OBRA Ang pampanitikang aklat ng The Work, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng Tarlac State University Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan Š 2017 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may akda maliban sa ilang siping gagamitin sa pagrerebyu. Inimprenta ng Majicus Junctra Corporation 1722 President Quirino Avenue, Pandacan, Manila
THE WORK
PABALAT Labing tatlong taon nang naglalakbay ang isang nilalang na hindi alam ang pinagmulan. Dala-dala niya ang mga kayamanang ibinaon sa kalupaan at kanilang pinagkait sa sambayanan.
Pabalat ni Pauline Grace B. Manzano Mga Kwento ng Kabanata nina Andrea Nicole Sapnu at Janelle Pamela David
“Mundo ko’y baliktarin, babalik balik pa rin.” – Languyin (Autotelic, 2016) May mga bagay na kailanma’y hindi mapapasaatin. Mayroon din namang mga bagay na sa oras na pinaghirapan nating makuha, sa huli, ay ating makakamit. Ngunit hindi lahat tayo ay pare-pareho ng estado. Darating ang oras na tayo mismo ay mapapagod na ipaglaban ang mga bagay na pilit nang nililimot; ang sakit, ay babalik at hindi maglalaho. Minsan ko nang naitanong sa aking sarili kung bakit nga ba napakatraydor ng mundo. Mararanasan mong umikot sa kanya at hindi sa lahat ng oras ay makaramdam ng saya at ginhawa lamang. Mararanasan mong madapa. Mararanasan mong gustuhin na makalimot na lamang. Kamusta pa kaya ang ating mga kababayan na salat sa buhay? May pag-asa pa nga ba silang mahihintay? O ang tanging pag-asa na lang na kanilang natatamo ay ang mabuhay? Isang paghahalimbawa na lamang dito ay ang buhay ng ating mga kababayang magsasaka sa Tarlac. Paano kaya kung ikaw ang nasa kanilang sitwasyon ngayon? Mararanasan mong hindi kainin ang sarili mong ani; mararanasan mo itong ibenta at maipakain sa iba. Marahil marami ng mga balita na kung saan nakabilang sila. Ngunit huwag sana nating kalimutan kung ilang taon nang ipinagkait ang mga lupang kanilang inalagaan – kinagisnan. Ngayon, muli naming ipaaalala kung ano nga ba ang kwento ng mga magsasaka sa Tarlac sa nakalipas na labing tatlong taon. Ang bawat tula, dagli at maiikling kwento, ay tanging mga sumisimbolo sa dahas, sakit, gutom, dugo na nagmula sa kanila. Huwag sanang dumating ang panahon, na mismong tayo, tanging hangin at payapang tinig na lang sa bukid ang pinapangarap; at hindi na muling lumaban.
MANZANO, PAULINE GRACE B. EDITOR IN CHIEF
Naaalala ko pa ‘yong sinabi ng English teacher namin na ginagamit ang apostrophe (‘) o kudlit at -s sa dulo ng pangngalan upang maipakita ang iyong pagmamay-ari sa isang bagay. Andrea’s coloring books Andrea’s health kit Andrea’s slippers Noong unang baitang ko sa elementarya, natutunan ko kung ano ang gamit ng mga panghalip na paari; Akin, Iyo, Kanya. Subalit may isang katanungan na bumabagabag sa akin; Paano mo nga ba maituturing iyo ang isang bagay? Tunay nga bang karapat dapat ang tao na magmay-ari? Ilang milenyo mula nang mamulat ang kamalayan nina Adan at Eba, natuto ang tao kung paano magbungkal at magbakod. Nababatay sa kung gaano kalawak ang nalinang niyang lupa ang kaniyang nasasakupan. Kaakibat nito ang pag-igting ng pagkahimok ng tao sa kapangyarihan; ang pagkauhaw na siya ring nagpasimula ng mga pananakop na nagresulta sa mga mapanluray na digmaang pandaigdig. Sa kasalukuyan, maiinit pa rin ang mga isyu ng pagmamay-ari, mula sa laban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita upang makamit ang ipinangakong lupa hanggang sa maiinit na debate ukol sa kung saang bansa nabibilang ang Scarborough Shoal. Lumaki ako sa palaisipang tayo raw ay pawang mga tagapangasiwa lamang ng Kaniyang mga nilikha; na ang tanging layunin lamang ng tao sa mundo ay alagaan at payabungin kung ano na ang mayroon dito, hindi ang angkinin. Iisa lamang ang mensaheng nais ipahatid ng TRESE; kailanman, walang mabuting naidudulot ang kasakiman. Nawa’y sa pagsuyod sa kaniyang mga pahina’y matutunan ito ng mambabasa.
SAPNU, ANDREA NICOLE B. LITERARY EDITOR
Mahirap kalimutan ang mga ala-ala na markado na sa ating buhay. Mga ala-alang nagbigay sa atin ng kasiyahan at mga aral na nagsilbing gabay upang maging masipag at matatag tayo sa ating buhay. Naging mulat tayo dahil sa mga iba’t iba nating karanasan at ito ang naging sandigan natin upang makarating tayo sa ating kinaroroonan. Ka’y sarap balikan ang mga bagay na nakalipas na. Noong panahon na tayo’y inosenteng bata pa lamang, walang ibang ginawa kundi ang maglaro hanggang sa magsawa. Kasama ang mga kapwa bata na nagtatakbuhan at naghahabulan sa malawak na kabukiran. Humihiga sa damuhan at sabay pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan. Pinapanood ang ang mga magsasaka na walang sawang inaaruga at binabantayan ang mga punlang kanilang itinanim na di maglalaon ay magbubunga ng libo libong gintong butil na magiging kasagutan sa kanilang kinabukasan. Tulad ng isang punla, maging mayabong sana tayo at magbunga ng mga gintong kaalaman na maghahatid sa atin tungo sa kaunlaran. Tulad ng isang magsasaka, maitanim sana natin sa ating isipan ang mga gintong aral na natutunan natin sa bawat pangyayaring dumadating sa ating buhay. Muli tayong magising at maantig sa panibagong yugto ng Obra. Muli nating alamin ang samu’t saring saloobin ng ating lipunan.
PAMLAS, KENNETH LEO V. GRAPHICS EDITOR
Sa paglipas ng panahon, marami tayong mga bagay na makikita; mga kaganapang mararanasan. Hindi alintana sa ating isipan na darating tayong lahat sa puntong makakalimot tayo. Makakalimutan natin ang mga bagay na minsan nang nakapagbigay saya, lungkot at sakit. Pero may mga bagay na anumang pilit natin ibaon na sa limot ay unti-unti pa ring mabubungkal sa paghahanap natin ng katotohanan at hustisya. Maaaring labing tatlong taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin makakalimot ang lupang pinagmulan ng lahat ng ito. Hindi makakalimot ang bawat alingawngaw ng mga boses na nakulong sa loob ng mga tahanang pilit pinasok. Unti-unting babalik ang amoy at baho ng pawis at dugo na nagkalat sa lupang sinilangan. Ngayong taon, muling binubuhay ng OBRA ang kwentong ibinaon na sa limot sa probinsya ng Tarlac. Sa lugar na kung saan matatagpuan ang tamis ng mga tubo at kung saan din nalasap ang pait ng kapalaran ng mga magsasaka sa nasabing nayon. Sino nga ba ang salarin? Sino nga ba ang naging gahaman? Sino nga ba ang kailangan magbayad sa lahat? Hindi natin alam kung tama pa bang magtiwala sa mga taong inakala mo ay magsasagip sa iyo; sa mga taong kung tawagin nati’y bayani. Kailan nga ba matatapos muli ang pintig ng puso ng ilang natira? Ikaw, alam mo ba? Marahil, karamihan sa atin ay magsasabing alam na nila ang kwento sa likod ng mga panyayaring ito. Ngunit sinasabi ko sa inyo, nagkakamali kayo. Sa muling paglulunsad ng The Work ng kanilang OBRA sa taong ito, naway mapalaya na natin ang katotohanang nakulong sa nakaraan.
CABANIZAS, GLADIE NATHERINE G. ADVISER, THE WORK
UNANG KABANATA Isa sa mga paborito kong kwentong pambata ay iyong kwento ni Haring Midas. Kaya niyang gawing ginto ang kahit anong bagay na madampihan ng kaniyang mga palad. Nakakalungkot nga lang kung iisiping kapalit ng kaniyang tinataglay na kapangyarihan, ay hindi na niya magagawang mahagkan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Katulad ng kwento ni Haring Midas, mayroon akong alam na kwento na nagsimula sa isang bata. Hindi mababasa sa mga librong pantasya ang kwento ng isang batang may kakayahang dumuwal ng ginto. Walang palasyo ang mahiwagang batang ito. Marami na ang nakabatid na nakikita lamang nila itong palaboy-laboy sa talahiban. Ilang beses na siyang inililipat sa iba’t ibang tahanan, pamilya. Ito, ang istorya ko. Ako si Tonton. Hindi ito ang aking tunay na pangalan ngunit ito na ang nakagawiang itawag sa akin ng mga kasama ko sa ampunan. Sa kabila ng aking edad na labindalawa, hindi mo ako aakalain na ganoon katanda. Simpleng bata lang ako na hindi ganong kapayat ngunit hindi rin ganoon katangkad. Sabi nga nila, mukhang napagiwanan na ako ng aking mga kasing-edad. Hindi lang sa pisikal na anyo, kung hindi napagiwanan na nila ako dahil nakatagpo na sila ng pamilyang magmamahal sa kanila. Hindi tulad ni Haring Midas, wala akong alam kung saan nagmula ang aking sumpa. Wala akong alam kung saan nagmumula ang mga ginto. Hindi ko rin alam kung saan ako nagmula. Halos maglalabindalawang taon na akong naghahanap ng pamilya. Sa isang dekada’t dalawang taon, wala akong ibang ginawa kundi magpalipat lipat ng titirhan. Nakakapagtaka lamang na sa tuwing sasapit ang isang linggong paninirahan ko kasama ang mga bagong nanay at tatay at mga kapatid, nararamdaman ko na ang pamilyar na paninikip ng aking dibdib; hudyat na sa maikling panahon palang naming magkakasama, tinatanggap na nila ako bilang parte ng tahanan nilang bagamat maliit lamang ay ginagawan at ginagawan nila ng paraan upang magkaroon ng espasyo para sa akin. Sa bawat pagmamahal na aking natatanggap, kapalit nito’y isang ginto na singlaki ng mansanas ang isusuka ko. Hindi ko alam kung magkano ang halaga nito sa sanglaan. Ang alam ko lang, ito ang bubuhay sa bawat pamilyang mahihirap na tumatanggap sakin sa kabila ng pait ng buhay. Hindi ito ang sumpa. Ang sumpa ay ang mga susunod na pangyayari matapos ko silang pagkalooban ng mahiwagang tipak ng ginto. Lagi itong may kaakibat na kagimbal gimbal na kaganapan. Ang dahilan kung bakit nililisan ko ang bawat tahanang aking tinutuluyan ay dahil palaging humahantong sa pagkakakitil ng buhay ng mga pinipili kong iwanan ng mahiwagang ginto. Ang ginto, para sa akin, ay simbolo ng pagmamahal ko sa pamilyang kumukupkop at nagmamahal sakin. Bilang kabayaran sa kanilang kabusilakan, iniiwan ko ang ginto kung saan man parte ng kanilang bahay o bakuran upang kanilang matagpuan pagdating ng tamang oras. Sabi kasi sa akin ni Nanay Cora, ang matandang social worker sa DSWD na nagaalaga sa akin sa tuwing ako’y ibabalik muli sa ampunan, nababago raw ng ginto ang pag-iisip ng tao. Kung sino ang mga pinakanangangailanga’y sila ang pinakanabibktima ng tukso nito. Nagbibigay raw ito ng masidhing pagkaligalig sa isang tao, sa sukdulang isasakripisyo nito ang kaniyang buhay para lang sa ginto. Hindi ko alam kung alin ang pinakamahapdi; ang pagluluwal ng solidong ginto mula sa aking lalamunan o ang pagbabalik tanaw panibago kong tahanang iiwan. “Tara na Tonton, hinihintay ka na ng bago mong mga magulang”, wika ni Nanay Cora na kanina pang sumusilip silip sa kaniyang relos na tila palaging may hinahabol na oras. “Saglit lamang po, nay Cora.” At kagaya ng dati, kagaya ng bawat tahanang nakabisado ko na ang bawat sulok at hulma, mang-iiwan akong muli ng mahiwagang ginto; isisinop ko ito kung saan walang ibang makasasaksi kundi ang mga dingding na niyari sa pinagtagpi tagping kawayan at ang nanlalamyang ilaw mula sa gasera. Siguro, dinuduwal ko lamang ang ginto sapagkat hindi ko ito kailangan. Walang halagang katumbas ang pagkakaroon ng pamilya. *ituloy sa pahina 34 1 | OBRA:TRESE
OBRA:TRESE | 2
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Pen and Ink
Kanaan
Lander Victor G. TEJADA
Dala ang sako ng libro at papel, Mga mata’y ligkit, sa’kin ang tingin. Pantalon ay lukot, damit ay basa, Ngunit buhok naman ay tuyung-tuyo. Mga batong buha’y nagliliparan, Mga batuta ay nagsasayawan, Mga tao’y tila galing ng gubat, Si ‘Tay nama’y may bangkong buhat-buhat. Aking pupuntaha’y hindi ko alam, Sapatos ko’y may dumi ng putikan “Ulol!” sigaw ng lalaking may bimpo Sabay tago pagdating ng bumbero. Taun-taong ganito ang eksena, Tila propesiyang nasa bibliya. Sinong tutupad sa sumpang pangako, Ibalik ang lupang dilaw ang titulo.
3 | OBRA:TRESE
OBRA:TRESE | 4
Graphics by Kenneth Leo Pamlas Watercolor
5 | OBRA:TRESE
Farmville
Pauline Grace B. MANZANO
Babad na si nanay at tatay sa ilalim ng araw. Habang ako, pinagmamasdan pa rin sila mula sa bintana ng aming munting kubo. Hindi ako mapakali. Kada lumipas ang sampung minuto ay nilalapitan ko si nanay upang mangulit. “Nay, pahinging sampung piso” “Mamaya na nak, kailangan namin matapos ito” Muli, babalik ako sa aming munting silong para maghintay. Lalanghapin ang amoy ng sariwang hangin sa bukid at mag-iisip ng aking mga plano sa aking lupa. Pagkalipas ng sampung minuto ay babalikan ko na naman si inay at muling mangungulit. “Nay, pahinging sampung piso” “Bakit ba nagmamadali ka? Para saan ba? Mamaya na nak, kailangan namin matapos ito” “Bakit ba kailangan niyo palaguin masyado ito? Hindi naman talaga to sa atin, inuupahan lang natin ‘to nay. Tama lang naman po ang maging sapat diba?” Buntong hininga lamang ang tugon sa akin ni nanay. Sa wakas, ibinigay na niya sa akin ang pinakahihintay ko. Ang sampung piso. Dali-dali akong pumunta sa computer shop ni Aling Bebang. At doon, sinimulan ko na muli ang mga naiisip kong plano. Teka muna, oras na pala ng aking pag-ani. Heto ako ngayon, abala sa pag-aalaga sa aking lupa sa isang laro sa facebook na kung tawagin ay Farmville. Lupang aking inaaalagaan kahit na hindi totoo, alam kong kahit papaano, sa akin ‘to.
OBRA:TRESE | 6
Patria
Andrea Nicole B. SAPNU
She can withstand how men scalp her with their asphalts, wound her with the holes they dug on the surface of her skin, replace her foliage with their highways And her woods with their cities. But as soon as her sons shriek of hunger, and her daughters quiver, see how she shelters in the midst of being stripped, and provide whilst being deprived until all the mouths that deny her, fed and the arms that strangle her, tucked nicely in their beds. These are the things only a mother could understand, or at the very least, a woman.
7 | OBRA:TRESE
Graphics by Joseph Carlo M. Pineda Digital Art
My Plea
Joseph Carlo M. PINEDA
give me a land I will make my family a shelter I will grow them crops to reap I will build the foundation I ought to be give me a land— that’s all I need to let them live you have plenty but none of it you give
OBRA:TRESE | 8
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Line Art
Mandyak pati, mandyak kita Jejomar B. CONTAWE
“Makitkitam ata, pare? Dagá mi dayta. Aginggana idiaaaaaay. Naglawa, ania?” imbaga na kinyak ni JR. Agasem ta kinya da kano dagitoy ikta-iktarya nga dagá ditoy taltalon nga pagtátáderan mi. Madi na ammo nga adda met lang dagá mi nga nalawlawa pay kinyada, aradiay nga lang Nueva Ecija. “Mano nga iktarya met adiay kinyayo, pare?” dinamag nak. Imbagak met kinyana nu mano. “Mandyak pati, mandyak kita.” Kitam toy kinalastog na! Madi na lang ngamin matanggap nga nalawlawa diay taltalon mi. “Adda man damagek kinyam, pare. Adda utak mo nu awan?” kunak kinyana. “Nagluku kan! Adda, ah. Alangan met awan!” “Mandyak pati, mandyak kita,” kunak kinyana, saka na dinanog diay rupak.
9 | OBRA:TRESE
O B R A : T R E S E | 10
Alabok
Jessa A. SOMBRITO
Hindi pa rin kita sinusukuan Niyayakap kita ‘pag nilalamig ka Nililinisan ‘pag mayroong alikabok; Kahit kahulma mo na sila.
11 | O B R A : T R E S E
UHAW Larawan ni Audrey Del Rosario
O B R A : T R E S E | 12
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Watercolor
13 | O B R A : T R E S E
May Sine sa Bukid Lorddan U. FALLER
Mula sa bukid pauwi ng bahay, nadatnan ko si kuya sa isang sulok. Mataimtim siyang nakatutok sa kanyang bagong bili ang cellphone na galing sa nabentang palay noong nakaraang linggo. Maswerte si kuya dahil siya lang ang mayroon nito. Ngunit sobrang abala talaga nito kaya naman tila hindi ako napansin nang lumapit ako mula sa kanyang likuran. Tama nga hinala ko, nanonood siya ng nakahubad na lalake’t babae na patuloy sa paghahalikan. Kaya naman umalis na ako. Alam ko na kasi ang mga susunod na mangyayari dahil napanood ko na iyon kanina sa kabukiran.
O B R A : T R E S E | 14
If only the earth... Lander Victor G. TEJADA
If only the earth has a mouth, It will be speaking of the sky, How well it went for them, When no human was around. If only the earth has ears, It will be listening to the sounds of birds, How so simple songs were, When depth was found in three notes. If only the earth has eyes, It will be looking at the stars, How darkness meant nothing, When light was everything. If only the earth has a mouth, it will be spitting day and night, If only earth has ears, it will be deaf out of our tales, If only the earth has eyes, it will be blinded by our hubris, But the earth has skin, It can only feel pain.
15 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo Pamlas Graphite on paper
Resilience Andrea Nicole B. SAPNU
My children, I tell you bear no shame upon bringing to mind the times you have been devastated by wildfires and submerged by raging waves. Rather, hold your demises in your arms as if a mother fondles her newborn – for the very earth that embraces the corpses is the same earth that grows the flowers.
O B R A : T R E S E | 16
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
The Maguindanao Soil Andrea Nicole B. SAPNU
Sometimes humans grow orchards and groves in places they have devastated to disguise their blunders. They could conceal the entire Maguindanao with a veil of a bazillion bushes and wildflowers, yet still have the horrors they entombed kilometers deep, beneath the surface reeking and rotting amid the purity flaunted by blossoms. They could have the evil of their past thrown into oblivion. But the soil – the damned Ampatuan soil – has played witness to it all. And it can never erase. For it is no mystic soil. It can only bury.
17 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 18
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
Vendetta
Lander Victor G. TEJADA
Yesterday, I died My old mother loudly wept So did her cousin. Yesterday, I died The world continued spinning Without a slight remorse. Yesterday, I died My father digs my deep grave And sheds not a tear. Yesterday, I died The lands have surely rejoiced With the treacherous. Yesterday, I died, With gunshot wounds in my head. Now, here is the catch, I was never in my head.
19 | O B R A : T R E S E
Tahanan
Lorddan U. FALLER
Ipinaglaban Subalit hanggang huli’y ‘di pa rin akin
O B R A : T R E S E | 20
ABONADO Larawan ni Isaih Kyle Umipig
PHO
21 | O B R A : T R E S E
OTO
O B R A : T R E S E | 22
Balo
Andrea S. ESPINOSA
Sa kanyang tikis na pagmartsa’y bitbit niya ang panibagong binhi. Sinasalat ang puting sisidlan, kasabay ng paghuni ng tubo sa tabi. Ipupunla, sa karimlan ng matabang lupa bagama’t hindi tutubo. Bagkus, ay malalanta sa panahon hanggang sa tuluyang maging abo. Doon sa patutunguhan ay nabungkal na ang pagtatamnan, anim na talampakan pababa ng lupa. At magpapatuloy ang karong mapanglaw na ‘di pa bayad ang upa.
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink 23 | O B R A : T R E S E
Genesis
Andrea Nicole B. SAPNU
the more I meet people who’ve made fortresses and battlegrounds and tombs out of their bodies, the more I come to accept that man is kneaded by God with earth.
O B R A : T R E S E | 24
Gates of hell Jejomar B. CONTAWE
It was the proverbial land of dreams where job opportunities are bountiful where promises are made and fulfilled where transactions are abundant Until it wasn’t. A renowned novelist called it hellish–– where traffic jams are a constant struggle where traces of destitution reek where folks are seen with their bags in front of them, for fear of getting robbed. We sure don’t want to pass through the Gates of Hell; just as we don’t want anyone calling our land as such.
25 | O B R A : T R E S E
Terminal Jessa A. SOMBRITO
Dulo at dulo kung saan tayo nag-umpisa kung paano tayo umusbong mula sa kalawakan ng lupa kung paano tayo lumago sa bawat patak ng tubig, dugo at luha kung paano tayo namunga ay kung paano rin tayo matutuyo at hihimlay sa madawag na kanlungan ng lahat ng nangamamatay. Dulo at dulo ang simula ay siya ring katapusan.
O B R A : T R E S E | 26
Amoy-lupa Jessa A. SOMBRITO
“Ang baho.” “Ang baho naman.” “Palagian nalang iyan.” “Bakit hindi po kayo maligo? Subukan nyo po kayang magsabon, Mang Jaime.” Naabutan ko siyang nagbubungkal sa harap ng isang kubo sa tabi ng puno ng akasya tuwing Biyernes ng hapon, parehong oras linggo-linggo. Kabisado ko na ang kanyang amoy na hindi nagbabago ngunit palala nang palala. Lagi ko nga siyang binibirong maligo’t magpabango. Napapansin ko rin ang sugat sa kanyang dibdib na palaki nang palaki. Nagulat ako nang hilahin ako ni inay at madaling pinauwi. Biyernes muli, ngunit taliwas sa lagi kong nakikita ay ang mga pulis na nakapalibot sa bakuran ni Mang Jaime. Buhat nila ang bangkay na nabubulok na. “Kumpirmado, may katawang nahukay sa harap ng abandonadong bahay. Malapit ito sa puno. Pinagsususpetsyahang binaril ito sa dibdib nang labindalawang beses.” Naririnig kong may kausap ang isa sa mga ito sa telepono. “Sabi-sabi ay may nagpapakita raw diyan na matandang lalaking naghuhukay sa parehong pwesto. Kaya raw nalamang may nakalibing. Ang kwento ay pinatay raw dahil pinaglaban ang lupa na gustong angkinin nila mayor.” Wika ng aleng nakikiusyoso. “Kita mo nga naman, mapahangggang kamatayan ay babalik at babalikan parin nito ang lupang kanyang inalagaan.” Matawa-tawa nitong pagdadagdag. Tulala akong naglakad palayo sa kaganapan.
27 | O B R A : T R E S E
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Pen and Ink
O B R A : T R E S E | 28
Pandiwa Isaih Kyle C. UMIPIG
darating ang araw ang kalawakan ng lupain ay muling paninirahan ng mga bangkay darating ang mga gabing babalutin ng takot ang bawat sulok ng bahay darating ang buwan— tatlumpung araw ng pagtangis para sa mga nawalang buhay dumating ang mga araw at gabi, buwan, taon, dekada ang nagdaan, ngunit tuluyang nakalimutan
29 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace B. Manzano Watercolor
Dilaw ang kulay ng kamatayan Andrea S. ESPINOSA
Itim na uwak, Gabing madilim, Pakinggan mo ang Dalayday ng dugo Sa lupang inagaw, Sa impyernong dilaw.
O B R A : T R E S E | 30
CLOSING REMARKS Photo by Isaih Kyle Umipig
PHO
31 | O B R A : T R E S E
OTO
O B R A : T R E S E | 32
IKALAWANG KABANATA “Nay Cora, bakit hindi nalang ikaw ang umampon sa akin?” Tanong ko sa kanya habang marahang dumudulas ang mga palad niyang unti-unti nang kinukulubot ng katandaan sa laylayan ng aking kwelyo. Nababanaag ko ang kaniyang mata na tinatakpan ng parihaba niyang salamin subalit hindi ko kayang basahin ang ipinapahiwatig ng mga ito. Napabuntong hininga lamang siya matapos buhulin ang sintas ng magkabila kong sapatos. Sa kaniyang katahimikan, nahanap ko ang kasagutan. “May mga taong mas makakapagbigay ng pagmamahal na hinahanap mo kaysa sa akin” wika nya na may nanghihinang ngiti. Taliwas naman dito ang aking iniisip dahil sa nagdaang panahon, si Nay Cora lamang ang itinuturing kong kaibigan. Ang paborito niyang ginagawa, matapos niyang hawiin ang aking buhok, ay ang paulit ulit pagdampi ang kaniyang mala rosas na labi sa aking pisngi. “May tamang panahon rin para sa lahat. Pakabait ka, Tonton.” Hindi naman siya nagkamali ng sinabi niyang lubos akong mamahalin ng susunod na pamilyang lilipatan ko. Ngunit sa kabila ng aking saya sa katotohanang lilisanin ko na muli ang ampunan, ay siya rin naming lungkot dahil muli, iiwanan ko na si Nanay Cora. *** Kamukha ko raw si Manolo, ani Mama Sela. Siya ang kaisa isang anak nina Tatay Celso. Sila nga pala ang aking bagong pamilya. Kasing edad ko na raw sana siya ngayon si Manolo kung sapat lamang ang panustos nila para sa kaniyang pagpapagamot. Pareho silang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, hamak lamang silang magsasaka. Subalit sabi nga ng mga matatanda, ang pag aasawa ay hindi bagong lutong kanin na iluluwa na lamang kapag napaso. Ilang beses nang sinubok ng kapalaran ang kanilang tatag, at ang pinakananghimok sa kanila ay ang pagpanaw ng kanilang unico hijo. Kuwento ng Tatay, may mga gabi na halos isumpa na raw siya ng Nanay sa sidhi ng kaniyang kalungkuta’t hinanakit. Masakit raw magsalita ang Nanay na tila pinagsisisihan nito ang bawat desisyon na kaniyang ginawa, kaloob na ang pagpili niya kay Tatay Celso kaysa sa kaniyang kinabukasan. “Wala namang hindi nawawala sa tamang kaisipan kapag nabigo siya sa pagmamahal” sambit sa akin ni Tatay. Nangako naman daw ang Nanay na handa na siyang magsimulang muli. Biro pa niya, tila nakalimutan na nilang nawalan sila ng anak nang dumating ako sa buhay nila. Walang araw ang lumipas na hindi nila pinaramdam na hindi nila ako kadugo. Habang tinuturuan ako ng nanay kung paano magluto ng malagkit, natututunan ko rin kung paano ipagtanggol ang sarili ko sa tulong ni Tatay. “Hindi mo naman kailangang gawin, Sela. Hahanap ako ng ibang paraan upang mabilis nating mabayaran ang utang.” Kahit mahina silang nag-uusap, nadinig ko kung paano nais isangla ni Nana yang kuwintas na bigay sakanya ng Tatay sa kanilang anibersaryo. Bakit ba sa tuwing mararamdaman ko na ang saya ay malalaman ko rin na tila ba nagiging isa na rin akong pabigat. Mahal ko si nanay at tatay; gagawin ko ang lahat upang hindi na sila mahirapan. Heto na naman ang pagkakataon na nararamdaman ko na ang pagsikip ng aking dibdib. Simula na naman, nang akin pag-iwan sa aking nanay at tatay. Dali-dali kong iniwan at ibinaon sa likod ng puno ng aming bakuran ang gintong aking gintong iniluwa. Napagpasiyahan kong umalis, dahil ayaw kong magaya sila sa anim na pamilyang namatay simula nang ako’’y kanilang kinupkop sa kanilang mga tahanan. Araw-araw kong sinisisi ang aking sarili dahil tila ba ako ang may kasalanan kung bakit isa-isa silang nawawala. Kaya naman kahit na masasaktan si Nanay Sela at Tatay Celso, pinili ko nang umalis kesa sila ang mawala. Sa aking paglalakad papalayo, mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Paulit ulit kong binabanggit sa aking sarili na ito ang nararapat gawin. Tila nagkamali yata ako ng tapak at biglang nanlambot ang aking mga tuhod. Hinihintay kong tumama ang aking katawan sa lupa, subalit nawalan na ako ng malay bago pa ako makadaing sa sakit. *ituloy sa pahina 68 33 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 34
Kaarawan
Andrea S. ESPINOSA
Ang simula ng gunita ay nasa pagpiglas mula sa umbiliko. Bagama’t dilim ang mayroon sa mga unang araw, Maaamoy na ang hangyod ng aning tubó, ang kumukulong sabaw, ang nutrisyong dala ng suso ng ina, ang pawis at dugo, ang sigalot ng mga berdugo. O, sanggol, na iniluwal sa karimlan ng barungbarong, Ang lupang hinirang mo’y duyan ng nasa itaas lamang. Sa pagsisimula ng iyong gunita, Patawad.
35 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace B. Manzano Watercolor
O B R A : T R E S E | 36
Ang Alaga ni Lola Ema Lander Victor G. TEJADA
Ako’y dalawampu’t isang gulang na, at unti-unti na akong binabagabag ng aking kalooban sapagkat sa tanda kong ito ay hindi ko pa rin makita ang aking buhay na pinupuntahan. Kaya naman ako’y nagpasyang bumalik na lamang sa probinsyang aking kinalakihan sa pag-asang doon ko makita ang aking daan. Sa aking pagbalik, sinalubong ako ng malamig na hangin at sa ‘di kalayuan ay may ginang na nagbubunot ng damo. Makulimlim ang paligid ngunit ang kaniyang gintong buhok ay kumikinang. Pamilyar ang kaniyang likuran, pati na rin ang kaniyang kilos. Hindi ko namalayan na tinatawag ko na pala siya. “Lola Ema!” Sa kaniyang paglingon ay binitawan niya ang hawak na damo at pinagpag niya ang kaniyang maruruming kamay sa kaniyang dilaw na palda. Nagbago na ang kaniyang mukha at halos hindi ko siya nakilala. 37 | O B R A : T R E S E
“Nolan! Bumalik ka! Dati hanggang dibdib lang kita pero ngayon hanggang dibdib mo na ako. Ang tagal kitang hindi nakita.” Nagbago man ang kaniyang mukha, ngunit ang ngiti niya ay hindi tumanda. Sa loob ng siyam na taong ako’y inalagaan niya, nagmarka na ang ngiti niya sa aking memorya. Hindi ko lang sinasadyang malimutan siya sa loob ng labindalawang taon. Tumuloy ako sa kubo ni Lola Ema sa loob ng tatlong buwan, at hindi ko inaasahang sa tatlong buwan na iyon ay makikita ko ang aking destinasyon. Hindi pa sumisikat ang araw ay lumalabas na si Lola Ema. Alam ko ito sapagkat naririnig ko ang kaluskos ng kaniyang bakya tuwing siya ay lumalabas. Nananatili naman akong nakahiga upang ituloy ang aking pagtulog. Iba ang pakiramdam ng matulog sa gitna ng bukid, kaya’t ito’y sinusulit ko. Isang araw, napagpasyahan kong alamin kung anong ginagawa niya sa mga oras na iyon. Dahan-dahan akong naglakad palabas sa aming kubo at sinundan ang tunog na tila nagmumula sa isang gulok. Laking gulat ko nang makita ko si Lola Ema na nagtatabas ng damo. Bigla kong naalala na noon pa niya ito ginagawa, ngunit ngayon ay mas malaking bahagi na ng bakuran ang kaniyang dinadamuhan. At nang magawi siya sa isang parte ng bakuran, siya ay ay bumulong, “Ang dumi mo na Cado.” Bigla ko ring naalala na sa gawing iyon ay lagi akong natitisod noong bata pa ako. Nagdalawang-isip akong lapitan siya at bumalik na lamang ako sa pagtulog. Nahihibang na ang lola ko. Nagdaan ang mga araw at hindi ko natiis na tanungin si Lola Ema. “Lola, bakit ka nagdadamo ng madaling araw? At bakit minsan bumubulung-bulong ka pa?” “Nolan, anong oras ba lumalabas ang magsasaka?” sinagot niya ng tanong ang tanong ko. Naguluhan ako sa kaniyang mga sinabi. Napakalayo ng mga sagot niya sa aking mga tanong. Hanggang sa naitanong kong muli kung bakit siya nagdadamo. “Para hindi sila mangati sa ilalim.” “Lola, wala na sila. Hindi ka na nila naririnig,” wika ko. Hindi ako naniniwala sa langit kaya nasambit ko ang mga salitang iyon. “H’wag mong sabihin ‘yan. Darating ang araw na ililibing mo rin ako. Nolan, ikaw ang magdadamo nitong bakuran. H’wag mo akong hahayaang mangati para matahimik ang kaluluwa ko,” wika niya.
O B R A : T R E S E | 38
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
39 | O B R A : T R E S E
Anihan
Joseph Carlo M. PINEDA
Pilang pulung banwa na kung manggapas tubu. Aldo aldo atsu ka king libutad asikan, ne pang kapali ing sinag ning aldo. Pane ya pang sermun ing amu ku, ali ne sinawa. Ayus mu sa nung madagul ya bibiyeng upa kaku. Aganaka ku, kebaitan na pala ngeni. Magpamiryenda ya kanu. Aisip ku ot mapnamu magpapakan ya keng kaimut na, kuriput ya pa. Palage ku ibawas ne keng suweldu mi ini. Keng mua ku kaya, ala ku tuluy asaling regalu. Kaya uyta, kingwa ku nemu ing tabak ku. Tsaka ke ginapas ing buntuk ning alti habang makagulut ya. Ot kadakal na dayang memanalsik keng lupa ko. Mas makatas ya pa keng tubu.
O B R A : T R E S E | 40
CREMATION Photo by Audrey Del Rosario
41 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 42
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
43 | O B R A : T R E S E
Alay sa Armado Andrea S. ESPINOSA
Ang punla ng kapatagan, ay pulang watawat sa kabundukan— Kung sa’n ang iyak ng iyong gutom ay winawaglit ng sigaw ng paghihimagsik. Narito ang karit at maso na pinanday ng libu-libong kamay na gagap sa katarungan. Ang iyong pawis at dugo, aming armas laban sa mga berdugo. Hantungan mo’y di man sigurado, sandata mo naman ay sisiil sa estado; at ang pulang bandila mo’y kukuskusin ang dumanak na dugo ng masang api. Uring magsasaka, na aming pangunahing pwersa ng bayan, kayo ang ilaw ng digma, ang bagong hukbong mapagpalaya. *Para sa mga bayani ng Bagong Hukbong Bayan
O B R A : T R E S E | 44
Makatula Janelle Pamela R. DAVID
“Soy, atin kung sabyan.” “Nnu nanaman? Enaka sasabi pen, magobra tamu keni, oh.” “Atin kung joke, muteng.” “Kapag yan alya makatula, sapingilan daka.” “Wa sige, ayni na.” “Oh nanu ya tang joke mu?” “Magtanim.” “……” “Sabi ko na nga ba e, istu ya itang ketang kakanta da: magtanim ay di biro.” Tsaka ke sepingil.
45 | O B R A : T R E S E
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
A Bug’s Life Andrea Nicole B. SAPNU
Tiny limbs, Take this speck of a crumb to your burrow; It should fill your stash to the rim, And it should last you for the winter. And the grasshopper; Leave his sluggish gut rumbling and unfed And he would plague you with a threat. He’d torment to sever your heads! But do not fret For when he brings the last ant to its last breath, The grasshopper will be left with nobody To mourn him in his imminent death.
O B R A : T R E S E | 46
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Watercolor
Landlord
Pauline Grace B. MANZANO
Ako si Isko. Halos dalawang dekada na akong nagtatrabaho bilang isang kasero. Nagsimula ito noong naging malapit kaming magkaibigan ni Don Lucio. Hamak lamang akong isang magsasaka noon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naging magkaibigan kami. Halos isang taon din kami naging magkaibigan bago siya pumanaw. Maraming nakakaaway si Don Lucio. Nanguguna na rito ang mga magsasakang minsan na niyang pinaupa at pinagrentahan ng lupa. Gahaman umano si Don Lucio, lagpas pa sa kalahati ang interes na ipinapataw niya sa kanyang pautang at parenta sa tuwing hindi io nababayaran agad. Halos isumpa na siya ng mga tao sa kanilang lugar. Ngunit wala silang magagawa, dahil sila ay hamak na nangungutang lang. Magsasaka pa lang ako noon nang magkakilala kami ni Don Lucio. Hindi ko na rin matandaan kung paano at saan kami unang nagusap. Sa kabila ng mga sabi-sabi sa kanya sa aming bayan, naging matalik kaming magkaibigan. Mapagbigay si Don Lucio, sa katunayan, marami na rin siyang mga bagay na ibinigay sa akin. Hindi raw kasi tulad ng iba, mapagkakatiwalaan niya umano ako sa lahat ng bagay. Siguro nga dahil pareho kami ng mga interes. Kadalasan ay umiinom lamang kami at nagkwe-kwentuhan sa buhay. Minsan na rin akong nakaramdam ng inggit sa kanya. Sino ba naman kasing hindi gugustuhin na mamuhay sa karangyaan? Sino ba namang hindi gugustuhin ang maupo na lang at uminom ng paborito mong alak habang pinagmamasdan ang iyong buong hacienda? Ikaw ba, hindi mo gusto? Ngunit sa kabila ng yaman ni Don Lucio, malungkot pala siyang tao. Mag-isa na lamang siya sa kanyang buhay. Ayon sa mga kwento-kwento, namatay daw ang kanyang asawa sa panganganak at kasama nitong namatay ag kanilang unang silang. Karma na umano ito sa kanya sumbat ng mga magsasakang galit na galit sa kanya. Bago pa man namatay si Don Lucio, ibinibahagi na niya sa akin ang kalahati ng kanyang lupa bilang kabayaran sa pagiging mabuting kaibigan sa kanya. Walang nang nakaalam ng kwento kung bakit siya namatay. Ang tanging alam lang
47 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 48
ng taong bayan ay namatay siya dahil sa mga kasamaan niyang ginawa. Siguro nga, dahil kahit na naging kaibigan ko si Lucio, hindi ko maipagkakaila na marami siyang kaaway sa sakada. Marahil, panahon na rin siguro upang magbayad siya sa kanyang mga kasalanan at mapanatag ang aming mga kababayan. Sa ngayon, naramdaman ko ang sitwasyon ni Lucio. Hindi pala biro ang maging isang kasero. Labis akong naiinis sa mga nangungutang at mga magsasaka na hindi makabayad sa tinakdang panahon. Umaaani naman sila ng sapat kaya dapat silang magbayad. Aba, hindi lang basta lupa ang ipinautang ko sa kanila. Mataba ang lupain ko, kaya naman sagana ang kanilang mga binhi. Bakit ba kasi hindi sila magbayad sa tamang panahon? Nararapat lang talaga na patungan ng doble ang kanilang mga utang! Tama, mataba ang lupang aking pinaparenta kaya masasabi kong marami talaga ang mga nagkakainteres dito, panahon pa lamang ni Lucio. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi sila sumunod sa aming kasunduan? Tapos ngayon, bakit sila pa ang may ganang magalit sa interes na aking ipinatong para saking lupa? Isang gabi, namamahinga ako sa aking upuan sa aking silid habang umiinom ng aking paboritong alak nang lumusob ang tatlong magsasaka sa aking mansion na nagrereklamo sa aking pautang at paniningil sa renta ng lupa. “Hoy Isko, lumabas ka diyan! Sobra naman na yata yang sinisingil mo” “Katulad ka rin namin dati! Huwag kang mayabang diyan, harapin mo kami! Masahol ka pa sa hayop!” Tinignan ko lamang sila mula sa bintana ng aking kwarto at pumasok muli upang uminom ng aking paboritong alak. Patuloy ko silang hindi pinapansin. “Katulad ka rin ni Lucio! Mga mukha kayong pera! Hindi na kami magtataka kung bakit mag-isa kayo sa buhay!” Hindi na ako mapalagay sa ingay na ginagawa nila. Sa liblib ba naman ng paligid tanging mga sigaw ng boses lamang nila ang mangingibaw. Bumaba ako mula sa ikatlong palapag ng aking mansion. Nang hindi ako nakapagtimpi, inilabas ko ang aking kalibre 45, at ipinutok sa kanilang mga ulo. Sa wakas, natigil na rin ang ingay sa aking paligid. Sino ba sila para lusubin ako sa aking palasyo? Mga hamak na magsasaka lamang sila na walang ginawa kung hindi umutang at hindi magbayad ng renta. Napainom ako ng alak habang tinitignan ang tatlong magsaksakang nakahandusay sa damuhan. Magaalas-kwatro na ng madaling araw, tahimik na muli ang paligid. Dalisay. Muli na namang tataba ang akin lupain. Tulad ni Lucio, mababaon na rin ang kanilang mga katawang lupa sa limot. Ako lang ang patuloy na maghahari sa lupaing ito.
49 | O B R A : T R E S E
Noah
Isaih Kyle C. UMIPIG
My name is Noah— I own a farm that measures as huge as the ark in Genesis flood. My name is Noah, the owner of this land, the payer, the wealthy, the lord of the pity. Noah is the name, until it was I who took the people’s blame. It was Noah who stole the land from the owner, the one who abducted wealth and prosperity, the real Judas of the pity. My name is Noah. I own massive holdings Until I, Noah, became no one.
O B R A : T R E S E | 50
TREASURE HUNT Photo by Audrey Del Rosario
51 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 52
A picket’s fate Joseph Carlo M. PINEDA
every one was not silent when she protested for the rights of the family, the friends, the farmers every one was not silent when she stood on the floors painted with local blood extracted by the oppressor’s hands every one was not silent when she held the microphone to speak for her people in front of the policemen with guns pointing at her now every one is silent the family, the friends, the farmers, and the white roses on her casket
53 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor O B R A : T R E S E | 54
The Sugar Fairy Lander Victor G. TEJADA
I grabbed his palm full of sand, And took a sight of the sky, A deep breath, I asked the ground, Is this a good day to die? The wind caressed the dunes, I returned the sand and left. My hands caressed my body, I pinched it and it is real. For years, I fulfill the rite, In it, I am in respite. I ask the only question, And get the same answer. Tomorrow, I’ll see the fields, And shall plow with these soft hands. The canes will surely be glad, They’ll see me in a new face.
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink
55 | O B R A : T R E S E
Unknown Lander Victor G. TEJADA
The best artist in this world is unknown Do you wonder what his famous works are? Probably you don’t. But for your peace, I will mention her most beautiful masterpiece. Heaven. Do you wonder what his real name is? Her real name is unknown Our mind is his canvas and our fear is her ink.
O B R A : T R E S E | 56
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor 57 | O B R A : T R E S E
Walang Pera sa Cordillera Isaih Kyle C. UMIPIG
dala-dala ang alkansya naglalaman ng dalawang daan at sampung pisong barya hinawakan ang bayong— may lamang binhi, damit, panggapas, at balisong habang bumubuhos ang luha sa kanyang mata ay kasabay ng pagyapos sa tatlong anak at buntis na asawa. lulan ang mga prutas at gulay mula sa mga kabundukan ng Cordillera, ako’y sumabay sa biyahe— bitbit ang higpit ng desperasyon at pangungulila aking susuungin ang panibagong hamon sa Metro Manila
O B R A : T R E S E | 58
AIRPORT Photo by Audrey Del Rosario
59 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 60
Kusinero Isaih Kyle C. UMIPIG
“Magandang gabi po, boss! Mukhang magiging masaya ang handaan para sa inyong pagtitipon para sa darating na eleksyon. Ano pong gusto niyong ipahain para sa hapunan? Mukhang marami po ang darating,” masigasig na tanong ni Berting sa kanyang amo. “Karne. Maghain ka, iyong kasya para sa limampu’t walong katao,” tugon ng kanyang amo. Dali-daling nagpunta si Berting sa labas kung saan matatagpuan ang mga kasangkapan na kanyang gagamitin—isang malawak na lupain, isang nakayukong traktora na mala-gintong dilaw ang kulay, at malalaking piraso ng mga dahon ng saging na magsisilbing pantakip sa limampu’t walong katawang kinatay nang buhay.
61 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace Manzano Watercolor
O B R A : T R E S E | 62
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Mixed Art
63 | O B R A : T R E S E
Krayola
Janelle Pamela R. DAVID
kayumanggi ang kulay ng palay kapag inaani, at kulay puti ito kapag nabalatan. Kayumanggi rin ang kulay ng balat ng mga taong nagtanim at umani dahil sa paghalik sa tila dilaw at kahel na sinag ng araw. berde ang kulay ng palayan kapag pinagmasdan mula sa malayo at luntian kapag maramihan. asul ang kulay ng langit tuwing maaliwalas ang panahon, at hindi parating kasangga ang bughaw. pula ang kulay ng dugo na siyang dumadaloy at dumanak sa puting damit at sa balat ng mga inani ng mga kayumanggi at bakit tila walang kulay ang hustisya?
O B R A : T R E S E | 64
Family Trip Isaih Kyle C. UMIPIG
alas singko pa lang, inihahanda na ni nanay ang mga baong dadalhin— dalawang bote ng pinalamig na tubig mula sa pridyider sa tindahan ni Aling Meding ako ay pinapaliguan ng nanay habang nagsasaing ng kanin inilaga ang dalawang itlog para kay nanay at tatay; ang natitirang isa nama’y inilaga para sa akin pagkatapos ng lahat, handa na muling umandar ang apat na gulong ng sasakyan ni tatay. kami ay sumakay sa harapan, ako’y kandong ng nanay habang abala ang lahat sa sari-sariling gawain, ang aming pamilya’y muling susuyurin ang kahabaan ng mga daan
65 | O B R A : T R E S E
habang masaya ang kwentuhan ng nanay at tatay, sisingit ang ilang boses at tunog ng mga barya. araw-araw ang aming pagbiyahe at sa bawat araw ay tatlo ang aming nalalakbay na destinasyon at sa paulit-ulit na biyahe ay unti-unting nakabisado ko na ang aming ruta at direksyon: Maliwalo, Matatalaib, Macabulos Macabulos, Matatalaib, Maliwalo at dahil hanggang alas nuwebe ang aming biyahe, ako ay nakatulog na.
Graphics by Joseph Carlo Pineda Digital Art
O B R A : T R E S E | 66
67 | O B R A : T R E S E
IKATLONG KABANATA Sa isang katulad kong umaasa lamang sa kung saan ako dalhin ng tadhana, tila isang paniginip na nagkatotoo ang pag-gising ko sa isang silid kung saan natanaw ko si Nanay Cora sa malayo. Masakit pa ang aking kalamnan mula sa matinding pagduwal ko bago ako mawalan ng malay noong huling araw. Hindi ko na maalala ang mga pangyayari bago ako bumagsak sa sahig, ang mahalaga para sa akin ngayon ay nandiyan na si Nanay Cora. Sa unang pagkakataon a naramdaman kong may nagmamalasakit sa akin at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matumbasan ang kabutihang loob na ipinakita niya sa akin. Pinilit ko paring makatayo sa kabila ng iniindang sakit nang makita ako ni Nanay Cora na nagpupumilit pa. “Tonton, wag mo nang pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka lang diyan.” Hindi na ako nagpumiglas pa at sinunod na lamang siya. Dala-dala ang palanggana at basang tuwalya, hinilamusan niya ako nang dahan-dahan na para bang isang babasagin na bagay. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya, simula pa lamang noong una niya akong inaalalayan sa bawat paglipat ko ng tahanan. “Salamat, Nanay Cora.” “Ito ang pambawi ko sa ‘yo sa hindi ko agad pag-ampon sa ‘yo. Pasensiya ka na kung kaytagal bago kita tuluyang ampunin. Huwag kang mag-alala Tonton. Simula ngayon, ito na ang bagong tahanan mo. Nanay Cora na ang tawag mo sa akin. Simula ngayon, dito ka na sa akin titira, at ito na ang bagong tahanan mo.” Ngumiti siya na para bang kaytagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito. Wala akong kabang nararamdaman. Tila nawala ang sakit, ang parusa ng aking nakaraan. Wala akong nararamdamang sumpa, o hindi ko maramdaman na ako ay isang sumpa. Hindi ako makaramdaman ng peligro, bagkus isang bagong bukas ng bintana ng pag-asa. “At ngayong gising ka na, kailangan na nating kumain. Matagal-tagal ka ring nakahiga diyan at oras na para makatikim ka ng niluto kong pagkain. Kailangan mong maging malakas para tuloy-tuloy na paggaling mo. Bumangon ka na diyan at ihahanda ko na ang hapag-kainan.” “Opo ‘Nay, salamat po.” Ngumiti siya sa aking pagsambit. Dali-dali kong tinanaw ang pagkalam ng aking tiyan. Natatakot ako na baka ako’y sumuka at makita ni Nanay Cora. Ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin at mangyari ang sumpa. Ngayon lang ako nagkaroon ng tunay na nagmamahal sa akin at ayokong masira pa ito. Hinintay ko kung ako’y susuka ngunit nakaramdam lang ako ng gutom mula sa amoy ng sabaw ng gulay na inihain ni Nanay. Nakadama ako ng pansamantalang ginhawa. Masarap ang niluto ni Nanay Cora at nagkwentuhan kami sa hapag-kainan. Nagpalitan kami ng mga kwento: ako tungkol sa aking mga pangarap at tungkol sa mga wasak na pag-asa mula sa mga dati kong tahanan at siya naman sa kaniyang trabaho bilang isang social worker. Nalaman ko ring siya ay matagal nang nag-iisa at ang tanging nagpapasaya na lamang sakanya ay ang kanyang trabaho. Tila ayaw na niyang aalahanin ang kaniyang nakaraan sapagkat iniiwasan niya itong pag-usapan at patuloy na lamang ibinabahagi ang kanyang kasalukuyan. “Binigyan mo ako ng bagong pagkakaabalahan. Sa wakas ay tila nagkaroon ng kulay ang aking hinaharap.” Ang sambit niya sa ‘kin. Napangiti ako at hindi ko man lang masabi sa kanya na ako ang dapat magpasalamat sakanya. Nagpatuloy na lamang kami sa pag-ubos sa sabaw ng pinakbet at sa unang pagkakataon ay hindi ako nakaramdam ng pagbugso ng pagsusuka. Tila isang simula at sa unang pagkakataon, aking nadama ang tunay na kalayaan. *ituloy sa pahina 106
O B R A : T R E S E | 68
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
69 | O B R A : T R E S E
Kuliglig
Pauline Grace B. MANZANO
Inis na inis ako sa tuwing ihahatid ako ni tatay papunta sa eskwelahan gamit ang kanyang kuliglig. Nahihiya kasi ako aking mga kaklase na may kaya sa buhay. Karamihan sa kanila ay nakasasakyan na tila bagong bili ba dahil sa linis at kintab ng katawan nito. Samantalang ako, nakasakay lamang sa kuliglig na sobrang dumi at ingay na nga, hindi pa ganon kabilis umandar. Dahilan naman ni tatay, gusto lang naman daw niya akong makitang ligtas na nakakarating sa eskwelahan. Bakit ba kasi pilit akong pinapasakay ni tatay dito? Hindi naman ito kasing ganda ng mga sasakyan na sumusundo sa aking mga kaeskwela. Kamakailan lang ay hindi na ako nakapagpigil at sinabihan ko na si tatay na ‘wag na akong ihatid gamit ang kanyang kuliglig. “Tay, malaki na ako! Kaya ko na ang sarili ko. Hindi niyo na lang gamitin yang kuliglig natin sa pagtatrabaho sa bukid. Mas kailangan yan ng bukid, hindi ko kailangan yan.� Sa sobrang galit ko ay iniwan ko na lang si tatay na hindi man lang lumilingon pabalik sa kanya. Ang tanging iniisip ko na lamang noon ay sa wakas, makakatakas na ako sa kahihiyan at pangungutsa ng akin mga kaklase. Dumaan pa ang mga araw, at tuluyang hindi na ako nagpahatid kay tatay. Panatag na ako ngayon. Ngunit, nagkamali pala ako. Ngayon, inis na inis na ako sa aking sarili. Gusto ko nang sumakay sa kuliglig ni tatay upang makapunta sa eskwelahan. Sana sinulit ko na ang bagal ng oras sa kuliglig, kasama si tatay.
O B R A : T R E S E | 70
Patubig
Jessa A. SOMBRITO
Punong-puno ng halakhakan ang mga paslit na walang tigil sa pagbabatuhan ng putik. Nagmumula sa gilid ng butas ang tubig; hinihigop ito ng motor mula sa kailaliman ng lupang sakahan upang diligan ang tuyong lupang pinagbibiyak ng panahon. Hinugasan nila sa patubig na ito ang mga duming dumikit sa balat bunga ng pagsasaya. “Hoy mga bata umuwi na kayo. Naliligo kayo riyan, e napakadumi. Hindi ba kayo nadidiri?” Wika ng napadaang sundalong nagbabantay sa lupain, subalit umalis rin ito agad. “Ows? Sabi ng tatay ko marumi raw ang mga yan kahit pa hindi maligo sa patubig. Hindi ko nga alam kung bakit.” Sabi ng isang bata habang umiinom mula dito Sabay nagtawanan ang lahat at malayang pinagpatuloy ang batuhan at paglangoy.
71 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo Pamlas Graphite on paper
O B R A : T R E S E | 72
A Fruit of Summer Wind Lander Victor G. TEJADA
It sounds so strange when others call the person who birthed them “Mama” and when they call the person who planted them “Papa.” Am I the only child in this world who was raised correctly?
73 | O B R A : T R E S E
Ampon
Lorddan U. FALLER
Nagsimula na akong tumakbo Palayo sa aming bahay Lagi na lang kasi akong sinisigawan nila ate at kuya Kaya mas mabuting lalayo na lang ako Paulit-ulit na lang kasi sa tenga ko ‘yung parati nilang sinasabi Na hindi ako tunay na anak nila nanay at tatay At pinulot lang ako sa tae ng kalabaw
O B R A : T R E S E | 74
Damulag
Creisha Mae S. DIMABAYAO
Mabubuysit naku kang tatang ku. Ta makanano, mas kaluguran ne pa itang damulag na kesa kekami. Diyosko! Una ne pang pakanan, pandilwan, una ne pang asikasu bayu kekaming anak na, nanu kayay ta? Len mu, malapit na ing birthday ku pero akalingwan na na yata, tamakananu abala ya ken damulag na. Misan a yaldo, abak maranun mamanggulisak yay tatang ku, daramdaman ke mawawala ya kanuy tang damulag na, ing paborito na. E na balu nanding kapitangang-bengi tinakas key tang damulag na, nilako ke pangatali saka ke pepapulayan palaut bale mi. Ene siguru mibalik kanyan ne? Oneng bayu ku pa milapit kang tatang ku, dimdam ke magsabi-sabi. Anang makanyan, “Nokarin ya kayay tang damulag ko? Maragul ya saup kanaku ita patseng apisali ke. Magaral la pamo reng anak, lalo na ngeni malapit na naman ing pamag-enrol, tas birthday na kanyang Bruno, buri ke sanang isaling sapatos ing anak ku. Diyos ko rugo�. Niyang dimdam kuy ta, maybug kung mi ataki. Anakbaka naman!
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Watercolor
75 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 76
CONSTRUCTION SITE Photo by Audrey Del Rosario
77 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 78
Mga kasangkapan sa masaganang ani Janelle Pamela R. DAVID
botas, (mga among walang sinasantong batas) mahabang mnggas, (mga sikretong tinatago sa kanilang magagarang manggas) pantalon, (kanilang mga binulsang karapatan) salakot, (silang walang takot) matibay na likod at braso, (mga tinalikurang pangako at brasong nangangalikot) pasensiya, (pahingi po kami) pasensiya, pahingi po kami.
79 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace B. Manzano Watercolor
O B R A : T R E S E | 80
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Graphite on paper
Sickle
Pauline Grace B. MANZANO
The curves of the blade of the bagging hook; destined to harvest good crops, turned red as it is now labored to reap poor heads.
81 | O B R A : T R E S E
Sa tubuhan Jessa A. SOMBRITO
Nagpaikot-ikot ako’t nilanghap ang hanging nagmumula sa kanluran, mula sa direksyon ng aming tahanang nasa tabi ng tubuhan. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng tuyong dahon ng tubong ginawang panggatong kasabay ng ‘di maipaliwanag na halimuyak. Amoy nasusunog na buhok. Kahali-halina. Sinusunog na ni inay ang ulo ng kapitbahay, hudyat ng nagsisimulang ritwal.
O B R A : T R E S E | 82
Siklo
Jessa A. SOMBRITO
Panimula, Lipunin ang lahat Pukulin ng sugat Ihiwalay sa lupang sakahan. Pagsama-samahin, Pitpitin Paikutin Saktan ang pisikal na kalagayan. Pag-initin, Patayin Ang pangarap Na manatiling buhay sa lupang tinubuan. Gawing matamis, Na asukal Ang tubong inani Sa sakahang inangkin lang. Hindi maikukubli Ng lasa ng produkto Ang mapait na siklong Pinagdaanan nito.
83 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace B. Manzano Watercolor
Sugarcane
Joseph Carlo M. PINEDA
a drop of your sweet sap weighs gold
O B R A : T R E S E | 84
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Watercolor
85 | O B R A : T R E S E
Masamang Damo Isaih Kyle C. UMIPIG
Inis na inis akong pumasok sa Biology class ko dahil natapunan ng sauce ng kwek-kwek ng kaklase kong si Kristel ang assignment ko para sa klase. Nakatingin ako sa kawalan, iniisip ang ginawang katangahan ni Kristel sa akin. Pinupunas-punasan ko ang papel, umaasang matutuyo ito sa ginagawa ko. Malapit ko nang maitulak sa kumukulong kawa si Kristel nang bumalik ako sa ulirat. “Miss Delos Santos! Ano ‘yang ginagawa mo?!” pasigaw na tanong ng aking propesor. “M-Ma’am, pinupunasan ko po ‘yung a-assignment ko kasi nat-natapunan po ng sauce ng kwekkwek,” nanginginig kong sagot. “Okay, Miss Delos Santos. What is horticulture?” Hay naku naman po, Mama Mary! Papa Jesus! Bakit naman sa lahat pa ng parte, sa mismong natapunan pa ng sauce nakalagay ‘yung sagot ko kung ano ang horticulture?!
“Uhm…horticulture is..uhm…Ma’am…”
“Hindi mo alam? Baka hindi mo rin alam kung ano ang dapat na ginagawa sa basic gardening? Ang simple na nga lang no’n,” pagtatanong muli ng aking propesor. “I know that, Ma’am!” pagmamagaling ko, “Dapat po para gumanda po ang tubo ng halaman, sa basic gardening, dapat inaalis ang, ano…uhm—”
“Ang alin?”
“Dapat pong alisin ‘yung masamang damo.”
Kasabay ng aking pagbibigay-diin sa mga salitang ‘masamang damo’ ay siya ring tindi ng irap ng aking mga mata para sa nakakainis kong kaklase na si Kristel.
O B R A : T R E S E | 86
CHAPERONE Photo by Audrey Del Rosario
87 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 88
Prusisyon Andrea S. ESPINOSA
Kanluraning asyenda na hitik sa ani, sa paglinang sa dilaw mong lupain ng mga gutom na alipin, ang baho mo’y umaalingasaw pa rin, sa trak ng tubóng pumaparada sa dilim.
89 | O B R A : T R E S E
Graphics by Janelle Pamela David Watercolor
O B R A : T R E S E | 90
Plot Twists Andrea Nicole B. SAPNU
As the black sheep’s wool Never sufficed to fill a sack, Mary’s little lamb Never came back. As the three little pigs thought They’d be devoid of harm, Poor old Mac Donald Never had a farm.
91 | O B R A : T R E S E
Withered
A Tanka Joseph Carlo M. PINEDA
leaves grow not greener nor roots roam deeper below. poor crop, it withered for water and light were robbed by a man’s desirous heart.
O B R A : T R E S E | 92
Nipa hut
Audrey S. DEL ROSARIO
I choose to let you inside my deepest soul, and; bear a fruit of ours
93 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo Pamlas Graphite on paper
O B R A : T R E S E | 94
Molasses Jessa A. SOMBRITO
Malapot na katas, piniga’t pinalabas. Isinawsaw ni Ton ang daliri sa siwang, “Tapos na”, aniya “Masarap s’ya”, dagdag niya pa. At isa isa na niyang pinunan ang bawat garapon ng tinunaw na pulot upang ibenta sa bangketa.
95 | O B R A : T R E S E
Graphics by Pauline Grace Manzano Watercolor
O B R A : T R E S E | 96
97 | O B R A : T R E S E
EXPRESSWAY Photo by Isaih Kyle Umipig
O B R A : T R E S E | 98
Ugly Duckling Andrea Nicole B. SAPNU
Mama duck always reminds me how big it is a mistake if I ever get called ugly by the ducklings on the lake; for in the end, only I shall paint a smile on a farmer’s face when I end up on his family’s Christmas dinner plate.
99 | O B R A : T R E S E
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Watercolor
O B R A : T R E S E | 100
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Watercolor
101 | O B R A : T R E S E
Mocha
Isaih Kyle C. UMIPIG
my momma told me when i was twelve not to drink coffee, for it is bad for the brain. she told me not to drink for i will grow airheaded and lame. my momma reminded me when i entered the university not to even drink coffee, for she always repeats it is bad for my brain. but i did the otherwise i finished college with coffee while i read. i now manage a blog and sip coffee every time i bleed with criticisms and blames. i support the chief, for i never believe momma that when you drink coffee, you’ll grow brainless and lame. and that’s the reason why i now plan to run in the country’s senate.
O B R A : T R E S E | 102
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
Insecticide Arsenio S. SANTIAGO JR.
Napapaisip talaga ako habang pinapanood kong sinasaboy ni tatay ang insecticide sa aming palayan; Alam kaya ng mga insekto na nakakaperwisyo sila? Papaano na lamang ang mga kuhol, at ang mga kulisap na wala namang ibang intensyon kundi maghanap ng pagakin para mabuhay? O ‘di man lang kaya naaawa ang tatay sa mga kulisap na maaaring may pamilya ring dapat uwian? Napaisip tuloy ako. isang malawak na palayan na rin pala ang lipunan. Walang habas ang pagsasaboy ng nakalalasong kemikal. Kaya maging ang mga hindi nakapipinsala at napapadaan lamang, namamatay.
103 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 104
105 | O B R A : T R E S E
IKAAPAT NA KABANATA Nagkaroon ng handaan sa ikalabintantlong taon kong kaarawan. Sabi ni Nanay Cora, marapat lang na ipagdiwang naming ang unang araw ko bilang ganap na binatilyo. Ginising ako ng umaalingawngaw ang amoy ng mantekilya sa buong bahay at ng paulit ulit na pagtugtog ng ‘Happy Birthday To You’ mula sa hiniram niyang cassette tape player ni Nanay Cora sa kaniyang kaopisina. Halos matakpan na ng mga makukulay na lobo’t banderitas ang kaniyang dingding. Sa araw na ito, muling nabuhay ang mga kubyertos at mga kagamitang na maiging isinisinop ni Nanay Cora para sa mga espesyal na okasyon lamang. Hindi na raw matandaan ni Nanay Cora kung kailan ang huling beses na nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ang kaniyang tahanan. “Malayo pa naman po ang pasko, Nanay Cora” batid kong pabiro habang nalulula’t nanlalaway sa mga nakahain sa parihabang mesa. Mayroong bande-bandehadong spaghetti, fried chicken, lumpiang shanghai, kalamay at maja blanca. Higit sa lahat, hindi mawawala ang paborito kong Kaldereta. Subalit ang pinakanangibabaw sa lahat ay ang birthday cake na buong pagmamalaki niyang binanggit na siya ang gumawa. Nagtirik siya ng labintatlong maliliit na kandila sa itaas. Ito ang unang pagkakataon na magdiriwang ako ng kaarawan. Ipinasalamat ko sa aking dasal ang lahat ng mga magaganda’t masasalimuot na pangyayari sa nakaraang labintatlong taon, dahil hindi ako aabot sa puntong ito kung hindi dahil sa aking mga karanasan. Idinalangin ko rin na sana mahaba pa ang buhay ni Nanay Cora at nawa’y magkaroon pa ng maraming katulad niya sa mundo. Pagmulat ng aking mata mula sa taimtim kong panalangin, nakita kong nakatingin sa kawalan si Nanay. Hindi ko waring maisip kung ano ang mga bagay na naglalaro sa kaniyang isipan. “Nay, lalamig na po ang mga pagkain.” Bigla siyang bumalik sa katauhan pagkasabi ko. Aabutin ko na sana ang maja blanca nang biglang sinabi ng Nanay na unahin ko muna ang kaniyang inihandang cake. “Baka hindi mo na matikman mamaya sa sobrang busog mo” wika niya, Iniabot niya sa akin ang platitong nilagyan niya ng maliit na hati ng cake. Nakakatakam, lalu na’t nanunuot sa tsokolate ang loob nito. Kung gaano ito kaaya aya sa paningin, ganoon rin ito kalinamnam. “Ikaw talaga ang pinakamasarap magluto, Nay” Bago ko pa tinidorin ang dilaw nitong icing, bigla kong nabitawan ko ang kubiyertos. Nanumbalik muli ang paninikip ng aking dibdib, subalit hindi ito ang kilala kong hapdi. Bigla kong naalala ang aking sumpa. Baka dahil sa ipinamalas niyang hindi mapantayang kabutihan, ganoon rin ang katumbas na sakit na dulot sa akin ng pagdudwal. Subalit sa aking kaarawan, napagtanto ko hindi lahat ng akala ay tama. Walang ginto ang nailuwal ngayong araw. Unti unting nawawala ang kulay ng mga lobo. Natigil ang pagtugtog ng musika. “N…Nay..” napayuko lamang si Nanay Cora na tila hindi niya dinig ang aking bawat hinaing. “Hindi. Hindi ako pwedeng magkamali.” Naririnig ko ang kaniyang mga bulong. Paulit ulit niya itong binabanggit habang hinahalungkat niya ang kaniyang mga bulsa hanggat makuha niya ang kaniyang hinahanap. Nilapitan rin niya ako sa wakas at inihapag sa aking harapan ang isang pamilyar na bagay sa akin, ang ginto na nagmumula sa aking tiyan. “S.. Sa…Saan m…mo na…kuha…” “Pamilyar, hindi ba Tonton? Iluwa mo na ang iba! Hindi ba binibigyan mo nito ang mga taong nagmamahal sayo?! Ngayon ka magbayad sa akin!” “B-bakit… Nay?!...” “Ilabas mo na, saan mo tinago ang iba, ha Tonton? Bakit mo ba ako pinapahirapan? Walang ibang mangangalaga sayo kung hindi ako!” “N-nagkamali ako sayo… N-Nay!” “Hindi sila dapat ang nakikinabang sayo. Wala silang alam dahil lahat sila ay mangmang! Sa sobrang kamangmangan nga nila ay hindi ako nahirapan na patayin sila isa-isa! Hahaha. Wala ka nang mapupuntahang iba, Tonton.” Matapos ang limang minutong hapdi sa aking dibdib at lalamunan, nabulwakan ng dugo ang puting mantel. “Hindi maaari Tonton! Hindi ka puwedeng mamatay ngayon!Huwag mong hintaying waksiin kita kagaya ng ginawa ko sa mga hampaslupang kumupkop sa’yo!” Huli na ang lahat. Nararamdaman ko ang marahang pagpatak ang malalamig na butil ng luha sa aking pisngi. Ang tanging bagay lamang na alam ko sa mga oras na iyon ay ang kutsilyong ginamit niya upang hatiin ang cake ay siya ring ginamit niyang panlaslas sa aking sikmura. *ituloy sa pahina 150 O B R A : T R E S E | 106
Holy Communion
Andrea S. ESPINOSA at Pauline Grace B. MANZANO
Kinuha Niya ang saro at nang makapagpasalamat, ibinigay Niya ito sa kanila. Sinabi Niya: “Uminom kayong lahat. Ito ay ang aking dugo ng bagong tipan. Nabuhos ito para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami.” — Mateo 26:27-28 Malayo ang lipad ng aking isip habang binabasbasan ni Father ang mga elemento ng banal na komunyon sa altar dito sa aming munting kapilya. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang napanuod kong balita sa aming telebisyon kagabi. Dakong alas diyes ng gabi nang mapanuod ko sa aming telebisyon ang isang dokyumentaryo na nangyari sa aming lugar. Nakita ko ang gate ng Central na lagi naming nadadaanan tuwing susunduin si tatay. Bagama’t malabo, malinaw sa aking mata ang bawat taong nagsisigawan, nagiiyakan, duguan. Hindi ko maintindihan. “Ha-ha-kyen-da Lu-i-sita M-mass-a-kre,” bulong ko sa TV habang sinusubukang basahin ang mga nakasulat na letra sa ilalim. Tutok na ako nang biglang pintay ni Nanay ang telebisyon. “Matagal na ‘yan. Halika, matulog ka na at maaga pa tayo bukas para sa iyong First Communion,” Bagama’t ako ay lito pa rin sa aking nakita ay nahiga na ako sa aming papag, sapagkat ako ay sabik din para bukas. Matapos basbasan ni Father ang katawan ni kristo. Muli na namang pumasok sa aking isip ang napanuod ko kagabi. Nagsimulang bumagabag sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko maintindihan: Gulo. Dugo. Saro. Magsasaka. Bagong Tipan. Luisita. Communion. Central. Massacre. Dugo, dugo, dugo. Katawan. Kasalanan. Nagising na lamang ako sa realidad nang akmang isusubo na sa akin ni Father ang ostiya. “Katawan ni Kristo,” nakangiting sambit ni Father. At ako ay kumaripas ng takbo.
107 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
O B R A : T R E S E | 108
The Fairy’s Creed Lander Victor G. TEJADA
A whisk, dandelion for a naked eye, The immortal looms like a butterfly. The keeper of the bread and sweet of the pearl, With agony’s embrace, the cycle’s in curl. In her warm breath, the prosperity rains, In her cold breeze, the mortality sweeps. Souls are corrupted to lust for her land, Spirits are torn to keep the plough forward. Her charms are certainly one-way trips Her skin is beautifully rough and uneven. Her womb is fertile, a valley’s hips. From within, unspeakable horrors ripen. With what can the chains she made be broken, Her voice speaks of words that cannot be unspoken. Her palms hold the promise with blood and gold, And all we are little toys taking the toll.
109 | O B R A : T R E S E
Good mourning A Haiku Jejomar B. CONTAWE
These tears seldom leak, And when they do, behold it As they’re meant for you
O B R A : T R E S E | 110
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
111 | O B R A : T R E S E
Kalendaryo Janelle Pamela R. DAVID
ilang araw ang ibubuhos sa pag-tatanim at ilang dosenang tanghali ang igugugol sa pag-didilig. tatlo hanggang anim na buwan mag-hihintay at papatay ng insektong pumeperwisyo. magbibilad at magbubuhos sa makineryang magbabalat bago maisako—ganito ang pang-araw araw na senaryo. ngunit tila napunit ang mga pahina at unti-unti nang nabura ang mga plano sa akalang pang habangbuhay na kalendaryo. labingtatlong taon na ang lumipas at hindi na hindi natutupad ang aking mga plano.
O B R A : T R E S E | 112
The Price of My Religion Joan Robin T. MARTINEZ
god, I never revered And your temples massacred god, I have never known And your name buried with kindling god, your body lay In a figurative mass appeals god, what may never die Is already dead to begin with god, keep your promise The future is a dream god, children are starving You don’t eat what you sow god, slaughter the animals At least they are born to die god, heal your people My father is dying god, heal your people My mother had died god, just take my life Their graves are shamed god, let it be known The master does not reap The master only takes
113 | O B R A : T R E S E
Graphics by Joseph Carlo M. Pineda Digital Art
O B R A : T R E S E | 114
115 | O B R A : T R E S E
SANHI AT BUNGA Larawan ni Audrey Del Rosario
O B R A : T R E S E | 116
117 | O B R A : T R E S E
BE(LIE)VE Janelle Pamela R. DAVID
a refutal, a tragedy the first time my agnostic mouth whispered a prayer to a God is when I saw my father’s blood dripping bloody crimson in a field of green
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink
O B R A : T R E S E | 118
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Watercolor
Coldplay
Janelle Pamela R. DAVID
yellow was meant to be just a mere color between green and orange in the spectrum of light. yellow was only to color the sun in a child’s art; it was never to meant to mean something until it became your way of life. yellow was meant to describe happiness gentleness or even sunrises and sunflowers until it became the color of a deadly sin. yellow was just meant to be color until it was worn, until it became greed and it became apathy
119 | O B R A : T R E S E
Honorable Joseph Carlo M. PINEDA
he who serves, who gives, who pities is he who turns dreams to agony
O B R A : T R E S E | 120
Langit, lupa Arsenio S. SANTIAGO JR.
“Langit, lupa impyerno. saksak puso dadanak ang dugo patay, buhay umalis ka na sa pwesto mong mabaho.” Muling maririnig ang alingawngaw sa may kalayuan. Kakalampag muli ang mga yero’t magsisiliparan ang mga boteng itinumba na ng mga pangakong napako. “nasubukan mo na bang makipaglaro sa labas, Tay? laging mga pulis kasi ang taya, mga kapit bahay natin lagi ang hinuhuli at tila nadadaya.”
121 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
O B R A : T R E S E | 122
Librerya Jessa A. SOMBRITO
Kalong ko ang iyong katawan, sabay tayong nagbalik-tanaw sa nakaraan. Inalala ang bawat pahina ng aklat na ating minarkahan --- ang sigawan, ang katatagan sa laban at matibay na paninindigan. Wika mo’y magkasama tayo sa pagbawi ng karapatan. Pinilit kong ipatong ang iyong kamay sa huling pahina upang tulungan kang magsulat at maniwala, huwag mawalan ng pag-asa. Ngunit iginawad mo ang mga tinging habang buhay dadalhin ng aking kalooban. At hindi mo na nga sinubukang gumuhit kahit linya man lamang.
123 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor O B R A : T R E S E | 124
ANAK PAWIS Larawan ni Nica Joy Calma
PHO
125 | O B R A : T R E S E
OTO
O B R A : T R E S E | 126
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink
127 | O B R A : T R E S E
Sa Kidapawan Joseph Carlo M. PINEDA
ang lupa nami’y tigang, ubos na ang aming kayamanan, namamatay na ang hanapbuhay, bituka nami’y wala nang laman nanawagan sa kanila ng maihahapag sa aming pamilya sagana silang nagbigay at iniluwal lahat ng makakaya sa ilang taon kong pag-iral, ito ang tanghaliang nagmarka sa alaala, hindi dahil masarap na piging ang hain kundi hampas ng mga batuta’t tira ng mga bala isa ba akong kriminal o magsasakang nanalangin ng maling dasal? sa langit, sa lupa, saan ako nababagay? at silang mga may sandata, silang may hawak ng hustisya ay sila lang bang may karapatang dumanas ng ginhawa?
O B R A : T R E S E | 128
Your Worldly Father Lander Victor G. TEJADA
Come, my child Step closer, be firm Breathe in the air I once savored Hold my sickle and don’t let go yet. Stop, my child Don’t shed a tear I am proud of your dream You are strong, just like your mother. Fight, my child Mother is still there Be not bothered by my absence I am now dead, but free nonetheless Sorry, my child I’ve stolen your freedom I forced you to become a lawyer Despite of your dream to be a farmer Go on, my child Be free of my chains Break the stigma I made Reclaim my land you now rightfully own Remember, my child, My only princess, Not only men are meant to plow.
129 | O B R A : T R E S E
O B R A : T R E S E | 130
P9.50
Andrea S. ESPINOSA
Sa aking kaliwang kamay ay tangan ko ang karit, isang kilong bigas, baryang kinita sa kabyaw, dusang dala ng dapit-hapong pagpila para sa pagsahod sa inutang na buhay— Ngunit sa panahon ng ligalig, sa sakit ng ngawit na bisig, ang pagal na katawan ay babangon pa rin, dala ang karit, alas-cuatro kinabukasan, sa bagong umagang uutangin mula sa lupaing inangkin.
131 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
O B R A : T R E S E | 132
Graphics by Gabriel Jann Inocencio Pen and Ink
133 | O B R A : T R E S E
Oda sa Gilid ng Piket Andrea S. ESPINOSA
Mistulang imbakan ng dugo ang lupang buong buhay kong tinamnan— Sa dulo ng piket, matining ang sigawan: Ang silakbo ng panawagan sa katiting na karapatan, Ang hiyaw ng tinibag na punla, Ang katahimikan ng pagtigil ng mundo, Ang iyak ng tagos ng bala sa mapulang kalamnan. Mistulang imbakan ng dugo ang lupang buong buhay kong tinamnan— Sa dulo ng piket, mapanlinlang ang delubyo: Ang talsik ng malansang baho ng kamatayan, Ang pagsamo ng binhing kinalimutang ihasik, Ang bulong ng pighati at hapis, Ang anino ng pagkakanulo ng Diyos na tumatangis. Mistulang imbakan ng dugo ang lupang buong buhay kong tinamnan— Sa mga naiwan sa gilid ng piket, manatili. Ang natitira na lamang ay ang inyong luha at karit.
O B R A : T R E S E | 134
“MY DAY” Photo by Isaih Kyle Umipig
PHO
135 | O B R A : T R E S E
OTO
O B R A : T R E S E | 136
Graphics by Nikkie Joy Pacifico Pen and Ink
137 | O B R A : T R E S E
Kasambahay Isaih Kyle C. UMIPIG
Ang pangalan ko ay Dita, Dita Villanueva Wala sa bokabularyo ko ang pagiging artista Pero sino ba naman ang tatanggi Kung minu-minuto, nati-triple ang sweldong salapi? Nagsimula ang lahat nang namasukan ako Bilang kasambahay sa mansyon ng mga Aquilino. Unang araw pa lang, ganadong-ganado na ako— Nagwalis ng sahig na marmol, Nagluto ng almusal, Nagpunas ng pigurin at magagarang salamin Hindi ko alam kung bahay ang pinasukan ko O isang sikat at grandiyosong mall. Isang araw makalipas, nagpatawag ang mayordomo Magbihis daw ako at ibinigay ang dilaw na terno “Para saan po ito?” tanong ko. “May gagawin kayo, magmadali ka,” sagot nito. Dali-dali akong bumaba, bitbit ang mga bag na magagara Iba’t-iba ang klase pero iisa ang tatak at uri Nakapustura si Ma’am Krissy, tutok ang nakakasilaw na ilaw Dumating ang grupo, may dalang mga kamera at sinimulan na ang eksena. Lights. Camera. Action. Nagsimula nang magsalita ang aking amo, Habang ako’y nanginginig sa harap ng malalaking lente, Pinaabot niya ang mga bag at pinakita sa madla Sinimulan niya akong tanungin at kausapin. Akala ko, ako’y nasa talk show na, Vlog lang naman pala.
O B R A : T R E S E | 138
Reunion Isaih Kyle C. UMIPIG
“Woooh! Sa wakas, gradweyt na tayo!” sigaw ni Charles habang nakaturo ang kanyang mga gitnang daliri sa estatwa sa harapan ng eskwelahan. 1998. Gradweyt na ang barkada. Nakatutuwang isipin na lahat kami, iba-iba man ang pinanggalingang pamilya, iba-iba man ang personalidad—may loko-loko, may magna cum laude, may pang-Miss Talipapa ang ganda, at mayroon din namang estudyante sa umaga at tanggero sa gabi—ay natapos sa mga napiling kurso sa loob ng apat na taon sa unibersidad. Taon taong nagkikita ang barkada. Perfect attendance palagi. Marahil, dahil na rin ito sa pagka-miss naming sa isa’t-isa kaya siguro, walang sinuman ang nagkakaroon ng ideya na umabsent sa pagsasama-samang muli ng barkada. 2004. Ito ang pinaka-hindi ko malilimutang reunion ng aming barkada. “Halika, ate Mary Anne! Pasok po kayo,” sambit ng kapatid ni Charles habang hinihila niya ako papalapit patungo sa lugar kung nasaan ang aking mga kaibigan. Kasabay nang paglabo ng aking mga mata dahil sa namumuong likido ng pagtataka ay ang pagtugtog ng mga makabagbag-damdaming kanta. Hindi ako nasabihan na puti pala ang motif ng reunion ngayong taon. Sa pagtama ng maliliwanang na ilaw sa bukana ng aking mga mata, pagkatapos ng kanta’y ipinasok na ang pitong ataul, kay Nemia, kay Dinah, kay Albert, kay Paul, kay Gina, kay Joseph, at kay Charles. 2004. Ito ang pinaka-hindi ko malilimutang reunion ng aming barkada kung saan ang aking mga kaibiga’y nakahandusay na sa kani-kanilang mga kama.
139 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor
O B R A : T R E S E | 140
Speechless Jejomar B. CONTAWE
One day, a boy left His home, with hopes And concerns To find answers To his unanswered questions He asked a blind man on the trail, “What’s the feeling of not seeing?” But the man made no response “What’s the feeling of not seeing?” Still, the man made no response He asked a homeless beggar whose hands are outstretched, “What’s the feeling of having nothing?” But the beggar made no response “What’s the feeling of having nothing?” Still, the beggar made no response He asked a weeping, scrawny boy, “What’s the feeling of starving?” But the boy gazed without response “What’s the feeling of starving?” Still, the boy gazed without response He asked a cadaver in his coffin, “What’s the feeling of dying?” Certainly, the cadaver made no response “What’s the feeling of dying?” Certainly, the cadaver made no response
141 | O B R A : T R E S E
He asked a lady at a waiting shed, Incessantly peeking the time in her watch “What’s the feeling of waiting?” But the lady made no response What’s the feeling of waiting?” And the lady weeps and left He asked a fellow who’s toting his luggage, “What’s the feeling of leaving?” But the fellow made no response “What’s the feeling of leaving?” And the fellow left him with no response All of which mirrors his life in the wilderness They are poor They are still waiting, hoping For a father who left His mother blind His brother thin His baby sister died He asked his mother, sorrowfully, “’Ma, what’s… the… feeling…?” But his mother made no response “’Ma, what’s… the… feeling…?” Still, his mother made no response Because the boy cannot speak; a deaf mute His words are delivered By sign languages But his feelings, undeniably Were raw, and real Deep in his mind, he asked himself, “What’s the feeling of not speaking?” Deep in his mind, there was no response “What’s the feeling of not speaking?” Still, there was no response And so he cried
O B R A : T R E S E | 142
21
Lorddan U. FALLER
Narito ako ngayon sa isang sulok, pinanonood ang mga pulis na patuloy sa paghahabol sa mga grupo ng mga magsasaka. May mga nadapa’t nasugatan, may mga hinampas ng kung anu-anong mga mabibigat at matutulis na bagay, ang ilan nama’y pinagtutulakan dahil sa kagustuhang mapaalis ang mga ito sa lugar kung saan na sila namuhay. Tulad ng laro naming magkakaibigan, kaming mga mahihina at walang kalabanlaban ang laging tinataya at natatalo.
143 | O B R A : T R E S E
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Line Art
O B R A : T R E S E | 144
PHO
145 | O B R A : T R E S E
MASS MEDIA Larawan ni Isaih Kyle Umipig
OTO
O B R A : T R E S E | 146
Pitong Libingan Andrea S. ESPINOSA
Jhune, Jesus, Jhaivie, Juancho Jaime, Jessie, Adriano Jr., Ang binungkal na lupain na binuwag ng inyong mga sigaw at nanlamig na mga katawan ay lalagong muli mula sa pakikibaka ng inyong dumanak na dugo. Pananatili sa alaala, Luisita.
147 | O B R A : T R E S E
Graphics by Joseph Carlo Pineda Digital Art
O B R A : T R E S E | 148
149 | O B R A : T R E S E
IKALIMANG KABANATA Naging matiwasay na ang aking pamumuhay sa unang limang taon ko bilang volunteer social worker sa Tarlac. Kumpara sa Maynila, mas masasabi kong naging payak ang araw-araw kong pamumuhay dito. Nagsilbing bagong tahanan at buhay ko na rin ang pagtulong ko sa mga batang puslit at mga pamilyang nangangailangan dito sa maliit na barrio. Kasabay nito, pinilit kong kalimutan ang mga masasamang ala-ala na nangyari sa akin sa Maynila. Pinili kong mas maging matatag, magsumikap upang matamo ang hinahanap kong kaginhawaan; upang ipamukha kila inay at itay na mali ang ginawa nilang pagpapalayas sa akin. Ngunit tunay nga naming hindi madali ang makamtam ang ginhawa dito sa probinsya dahil hindi sapat ang mapagod upang kumita ng malaking pera. Ginusto ko nang sumuko, ngunit pumutok ang balita tungkol sa isang batang isinumpa; ang batang dumuduwal umano ng ginto. Una ko itong nakita sa may tubuhan. Palaboy laboy ito na tila walang patutunguhan. Lagi nitong hawak ang kanyang tiyan na tila parang may dala-dalang pasanin sa kanyang hinaharap. Bilang isang social worker sinamahan ko siya sa sa center upang maihabilin sa kinuukulan. “Nang lagyu mu? (Anong pangalan mo?) At bakit palaboy-laboy ka?” tanong ko sakanya. “T-Tonton po. Ako po si Tonton. Pahingi po ng tubig, manang. Kanina pa po ako patakbo-takbo. Nahuli po kasi ako ng isang magsasaka na kumukuha ng tubo. Gutom lang po ako.” wika niya. “’Wag mo na ulit gagawin ‘yon ah? E mayap. (Hindi mabuti.) Halika at sasamahan kita sa center.” Tumayo na siya at dali-daling sumama sa akin. Maaring tumira ang mga batang katulad niya sa ampunan ngunit nagpupumiglas siya. Ayaw niyang maiwan dito at patuloy ang pagmamakaawa sa akin na dalhin na lamang siya ulit sa kalsada. Ngunit ito ay para sa ikabubuti niya, at doon naghintay ako upang may mga taong di kalauna’y kumupkop. Hindi nagtagal nagboluntaryo ang isang pamilya malapit sa Central upang ampunin na si Tonton. Mahirap lang ang mga pamilya dito sa barrio ngunit sila naman ay may puso. Sumama naman si Tonton sakanila at pinangakuan ko siya ako ay dadalaw sakanya. Sinubaybayan ko kung paano nila nilukuban sa kanilang tahanan ang mahiwagang bata. Hindi ko rin inaasahan sa pagmamashid ko ay makikita ko ang katotohanan; na ang batang si Tonton, ay totoong nakapagbibigay ng ginto. Nararamdaman kong unti unting nanunumbalik ang tawag ng aking lamang nagsusumamo sa marangyang buhay, sa pagbabakasakaling mapunan ng mga materyal na bagay ang mga puwang sa aking puso. Doon ko naisip na kakailanganin ko ang bata upang yumaman. Pero hindi naging madali ang misyon ko; kailangang mapamahal muna sa akin ang bata. Hindi ko inaasahang kayang kumitil ng buhay ang dati’y mga boses lamang na naguudyok sa akin na mangarap ng mataas. Dumating na sa puntong hindi na ako makaramdam ng awa o konsensya sa tuwing sisirit ang kanilang mga dugo sa aking damit. Sa akin lamang ang trono. Walang ibang maaring magmay-ari sa mga ginto kundi ako. Sa anim na tahanang tinuluyan ng bata, walang bakas ng kaniyang ginto. Hindi ako kayang payamanin ng isang tipak lamang; hindi ako nito mabibili ng mansyon. Hindi nito kayang punuin ang aking lamesa ng naguumapaw na mga pagkain araw araw. Nang nauubusan na ako ng paraan kung paano hahagilapin ang mga ginto, naaktuhan ko si Tonton na wari
O B R A : T R E S E | 150
ba’y nalalambot habang tinatahak ang baku-bakong pilapil. Narito na ang tamang pagkakataon upang maging mga bisig na sasalo sa kanyang tumutumbang katawan. Matatandaan niya ako bilang tagapagligtas simula pa nung una. Kung kaya’t napagpasiyahan kong gawin ang hindi ko inaasahang gagawin ko sa tanang buhay ko; ang buksan ang aking tahanan para sa batang palaboy. Ipaparamdam ko sakaniya ang pagtanggap. Ang pagkalinga. Lahat para makuha ang kaniyang loob; ang kaniyang loob. Sa ikalabing-anim na araw ng Nobyembre ay magiging binata na si Tonton. Ito na ang tamang panahon, lalu na’t hindi ko gugustuhing kumitil ng buhay ng bata. Sabi sa akin ni Tonton, ito raw ang unang beses na makakatikim siya ng birthday cake. “Nakakahiya naman pong hatiin yang cake, Nay.” Wika nito kahit takam na takam na itong hawiin ang icing gamit ang kaniyang daliri, “Kaarawan mo ngayon. Para sa iyo yan, Ton.” Sambit ko sabay abot ang platitong may parte na ng cake na kanina’y nahihiya niyang galawin. Sampung minuto ang tagal bago umepekto ang sintomas ng kemikal. “N..nay..” daing nito nang unti unti nang napapalitan ang kulay ng puting mantel ng kaniyang dugo. Tatlong minuto na itong dumuduwal at wala pa ring bakas ng ginto. Hindi na ako makapaghintay. Ilang buwan ko nang ininda ang pait ng paghihintay sa pagkakataong ito. Kita ng aking dalawang mata kung paano ito nagawa ni Tonton dati. Hindi ako maaring magkamali. Makalipas ang ilang segundo’y tila umaalis na sa kaniyang katawan ang kaniyang lakas. Mas tumatamlay ang bawat ubo. Mas nanghihina na ang kaniyang boses sa kaniyang bawat hinaing. Nawawalan na ng kulay ang kaniyang mga labi na para bang pinapaubaya na niya sa lason ang kaniyang pangangatawan. Sa aking pagkaaligaga, nakuha ko nang alug alugin ang bata habang nakahawak ako sa kaniyang magkabilang balikat upang maibalik siya sa kaniyang katinuan. “Saka ka nalang sumuko kapag nakuha ko na ang nais ko, bata.” Alam kong wala nang magagawa ang pamamag-asa sa himala, kung kaya’t dali dali kong hinablot ang kutsilyo sa lamesa at hiniwa ang tiyan ng bata. Nilasap ko ang paglubog ng talim nito sa kaniyang balat hanggang sa lumusot na rin maging ang kabuuan ng aking kamay sa mga lamang loob nito. Wala pa rin ang ginto. “A… anong g…inawa ko?!” dumulas ang patalim mula sa aking mahigpit na pagkakahawak at untinunti akong napaluhod sa sahig ng makita kong walang pinagkaiba si Tonton sa mga isdang tinanggalan ng bituka. “Nasaan ang ginto?!” Sigaw ng mga boses sa aking tainga. Noong araw na iyon, alam kong kinakailangan kong sumugal alang alang sa aking pangarap. Hindi magiging sapat na kabayaran ang buhay ng inosenteng bata. *** “Barikada. Kasintaas ng pitong palapag. Kayo na ang bahala sa presyo, basta maatapos lang ito sa lalong madaling panahon.” Pakikipag-usap ko sa mga taga konstruksyon na tayuan ng pader ang malawak na lupaing nakapaligid sa aking tahanan, kasama na ang mga bahay na posibleng pinagsinupan ni Tonton ng kaniyang mahihiwagang ginto. Hanggat walang ibang nakakaalam sa kinalalagyan ng mga ito, hindi ko pa tuluyang masasabing huli na ang lahat. Sa oras na maitayo na ang pader sa aking inangking lupa, sisimulan na muli ang paghahanap. At sa habang panahong nakakubli ang mga ito, mananatiling misteryo sa mga mananahan ng Central ang mga kaganapan sa lupaing ikinukubli ng barikada. Sapagkat walang ibang kamay ang nararapat na dumampi sa mga ginto kung hindi ang akin lamang.
151 | O B R A : T R E S E
The Work
A.Y. 2017-2018
PROF. GLADIE Adviser Naway kung paano natitigang ang lupa sa pagbuhos ng ulan, ganoon rin ang kamalayan ng tao sa karunungan.
PAULINE Editor in Chief Bata pa lamang ako ay nahumaling na ako sa paglalaro ng Harvest Moon. Pero sana, tulad ng mabilisang paglago ng mga halaman dito, ganoon din ang ating ekonomiya ngayon.
153 | O B R A : T R E S E
SAP Associate Editor/Literary Editor Pinapaalala sa akin ng mga malalagong palay sa likod ng bahay namin na kung gaano kasidhi ang mga mapaminsalang bagyo, ganoon rin dapat ang tindig ng aking pagkakatayo.
CREISHA Managing Editor Naaaliw ako sa luntiang kapaligiran sa tuwing nagbaibyahe ako papunta sa baryo, ngunit pangamba ko lamang, baka hindi na ito makita ng mga susunod na henerasyon.
OTEP Associate Managing Editor Wala pa ring tatalo sa lutong at katas ng singkamas mula sa ibabaw ng lupa.
LORDDAN News Editor Alam kong hindi kailanman matutumbasan ng bawat butil na ani ang bawat butil na pawis na naididilig ko sa bukid.
PAM Features Editor Menalakad yang bale i Tatang ku libutad asikan. Atsu ya pa itang bale, pero itang asikan, alayu ne.
KYLE DevCom Editor Nang minsang magawi sa malawak na asyenda, isang magsasaka ang aking nakilala.Nakapagtatakang ginto ang kanyang manggas pero kulay pula ang inaaning bigas.
RICH Sports Editor Minsan kailangan mo rin matutong magtanim ng galit sa isang taong gumagawa ng mga aksyong hindi alinsunod sa kung ano ang nararapat, kaysa tumahimik at magbulagbulagan nalang. O B R A : T R E S E | 154
JC Layout Editor Naniniwala pa rin ako na ako ‘yong kid sa bukid.
KENNETH Graphics Editor Lahat tayo ay mawawala sa mundong ito, mamamatay at ibabaon sa ilalim ng lupa; maaagnas at magsisilbing pataba na lamang.
GAB Senior Cartoonist Ngayon ko lang napagtanto, masarap pala ang katas ng mga tanim kong tubo.
AUDREY Senior Photojournalist Mainam pang madama ang malagkit na bumabaot sa ilalim ng lupa kasabay ang pagdampi ng ihip ng hangin.
JOAN Correspondent First time kong makakita ng maraming alitaptap; wala nito roon, sa siyudad na kinalakihan ko.
MERIELLE Correspondent Mas pipiliin ko nang maputikan sa pilapil kaysa magkaroon ng kaloobang sindumi ng putik.
GUSFEL Correspondent Gusto kong bumalik sa kabukiran bilang isang tagak. Alam kong dadalhin ako ni kalabaw kahit saan ko mang naising mamasyal upang makalanghap ng busilak ng hangin. 155 | O B R A : T R E S E
ON2 Correspondent Darating ang araw, magiging isang malawak na kongkretong gusali na ang mga kabukiran kasabay ng paglaho ng mga luntiang puno’t halaman.
ANDREA Correspondent Sa pulang dako ng bukirin ko nakita ang layang hinatak ng pagpiglas ng mga paang nakatali sa lupaing naka-titulo sa iba.
LANDER Correspondent Habang ako’y nagtatampisaw, napagtanto kong mahirap ipaliwanag ang lasa ng libag ng kalabaw.
JESSA Correspondent Sa sandaling maisipan kong sumuko, maaalala ko ang kaisipang hindi sa lahat ng oras luntian ang palay sa kapaligiran, may panahong kikintab at magniningning ang bawat butil.
JEJOMAR Correspondent Nakatayo ako sa gitna ng malawak na bukirin, nilalanghap ang simoy ng hangin, pinagmamasdan ang magandang tanawin. Agad akong napaisip na sana’y ganito rin sa’min.
NIKKIE Cartoonist Noong bata ako, tuwid ang paglago ‘ko. Lumipas ang panahon, ‘di ko namalayan, bumaluktot na pala ako.
NICA Photojournalist Palagian akong bihag ng bukirin, kasama ng kalabaw na wala man lang pansin. Habang ako’y walang awang tinatangay ng hangin may bigla akong ninais linawin, ako ay may halaga rin.
O B R A : T R E S E | 156
THE
WORK
E D I T O R I A L B O A R D A N D S TA F F 2017 - 2018
Pauline Grace B. Manzano Editor in Chief Andrea Nicole B. Sapnu Associate Editor for Publication/ Literary Editor Creisha Mae S. Dimabayao Managing Editor
Correspondents
Isaih Kyle C. Umipig Development Communication Editor
Joan Robin T. Martinez Gianne Merielle P. Gonzales Arsenio S. Santiago, Jr. Jan Gusfel C. Dungca Andrea S. Espinosa Lander Victor G. Tejada Jessa A. Sombrito Jejomar B. Contawe Albritch Adam Labiano Christan Dela Pena
Richmon A. Cayabyab Sports Editor
Nikkie Joy T. Pacifico Cartoonist
Joseph Carlo M. Pineda Layout Editor
Viana Marie Pitacio Layout Artist
Joseph C. De Jesus Associate Managing Editor Lorddan U. Faller News Editor Janelle Pamela R. David Features Editor
Kenneth Leo V. Pamlas Graphics Editor Gabriel Jann S. Inocencio Senior Cartoonist Audrey S. Del Rosario Senior Photojournalist
Nica Joy T. Calma Photojournalist
Prof. Gladie Natherine G. Cabanizas Adviser
PASASALAMAT Isang ginintuang pasasalamat! Sa Kanya na may lalang sa lahat ng may buhay. Sa aming mga magulang na walang mintis sa pagbubunot ng mga masasamang damo’ng humihigop ng sigla mula sa amin. Sa kapwa student journalists na patuloy na pinalalago ang kamalayan ng mga TSUian sa kanilang responsableng pamamayahag. #Cultivated. Sa bumubuo ng The Work na matatayog pa rin ang mga tindig sa kabila ng mga kalamidad na nanghamak manalanta sa bawat isa. Sa CEGP at sa kanilang di matatawarang pagsasabuhay ng kanilang adbokasiya. Sumulong! Sumulat! Manindigan! at Magmulat! Sa aming mga kamag-aral at mga kaibigan na nagsilbing mga puno na sumisilong sa amin sa kanilang lilim, mapa-araw man o mapa-ulan. Sa bumubuo ng TSU Administration, sa dumadanak na suporta. Kay Inay Gladie na siyang nagsisilbing aming sandigan. (At sa pagiging pinakamagandang adviser sa balat ng lupa) Sa pitong martyr ng Hacienda Luisita. Hindi kailanman mapapawalangsaysay ang inyong pagkasawi sa habang panahong may nakakabatid ng inyong mga ipinaglaban. Sa mga manggagawang bukid na siyang mga dahilan kung bakit mayroong sapat na sustansya ang pangangatawan ng bansa. Sa iyo, mambabasa. Nawa’y matutunan mo’ng hindi nasusukat ang iyong halaga sa kung magkano ang mayroon sa iyong bulsa.
Siguro, dinuduwal ko lamang ang ginto sapagkat hindi ko ito kailangan. Walang halagang katumbas ang pagkakaroon ng pamilya.