kapag ika’y naging iskultor NASH JUL IO AU RE A
dahan-dahan lang sa pait. kunot ang lahat ng kilay sa kasalanan. isa-isa lang sa pagtapyas. ugat na ang ‘yong binubutas. ‘di marunong magpatawad ang bato. malamig sa kamay ang lahat ng nityo. kaya’t hinay-hinay lang, huwag biglaan. ‘di ikaw ang nasasaktan.
P O E T RY
33