
1 minute read
Sakrisppisyo para sa sentimo
SAKRIPISYO PARA SA SENTIMO
Airica
Advertisement
Bawat piso at sentimo Pawis at luha ang kapalit nito Sa iyong paglayo Pamilya ay isinakripisyo.
Tiniis ang pananaki't pang-aalisputa Makapagbigay lamang ng kailangan ng pamilya Ngunit si itay di man marunong magpahalaga Sina ate at kuya panay ang gala-gala.
Paghahanap buhay sa ibang bansa Di lahat ay nagpapakasasa Pamilya'y unti-unting nasisira Dahil gabay ni inay ay wala.
Kaya itay, ate't kuya kayo ay magising na Si inay ay nagtitiis makahanap lang ng pera Upang pangailangan nati'y mapunan niya Kaya pahalagahan natin ang bawat sentimong kinikita niya.