0111

Page 1

Vol. 25 | Issue 2 | Jan 11, 2015

from your

Pastor

We thank God that He specializes in impossible things. Of course, He

can “furnish a table in the wilderness” (Psalm 78:19) as He can supply for our Christian fruitfulness and ministry effectiveness, according to His riches in glory (Philippians 4:19). “God Can!” with the Lord’s power must propel, push, prop and prosper us in our heavenly pursuits and kingdom-endeavours this 2015 through our diligent participation and generous support in the fulfilment of the Great Commission. Likewise, we praise the Lord for preserving His inspired Word for our benefit. So privileged are we as God’s children to hold and handle the King James Bible personally while reading and meditating it in our daily devotion as it instructs, admonishes and exhorts us to do His will. We are moreover blessed to hear and hearken to its truth regarding our great salvation, guided sanctification, gracious satisfaction, governed service and good success. Let us then learn from our informative and persuasive Sunday

School lessons this January about “God can preserve His inspired Word.” With such, we can be strengthened, stabilized, and settled toward steadfast spirituality amidst sinfulness, spoilage, and selfishness in this world. In preparing for our approaching Church Anniversary, we are enjoined to involve in our scheduled program this week highlighted by our prayer vigil, Lord’s Supper, and Revival night. We must also be have a part in our regular activities which include our soulwinning, Gospel-tract distribution, discipleship, visitation, follow-up, Bible study, Sunday School, fellowship, prayer meeting and worship gatherings. Since God can, we can strive to become His faithful stewards, pressing “toward the mark for the prize of the high calling of God in Christ Jesus” (Philippians 3:14).

DR. ED M. LAURENA


God Can Preserve His Inspired Word

The Meaning of Preservation Psalm 12:7 / Luke 16:17 / 2Timothy 3:16

I. The King James Bible is the inspired-preserved Word of God. A. The Great God in heaven inspired His Word. B. The Great God in heaven that inspired His Word is also the One Who preserved it. II. The King James Bible as the

02

inspired-preserved Word of God must be applied daily by the believers. A. Leaving the inspired-preserved Word of God will make believers sick and helpless. B. Living the inspired-preserved Word of God will make believers strong and healthy.


Meet Our Speaker: Dr. Philip Clayton MONDAY 5:00-6:00 pm 6:00-7:00 pm 7:00-8:00 pm 8:00-9:00 pm 9:00-10:00 pm 10:00-11:00 pm 11:00-12:00 am

Area 1 Area 16 Area 2 Area 17 Area 11 Area 12, 19 Area 23

TUESDAY 12:00-1:00 am 1:00-2:00 am 2:00-3:00 am 3:00-4:00 am 4:00-5:00 am 5:00-6:00 am 6:00-7:00 am 7:00-8:00 am 8:00-9:00 am 9:00-10:00 am 10:00-11:00 am 11:00-12:00 am 12:00-1:00 pm 1:00-2:00 pm 2:00-3:00 pm 3:00-4:00 pm 4:00-5:00 pm

Area 4 Area 6 Area 8 Area 22 Area 5 Area 20 Area 7, 21 Area 33 Area 3, 18 Area 26, 27 Area 9, 13, 28 Area 24, 35 Area 25 Area 14, 34 Area 15, 30 Area 29, 32, 36 Area 10, 31

JAN. 25, FEB 1, 8, 15

03


Ang Paghahanda Para Sa Banal Na Hapunan (Lord’s Supper) Ang Lord’s Supper ay isa sa dalawang ordinansa ng isang Baptist Church. Kapag sinabing ordinansa, ito ay gawi ng simbahan na ginagawa bilang pag-alala sa kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Marami nang lihis na pananaw ang sinusunod ngayon ng ibang simbahan. Nararapat lamang na atin pang pagtibayin ayon sa Salita ng Diyos, ang ating pagkaunawa sa Lord’s Supper. Ang Pagkatatag Ayon sa Matthew 26:20-25, ang unang Lord’s Supper ay naganap noong gabi bago ang pagkamatay ni Hesus. Ang hapunang ito ay pinagsaluhan Niya at ng Kanyang mga disipulo. Ang okasyong ito ay hindi tulad ng karaniwang masayang salu-salo, bagkus ito ay mahalaga at makabuluhan dahil sa pamamagitan nito ay sinabi ni Hesus: “This do in remembrance of me.” Ang Panuntunan Nasasaad sa 1 Corinthians 11:2432 kung paano ang ordinansang ito ay dapat isagawa. Una, dapat ay alam ng bawat isang makikilahok ang diwa ng okasyon. Ito ay hindi ritwal at kailanman ay hindi makapagliligtas ng kaluluwa. Ito ay panahon na dapat aalalahanin at limiin ang ginawang sakripisyo ni Hesus para sa kaligtasan ng tao. 1 Cor 11:24-25, “…this do in remembrance of me.” Ikalawa, ang gagamiting mga kasangkapan ay ang tinapay na walang lebadura at ang purong katas ng ubas. Malinaw na hindi gumamit si Hesus ng alak mula sa ubas dahil ito ay may halo nang karumihan. Ang purong katas ng ubas ay kumakatawan sa dugo ni Hesus 04

na walang kasalanan; gayundin ang tinapay na walang lebadura na nagsasabing Siya, kahit naging tao ay hindi kailanman nagkasala. Gayunpaman, hindi rin dapat isipin na ang dalawang kasangkapang ito ay nagiging literal na katawan at dugo ni Kristo tulad ng paniniwala ng iba na kung tawagin ay “transubstantiation”. Ikatlo, mahalaga na ihanda hindi lamang ang pisikal na pangangatawan. Higit sa lahat ay mainam na suriin ang tatlong bagay na ito: ang paghihirap ng Panginoon, ang Kanyang muling Pagbabalik (Matt 26:29) at ang sarili, bago makiisa sa nasabing hapunan. “But let a man examine himself, and so let him eat of that bread, and drink of that cup. For he that eateth and drinketh unworthily, eateth and drinketh damnation to himself, not discerning the Lord's body. (1 Cor 11:28-29)” Kailangang siguraduhin ng bawat makikiisa sa okasyong ito ang kanyang kalinisan sa harap ng Diyos at ng kapwa. Ikaapat, sapamamagitan ng pakikibahagi dito, ipinahahayag ng bawat isa ang kanyang pananampalataya sa naging paghihirap ni Kristo, kapantay ang paniniwalang Siya ay

muling magbabalik para sa mga ligtas! Purihin ang Panginoon dahil habang ito ay isinasagawa ng simbahan ay lalong nabubuhay ang pag-asa na kay Kristo lamang matatamasa. Ikalima, ang Lord’s Supper ay hindi palagiang ginagawa tulad ng sa ibang simbahan na lingguhan o buwanan. Ayon sa 1 Cor 11:25 “as oft as ye drink it.” Ito ay minsan lamang ginagampanan upang hindi mawala ang lalim ng kahulugan nito sa mga Kristiyano. Ikaanim, ito ay para lamang sa miyembro ng simbahan – tinagurian itong “closed communion.” Hindi maaaring ganapin kung kailan lamang maisipan. Itinatakda ang araw at sa loob lamang ng bahaysambahan isinasagawa. Sa darating na Lord’s Supper, maging seryoso nawa ang lahat na pagbulay-bulayan ang buhay. Marahil ay kailangang sagutin natin ang mga mahahalagang katanungang ito: May kasalanan bang nananatiling nakabigkis sa akin at tunay na dapat nang iwaksi? Gaano kaayos ang aking patotoo bilang Kristyano? Isang biyaya ang makasama sa piging ng Panginoon subalit ito ay dapat taos-pusong paghandaan.


“Handle with Care” Sa maraming Baptist churches ngayon ay mainit na pinagtatalunan ang inspiration at preservation ng Bibliya. Ano naman sa iyo ito bilang isang Kristiyano at miyembro ng isang independent, Bible-believing, soulwinning at mission-minded Baptist Church? Salamat sa Panginoon dahil dito sa CBBC, tayo ay namumulat sa malalim na katuturan at katotohanan tungkol sa kaisa-isahang Banal na Aklat, ang King James Bible 1611. Kung uunawain ang salitang preservation ay tutukoy ito sa pangangalaga sa isang bagay laban sa anumang panganib, para hindi mauwi sa kawalang-kabuluhan. Maraming bagay ang sumasailalim sa preservation katulad ng pagkain, kalikasan at lalo na ang buhay at ang atin mismong mga sarili. Sa larangan ng pagkain, maraming kapamaraanan upang ito ay hindi agad mabulok. Noong wala pang refrigerator o freezer, ang tao ay gumagamit ng icehouses para doon ay iimbak ang mga pagkain. Tinatabunan ito ng mga tipak ng yelo kapag tag-niyebe upang mapanatili ang tamang temperaturang sasapat nang maiwasan ang madaling pagkasira ng pagkain kagaya ng karne at mga produktong mula sa gatas. Kung ganon na ang turing natin sa Salita ng Diyos ay pagkaing ispiritwal, nangangahulugang kailangan din nitong ma-preserve o mapag-ingatan. Subalit dahil ito ay “inspired” na ibig-sabihin ay hiningahan ito ng Diyos at ito ay may buhay, kailangan nating maunawaan ang mga sumusunod: Walang kamay ang may kakayanang mangalaga nito kundi ang sa Panginoon. “Thou shalt keep them, O LORD, thou shalt preserve them from this generation for ever. (Psalm 12:7)” Kaya lagi itong sariwa at tunay na kalulugdan natin na ito ay araw-araw na basahin. “The words of the LORD are pure words: as silver tried in a furnace of earth, purified seven times. (Psalm 12:6)” Walang kupas ang kapangyarihan nitong magbago ng buhay. “Being born again, not of corruptible seed, but of incorruptible, by the word of God, which liveth and abideth for ever. (1 Peter 1:23)” Ang mga talata sa Bibliya ang nagmulat sa mga tao noon upang sila ay maligtas; at hanggang ngayon, ang Aklat pa ring ito ang pinakamabisang kagamitan para sa ikatitiyak ng mga tao sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Walang kamatayan ang kabuluhan nito. “The grass withereth, the flower fadeth: but the word of our God shall stand for ever. (Isaiah 40:8)” Ang lahat ay mauuwi sa pagkalusaw, maging ang mga pahina ng aklat na ito, subalit ang kabuluhan ng bawat Salita ng Diyos ay laging maglalarawan ng kalooban Niya sa bawat isang nagmamahal sa Kanyang turo at pangaral. “So shall my word be that goeth forth out of my mouth: it shall not return unto me void, but it shall accomplish that which I please, and it shall prosper in the thing whereto I sent it. (Isaiah 55:10)” Kung paanong pinangangalagaan ng Diyos ang Bibliya, ganundin Niya pinangangalagaan ang tao, na kung maniniwala lamang sa mga sinasaad rito ay tiyak na walang hanggang buhay rin ang sasapitin. Salamat sa Diyos sa Aklat na mayroon tayo, at marapat lamang na pangalagaan natin ang katotohanan nito. “Handle with care!” Hindi man lahat ng tao ay may Bibliya, subalit ang buhay nating nananampalataya dito ang kanilang binabasa.

05


The Glorious Preservation of God’s Holy Word, the King James Bible “The words of the Lord are pure words: as silver tried in a furnace of earth, purified seven times. Thou shalt keep them, O Lord, thou shalt preserve them from this generation for ever” (Psalm 12:6-7).

In an ever-changing and highly diversified global society in which we live in, it is almost impossible to find really something perennial, timeless and unchanging. Yet, throughout the ages, the King James Bible has hurdled through times of persecution, political turmoil, and peril. It pressed on, and stood firm, undaunted and unchanging. Some argue that the Bible does not explicitly teach that God’s Word would be accurately preserved; thus saying that the doctrine of preservation is not a biblical teaching. Meanwhile, the Bible's theological teachings regarding the eternality of God's Word already serve as a great evidence to support the doctrine of preservation. GOD’S WORD CANNOT BE BROKEN. The transmission through many centuries of the books of the Bible is a fascinating saga of God's providential care of His words. The Old Testament writings were given first in Hebrew, then meticulously copied and recopied by many scribes, finally to be edited into their present form by the Masoretes, all before the invention of the printing press. A look at the Bible itself reveals its claims that it will last forever. Isaiah 40:8 teaches, "The grass withereth, the flower fadeth: but the word of our God shall stand for ever." This same passage was quoted in 1 Peter 1:24-25 to affirm the everlasting nature of Scripture. The LORD also emphasized in John 10:35 that "unto whom the word of God came, and the scripture cannot be broken." GOD’S WORD CANNOT BE BREACHED. There is no changing compromise in its precepts. It is not

06

dependent on the culture of the times or the demography of the present. It transcends barriers of human hearts. Jesus Himself offers the most definitive words on this topic in Matthew 5:18 when He taught, "For verily I say unto you, Till heaven and earth pass, one jot or one tittle shall in no wise pass from the law, till all be fulfilled." The tittle and jot referred to the smallest marks in the Hebrew alphabet. Jesus noted that the Scriptures would remain completely intact until heaven and earth pass away. In three of the four Gospels, Jesus also taught that heaven and earth would pass away but His words would never pass away: Matthew 24:35, Mark 13:31, and Luke 21:33. GOD’S WORD CANNOT BE BURIED. A look at history reveals some of the amazing ways in which God has fulfilled these words. Despite the attempts of enemies to destroy

the Word of God, far more ancient copies of biblical manuscripts exist than any other ancient document. A further and closer examination of the thousands of ancient manuscripts of the Bible's writings reveals that the text of the Bible has remained amazingly stable. Prior to the discovery of the Dead Sea Scrolls in the twentieth century, the earliest portions of many Old Testament writings dated from about AD 1000. However, the Dead Sea Scrolls included Hebrew copies of Old Testament books from more than 1,000 years earlier that affirmed the accurate nature of the copies we continue to use today. While the original copies of the Bible's books are not known to exist, many early copies have helped reveal the important work of Scripture preservation that has continued from the past to our day. The Bible was not preserved to remain unused. We are called to study it and apply it in our own lives today. The prophet Ezra did it in chapter 7, “For Ezra had prepared his heart to seek the law of the LORD, and to do it, and to teach in Israel statutes and judgments.” We are exhorted to do likewise with the same fervency in our time as Romans 15:4 teaches, "For whatsoever things were written aforetime were written for our learning, that we through patience and comfort of the scriptures might have hope."


Sa Kakayahan ng Diyos Beata B. Agustin

Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang umiibig Tayo’y maging mapagmahal habang sa Kanya nakasandig! Sa tulong ng tapat Niyang Salitang ating naririnig… Kakayanin nating tumatag sa Kanyang mapaghubog na pagtindig Kahit iginugupo ng panlulumo’t panlalamig. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang tumutugon Tayo’y maging mapanalanginin habang sa Kanya sumasang-ayon! Sa katuruan ng maliwanag Niyang Salitang laging napapanahon… Kakayanin nating abutin Kanyang makatuwirang layon Kahit hinahadlangan ng tukso’t hamon. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang mapagpala Tayo’y maging mabunga habang sa Kanya tumitingala! Sa gabay ng dalisay Niyang Salitang ating kinikilala… Kakayanin nating luwalhatiin Kanyang pangalang dakila Kahit tinutuligsa ng dalamhati’t pag-aalala. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang kumikilos Tayo’y maging masunurin habang sa Kanya nagpapa-ayos! Sa lakas ng makapangyarihan Niyang Salitang hindi kinakapos… Kakayanin nating isagawa Kanyang tagubiling talos Kahit pinahihina ng suliraning mabagyo’t maunos. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang kumakandili Tayo’y maging masikap habang sa Kanya humihingi! Sa pamantayan ng banal Niyang Salitang sa ating ugali’y nagpapabuti… Kakayanin nating magpunyagi sa Kanyang maawaing pagsusuri Kahit pinatitigil ng nasaing makamundo’t makasarili. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang nagtataguyod Tayo’y maging magalak habang sa Kanya naglilingkod! Sa pag-alalay ng sakdal Niyang Salitang sa ati’y bumabakod… Kakayanin nating magpasakop sa Kanyang mabiyayang pagtatanod Kahit sinusugod ng pagsubok na mabibigat at nakakapagod. Sa kakayahan ng Diyos na tuwinang mapagtagumpay Tayo’y maging mapagbigay habang sa Kanya nananampalatayang tunay! Sa pamumuno ng buhay Niyang Salitang sa ati’y nagpapatibay Kakayanin nating ipahayag Kanyang alituntuning pumapatnubay Kahit pinalilibutan ng kaaway na masasama’t pasaway. 07


Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE

Jan 4 & Jan 7 Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms

2, 430 2, 714 1, 318 533 145 15

St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro

SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation

Maaari Mong Matiyak ang Langit!

A

NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10

2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po

tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Gen 35-37 Mon Gen 38-40 Tue Gen 41-42 Wed Gen 43-45 Thu Gen 46-47 Fri Gen 48-50 Sat Ex 1-3 Sun ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.

ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.