday maaari kang magbasa, saan mang lupalop ng mundo basta’t kasama mo ang cellphone na lagi mong kasangga at kaibigan. Mas “high-tech,” sabi nga ng karamihan, kaya naman parami ng parami ang mga

“Hay... Ako rin. Sana may gano’n din akong boyfriend”

kabataang nahuhumaling dito. Kasabay ng pagsulpot ng Wattpad sa ating sibilisasyon ang paglabas ng ilang mga baguhang manunulat. Gamit ang Wattpad, mabilis na sign up lang, lagay ng ilang mga detalye, tulad ng pangalan, lugar, at ng e-mail address at

buhay pag-ibig ng dalawang karakter na maraming pinagdaanang pagsubok para mapatunayan ang kanilang pagiibigan, na sa huli ay nauwi rin sa isang masalimuot na wakas. “Minsan mixedemotions pero madalas kakakilig,” pahayag ni Andrea Angeles, BSEd 2E. Ang Wattpad ay waring may gayuma kung kaya’t

Mas cool at astig gamitin, everywhere at everyday maari kang magbasa. presto! Maipakikita na nila at maipababasa sa karamihan ang kanilang likhang kwento na kung saan madali nilang mababatid kung naging epektibo ang kanilang sinulat sa pamamagitan ng boto at bilang ng mga mambabasa. Patok ang Wattpad dahil… Maraming genre ang Wattpad: short stories, teen fiction, science fiction, fantasy, mystery, humor, adventure, horror at hindi pahuhuli ang paborito ng karamihan angromance. “Nagbabasa ako ng Wattpad kasi nakaka-relate ako,” pahayag ni Carlene Fae, BSEd 1I. “Nakakukuha rin dito ng mga pieces of advice about sa friendship at family problem,” ayon kay Ivy Cortez, BSEd IA. “Hindi dapat minamadali, dapat nating hintayin ang tamang panahon para umibig,” saad naman ni Misty Banila, BTTE 1A . Ilan lamang ito sa mga aral na makukuha sa Wattpad. Nangunguna sa listahan ng mga istoryang binabasa ng marami ay ang “She’s Dating The Gangster,” na umabot na sa mahigit apat na milyong ‘reads’ ang ratings. Ano nga ba ang mayroon sa ganitong tipong mga istorya at nagugustuhan ng karamihan na basahin ang mga katulad nito? Nasa loob ng istoryang ito ang

nagugustuhan ng karamihan. “Nagbabasa ako ng Wattpad para maaliw, pampalipas ng oras na rin,” dagdag ni Misty Banila, BTTE 1A. Mga gwapo at magagandang paglalarawan sa mga bidang karakter ang isa pang nakadaragdag upang mas lalong tangkilikin ng madla ang Wattpad, mayroon ding fan pages ang ibang kwento sa Wattpad, at humihiram sila ng mukha na maaaring maging representative ng mga karakter. Dahil dito, nakikita ng mga mambabasa na ang taong kanilang nakikita ay ang taong nasa kanilang binabasa. Dahil rin sa mga kwento nitong may kakaibang timplang gustung-gusto ng kabataan, hindi nila maiwasang isiping sana mangyari rin sa kanila ang mga eksenang nababasa. Dahil sa Wattpad… Nabibigyan ng pagkakataon ang mga baguhang manunulat upang mapaunlad pa ang kanilang mga kakayahan sa pagsusulat. Dahil sa mga komento at boto ng mambabasa, nalalaman ng mga writers kung ano ang maganda at hindi sa kanilang isinulat. Malaya rin nilang naibabahagi ang mga karanasan na s’ya rin namang nakatutulong sa mga mambabasa

upang magkaroon sila ng inspirasyon at pagasa sa anumang bagay at pagsubok na kanilang kinahaharap. M a r a m i n g magagandang epekto ang Wattpad. Dahil sa pagbabasa nito, nakakukuha ang karamihan ng mga payo na maaari ring ibahagi sa mga kaibigan na may mabigat ng problema. “May nakukuha akong info na minsan hindi alam ng iba,” saad ni Ma. Catherine Elizabeth Pagtalunan, BSEd 3F. Sa bawat positibong epekto ng Wattpad ay mayroon ding negatibo. Madalas napababayaan na ang pag-aaral dahil may mga ilang mambabasa na masyadong nilulunod ang mga sarili sa pagbabasa. “Nasasayang ‘yung time ko sa kababasa ng Wattpad,” dagdag ni Gladys Ann Chavez, BSEd 1E. Minsan, ang ilang mga mambabasa ay nangangarap na mangyari sa kanila ang ilang eksena na kahit anong gawin ay malabo

naman mangyari. At mayroon ding pati ang kanilang paniniwala ay binabase na lamang sa Wattpad. Nawawala ang kanilang mga paninindigan, at nakalilimutan na nila kung ano ang tama at mali sa pagbabasa nito. Ngunit maiiwasan naman ito, depende na rin sa pagka-open-minded ng mambabasa. Wala namang masama kung magbabasa ng ganitong mga bagay. Tulad ng Wattpad, nabuo ito para may paglibangan at may kapulutang aral ang bawat isa. Pero hindi dapat lumagpas sa limitasyon dahil anomang sobra ay masama. At huwag mabulag sa mga kwentong kathang-isip lamang. Dahil mas mainam at masaya ang kwento ng tunay na buhay na kung saan mula sa mga karanasan na hindi matatawaran, nakikita ang tunay na realidad ng mundo. At ang pinakamahalaga sa lahat ay natuto at tumibay sa mga pagsubok at pagkakamali na kinahaharap.


11 Coxcomb mr. yozo

Daffodowndilly My heart is silly Still begging A broken being Waiting Like a popinjay Hoping for dismay Wishing a rewind To not leave me behind © Jaycel Punla © Merlyn Grace Lozano

Pinatubo 2.0 v.12 Talaturû

Hindi malayo na mulit ang nangyari noon, ang araw na tila tinalikuran tayo ng Panginoon. Nagalit sa dumi ng pang-ibabaw na mundo, sinukahan ang tao ng nagliliyab na dugo. Hindi sigurado at walang nakaaalam, gumagawa ng kanya-kanyang sagot ang mga utak na kumakalam. Nakasalalay ang takot at pangamba sa propesiyang mawawala ang lahat, kasama ang madla. Marahil sa sobra nilang katalinuhan, ay nawala ang ating angking katimawaan, katimawaang tumulay sa tao at lumalang, katimawaang nagpatunay ng ating kasarinlan.

TF

Serenity

Malamig, tahimik at puno ng salamin, Narito nanaman ako, Sa munting entablado ng bawat gabi ko. Dito kami’y nag-isang anino, Init ng katawan inilabas ng walang anu-ano, Sigaw at halinghing ang umuugong sa apat na kanto. Pumikit at pinilit lunukin ang sistemang ito, Sa gabing ito nakasalalay Ang kinabukasan ng pamilya ko. Paghabol ng hininga ang huli kong nagawa, Sa gabing ito ang tf ko ay para Sa isang salop na bigas at isang sardinas. © Regina Grace Reyes

Space Juno

I remember it clearly, the last time you folded that linen blanket and straightened up that cover of your side of the bed. Oh, how I float weightlessly around in uncertainty when you left. I was suspended in the air of nothingness, dodging and grabbing questions at the same time. Yes, I remember it clearly. You gave me space, but it’s more like you’ve taken it away with you. You said, that I need it, that it will be healthy, that it will provide recovery for the both of us. But I know it is just your way of saying “let time decide for us.” And you were right, I needed it. I needed it to finally crumble down into pieces and give up on us. And so I’ve taken the liberty to hang up this invisible vacancy sign in my chest. You told me all about space. I always thought that you’d be a great explorer. But you are your own star. You wouldn’t like to be the one providing a place for others to sparkle and you will never bother to notice how bright they are. And you’ve fed me of the wonders of that boundless territory. How you would like to fill that with memories, and smiles, and adventures… with me. But unlike that space, you have your limits. What you’ve failed to tell is how painful space can be. How frightening it is to be alone in that vast airless place. How it feels to see bodies collide and drift apart into a supernova of sorrow. How space can be like a vacuum that will suck up the breath and happiness I breathe. How space can be a portal to a void of oblivion. And how I can always revisit that place every night in my room.

© Merlyn Grace Lozano

Space can be nurturing, space will allow me to grow but the only thing that have nurtured in me was pain as I grow up into a stranger I barely even know. And now who is filling that space you’ve abandoned? Cause as other strangers and space wanderers tried to take that side of my bed, as moans and cigarette smoke echo in my room, it will only be filled with the emptiness. Yes, it was empty but it seems that you never vacate that space.


SHAKABOL!!! (Foundation week/Koed week) guhit At kulay ni Mazhine

12.21.12 guhit At kulay ni Mazhine


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.