
1 minute read
Paniwala
PANIWALA
Lo_uie
Advertisement
Gabi na naman ng taglamig Simoy ng hangin na dumadampi Wari'y malamig na yelo sa aking pisngi Sumasariwa sa panahong natatangi
Alam kong itoy palasak Subalit nakita kong masaya Yaring pag-ibig sa diwa'y ligaya Na malaman damdamin di maaaksaya
Ikaw na nga ba ang tadhana Sa buhay ay magpapaligaya Sa panahong taglamig aking irog Dito sa pusoy di lilimutin
Ako’y naniwala Litanya mong nakakamangha Natapos ang taglamig Kasabay nito ang pagtapos ng sabi mong pag-ibig.