Obra: Saplot

Page 1

S A P L O T


OBRA ang pampanitikang aklat ng The Work, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng TARLAC STATE UNIVERSITY Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan Š 2015 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may akda maliban sa ilang siping gagamitin sa pagrerebyu. Inimprenta ng MAGICUS JUNCTRA CORPORATION 1722 President Quirino Avenue, Pandacan, Manila

THE WORK write.move.initiate


PABALAT Maraming katotohanan ang nasasaplutan, parang katawang itanatago ang mga pinakatatagong sugat o peklat, bรกlat o libag. Pero katulad ng katawan, nahuhubaran din ang katotohanan.


Hindi lahat ng nakadamit ay matuwid at hindi lahat ng nakahubad ay lantad ang pagkatao. Parang mga paslit na hubo at tumutulo ang sipon na walang muwang sa mundo at mga taong kinukubli ang sarili sa kumot upang pagtakpan ang natatagong peklat, sugat sa bawat balat ng kanyang katawan. Maraming mga tao ang hindi alintana kung ano ang inilalabas mula sa loob at ipinapasok mula sa labas. Gaya ng mga karapatang hindi napaglalaban Gaya ng mga katawang hindi na natagpuan Gaya ng mga trabahong sapilitan at mga usapang pilit binubura sa lipunan. Marami ang taong ang nakikita lamang ay ang nasa harapan at hindi na tutuklasin pa ang nasa likuran. Sapat na ito para sa kanila. Ano nga ba ang iyong gagawin sa babaeng nakahubad sa iyong harapan? Dadamitan mo ba ito o pababayaan?

BELLO, BONJOEBEE R. EDITOR IN CHIEF


Paano kung naging saplot ang katotohanan? Sino kaya ang magbebenta nito? Sino ang maghahanap nito sa ukay-ukay? Sino kaya ang hindi bibili nito dahil hindi kasya sa kanya, pangit ang kulay at design, masyadong mahal o kaya naman ay masyadong mura? Ano kaya ang pinakamagandang detergent bar na pwedeng gamitin para dito? Kakailanganin kaya nito ng fabcon? Madali kaya itong mangupas? Ano kayang magiging tela nito? Siguro, kung naging saplot ang katotohanan, segunda mano na lang ito o napaglumaan na ng maraming tao. Hindi natin alam kung kanino talaga nanggaling, kahit pa pagkatapos natin itong bilhin. Hindi pwedeng hindi labhan dahil baka may sakit sa balát ang dating may-ari na maaaring, halimbawa, ketong. Oo, ketong. May ketong ang katawan ng lipuna’t gobyerno. Kaya naman nagsusuot ito ng damit- ng magara sa paninging saplot. Pero kung ang akala mo ay bago at branded ang damit ng gobyerno, nagkakamali ka. Segunda mano rin ito, dahil bukod sa matipid ang pamahalaan, saksakan din ang pagkakuripot nito. Kuripot? Hindi kuripot ang mga manunulat at dibuhista ng folio na ito, dahil isiniwalat ng kanilang hindi mapagpanggap na kaisipan ang bawat katotohanang dapat ay ‘di nakatago. Iprinesenta ang mga peklat ng lipunan, libag ng gobyerno, at bálat ng buo ngunit punit-punit na sangkatauhan. Iniimbitahan kitang mangati at maalibadbaran sa folio na ito. Dahil alam kong ito ang mag-uudyok sa ‘yo upang hubaran ang susunod pang mga pahina. Sa huli, malalaman mong hindi palaging nagpapalaya ang katotohanan. Minsan, katotohanan ang kailangang palayain.

BERTOLFO, JAHRED F. LITERARY AND CULTURE EDITOR


halika dito maghubad tayo, sabay nating pagtibayin ang ating pinaglalaban. wag kang mahiya, ipakita ang totoo. pasukin natin ang kanya-kanya nating mundo. halungkatin ang mga tagong dumi, bawat tagong kwento, tagong mga bakas. at sa katapusan ng bawat yugto, ating tikman ang pait ng kasalukuyan. Hanggang saan mo kayang itago, punasan ang sarili mong dumi?

BERNARDO, ABRAHAM ELMO M. LAYOUT AND GRAPHICS EDITOR


May mga bagay at pangyayari sa ating buhay na ating sinasaplutan. Maaaring ang mga ito ay nababalot ng kahiwagaan na kailanman ay hindi dapat makawala sa sisidlan. May mga pagkakataon naman, na sa ayaw at gusto natin ang mga itinatago, dinadamitan o sinasaplutan, ay kusang kumakawala. Ito ay kailangang hayaang kumawala sapagkat ito ay nararapat sa agos ng buhay. lilitaw at lilitaw, sa ayaw at gusto...

CABANIZAS, GLADIE NATHARINE G. ADVISER, THE WORK


laman

Nila Sampayan ng mga

ATA 1 KABAN pg. 2

A2 NAT A 4 B g. 3 KA p

4 NATA

A KAB

pg. 65


KABANATA 3 pg. 65

KABANAT A5 p g. 129

KABANATA 6 pg. 159


1|S A P L O T

UNANG KABANATA “Kuya, kelan tayo kakain?,” tanong ng nanghihinang si Cristina sa likod ko. “Malapit na Cristina. Pramis, makakakain din tayo”, panghihikayat ko kay Cristina sa natutuyo at nanghihina ko na ring boses. Magmula pa kaninang umaga ay binabagtas na namin ang mataong mga lansangan ng San Miguel upang manlimos ng awa at panglaman sa tiyan. Sa totoo lang, naging mundo na namin ni Cristina ang lansangan. Minsan, sa pwesto ng mga ukay-ukay, kung saan palaging tinitignan at nginingitian ni Cristina ang paborito nyang sweater, itinataboy kami ng mga may-ari gamit ang kanilang mga tingting. Binubulyawan kami dahil sa masangsang daw naming amoy at binabantaang huwag na raw babalik doon kahit kailan. At minsan, kapag kinakatok namin ang mga bintana ng dyip, mag-aabot ng dalawa o limang piso ang mga pasahero saka kukunot ang noo kapag kinuha na namin ang iniaabot nila. Ang problema, hindi ko pagmamay-ari ang buhay ko. Lagi’t lagi ay nakadepende ito sa ibang mga tao. Nabubuhay kami sa kakarampot na perang ibinibigay nila sa amin. Kaya kahit nakapanlalapnos ng paa ang init ng mga daan, kailangan at kailangan pa rin naming iunat ang aming mga kamay para mabuhay--para mahanap ang buhay. Tinignan ko ang mukha ni Cristina. Namumutla ito; parang puting papel at walang dugo. “Cristina, kailangan pa natin ng trenta pesos bago tayo makakain,” napaluha ako habang tinitignan ang pitong-taong gulang niyang inabusong katawan. “Hindi tayo papayagang kumain ni Joaquin sa ganitong kakonting pera.” Tumango lang ito habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Napadaan kami sa isang police station. Nakahilata roon ang isang lalaki habang naninigarilyo. Binantaan kami nang humingi kami ng tulong sa kanya, kaya kinailangan na naman naming tumakbo papalayo. Hanggang sa dinala kami ng aming mga paa sa mamang ito. Sa tingin ko pari siya dahil nakabutones ang kanyang polo hanggang sa dulo ng kanyang leeg. Ngumiti siya nang makita ako, at inabutan ng higit pa sa kailangan ko: singkwenta pesos. Nginitian ko siya pabalik. “Cristina!” sigaw ko sa sobrang tuwa. “Makakakain na tayo! Makakakain na tayo!” Pero wala sa likod ko si Cristina. Nakahandusay siya sa daan habang paparating ang isang dambuhalang truck.


S A P L O T |2


3|S A P L O T

Truth does not need to borrow garments from error. -Dr. Jose Rizal

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: DIGITAL ART


S A P L O T |4

T.V. Series BONJOEBEE R. BELLO

Hahawiin ko ang buhok niya. Aamuy-amuyin ko muna siya. Plastik ang kanyang katawan. Maganda ang kanyang kurba. Barbie! At dahan–dahan, huhubaran ko siya. Sasalatin at hahalik–halikan. Parang napapanuod ko sa mga dvd nila mama’t papa.


5|S A P L O T

Wala Sa Mapa Ang Hustisya JHONIE ROSE B. FELIPE

Tuwing kailan natin nasasabing ang KATOTOHANAN ay katotohanan? Ang opinion ay opinion? Scientific Methods? Kapag supported ng Law of Relativity? Kapag sinabi ng survey? Kapag nakasulat sa bible? Kapag sinabi ni Enrique at Daniel? Kapag sinabi nung tagapayo sa showtime? O baka naman wala talagang katotohanan at sadyang binulag lang tayo ni Mar Roxas ng mga litratong hinulma ng retrica? at ng retokadang katawan ng mga “supersereyna”? HANGGANG KAILAN ka magiging mangmang? Kailan mo sasabihin ang katotohanan? Kapag gipit ka na? Kapag wala nang gatas si Nena? Siguro’y gagayahin mo lang din ang Reyna ng mga bwakaw at sasabihing, “Hindi ko po alam!” dahil sa likod ng mga kataga ay naimbenta mo na pala, ang hustisyang kailanma’y hindi na malalanghap ng mga taong naghihingalo sa hustisya. WALA. Nakakainis. Kahit kailan ay hindi ko na mababasa ang mensaheng nasa loob ng punit-punit na 1⁄4 sheet dahil tulad ng Tacloban tinangay na ito ng Yolanda.

*2nd place - Lathala V (Tula)


S A P L O T |6

Sanctum Sanctorum JHAYVI C. DIZON

I burst it all out. Out were the shots of clear white, Onto her chest, Onto her body. Her with bowed head, aching face. She said, “Sorry” I asked, “Why?” “For I have sinned.” That was the last time I saw her.


7|S A P L O T


S A P L O T |8

Hapagkainan JAHRED F. BERTOLFO

“Anak, ginabi ka raw kagabi. Kwento mo naman.” Linipat ni Angelito ang channel sa siyete habang nginunguya ang laman ng bibig. Dinampot ang baso ng tubig saka tinungga. Dumating ang anak. “Ginabi ka na namang bata ka! Ilang beses ka ba dapat pagsabihan? Ang hirap sa’yo parang hindi importante ang sinasabi namin, kaya binabalewala mo. Paulit-ulit naming sinasabi sa ‘yo, di ka nakikinig!”, bulyaw ni Angelito sa anak. Naulit ang patalastas sa siyete.

GRAPHICS BY: KENNETH MENDOZA MEDIUM: WATER COLOR


Pambihira ang konsepto mo tungkol sa akin. Akong isang napakaliit na parte ng iyong pagkatao. Parang anak sa labas na pinili mong itago Parang kasinungalingang pilit mong kinukubli Parang kotong na sa palad mo’y iniipit Parang buwis na sa kaban ay iyong kinupit Ang konsepto ko, na mali sa pagkakataong iyong nasilip. Bakit? Sining, isang tanggol sa aking wangis Ang pagtatalik ng isip at ng aking kamalayan. Inilapat gamit ang kulay na unti-unting naglalaho. Talik. Kalayaan. Kalayaan. Talik. Ang entabladong dapat ako’y eksklusibo. Tanggap ang aking presensiyang sabik na ipinagdiriwang Sa paraang magarbo. Ang katawan parang langit at ako’y bituin. Ngunit di tulad nito, sa akin ika’y nakapikit. Parang malinis at blangkong papel na sa isang tuldok Na tulad ko ang kapuruhan ay punit. Ako ang batas na magdidikta ng lantad at hitad Na katotohanan. Ako ang bastos na batas na hihipo at kakalabit sa iyong kamulatan.

JENIKA BIANCA ICASIANO

Free The Nipple

9|S A P L O T


S A P L O T | 10

BUYANGYANG

JOSHUA S. GAMBOA 3RD PLACE - LATHALA V (PHOTOGRAPHY)


11 | S A P L O T

GRAPHICS BY: KENNETH MENDOZA MEDIUM: WATER COLOR


S A P L O T | 12

Daylight Nights DANIEL C. CARREON

When the streets go pitch black and the sky becomes a tapestry of thousand blinking stars and one hanging moon, Tonyo and I begin to walk the empty streets. Most of the decrepit houses here in San Miguel were painted green or yellow bright. The backyards were too wide for crawling vines and thick acacia trees. And then we entered the house with a garage—which is what we always do. “Greg,” Tonyo pronounced in his most inaudible, cold voice while I am playing the look-out. “We need to haul the most expensive things off this house, a’ right?” Yes, boss. Yes, boss. I am that person of Tonyo—the nodding guy who submits to all without any more question. He has trained me how to do these every time the sky charcoals. Even as we entered the house, I could hear his instructions scratching my ears: First, you need to wear the mask. Black masks don’t reveal your identity. Second, you need to be quiet. Quiet strides don’t awaken sleeping people. Third, you need to hold a tight grip in the knife. Make sure you hold it as tight as you can so it won’t fall off yours slimy hands. Fourth, search for the sparkles. When you see a something that’s oddly shining, grab it. Shining things are the highest salary we can give ourselves. Last, no one dies and no one leaves the other. Partners-in-crime are always a part of each other’s part during the work. If you need to kill to shut them up and to save the other, then do so. I have already killed once during our robbing, and I prayed to whoever listens that I won’t kill in that house. And I had thought I won’t because I consider myself like Tonyo, the boss and the expert. That night in San Miguel, we successfully raked three gold bracelets, five functional phones but with passwords, eighteen-thousand cash, and what Tonyo called Rolex, which looked like a watch that refracts light. He loves this Rolex that he said Rolexrolexrolex with a curse. “I forgot to tell you I’ll be quitting from the job,” Tonyo suddenly said in between excitement as he was wearing the watch he called Rolex. “Why are you quitting?” I asked him. “I thought you love this job?” He suddenly grabbed my hands and spread my palm, handing me two of the gold bracelets and two of the functional phones. “I love my wife more,” he giggled. He hugged me once, and then patted my shoulder. “You quit when you get happy with what you have, okay? Goodbye” And then he walked toward the wide darkness of the streets, and then he’s gone. That’s how our lives are, I think. Once we are here and there, and then we are nowhere. TWO YEARS LATER I have been training Reynaldo, nineteen, how to have a good salary. I teach him everything I learned from Tonyo, but never to say goodbye. Nothing in this world makes a person eternally happy, at least not me. I always tell Reynaldo that he needs to master the fifth instruction from Tonyo’s commandments, so I suggest to him he needs vigilance, and I urge him to reactivate his agility. He’s now far-fetched from the person when I first met him. He looked scruffy. His hair was unkempt, his shirts were in tatters, and he just smelled like an animal corpse. When I first talked to him, he would only laugh while telling the stories of his heroic deeds, and then I would just look at him impassively. “You’re boastful, you little piece of—” I said, but he cut me midsentence. “I know you have been roaming around here with your cigarette in your mouth,” he remarked silently. “You are looking for a victim, too, yeah?” With this, I fell silent. He knows me for a while, I guess. But who is he? How did he know when I haven’t done it in this place? “Who are you?” I asked. “I’m yours, if you want,” he smiled cunningly. “I know we have the same blood, same hands, same eyes on what we want. This place is your perfect choice if you want something shimmering, boss.”


13 | S A P L O T It was the first time I heard someone call me boss. And it felt good. We worked together since then. We exchange ideas on how to plan the things we’d do singlehandedly and things we’d do together. I told him if the victim doesn’t want to give you the bag, stab him right on the part where his kidney is. By then, he’ll surrender because he’d feel an extreme pang of pain that will weaken him. He told me if I would want something clean, I just need to get the victim from the back and crack his neck at once. The victim would be unconscious, also would be bound to die. But pray he would die, he said. Jails here in the Philippines are stinky. We only apply that in grand festivals along Quiapo, and some other crowded celebrations where people don’t seem to care what they are bringing. They are our type of people. So far, my nights with Reynaldo are little great. We have no kill, but we have so many shiny things in our wrists, our feet, and even in our pockets. But right now, since we’ve already sold some of them, so we need a quantity of costly materials. “The more you follow the rules, the safer we can be,” I always tell him. It took two months for Reynaldo to be a good apprentice. I would always think of James Bond or Ethan Hunt when he does his jobs now. I let him watch western movies and Hollywood-ized action films to get some techniques and strategies on how to slip my hand discreetly into the bags of people in crowded Manila streets. One night, our mission was a mansion. We know someone there who tends the mansion. His name is Freddie. But when he got into the house, he changed his name to Louie. Louie, or Freddie, knows every nook and cranny of the million-peso mansion. He is an eagle-eyed as well. In our job, I think we could call him the richest and luckiest, because he got into the house of someone who gave him a job without knowledge on his filthy, messy past. I’m sure his hands could not control it. It was past midnight when he opened the gates for us, pretending to put the black plastic of garbage outside. He’s smoking when he surfaced from the gates, and he moved his lips so little when he tried to direct us what to do. “Get in,” he mouthed. I don’t really know what he said because it’s too inaudible, but we kept on moving anyway. He signaled us to move to the garden, and he’s angry. “What are you doing, you two? I told you to wait!” he shouted. And then that’s it. When he’s not anymore angry, he told us to get in at three in the morning, so we waited. He also told us he’d press the buzzer of the thing he gave us so as to know if someone’s in. We nod, nod, nod. He knows what he’s doing. Reynaldo said it’s three now, and we got up from our feet. When we got inside, my God, I was overwhelmed by the golds! I just want to bag every figurine that’s gold and silver, even the ugly painting of the ugly owner. The house was a big deal. When we got into the room of the owner, there were no people inside. It’s luxurious. Everything you see is of Midas’ touch. I bagged every perfume and jewelry on the mahogany table. “Long wait is over, babies,” whispered Reynaldo triumphantly as he cupped all the jewelries and put them into his huge douchebag. But then we heard a noise from outside. It was a van. Reynaldo looked at me, and I shook my head no. “Louie’s not buzzing it, don’t worry,” I said. But I tried to look who they were from the window, and it’s the ugly owner I saw from the painting. “Holy! Enough, enough, enough,” I said when nothing’s left. “Come on, now! Out! Out! Out!” “Last rule, last rule, last rule!” he replied. We got out of the room so fast, and Louie was waiting for us in the garden. We headed there so fast I lost my breath from the sprint. “Did you get enough? Where’s my share? Where’s my share?” Louie asked in excitement. I fished some cash in my bag, and I handed it to him. He smiled, fanning the money on his face. “What’re you waiting for? Go out now!” But before we go out, I fished another handful of cash, and he smiled again. The moment he opened his hand, I grabbed him and went to his back, and I cracked his neck. He was lying on the grass, unconscious. “Yeah, he’s trying to frame us here so he’d get more money from his bosses for telling our crime,” Reynaldo said. I told Reynaldo to put a bracelet around his wrist and the phone of the owner in his pocket. “Now, we will frame him.”


S A P L O T | 14 “Come on now, move!” I shouted as I get the money from Louie’s hands. We found out the next day that everything we got from the mansion is inauthentic. Everything is worth nothing. That’s how we were lured by Louie, just to get money from us. We have nothing, and we were nearly caught by the owners. I really hoped that I stabbed him in the kidney instead. “My wife needs money, boss,” Reynaldo said. “We don’t have any money left now.” “I need money, too,” I said silently. We were walking along the streets of San Miguel when someone suddenly slipped in a brochure in our hands. It says “HIDALGO HOMES—NUMBER ONE IN THE COUNTRY!” The houses are very lush in the picture. They are so big they can accommodate my whole family. This is our type of houses. Tonight, we are going for a hunt for shining things in the subdivision called Hidalgo Homes, where many people have many things. This is the house of sudden millionaires and foreigner-husband housewives. Even from the outside, I can smell the thickness of the money. “This will be a good hunt,” Reynaldo says in excitement when he saw the big houses while we’re standing behind the big trees under the dark skies. “We need money, real money, boss. My children need to eat.” When the sounds sleep and the sky awakens, we start to walk the streets of the shut-down subdivision. We start to check each house that we think are the most expensive ones based on their heavy-money garages. We finally stopped at this house, where I saw a jet black car flashing in the dark. It is so vast that twenty passengers can hop in. And to be able to buy such a car probably means the owner is a businessman or a sudden millionaire of lottery. “Get in, quietly,” I silently advise to Reynaldo. “Be careful.” When the front door was flung open, it creaks rather loud. Sshhhh! Sshhhh! So then we stop for a moment, we do not move a muscle as we’re trying to check out if the people inside heard us. “You. Are. So. Stupid!” I tell in my hushed, controlled voice to Reynaldo, whose face is damped with perspiration, jittery and fretful. “Why can’t you be more quiet?! I already trained you, you little idiot!” After five minutes, no sound from the inside registers. So we move on. The house is not that big inside, and it smells of mosquito coils, ad nauseam. There are two rooms, so Reynaldo and I part ways. I go to the most intriguing one. The room is quite small, but it has a lot of compartments. When I open them, the shining things finally emerge. Payday. Payday. Golds. Silvers. Bronze. I think this is a girl’s room as there are also rouge powder in plastic bottles, and pungent perfume in pink glasses. I bag them all. One by one. Carefully. And suddenly, a noise. A clatter from the other room. I fish my knife from my pocket and flip it open. I walk as slowly as I can. I am nearing the door when I heard another clatter. When I come nearer, the clatter becomes a thud. Thud. Thud. Thud. When I open the door where Reynaldo is, he is being strangled by this big, bearded man. Last rule. Remember the last rule. Then I hold the big, bearded man’s mouth from the back, and penetrate him with my knife. Thrust. Thrust. Thrust. Blood. Blood. Blood. The blood splatters and sprays on the walls and onto the white, marble floor. “Letsgoletsgoletsgo!” I am already on the door when Reynaldo stops me. “WAIT!” He’s removing something from the dead man. “What are you doing, come on! We have enough, we have enough, come on!” I reprimand him. And when he stands up, he wipes the jewelry clean, and hands it to me. It looks expensive. It is heavy. It seems like it’s made of costly silver. It is vaguely familiar. “It’s Rolex,” Reynaldo says, and then the silver watch falls off onto the ground as I catch the familiar eyes of the dead man looking at me in his bloodbath from my stabs. Dread and bile creep into my throat. “Boss,” I whisper under my breath.


15 | S A P L O T

A Week of Waterworks JEJOMAR B. CONTAWE

I gazed at the blind on a Monday Pail of coins is with him; his face though dim Alas! He sensed his pail was filched He can’t help but weep I gazed at her on a Tuesday She’s dark-hued; she hid through her hood Then, a dude unmasked the truth… “Aeta! Aeta!” repeatedly jeered by the chap She can’t help but allow a teardrop I gazed at the child on a Wednesday He’s barefooted; rag-clothed indeed He begs for a penny, but the rich kid yelled at him He can’t help but wipe his watery eyes I gazed at an old woman on a Thursday She totes her cane; a pace she hardly gained Folks over there surround her, but no one cared She wants to go into where I am… She can’t help but shed some tears

I gazed at the kid on a Friday He wore big eyewear; then hunts for his meal–where? Big guys took it, they ran with alacrity His ‘Ma cooked it for him… He sobbed, and sobbed I gazed at him on a Saturday He gestures femininely; his ‘Pa caught him, angry The poor lad was scolded at, ruthlessly Rain’s verging; perhaps to join his mourning *** I gazed at them on a Sunday In the church, the boy and the girl, The blind and the oldie, The two kids, I saw them, down on their knees Gently, they left the Holy sphere Their outlooks were fair; but spiritually enlightened Through my naked eye, Once again, I glanced at each one of them All of whom were smiling! Unlike the days I spotted them crying *1st place - Lathala V (Poetry)


S A P L O T | 16

Posted

BONJOEBEE R. BELLO

Sine-set ko ang video camera, saka ako tumingin, nakita ko ang aking mukha sa screen, malabo ba o sadyang puno lang ng luha ang aking mata? Tumalikod ako, saka tumuntong sa upuan, binti ko na lamang ang nakikita sa screen. Sumigaw ako ng paalam… saka ko pinadyak ang upuan. Nangisay-ngisay habang unti–unting nababasa ang sahig ng ihi. Hindi luha ang lumabas sa akin, parang kahapon, ibang video ang ‘di inasahang kumalat.

GRAPHICS BY: KENNETH MENDOZA MEDIUM: DIGITAL ART


17 | S A P L O T

GRAPHICS BY: DIVINE GRACE DELA CRUZ MEDIUM: DIGITAL ART

Langaw

JAHRED F. BERTOLFO

Galing ka sa maduming lugar Dumapo ka sa akin Ibinudbod ang dumi Ngayo’y na sa ‘kin ang sisi


S A P L O T | 18

Kasal

OLIVER JOHN S. TABAQUERO

Siya ang tipong babae ni Val, si Kristel. Medyo chubby. Nasa pagitan ng 5’ at 5’3� ang tangkad. Mahilig mangolekta at magbasa ng mga libro. Matalino. Mahusay magluto. Habang nag-aaral pa lamang ay ikinukwento na ni Val sa kanyang kumpareng si Don kung gaano niya kagustong mapakasalan si Kristel. Pinagmalaki pa niya na planado na niya ang lahat. Dumating ang araw ng kasal. Hindi mapakali si Val habang nagbibihis siya. Hindi matanggal sa isip niya si Kristel. Nagulat ang lahat ng biglang sinugod ni Val ang kaibigan niya sa altar at pinagsasaksak hanggang sa mawalan ng buhay.


19 | S A P L O T

When I left my slippers on JHAYVI C. DIZON

One time, on a very cold hour, I tried to wear off these covers, dared to be accustomed to the tingling sensation this unfortunate person feels, in his shoe, each unwelcoming night. To press the filth against each step, I wandered down across the stretch, a hushed stretch that encompassed the map of every person I know. Too bright, yes, not well lit, I ran through the cowardice of meeting the multitude of masked shadows. Stayed up all day with each scorching heat that pierced through the skin, isolated by the people who came across my way, I isolated myself. I confined myself on a very ill-fated living, casted the sail, buoyant through very still waters. It was all but pain to put my own feet to other’s shoes. What he faces isn’t that quite good, he’s alone, morbid by the fact that he is all by himself, in his own shoes, who just rely on random people, strangers, that toss coins and for at least, give off a sense of companionship. Then for a moment, consciousness. There were no strings, no leather, and no holes to put my feet in. It was all but my torn slippers.


S A P L O T | 20

The Frivolous One KIM L. GACAYAN

I’m a clever liar Playing with people’s affection I’ll lure your heart With the art of deception Whisper in your eager ears The sweetest of lies Then leave you hanging Like it’s no surprise Embrace me not, I’m a broken thing Wounds can be painful, Don’t you think? If you let me my dear, I’ll take my chance To mend myself And take away your parts There may be times when I seem nice But I swear to you I’m never kind I’m a dreadful person With a messed up kind of mind I tend to leave people The time they need me most A haunting truth of being used Can you bear to have that ghost? Beware of me, innocent muse You don’t deserve a guy like me.

*3rd place - Lathala V (Poetry)


21 | S A P L O T


S A P L O T | 22

KAPITALISMO

DIVINE GRACE DELA CRUZ


23 | S A P L O T

Sa Entablado JAHRED F. BERTOLFO

Sumiwang ang tirik na sikat ng araw mula sa balkonahe na tinungo ni Aguinaldo. Hudyat ito ng pagdating ng araw na ilang taóng kinasabikan ng mga Pilipino hindi lamang ng dalawang libo’t labinlimang taong dumalo sa seremonyang iyon sa Kawit. Bakas sa mukha ni Aguinaldo ang di-matawarang galak na hinaluan ng ginhawa na para bang nahugutan ito ng tinik sa paa at lalamunan. Sinabayan ng mga tao ng masigabong palakpakan ang pagwagayway niya ng bandila na sinundan ng pagsigaw nila ng “Mabuhay ang Pilipinas!”. Matapos ang pagwawagayway ng bandila, nagtalumpati si Aguinaldo. Sinabihan ang mga dumalo na nawa’y ipaglaban at ingatan ang kasarinlang pinagbuwisan ng buhay ng mga bayaning Pilipino. Dumagundong ang palakpakan ng mga dumalo at muling sinundan ng “Mabuhay ang Pilipinas!”. Pagkatapos, dumukot ng kuwadradong bagay si Emilio mula sa kanyang bulsa. Pinindot niya ang home button ng kanyang android phone. Inilagay sa Camera 360 saka inimbitahan ang mga kasama na sumali sa groupie na hindi tinanggihan ng nakararami. Nakabibingi ang sumunod na hiyawan na muling sinundan ng mas malakas na “Mabuhay ang Pilipinas!”. Mamaya ay ia-upload niya ito sa facebook at gagamitan ng hashtag na #MabuhayAngPILIPINAS at #RolePlayPaMore.


S A P L O T | 24

Byasa

OLIVER JOHN S. TABAQUERO

“Magaling ka kano?” “Wa naman ah!” “Sige pen, kutnangan daka ne.” “Sige sige.” “Nanu ya mo buong lagyu I yaya dub?” “EZ. Nicomaine Dei Capili Mendoza” “Eh i pastillas girl?” “Josko. Edi Angelica Jane Yap.” “Kapilan ya megumpisa ing kalyeserye?” “Apin na ren? Tss. July 16, 2015.” “Last nemu’y ini. Bakit ya makalukluk i Mabini king buong movie ning Heneral Luna?” “Uhh.. Dahil ita ing sinabi na ning direktor?” Tsaka ke pildak.


25 | S A P L O T

Beshie

OLIVER JOHN S. TABAQUERO

Ang sarap mong suntukin sa mukha. Gusto kong i-delete ang file ng thesis na pinaghirapan mo buong sem bago ito i-print. Gusto kitang singitan sa pila pagkatapos mong pumila ng tatlong oras. Tumulo sana sipon mo ‘pag nagrereport ka sa harap ng klase. Tumama sana ‘yung hinliliit mo sa paa sa mesa ng paulit-ulit sa araw na’to. Magising ka sana ng late sa araw ng exam mo. Malaman mo sana na bagsak ang lahat ng subjects mo sa araw ng kaarawan mo. Bigla mo’kong tinawag. Kulang nalang dumugo ang tenga ko tuwing naririnig ko ang boses mo na mas malala pa sa tunong na ginagawa ng kaklase natin tuwing kinakalmot niya sa kanyang mga kuko ang blackboard. “Hi Beshie!” bati mo. “Bes!” sagot ko.


S A P L O T | 26

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: PEN AND INK


27 | S A P L O T

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: PEN AND INK


S A P L O T | 28

Takluban BONJOEBEE R. BELLO

Magtatatlong taon na rin matapos kaming sinalanta, hanggang ngayon, wala pa rin kaming tirahan. Patuloy pa rin kaming humihimlay sa pinagtagpi-tagping mga sako, sira-sirang tent, at naghihintay ng tulong mula sa kanila. Silang mga naghuhukay sa dilim. Nagtatago roon ang lahat ng kinang hindi man lang namin mapakinabangan. Libu-libo kaming sumisigaw hanggang lumipad ang araw, nakukumutan ng takot at pangamba. Bunduk-bundok ang mga katawang sinagasaan ng pagragasa ng tubig, bato at putik. Naalala ko kung paanong ako’y natagpuang nasa bisig ni tatay na wala nang buhay. Nananatili pa rin kaming nandirito, maghihintay sa wala. May pag-asa ba? O kahit man lang sana awa? Ang lugar namin, patuloy na natakluban hindi lang ng takot, hindi ng kamatayan, hindi lang basta ng kahirapan. Patuloy kaming tatakluban ng mga sakong inanay na mula sa nakawan. *hindi batang nanghihingi ng piso ang Tacloban, isa itong pamilya.


29 | S A P L O T

Lagare

JOVELYN TORATO ORQUERO

Ama ng kaibigan ko si Mang Andong, ang dakilang karpintero rito sa aming barangay. Labis siyang kumakayod para sa maayos na kita. Lagi siyang nariyan para sa mga nangangailangan sa kanya. Handa niyang tulungan ang sinuman sa abot ng kanyang makakaya. Bihira sa kanya ang tumanggi. Siyempre hindi mawawala sa katawan niya ang pinakamahalaga niyang sandata: ang kanyang napakahaba at ubod ng tulis na lagare. Dahil pa nga rito sa lagareng ito kaya binigyan siya ng respeto ng mga kainuman niya, kabilang na si itay. Madalas tawagin ng maagang nabyudang si Aling Daling si Mang Andong. Wala na nga naman kasi siyang asawa na makakatulong sa kanya. Araw-araw nga yatang may kinukumpuni si Mang Andong sa bahay ni Aling Daling. Maaawa ka na lang sa kanya tuwing hapon, dahil pawis na pawis na ang mabuting karpintero. Napadaaan nga siya sa amin. Sobrang pawis. Buti nga at di pa rin niya kinalimutang ngumiti kahit gaano pa kapagod. Binati niya ang tatay ko, pagkatapos ay naglakas-loob na magmalaki, “Pare, napalaban na naman ang lagare ko.� *2nd place - Lathala V (Dagli)


S A P L O T | 30

May Tahanan Sa Selda JAHRED F. BERTOLFO

“Laya ka na, Andres!” “Saan ako pupunta?”


31 | S A P L O T

TUGONDEL ROSARIO AUDREY


S A P L O T | 32

Invisible

JAHRED F. BERTOLFO

Their pockets have no blood ‘Cause red is not their color Their steps are much fast ‘Cause I block their wide paths Their eyes can smell not ‘Cause they are too fragrant Their feet have eyes none ‘Cause they see me when gone No one would ever notice me For I, myself, am no one.


33 | S A P L O T

IKALAWANG KABANATA “Parang awa mo na, wag kang magsusumbong kay Joaquin,” pagmamakaawa ko kay Gary nang makarating kami sa isang abandonadong lugar “Sige,” tugon ng nakangising si Gary, “kung hahatian mo ko sa nakuha mong pera”. Hindi ako nagdalawang isip na iabot sa kanya ang bente pesos na nagpangiti sa kanya nang labis. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumukot ulit siya ng isa pang pakete ng sigarilyo. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang kamay at paulit-ulit na sinabihan ng “mabuting bata”. Nagising si Cristina. Namumutla pa rin. Umiyak siya, at umiyak ako kasama niya. Sinabihan ko siyang natakot ako sa kung anong masamang pwedeng nangyari sa kanya. “Sa susunod na maglalakad-lakad tayo, wag kang bibitaw sa kamay ng kuya ha?” Pinunas ko ang luha niya at ng akin, at sabay kaming naghapunan. Ibinigay ko sa kanya ang sabaw ko para magkaroon siya ng sapat na lakas para bukas. Pagkatapos kumain, ipinabilang ko ang pera kay Gilbert, na kaki-kidnap lang nu’ng isang linggo, dahil hindi naman talaga ako marunong magbilang. “Two-hundred three pesos,” ang bilang ni Gilbert. Itinago ko ang ibang sobrang barya sa bunganga ko, sa ilalim ng aking dila, nang biglang dumating si Joaquin. Bawat bata ay takot kay Joaquin. Walang may kayang kontrahin at kalabanin siya. Nangangamoy alak si Joaquin kaya tumahimik ang lahat. “Pera!” utos ni Joaquin sa garalgal at malalim niyang boses. Tinawag niya kami isaisa hanggang sa binanggit niya ang pangalan ko. Binigyan ko siya ng dalawandaang piso saka kinapkap niya ang mga bulsa ko at ipinataas ang aking mga kamay para tignan kung may itinatago ako, pero wala siyang nakita. Pagkatapos namin, si Troy naman. Wala siyang naibigay ni konting kusing kay Joaquin. Sinigawan siya ni Joaquin ng malulutong na mga mura. Hudyat ito ng pagbibigay ni Gary ng baril kay Joaquin. Itinutok ito ni Joaquin kay Troy at pinuntirya ang ulo niya. Natakot ang lahat sa dugong nagsitalsikan. Tinakpan ko ang mga mata ni Cristina, at sinabi kong ayos lang ‘yon kahit na hindi naman talaga. Nu’ng gabing iyon, walang nakatulog. Nang humiga na kami sa malamig na sahig, nanginginig sa ginaw si Cristina kaya ipinasuot ko sa kanya ang kaisa-isa kong sweater. “Kuya, mamamatay rin ba tayo gaya ni Troy?” umiiyak si Cristina habang nagngingitngit ang ngipin. “Hindi, Cristina. Hindi” ang matapang kong sagot. Pero habang iniluluwa ko ang mga barya mula sa ilalim ng aking dila, sana ay sinabi ko sa kanyang hindi ko alam.


S A P L O T | 34


35 | S A P L O T

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: DIGITAL ART

“Men, their rights, and nothing more; women, their rights, and nothing less.” -Susan B. Anthony


S A P L O T | 36

Burnt Sun JAHRED F. BERTOFLO

The Sun overlooked the comeliness of the East and diverted its rays to the invite of the West the next day would show the sun would glow no more.


37 | S A P L O T

GRAPHICS BY: KENNETH MENDOZA MEDIUM: WATER COLOR


S A P L O T | 38

Dear Women JOAN ROBIN T. MARTINEZ

You are not blind You see colors, shapes, sizes Eyes were windows to your soul Where men often see the spark of your thoughts. You are not dumb You have an incredible voice That can stop a thundering army You just won’t listen to your own voice. You are not deaf You hear even the slightest whispers You are sensitive to what others feel Yet you feign ignorance - face of an apathy. You are not weak You wield things like a weapon - the simplest things You are not incapable There is power in what you do The will to stand independent You are not disabled You just feel you are crippled The state of mind that comes from - the lack of confidence You are significant, You never knew how your absence is felt - and your presence acknowledged You just won’t feel how big you’ve become.


39 | S A P L O T

Alulong JAHRED F. BERTOLFO

Tatalian. Tatalian ang sarili at hihilahin sa hulihan habang hinuhubaran ang dignidad na hahanapin din sa huli. Hinaharangan ang kinabukasan dahilan ang halina ng halika at halik ng langit. Pumipitik ang pintig ng pusong pinipilit makipagbuno sa malabong sabong ng pakikipagsapalaran. Makikisapaglaran. Makikipagsapalaran sa bawat daliri Ipagkakanulo ang sariling sawing sarili Nang walang pinipiling hinihiling na sukli Walang panahon para sa paghuhunos-dili Kinitil na ang kilig ngunit hindi ang nginig Dinig na dinig ang dumadagundong na alulong Ng kasamang asong walang tali. Sa bawat kanto at kalye ng kamang may puting kobre. Kakahol Ang buhol-buhol na boses nang ilang beses Nang ilang ulit. Paulit-ulit ang sakit ng sarap Ng mahirap na paghihirap ng babaeng mahirap Lamang. Wala nang mawawala sa kanya Sapagkat lahat ng balat at balat at peklat Natikman na ng bawat lamat ng dumidildil Na dila ng ulol na asong nakawala. Mawawala. Mawawala at mawawalay sa katinuan Kakatayin ang takot ngunit hindi ang kati Dahil pinalaya na ang pag-asang balang-araw Ay lalaya pa sa lupit ng hagupit ng mapait Na kapalaran ng asong naghahanap ng tahanan Tatahan doon, kung saan walang ulol na aso ang umaalulong.


S A P L O T | 40

Harang

PAULINE GRACE B. MANZANO

Hindi lang nila maintindihan. Kung paano nagtugma ang ating nararamdaman, sa unang beses na tayo’y pinagtagpo. Hindi lang nila maintindihan, Kung gaano ako kasaya tuwing Hinahalikan mo ako at gusto kong Suklian ang init ng pagmamahal mo. Hindi lang nila maintindihan Kung paano ako lumalaya sa aking Kalungkutan sa oras na Ako’y nasa piling mo. Hindi lang nila maintindihan Kung gaano ko ginustong ituloy ang saya Kahit na hindi maaari dahil sa nakaharang Sa atin. Hindi lang basta pader, Kundi pati ang langit. Hindi lang nila maintindihan Kung bakit tayo nagbubulag-bulagan Kahit na libong mga mata ang nakatitig Sa atin. Kulang na lang ay isampal ko Ang kahulugan ng pag-ibig. Hindi lang nila maintindihan Kung gaano natin sila kagustong Sumbatan. ‘Pagkat sino nga ba sila Upang magdikta sa batas ng pagmamahal? Upang ipagkait ang kalayaan? Sa parehong postura at katawan? Hindi lang nila maintindihan Dahil kailanman, Hindi nila maiintindihan.


41 | S A P L O T

Pulubi

JOAN ROBIN T. MARTINEZ

Minsan sa Maria Cristina May isang bata. Paslit. Gusgusin. Nanghihingi ng limos - Humugot ng laruang baril. “Pahingi ng pera.�


S A P L O T | 42

LIPUNANG TIWANGWANG SA MAINAM NA BARO NG KABATIRAN JOSH RYAN VERGARA 1ST PLACE- LAHATALA V (PHOTOGRAPHY)


43 | S A P L O T

Ang Trabaho ni Itay JULIUS A. VITAO

“Pasensya ka na mahal, ito lang talaga ang alam kong gawin upang maitaguyod ang pamilya natin”, ang narinig kong sabi ng aking ama mula sa kanilang kwarto. “Ano, hihintayin mo pa ba na mahawaan ka ng sakit ng mga customers mo? Pasensya ka na din Tonyo, pero ayoko na.” ang galit na sagot ng aking ina. Oo, inaamin ko, kahit ako’y nahihiya sa ginagawa ng aking ama dahil ito ang madalas na dahilan ng panunukso saakin ng aking mga kakalse at kalaro. May pagkakataon nga sa aming klase na kailangan naming ipakilala ang aming mga magulang, parte na rito ang pagsasalaysay namin tungkol sa kanilang mga hanapbuhay. Sa tuwing binabanggit ng aking mga kamag-aral ang trabaho ng kanilang itay ay maririnig ang mga palakpakan. Buong pagmamalaki nilang sinasabi na, “Ang tatay ko ay pulis..”, “…siya ay isang abogado”, “…isa pong titser”.., “siya po ay Councilor ng ating bayan.” Pawang ang lahat ay mga propesyunal, kaya iniisip ko na hindi mahirap para sakanilang ipangalandakan sa lahat ang trabahong mayroon ang kanilang mga ama. “Patay na po ang aking itay.”, ang nakayuko ko nalang na sabi. Alam kong iniisip niyo na masama akong anak, na walang utang na loob. Inaamin ko, oo naging duwag ako, duwag ako dahil mas iniintindi ko pa ang sasabihin ng iba kaysa sa mararamdaman ng aking ama, pero hindi ako masamang anak, mahal ko si itay. Ayoko lang naman na mapagtawanan. Anong bang magagawa ko? Nag-iingat lang naman ako sa katotohanan na marami sa mga tao na sa simula pa lamang ay nakabuo na ng istorya sa isip kahit hindi pa naman alam ang buong kwento. Ayoko lang naman na mahusgaan, na pandirihan, ayokong maging ako ay pagtaasan ng kilay ng mga taong nasa paligid ko. Pagkatapos nito’y umuwi na ako galing sa paaralan. Muli, nakita kong pumasok sa isang silid ang aking ama. “Meron na naman sigurong customer si tatay”, ang pabulong kong sabi sa sarili. Unti-unti kong binuksan ang pinto, at hindi nga ako nagkamali. Saktong hinuhubaran noon ni itay ang kapitbahay naming si Mang Berto. Hindi na ako nag atubili at sinara ko nalang ang pinto at umalis, dahil paniguradong hindi ko kakayaning makita pa ang mga susunod na mangyayari. Napaupo nalang ako at hindi parin maalis sa isip ko si Mang Berto, kilala ito saamin na napakabait na tao. Kahit ako’y hindi makapaniwala. Ang tanging nagawa ko na lamang ay bigyan ng tubig ang mga naghihintay at kanina pang humahagulgol na mga mahal sa buhay ni Mang Berto. Ngayon, masisisi mo ba ako kung iniisip ko na madali nalang sa mga tao ngayon ang manghusga? Na marami ang may ending na sakanila ang kwento kahit hindi pa man nila nababasa ang kabuuan nito? *1st place - Lathala V (Maikling Kwento)


S A P L O T | 44

Depression

JENIKA BIANCA ICASIANO

I knew death would always wear a familiar face She sits on my desk Kisses my lover Eats supper with my family And now she’s standing naked Right in front of me


45 | S A P L O T

Paramour

JOAN ROBIN T. MARTINEZ

I tuned on a guitar chord Hearing voices on my accord Reminiscing sins, oh Lord I shuffle through my own hoard What is a paramour? A history of common lore Visions are graphic that I adore Illicit expositions with a core Mistaken for a bit of valor What is a paramour? Illuminitive of a common whore A cause for excitation and more The pornographic belief of a door raunchy exhibition dosed with amour I stopped the tune with a cord Violence that spring music, good Lord I didn’t want plastered on a board Not a sensation, not with a horde What is a paramour? Elicit lovers with ardor Actions done without that error I wish I was born with a boar This graceful acts well said, sparred with oar What is a paramour? More than what I could pour The pornographic belief I can soar Backside aching and sore Explicit content for a show on the shore A paramour, and act for a whore


S A P L O T | 46

Chain

JAHRED F. BERTOLFO

In a bright day I wandered Until the Sun went West fall There in a very far rainforest I have seen three trees tall I have seen them all three But they saw them all


47 | S A P L O T

PERSONALITY

FRANCIS ZACHARY B. FALO 3RD PLACE - LAHATALA V (DIGITAL ILLUSTRATION)


S A P L O T | 48

Manyika

MONICA M. REDONDO

Kitang-kita ang inaanay nang puting dingding sa maliit na kwarto ng aking unica hija dahil sa liwanag na nanggagaling sa aking lumang netbook. Ang pagtanggal niya ng ID at necktie sa kuwelyo ng kanyang uniporme ay hudyat ng pagla-log-in niya sa kanyang fb account. Sa kalagitnaan ng pagla-like niya ng mga post, sumulpot sa bandang kanan ng maliit na monitor ang para sa amin ay biyaya – ang chatbox na may mensaheng: You should make me HAPPIER this time, Sweetie! Tinitigan at nginitian ako ng aking anak bago i-click ang video chat button. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok bago lumabas ng may mabibigat na hakbang sa mga paa. Kasabay ng pagkandado niya sa marupok na pintuan ay ang pagsilip ng kanyang larawan sa aking isipan – suot-suot niya ang mga mahahaba kong hikaw, at dahil sa bigay kong lipstick, tanging ang tunay na kulay lamang ng kanyang mga labi ang hindi masusulyapan ng mga matang tingin sa amin ay laruan.

*1st place - Lathala V (Dagli)


49 | S A P L O T

Lunggaan BONJOEBEE R. BELLO

Buti nandiyan ka? Sino ba ang nag-iwan sa ‘yo diyan? Siguro nalulungkot ka? Matapos kang mapakinabangan, iiwan ka na lang basta–basta sa kadiliman. Dinamayan ka kaya ng mga gagamba diyan? Ipis? Lamok? Langgam? O katulad din nila ang karamihan, pagkatapos manungkulan, ay napadaan lang? Maalikabok din diyan, tama ba? At sigurado, unti–unti ka nang nanlalamig. Natutunaw. Kahit na ang gumamit sa ‘yo, sinagip mo sa uhaw. Makailang beses ka na bang nakakita ng mga baryang lumusot sa upuan? Mapa-miso, lima, bentsingko. Naging kaibigan mo kaya sila? O pinulot din sila kaagad at ‘di ka pinansin? Haaaay, “Bayad ho!” Nasa Capas na pala ako, pumara na ang katabi ko.


S A P L O T | 50

R ZANO KOLEKGTRO ACE MAN PAULINE


51 | S A P L O T


S A P L O T | 52

Mother's Day BONJOEBEE R. BELLO

Sa kaloob-looban mo ako nanuluyan, ang hininga mo at hininga ko ay magkadugtong na parang isang linyang may dulo ngunit hindi masusukat. Hanggang sa ako’y magkamuang at tuluyang magkamalay–tao, isa na akong ganap na mamamayan ng isang bansa, isang diwa at salita,


53 | S A P L O T

Tinuruan mo ako kung paano maglakad, kumain magsalita, makinig, umibig manindigan. Dinadamitan at pinapaliguan mo ako ng iyong pagmamahal mula sa nakaraang ipinaglalaban ng ating kasaysayan. Lahat kami nangako sa iyong mga anak mo, parati naming sinisigaw ang iyong pangalan. Ngunit mangilan-ngilan din kaming bumitaw sa mga pangako, isang ibon na kung malaya’y nakalilipad ngunit babalik at babalik pa rin sa pugad. Muli mo kaming tinanggap ng buong–buo, ilang beses man kaming tumalikod sa iyo ay maraming pagkakataong kami’y binigyan mo ng pag-asa. Magulo ang lugar natin. May patayan, may krimen, holdapan, sugalan, nakawan, sunog, bagyo, kagutuman, marami! Hindi ko na kayang isa–isahin ang lahat dahil alam kong malapit ka ng mapundi, isang ilaw na dati–rati’y maliwanag ngayo’y paandap-andap na lamang. Nananatili kang matibay sa likod ng kaguluhan, nanatili ka sa tabi ko habang ako’y pagod ng lumaban. Mahirap ka kasing ipaglaban. Alam kong dapat ngunit mahirap. Hindi sapat ang sigaw, pawis, dugo at buhay para ipaglaban kang nag-iisa. Wala ni isang kayang ipaglaban ka. Maraming beses akong tumayo sa iyong palad pero ang ipaglaban ka sa mga taong mananakop, sa mga taong mapanlupig, sa kanilang mga suwail na anak mo, ay isang pagsugod sa gyerang ang mga kapatid mo ang iyong kalaban. Isa palang digmaan ang ating pamilya.


S A P L O T | 54

Ang sumabak sa digmaan sa kanila ay gaya ng pagsaksak sa sariling laman, dahil kadugo ko ang aking kinakalaban. Ngunit alam mong ako ang tama. Mahirap ka kasing ipaglaban. Mahal kita, pero mahirap. Ito ay gaya ng pagtayo sa madla habang ikaw ay kulay bughaw, ang lahat ay kulay dugo. Kaya kang sakupin na parang isang usang kayang lapain ng mga buwaya, isang iglap ay ulo mo ang makikitang nakalutang. Mahal kita, pero mahirap ka kasing ipaglaban, bayan.


55 | S A P L O T

Family Picture JOAN ROBIN MARTINEZ

He had a perfect family. Mother. Father. Child. His mother is my aunt who went in pursuit of greener pastures His father, out of longing, a drunk who went in pursuit to the call of the flesh He spends occasions spoiled and centered One minute in the corner, another in the crowd He got used to solitude The fact that money weighs more than anything He shunned himself, afraid to ask why One door to another. One room to another. He is a perfect family. Child alone. Mother away. Father left.


S A P L O T | 56

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: DIGITAL ART


57 | S A P L O T

PARA SA LAHAT NG NAGTITIWALA DIVINE GRACE DELA CRUZ


S A P L O T | 58


59 | S A P L O T

Ulan, Ulan JAHRED F. BERTOLFO

Nabibigatan, nabibigatan Ang mga ulap nabibigatan Dinadala, dinadala Ang tubig na magiging ulan Dumidilim, dumidillim Ang mga ulap dumidilim Ulan na ay paparating May kasama pang hangin Isang patak, isang patak Aambon ng isa-isang patak Hanggang sa maging libo-libo Sa bubong nami’y tutulo Ang bubong, ang bubong Maraming butas ang bubong Ang kidlat ay sumisilip Ang kulog ay umuugong Sasaluhin, sasaluhin Ang patak ng ula’y sasaluhin Itatapat, itatapat Ang timbang butås din


S A P L O T | 60

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: DIGITAL DESIGN


61 | S A P L O T

Kamiseta ALVIN ESPIRITU

Ang buhay parang kamiseta Nagsisimulang magbago pag nagbihis ka na Magsusukat ng bago at gagawa ng bagong alaala Hanggang sa hubarin mo na ito at itabot sa basket ng labada

Ngunit lahat ay hindi natatapos sa simpleng paglalaba Kung paano mo kusutin hanggang matagal ang mga mantsa Kung ilang ulit mong banlawan upang mawala ang mga bula Kelangan mo ring iwanan saglit, isampay hanggang sa matuyo na. Dadating ang oras na namapgtatanto mong pwede na Babalikan mo ito at hahanguin sa sampayan Paplantsahin hanggang maayos ang gusot ng nakaraan Hanggang sa maging handa na naman sa bagong laban

Pero sa buhay, di mo maiiwasang magsawa Maghahanap ka ng ng pamalit sa kinasanayang kamiseta Isang kamisetang makakasama sa paggawa ng ala-ala Makakasabay sa pagtawa at pagluha.


S A P L O T | 62

Limampung Dolyar ARIA MICA FERNANDEZ

Mula sa dalampasigan ng Zambales ay niyayapos ng malamig na hangin ang aking katawan. Inaapuhap ang ulirat na tila wala sa sarili habang tinitikis ang bawat sugat na namumugad sa aking kalooban ngunit tangan ang lakas ng loob mula sa nagpira-piraso kong pagkataong nagpupumiglas ay pinipilit kong humakbang makausad lamang. Pilit binubura ang katotohanang hinayaan kong magpasakop! Magpasakop sa mga dayuhang marino kapalit ng kakarampot na dolyar. Mistula akong humihingang rebultong kasinlamig ng yelong paulit-ulit na nagkasala at magkakasala pa. Maya-maya’y ----Dadaong na naman sila. *4th place - Lathala V (Dagli)


63 | S A P L O T

KUNG SINO PA ANG WALA

MARK RICHARD M. MEDINA 2ND PLACE- LAHATALA V (PHOTOGRAPHY)


S A P L O T | 64

Unravel JERICSON A. MONTES

Humming the lullabies, Dripping through scribbled songs, Travelling the roads of uncertainty We live full of lights, But following the inveigling darkness. Like a scheduled pill You would take everyday, But could never follow it for long We always wanted more.. Like the taste of first cigarette Second, you don't know what you're doing, And before you know it your addicted. We're astraphobe, Afraid with burning light. Think! We're not a crab, Frightened to live its shell, Hiding its deepest fears. We can wake from doomest nightmare, By living our sweetest daydream.


65 | S A P L O T


S A P L O T | 66

IKATLONG KABANATA Binabagtas na naman namin ang parehong mga lansangan. Pinagtitinginan pa rin kami ng maraming tao na para bang inaalala kung nakita na ba nila kami dati o naabutan na ng limos. Naging pangkaraniwan na ang aming mga buhay. Kilala ng lahat ang aming maruruming katawan pero hindi nila alam kahit konting bahid man lang ng aming pagkatao. Hindi nila alam na kailangan na kailangan namin sila at na kailangan namin ng kanilang awa at tulong. Nakakolekta na ako ng two hundred twenty five pesos. Tinuruan akong bumilang ni Gilbert nung minsan at tinuruan niya ring magbasa si Cristina. Nang papunta na kami sa abandonadong bahay, sinabihan ako ni Cristina na tumigil saglit, at binasa nang mabagal ang U-KAY U-KAY. “Ukay-ukay ‘yan”, pagmamalaki ni Cristina habang tumatango ako sa tuwa. Nakatingin siya sa mgandang puting sweater na may mga lasong nakapaligid sa leeg; bahagyang may sira ngunit naisusuot pa. Palagi siyang humihinto sa paglalakad kapag nakikita ito. Habang tinitignan ni Cristina ang sweater, napalingon ako sa batang lalaking masayang dinidilaan ang hawakhawak na ice cream habang hawak-hawak naman siya ng kanyang nanay. Hindi nawala sa isip ko ang batang lalaking iyon, na humantong sa pagtatanong ko sa mga magulang ko. Nasa’n sila? Bakit kami nandito? Bakit hindi nila kami hinanap? Kilala pa ba nila kami? May pakialam ba sila sa ‘min ni Cristina? May pakialam ba sila sa ‘min ni Cristina, dati? Sa ilang mga taon namin ni Cristina sa lansangan, hindi nila kami hinanap; kami ang humahanap sa kanila. Dahil sa pag-iisip, naramdaman kong bumagsak sa mga pisngi ko ang mga luha. Naramdaman ko ang paggapang ng galit sa aking gulugod at kukote. Pero kailangan kong magmukhang matapang. Kailangan ako ng kapatid ko, kahit na hindi ko kailangan ang sarili ko. “Gustung-gusto ko talaga ng sweater na ‘yun kuya,” sabi ng masaya at sabik na si Cristina. “Minsan nga, napapaniginipan ko pa.” “Sabi nila nangyayari ang mga pinakamagandang panaginip kapag gising ka,” sabi ko. “Kailangan natin itong pagpaguran, at magiging sa ‘yo rin ‘yon Cristina, isang araw. Nang gabing ‘yun, pagkatapos maghapunan, humiga kami sa sahig. Nanginginig na naman si Cristina, kaya ipinasuot ko ulit sa kanya ang kaisa-isa kong sweater. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya. Matutulog na ako nang bigla akong makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril na sinundan ng galit na galit na boses ni Joaquin.


67 | S A P L O T

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: DIGITAL ART

“You can imprison a man, but not an idea. You can exile a man, but not an idea. You can kill a man, but not an idea.” -Benazir Bhutto


S A P L O T | 68

Insanity Ride JOAN ROBIN T. MARTINEZ

When do we say we’ve had enough? They say to be fit is to survive To be weak is to disappear Sink into oblivion. Slowly. Silently. Weak is when you don’t struggle Not where everyone sees Not when you’re used to being pushed When do we say we’ve had enough? We are not weakIt becomes tolerance on levels unimagined A battle with inner demons Scars that sink deep into the soul This weakness is not a disease It’s a trophy shamed into hiding When do we say we’ve had enough? It’s when we stopped believing we are weak.


69 | S A P L O T

Kape JHAYVI C. DIZON

Tinikman ko, Ang pighati mo. Ang init mo. Pero ang ‘di nila alam, pilit kinuha sayo ang bawat tamis sa bawat paghigop luha’y bumabad Sa mga asukal na tila mukhang asin. Naglasang asin, Mahapdi. Mainit. Nakapapaso, Ang sakit. Na iniwan ng Mga salitang binitawan Sa isang upuan lang.

GRAPHICS BY: KENNETH LEO PAMLAS MEDIUM: COLORED PENCIL


S A P L O T | 70

Bading FRANCIS ETHAN JOHN A. GARCIA

Sa pag-iba ng aking______________ Damdamin na naging ____________ Puhunan sa lalaking _____________ Kagwapuhan na tanging _________ Nanlinlang sa praning na _________


71 | S A P L O T

Neologism JOAN ROBIN T. MARTINEZ

Modern man states we are technological. Heads bowed, glued to digital screens. The clothes we wear depicts the standard - we have the latest styles and local buys are full of it. Modern man states we are the attitude. Our faces are sacraments, meant for an altar We document catastrophe like we do our birthdays - we have to show we are immersed in current events. Modern man states we are superior. The conventional are superficial. It should not exist. By superiority, it means we are empty - of old, of culture, of identity. We follow the rules of imperialism.


S A P L O T | 72

Dos Por Dos

FRANCIS ETHAN JOHN A. GARCIA

Binakas ya ing daya king malinis a tela. Anggang makananu keng salikut asneng kabayat. Eya mikasya keng kahun, keng saken, nung keng kwartu naman mamawu ya. Dana, non ke ugse ining dutung? Papatak ya pa ing daya. Ya kasi, adwa ya singsing kabang adwa lang tawu.


73 | S A P L O T

GRAPHICS BY: DIVINE GRACE DELA CRUZ MEDIUM: DIGITAL ART


S A P L O T | 74

Icarus and Daedalus DANIEL C. CARREON

Daedalus strictly tells me not to drink alcohol, not to smoke weeds, not to stay in the dark streets, not to be with the addicts. But I wonder why he forgot to tell me about your sweet, soothing voice and your attracting warm hands that made me melt until I fall.


75 | S A P L O T

The Second Victim SLY B. PASETES

The coldness I felt had nothing to do with the weather. Daniel, a friend of mine, was lying there in the ground with his bare body covered with dirt, mud, and a dark red liquid which made my stomach churn. He was not moving. I shivered. He was dead. I didn’t know how long I stood there frozen at the scene of gore and blood. I didn’t know what to do. I just stared blankly at Daniel’s lifeless face which seemed to be painted with agony. I imagined that my face was an exact copy of his. I couldn’t believe what I was seeing. Close to him was a knife covered in blood. He was killed, and I knew who killed him. Minutes passed, and my mind finally started to work properly again. I knew that I had to do something. Should I call the Police, or my mother, or my friends? No. I can’t. I shouldn’t. No one should find out what I have witnessed. No one should know that we were together before the tragedy happened. I must keep this a secret or I too . . . I too . . . Having finally decided, I allowed myself a final glance at my dead friend and started running. Before everything happened, I remembered that Daniel and I were hanging out until it became so late that Daniel decided to escort me home. We were passing around this vacant lot close to the park when it all suddenly happened. In the end, I was saved but I knew that it was only for a matter of time. Remembering the events, tears started to fall from my eyes but I continued running and running until my sight could no longer reach the place where my nightmare took place. *** The rest of the night was hell. I couldn’t sleep. I couldn’t even close my eyes because his face would just fill my vision. I just curled myself into a ball and cried all night. The following day was even worse. I decided to go to school to somehow distract myself from my misery but getting into my first class proved that escaping this nightmare was impossible. The news was faster than a virus. My classmates were already talking about the murdered man. Most of them didn’t know him personally since he wasn’t a student of our university, except for me and a small group from the class. I was seating in my usual seat at the back and stared at the one group who knew Daniel. They were all quiet, and it wasn’t hard to know why. Daniel was a friend of theirs, and we were always together before Daniel died. They must be wondering if his death had something to do with the fraternity he was in. They tried to talk to me earlier about what happened but I ignored them and they never tried to talk to me again. Some friends. I am not even sure if the term applied to them. After all, they were just people whom I hanged out with when I was bored. I didn’t have many friends since I was bad at communication, but they were like me. We were all troubled students who didn’t know what to do with


S A P L O T | 76

life. Broken families. Broken lives. We all had the same issues. And all of us work hard to destroy our lives even further. Pathetic. After my final class I could still hear conversations about the incident. Why wouldn’t it just stop? Just hearing his name makes my head throb. If only I could block this off. I didn’t want to hear anymore. When I finally couldn’t bear it, I decided to go home. I was half-running on my way home. I was strangely wary and uneasy of my surroundings. I tried to avoid contact but stayed in places where there were a lot of people. Finally, I reached home. I ran to my room and locked myself inside where I felt a little safer – from people and from my fears. The freedom I felt inside me was short-lived. I knew it. Of course there’s no escaping this. Outside our house was a police car. From my window, I saw my mother walking towards the policemen. I couldn’t breathe. I was so afraid that I had to clench myself to keep me from breaking. They’re here. Perhaps someone saw me with him that night. It didn’t matter. I will have to face them. They would ask me questions, and I would tell them everything. A never-ending minute passed and my mother, who has rarely talked since my father left us, finally called me to open up. I opened the door with my shaking hands and faced my mother. “Mom . . . I – I killed a person, I killed . . . Daniel . . . I am so sorry. . .” That was the reason why I was so afraid. I was the criminal. I was the one who took Daniel’s life. I was the one who stabbed him, and the one who abandoned him to save my own skin. That was the truth. My mother’s eyes were wide. I guess she couldn’t believe that her daughter could turn into such a monster. I used to be so good, so perfect, but that was the past. She finally covered her face with her hands and sobbed. I even had to guide her down the stairs, to face the police. As expected, tons of questions were asked, and I answered everything while my mother continued to sob at the corner. After all was finished, I was allowed to leave the room for a while. I ran to the kitchen and started to cry again. After a few minutes, my mother entered the room and sat beside me. “Mei, I’m so sorry. I didn’t know. This wouldn’t have happened if not for me. You’ve been through a lot Mei, and I wasn’t even there for you when you needed me. If only I paid more attention . . . If only I wasn’t being so selfish . . . I’m so sorry, Mei. I’m so sorry.” I just stared at her blankly. I didn’t know what to say. “I was never a good mother to you. But everything will be fine. From now on, I will always be here beside you, Mei. I will never leave you alone again.” she said while taking me into her arms. I have been stripped off of everything: family, happiness, trust, even my own self. And at that night when Daniel planned to strip me even further, I decided to stop him with my own hands, stripping him off of his life in the process and turning us both into naked victims. After that, I thought that there was no more hope for me. But for the first time, I didn’t feel alone. Despite everything, I was strangely comfortable. All the worries I had seemed to have been lifted off and turned into something which told me that there could still be a future ahead of me. For the first time after so long, I felt warmth. *1st place - Lathala V (Short Story)


77 | S A P L O T

Telephone patch JHAYVI C. DIZON

I pulled the telephone arc, The sound of the voice over the other line Got through the vains Through the capillaries. Hearing you Your voice Screaming Screaming for help 25 years already now Still, I haven’t known yet who called. But when I was 18, I remember. I was with this girl In a club, Made fool out of me, And tempted me To forget the vow Up until now, that I am 43.


S A P L O T | 78

UN

DRESS

JAHRED

BERTOLFO

Of the I to na I the mo

all things want see ked want truth st


79 | S A P L O T

Deadline

OLIVER JOHN S. TABAQUERO

IV

I woke up. I was curious why the alarm that I prepared last night did not ring. I squinted my eyes and looked at my phone. Crap! I’m late for the deadline!

II I rushed to school. No breakfast. No brushing of teeth. I did not even take a bath. Upon reaching school, I peeked at the window of the faculty room. Sir Mendoza was sitting alone in the corner at his table. Before entering, I looked at my watch. It’s three hours past the deadline. “Ssorry sir… The traffic was very heavy.” I said nervously. “As expected, your project is on time.” said the sarcastic professor. He swatted my project model and it fell into the ground, breaking into small pieces. I

“You don’t deserve to be here.” “With your performance, you’re guaranteed to fail.” “You’re a shame in this institution.” I could never forget these words. These were the words that Sir Mendoza uttered to me after seeing my exam scores. I study day and night, non-stop, only to find myself failing. I stared at my project. This is my only chance to pass. III

I walked away from Sir Mendoza. Then I saw a crescent wrench on another professor’s table. I ran back to him. “What are y-“


S A P L O T | 80

GRA PHIC S BY : CR ISTIN E EM M MED ANUELL E IUM : PE FLORE N AN S D IN K


81 | S A P L O T

ANG HINDI BINIBIGYANG ALAM DIVINE GRACE DELA CRUZ


S A P L O T | 82

Puris Naturalibus LORENZ CHRISTIAN M. VELORIA

Too much of black and white my eyes have seen, And yet this soul seeks for wondrous hues still. If I peer into thine eyes whence I've been, Will I be pleased or be entirely ill? Now thy garments wear an uncertain grey: A craft which keeps at least the flesh humane, As it conceals thee, who art but a prey, To last, as fabrics do, or be mundane; To halt a glimpse of thine old markings bare, And shun the sharp view of the common prate; Or else thou art to catch a brewing fare, As though shades emerge from thy very fate: Scriptures make thy fair skin which now I see, And these art sins the world inscribed on thee.


83 | S A P L O T

Disclosure JEROME C. BUGAYONG

As Zeus cursed the land – And gods and goddesses set down in grass With fire burning as classy as hell And the world looked stripped and naked Tormenting his unadulterated soul I finally found you cuddling with him On my bed scented with lavender and honeysuckle My screams are fogs and threads of gasps I can’t even grasp the broken purple verse Written in the long litanies of sorrow Your lips were roaming on his lips Your eyes looked like fireflies in the morning haze Something you’ve always felt when you’re with him And I am nailed in this chair with millions of memories Haunted by horrors created by my bare hands On the bathroom, blood smudged on tiles Counting the numbers of possibilities As I watched them die bleeding in decimal points Hours and seconds constricting all at once And murdered minutes and I even don’t mind. Run as much as you want but you can never hide On the thousand sinful eyes: From me who saw you lying with him From us who pretended to didn’t know the truth And from society who drove and forced you to be in THIS WAY!


S A P L O T | 84

But, you said, “NO, I want to be on THAT WAY!” You don’t even regret every inch of you are You’ve tried it out but you can’t abide the sham – You will love him; and love will love you too You will love for love’s own sake And you’ll make him beg for more I promise to shut the sullen silence in nothingness Echoes will not bounce; echoes won’t shout anymore Fear no more; fear learned to fear you You will die and you will be thankful that my hate Never made you beg that you were straight. It is now, U N R A V E L E D and U N V E I L E D No more running, no more hiding Now you have the guts and wings You’re ready to fly and savor that liberty You are now about to break free!

*2nd place - Lathala V (Poetry)


85 | S A P L O T

Superhero

OLIVER JOHN S. TABAQUERO

Matagal nang birthday wish ng malikot na batang si Junior na maging superhero. Gusto raw kasi niyang tulungan ang mga mahihina. Gusto niyang labanan ang kasamaan. Kinukulit niya ang kanyang tatay na alkalde at nanay na congresswoman dahil bukas na ang birthday niya. Halos hindi na kasi nila ito napapansin dahil malapit na naman ang eleksyon. “Papa. Mama. Okay na po ba ang lahat? Naimbita niyo na po ba ang mga kaibigan ko?� pangungulit ni Junior. Kinabukasan, lumabas ang balita na binaril ng payaso ang mag-asawang pulitiko.


S A P L O T | 86

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: DIGITAL ART


87 | S A P L O T

I SEE YOU

MA. KATRINA SEGUIRA 2NDPLACE - LATHALA V DIGITAL ILLUSTRATION


S A P L O T | 88

Undoubted Doubt MIRASOL P. BATUNGBAKAL

A queen without her king is like a life without a music a pen without its ink a soul without its body but now, chaotic world lasted, cause my king already arrived. I’ve always wanted to be naked in front of him Not naked in a way everyone would think without clothes and pants but naked without all the secluded secrets and towering walls. Letting him into my soul to see my nonsense tantrums to see my chaotic thoughts to take a glimpse at my deepest fears was a mistake --- to be regretted ‘cause it could make or break my sentences that let me follow my own desire to believe in love or lead me to the realization that I have no idea --- we’re never naked; but from the start we’re always clothed with a shroud of doubt.


89 | S A P L O T

Pulang Mantsa BONJOEBEE R. BELLO

Ilang ulit pa ay sinulyap–sulyapan ni Laila si Berting sa likuran ng klasrum. Kinikilig pa ito habang ginuguhit ang kaklase sa notebook. Isang pamilya ang ginuguhit ng maharot na bata habang nagdidiskas ang titser tungkol sa ABaKaDa. Siya at si Berting kasama ang kanilang mga anak. Isa, dalawa, tatlo at marami pang anak. Uwian na ng makita ng lahat ang likurang parte ng palda ni Laila na may dugo. Kinabukasan, hindi pumasok ang bata. Wala nang lilingon kay Berting. Wala na rin ang drawing. *para sa mga batang maagang ipinakakasal ng magulang


S A P L O T | 90

GRAPHICS BY: ABRAHAM ELMO BERNARDO MEDIUM: PEN AND INK


91 | S A P L O T


S A P L O T | 92

KAILANMA’Y HINDI ITO MAIPAGBIBILI AUDREY DEL ROSARIO


93 | S A P L O T

Kambal-kauri JOSEPH C. DE JESUS

“Al, may aaminin ako.” ay ang mga salitang bigla niyang inilabas habang kami’y naglalakad pabalik sa main campus. “Ano ‘yun be?” Ay ang tanging sagot lang Na alam kong makapagpapatuloy Sa gusto niyang Sabihin sa akin. Napatigil siya… Hinarap niya ako’t Tumitig sa aking mga mata “Pareho tayo.” Ay ang binitawan Niyang sampung letra. Iisa lang ang naiisip Kong kahulugan niya. Pareho nga yata kami. Kapareho ng iniisip mo.


S A P L O T | 94

Slave Of The Night RICHMON A. CAYABYAB

through the dim streetlights you walk, searching for the next guy to stalk. every night, a new experience. but through the makeup, i see weariness. offering yourself to strangers, open to the night’s dangers. ready to give temporary bliss, but submerging yourself to the dark abyss. the fake colors on your pale face hide the experience you try so hard to erase. abusive father, gambling mother. through the world’s hardships you try to not give a bother. but how long will you bear the countless nights of shame and despair? will you spend the rest of your days, waiting on the streets filled with dark haze? your hope may not be so near, but who do you think would want to hear? another story filled with shame, grief and fear. just another part of the streets of gloom, pleasing people from room to room. another part of the cruel streets, a slave under someone’s sheets. when will this routine end? the spiral towards the dark descend.


95 | S A P L O T

CHILD AT HEART

MARY CHARITY ROSE G. BUHAIN 1ST PLACE - LATHALA V (DIGITAL ILLUSTRATION)


S A P L O T | 96

Tutubing Karayom JOSEPH C. DE JESUS

Masaya akong nakikipaglaro sa’yo sa damuhan kala ko sapat na ang bilis ko para hindi mo mahuli. Ngunit dahan-dahan mong inilapit ang mga daliri mo sa likuran ko at sa isang iglap ay hawak mo na ako. Dinala mo sa isang lugar na hindi alam ng karamihan Tinanggalan ng pakpak kaya’t hindi na ako kumawala pa mula sa’yo, kahit hindi mo na ako hawak. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako kung saan mo huling iniwan Naghihintay ng tulong mula sa pagkakaipit sa sitwasyon. Ngunit hindi na magtatagal pa ang buhay ko. Walang sinuman ang makakaalam habang buhay ng pagkalagas ng tunay na kwento sa kung ano ang ginawa mo sa kung sino ako.


97 | S A P L O T

IKAAPAT NA KABANATA Si Edgar, kapatid ni Troy, ay nawawala kasama ni Gary. Nang gabing ‘yun, ipinatanggal ni Joaquin ang mga damit namin para tignan kung may itinatago ba kami na pwedeng magamit para makatakas at umuwi. Pero bigo siyang makahanap. Sinabihan niya kaming lahat na kung sinuman ang tatakas ay babarilin at papatayin niya. Katulad ni Troy. Kinaumagahan, naging mas mahigpit ang pagmamatyag sa amin. Lahat kami ay nasa ilalim ng nakapapasong init ng araw, walang nagpapahinga, habang si Joaquin ay nasa Van, nakikipag-usap sa mga pulis na malapit sa lugar. Nagpatuloy ako sa panlilimos, at bago pa lumubog ang araw, nakakolekta na ako ng dalawandaan at sampung piso. Itinago ko ang sampung piso. Pinasan ko si Cristina habang patungo sa bahay habanag inaawitan siya. Mula sa kung saan, may isang bata, marahil kaedad ko, hinablot ang perang nalimos ko buong araw. Binitawan ko si Cristina, at dali-daling hinabol ang bata. Pero masyado na itong malayo para maabutan ko pa. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kapag bumalik kami sa abandonadong bahay, mamatay kami. Naisalarawan ko sa isip kung paanong sumasabog ang ulo ni Cristina na parang isang lobo. Naisip ko ang ipon ko, pero hindi ‘yun sapat. “Anong gagawin natin niyan, Kuya?” tanong ni Cristina, walang tigil sa pag-iyak. “Kuya, kuya, kuya? Mamamatay na ba tayo niyan?” Sinubukan kong itago ang pag-aalala, pero hindi ko kaya. Sa unang pagkakataon ay hinayaan kong makita ni Cristina ang kahinaan ko at takot. Pagkalipas ng ilang oras, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin. Hindi ko gustong mamatay dahil sa walang kwentang bagay na ito. Kailangan ko ng solusyon— isang bagay na sa buong buhay ko ay takot akong gawin. Pero kailangan. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko. Sa tuwing iniisip ko ang nagawa ko, gusto kong parusahan ang sarili ko. Bakit ko hinayaang panoorin ng aking inosenteng kapatid ang pagnakaw ko ng pera ng matandang lalaking bulag na namamalimos din ng pera at awa sa maghapon? Para sa kanya ito; hinding-hindi sa akin.


S A P L O T | 98


99 | S A P L O T

GRAPHICS BY: KENNETHMENDOZA MEDIUM: WATERCOLOR

“Without work, men are utterly undone” -Nevil Shute


S A P L O T | 100

If you take money out of the equation JENIKA BIANCA ICASIANO

I’d be a teacher without a pension A soldier without ammunition I’d doubt even death on a mission A philanthropist without donation A call center agent with just a conversation A lottery with just a combination Winning prizes less of a consolation A hooker unpaid. Thus, masturbating for a session But really, if you take my money out of the equation I’d be a poet. Or just a writer.


101 | S A P L O T

A DOZ MEN H T NNE : KE R S BY RCOLO IC H E P T A A W GR IUM: MED

Dwindling Flames JOAN ROBIN T. MARTINEZ

He stared heavily at the sway of candle light. Each flicker brings ragged breath. It was as if he were somewhere else and a scene kept repeating as he watched with a wretched heart. That he had to witness itThat, in his heart, he works against it That, with power, he should suppress and oppress He sighed heavily as he tore his eyes away from the scene Eyes as a solid glass, devoid of any spark He brought the blank look over to his work space. He had to start. He had nothing else. Even the pride – he sold for a hefty price. What had happened with his ideals? Nothing more than apathyWhat is writing? Nothing but mere floral words that blooms jaded meanings.


S A P L O T | 102

Dawit

BONJOEBEE R. BELLO

Kanina pa siya tumatakbo. May tama na siya sa binti kaya kahit anong pilit nitong magpakalayo sa kanila ay naabutan siya ng mga ito. Hindi niya mamamalayang mahuhulog siya sa bangin at saka siya magigising. Pawisan siyang hihinga ng malalim, magpupunas at titingin sa salamin. Ilang linggong sinisilip siya ng mga iyon. Tinignan niya ang orasan, late na siya sa opisina, parang noong mga oras na pinapatay niya ang mga reporter ng gabing iyon, nakatingin rin siya sa kakabili lamang na wrist watch. Abalang nagluluto ang kanyang asawa. Tumunog ang doorbell at ipinabukas ng kanyang misis ang pintuan, ayaw nitong masunog ang niluluto. Pagbukas niya ng pinto, sumambulat sa kaniya ang naka-itim na lalake, tinutukan siya ng baril. Sumigaw ang baril sa buong kabahayan. Bago lumisan ang naka-itim na lalake, inihagis nito ang dyaryo, nasa headline ang kurap na taong kakapatay niya lamang. Mabilisang umalis ang lalake sakay ng puting van. Tumakbo ang misis at humihingi ng saklolo. Kumulo ang kanyang niluluto.


103 | S A P L O T

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: DIGITAL ART


S A P L O T | 104

Lampaso BONJOEBEE R. BELLO

Sinuyod ko muna ang buong katawan ng bangkay. Inatake raw ang lalake. Iyak pa ng iyak ang asawa niya kaninang dinala ang bangkay dito. Nang tiningnan ko ang pulso, biglang pumitlag ang bangkay. Hindi ko pinansin. Sa sampung taon ko ba namang nageembalsamo ay kung anu-anong naranasan ko sa mga bangkay. Hindi na rin ito bago. Nang sisimulan ko na ang paglilinis sa katawan ng bangkay ay nagpumiglas ito saka biglang kapit sa aking braso. Hindi ako nagulat – buhay pa pala ‘to. Gamit ang bakal na tubo, pinaghahampas ko ang kanyang ulo. Nangisay-ngisay hanggang mapirme sa kinahihigaan. Nagkalat ang dugong kumatas sa kanyang ulo. Maglalampaso na naman ako.


105 | S A P L O T


S A P L O T | 106

HUWAD NA TAGAPAMAHALA AUDREY S. DEL ROSARIO


107 | S A P L O T

Manikin

DEXTER B. GRAGASIN

Hindi man lang makasagot sa tuwing siya’y dadamitan ng damit na kailanma’y ‘di pinangarap na maisuot, ng mala-porselanang balat. Ni hindi man lang makaupo sa buong maghapong paglalako ng sarili, gamit ang mga damit na kailanma’y ‘di tatanggapin sa langit. Hindi man lang makatanggi sa tuwing hahawakan ng mamimili, hahaplusin ang balingkinitang katawan: sa balikat, sa dibdib, sa hita at bewang. Ni hindi rin makayuko sa tuwing ihaharap sa maraming tao, sa likod ng makapal na salamin minamasdan ng samu’t saring tingin mulo ulo hanggang paa.

Marami ang natulala; marami rin ang naasiwa. Meron namang akala mo kung sinong makapanglait; may tingin namang nanlalagkit, ‘yong tipong kahit na nakadamit ay parang hinuhubaran sa isip. Samantala, ‘di maalis ang tingin ng panghuhusga sa kabila ng mangilan-ngilang tingin na nakaka-unawa. Kaawa-awa, pinipilit niya pa ring kumawala sa tuwing siya’y huhubaran. Wala na nga yata siyang magagawa, kundi titigan na lang ang sarili habang pinapalitan ng damit, ng may-ari ng tindahan. Maya-maya pa’y nakapili rin ang isang mamimili, at sa wakas inangkin ang damit na kanina’y kanyang suot, At siya ngayo’y nasa sulok, ni walang anumang saplot hihintayin, na muling madamitan – Ang manikin. *5th place - Lathala V (Tula)


S A P L O T | 108

Punas Pawis JAHRED F. BERTOLFO

Papatirin ka ng ganitong mga pagkakataon Kung kailan kailangang ibigay mo Ang iyong lahat at kung anuman Ang natitira pa sa iyo. Wala na Ang mga dahilan para tumigil O iudlot ang labang napili mong Pasukan. Ang sarili mong katawan Ni hindi na maaaring tubuan Ng mga panibagong butil ng pawis Na maya’t maya’y maghahabulan Sa iyong batok, balikat, braso At sa bawat sulok ng iyong pagkatao Habang nagpupunas ng pawis Ng ibang tao, batok, balikat, braso. Papatirin ka ng ganitong mga pagkakataon Pero kailangang ibangon ang sarili’t itaas Dahil umaasa’t naghihintay sa iyo Ang pamilyang nangungulila dito sa Pinas


109 | S A P L O T

Homewards

CRISTINE EMMANUELLE D.V. FLORES

He answers the malicious stares and whispers of the people who pass by him with a silent stare. He’s sitting still beside that old tree in front of the old institution, uttering not a single word yet every foot quickens their pace when their eyes see him. A killer, a thief, a drug lord, a terrorist---these are what their minds tell about him, a judgement based on his physical appearance - dark tanned skin, long thick beard, a long robe reaching his feet and a piece of cloth worn as hat. No one dared to approach him, for their eyes see him as a danger, and he might be carrying guns, bombs, or planning to hold them in captivity. But only I knew he wouldn’t. I saw the glimmer in his eyes when he saw me, and even more when I gave him my best smile. “Let’s go home, papa.”


S A P L O T | 110

GRAPHICS BY: CRISTINE EMMANUEL D.V. FLORES MEDIUM: PEN AND INK


111 | S A P L O T

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: DIGITAL ART


S A P L O T | 112

Tumbang Preso JAHRED F. BERTOLFO

Dapithapon na. Alam ko, magsisimula na naman ang laro nilang, tulad ko, nakadamit kulay-kahel. Magsisimula na naman nilang itumba ang kawawang latang unti-unting nayuyupi, at dahan-dahang napipitpit. Ang kawawang lata marahil ay nagnanais na lang na maitapon. Sanay na marahil ang lata. Hindi tsinelas ang gamit nila kundi kanilang mga nagtitigasang kamao. At kanilang mga paa’y nagngangalit sa pagsipa. Hanggang ngayon, umaasa ako na sana matapos na ang laro. Dahil, ayoko nang maging kawawang latang, nayuyupi’t napipitpit, dito sa sumisikip nang selda.


113 | S A P L O T

Midnight Professor ALDRINE CARANTO

Malapit na sana akong humawak, ng yeso’t magsulat sa pisara. Gumamit ng pluma’t mangalkula ng marka. Nagbibigay ng pagsusulit, at makapagmulat ng mga paslit. Nagbabahagi ng karanasan At nagsasalin ng kaalaman. Nakasuot na sana ako ng pormal. Nakakapag-pabago na sana ako ng buhay. Nakakikita ng ngiti mula sa mga murang labi. Mabati ng mga Pag-asa ng Bayan ng magandang umaga, lagi. Isa na sana ako, Sa mga nagtataguyod sa kanilang kinabukasan, Isa na sana ako, Sa pangalawang ama ng bayan. Usok, ngayo’y bumabalot sa tahanang Gabi lamang kung aking uwian. Sa tuwing aking pinapasuka’y sarap, Pagsisisi sa utak ko’y lumululan. Sa madilim kong mundo, Na tanging pulang ilaw lang ang nanunulo, Sa katawan kong pinagsawaan Na dinadala ng kung sino sa kung saan.


S A P L O T | 114

Sa dinami-dami ng nagsuot at nagtanggSal Ng saplot na tanging ibaba ko lang ang natatakpan Ay siya namang pag-alab ng aking damdamin Na maipagpatuloy pa aking mga mithiin. Nagbago man ang daang aking tinatahak Hinubaran man ako ng pagkakamali’t Binihisan ng bagong pag-asa Na maitatayo ang pangarap na minsan nang nasira. Wasak nang masasabi, Kinabukasan ko’y magniningning at maibabangon kong muli Kung pinagbutihan ko pala sana Balat ko’y ‘di malalawayan ng iba’t ibang labi Katawan ang puhunan Pangarap, siya pa ring ipinaglalaban Laway na sumisira sa katauhan Pangungutya ang kalaban Nahuhugasan man ng tubig Ang dumi ng katawan Ngunit ang burak sa pagkatao Sabunin ma’y ‘di na malilinisan Dignidad ko ma’y hinubad Pag-asa ko pa ri’y nakasuot At patuloy pa ring sinasayaw ang pangarap Sa saliw ng musikang tinatawag na buhay *1st place - Lathala V (Tula)


115 | S A P L O T

Caregiver JOSEPH C. DE JESUS

“Thank you for taking care of me” A street child handed me over written on a white paper while walking my way home “And for not giving up on me” Another white paper a street child gave me and in the vicinity another white paper “I know you’re in pain now” was pinned on a tree I stride anxiously as another white paper was also pinned on a tree “I know you won’t let me go” And there’s only one person I can’t lose by now “Coz I know you still love me” There’s only one person who has been my world for forty five years “But I’ve tried” I tried too. “I fought back” We fought together “But it wasn’t easy” I ran wanting to avert what I was concluding. ‘Cause I know it’s him.

And when I reach our home “And I think it’s time to say good bye” is caricatured on the front door. My heart’s audibly throbbing I slowly move my foot in Hearing not my steps I search his room But when I get in It has been painted on his wall “I love you honey.”


S A P L O T | 116

GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: PEN AND INK


117 | S A P L O T

Martyrdom JOAN ROBIN T. MARTINEZ

Can you convey your life’s work? Print it in a thousand pagesCharacters that march in a thousand messages Symbols that dance, bow, and execute Within a thousand wordsYour advocacy, a cliché, where millions have died … and delivered.


S A P L O T | 118

GRAPHICS BY: KENNETH MENDOZA MEDIUM: WATERCOLOR

Bagong mangangaso XYRYL MAE PASUBILLO-DAVID

Malalim na ang gabi habang naglalakad na naman si Mang Dario sa makipot na eskinita patungo sa isang abandonadong gusali. Kakausapin niya ang kanilang Boss. Lilisanin na niya ang grupong kumupkop sa kanya matapos ang insidenteng iyon.


119 | S A P L O T

Ngunit kung gaano kabagal lumipas ang oras ay ganoon naman kabilis ang tibok ng kanyang puso. Natatakot siya sa maaaring maging reaksyon ng kanyang Boss. Nangangamba siya para sa kanyang buhay. Iniisip niya kung makakabalik pa ba siya ng maayos sa anak na iniwan niya sa probinsya. “B-b-boss pwede ka bang makausap?” Mautal-utal na turan ni Mang Dario sa taong nasa harap niya. Di tulad ng ibang makapangyarihang tao, ang boss niya ay isang payat na tao lamang. Isang buhay na simbolismo na ang alak at droga ay hindi maganda sa kalusugan ng tao. “Ano ang nais mong pag-usapan Dario?” seryosong saad ng Boss habang nililinis ang hawak nitong baril. “N-n-nais ko na p-p-po sanang k-k-kumalas sa grupo.” “Aalis ka?! Sa tingin mo papayag ako?! Anong akala mo sa grupong ito? Waiting shed? Pagkatapos mong makisilong at maprotektahan sa ulan aalis ka na lang agad?? Aba sinuswerte ka naman ata?!” galit na turan ng kanyang kausap. “H-h-hindi ko na ho kasi kaya ang l-l-lungkot at pagsisisi. Gusto ko na pong makasama ulit ang a-a-anak ko sa probinsya.” Naging triple pa ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa galit na nahimigan sa boses ng Boss niya. “Hoy Dario. Baka nakakalimutan mo? Ako ang kumuha sayo nung mga panahon na bumagsak ang factory ni Senator Benitez na palihim na nagbebenta ng droga at mga ilegal na baril. Kung hindi dahil sa akin baka nakakulong ka na ngayon. Sige! Kung gusto mong kumalas sa grupo, ikaw ang gagawa ng susunod nating misyon. Ikaw ang papatay kay Mayor Dimagiba. Yun ang kondisyon ko bago ka umalis. Ngayon lumayas ka sa harapan ko at baka ano pa magawa ko sayo!” pasigaw na turan ng Boss niya habang nakatutok ang baril sa noo ng kawawang matanda. Dahil sa takot ay biglang tumakbo palabas ng gusali si Mang Dario. “Handa ka bang dungisan ang kamay mo para lang makaalis dito?” biglang turan ni Rogelio, 18 taong gulang, pinakabata sa grupo, kaedad ng anak ni Mang Dario. “Wala na akong iba pang pagpipilian. Mas nanaisin ko pang gawin ang bagay na ‘yun kaysa patuloy na lunukin ang baluktot na sistema ng siyudad na ito. Mas kaya kong magbungkal buong araw sa bukid kaysa ang patuloy na pumatay. Alam mo ang kwento ng buhay ko, Tutoy. Pumarito ako para sa pag-asang makabangon sa hirap, para mabigyan ng magandang buhay ang anak ko. Ngunit nagkamali ako. Maling-mali. Ang inakala kong magandang buhay ay parang palamuti lamang sa isang hubad at nabubulok na katawan. Sobrang laki ng pagsisisi ko sa desisyon na ginawa ko. Nais ko na lamang umalis at lumimot sa karanasan ko dito,” malungkot na turan ng mas nakatatandang lalake. “Masyado ka nang madrama Manong!! Hahahaha. Halika at magbar na lamang tayo. Padespidida mo na ‘yun. May bagong chix pa naman dun sa bar. Baka matipuhan mo,” maligaya at mapagbirong turan ni Rogelio.


S A P L O T | 120

Ngumiti at pumayag na lamang ang matanda sa nais ng mas batang kasama nito. “‘Yan ‘yung sinasabi kong chix Manong. Lagi siyang ka-table ni Mayor. Naaaawa nga ako sa babae dahil lagi siyang binabastos at sinasaktan ng walang-hiyang buwaya na ‘yan kahit na marami ang nakakakita.” Bakas ang awa at galit sa boses ng binata. Nakaramdam din siya ng galit dahil kung titignan ay kaedad lamang nito ang anak niya. Ngunit tila tumigil ang ikot ng kaniyang mundo dahil nakita niya ang mukha ng dalaga noong sinampal ito ng walang hiyang Mayor. Hindi lamang ito kamukha ng anak niya dahil ito mismo ang anak na iniwan niya sa probinsya. Tila napako siya sa kinatatayuan niya nang narinig niya ang isang malakas na putok ng baril na nagmula sa buwayang lango sa droga. Dumilim ang buong paligid. Tanging ang demonyong nagpaputok na lamang ang kanyang nakikita. Unti unting nilalamon ng poot ang kanyang puso. Umiinit ang sulok ng kanyang mata habang tumatakbo siya patungo sa walang pusong tao na iyon. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay siya ring pagpapakawala niya ng isang malakas na suntok sa panga na siyang nagpatumba sa tila nababaliw na Mayor ng lugar nila. Pinulot niya ang baril na nabitawan at itinutok ito sa ulo ng katunggali. Walang kahit na sino ang gumalaw dahil sa pinaghalong bigla at takot. “Bakit mo pinatay ang anak ko?! Sino ka sa tingin mo?! Napakawalang-hiya mo! Hindi porket may kapangyarihan ka na ay aapihin at paglalaruan mo na lang buhay ng mga mahihirap na tao. Tandaan mo kung hindi dahil sa amin ay wala ka sa kung nasaan ka ngayon. Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob. Lahat ng pangakong sinambit mo noon ay nawala na parang bula. Habang nagpapakasarap ka sa lugar na ito ay maraming tao ang nagugutom, giniginaw at nawawalan na ng pag asa sa buhay. Hindi mo masisisi ang ibang tao na gumagawa ng masama dahil kahit ikaw na may katungkulan ay hindi marunong gumawa ng mabuti. Ang isang bulok na taong tulad mo ang siyang puno’t dulo ng bulok na sistemang pilit na sinisikmura ng mga mamamayan! Ang dapat sa iyo ay binubura sa mundong ito!” Isang putok ng baril na naman ang umalingawngaw sa buong gusali. Natigil ang lahat hindi lang dahil sa pangalawang bangkay na nasa sahig kundi pati na rin sa tinuran ng lalaki na kababakasan mo ng galit at pighati. Nilapitan ni Mang Dario ang kanyang anak na matagal na niyang inaasam na makita, nang buhay, hindi tulad ng malamig na bangkay na yakap niya. Lungkot at saya ang nadarama niya. Saya dahil natapos niya ang misyon para sa kanya ng boss niya. Ngunit wala na siyang balak umuwi pa ng probinsya. Wala na siyang uuwian pa. Ang misyon na magpapauwi sa kanya ay siya ring dahilan kung bakit siya mananatili sa bulok na siyudad na ito, patuloy na mangongolekta ng buhay ng mga salot na tao sa baluktot na sistemang kinabibilangan niya.


When I lift my eyes to the world above I see tangles of black – the perfect lines There is beauty in that rusting crowd - the birds lined up looking down on me.

JOAN ROBIN T. MARTINEZ

Electric Posts

121 | S A P L O T


TION AUDREY D EL ROSARIO

NEC

POWER CON

S A P L O T | 122


123 | S A P L O T

Tutok

BONJOEBEE R. BELLO

Ikinasa ko at itinutok sa kanya Ipinutok at konting buga pa sabay bayad sa puta.

GRAPHICS BY: CRISTINE EMMANUEL D.V. FLORES MEDIUM: PEN AND INK


S A P L O T | 124

Agwada

PAULINE GRACE B. MANZANO

Ako ang iyong pagkain na ubod ng linamnam. Paulit-ulit mong binibili, pinapainit at ninanamnam. Gaya ng makikita sa isang kwadradrong padala, galing ibang bansa. Kinasasabikan mong buksan, kainin at tikman. Subalit tuwing ikaw ay nabubusog at nauumay, Iniiwan mo akong nakabulagta. Hanggang sa ako’y tuluyang lumamig at muling painitan ng iba.


125 | S A P L O T

Pulot - gata AQIYL B. ENRIQUEZ

Sa unang pagkakataon, Naglapat ang ating mga labi Sa ilalim ng buwan. Sa unang pagkakataon, Nilakbay ng mga palad mo Ang aking katawan. Sa unang pagkakataon, Narating ko ang langit Na dulot ng ating pagiging isa. Dapat masaya ako Natupad ang pangarap kong humarap Sa altar suot ang magarang gown. Ngunit di ko magawa. Di ko malilimutan, Na kapalit ng kopang pinagsaluhan natin Ay ang buhay ni nanay at tatay. Sa unang pagkakataon, Umagos ang pulang likido Sa palad ko. Habang siya naman Ay naliligo sa sariling Dugo Sa unang gabi namin Bilang mag- asawa.


S A P L O T | 126

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko JAHRED F. BERTOLFO

Tanggap ko na at hindi Nagrereklamo pa Sa mga puting buhok kong Binibilang ko na ngayon, Habang nakaupo Sa bangkito sa balkon Araw-araw naghihintay, Sakaling may mag-abot Kahit karampot na pensyon GRAPHICS BY: BONJOEBEE BELLO MEDIUM: PEN AND INK


127 | S A P L O T

Nakaraan ng pagsisisi CREISHA MAE S. DIMABAYAO

Tila isang diwatang namuhay Sa mundo ng mga nilalang, Ang aking taglay na alindog ay kakaiba sa lahat. Sa aking angking kagandahan Lahat ay napapatingin, nabibighani’t Lahat ay napapaibig. Isang dilag na hinahangaan At pinapangarap ng karamihan. Ngunit pagsapit ng hating-gabi, Tanging buwan at mga bituin sa langit na lamang ang saksi. Salamin ng katotohanan ang tumambad sa akin. Biglang tumulo ang aking luha Nang hindi ko man lang namalayan. Nang aking hubarin ang blusa ng panlilinlang, Ito ay tila isang maskarang-


S A P L O T | 128

Kumukubli sa kalungkutan, Sa sakit, at sa mga kasalanan ng aking nakaraan. Bakas pa rin sa akin ang mga sugat, pasa, at mga marka, Ng aking nakaraang puno ng kasalanan. Nagbalik sa aking alaala kung paano ko itinaya Ang sarili kong kadugo Para lamang sa pag-ibig na walang kasiguraduhan. Ito ang sumira sa aming mabuting relasyon, Sa pamilyang aming kinabibilangan. Pagsisisi ang naramdaman, Sa mga pagkakamaling hanggang ngayo’y pinagbabayaran, At mga panahong sinayang, na hindi na maibabalik kailanman. Pinilit kong kalimutan ang lahat, Naupo ako sa isang sulok. At sinimulang ipikit ang aking mga mata. Nang idilat ko ang mga ito’y Kaliwanagan ang bumalot sa paligid. Ang araw ay muling sumikat, Tumayo ako mula sa aking kinalalagyan, At sinubukang muling kalimutan Ang nakaraan kong puno ng pagsisisi.


129 | S A P L O T

IKALIMANG KABANATA “Kuya,” pagsisimula ni Cristina, “mali yung ginawa mo, ‘di ba?” Kinuha ko ang apatnadaan at singkwenta pesos mula sa matandang bulag na lalaki. Ibinigay ko ang dalawandaan kay Joaquin. Hindi ako makatulog dahil dito. Iniisip ko kung sakaling hindi ko ninakawan ang bulag at matandang lalaki, magkano kaya ang naibigay niya sa kanyang asawa pambili ng pagkain nila. “Masama ba akong kapatid, Cristina?” sagot ko habang sinusuklay ng mga kamay ko ang kanyang buhok. “Pasensya ka na Crisitina, natakot ako sa mangyayari sa ‘yo.” Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. “Parang awa mo na kuya, huwag mo nang uulitin ‘yun.” Niyakap ko siya pabalik. Sinabi kong hindi ko na uulitin ‘yun kahit kailan at nagawa ko lang naman ‘yun dahil mahal ko siya at ayaw ko siyang mapahamak. “Gagawin ko lahat, Cristina. Kahit ang mga bagay na hindi ko ginagawa dati, gagawin ko para sa’yo.” Kinaumagahan, sa mga lansangan ng San Miguel, iniwan ko muna si Cristina para mamalimos at mamaya ay bibilhan ko si Cristina ng kung anuman. Matapos kong makalimos ng higit pa sa kota, ibinalik ko ang pera ng matang bulag at humingi ng tawad kung wala man silang pinambili ng pagkain kagabi. Pagkatapos ay pumunta ako sa Ukay-ukay at binili ang pinakamahalagang pwede kong ibigay kay Cristina. Itinago ko ito sa aking likod para sorpresahin siya, dahil gusto kong makita ang mukha niyang galak na galak kapag ibinigay ko ang mahalagang regalo sa kanya. Naisip ko, na ito na ang tamang panahong kailangang masorpresa ni Cristina. Kailangan niyang magmukhang munting prinsesa sa kanyang kaarawan, na sa pagkakaalala ko ay bukas. Nang balikan ko si Cristina, hindi ko siya makita, hanggang sa mapalingon ako sa isang sulok. Hinahawakan ng limang lalaki ang kamay ni Cristina na para bang pinagsasamantalahan. Sumisigaw si Crisitina—sumisigaw sa sobrang sakit, at isinisigaw ang pangalan ko. Uminit ang ulo ko, at sinuntok ang mga lalaki, ginulpi gamit ang maliliit kong mga kamao, pero hindi nila ako hinayaang makalayo. “Takbo, Cristina! Takbo! Takbo!” utos ko kay Cristina. Tumakbo siya. Naramdaman ko ang bawat sakit, ang bawat sigaw na pinakawalan ko mula sa namamaos kong lalamunan. Namataan kami ng mga pulis, at ang mga lalaking gumugulpi sa akin ay tumakbo. Tumakbo ako para hanapin si Cristina at natagpuan ko siya sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina. Naalala kong pagod ako, pagod na pagod. “Kuya”, si Cristina. Nginitian ko siya. Ligtas na siya. “Kuya,” si Cristina ulit. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa suot kong damit, puno ng dugo mula sa mga saksak ng kutsilyo.


S A P L O T | 130


131 | S A P L O T

“Law has no skin, reason has no nostrils.” -Dr. Jose Rizal

GRAPHICS BY: DIVINE GRACE DELA CRUZ MEDIUM: DIGITAL ART


S A P L O T | 132

Hustisya MONICA M. REDONDO

Malulunod na sana sa mababaw na kaligayahan ang isipan nang ako ay masilaw sa pinong kadiliman ng kalangitan at biglang dinalaw ng aking katinuan. Habang bumabaon sa aking laman ang matalim na patak ng ulan at lamig ng hanging sumisibol kung saan, mabilis na sumilip sa kamalayan ang masaklap kong nakaraan at hinarap ang ‘di mapipigilang katotohanan:

Bukas, yayakap ang init ng umaga sa gitna ng mataong kalsada o sa masikip na eskinita sa kung saan ako ay mag-isa iiyak, tatawa iindak, at kakanta

pero ‘yung de-kotse kuno’y walang nakikita mga kalalakihan na hahalakhak hanggang magsawa may mga kapwa babaeng maaawa karamihan iiwas, matatakot sila pero wala man lang magtataka kung bakit lantad ang madungis kong kaluluwa.

*4th place - Lathala V (Tula)


133 | S A P L O T

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: PEN AND INK


S A P L O T | 134

Moro – moro BONJOEBEE R. BELLO

Malimit lang umuwi si tatay at sinakto pa niyang birthday ko noon. Niregaluhan niya ako ng mga laruan, yung kulay green na mga hugis sundalo na gawa sa plastik. Noong una, ayaw niyang pumayag na iyon ang iregalo sa akin, matagal ko na kasi siyang pinipilit na bilhan niya ako ng ganoong laruan. Lagi niya kasing sinasabi na masama ang ugali ng mga iyon. Masama raw sila. Sabi ko, sila ang nagtatanggol sa mga naaapi para maging tahimik ang buong nayon. Hindi ko maintindihan ang tatay noon. Kahit na halatang napipilitan ang tatay, nakikipaglaro pa rin siya sa akin. Hilig kong nilalaro noon yung base–base kung saan magtatayo kami ng aming base. Isa–isa naming itatayo ‘yung mga laruan ko at kukunin ang vics. Papagulungin sa bawat kampo at dapat, tamaan at matumba ang mga sundalo sa kampo ng kalaban. Kapag natumba, ibig sabihin, patay na iyon sa gyera. Nagising akong nagsisigawan na sa labas ng aming kubo. Madaling araw iyon kaya medyo nangingibabaw pa rin ang dilim sa loob. Laking taka ko at nakitang nag–uusap sila nanay at tatay. Si nanay umiiyak at halatang nakukumutan ng takot. Biglang may pumasok na armadong lalaki, tinulak si nanay sabay hinila si tatay. Susunod sana ako kaso niyakap ako ni nanay. Ayaw kong magpapigil, sumilip ako sa butas ng aming kubo, kitang–kita ko ang buong labas. Nakapila si tatay kasama ang iba pang kalalakihan sa nayon. Sumigaw ang isang sundalo, kilala raw ba nila ang taong may alyas Benito. Pangalan ko iyon. Lumingon si tatay sa kubo namin. Wala ni isang sumagot. Isa–isa silang pinaputukan. Para silang laruan, isa–isang tinamaan at natumba. Si tatay, patay na sa gyera.


135 | S A P L O T


S A P L O T | 136

PAG-ASA NA WALA SA KANYA

DIVINE GRACE DELA CRUZ


137 | S A P L O T

GRAPHICS BY: ABRAHAM ELMO M. BERNARDO MEDIUM: PEN AND INK


S A P L O T | 138

Sa Trono JAHRED BERTOLFO

Tinatawagan ka na ng kaharian Magmadali ka. Piliting Ihinto muna ang kahit na Anong pangamba’t alinlangan. Hanggang sa pagtapak mo Sa trono. Mag-iiwan ng bahid ang pagdating mo. Tilamsik ito ng iyong pagtitiis At pagmamadali. Bulusok ito Ng nahintong pangamba’t alinlangan. Hanggang sa pamamalagi mo Sa trono Nagtapos ang iyong pananatili Sa iyong trono sa kaharian. Naginhawaan. Nawalang tuluyan Ang pangamba’t alinlangan. Hanggang sa pag-alis mo Sa trono. Teka, sandali. Nakalimutan mong Mag-flush.


139 | S A P L O T

The Logic of Atheism JOAN ROBIN T. MARTINEZ

There is freedom in non-believing There are truths best left unproven Places are meant for appreciation I am no religion There are morals without senses And senses without morals Morals made by laws, and laws made by men I am no religion There are theories based on facts Facts based on lies Theories cannot be from lies I am no religion There is freedom with transparency Transparencies with hidden doors What is the truth in misunderstandings? I am no religion There is death with every birth Tragedy with breath Sacrifice can be without faith This is not religion.


S A P L O T | 140

Sobre

PAULINE GRACE B. MANZANO

Ipinukpok ko ang maso ng tatlong beses. “Wala akong ginagawang masama! Pakawalan niyo ako!” Maingay noon sa apat na sulok ng malaking kwarto. Maraming bumubulong at mangilan na sumisigaw. May mga masaya’t umiiyak. Hindi maalis ang aking paningin kay Berto habang palabas siyang kinakaladkad ng mga pulis. Bigla kong naalala ang inabot na sobre na naiwan ko sa aking kwarto. Ginusto kong umalis na nang tuluyan sa aking pwesto at tumakas sa bunga ng aking hatol. Ngunit sa pag-alis ko sa lugar na iyon, dinig na dinig ko pa rin ang ingay ng pagmamakaawa. Ingay na hindi ko na maintindihan kung saan nga ba nagmumula. Pagkabalik ko sa aking kwarto, isang sobre na naman ang dumating. Nakalagay pa dito: “Bukas, alam mo na.” Kinabukasan, nakita ang bangkay ni Berto sa selda.


141 | S A P L O T

GRAPHICS BY: DIVINE GRACE DELA CRUZ MEDIUM: MIXED ART


S A P L O T | 142

Your Face of a Politic JOAN ROBIN T. MARTINEZ

Does it turn you on, When you see anguish on their faces? Arguments that slide up to your direction The ball is in your hands, Yet you play with food just before you eat You have a way with words Rhythmic activities that arouse pleasure You have a way with people Charisma is your middle name. The irony never wanes, hidden from the spotlight Waiting out. Waiting in. The perfect chance to strike. You suffer enigma, A prophecy of blind faith. Promise is a mantra -that should stop in raising its children, With belief that its meant to be broken Promises should wed integrity Till death do they part Until we misused what we use, The youth will retain Your twisted convictions, Screwed logic—skewered and served Fruits of seedless labor, A foundation built on glamour. The act of conjugation -a one-way transfer of your genetic malfunction.


143 | S A P L O T

GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: PEN AND INK


S A P L O T | 144

Headless Cruz DANIEL C. CARREON

My name is Arthur Cruz, but I think by this time, people who know what happened are already calling me the headless Cruz. I don’t know why I’m in this situation. I’m in a stupor, total black-out of what happened that night. All I can remember is the shot in my head, the punches they threw in my eyes, and the digging knife on the skin of my neck. It’s the most hurtful one when the knife digs your neck. It’s like skinning you alive, or removing your esophagus without anesthesia. It’s unbearable and unendurable, and it only relieves you when your head is already severed. The worst feelings are the feelings you won’t forget even when you’re dead. They would always remind you of the pain they caused and still cause you, and the memory they left behind. I know I’m dead, but I know what’s happening in my head and I know what’s happening around me. I can’t speak, can’t see, can’t smell, can’t taste, but I certainly can feel and can hear. Still. I say that because I can feel the heavy, fat worms digging into my skin. Some frenetic movements of the worms inside my eyes and mouth are constantly troubling me. I want to remove them, but I remember I don’t have my body anymore. Where’s my body? Why did this happen to me? But most importantly, who did this to me?


145 | S A P L O T

Suddenly, I can hear a noise of van above me. I’m buried maybe five or six feet beneath the ground, but I can hear and feel the pressure from above that even the worms in my eyes and mouth start evacuating. And then the familiar sound happened: digging. Someone is digging the ground this time. Saving me? Looking for me? Who are they? “…this work in a clean and proper way, because we don’t want our boss to be angry at us, understand?” said a voice, a familiar one. The voice is deep, and the pressure in his hand is helluva heavy. So I think this person is a man, with another man who has another deep and round voice. When the digging stopped, I can hear the first man gulping for air, tired from digging. “Oh,” the second man said in surprise, his voice colored with horrror and disbelief. “Is that the head of councilor Cruz?” “Yeah, it is,” the first man answered, his voice is a concotion of excitement and honor. “Great job, right? To shut him up and take him down?” “Why did mayor Veloso do this?” Now, although I don’t have my body, I feel like I can’t breathe from what I heard. “Why are we moving his head to other place?” “He’s an activist, this councilor Cruz. He rants about everything. Mayor needs to staple his mouth, you know,” he said while picking my head up. I remember those hands—the same hands that dug the knife into my neck. I can’t smell, but I think I can still smell my blood in his hands. “And mayor said that the best way to shut one’s mouth is to cut the head right away. People are talking about Cruz’s whereabouts now, so we need to move his head to another place, because this is the place where he was last seen.” And then I felt my head falling inside a plastic—the sticky touch and the muffled noise. While they are talking on the van about their salary for this oh-so-good job, I wonder how the earth would feel like and how big the worms would crawl on my fleshedout face in my next grave, and I’m still hoping that my wife would not anymore find my body and my head before that happens, and that she would leave me going missing is the best way. It is that fascinating idea that you would be a mystery to the world, and the world stops being a mystery to you. I want me to be missing forever, because the next time they dig the ground in my next grave, it could be worse than what I am thinking of. I’d rather be with the worms eternally than feel my wife’s head beside me.


S A P L O T | 146

First meeting BONJOEBEE R. BELLO

Isa–isa niyang binuhat ang mga batang marurungis sa iskwater area. Ang kalalakihang nirarampa ang mga tyan ay nakikipagtawanan na parang kaibigan ang nakabarong na lalake. Medyo matipuno pa ito, nakapagsuklay pa ng buhok at kumikintab ang ngipin kada ngumingiti ito. Tinatahak niya ang mga makikipot na eskinita, hindi inda ang mga dagang nagsisisulputan, ang mga basurang tiwangwang sa kanal, andoon ang mga gamìt na condom, diaper, pakete ng droga, upos na sigarilyo at fetus sa loob ng plastik. Isa–isa rin niyang inaakbayan ang mga kababaihan habang kinikilig ang mga ito. Biglang lulungkot ang atmospera, may lumalapit na matanda sa kanya. Lulungkot din ang mukha ng lalake habang lalapit din ito. Mag-aabot ng tulong ang lalake. Liliwanag ang paligid at muling mabubuhayan ang matanda. Haharap ang lalake at itataas ang kamay na hindi man lang pinagpawisan ang kili-kili at kakaway sa kanila habang ang mga tao ay tila mga batang tuwang–tuwa sa kakabisita lang na clown sa birthday party. Hihinto ang background music at sisigaw ng cut ang batikang direktor. Maiiyak pang titignan ang resulta ng pinagpaguran. Sa backstage lalapitan ulit ng matanda ang lalake sa eksena kanina, hihingi ng tulong. Magtatanong ang lalake: “sino ka nga ulit?” habang naglalagay ng alcohol sa kamay.


147 | S A P L O T

Sand Castle

PAULINE GRACE B. MANZANO

Babad na si tatay sa ilalim ng araw sa kagustuhan niyang mabuo muli ang aming tahanan. Habang ako naman ay abala ring gumagawa ng kastilyo gamit ang buhangin. Pangarap ko kasing tumira sa isang tulad nito. Marami raw kasing pagkain dito at mas matibay kumpara sa aming barung-barong. Sabay kaming natapos ni tatay at natuwa ako sa aking likha. Pero nakita ko si nanay na lumuluha, hindi ko alam kung dahil sa lungkot o sa tuwa? Nakita ko rin ang unti-unting pagdating ng mga lalaki na may dalang malalaking maso. Biglang tinulak ng isa si tatay mula sa kanyang kinatatayuan. Nagtago ako sa likod ng isang kinakalawang na yero, at doon, nasaksihan ko ang bawat tahanang nagsisitumbahan na parang domino, pati ang pagtumba ni tatay sa aking munting kastilyo.


S A P L O T | 148 GRAPHICS BY: PAULINE GRACE MANZANO MEDIUM: DIGITAL ART


149 | S A P L O T

Kasa

JAHRED F. BERTOLFO

Sabay-sabay na ikinasa ng mga nakahilerang sundalo ang kanilang mga baril. Sampung metro mula sa kanila ay ang nakaabang na katawan ni Rizal. Bumilang ang heneral ng mga sundalo ng isa, dalawa, tatlo saka sabay-sabay na nagpaputok. Kasabay ng nakabibinging putok ay ang paggising ni Jose sa pagkakatulog. Mabigat ang katawan niyang bumangon. Mahigpit pa rin ang busal niya at tali sa mga kamay. Hindi mahagilap ng kanyang mga mata ang kanyang i.d na kahapon lang ay nakasabit sa kanyang leeg habang nag-uulat sa harap ng kamera. Walang anu-ano ay pumasok sa kanilang tent ang mga lalaking magkakapareho ang kasuotan. Kinaladkad nila siya papalabas. Tumambad kay Jose ang nakahilerang mga lalaki na sabay-sabay nagkasa ng kanilang mga baril.


S A P L O T | 150

Sekta

MARK RICHARD M. MEDINA

Saan mang lupalop sila'y nagkalat, Organisasyon at grupong iba't-iba ang tawag. Pananampalataya kuno ang kanilang hangad, Ngunit sa likod nito'y isang kabanalang huwad. Kanilang ipinamamahayag kawikaan ng diyos-diyosang sinasamba, Upang ika'y mahikayat at mapabilang sa kanilang pwersa. Datapwa't sila'y malilinis sa panlabas na anyo kung titignan, Pero sa kanilang kaibuturan umaalingasaw ang kabuktutan. Sisiraan ang iba sa literal na pananalita hahamakin ang sinumang bumangga, Retorikal na eksplanasyon ng berso't talata, kanilang magsisilbing sandata't panangga. Susunod ay ang pangongolekta ng animo'y buwis tuwing pagsamba, Idadaan sa matatamis na pangako't matalinghagang pamamalita. Magagarang pananamit at mga sasakyan. Kagamitan at naglalakihang tahanan. Karangyaang tinatamasa ng nanunungkula. Kahirapan ang para sa naninilbihan. Hindi maipagkakaila lawak ng kanilang kapangyarihan. Tinitingala ng mga pulitiko tuwing sasapit ang halalan. Didiktahan ang lahat ng myembro o kahit sinuman, Mapa-bata o matanda basta't naaayon sa kanilang kagustuhan. Kapag nabunyag ang itinatagong anomalya, sigaw parati'y pantay na hustisya. Huwag silang panghimasukan upang mapagtakpan ang bulok na sistema ng kanilang sekta.


151 | S A P L O T

HINDI ITO ISANG LARO AUDREY DEL ROSARIO


S A P L O T | 152

Jack and Jill went down the hill BONJOEBEE R. BELLO

Hahalaklak na naman ng tawa ang bunso kong kapatid habang nagpapahabol sa akin at hahabulin ko ito na para akong isang malaking osong gutom na gutom sa pagkain. Ito na rin kasi ang pagbabantay ko sa kanya bilang pangako ko kay tatay na dapat laging nasa tabi ko ang bunso kong kapatid. Patuloy lang kami sa habulan ng kapatid ko nang biglang may tumatakbo papalapit sa amin, sila nanay raw bumalik na at may dalang balita. Akala ko pangkaraniwan pa rin ang araw na iyon sa aming magkapatid pero nabalitaan namin, may papunta umanong mga sundalo sa lugar. Isa–isa silang nagsibabaan sa kani-kanilang sinasakyan. Lahat sila berde sa aking paningin. Hinawakan ko ang aking kapatid pero bigla itong tumakbo at parang natutuwa sa kanila. Hinila ko siya pero ayaw magpaawat, hanggang sa dumating pa ang maraming mga berdeng sasakyan. Maya–maya pa, isa–isa na kaming nag-aayos ng sari-sariling gamit at nilisan namin ang bundok kahit wala akong alam kung saan kami papunta. Paggising ko, maingay na sa paligid. Ang daming umaandar na sasakyan. Ang daming busina at tirik ang araw habang sila nanay, nakapila, sumisigaw. Nasa harapan nila ang mga taong naka-itim at may hawak na pamalo at pilit tinataboy sila nanay. Pumulot ako ng bato at sabay hinagis sa kanila, sa katabi ko tumama ang bala.


153 | S A P L O T

Sa piling ng Anghel na Hindi Makalipad MC KRAEVEN CASTILLO PASCUA

Maraming paksa ang pwedeng gawing kuwento para akin nang mailathala. May naisip na ako at malapit nang matapos sa pagpindot ng aking laptop, ngunit sapat kaya ito para maging maalam ang bawat babasa sa aking ilalathala. Nang biglang nagulat ako sa narinig na ingay…. Aray, aray, tama na po itay! Ang pagmamaka-awa ng bata. Kawawang bata, paulitulit o araw-araw nalang dumadaplis sa payat at mura nitong pangangatawan ang isang humahagibis na kamay at madalas ay sinturon na suot ng kanyang tatay. Madalas kong makita ang ganitong senaryo bago ako pumasok sa paaralan, katulad ko, ang kanilang mga kapit-bahay at ibang mga dumaraan ay walang magawa kundi pagtinginan nalang ang bata na parang aso kung parusahan. Palibhasa, matigas rin ang ulo ni Benjie at ito’y napapaaway, nakikipagsuntukan pero nauuwi naman sa sabunutan. Minsan, madilim na ang paligid ngunit nakikipaglaro pa rin ito sa kalye ng luksong lubid. Wala yata itong kadala-dala. Ang tatay naman nitong si Mang Cardo ay kinatatakutan sa aming barangay. Bukod sa mga tattoo nitong kupas na sa buo nitong katawan, kilala rin itong lasinggero at siga, tanda nga nito’y mga peklat sa kanyang mukha at braso. “Lintik na buhay. Palibhasa’y nagkandamalas-malas ako dahil sa’yo. Salot ka na nga sa lipunan, tapos, tatamad-tamad ka pa.” pasigaw na sabi ni Mang Cardo kay Benjie na nakadapa habang pinapalo sa puwitan. Alam ko ito sapagkat malapit ang kanilang bahay sa tindahang lagi kong binibilhan ng pandesal na aming inaalmusal. Kagaya ng dati, ang tainga ng lahat ay nakatutok at seryosong nakikinig sa mga kalabog at iyak ng batang hinahagupit nanaman ng kanyang tatay. Kawawang bata, buti nalang at di siya katulad ng aking tatay at higit sa lahat ay meron pa akong nanay. Ngunit iba ang kalagayan ko sa aming paaralan. Ako ang laging pinagtatawanan at kinakawawa ng mga bully kong mga kamag-aral. Di pa man nagsisimula ang klase ay marungis na akong tignan. Minsan pa nga’y kinukukuha nila pati ang aking baon at perang sapat lang pang-kain at pamasahe sa uwian. Iyan tuloy, laging nagtataka ang aking magulang, lagi raw akong hapong-hapo tuwing darating sa aming tahanan.Nakapapagod, ang ganitong buhay-estudyante, di ako makalabas ng aming silid-aralan, nababahalang sa labas, baka ako’y kanilang inaabangan. Isang araw, may kung sinong naglakas-loob na ako’y tulungan. Walang takot itong nagsalita at di alintana ang laki ng kaniyang binabangga. Ay, siya pala, si Benjie, ang batang parang babae umiyak at malamya kung gumalaw at ang batang sanay na


S A P L O T | 154

sa hagupit kanyang tatay, ang nagprisintang ipagtanggol ako sa mga batang bully sa aming paaralan. Sa aking isipan, bakit siya pa ang tutulong sa akin? Ang alam lang naman niya ay maglaro ng luksong lubid. “Sirena…, sirena…, sirena…” tukso nila sa kanya, ngunit sadyang sanay na itong magbingi-bingihan. Di ba nila alam na mas masakit pa ang naririnig nito at nararanasan sa loob ng kanilang tahanan. Di man lang niya nasindak ang mga ito kahit nagbantang isusumbong sila sa aming masungit na guidance counselor, palibhasa kasundo nga naman niya. Ang sigurado’y may kasama na akong tatakbo sakaling aabangan ako sa gate ng aming paaralan. Sa mga nakakaaway naming sabay naming tinatakbuhan at sa mahihirap na araling sabay naming pinaguukulan ng oras para matutunan, pansin ko lang na di nawawala ang ngiti at tawa nito sa mukha. Malamang ngayon lang ito naging masaya. Isa pa, di man lang niya makuwento ang tungkol sa kanyang buhay at mga pinagdadaanang problema. Kilala ko na nga si Benjie. Si Benjie na isa palang makata, may malikhaing pag-iisip at matalinong bata. Isang matiising bata, na batid ko naman sa kanyang mga nararanasan at may malakas na loob na harapin kahit anupaman, ngunit may kung anong lihim itong itinatago hindi lang sa akin kundi sa lahat. Tuwing linggo, niyayaya ko siyang mag-basketbol sa plasa, kahit batid kong ayaw at napipilitan lang siya. Kahit lalambot-lambot, mga bewang ay kekembotkembot, pagpilantik ng daliri ay pilit itinatago, ay sige pa rin ito ng sige. Di alintanang pisikalan ang basketbol, na kahit madapa o magalusan man. Kung luksong lubid lang siguro ang aming laro, tiyak MVP na siya. “Kuya, buti nagba-basketbol ka, di ba’t luksong lubid at piko ang isports mo?” pang-iinsulto ng tindera kay Benjie na bibili lang sana ng sofdrinks matapos ang nakakapagod na pagba-basketbol. “Ate, pabili nga rin po ng respeto? Gusto mo ibili kita?” sabi naman ni Benjie na di patatalo. Naging buo at maangas pa nga ang kanyang boses, na halatang binago mula sa mahinhin nitong pananalita. Ngunit katahimikan ang bumalot sa mukha ng tindera, na halatang hiyang-hiya. “Kahanga-hanga ang ginawa mo,” bigla kong nasabi. “Ang alin?” sabi ng nagkukunwaring si Benjie. Di maipagkakailang agad nadagdagan ang respeto ko sa kanya, matapos iyong masaksihan. Ang sumunod na sinambit niya, di ko na maintindihan pa. “Alam mo, may gusto akong sabihin ngunit takot akong silipin ang katotohanang di ito tanggap ng ating lipunan. Para akong anghel na gustong lumipad at ipakita ang makulay kong pakpak… Hindi ba’t ang sarap damhin ang bawat samyong dumadampi kahit hubu’t hubad, at di alintana ang lamig at ginaw….” Nakikinig lang akong mabuti at wala akong pakialam kung ang iba’y di ko man batid, palibhasa, siya’y makata. Ayokong alamin pa ang katotohanan sa sinasabi nito, ‘pagkat alam kong wala rin akong maitutulong. Aking hinuha, nais nitong makawala sa pagmamaltrato ni Mang Cardo. Papalapit na kami sa kanilang bahay, halatang kabado ito at nanahimik nalang bigla. Doo’y naghihintay sa labas ang nagyoyosi at nakainom na naman niyang tatay. Ayaw ko nang makita ang sumunod pang eksena ngunit dinig ko ang galit nitong tatay. Iyan na naman, wala na naman akong magawa para sa kanya sa kabila


155 | S A P L O T

ng marami nitong nagawa para sa akin. Ang tanging magagawa ko lang siguro ay pasayahin siya sa tuwing magkakasama kami. Iyon lang sa ngayon talaga. Matapos siguro ang araw na may sinambit siyang mga talinhaga ay ‘di na kami muling nagkausap pa. Ang bali-balita’y ikinukulong daw ni Mang Cardo. Ang sabi naman ng iba’y may nakahahawa itong sakit at wala itong lunas, kaya itago nalang ito kaysa maging usap-usapan. Di ko alam ang totoo rito ‘pagkat wala akong lakas ng loob na siya’y silipin o alamin man ang katotohanan sa mga ginagawa ni Mang Cardo. Malamang natatakot akong malaman ang katotohanan. Makalipas ang apat na taon ay ngayon lang naging ganito kasaya ang aming pista. Mas maraming nakikipista, mas naging maingay dahil sa mga naglalakasang musika, may mga palaro at mga patimpalak pa silang inilunsad. Ngunit isa yata sa mga sumali ay si Benjie. Sa wakas ay nakita ko siyang muli, ngunit bakit isang makinang na bestida ang kanyang suot, putok ng kolorete ang mukha at buhok nito’y napakahaba na, malamang nakapiluka lang ito. Kumakaway-kaway sa manonood at kung kumilos ay babaeng-babae na. Sa huli, siya ang tinanghal na panalo. Ngunit di ako nadidismaya kundi masaya ako para sa kanya. Sa wakas ay nagkaroon siya ng tapang upang ipasilip ang kanyang totoong katauhan maski may masasabi ang iba. Sa isip ko, ito siguro ang nais ihatid na mensahe sa akin noon ni Benjie at ang lihim na matagal na niyang kinikimkim. Malamang ay ipagmamalaki rin siya ng kanyang tatay, kung makikita at mapapanood lang siya nito ngayon. Kinabukasan, minabuti kong dalawin ang aking kaibigan. Linakasan ko ang aking loob para alamin ang lahat mismo sa kanyang bibig. Sa kanilang tahana’y parang nagkakasiyahan, ang mga kababaiha’y nagsusugal at ang mga kalalakiha’y nag-iinuman. May mga maliwanag pa ngang pailaw sa loob ng kanilang bahay. Napakadaya naman ni Benjie at di ako inimbitahan. Pagpasok ko pa lang ay dama ko na ang kalungkutan ng lahat sa bahay. Si Benjie, nasa isang kulay rosas na kahong pinasadya pa ng kaniyang mga kamag-anak. Tulog na siya panghabang-buhay. Sa mukha nito’y halata ang makapal na koloreteng sadyang inilagay upang takpan ang napakarami nitong pasa. Bigla akong naluha, sino naman kaya ang walang pusong gagawa nito sa kanya. Sa tabi ng mahabang kahon, humahagugol ang kanyang tatay at sa likuran nito’y tatlong matitipunong lalaking naka-asul at armado ng baril, malamang sila ri’y nakikiramay. “Patawarin mo ako, Benjie…. Hindi ko sinasadya…” ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Mang Cardo bago umalis kasama ang mga lalaking nasa likuran. Ngunit hindi hustisya ang kanyang kailangan, higit roon, ito ang pagtanggap ng lipunan. ….…ingay iyon ng aking alarm clock dahil hating-gabi na pala. Ngunit sa wakas ay natapos na ang ilalathala kong kuwento para bukas. Oo, may hugot… .pagkat natapos ko ito ng isang upuan lang. ‘Pagkat dito ko rin nakikita ang aking sarili. Isang pasilip sa mga mangyayari, matapos kong isiwalat ang aking naitatagong lihim. Kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako, nakatago pa rin at nakakubli sa pangalang Benjie. Idinadaan sa bawat kuwento, mga pasilip sa’king pinagdaraanan. Hinihintay ang araw na ang lahat ng tao’y maunawaan at matatanggap kami balang araw. *4th place - Lathala V (Maikling Kwento)


CARLO G. JUNSAY 1ST PLACE - LAT`HALA V WINNER PAINTING

TABULA RASA (EMPTY)

S A P L O T | 156


157 | S A P L O T


S A P L O T | 158

ISO

BONJOEBEE R. BELLO

Maiba… taya. Maiba… taya. Maiba… alis.

Iniwan siyang nakatunganga habang nagiging kakulay na niya ang kalangitan. Tatakpan ng kanyang kulut-kulot na buhok ang luha niyang papatak anumang oras.

RELATIONSHIP GOATS AUDREY DEL ROSARIO


159 | S A P L O T

IKAANIM NA KABANATA Napaupo ako sa sahig. Nanlalabo na ang paningin. Kuya, kuya, kuya lang ang naririnig ko. Ramdam ko ang dugo kong kumakawala sa aking katawan, sa aking tiyan. Nararamdaman ko ang sakit, ang ragasa ng dugo, ang pagod na katawan, ang pagod na boses, ang pagod na mga kamay, ang pagod na mga paa, ang pagod na paghinga, ang pagod nang mga pangarap, ang pagod na puso, ang pagod na mga luhang araw-araw dinidiligan ang aking mga pisngi, pero hindi kailanman ang pagod na pagmamahal. “Kuya, kuya, kuya.” Nakikita ko ang mukha ni Cristina. Mukha itong anghel, at napakaganda. Paano siya magiging nararapat sa mga lansangan kung siya ang pinakamabait na taong kilala ko? Bakit ang pinakamapagmahal na kapatid na kilala ko? Bakit ang pinakaimportanteng taong kilala ko? Bakit siya nandito, kasama ko? Bahagyang naibalik ang lakas ko, at ang loob ko naman ang nanghihina. Pero, naalala ko, kailangan ni Cristina na magmukhang prinsesa bukas. Hinila ko mula sa likod ko ang binili kong regalo para kay Cristina. Sweater. Iyon ang paborito niyang sweater. “Hindi mo na kailangang hiramin ang sweater ko tuwing matutulog ka,” nanghihina pero nakangiti kong sabi kay Critina. Umiyak ako at umiyak din siya. “Kuya, kuya, kuya,” paulit-ulit na sabi ni Cristina. “Ayos lang, Cristina, ayos lang ako,” nanghihina kong sagot. “Gusto ko, maging maganda ka bukas. Kailangan mong isuot yan, ha? Kapag—kapag wala na ‘ko, alam mo na ang gagawin. Gawin mo kung anong ginagawa natin araw-araw. Sabihan mo si Gilbert na samahan ka araw-araw.” Inaamin ko hindi ko pa gustong mamatay; hindi muna. Hindi ko gustong magisa siya. Pero kinailangan ko. “Palagi akong nandyan, Cristina,” sabi ko, nakaturo sa kanyang puso, “nandiyan palagi kasama ka, tandaan mo yan palagi.” Naalala kong isinara ko ang aking mga mata, unti-unti, kasabay ang mapayapang paglisan ng buhay ko sa ingay ng mga lansangan, at naaalala kong may kung sino ang nagtatanong kay Cristina. “Pulis ako, hija. Anong nangyari? Sino siya? Sino siya? Kaanu-ano mo siya? Kilala mo ba siya? “Opo,” boses ni Cristina. “Tatay ko po.”


S A P L O T | 160


161 | S A P L O T

The Work A.Y. 2015 -2016

LILITAW AT LILITAW, SA AYAW AT GUSTO.WW

CABANIZAS - ADVISER

LAGING NASA LIKURAN ANG KARAPATAN BELLO - EDITOR IN CHIEF


S A P L O T | 162

HINDI LANG PALA KULAY ANG ITIM, BUDHI RIN PALA. ENRIQUEZ - ASSOCIATE EDITOR IN CHIEF

SOME PEOPLE PREFER TO CALL THEMSELVES REAL RATHER THAN TACTLESS. OBLIGACION - MANAGING EDITOR

NATURAL ANG MAGING TANGA. DE JESUS - ASSOCIATE MANAGING EDITOR

TRUTH DIDN'T HURT WHEN I ONCE LET GO OF IT. DIZON - NEWS EDITOR

MAPAIT ANG HUSTISYANG NAMIMILI NG PANGINOON. GANA - FEATURES EDITOR

ANG TOTOO NIYAN, HINDI NAMAN ITO TOTOO. BERTOLFO - LITERARY EDITOR

TRUTH RECIPROCATES LIES. GARCIA - SPORTS EDITOR

THE QUESTION IS ALWAYS WHY. BERNARDO - GRAPHICS AND LAYOUT EDITOR


163 | S A P L O T

THERE'S NO SUBSTITUTE FOR THE TRUTH. TABAQUERO - CORRESPONDENT

ANG KATOTOHANAN AY NASA DILIM, MAGISA AT HINDI SA LIWANAG NA MAY KASAMA. ICASIANO - CORRESPONDENT

MEMORIES. SOMETIMES BLESSINGS, MORE OFTEN, A CURSE. TIANGSING - CORRESPONDENT

TRUTH IS A VERY SHORT WORD TO GRASP, BUT A VERY LONG ONE TO PRACTICE. CARREON - CORRESPONDENT

TRUTH IS SUBJECTIVE. MARTINEZ - CORRESPONDENT

NOT ALL TRUTHS ARE ACCEPTED SUCH AS NOT ALL THAT IS ACCEPTED IS TRUE. CAYABYAB - CORRESPONDENT

ILUSYON, ANG KASINUNGALINGANG LALAMON SA KATITINING NA KATOTOHANAN. DIMABAYAO - CORRESPONDENT

SINCERITY AND TRUTH EQUALS ONE. FLORES - CORRESPONDENT


S A P L O T | 164

THE WORLD IS LIKE LAUNDRY. WHITES ARE SEPARATED FROM BLACKS MENDOZA - SENIOR CARTOONIST

KATOTOHANAN ANG MAGBIBIGAY NG KAPAYAPAAN SA ATING PUSO'T ISIPAN PAMLAS - CARTOONIST

HINDI KO NAHANAP ANG KATOTOHANAN SA DILA MONG BINABAD SA ARNIBAL. DELA CRUZ- GRAPHIC ARTIST

HANGGANG KAILAN KO HAHANAPIN? MANZANO - GRAPHIC ARTIST

HINDI LAHAT NG NGITI, TOTOO. PINEDA - LAYOUT ARTIST

FACE IT, UNTIL IT FACES YOU. SALAS - LAYOUT ARTIST

SALAMAT SA BAKAS NA NGAYO'Y NAGHIHILOM DAHIL SA HINAIN MONG LIHIM. DEL ROSARIO - PHOTOJOURNALIST


THE WORK Editorial Board and Staff A.Y. 2015-2016 Bonjoebee R. Bello – Editor in Chief Aqiyl B. Enriquez – Associate Editor Dan G. Obligacion – Managing Editor/ DevComm Editor Joseph C. de Jesus – Associate Managing Editor Jhayvi C. Dizon – News Editor Pauline G. Gaña – Features Editor Jahred F. Bertolfo – Literary and Culture Editor Francis Ethan John A. Garcia – Sports Editor Abraham Elmo M. Bernardo – Layout and Graphics Editor Kenneth F. Mendoza – Senior Cartoonist Audrey S. Del Rosario – Senior Photojournalist Correspondent Oliver John S. Tabaquero Jenika Bianca Icasiano Gerald L. Tiangsing Daniel C. Carreon Joan Robin T. Martinez Richmon A. Cayabyab Creisha Mae S. Dimabayao Cristine Emmanuelle D.V. Flores Cartoonist Kenneth Leo V. Pamlas Graphic Artist Divine Grace M. Dela Cruz Pauline Grace B. Manzano Layout Artist Joseph Carlo M. Pineda Prince Jeyvis Karl N. Salas Adviser Mrs. Gladie Natherine G. Cabanizas


PASASALAMAT Isang hindi plastik na pasasalamat! (dahil bawal ang plastik sa TSU) Sa Kaniya, para sa hindi mabilang na mga rason. Sa mga magulang naming halos gabi-gabi ay may pasabi at paalalang sumabay naman daw kami sa hapunan at mag-iingat daw palagi pagkatapos pumirma sa sunud-sunod na mga parental permits. Sa mga sumali sa LATHAL V, salamat para sa inyong lantarang paghuHUBAD. Tandaang pagkatapos ng paghubad ay may isisilang. Abangan ang pagsilang ng susunod pang mga LATHALA. Sa mga kapwa student journalists na hindi nauubusan ng mga palusot sa mga magulang, sa mga prof, at sa mga kaibigang nag-aayang gumala. #PubLifePaMORE Sa CEGP na patuloy sa pakikipaglaban. Sumulong! Sumulat! Manindigan! at Magmulat! Sa bumubuo ng The Work, sa pagiging buo pa rin kahit na pira-piraso ang bawat isa. HAHA. Sa bumubuo ng TSU Administration, lalo at higit sa mga manong guard na matiyaga kaming hinihintay, tuwing ginagabi, bago patayin ang mga ilaw sa OSA. Salamat po. Sa mga kaibigang umiintindi. Salamat at nauunawaan ninyong hindi lang sa oras nasusukat ang tibay ng tunay na pagkakaibigan. Sa aming Inay, Ma’am Gladz, sa mga payo at pangaral. Tenkyu po Inay! Sa iyo, sa paghuhubad ng katotohan na nababalot sa SAPLOT na ito.


Nasa’n sila? Bakit kami nandito? Bakit hindi nila kami hinanap? Kilala pa ba nila kami? May pakialam ba sila sa ‘min ni Cristina? May pakialam ba sila sa ‘min ni Cristina, dati? Sa ilang mga taon namin ni Cristina sa lansangan, hindi nila kami hinanap; kami ang humahanap sa kanila.

THE WORK


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.