SPECIAL ISSUE
NEWS
UPLB PERSPECTIVE OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS LOS BAÑOS
◆◆ TOMO XLVI, BLG. 4
UPLBPERSPECTIVE.ORG
|4
Sa gitna ng pandemya, tuloy ang pakikibaka FEATURES
|5
Life in Los Baños under lockdown CULTURE
|8
Sino nga ba ang may sala?
EDITORIAL
|2
PANDEMYA NG PASISMO
2
EDITORIAL
SPECIAL ISSUE | UPLB PERSPECTIVE
Pandemya ng pasismo
P
atunay ang pagsasamantala ng rehimeng Duterte sa pambansang malawakang lockdown upang konsolidahin ang kapangyarihan pulitikal ng naghaharing-uri sa patuloy na pagkabulok ng sistemang kinagagalawan ng lipunang Pilipino. Hindi malayo ang pulitikal na sitwasyon ng panahon ng diktadura ni Marcos sa administrasyong Duterte. Matapos makontrol ng rehimen ang lahat ng sangay ng pamahalaan, nais naman nila magkaroon ng monopolyo sa impormasyon sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa midya at mga kilalang kritiko ng estado. Noong ika-14 ng Hunyo, hinatulang guilty sa cyber libel ang Rappler CEO na si Maria Ressa at kanyang kapwa-peryodistang si Rey Santos Jr., matapos nilang magsulat noong May 2012 hinggil sa diumano’y mga koneksyon ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa mga negosyante, kasama si Wilfredo Keng. Pinatay din ng Kongreso ang ABS-CBN sa pamamagitan ng hindi pag-apruba ng prangkisa nito kahit malinaw na walang nangyaring legal na paglabag ang nasabing kumpanya. Kitang-kita sa mga deliberasyon ang kanilang mga personal na vendetta - na wala sa interes ng mga kongresista na alamin ang legal na basehan ng pagpapasara sa ABS-CBN, o ang kapakanan ng mahigit 11,000 na manggagawa sa midya. Hindi lang ang mga empleyado ng nasabing kumpanya ang naging biktima ng pagpapasara ng estado dito, kundi ang iba’t ibang benepisyaryo ng kanilang pundasyon at mga ordinaryong mamamayan mula sa probinsya na walang ibang pinagkukuhanan ng balita sa TV maliban sa ABS-CBN. Ginamit din ng rehimeng ito ang lockdown upang ipatupad ang mga anti-mamamayang polisiya, katulad ng mandatory jeepney phaseout, na siyang magpapahirap sa mga tsuper. Ang pasan ng programang ito ay hindi sa mga korporasyon at pamahalaan, kundi sa mga ordinaryong mga mamamayan - mga tsuper at pasahero - dahil sa presyo ng mga bagong unit ng “modernized jeeps” na umaabot sa milyones. Inaasahan din na sa ilalim ng programang ito, magkakaroon ng taas-pasada sa mga modernong jeepney, upang bayaran ang mga mamahaling unit. Niratsada naman ng Kongreso ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Law, isang batas na may maraming delikadong probisyon na maaaring abusuhin ng mga awtoridad. Pinapayagan ng batas na ito ang warrantless arrests, detensyon hanggang 14 na araw, at surveillance sa mga indibidwal sa ilalim ng patnubay ng isang Anti-Terrorism Council na nilagay sa pwesto ng presidente. Maaaring gamitin ang batas na ito upang bigyang-katwiran ang malawakang pag-aresto sa mga kritiko ng administrasyon, at ang pagsisideklara ng iba’t ibang organisyon bilang ilegal sa batayan ng hinala. Ngayon, bumabalik na ulit sa usapan ang pagsusulong ng panibagong konstitusyon sa ilalim ng Charter Change. Nais ng rehimen na bigyang-daan sa Charter Change ang pagsugpo
SINCE 1973 • TOMO XLVI, BILANG 4
Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños • uplbperspective.org Room 11, 2nd Floor Student Union Building, UPLB Miyembro, UP Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP)
AYNRAND GALICIA
Ipagpatuloy man ng estado ang mga atake, patuloy na mag-oorganisa ang mga masa upang tutulan ito. sa korupsyon, at pag-implementa isang bagong pulitikal na sistema, ang pederalismo, bilang tugon sa mga piskal na problema sa pamahalaan. Hindi malinaw sa mga detalye kung paano nito magagawa ang mga layuning ito, at kung babalikan ang kasaysayan, ginamit ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Cha-Cha bilang
taktika sa pagpapatagal ng kanyang termino. Habang patuloy na nabubulok ang mga makinarya ng estado sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng naghaharing-uri, ay desperado ang mga nakaupo na ipagpatuloy ang sistema na kinagagalawan ng lipunan. Sa gitna ng isang pandemya at krisis-ekonomiya, nasa interes ng estado ipanatili ang kapangyarihan pinanghahawakan nito ngayon. Nais ng estado patahimikin ang mga nagpapanawagan para sa hustisyang panlipunan; ang huthutin ang bawat sentimong natitira sa mga bulsa ng mga mamamayan; ang pagsandig sa mga dayuhang interes na kinukuha kung ano ang natitirang yaman ng bayan. COVID-19 ang pinakamalaking kalaban na kinakaharap dapat ng bayan ngayon, ngunit
JUAN SEBASTIAN EVANGELISTA Punong Patnugot
MICHAEL JAMES MASANGYA Patnugot ng Lathalain
MARK ERNEST FAMATIGAN Kapatnugot
PHILIP XAVIER LI Patnugot ng Kultura
KRISTINE PAULA BAUTISTA AT MAC ANDRE ARBOLEDA Tagapamahalang Patnugot
SONYA MARIELLA CASTILLO Patnugot ng Produksyon
ALVIN JAMES MAGNO Patnugot ng Balita
JANDELLE CRUZ Kapatungot ng Produksyon sa Grapiks
DIANNE SANCHEZ Kapatungot ng Produksyon sa Litrato IAN RAPHAEL LOPEZ Patnugot ng Paglalapat DEAN CARLO VALMEO Patnugot sa Online REUBEN PIO MARTINEZ Tagapamahala ng Sirkulasyon
nag-aasta ang estado nang parang ang kritisismo ay mas malaking problema kaysa sa pandemya. Ngunit tumitindi man at nagpapatuloy ang pangbubusabos ng estado sa mamamayang Pilipino, ay kasabay tumitibay ang hanay ng nagkakaisang mga mamamayan laban sa administrasyon. Hindi kailanman mapipigilan ng estado ang konsyensya ng bayan sa pagpapasya tungo sa isang lipunang walang pagsasamantala. Ipagpatuloy man ng estado ang mga atake, hangga’t may mga pangunahing krisis panglipunan na kinakaharap ang bayan, patuloy na mag-oorganisa ang mga mamamayan upang tutulan ito, kahit may balakid pangkalusugan silang kinakaharap. Hindi magpapakulong ang sambayanan Pilipino sa pasismo ng estado ng rehimeng Duterte.
MGA KAWANI Felipa Cheng, Lindsay Peñaranda, Aynrand Galicia, Cyril Chan, Andrei Gines, Angelin Ulayao, Aubrey Carnaje, Datu Zahir Meditar, Queenie Dickson, Sophia Pugay, Caren Malaluan, Ma. Victoria Almazan, Paul Carson, Aesha Sarrol, Ruben Belmonte, Caleb Buenaluz, Jericho Bajar, Joaquin Gonzalez IV, Jermaine Valerio, Kennlee Orola, Lora Domingo, Taj Aguirre DIBUHO NG PABALAT Jermaine Valerio
NEWS FEATURE
UPLB PERSPECTIVE | SPECIAL ISSUE
3
How Duterte confronted virus with a militaristic response Despite longest lockdown in the world, cases still go up
aid for families in areas that transitioned to general community quarantine (GCQ), saying that even with GCQ, many Filipinos are still jobless due to strict policies on skeletal workforce.
Mishaps in health response as state fascism heightens
Tulong, hindi kulong In battling a pandemic, authorities have arrested and detained more than 130,000 quarantine violators nationwide for offenses as minor as briefly pulling down facemask to drink water in public. Congress also managed to prioritize the passage of the Anti-Terror Law, which rights groups say will be weaponized to stifle dissent and silence government critics. Just a day after Duterte signed it into law, 11 activists from Cabuyao, Laguna were illegally arrested for holding an indignation protest condemning the said law. This is only one of the many illegal arrests made under the lockdown. On top of that, the country saw probably one of the darkest days for democracy and press freedom post-Marcos’ martial law, after the lower Congress voted on July 10 against the franchise renewal of the biggest broadcasting network ABS-CBN. Around 11,000 employees of the station are on the brink of losing their jobs in the middle of a pandemic. Filipino households from far-flung areas of the country will remain without access to vital information needed to battle the virus, due to the network’s inability to broadcast. Meanwhile, former PNP chief and drug war architect Senator Ronald Bato Dela Rosa said that the employees should just look for another source of income.“Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo,” Bato said.
DEAN CARLO VALMEO
Four months since President Duterte imposed an enhanced community quarantine in Luzon, and with many areas in the country still in lockdown, COVID-19 cases in the country are still rising — with an all-time high daily record of 2,539 new cases on July 8, and now, more than 55,000 Filipinos have tested positive for the novel coronavirus. With more than 100 days and still counting, the Economist has described the country’s lockdown as “among the fiercest and longest-lasting in the world,” which was supposed to only last until April 13, but has been extended — again and again. The national government recently relaxed quarantine protocols in Luzon, and other areas on June 1, including its center of economy, the National Capital Region (NCR), to reopen businesses and establishments, and “stimulate the economy.” But it looks like the Philippines will not see better days just yet, as experts from the University of the Philippines (UP) - OCTA Research, project that coronavirus infections may jump to 60,000 by the end-July, and possibly 100,000 cases by August 31. Malacañang has recently congratulated the country, announcing how it proved the UP experts wrong, who predicted 40,000 cases by end-June, but the Department of Health (DOH) only confirmed 36,468 infections as of June 30. But a report from DOH said there were 3,521 unaccounted backlogs as of June 29. COVID-19
WATCH
Where’s our P275 billion? As the country grappled with the socio-economic impact of the virus, Duterte’s rubber-stamp Congress granted him additional powers to ‘reinforce’ his government’s pandemic response, through the Republic Act 11469 or the Bayanihan To Heal As One Act. It gave him additional authority to “reallocate, realign, and reprogram” almost P275 billion of the national budget, which should fund the country’s ailing healthcare system and provide relief assistance to over 18 million Filipino families hit by the pandemic. But UP economist JC Punongbayan has described Duterte’s pandemic response in a Rappler column as “largely been reactive, chaotic, and based on murky, unreliable data.” In a breakdown report from the Department of Budget and Management (DBM), it says that the government has allotted more than P11 billion to the DOH. But despite this budget, the Philippines has yet to flatten the curve, as the country with the second-highest coronavirus cases in Southeast Asia. The country’s healthcare system is also still overburdened with COVID-19 patients. They are now appealing to COVID-19 patients, especially
A common sight at rallies during the pandemic is the presence of uniformed personnel, intent on dispersing protest actions in the guise of health protocols. [P] PHOTO BY DIANNE SANCHEZ
those who are critically ill, to look for ‘alternatives.’ DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire had earlier admitted that Metro Manila’s critical care capacity for intensive care unit (ICU) beds has now reached its “danger zone,” with 77.4% occupied COVID-19 beds. Calabarzon meanwhile has been declared as a “warning zone” with 51.9% COVID-19 beds utilized. Even with what appears to be a surge of coronavirus cases, Vergeire thinks that the country’s healthcare system is “not yet overwhelmed.” Living with P5,000 for two months Another mandate of the Bayanihan Act is to provide immediate assistance to families through cash and relief aid. Through the social amelioration program (SAP), at least 18 million Filipino households were to receive P5,000 to P8,000 to aid them amid the ‘militaristic’ lockdown. The cash aid was supposed to cover a family’s needs for April and May. In addition, its distribution has been marred with reports of confusion for its flawed, inefficient system and even led to an investigation of corruption scandals, which caused further delays. Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista has admitted that there were “shortcomings” which hampered its speedy distribution to vulnerable
While millions are on the verge of getting Covid-19, we demand the Duterte administration to provide quality medical assistance. DARYL BAYBADO
C EG P P R E S I D E N T
families affected by the pandemic. The DSWD chief also justified the delays saying, “walang perfect na sistema,” and that since it is a “firsttime situation,” it will be inevitable. Bautista added that in “due time,” he is hopeful that the distribution system will improve. Meanwhile, at least 183 barangay officials are reportedly being investigated by the Philippine National Police (PNP) for graft and corruption in relation to SAP distribution. At least 5 million families also had to appeal to the government, after being excluded from receiving aid and “waitlisted.” DSWD said they had to validate if the families are not existing beneficiaries of other aid programs. Critics have also slammed the government for announcing that it will be cutting off cash
Misaligned thinking President Duterte, an ally of the People’s Republic of China, has also repeatedly ranted in various COVID-19 briefings about his hatred for communist rebels, saying that they are “the number one threat to the country.” He also accused the New People’s Army of taking advantage of the health crisis to attack state forces. But Vice President Leni Robredo slammed the administration, stating how the government seems to praise its COVID-19 response despite obvious failures. Multisectoral groups are now trying to hold President Duterte accountable by demanding his ouster, citing his “incompetence” as chief executive in handling the pandemic. They also launched their 7-point public health demands, which include implementation of medical, contrary to militaristic response to coronavirus, free mass testing, ensuring workers’ rights, economic intervention, and support for scientists and health workers. “While millions of Filipinos are on the verge of getting coronavirus, we demand the Duterte administration to provide us with quality and effective medical assistance. He must listen to his constituents,” said College Editors Guild of the Philippines President Daryl Baybado.
Online
uplbperspective.org Read the full version of this story bit.ly/DuterteCOVIDResponse
4
NEWS FEATURE
SPECIAL ISSUE | UPLB PERSPECTIVE
Sa gitna ng pandemya, tuloy ang pakikibaka tuluyan na ito mabulok ay baka gayahin na lang niya ang mga kapwa magsasaka na napilitang ibasura ang kanilang ani: “Kahit ‘di na po kami mabigyan ng relief goods ay ayos lang, bilhin na lang po sana ng gobyerno ang gulay namin kasi natatakot na kaming magutom ang mga anak namin.” Dagdag pa dito, ang mga magsasaka na nakakuha ng ayudang pataba ngayong pandemya ay sinasabi na ‘overpriced’ daw ang mga ito. Ayon sa mga magsasaka ng Nueva Ecija, kasama sa stimulus program ng Department of Agriculture ang pagbili ng P1.8 bilyong halaga ng pataba, na nagkakahalaga ng P1,000 kada isang bag. Ngunit ang totoong presyo sa merkado ng nasabing pataba ay P850 lamang. Ang tumataginting na P271.6 milyong sobra, maaari pa sanang gamitin sa ayuda ngayong pandemya. Isa sa mga solusyon na isinigawa ng NGO Agrea ay isang online platform na kung saan pwedeng makapamili ang mga tao diretso sa mga magsasaka. Samantala sa Iriga City, Bicol, isinigawa nila ang ‘Vegetable on Wheels’, isang mobile store para sa mga 100,000 na residente nito. Katulad ng Agrea, binili ng pamahalaang lungsod ng Iriga ang mga ani ng mga magsasaka.
Malaki ang epekto ng krisis na dulot ng Covid-19 sa mga manggagawa, magsasaka at mga maralitang panglungsod MARK ERNEST FAMATIGAN AT TAJ LAGULAO
Walang pinipiling biktima ang COVID-19. Ano mang uri ang isang tao manggaling, apektado sila sa pandaigdigang krisis pangkalusugang ito. Gayunpaman, hindi maisasantabi ang katotohanan na mas matindi ang epekto ng community quarantine sa batayang masa—silang pinakabulnerable sa bantang sakit, kawalan ng trabaho at serbisyong panlipunan, pagsasawalang-bahala ng pamahalaan, at dahas ng estado. Doble-doble ang hirap na nararanasan ng sambayanan sa ilalim ng militaristang pamumuno ng administrasyong Duterte. Ang masang anakpawis at maralitang-lungsod ay hindi binibigyan ng sapat na ayuda at kumakaharap ng iba’t ibang porma ng panghaharas mula sa mga puwersa ng estado; ang mga magsasaka ay patuloy na nagugutom; ang mga manggagawa ay nawawalan ng hanap-buhay dahil sa tanggal-trabaho. COVID-19
WATCH
Manggagawa Bago pa man magkaroon ng pandemya, marami nang manggagawa ang nahihirapan dahil sa malawakang tanggalan sa trabaho dahil sa pagkalugi ng mga negosyo bunsod ng labis na produksyon at matinding kumpetisyon, katulad ng nangyari sa Honda Cars Philippines. “Unang kuwatro pa lang ng taon, nasa 700 manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Honda Cars Philippines dahil sa pagkalugi at sapilitang pagbabago ng moda ng kanilang negosyo,” sabi ni Dandy Miguel, bise-tagapangulo ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan. “Naapektuhan din nito ang libo-libong kabuhayan na bahagi ng mga suplayer ng mga materyales at serbisyo na kinakailangan ng pagmamanupaktura.” Sa Timog Katagalugan pa lang, maraming kumpanya ang nagtanggal na kaagad ng mga manggagawa, tulad sa Zenith Foods, Philippine Gloves Apparel, Nippon Paint, at Imasen. Kasabay ng malawakang pagtanggal ang pagpapatupad ng aliping sahuran sa mga pagawaan, na tatlong taon nang hindi umuunlad. “Halos 3 taon nang hindi nakakatikim ng dagdag sahod ang mga manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan,” aniya. Dagdag pa ni Miguel, upang makaiwas sa pananagutan ng dagdag-sahod ay “ipinangangalandakan ng gobyerno ni Duterte, katuwang ang mga kapitalista, na mas kailangan sa ngayon ang trabaho dahil sa pagkalugi nila sa mga negosyo.” Kahit may lockdown, meron ding panunupil at kriminalisasyon sa kilusang paggawa na nararanasan ang mga manggagawa. Umuugat umano ito sa balangkas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) na palakasin ang kontra-insurhensyang kampanya sa rehiyon. “Aktibo ang militar at PNP sa paglulunsad ng malawakang panunupil at karahasan sa kilusang paggawa gamit ang militaristang lockdown, red-tagging, pagsasampa ng gawa-gawang kaso, at ang pagpapatupad ng gatasang E-CLIP sa iba pang kaparaanan,” sabi ni Miguel. Bagamat ganito ang kalagayan ng mga
Kinailangang mamili ang mga magsasaka kung magpipilit na ibenta ang kanilang ani, o ibasura na lamang ang mga nabubulok na ito. [P] PHOTO NI PAULA BAUTISTA
manggagawa, walang tigil para sa mga lider-manggagawa ang pagpapatuloy ng kanilang pagkilos. “Nagpapatuloy naman ang pag-oorganisa at pagkilos sa labas ng pagawaan upang ipanawagan sa kapitalista at gobyerno ang pagwawakas ng kontraktwalisasyon at P750 na pambansang minimum na sahod,” sabi niya. “Nananawagan din ang mga manggagawa na itigil ang mga tanggalan sa panahon ng pandemya.” Magsasaka Noong nagsimula ang total lockdown noong March 17, tuluyan pa rin ang buhay ni Jun Pascua sa Infanta, Quezon. Pero pagkatapos ng isang linggo ay sinabihan silang mga magsasaka na bawal na sila lumabas ng kanilang mga bahay, kahit na sinabi na ng gobyerno na hindi daw tigilin ang agrikultura. “Paano ba ito napag-isipan ng pamahalaan?
Natapat pa nga sa crucial na panahon dahil nasa yugto ng harvest season na nagpapahinog ng kani-kanilang mga palay pati ang maggugulay. Dapat araw-araw inaasikaso. Hindi naman kami nagkukumpol-kumpol sa bukid,” sabi ni Pascua. Sa ibang mga lugar naman, tuluyan ang pagtratrabaho ng mga magsasaka, pero dahil sa lockdown ay hindi nila maibenta ang harvest at tuluyan binabasura. “Wala pong oversupply, siguro hindi lang po talaga nakakapasok ang mga buyer sa mga buying center dito dahil sa mga checkpoint siguro. Marami na rin daw kasi nagsara na tindahan dahil sa coronavirus,” sabi ni Jhoanne Banito, isang magsasaka sa Bakuo, Mountain Province. Kasabay nito ang tuluyan na pagkagutom ng mga mahihirap, na hindi makakuha ng pagkain at tuluyang mas kinakatakutan na ang paggutom kesa sa pandemya. Hindi pa itinitapon ni Jhoanne ang kanilang harvest, pero kung
Maralitang panglungsod Ang kakulangan sa ayudang pagkain para sa pamamahalaan ay isa sa matinding problema na hinaharap ng mga maralita sa lungsod. Ibinahagi ni Aries Soledad ng BAYAN MUNA Cavite kung gaano katindi ang kahirapan ng mga tao makakuha ng pamumuhay bago pa ng pandemya, at lalo na nung nag-umpisa na ito. “Bago pa ang lockdown na ito, tatlong kahig pero isang tuka na ang dinaranas ng mga Pilipino. Ngayong lockdown, wala na ngang makahig, wala pang matuka,” aniya. “At kapag ikaw ay dumaing sa gutom, ikukulong pa na parang bulaw. Sa ibang kaso, meron pang kasamang hataw!” Dinagdag nito kung paano ang mga problema na ito ay dulot ng hindi maayos na paghawak ng gobyerno sa sitwasyon. “Pero, hindi ba kayo umabot sa ganito na kakailanganing magpahaba ng quarantine ay dahil hindi agad nakinig sa ating daing ang pamahalaan?” “Bakit karaniwang mamamayan ang kinukulong kung hindi naman sila ang may sala na wala man lang sila kahit bigas? Nakakabusog ba ang rehas?” Noong April 3, may mga residente ng Barangay Muzon sa Taytay, Rizal na sumugod sa kanilang barangay hall para makakuha ng pagkain pagkatapos di sila ilagay sa listahan ng mga beneficaries, samantalang ang mga kapitbahay nila ay nakakuha na ng ayuda. Upang makatulong sa mga mahihirap, si Father Flavie Villanueva ng Kalinga Center sa Manila ay nagtiyaga para magbigay ng pagkain at lugar kung saan pwede makapagligo ang mga ito. Ngunit ang operasyon nila ay tinigil na ng dalawang beses—una noong March 19 tapos noong March 21. Dahil dito, ititigil nalang niya ang operasyon nito at diretsyong ibibigay ang pagkain sa mga mahihirap. “If the poor go hungry, chaos would follow.” sabi ni Fr. Villanueva.
Online
Laging tumutok sa [P] Live Ayudang fertilizer, pinagkakitaan? bit.ly/COVIDFertilizer
FEATURES
UPLB PERSPECTIVE | SPECIAL ISSUE
5
LIFE UNDER
LOCKDOWN As Los Baños headed to a long quarantine, how has it changed for many who rely on the daily hustle of life? T R A N S P O R TA SYO N
Mga tsuper ng jeep sa UP College, ramdam ang hirap MARK ERNEST FAMATIGAN
B
unsod ng kawalan ng mga estudyante sa Unibersidad, ang mga tsuper na biyaheng Calamba pa-UP College ay napipilitang magtrabaho nang mas matagal na oras dahil sa liit ng nakukuha nilang kita. Si Louie Celestra, 39, ay mula sa Brgy. San Antonio, Los Banos. Siya ay may pamilya, at kasama niya pa nga sa biyahe ang kaniyang batang anak na lalaki. Damang-dama ni Louie ang epekto ng suspensyon ng klase sa loob ng UPLB bilang pag-iingat sa banta sa kalusugang COVID-19. Dahil kumonti na ang mga mag-aaral na bumabiyahe, ang kaniyang tubo ay tuluyang nangalahati. “Halos kalahati ang nabawas. Kung kumikita (sic) kaming P500 noon, P250 nalang ngayon,” aniya. Upang mapunan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya, si Louis ay dumodoble-kayod. Tuwing araw na may pasok, namamasada si Louis ng tatlong ikot ng ruta ng SM Calamba-UP College. Ngayon, tinatantsa niya na aabot siya ng limang ikot upang umabot sa normal na tubong P500. “No’ng una, nabawasan pasahero namin, nabawasan sa kita. Nakakarami kami ng ikot bago makauwi, kaya dagdag pagod. Dati tatlo [na ikot] lang ang kailangan eh, ngayon mga lima na siguro aabutin nito,” sabi ni Louis. Reklamo ni Louis, dahil sa pagdami ng dalas ng ikot, nakakauwi na siya nang lagpas alas-nuwebe—ang oras na madalas siyang nakakauwi tuwing walang pasok sa UPLB. Pinakamabilis na para sa kaniya ang isang ikot ng UP College-Calamba na umaabot ng tatlong oras. Dahil limang beses na siyang namamasada, umaabot na ang kaniyang pagtratrabaho ng 15 oras sa isang araw. “Fifteen hours. Kagaya ng sinabi namin, sa kita nga, kung umuwi na kami pag mahinang biyahe mga gabi na, pero pag may pasok ang UP alas sais nakakauwi na kami kadalasan. Pag walang pasok, alas nuwebe. Pag-uwi namin [ngayon], kain-tulog na lang. Punas-punas na lang ng katawan. Sa umaga na lang maliligo,” nilahad niya. Labas sa netong tubo na nakukuha ni Louis, malaking porsyento ng kanyang kita ay napupunta sa gastos para sa gasolina. Gumagastos si Louis ngayon ng P1,000 kada araw dahil sa
Kasabay ng pagkawala ng kita dahil sa kawalan ng mga mag-aaral sa Elbi, sinabayan pa ng napipintong jeepney modernization ang kalbaryo ng mga tsuper ng jeep. [P] PHOTO
kawalan ng tao sa unibersidad. “[Ang kita] ay depende sa sipag ng drayber. Kung makakalimang ikot ka isang libo ‘yon. P100 kasi isa [na pagdaan]. May panahon minsan tatlong balikan mo lang may kita ka na, pwede ka nang gumarahe,” ayon kay Louis. Maliban pa rito, pinanggagastusan din ni Louis ang P500 na boundary upang makigamit ng jeep. Hindi niya pagmamay-ari ang ginagamit niyang jeep ngayon. “Araw-araw [yung boundary] P500. Kung mabait yung amo mo, pag nasiraan ka, nakakaunawa, minsan kalahati nalang kinukuha niya. Minsan hindi na nga niya kinukunan,” banggit niya. Tinakda na ng pamahalaan na patigilin ang operasyon ng mga kasulukuyang modelo ng jeepney bilang pagsunod sa programang jeepney modernization na pinangungunahan ng Department of Transportation (DOTr). Umaasa si Louis na hindi matutuloy ang programang ito. “Binigyan kami ng due date, hanggang June. Kung ‘di matutuloy, e di mas maganda,” sabi niya. Ipinahiwatig ni Louis kung paano nagiging mahirap na kausap ang gobyerno sa usapin
Makati sa bulsa
Ang mataas na halaga ng mga modern jeeps ay madadagdagan pa ng interes mula sa isinusulong na pautang ng gobyerno.
Traditional jeepney
P280,000
Pinakamurang halaga (Armak Motors)
P715,500
Pinakamahal na yunit (Sarao)
Modern jeepneys (o minibus?)
P1.6m
Pinakamurang halaga (JMC)
P2.6m
Pinakamahal na yunit (Hyundai PUJ)
Research Carlos Villanueva Graphics Jermaine Valerio Infographic design Ian Raphael Lopez
ng phaseout na nakakaapekto sa maraming jeepney driver sa bansa. “Yung gobyerno natin mahirap naman kausap ‘yan eh. Isipin mo pag naphase-out ang jeep wala naman silang maipanghahaliling na trabaho. Sa dami naming jeepney driver, halos lahat ‘dun namin nakukuhanan ng kita. Parang inagaw nila kakainin ng pamilya namin,” aniya. Sa ilalim ng “new normal” na polisiya ng DOTr at sa Memorandum Circular No. 2020017 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, tila niraratsada ng pamahalaan ang plano nitong jeepney phaseout sa pamamagitan ng mga doble pahirap na kondisyong ipinapataw sa mga driver at operator. Nariyan ang pagkuha ng mga special permit na bago ibigay ay dapat sumunod muna sila sa mga alituntunin ng omnibus franchising na kung saan tumutukoy ito sa initial na implementasyon ng “modernization program”. Nasa pinakahuling prayoridad din ang mga jeep pagdating sa pagbabalik pasada ng mga iba’t ibang pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine, kumpara sa mga bus, UV express, at modernized jeepneys.
6
FEATURES
ONLINE LIFE
Facebook groups transcend physical lockdowns RUBEN BELMONTE
As physical and emotional exhaustion languish our minds as worldwide lockdowns continue, the pandemic’s destruction has only forced the people to save what little they have — sanity. It has been roughly five months since the Philippine government imposed localized community quarantine across the regions, which pressed people to coddle their individual lives in all and every aspect. This led the public to find ways of alleviating their current conundrums, through participating in online communities. People opted, even having no other options, to focus their attention on taking advantage of various social media platforms. To ease their minds in seek of normalcy, online connectivity to their peers and colleagues has become a necessity amid the physical isolation being experienced. Satirical videos, humorous yet witty images, invitations to comic pages/groups, webinars, and educational discussions are exhaustively all over primary social media networks like Facebook and Twitter. Reaches and interactions to these are, in no surprise, high and towering as most of the people spend on these sites for almost the entire day. From “a group where we pretend to be in UPLB” to “a group where we pretend to be ants in an ant colony”, manifest vast ranges of ideas that these people implore just to make use of the time today. It just shows how even the littlest of the little things are able to, in a way or two, ease our mind and enjoy creating and unusually interacting with the world, figuratively and literally. “A group where we pretend in UPLB” offers a different narrative. The group is another outlet for the said university students to fill the void of missing the Elbi Life. From students pretending to eat lunch at their favorite eateries, simulating exam weeks, and sharing supposed “org life” moments, keep the group members reasonably engaged with every statement posted. Live webinars and conferences also take part in social media apps. Themes such as biodiversity, human rights, online academic courses, and the likes mostly comprise these discussions, and netizens are always up to some of it to at least make the time worthwhile during the quarantine period. Multitudes of educational discussions made by various organizations have also spread on social media sites. It’s a great opportunity to participate in these online interactions to enhance and train more cognitive abilities of every individual in understanding the realities of society.
People opted, even having no other options, to focus their attention on taking advantage of various social media platforms.
SPECIAL ISSUE | UPLB PERSPECTIVE
HELPING EACH OTHER OUT
VOLUNTEERISM AMID A CRACKDOWN
Several student-led initiatives paved way to relief for scores of stranded students in the locality, while the state was busy persecuting its critics.
RUBEN BELMONTE AND CALEB BUENALUZ
M
ore or less 1,500 students in dormitories at UPLB and other private housing facilities in the proximity were stranded due to quarantine. These students of UPLB remained in the campus for weeks up to date as the country is slowly transitioning into the “new normal”. “Donations have trickled in but considering the daily grind of the food preparations, funds are spent as fast as these are received,” University of the Philippines Los Baños said in a Facebook post, as the university faces its biggest crisis ever recorded in its history. Under such a situation, several student organizations of the university initiated to extend their help to these stranded Iskolars and to neighboring communities, by seeking donations to provide humanitarian assistance. In addition, students were also offered to be sent home through the Oplan Hatid of the Office of Student Affairs (OSA). As of press time, more or less a thousand individuals were assisted by the said program, including a number of foreign students. One of the fronts for student-led relief operations in response to the struggles that come with the COVID-19 crisis in the university is the Serve the People Brigade (STPB) Task Force CURE. Through constantly performing their volunteerism—from seeking donations, repacking and preparing of relief goods, down to its very distribution to the beneficiaries, STPB-TF CURE has sustained adequate amount of food assistance and psycho-social support not just to their fellow students but also to barangays nearby, every week during the ECQ period. “This is possible because of all your donations! We look forward to reaching more members of our community,” STPB-TF CURE said in a Facebook post. Other than this, STPB-UPLB also extended its assistance to the local government unit of Los Baños by providing personal protective equipment to its frontliners. With funds raised by its students, staff, alumni, and other partners, the UPLB College of Development Communication (CDC) also stretched its assistance as well, specifically to its partner barangay—Malinta, Los Baños, after turning over P30,000 worth of fresh vegetables to the community. Aside from the pre-packaged vegetables, the relief package also distributed informational materials created by the CDC Department of Educational Communication inclusive of some practical tips to protect their families and communities against COVID-19. Apart from being volunteers in student organizations, several stranded students
In the middle of a pandemic, students helped to bring relief goods to stranded students. State forces continued to compromise their safety thru threats, including USC Councilor Gelo Aurigue (left). PHOTOS COURTESY OF SERVE THE PEOPLE BRIGADE - UPLB
Timeline of death threats • March 19 A student leader from the College of Forestry and Natural Resources received a death threat from a dummy Facebook account. The sender mentioned how they know about the student leader’s whereabouts, and threatened death. • March 25 Another student leader received yet another death threat from “NGMA2SID,” which was sent through a website that lets people send texts anonymously and free of charge. The sender tried to coerce the student into mentioning their name to be reported to the police for allegedly partaking in terroristic acts. • April 25 University Student Council (USC) councilor Gelo Aurigue received a series of death threats, saying that all ‘anti-government’ individuals should be wary. • April 28 The same CFNR student leader earlier and volunteer for the Serve The People Brigade (STPB) received another death threat. The sender proceeds to tell them to be careful as they may never be found again. • May 30 The most recent in this series of harassment was sent to a student from the College of Engineering and Agro-Industrial Technology.
in UPLB, especially those residing in the campus dormitories, also volunteered in repacking and organizing relief goods under the Oplan Kawingan of UPLB through the Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA). The students’ simple way of extending help and support to their co-students amidst this crisis lasted throughout the program. The repacked goods served as a week worth “nutritionist-recommended” food packs to be distributed to the stranded individuals in the university. However, amid all of these, those who have exerted efforts in lending helping hands face another threat lingering in the shadows— red-tagging. In the lockdown alone, students from UPLB, especially those affiliated with STPBTF CURE, have received threats from unknown senders, praying for their doomed fates. The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) released a video last May 10, 2020, that featured statements from individuals that declare progressive organizations to be “fronts” and “recruiters” of the CPP-NPANDF. A student demonstration in UPLB’s Carabao Park was made to look as an example of possible insurgency in the video. Defend
FEATURES
UPLB PERSPECTIVE | SPECIAL ISSUE
7
STRANDED STUDENTS
Stranded in Elbi’s farthest corner, dormers speak of isolation, problems IAN RAPHAEL LOPEZ
UPLB, a student alliance, contended that students who appeared in the demonstration might be wrongfully labeled as communists and be put at risk. The alliance even claimed that the NTF-ELCAC used this video to brand UPLB students and organizations as part of what the task force referred to as “communist terrorist groups”. Jasper Sunga, chair of the UPLB University Student Council (USC), condemned that these should not be tolerated as it puts the lives of people, progressive or not, in danger. “What I demand now is for the UPLB admin to back up their students. To recognize us and legitimize our efforts. Para maka-dagdag sa pag-eensure ng safety ng mga students in the frontlines.” USC Councilor Gelo Aurigue said, underlining the importance of solidarity amid various attacks by the state. Recently, the Republic Act No. 11479, also known as the Anti-Terrorism Act of 2020, was signed into law despite several calls to veto it. Under this, the broad definition of terrorism would make it easier for anybody to be arrested and detained under mere suspicion, for up to 24 days. Several protesters were already arrested a day after it was passed, marking the Duterte administration’s keenness in singling out its critics.
As news broke of the Covid-19 pandemic entering the country, Jerome Atangan’s parents asked him whether he was going home to Koronadal City in South Cotabato. Atangan is one of the hundreds of students stranded in Los Baños amid the COVID-19 pandemic. He was 1,500 kilometers away from home, a freshman in the University of the Philippines Los Baños, while staying in the New Forestry Residence Hall (NFRH), a UP-administered dormitory in the upper campus. “Actually, a friend who is from Koronadal managed to go home because he did not wait for the suspension of classes,” Atangan told me via chat. We both stay in the same dorm, but we cannot talk closely due to a strict implementation of social distancing rules. “I told my parents that I won’t go home. I was afraid because there was no suspension of classes yet. Then several places started their lockdowns.” Atangan’s story was typical of the dormers who are still staying in the UP-administered dorms , amid the pandemic that has put the country’s daily life into a screeching halt. Many students stayed in Los Baños in anticipation of online classes, when other constituent units have already suspended theirs. When the administration did suspend online classes, it was too late to go home because of the enhanced community quarantine in Luzon. The threat of cases sprouting across the country was enough reason for some dormers not to try going back home. Some offices under the administration made sure, though, that dormers under their auspices are well taken care of, with three meals being cooked for them every day. This reporter has repeatedly seen University Housing Office (UHO) Chief Prof. Zoilo Belano, Jr. in the Forestry dorms, handing out donations and meeting with dormitory officers. Those who want to go home are screened by the Office of the Vice
In their free time, the stranded dormers also took up planting vegetables in the dorm garden.
PHOTO COURTESY OF UPLB COMMUNITY AFFAIRS
Chancellor for Student Affairs. In partnership with the Philippine military, they have already been transporting scores of students to the metropolis and the region, if the local government permits it. Outside dormers received donations as well from the Serve the People Brigade (STP-UPLB)’s Task Force Community Unit Response (TF CURE), with its daily food brigades. TF CURE, composed of student-volunteers from UPLB, has been partnering with Barangay Batong Malake to ensure uninterrupted delivery of donations. But then, donors taper off and charity has its limits. The dormers I talked to note the harsh realities of living off the abstract idea of solidarity amid a national crisis. Jomar Guzman noted that electricity and water supply in the Forestry dorms have been interrupted a couple of times during the lockdown, but that’s not the real problem. He said that resources have been much tighter, and it has been conserved to make it last. Maria Jezreel Barcela said that the intermittent water supply—a problem for UP dorms for decades—should be assured.
The allocation of donations is a major problem. “We are also preparing ourselves for the eventuality that if donations stop coming in, we have stocks.” She also realized the problem of getting toiletries, a necessity for an all-women’s dorm. Where would she buy, if stores are closed and people must walk 30 minutes to reach grocery stores? “We schedule residents to go down so that it wouldn’t be hard to get supplies,” Barcela said. Atangan, meanwhile, took the chance to talk about personal problems. “One of the challenges that a UP dormer faces in fear,” he said, “the fear of how long could you still be away from your family, fear of how long you’ll be confined in one place, fear of waking up that one day, all the food has ran out.” But he also talked of how the nation’s psyche has lost it, especially on social media. He bewailed how netizens reacted when several media outlets published about the plight of UPLB dormers. “Instead of garnering support, we got criticism from the public. Once you get to read their messages in the comment section, they thought of us as animals and demons,” Atangan said.
DONATIONS
Here’s how to lend a helping hand The pandemic has only revealed that informal sector earners and marginalized groups are the most vulnerable in an inefficient and exploitative economy. Several groups have took the task of volunteering to give those who need help a sigh of relief. But as the pandemic stretches on, more aid is needed than ever. To help those families who are in need, you may contact the following: • TAHAKin 2019: A fundraiser for jeepney drivers. Reach them through their Facebook page, TAHAKin 19: Tulong at Ayuda para sa HAri ng Kalsada and Twitter account, PSHS Batch 2019. You may also email them at tahakin19fundraiser@
gmail.com. To help jeepney drivers in Los Baños, contact the Facebook page of Drive for ELBI Drivers, or email them at drive4elbidrivers@gmail.com • A fundraiser for Calamba drivers is Support Tsuper Man, A Donation Drive for Calamba Jeepney Drivers. Reach them through on their Facabook page, Tsuper Man: A Donation Drive for Calamba Jeepney Drivers, and on Twitter at @ TsuperManDonations. Their cellphone number is 09276160814 • During the pandemic, a mobile kitchen helped feed scores of stranded students, especially outside the campus. Support
Art Relief Mobile Kitchen by messaging either Alex Baluyut or Precious Leano on their Facebook accounts. For contributions, deposit at any BPI branch to this account name Art Relief Mobile Kitchen Inc, with an account number 0911016168. • Makipapel is a donation drive which aims to collect donations for the benefit of various public schools in Laguna. They are in need of gadgets intended for distance learning and other materials necessary for printing. Reach them on social media or donate thru BPI at account name Ynez Paula Navata, account number 0039676109.
8
CULTURE
SPECIAL ISSUE | UPLB PERSPECTIVE
SOPHIA PUGAY AT JUAN SEBASTIAN EVANGELISTA
B
DIBUHO NI LINDSAY PEÑARANDA
akit ba ayaw niyo sa mga pulis? Andyan lang naman sila para mabawasan ang krimen. Kung hindi ka kriminal, ba’t ka naman matatakot? Sa katunayan, hindi pinipigilan ng pulisya ang krimen; sapagkat isa itong reaksyunaryong institusyon na umiiral lamang dahil sa mga saligang salot ng lipunan. Ano nga ba ang ‘salot ng lipunan’? Ayon sa mga nagmamartsang militante, PBK—imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo—ang salot ng lipunan. Ha? Ibig sabihin, may dominanteng impluwensiya at kontrol ang mga makapangyarihang bansa sa politika, kultura, at ekonomiya ng bansa; umiiral ang atrasadong relasyon ng panginoong maylupa at mga magsasakang tali ang kabuhayan sa lupang sakahan. Ibig sabihin din, ang mga sagad-sagad ang kayamanan tulad ng mga panginoong maylupa, dambuhalang negosyante, mga Villar, Marcos, Tan, at iba pa ay may direktang impluwensiya sa pamumuno ng gobyerno. Tali ang lahat ng ito. Anong kinalaman nito sa pulis at kriminalidad? Kung babalikan, ang mga krimeng kadalasang naitatala ay pagnanakaw, paglabag sa quarantine protocols, pagtutulak ng droga, piracy, pag-hurt ng feelings ni Bong Go, at iba pa! Karamihan ng mga krimeng ito ay nag-uugat sa kahirapan at inhustisyang panlipunan. Nakagagawa ang mga maralita ng krimen dahil nauudyok sila ng kondisyon ng lipunan. Hindi ba tamad lang sila… or ‘di creative? Kung sisiyasatin ang lipunan, makikita na nasasadlak ang Pilipinas sa matinding kahirapan. Walang seguridad sa ilalim ng ekonomiya, at kahit pa marami kang credentials na ipangalandakan ay wala pa ring kasiguruhang makakakuha ka ng trabahong may nakabubuhay na sahod. Kahit pa pumasada ng walong oras ang tsuper ng jeep ay hindi parin sasapat ang kaniyang kikitain. Ganap at malalim itong umiiral dahil sa patuloy na panghuhuthot ng yaman ng mga dayuhang bansa, at pagpapanatili ng ganitong sistema ng mga lokal na naghahari-harian dahil nakikinabang sila rito. Eh, ano ba ang gampanin ng pulis? Ano pa ba? Edi “to serve and protect the people.” Tungkulin ng kapulisan na panatilihin ang kapayapaan at protektahan ang mga mamamayan laban sa mga mapagsamantala. Kaya lang, imbis na ganun eh yung mga mapagsamantala’t makapangyarihan pa ang kadalasan nilang pinagsisilbihan. Kaya nga nauuso nanaman yung ACAB eh. ACAB? Ibig sabihin, “All Cops Are Bastards”. Isa ‘tong panawagan laban sa marahas at korap na pamamalakad ng kapulisan na nag-uugat pa sa kasaysayan at ebidente mapa-saang bansa man. Binigyan sila ng kapangyarihan upang gamitin para sa ikabubuti ng mga mamamayan, ngunit ito mismo ang ginagamit nila upang gipitin ang masa. Sinumpaan nilang protektahan ang mga mamamayan, ngunit sila mismo ang mapanakit sa mga ito. Dahil sa pyudal at awtoritaryan na sistema, ang kalakaran ng kapulisan ay mas naka-angkla sa pagsunod sa utos ng nakatataas. Baliktad nga eh, kung sino pang mapagsamantala, iyon ang pinoprotektahan. At ang maralitang napagsamantalahan naman ang siyang kinikitil at inaaresto. ACAB nga talaga... Sa umiiral na sistema, may determinadong kapalaran na pinapataw ang tadhana sa mga mamamayan. Kunwari, gugutumin mo ang mga mga tao, na paniguradong walang pera dahil no work, no pay, sa militarisado at mahigpit na lockdown. Syempre, kailangan nila gumawa ng paraan para makakain. Lalabas sila para humingi ng tulong o manawagan sa nararapat na ayuda. Makatarungan bang ikulong sila? Hindi… Kung ang mga mahihirap ay walang lupa at walang oportunidad para sa trabaho, malaki ang tsansa na una nilang iisipin ay survival. Hindi pagkulong ang pinakaepektibong sagot sa
SINO NGA BA ANG
MAY SALA?
mga magnanakaw, kundi, oportunidad at industriyalisasyon ng bansa.
M
aaring normatibong kultura para sa musmos na pinagkaitan ng pribilehiyo ang matutunan ang batas ng lansangan. Sa batas ng lansangan, hindi namamayagpag ang batas, bagkus, naghahari ang naghahari, at ang diskarte ang nagbibigay korona sa nahahari. Ito ay nagtatago sa batas, sapagkat ito ang katapusan nito. Sa parehong paraan, ito rin ang nagpapatibay dito. Kung pag-uusapan ang lipunan sa kabuuan, makikita kung paano binubuo ng burukrata ang kriminalidad sa pamamagitan ng paghuthot sa yaman ng bansa at pag-iwan sa mga mamamayan nito sa kahirapan. Hindi nakapagtataka ang dami ng krimen sapagkat maraming magnanakaw sa itaas. Kung ninakaw na ng mga nakatataas ang kayamanan ng lupain, pilit na mag-aagawan ang mga ninakawan dahil kakarampot lamang ang natirang paghahatian.
BINIGYAN SILA NG KAPANGYARIHAN PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT, NGUNIT GINAGAMIT NILA UPANG GIPITIN ANG MASA Ibabaling pa ng mga naghahari-harian ang sisi sa mga nanakawan, na wala raw moralidad ang mga ito. Paano naman ang kriminalidad ng armadong pakikibaka? Terorismo raw? Paanong terorismo ang paglaban para sa hustisyang panlipunan? Isang sentro ng usaping pangkapayapaan ang Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms (CASER). Nakabalangkas dito ang mga saligang karapatan na dapat matamasa ng mga manggagawa, magsasaka, at ang kabuuang
masang Pilipino. Pero bakit hindi tugma ang interes ng pamahalaan sa interes ng masa? Dahil balakid sa interes na pinoprotektahan ng pamunuan? Hindi nakakapagtaka, dahil sa bawat suliranin, ang sagot ng gobyerno ay bala. Sa droga? Bala. Sa pandemya? Bala Sa lupang agraryo? Bala. Sa hinaing ng maralita? Bala. Sa pandemya, iniwan ng gobyerno ang kalakhan ng mamamayang walang ayuda at walang maayos na plano. Kalaunan, sasabihin ni Roque na “Walang disiplina ang mga Pilipino.” Kung tutuusin, repleksyon lamang ito ng kawalan ng disiplina ng pamunuan. Sa pamunuan, walang disiplina sa pagsasalita, walang disiplina sa pagpaplano, at higit sa lahat, walang disiplina sa pamumuno. Sila rin ang pinakamalaking kriminal sa bansa. Sino ba ang nagpabomba sa mga lipunang ninuno, ang kumiitil sa mga mahihirap sa ilalim ng drug war, ang yumurak sa karapatang pantao gamit ng Anti-Terror Law, at ang nagtanggal ng trabaho ngayong panahon ng pandemya? Kung
CULTURE
UPLB PERSPECTIVE | SPECIAL ISSUE
9
sa lahat, ang tuluyang pagbawi sa mga hininga nito. Ibinabaon ng gobyerno sa mamamayan na may kalalagyan sila sa oras na may igiit na taliwas na kanilang pamamalakad. Ang patuloy na pagpapatahimik sa mga mulat na mamamayan ay pruweba na takot ang mga pasista’t diktador sa kritisismo dahil ang mga ideyang ito ang magiging mitsa sa kanilang pagbagsak. Ang kahalagahan ng kritisismo’y hindi nalilimitahan sa sistema, kundi maski sa loob ng hanay ng mga progresibo. Sa pamamagitan ng pagpuna ay nagkakaroon ng diskurso ukol sa mga kakulangan ng organisasyon, at napauusbong ang mga bagong ideyang lulutas sa mga suliranin. Nangangailangan rin ito ng pagkilos at pangangalampag sapagkat ang kritisismong walang aksyon ay hahantong sa kainutilan. Sa pagpapalaganap ng ideya, ay maipapanday ito sa realidad. Makakahanap ito ng iba pang mga kauri, makikipagsurian, at mamumukod tangi ang wasto. Kung matalo man ay papandayin nito ang nanalo. Hindi maiwawasto ang ideya kung ito ay mananatili sa loob ng isang silid. Ang pagsuri sa kasalukuyang sistema at pagbibigay ng kritisismo rito ang magpapausbong ng mga rebolusyonaryong ideyang magpapabuti sa kondisyon ng realidad. Kung wala ito, mananatili ang normatibo; maghahari ang kasulukuyang sistema. Sa gayon, ang responsableng kritiko ay nag-aambag sa pagkamit ng nalalapit na pagbabago.
A
nais ng pamahalaan na sugpuin ang kriminalidad, ibubuhos nila ang diwa nila upang kitilin ang tunay na ugat ng mga ito- kahirapan at inhustisya. Ngunit malinaw na ang nagaganap ay kabaliktaran. Hindi mo pwedeng ikulong ang mga mamamayan dahil sa iyong kasalanan, Duterte.
S
a panahong pinapatahimik at hinahanapan ang mga kritiko ng ambag sa lipunan ay angkop lamang na sagutin ito sa pamamagitan ng pagpapatibay at pagpapaingay pa lalo sa mga kritisismo. Mahalagang itanong kung bakit nga ba nagkaroon ng kritisismo sa unang palagay. Ang kritisismo ay isang tugon, nangangahulugan na hindi ito umuusbong nang magisa, bagkus ay isang reaksyon sa mga laganap nang pangyayari. Ito ay naglalaman ng karanasan at kahusayan. Habang laganap ang mga kailangan punahin at ayusin, ang
responsableng kritiko ay nararapat lamang na magsalita at isapunto ang mga kamalian sa kasulukuyang pamamalakad. Ang kritisismo ay bunga ng tunggalian ng mga uri, kung saan ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman habang ang mga mahihirap ay pahirap nang pahirap. Sa estado ng lipunan na kinakamkam ng mga nakatataas ang yaman ng bansa, wala nang natitira para sa mga mamamayan na siyang nagdudulot ng kahirapan at iba pang mga inhustisya. Umiiral sa huwad na demokrasya ang paghuhugas kamay ng gobyerno. Ebidente ito sa kalakaran ni Duterte, kung saan inilalagay ang sisi sa masa na nagbibigay daan upang maabsuwelto ang kapalpakan ng kaniyang pamumuno. Gumagawa ito ng ilusyon na hindi nakapaglulunsad ang gobyerno ng maayos na polisiya dahil pasaway ang mamamayan. Ganap nang nagiging realidad ang ilusyong ito na nagbibigay daan sa hayagang pagtapak sa karapatang pantao. Kaya gayon na lamang kung busalan nila
NGUNIT SA KADA HESUS, MAY PILATO; AT ANG BALAKID NAMAN SA KILUSANG MASA AY ANG DIKTADURA. ang mga kritiko sapagkat sa pagpapanatili ng kasalukuyang sistema ay napoprotektahan nila ang kanilang mga interes at ang paraan sa pagkamit ng mga ito. Ang kanilang kapangyarihan at kayamanan ay nakapatong sa kasalukuyang sistemang mapang-abuso. Kung anu-ano na ang naging hakbang ng gobyerno upang patahimikin ang mga progresibo’t rebolusyonaryo. Nariyan ang sapilitang pag-aresto, pagsampa ng mga gawa-gawang kaso, pagbansag bilang terorista, at higit
ng esensya ng kritisismo ang siyang dugo na dumadaloy sa rebolusyon ng lipunan. Sa pagtu-tunggalian ng mga kaisipan ay nailuluwal ang mga bagong ideya. Ito’y nagbubukod ang mga inutil na kaisipan sa hindi; napamumukadkad ang agham, sining, at politika. Sa bawat mahalagang ideya ay may pilosopiya. Sabi ni Karl Marx, isang makamasang pilosopo, ang punto ng pilosopiya ay baguhin ang lipunan, kung kaya’t ang pagtutunggalian ng kaisipan ay masasabing isang ehersisyo upang mahulma ang lipunan. Ang pamimilosopiya ay isang walang katapusang proseso na siyang nagbigay buhay sa iba’t ibang mga disiplinang pang-akademyang mayroon ngayon. Isang halimbawa nito ay ang patuloy na paglago ng siyensya na nagpaunlad sa kalidad ng buhay ng mga tao. Mula sa pagsusuri sa pisikal at obhektibong kalagayan ng mundo, ay bumuo ang mga pilosopo’t siyentipiko ng mga teorya at kaisipan na siyang muling ginagawang kongkreto at nilapat sa pisikal na mundo. Kapareho nito, kinakailangan rin ang pilosopiya sa pagbabago ng sistemang tinatamasa natin, kung saan ang kritisismo ay isang tugon sa obhektibong kalagayan ng lipunan, at mula rito ay uusbong ang mga ideya’t teoryang kung ilalapat sa katotohonan ay lulutas sa mga suliraning pinupuna. Ang wastong pag-iisip ay hindi nahuhulog galing sa langit, sabi ni Marx. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng karanasan at kasanayan sa lipunan. Sa lipunan ngayon, ang kilusang masa ay masasabing mesiyas ng makabagong lipunan, dahil sila ang may kakayahan upang magsiyasat ng tunay na kondisyon ng lipunan. Ngunit sa kada Hesus, may Pilato, sa kada Moses, may Ramses; at ang balakid naman sa kilusang masa ay ang diktadura. Sa bawat pagkilos ng masa tungo sa tunay na demokrasya ay siya namang pigil ng pwersa ng gobyerno upang maprotektahan ang kani-kanilang interes. Tulad ng lahat ng pagbabago, daraan ang kontradiksyon ng mga aspetong ito sa proseso ng pagsibol, pag-unlad at paglaho. Sa tunggaliang ito, nangangailangang mangibabaw ang panawagan ng masang Pilipino upang matamasa ang tunay na kalayaan.Kaya naman, nararapat lamang na manindigan tayo sa pagbabago, at patuloy na palakasin ang ating mga panawagan at kritisismo, sapagkat ito ang magbabandila ng pagbabago.
10
OPINION
SPECIAL ISSUE | UPLB PERSPECTIVE
Students left behind in the new normal KWENTONG FRESHIE
that the disease can easily affect me or my loved ones, if we are careless enough. UP prides itself in the mantra of “honor and excellence,” mandating every student, faculty, and staff to uphold it. But I found myself asking, what is the point of excellence if it costs honor, or one’s health? To what extent would it be worth it for students to go through hell just to learn formally? UP
is known for academic excellence, boasting its unparalleled bank of knowledge in different academic fields and praises from other countries. But UP is not meant just for the upper class. It’s meant to be a haven of quality education, for students from all corners of the country. It hosts a diverse set of students and challenges meant to promote critical thinking. All in the name of upholding individual rights and educational freedom. In times when care for students is dictated by a supposed “superiority” over others, student leaders and organizations acted on the need to amplify the concerns and let them be heard by the higher-ups. In any case, what made me think was how could those who often have to scrape the bottom of the barrel just to access classes online, or to even secure a strong Internet connection. While browsing Twitter, I’ve read several concerns of students on how they called to freeze the semester until a vaccine is made, launching campaigns with # No S t u d e n t L e f t B e h i n d a m o n g o t h e r hashtags. They called for a more accessible education. It’s heartbreaking to think that a student in a situation such as what we have now would be studying in a free-tuition university. Skyrocketing tuition fees are not just the concern, but also insufficiency in terms of tools to make education more accessible. Are people not prone to deprivation of quality education if their concerns weren’t heard? As time went by, this pandemic exposed our leaders’ privileged mindset, by not giving substantial solutions to those burdened with limitations, nor exerting any effort to hear the students’ concerns. These leaders insist to continue aiming for supposed ‘excellence’ rather than honor and humanity, in a time of an unprecedented crisis.
sa sundalo, upakan mo. Upakan mo.” The Philippine General Hospital (PGH) was appointed as a referral hospital even if it already lacks resources and facilities; medical workers are forced to ask the private sector, through social media, for PPE supplies as well as monetary donations. Some government officials use the pandemic as an opportunity to place themselves on a high pedestal; donations are treated as a publicity stunt and to win the favor of the masses. At checkpoints, rifles are in place instead of thermal scanners and soldiers are deployed rather than medical practitioners. Republic Act 11469 or the “Bayanihan to Heal As One Act” served as the country’s countermeasure for COVID-19; under it are the social amelioration programs that aims to provide cash assistance of up to P8,000 for families to be able to get by the pandemic. However, reports say that not all families are given relief which forces them to look for ways to earn money despite the virus’ threat. It is difficult for daily earners to sit idly while their families are starving yet they are given empty promises of financial aid. The government also proceeded with shutting
down media giant ABS-CBN’s franchise causing 11,000 employees to lose their jobs in the middle of the pandemic; not only are innocent people stripped of their means to earn money but it also exemplified a clear attack on press freedom as the country’s leading news channel is blocked at a time when transparency is needed the most. Bayanihan can be felt through the collective efforts of the private sector. They accomplish tasks that should be the duty of the government. The reality is that the country is not wellequipped for the pandemic. ECQ was imposed without consideration to low-income and marginalized families. Because of the government’s inefficiency, schools and universities are forced to transition to online class systems which compromises quality education since not all students have access to these resources. The government plays a vital role in ensuring the safety of the Filipino people, however, constant incompetence is evident in their implementations to fight COVID-19. Unjust policies are set in place to mask its underlying oppression and the masses suffer from state neglect.
D
CALEB BUENALUZ
ays went by, and still, I can’t believe that one snap of this pandemic, it changed the world. Our nation’s economy and more has dwindled. It’s as if everything collapsed into one small dot, which more likely emphasizes that everything will start all over again. I remembered my unexpected last day staying in my dormitory before classes were suspended. As I left my unit after I packed my things, and went back to my home, I couldn’t shrug off the negative feeling inside me. I trembled into the unknown, and feared something that wasn’t beyond my control. My mind was filled with doubts that caused me to rely on uncertainties which something I wished I could never think about. Day by day, I’m getting worried especially because of financial concerns. My parents run a small business capable enough to fund daily expenses while paying debts. Our bread-and-butter business have temporarily closed for two months since the enforcement of total lockdown by the government. It made a huge loss to our daily income, and to our daily needs. I cannot forget how my hardworking parents struggle on financial losses and breakdowns while continuously paying those utility bills and other payments that were not supposed to inflate. Including here is the payment for our internet services bills that enables me to access the internet and finish my academic tasks and online requirements. The next academic year is just around the corner. Faculty members and students alike are bracing themselves for the “new normal” in learning: online classes. The anxiety brought by this health crisis remains in my head. It’s unavoidable to think what else could be riskier than this. A pandemic is never as common as the
AYNRAND GALICIA
other calamities I’ve witnessed, where class suspensions usually last for two to three days, the longest being an entire week, depending on how severe it was. This disaster is different. What made it so was the huge economic loss. Even though staying inside my home made me comfortable and relaxed, my mental state started to destabilize. It makes me uneasy, thinking
Plight of the nation HODGEPODGE AESHA SARROL
C
ovid-19 rapidly spread across the country since the first reported case of local transmission. Subsequent economic shocks following the imposition of Luzon-wide enhanced community quarantine, has been proven to be detrimental to the already worsening condition of the people. The National Economic Development Authority (NEDA) forecasted that employment of up to 1,800,000 individuals will be at risk; they added that the least consequences can be achieved through the contingency plans of the government, wherein economic effects could be minimized through their effective intervention. In light of this, the national government constantly borrowed monetary aid from different financial institutions to mitigate the pandemic’s effects, and yet failed to present concrete actions against it. Furthermore, the government imposed militaristic ECQ regulations, impinging on the basic rights and necessities of the people. Excessive use of force in order to disperse
peaceful protests against the government’s negligence is unnecessary like what happened to the Piston 6 and Pride 20. They were put behind bars without concrete grounds of the law they violated. In addition, even if a unilateral ceasefire was implemented, there were still reports of gun violence among the different sectors of the society. On March 21, Ryan Noriesta was shot by the 59th Infantry Battalion Philippine Army of the AFP in Quezon after being suspected of being part of the New People’s Army. Amidst the pandemic, progressive individuals and organizations are treated as the primary antagonists, in which, the Duterte administration fosters fear-mongering among the masses; Duterte certified the Anti- Terrorism Bill as urgent and signed it but left the Free Mass Testing Act of 2020 on hold. Misplaced priorities shed light on the government’s incompetence and callousness to directly address the health crisis. In the words of the President, “Actually, the number 1 threat to the country, hindi Abu Sayyaf. Hindi ‘yang mga terorista of no value. Itong mga high-valued targets, itong mga komunista. Kaya ang utos ko talaga sa Armed Forces,
OPINION
UPLB PERSPECTIVE | SPECIAL ISSUE
11
Masquerade MUMBLINGS
administration’s decisions. What was recently signed into law by the President will unravel its own brand of justice. They claim that the Anti-Terrorism Law is nothing to be afraid of when you have done nothing wrong. Even before the ATL received the go signal, stories already came up on police violence in peaceful protests such as the Pride 20. Unlawful arrests of community leaders were also reported that sends a chilling effect to citizens and critics alike. Difficult times are ahead of us and we must look out for one another. Clenching his fist on the media is an issue of press freedom and an issue of joblessness. Why fear the media if they have done nothing wrong? They have been crippling the ‘Fourth Estate’ by attacking broadcasting network ABSCBN and social news network Rappler. It is a dangerous precedent for other journalists and media workers. Meanwhile, the administration keeps borrowing loans that do not trickle down to the most vulnerable. Billions after billions are being signed into contracts with international monetary institutions. At the same time, a probe is being conducted on overpriced testing kits and machines sold three times the original price. Without a clear direction, where does the funding go? And if there is a plan, where do ordinary people stand? The reality is that people line up for hours in front of Bayad Centers. They follow social distance markings in the market. They take the bicycle to work, no matter how far it is. And also, they fry banana cue on the street, even with their last mask to wear. This is not a simple lockdown. It is a lockdown on our fundamental rights, online and offline. We hope to build a better society that comes out of the rubble. We hope and rally for competent and compassionate leadership. For now, we should keep healthy for this battle is a long haul. Mustering enough bravery to speak can light a dozen candles. Stay safe and stay vigilant. While they fuel fear, our hearts ignite courage.
MA. VICTORIA ALMAZAN
S
osyal, naka-gloves!” said a female vendor frying banana cue on the side street to her fellow vendor. COVID-19 is a global pandemic that spread throughout borders without a vaccine. It is a haunting disease that spares no one. As much as we want to stay healthy, the ‘new normal’ forces the vulnerable to bear a heavier burden in these troubling times. They don’t have the privilege of having safety nets to live off to. They have no choice but to wait for donations or cash assistance. The gap is widening and the curve is not flattening. With an almost 80,000 projected COVID-19 cases by the end of July, there is no end in sight. Even if there are steps protecting oneself, how can the disadvantaged apply these when they are just trying to get by every day? It affects different aspects of our lives, from employment, education to health care. In a precarious situation, more companies cannot handle operating day-to-day expenses, leaving them to lay off workers. Education is a puzzle piece on how to proceed with inclusion in mind. The digital divide has not been as evident as it has been before. Healthcare facilities are being stretched to its maximum capacity. Going through all of these, the new normal has become a survival of the fittest. Our attention is being divided into more hashtags than one. The administration is busy throwing its constituents under the rug, prioritizing anti-people policies. Instead of focusing on protecting its people from COVID-19, the administration chose to work on other matters they deem urgent. From the Anti-Terrorism Law to cyber libel, this is just scratching the surface of a broken system. The people are restless yet relentless in speaking out. Even celebrities such as Angel Locsin are beginning to question the LINDSAY PEÑARANDA
Booth H-32 SKETCHPAD JUAN SEBASTIAN EVANGELISTA
Habang may tatsulok At sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo
S
abi ni Rena, eto raw ang gawin kong alarm, para raw mabilis mamulat mga mata ko. Late na naman ako nagising; pambihira kasi ang lamig. Balot na balot na nga ako sa kumot, yanig pa rin. Oks lang, medyo napasarap din naman sa tulog. Eto ba ang notorious LB weather? Pangatlong linggo pa lang ng semestre, pero ramdam na ramdam ko na agad ang pagod. Natitiis ko naman lahat ng ito. I’m still on track. Engineering student, university scholar sa unang semestre, target ay hanggang gumraduate. Walang din akong org kahit... medyo gusto kong sumali. Nababagabag din ako sa social issues, kaya gusto ko ng ka-diskusyon, pero naalala ko babala ni nanay. Basta, gumraduate daw muna ako saka ko raw ako mag-make ng change. “Sa simula lang ‘yan” sabi ni Thomas,
room-mate ko at kapwa engineering student. “CS ako ‘nung Freshman, pero maiisip mo rin na kailangan mong i-enjoy ang college.” Pangisang taon nang delayed si Thomas. Graduating status niya, pero di ko naman nakikitang inaasikaso niya thesis niya. Sabi rin ni Thomas, ‘yung pag-eenjoy, gawin raw bago mag Trese. “We’ll see,” sabi ko. Di naman ako na-late sa una kong klase. Syempre COMM 10 eh. Paborito kong teacher ‘yung propesor. Lagi kong nakakalimutan pangalan niya, basta Dadofalsa apelyido- anak daw ng henyong nagsulat ng course guide ng pinalitan na subject ng COMM 10. Nakakalungkot daw. anyways dumiretso agad ako sa favorite spot ko sa classroom, syempre, sa harapan. Maya-maya lang ay dumating na rin ang seatmate ko, si Rena. Freshie din. Palagi siyang late ng ilang minuto, lagi raw kasi siyang tumutulong sa RTR ng mass org niya. Buti ay late din si Ma’am palagi, bali-balita raw ay everyday is Happy T para sakanya. Pero today, may bagong tsismis. Wasak daw sa inuman with orgmates niyang umuwi sa LB dahil sa Feb Fair. Sa gitna ng pag-iisip ko kung tuloy ba ang klase o hindi, biglang dumating si
Ma’am. Strong naman pala. “Rena, please continue our discussion, medyo kinulang tayo ng oras last time, pero it is still important to resolve the topic at hand,” agad niyang bungad habang sinasarhan ang pintong pinasukan niya. Mahusay magsalita si Rena. Matalas. Sabi niya, natutunan niya raw ‘yun sa org niya, sa Eleps. Kitang kita ang paninindigan niya, at kung paano natatahi ‘yung subject sa iba’t ibang mga issue. Kahit laging late si Rena, halatang may pagrespeto sa kanya si Ma’am Dado, dahil nga, may substance. Nga pala, di ko nasabi kanina pero may crush ako kay Rena. Sino ba namang wala? Tinalakay ni Rena ang cultural hegemony ni Gramsci, isang Marksistang pilosopo. Mabigat ‘yung topic. Kung ibang tao siguro ang nagsalita, baka di ko maintindihan, pero ‘nung inexplain ni Rena ‘yung mga konsepto tungkol sa monopolyo ng estado sa kaisipan ng mga mamamayan, mas naunawaan ko. Kailangan daw ay accessible at madaling i-explain sa masa ang literatura, sabi ni Rena sakin ‘nung first week ng klase. Pagkatapos ng diskusyon ay pinag-grupo kami ni Ma’am, by pairs. May pa-assignment
siya na talakayin daw namin ngayon dahil aalis na siya. Mukhang maaga lakad na naman si Ma’am. Syempre, niyaya ko kaagad si Rena na maging ka-pair. Medyo awkward dahil pagkayaya ko sa kanya ay um-oo lang siya. “Hoy Rena, bakit kanina ka pa tumititig sakin, may crush ka sakin no,” pabiro kong sinabi, nakatitig lang kasi siya. “Ah wala lang,” ani niya. “Napagisipan mo na ba?” Napaisip ako. “Alin?,” tugon ko. “‘Yung invitation ko sa’yo last week! Dadating ‘yung mga magsasaka ng TK sa booth namin sa Feb Fair,” malakas niyang sinabi. “Hay nako, ikaw talaga” Feb Fair na nga pala next week. Sabi ni Rena, darating daw ang mga magsasaka ng Timog Katagalugan sa booth nila. Iniisip ko, sama na nga lang ako, gusto ko rin i-enjoy ang Feb Fair, at syempre, mas makilala si Rena. “Sige na nga,” sagot ko sa kaniya. “Talaga?” Kita ang tuwa niya. “Papakilala kita kay Kiko, ngayon lang siya nakadalaw dito, pero lagi namin siyang pinupuntahan sa Lupang Ramos. Marami siyang baong kwento.”
12
EDITORIAL
Higit na pasasalamat
B
atid sa sa iba’t ibang plataporma ang ulan ng papuri at pasasalamat para sa mga frontliners. Nararapat lamang na pagpugayan ang mga manggagawang nakikipaglaban sa pandemya, lalung-lalo na’t sila ay nakikipagsapalaran para sa bayan habang nasa harap ng peligro. Gayunpaman, hindi nagiging sapat ang pasasalamat kung natitigil lamang ito sa pagpupugay. Habang ang kondisyon ng paggawa ay nakatayo sa isang sistemang hindi makatarungan para sa manggagawa, ang pagsasapedestal ng pasasalamat nang hindi tumatanaw sa likod ng tanghalan ng serbisyo ay umaambag sa mito na sapat na ang pangkasulukuyang kalagayan. Sa bisa ng Proclamation No. 976 ni Pangulong Duterte, naproklama ang taong 2020 bilang taon ng mga Pilipinong manggagawang pangkalusugan. Ngunit sa likod ng nosyon ng pagpataas ng diwa ay matatagpuan ang nabuburang masukal na aspeto ng lipunang di nabibigyan karamtamang pansin: ang halaga ng karapatan at kondisyon ng mga manggagawa. Dito natin matatagpuan ang saligang mga pangangailangan na karaniwang di natatamasa ng iba’t ibang mga manggagawa. Ang tunay na pasasalamat para sa ating mga frontliners
ay maihahatid sa porma ng pagpapanawagan para sa mas makataong kondisyon ng paggawa at pagbibigay ng garantiya sa nakakabuhay na sahod. Sa sektor ng pangkalusugan, makikita kung paano naituturing ng mga nasa kapangyarihan ang mga manggagawa bilang kalakal. Bukod sa mababang sahod ng manggagawang pangkalusugan, malinaw ang kawalan ng priyoridad sa pangkabuuang sistema ng serbisyong pangkalusugan ay naguudyok ng di kanais-nais na kondisyon ng paggawa. Ayon sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo, ang entry level na sahod ng isang rehistradong nars sa Pilipinas ay tumataya sa halagang P8,000-P13,500 kada buwan. Ayon sa Ibon Foundation, kailangan ng mga pamilyang may limang miyembro na nakatira sa National Capital Region ng P23,660 kada buwan upang maabot ang minimum na pamantayan ng pamumuhay. Nakakabahala ang ganitong datos, lalo na’t may pagmamaliit ang ilan sa administrasyon sa naturang propesyon. Isang repleksyon ng kulang na pagpahahalaga ng ehekutibo at ng mga mambabatas ang lumalalang kondisyon ng paggawa sa larangang pangkalusugan. Noong 2019, naitala na isang pampublikong hospital ang nagseserbisyo sa bawat 229,306 Pilipino. Naitala rin noong 2017 na 90,308 lamang ang bilang ng nars sa bansa. Sa harap ng pandemya, bukod sa isyung pangkalusugan ng masa, ang mababang bilang ng serbisyong kayang matamasa ng mga Pilipino ay nangangahulugang labis-labis ang trabahong ginagaod ng mga manggagawang pangkalusugan. Marami ang pumipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kawalan ng nakakabuhay na kita sa Pilipinas. Sa ilalim ng pandemya, higit sa 290,000 ang kakulangan ng Pilipinas sa health care professionals. Umaambag din dito ang taunang pag-alis ng 13,000 na manggagawa. Makikita natin na bago pa man magkaroon ng pandemya, dekada nang nakikipaglaban ang mga nars at iba’t ibang mga frontliners para sa mas mataas na sahod. Sa pamamagitan ng Nursing Act of 2002, na ang entry-level na sahod ng mga nars sa gobyerno ay dapat nagsisimula sa P32,053. Ngunit hinarangan ng Solicitor General Jose Calida ang petisyon para pataasin ang sahod ng mga nars sa Korte Suprema. Sa ilalim ng administrasyon, ang mga manggagawang pangkalusugan ay underpaid, overworked, at underappreciated. B u ko d s a s a m u ’ t s a r i n g kontrobersiya ng korupsyon
sa kalusugan. Sa ilalim ng Universal Health Care Law, ang mga pribadong hospital ang mas nakikinabang sa buwis at iba’t ibang pinanggagalingan ng pondo. Imbis na mas lalong bigyang pansin ang mga pampublikong hospital, naiipon ang pondo para sa ikayayaman ng iilan. Imbis na mas mataas na subsidiya para sa mga manggagawa, matinding korupsyon sa hanay ng pamunuan ang kinahaharap ng sektor. Ngayon, sa panahon ng lumalalang krisis, imbis na pagtibayin ang sektor pangkalusugan, mas lalong pinalakas ng administrasyong Duterte ang hanay ng AFP-PNP sa pamamagitan ng Anti-Terror Law; sila rin ang binigyan ng otoridad bilang pangunahing pwersa ng administrasyon laban sa COVID-19 na isyung pangkalusugan.
Ang pagsasapedestal ng pasasalamat nang hindi tumatanaw sa likod ng tanghalan ng serbisyo ay umaambag sa mito na sapat na ang pangkasulukuyang kalagayan ng ating mga medical frontliners. sa pamunuan ng Kagawaran ng Kalusugan, lantad din ang inutil na pamumuno sa kagawaran. Sa isyung pandemya, pinili ng kalihim na si Dr. Francisco Duque III na unahin ang relasyon sa mga imperyalistang bansa sa pamamagitan ng di pagpapataw ng maagang travel ban. Pinili rin ng administrasyong Duterte na kumuha ng suplay sa ibang bansa na may mas malaking halaga, bagama’t marami dito ay may depekto. Sa pamumuno ng DOH, kitang-kita ang mabagal na pag-usad ng akreditasyon at paglulunsad ng lokal na teknolohiya laban sa COVID-19. Noong Mayo pa lamang ay lampas dalawang libo na ang positibo sa sakit, sa hanay ng mga manggagawang pangkalusugan. Ang mga ito ay dahil sa kapabayaan ng administrasyon. Imbis na bigyang halaga ang mga serbisyong nakakatugon sa mga batayang pangangailangan ng mga Pilipino, inuna nito ang tapal na solusyon at militarisasyon. Ang sektor pangkalusugan ang pangunahing mahihirapan sa pandemya, kung kaya’t ang di wastong pagtugon dito ang pangunahing umaambag sa pagpapahirap sa kanila. Sa kawalan ng mass testing at sapat na tulong pinansyal habang inaangat ang quarantine, lalong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Di nakakapagtaka ang ganitong kinahantungan ng sistemang pangkalusugan; bago pa man ng pandemya, neoliberal na ang patakaran
K
i n a k a i l a n g a n a n g pa g t a t a a s ng sahod, upang maiwasan ang mga Pilipinong napipilitang pumunta sa ibang bansa para sa oportunidad. Kinakailangan din ang mas makamasang pundasyon ng pangangalaga sa kalusugan sa pagbibigay prayoridad sa pag-unlad ng mga serbisyong pangkalusugan. Hindi lang ang mga manggagawang pangkalusugan ang frontliners. Sa panahong walang pandemya, ang mga manggagawa at mga tao sa likod ng pangaraw-araw na mga serbisyo ang pangunahing gumagaod at nagtataguyod para sa lipunan. Sa simula ng quarantine, sumailalim ang maraming manggagawa sa iskemang no work, no pay, at dahil dito, naging malawak ang pangangailangan sa ayuda. Ngayon, marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng ayuda. Ang mga panukalang kumikitil sa kanilang kabuhayan ay siya ring nagsisilbi bilang kabaliktaran ng taos-pusong pasasalamat. Pilit nitong pinapatay ang mga jeepney drivers sa pamamagitan ng jeepney modernization plan. Pinasara rin ang ABSCBN na nagsisilbi bilang mga frontliners sa pamamagitan ng paghahatid ng balita. Nandiyan rin ang mga manggagawa na naghahatid ng mga pangaraw-araw na mga pangangailangan natin, ngunit sinisira ang kanilang mga unyon at pinaparatangan pang mga terorista. Bago pa man magkaroon ng pandemya, ginigipit na ng administrasyon ang mga manggagawa. Talamak ang kontraktwalisasyon, at marami ang kumakayod sa ilalim ng di nakakabuhay na kita. Ang tunay na pasasalamat ay hindi nadadaan sa salita, kundi ay makikita sa pagbibigay ng hustisya sa paggawa: nakakabuhay na kita, maayos na sistema ng paggawa, at makamasang pamamahala. DIBUHO NI AYNRAND GALICIA