Vol. 25 | Issue 30 | July 26, 2015
from your
Pastor
Tanging sa lakas lamang ng Diyos natin makakayang gawin ang Kanyang kaloobang may pagtatagumpay. Totoong kung wala Siya at ang Kanyang kapangyarihan ay wala tayong magagawa. Dahil diyan, lagi nating naisin ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay, at ang patuloy Niyang pagpapatibay sa ating pananampalataya. Salamat sa Kanyang pangakong nakatala sa Bibliyang ating mapanghahawakan, lalung-lalo na sa pagbibigay Niya sa atin ng kalakasan. Maliwanag na sinabi ng Panginoon sa Isaiah 41:10, “Fear thou not; for I am with thee: be not dismayed; for I am thy God: I will strengthen thee; yea, I will help thee; yea, I will uphold thee with the right hand of my righteousness.” Ganundin ay napakalaking pagpapala sa ating mapagkalooban ng Diyos ng lakas sa sarili Niyang utos, ayon sa Psalm 68:28, “Thy God hath commanded thy strength: strengthen, O God, that which thou hast wrought for us.” “Ang Diyos ang aking lakas.” Iyan dapat ang ating patotoo habang tayo ay nagsisikap sa ating buhayKristiyano. Makitaan nawa tayo ng maganda at mabuting pagbabago sa ating pag-uugali bilang katunayan ng lakas ng Diyos na kumikilos sa atin. Bukod diyan ay madama nawa natin sa ating mga sarili ang kalakasang nanggagaling sa Panginoon sa ating masiglang pananalangin, pagbabasa ng Bibliya, pag-aakay ng kaluluwa, pananambahan, pagbibibigay, paglilingkod, at pakikiisa sa mga gawain sa
simbahan. Higit sa lahat, masabi nawa nating sinusunod natin ang Diyos dahil minamahal natin Siya, at iyan ay dahil sa kakayahan Niya at sa Kanyang biyaya. Bilang simbahan, tayo ay nagpupuri at nagpapasalamat sa Panginoon sa pagtatag at pagtataguyod Niya sa atin. Alam nating Siya ang nagtayo sa ating simbahan (Matthew 16:18), at natutunan din nating tinawag Niya tayo bilang Kanyang kamanggagawa sa ikatitibay nito (I Corinthians 3:9). Huwag nating sayangin ang pagkakataon at lakas na ibinibigay Niya sa atin upang tayo ay makapagbahagi sa Kanyang simbahan at sa ikalalago nito. Bawat isa sa atin ay makiisa at lahat tayo ay magsama-sama sa awa, gabay, at karununugan ng Diyos na isulong ang Kanyang kaharian, tuparin ang Dakilang Tagubilin, at itaas ang Kanyang pangalang may pananalangin, may pagpupunyagi, at may pagmamalasakit sa iba. Sa mga nasabing adhikain, tayo ay tumindig sa lakas ng ating Diyos. Sa Kanya ang luwalhati sa tapat Niyang pagtulong sa atin. Mapanatag tayo sa sinambit Niyang katiyakang ito: “… The God of all grace, who hath called us unto his eternal glory by Christ Jesus, after that ye have suffered a while, make you perfect, stablish, strengthen, settle you” (I Peter 5:10).
DR. ED M. LAURENA
God Can Give Us Strength
God’s Strength Can Make Us Solid Ephesians 2:1-22
I. God’s strength can make us solid in our purpose. A. Our purpose is to worship the living and true God. B. Our purpose is to win the lost for Christ. C. Our purpose is to war against the loaded enemies. II. God’s strength can make us solid in our performance. A. God’s strength can make us solid in our performance as we pray together. B. God’s strength can make us solid in our performance as we perspire together. C. God’s strength can make us solid in our performance as we praise together.
02
SUNDAY AFTERNOON SERVICE SPECIAL NUMBERS • July 26 - Age 3 / Area 2 • August 2 - Choir/Music Ministry / Area 3
Revival Service Sa Singapore Outreach: Maluwalhating Idinaos “Wilt Thou not revive us again: that Thy people may rejoice in Thee?” –Psalm 85:6 Ang Panginoon ay pasalamatan sa Kanyang katapatan at purihin sa kapangyarihan ng Kanyang Salita. Ang mga myembro sa CBBC Singapore Outreach ay patuloy na nagagalak mula sa mga biyaya at mga mensaheng kanilang napakinggan sa kanilang Revival Sunday noong July 12, 2015. Ang kanilang bisitang tagapag-salita ay si Rev. Jun Garapan, at ginamit siya nang lubusan ng Panginoon para ihatid sa ating mga kapatid doon ang tugon sa kanilang pangangailangang espiritwal. Ang mga pangangaral na kanilang natanggap sa kanilang Saturday Bible Study, Sunday School at Preaching Service ay punung-puno ng inspirasyon, hamon, at katuruang pampalakas sa pananampalataya at pampalago sa buhay Kristiyano. Ayon sa kanila, “Lahat ng mensahe ay nagpapatunay na alam ng Panginoon ang aming pangangailangan at tinugon nya ang aming mga panalangin.” Taun-taon doon sa Singapore Outreach ay nagkakaroon sila ng Revival Sunday isang buwan bago magdaos ng kanilang anniversary. Sa darating na August 9, ang CBBC Singapore Outreach ay magdiriwang ng kanyang ikalimang anibersaryo. Limang taon na ngang patuloy nating nasasaksihan ang katapatan ng Panginoon sa Kanyang gawain sa Singapore. Kabilang na rito ay ang sisimulang gawain sa Lucky Plaza, na kung saan matatagpuan ang karamihan ng mga Filipino tuwing Linggo. Ito ay isang pintuang binuksan ng Diyos upang mas marami pang mga kababayan natin ang maabot ng
Kanyang ebanghelyo at makadalo sa Kanyang gawain. Ating isama sa ating panalangin ang tagumpay ng
kanilang anniversary. Tunay nang buhay ang Diyos at Siya ay napakadakila! To God be the glory! 03
LET US
continue to
SUPPORT our
Building Project. Pray. Finance. Participate.
04
Prior to the 7.8 magnitude Nepalese earthquake last April 2015, a joint study by Filipino agencies and the Australian government had found that an earthquake of similar magnitude in the Marikina West Valley Fault could kill over 35,000 people. Consequently, the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) issued an atlas detailing the barangays and the streets sitting on the fault line. Local government officials ordered building inspections and durability tests of edifices of schools, hospitals, residential and commercial institutions. However physically prepared the community may be, the citizens are wrapped with fear. After this mega quake was predicted, those who are largely affected expressed it in social networks through hashtags such as #PrayForThePhilippines. Foundation matters. In Matthew 7:24-28, the wise man who built his house upon a rock was matched up to a foolish man who built his house upon the sand. When the rain descended, and the floods came, and the winds blew, and beat upon the wise man’s house, it fell not because of a solid foundation. As individuals who are surely heaven-bound by God’s grace through faith, we “… are built upon the foundation of the apostles and prophets, Jesus Christ himself being the chief corner stone” (Ephesians 2:20). We also, “…as lively stones, are built up a spiritual house, an holy priesthood, to offer up spiritual sacrifices, acceptable to God
by Jesus Christ” (1 Peter 2:5). Our principles in life patterned in the Word of God, the King James Bible, shall bring us to the difference our foundation makes. Jesus Christ and all of His love and grace enable us to be strong against the rain, the flood and the winds of life. The solid, gapless composition of our Christianity is built upon the Scriptures which is forever settled in heaven (Ps 119:89). We gain God-built confidence instead of self-trust because there is a Sanctuary, “the church of the living God, the pillar and ground of the truth (1 Tim 3:15). Our steps in this world of uncertainty shall be
sure because our Salvation is a good foundation against the time to come, that we may lay hold on eternal life (1 Tim 6:19). Praise the Lord for these are what we are made of; all are by the hand of the living God. Helping others establish their lives upon Jesus is a work for us to do. While the total ruining of the earth is yet to come, this perilous time allows us to win the lost and extend hope that they may not trust any corruptible being or a broken leg as far as eternityfuture is concerned, but put their confidence in God, “For other foundation can no man lay than that is laid, which is Jesus Christ” (1 Corinthians 3:11). 05
Sang-ayon Ka Lang Ba Sa Agos?
“But Christ as a son over his own house; whose house are we, if we hold fast the confidence and the rejoicing of the hope firm unto the end.” - Hebrews 3:6 Ang pananampalatayang ipinamalas ni Daniel sa kanyang pamumuhay kasama ang may mga politikal na kapangyarihan ay kamangha-manghang natunghayan sa publiko ng kanyang panahon. Isinalaysay nito ang isang kritikal na pagkakataon sa buhay ng apat na magkakaibigang Daniel, Hananiah, Mishael, at Azariah, na isinilang sa maliit na estado ng Judah sa Gitnang Silangan higit sa dalawang libong taon nang nakararaan. Silang mga kabataang pinagpipitagan sa sariling bayan ay dinakip ng haring si Nebuchadnezzar at dinala sa sentrong siyudad ng Babylon para turuan ng pangangasiwa at magamit ang angking talino at lakas sa kapakanan ng mga taong hindi sumasamba sa totoong Diyos. Tamang Pagtanaw Pataas. Ang tunay na kapansin-pansin sa pananampalatayang meron ang apat na ito ay hindi lang nila ipinagpatuloy ang pribadong pakikipag-usap nila sa Diyos, bagkus ay idineklara pa nila ito sa pinakamatataas na sektor ng publiko na kinokondena ang Persona na kanilang dinadakila. Ito ang dahilan kung bakit ang bahaging ito ng Salita ng Diyos patungkol sa buhay ni Daniel ay nagbibigay sa atin ng kalakasan na tayo rin ay magkaroon ng kakayanang lumakad at lumangoy pasalungat sa agos ng lipunan. Sa America, ating mapapansing mas maigting ang pagtulak sa mga Kristyano na limitahan ang pananambahan sa loob lamang ng pribadong komunidad. Idineklara ng mga sektor na ito na ang Kristyanismo ay banta sa kapanatagan at kalayaan ng lipunan. Sa lahat ng ito, hinimok ng Diyos si Daniel sa isang pangitain, “And in the days of these kings shall the God of heaven set up a kingdom, which shall never be destroyed: and the kingdom shall not be left to other people, but it shall break in pieces and consume all these kingdoms, and it shall stand for ever” (Daniel 2:44). 06
Tamang Pagtanaw Palabas. Sa gulang lamang na tatlumputtatlo, si John D. Rockefeller na isang kilalang negosyante bago pa ang imbensiyon ng penicillin, ay tinaguriang milyonaryo mula sa sariling pagsisikap. Sa edad ng limamput-tatlo, siya ay naitalang pinakamayaman sa buong mundo at ang nag-iisang bilyonaryo ng kanyang kapanahunan. Niyakap niya ang lahat ng pinansiyal na tagumpay kapalit ang kalayaan, kasiyahan, at kalakasan hanggang sa siya ay magkasakit ng 'alopecia' – isang kondisyon kung saan ang lahat ng buhok sa katawan ay nalalagas at ang panunaw sa tiyan ay pumapalya. Habang natutunghayan niya ang pagbagsak ng sariling katawan at nalalapit niyang kamatayan, nalukuban ng takot ang puso niya sa kahihinatnan ng kanyang maiiwanang yaman at napagtanto niyang ang pera ay hindi para itago at sarilinin kundi nararapat na ibahagi para sa kapakanan ng iba. Itinatag niya ang Rockefeller Foundation para maging daluyan ng pamamahagi ng kanyang yaman sa mga makabuluhang layunin. Malaking bahagi ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng “penicillin,” pagtatayo ng mga
unibersidad, ospital, mission work, at marami pang tulong sa mga mahihirap at walang kakayanan. Ang mga adhikaing ito ay ibayong nagdulot ng pag-igi sa pisikal na kalagayan ni G. Rockefeller hanggang siya ay masaya at makabuluhang humimlay sa edad na siyamnaput-walo. Nang siya ay nagkaroon ng tamang pagtanaw palabas ay dumaloy sa kanyang buhay ang pangako ng Diyos na, “Give, and it shall be given unto you; good measure, pressed down, and shaken together, and running over, shall men give unto your bosom. For with the same measure that ye mete withal it shall be measured to you again” (Luke 6:38). Ang kawalan ng dalisay na kaganapan sa ating buhay Kristyanismo...ang ating pagdausdos na lang sa rumaragasang agos ng sanlibutan ay dulot ng maling direksiyon sa pagtanaw. Malimit tayo ay nakatanaw lang sa pansarili at mababang kapatagan ng buhay. Hayaan nating itunghay ng Diyos ang ating pananaw sa tamang direksiyon upang makamit natin ang kalakasang lumaban sa agos.
Manatili Ka Sa Lakas Ng Panginoon Beata B. Agustin
Ikaw nga’y iniligtas na ng Diyos mula sa impyernong nakakalula; Ngunit, bakit ikaw pa rin ay nagkakasala at sa Kanyang naisin nawawala??? Aminin mong may luma kang pagkataong sa iyong nasain ika’y hinihila. Iyong tanggihan ang pita ng laman; manatili ka sa lakas ng Panginoong dakila, Upang ang Kanyang katuwira’y maibihis, at managana ka sa Kanyang pagpapala!!! Ikaw nga’y anak na ng Diyos sa pananampalataya mo kay Kristong Hari ng sansinukob; Ngunit, bakit ikaw pa rin ay nag-aalala at pinanghihinaan ng loob??? Aminin mong may kinatatakutan kang pangyayaring doon ka nakakulob. Iyong iwaksi ang pangamba; manatili ka sa lakas ng Panginoong nagkukubkob, Upang ang Kanyang pagtatanggol ay madama, at magalak ka sa biyayang Kanyang kaloob!!! Ikaw nga’y binanal na ng Diyos upang maging Kristiyanong mapagtagumpay; Ngunit, bakit ikaw pa rin ay sumusuway at palagi namang sinasaway??? Aminin mong may sarili kang pag-iisip na ginagamit mong karamay. Iyong talikuran ang kahangalan; manatili ka sa lakas ng Panginoong umaalalay, Upang ang Kanyang Salita’y mapag-aralan, at matuto ka sa Kanyang pamamatnubay!!! Ikaw nga’y pinatawad na ng Diyos nang lubusan kaya alam mong papunta kang langit; Ngunit, bakit ikaw pa rin ay nakararanas ng pasakit at nagkakaroon ng hinanakit??? Aminin mong may kagustuhan kang tahasan mong ipinipilit. Iyong hadlangan ang pagmamatigas; manatili ka sa lakas ng Panginoong nagmamalasakit, Upang ang Kanyang layuni’y makita, at makapanalangin kang sa Kanyang habag kumakapit!!! Ikaw nga’y tinubos na ng Diyos tungo sa marangal na pagbabago; Ngunit bakit ikaw pa rin ay nahuhulog sa tukso at sa pagsubok ay natatalo??? Aminin mong may pag-uugali kang ayaw mo pang isuko. Iyong siyasatin ang puso nang buong-buo; manatili ka sa lakas ng Panginoong namumuno, Upang ang Kanyang utos ay masunod, at makalakad ka ayon sa Kanyang patotoo!!! Ikaw nga’y pinangakuan na ng Diyos ng maluwalhating hinaharap; Ngunit bakit ikaw pa rin ay dinadagsa ng suliranin at napapalugmok ng paghihirap??? Aminin mong may pangangailangan kang sa mundo mo hinahanap. Iyong pakinggan ang Banal na Espiritu; manatili ka sa lakas ng Panginoong mapaglingap, Upang ang Kanyang pagkilos ay maunaawaan, at magalak ka sa Kanyang kalingang nalalasap!!! Ikaw nga’y binigyan na ng Diyos ng buhay na walang hanggan; Ngunit bakit ikaw pa rin ay nasasaktan at pakiwari mo ika’y napapabayaan??? Aminin mong may pagkakamali kang gusto mong takpan. Iyong pagsisihan ang panlilinlang; manatili ka sa lakas ng Panginoong makapangyarihan; Upang ang Kanyang pag-ibig ay maranasan, at makapagpasalamat ka sa Kanyang katapatan!!! 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE July 19 & July 22 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wendesday FTVs Baptisms
2, 390 2, 918 1, 437 549 134 24
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit! Ang sabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Isaiah 1-4 Mon Isaiah 5-8 Tue Isaiah 9-12 Wed Isaiah 13-17 Thu Isaiah 18-22 Fri Isaiah 23-27 Sat Isaiah 28-30 Sun namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. Bible Baptist Church