Maligayang Araw, (Ama?) M A . K R ISTINE JOY R. B AYA D O G
Una sa lahat, hindi ko na dapat binibigkas pa ang salitang ama. Pangalawa, ‘di na dapat kita sinusulatan ng liham kasi ‘di mo rin naman ito mababasa. Ngunit, pangatlo— wala kang alam. Wala kang alam sa pighati, poot, at pangungulila na idinulot mo nang nawala ka, kaya kinakailangan... Kinakailangan kong bagtasin pabalik ang mga alaala at danasing muli ang mga damdaming minsan nang pumiglas— para sa’yo. Para alam mo kung paano ang masaktan— hindi ang manakit. Sampung taon kong naranasan ang magkaroon ng tahanan bago ko sinuong ang sampung taon pang wala ka. Pinilit kong itikom ang aking bibig sapagkat akala ko hindi ako kasali diyan. Hindi ko away ‘yan. Wala akong karapatan. 4
P O E T RY