Giyera Patani

Page 1

N alalapit na naman ang sagupaan ng dalawang

hukbong magtatagisan ng kanilang lakas, galing at istratehiya. (Sundan sa p.6)

Alinsunod sa Memorandum Order No.32 ng Commission on Higher Education (CHED) na nilagdaan ni Chair Patricia Licuanan noong ika-30 ng Setyembre 2010, simula sa taong pang-akademya 2012-2013 ay lilimitahan na ang mga kolehiyo at unibersidad sa pag-o-offer ng mga kursong tulad ng Nursing, Teacher Education, Information Technology, Business Administration at Hotel and Restaurant Management. Sakop ng moratorium na ito ang mga State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs) at private Higher Education Institutions (HEIs). Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, dumarami ang kolehiyo at unibersidad na nag-o-offer ng mga nasabing kurso ngunit kumakaunti ang mga nagsisipagtapos ng may katangiang kailangan at natatanggap sa trabaho. Ang kakayahan ng mga nagsipagtapos Isa sa mga qualifications ng mga graduates ang board examinations. Ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC), makikita ang mababang performance ng mga graduates sa resulta ng Licensure Examinations for Teachers (LET) at nursing board exam. Batay sa talaan ng PRC ngayong taon, 78,513 nursing graduates ang kumuha ng board examination at 37,513 examinees ang pawang nakapasa. Katulad ng sa nursing board, mababa rin ang kabuuang porsyento ng mga graduates na pumasa sa LET. Mayroong 33,023 examinees sa Elementary Education subalit 5,221 lamang ang nakapasa. 29,267 examinees naman sa Secondary Education at 7,690 ang bilang ng mga pasado na kung susumahin ay nasa 26.80% lamang. Dahil sa ebalwasyong ito, minabuti ng CHED na maglabas

ng memorandum na maglilimita sa mga eskwelahang magbubukas pa lamang ng 5-year courses. Naglalayon din itong patibayin ang mga nasabing kurso upang mas paramihin pa ang mga qualified graduates. Masasabing hindi naman apektado ang ating kolehiyo sa ini-labas na moratorium. Sa katunayan, tumaas pa nga ang passing rate ng CoEd-BulSU sa nagdaang LET noong Setyembre 2011. Nakamit natin ang kabuuang passing rate na 28.25% sa Elementary Education at 36.73% naman sa Secondary Education. “Hindi naman tayo apektado ng moratorium. Ang apektado lang nito ay ‘yung mga schools na magbubukas pa lang ng ganoong courses at saka may mga LET passers tayo,” patunay ni Dr. Luzviminda F. Tantoco, Dean ng kolehiyo.

Ang kurso at ang bilang ng pangangailangan Ayon sa Department of Education (DepEd), mula taong 2011-2012 ay mangangailangan ng 101,612 na guro sa bansa ngunit dahil sa kaunting bilang ng mga kumukuha ng LET at sa kabuuang bilang lamang ng passers sa bansa na 22.68% sa Elementary Education at 31.45% sa Secondary Education, kaunti lang ang pumupuno sa mga bakanteng slots ng mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan. Ito ang dahilan kung bakit naghahanap na lamang ng ibang mapapasukang trabaho ang mga graduates at nagkakaroon ng job mismatch. Kasali sa issue ang sinasabing job mismatch dahil sa pagdami ng mga mag-aaral na kumukuha ng mga kursong kakaunti naman ang employment opportunities. Kaya naman ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang

gobyerno ay dapat na magpokus sa mga kurso na siguradong may mapapasukang trabaho. Maraming graduates ang nakararanas ngayon ng job mismatch, maaaring dahil sa kakulangan ng kwalipikasyon sa kursong kanilang natapos at sa papasukan nilang trabaho kaya naman napupunta sila sa mga trabahong lihis sa kanilang field of expertise. Isa rin sa nasabing dahilan ng job mismatch ay ang umusbong na mga call center companies. Napakaraming propesyonal, nakapagtapos man o hindi ang naaakit na maging call center agents, dahil sa kompensasyong in-o-offer ng mga Business Processing Outsourcing (BPO) companies. Hindi rin naman kasi kailangan na nakapagtapos ng kolehiyo para matanggap sa trabahong ito. Ang importante ay mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Kung kaya naman ilan din sa mga graduates ang nahuhumaling na pumasok sa ganitong trabaho. Sources: *Philippine Daily Inquirer 11/12/2010 *Manila Bulletin 05/27/2011

Jonico S. Sarcia

Volume 15 No.1

Hinirang na bagong Assistant Dean ng Kolehiyo ng Edukasyon si Prof. Belarmino S. Cruz sa bisa ng Office Order No. 44, Series of 2011 noong ika- 19 ng Disyembre, 2011. Ito ay kaugnay ng pagreretiro ni Dr. Marlene D. Castillo, dating katuwang na dekana. “We felt that he is qualified because he performs right, laging very satisfactory ang kanyang performance rating at consistent. And he is performing well today,” ani Dr. Mariano C. de Jesus, pangulo ng Bulacan State University (BulSU). Ang aplikasyon para sa bagong Assistant Dean ay binuksan para sa buong unibersidad at hindi lang sa mga guro ng Kolehiyo ng Edukasyon. At sa pagkakataong ito, si Cruz lang ang nagpasa ng letter of intent. Dagdag pa ng pangulo... (sundan sa p.2)

Photo from The Office of the Chairman of Student Teaching

Bagong Assistant Dean itinalaga


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.