The Mentors' Journal Vol. 14 No. 2

Page 1

COEd Flames outplayed again in Intrams From being the overall champion last 2008, and placing second just last year, the College of Education (COEd) Flames landed on third place in the Intramurals held last August 21-25. (continued on p. 3)

Opinion teacher talk

page 4

editorial

page 5

Features reviewer

page 6-7

editorial page 8

Cultures

of rust and

my other demon

page 9

script

page 10

SEC, ipinatupad sa high school Ruby Rose R. Cruz at Carlyd Mae C. De Jesus

Sa pagsisimula ng taongpanuruang 2010-2011, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang panibagong curriculum sa high school. Alinsunod sa DepEd Order No. 76, s. 2010, ang dating Basic Education Curriculum (BEC) ay naging Secondary Education Curriculum (SEC). Sumailalim sa pilot testing sa mga nasa unang taon sa 22 pilot schools. Kaalinsabay ng pagpapatupad ng bagong curriculum ay ang bagong sistema ng pagtuturo—ang Understanding by Design (UbD) teaching kung saan ang lesson plan at syllabus ay pag-iisahin at ituturo ng per-quarter lesson. Nangangahulugan na sa loob ng isang quarter ay gagamit lamang ng isang unit lesson. Ang ganitong sistema ay nauna ng ipinatupad at nagtagump-

ay sa Estados Unidos kaya naman sa pagnananis rin na magkaroon ng dekalidad na sistema ng edukasyon ay hinango at ginamit ang ganitong sistema sa bansa. Kahandaan ng mga Guro Noong nagdaang bakasyon ay nagsagawa ng mga malawakang pagsasanay ang DepEd sa mga guro sa pampublikong paaralan ukol sa pagpapatupad ng SEC. Nagpasimula ang Fund for Assistance to Private Education (FAPE) sa ilalim ng mga programa ng Educational Service Contracting/Educational Voucher System (EVS) ng mga pagsasanay para sa mga guro sa pampribadong paaralan tungkol sa UbD at SEC simula pa noong 2009. Sa pagtutulungan ng Private Secondary

School Administrators Association of the Philippines (PRISAAP) at ng Department of Education-Bachelor of Secondary Education (DepEd-BSE) ay nakapagsagawa ng mga training workshops para sa mga guro at administrators mula sa mga pribadong paaralan mula sa 17 rehiyon. Boluntaryo naman ang pagdalo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Mr. Angel Caparas, punongguro ng Laboratory High School, ang asignaturang Makabayan ay inalis sa bagong curriculum ngunit ang ilang asignatura at aralin ay kahawig pa rin. “We are just following the suggested subjects in the new curriculum with the content framework which is UbD framework which shall depend on teach-

(sundan sa p.2)

Ika-112 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos, ipinagdiwang Khristine M. Balanay

Bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng Singkaban, ipinagdiwang ang ika-112 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos, sa temang “Kongreso ng Malolos, Karangalang Di Matatapos”, noong ika-15 ng Setyembre sa simbahan ng Barasoain. Dinaluhan ang nasabing pagdiriwang nina Senador Jinggoy Estrada, panauhing tagapagsalita, ang Sangguniang Panlalawigan ng Bula-

can, Sangguniang Panlungsod ng Malolos at ang kinatawan ng Pambansang Komisyon ng Kasaysayan na si G. Jose David Lapus. Sinimulan ang pagdiriwang ng isang fun run mula sa Malolos Central School papuntang simbahan ng Barasoain kung saan ginanap ang pagsasadula ng pormal na pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nilahukan ng mga kabataang Maloleño. “Itinuturing kong Bulakeño ang

aking sarili sapagkat ang mga Ejercito ng Bulacan at ng San Juan ay nagmula sa iisang pamilya,” batid ng senador tungkol sa pagiging malapit ng Bulacan sa kanya at sa kanyang pamilya. Nagkaroon din ng food exhibit na tinawag na “Hapag Bulakeño” (Pagkain ng mga Bayani) at isang one-man painting exhibit ni G. Reynaldo Salamat na ginanap sa museo ng Barasoain.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.