1 minute read

Awa at Pag-unawa

AWA AT PANG-UNAWA

Evonne

Advertisement

Malaki ang nagagawa ng pakikinig, gamot sa puso ang kanyang hatid. Ito ang nagpapagana ng mga pakiramdam, na hindi maipinta ng ano o sino man.

Kahit hindi maramdaman ang bigat ng iba Ay palaging nariyan ang balikat para sumalba Upang saluhin ang bawat patak ng luha at maunawaan ang bawat malabong kataga

Kay bigat buhatin ang katahimikan Lalo na at walang masasandalan Tao man o bagay ay sadyang may halaga Atin itong itatak sa puso’t- isip mga kaibigan at kapamilya.

Kung kaya’t napakahalaga na maunawaan Ang bawat emosyon na naglipana sa kapaligiran. Mahalagang igalang ang kanilang nararamdaman At huwag abusuhin ang kanilang kahinaan.

This article is from: