Vol. 25 | Issue 43 | Oct. 25, 2015
from your
Pastor
Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa Kanyang layunin at pagkilos na tayong Kanyang mga anak na maluwalhati Niyang tinubos ay Kanyang lubos na pagpalain. Kaya Niya itong gawin sa Kanyang biyaya at kapangyarihan. Tunay ngang magagawa ito ng Panginoon sa atin, subalit bakit kaya maraming mga Kristiyano ang nag-aatubiling ito ay maranasan nila sa kanilang buhay? Kailanman ay hindi nagkulang ang Diyos sa Kanyang pagbibigay sa atin ng pagkakataong mabuhusan ng umaapaw Niyang makalangit na biyaya at sumasaganang espiritwal na pagpapala. Ayon sa Ephesians 3:20, ang ating Diyos ay “… able to do exceeding abundantly above all that we ask or think, according to the power that worketh in us.” Sa buong buwan ng Oktubre ay ating napag-aralan sa ating Panlingguhang Paaralan ang paraan kung paano natin makakamtan ang pagpapala ng Panginoon sa katuruang, “Kaya tayong ilagay ng Diyos sa Kanyang gawain.” Sa mga katotohanang inilahad ay ating natutunang may dakilang pagpapalang nakalaan sa mga mananampalatayang nakikiisa sa gawain ng Diyos. Higit sa lahat, tayo ay naliwanagang pwede nga tayong gamitin ng Diyos sa Kanyang ministeryo kapag tayo ay may patotoong kaisa tayo kay Kristo dahil sa ating personal na relasyon sa Kanya, at kapag mayroon tayong mapagpakumbabang pusong ang hangarin ay mapaglingkuran ang Diyos nang tapat sa pagtulong sa ibang tao. Purihin natin ang Diyos sa patuloy Niyang paglalagay sa ating simbahan ng mga matatapat na manggagawa. Nawa ang bawat isa sa atin ay makapagsabing katulad ni Apostol Pablo ng “… I thank
Christ Jesus our Lord, who hath enabled me, for that he counted me faithful, putting me into the ministry” (I Timothy 1:12). Bilang iyong Pastor, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sa iyong pakikiisa sa Kanyang gawain. Ang lahat ng iyong itinutulong na may pagpapakasakit, kagalakan at pag-ibig sa Diyos upang matupad ang Dakilang Tagubilin, maisulong ang Kanyang kaharian, maakay ang maraming kaluluwa, maitaguyod ang mga mission work, at mapaganda ang ating bahay-sambahan, para lahat sa karangalan ng Diyos, ay Kanyang pagpapalain. Magpatuloy tayo sa pagpapalawak at pagpapatatag sa gawain Niya upang dumami pa ang makakilala sa Panginoon at madagdagan din ang mga kasama natin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Huwag nating sayangin ang panahong tayo ay makapaglingkod sa Kanya, at makapag-ipon ng kayamanan sa langit. Madiin iyang binanggit sa Matthew 6:20, “… Lay up for yourselves treasures in heaven.” Kaya nga mga kapatid, tayong lahat, sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos, ay niyayakag at hinihimok na maging kabahagi ng ating Missions Conference sa darating na Linggo at Miyerkules. Nararapat na atin itong magkakasamang ipanalangin at suportahan upang maging matagumpay para sa kaluwalhatian ng Panginoon. Samantala, ngayon at sa darating pang mga araw, ipagbunyi natin ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Ayon sa Psalm 117:1-2, “O Praise the LORD, all ye nations: praise him, all ye people. For his merciful kindness is great toward us: and the truth of the LORD endureth for ever. Praise ye the LORD.” DR. ED M. LAURENA
God Can Put Us in The Ministry
When there is Edification Romans 15:2 / Ephesians 4:11-13
I. God can put every saved person in the ministry when he experiences edification in counsel through the Scriptures. A. It is God’s design that every saved person will grow in faith through the Scriptures. B. It is God’s declaration that every saved person will grow in faith through the Scriptures. II. God can put every believer of Christ in the ministry when he exemplifies edification of compassion through soulwinning. A. Soulwinning builds our faith in God. B. Soulwinning builds our love for souls. III. God can put every saint in the ministry when he exercises edification in cooperation through the sanctuary. A. God can use our talents, toil, time and treasures in the ministry. B. God can use our talents, toil, time and treasures in the ministry for others for His glory.
We praise God for the progress of our Renovation Project. Let us continue to pray for the provision for the following: • • • • • • 02
Air-conditioning units Glass doors Tiles Big TV screens Pews Painting of building
October 25 Jeepney Ministry/ Area 12
03
“Fishers Of Men” Big Sunday ng Junior's Department, Binigyang Diin ang Soulwinning Sa ikalawang masayang pagkakataon, ang Juniors' Department ng Children’s Sunday School ay nagsagawa ng Bi-Monthly Themed Sunday noong Linggo, ika-11 ng Oktubre sa temang “Fishers Of Men.” Sa paglalayon na mabigyang pagpapahalaga sa batang puso ng mga mag-aaral na ito ang pag-aakay ng kaluluwa para kay Kristo, binigyan ang kabuuang programa ng kakaibang kagiliwan simula pa lamang sa dekorasyon ng silid-aralang animo'y nasa asul na karagatan. Limang linggo bago isagawa ang programa, ang mga estudyanteng ito ng Sunday School mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang ay hinamon ng mga guro ng Sunday School na sumama sa soulwinning at itala sa kani-kanilang Area Leader ang bilang ng taong kanilang naakay na tanggapin si Kristo bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Kaakibat nito ay ang bilang ng naipamigay nilang Gospel Tracts at naging bisita nila sa Linggong serbisyo ng ating Simbahan. Pumili ng tatlong butihing mag-aaral na nagtala ng “Most Number of Souls Won,” “Most Number of Guests,” at “Most Number of Tracts Distributed;” at sila ay binigyan ng natatanging mga regalo.
04
Pinasimulan ang naturang programa ng paunang salita ni Preacher Jonah Raña, at nakakapanabik na “Raffle Draw” para sa School Supplies na papremyo. Ang pamamahayag ng Salita ng Diyos ni Bro. Angelo Apura ay nag-udyok sa may 300 na estudyante ng Juniors’ Department na makilahok sa regular na Soulwinning Program ng ating Simbahan. Libreng pamatid uhaw ang ibinigay sa bawat isa sa pagtatapos ng programa. Ating ipanalangin na magbunga sa puso ng bawat isa ang mga programang isinasagawa ng Children’s Department upang magbigay kaluguran ang buhay ng mga kabataang ito sa Panginoon. Sa Diyos lahat ng luwalhati.
Ang Ministeryo ng Dilang Maamo Kinausap ng isang Griyegong pantas ang kanyang alipin at nagwika, “Ilatag mo sa aking harapan ang sa tingin mo’y pinakamasarap na hain? Tumugon ang alipin, “Ang pinakamainam na piging ay hatid ng ating dila… sapagkat ito ay bukal ng pagpapala, bagkus ang matatamis na mga salita ay may dulot na kasiyahan. Naitataboy nito ang kapighatian, kapaguran at kasawian.” “Ano naman para sa iyo ang pinakamasamang hain?” tanong ng pantas. “Kamahalan, yaon pa ring ating dila ang maaaring magdulot ng mga bagay na mainit sa pandinig. Ang sakit na dulot ng mapait na salita ay maaaring magwasak ng karakter, ng pamilya o ng lipunan.” Tunay na maaaring maging kalakasan o kahinaan ng isang tao ang kanyang dila, kaya nga marapat lamang itong paamuin upang maging epektibo sa ministeryo. Ang dilang maamo ay panulat ng Banal na Espiritu. Maging patotoo rin nawa natin ang katulad ng kay David sa Psalm 45:1 “my tongue is the pen of a ready writer.” Ang ugat ng salitang “ready” sa talatang ito ay nangangahulugang “nagbibigaybuhay.” Tandaan nating may makaririnig sa bawat salitang iuusal ng ating bibig, at dapat maghatid ito ng buhay at hindi kamatayan, “Death and life are in the power of the tongue” (Prov 18:21).
Ang dapat namumutawi dito ay ang dikta ng Banal na Espiritu, walang iba kundi kagandahan, “Let your speech be alway with grace, seasoned with salt…” (Col 4:6); katotohanan, “But speaking the truth in love” (Eph 4:15); at karunungan, “The Lord GOD hath given me the tongue of the learned, that I should know how to speak a word in season to him that is weary” (Isa 50:4). Ano ang ating pakitungo sa kapatirang may hinaing o kasalukuyang paghihirap? Siya ba ay ating kinakausap o pinag-uusapan? Tinutulungan o pinagtutulungan? Sa Ephesians 4:29, hinikayat ni Apostol Pablo na huwag hayaan ang maruming usapang mamutawi sa bibig ng mga mananampalataya dahil hindi ito magiging tulong sa pagpapatibay ng samahan. “Let no corrupt communication proceed out of your mouth, but that which is good to the use of edifying, that it may minister grace unto the hearers.”
sa physical check-up, “Ilabas ang dila…,” at ito’y kanyang iilawan at susuriin. Mangyaring ganundin ang gawin natin sa ating ispiritwal na pagsusuri. Ang atin bang pakikipagtalastasan ay nagiging pagpapala pa o isa nang katitisuran sa iba? Sa maraming salita nakikita ang kamangmangan ng isang tao. Ito ay karunungang ibinahagi ni Haring Solomon sa Prov 10:19, “In the multitude of words there wanteth not sin: but he that refraineth his lips is wise” at Ecc 5:3, “…a fool's voice is known by multitude of words.” Dapat marunong tayong kumilala sa mga sandali ng katahimikan. Dahil “out of the abundance of the heart the mouth speaketh” (Matt 12:34), ang dilang maamo ay mapapasaatin kung ibinababad natin ang ating puso sa pagmumuni ng Salita ng Diyos. Ang lalabas sa ating bibig ay yaong kapaki-pakinabang lamang at siyang magbibigay ng kapurihan sa Panginoon!
Ang dilang maamo ay panukat ng ispiritwalidad. Isa sa mga unang sinasabi ng doktor
05
EDIFY, NOT CRUCIFY!
“Even so ye, forasmuch as ye are zealous of spiritual gifts, seek that ye may excel to the edifying of the church.” - 1 Corinthians 14:12 One of the many gifts of God’s grace to His redeemed people is the Church. In the Church, God’s people find the help and encouragement to persevere in godliness. When Christ poured out His gifts upon the Church, He gave some as Pastors, Teachers, and Evangelists for the equipping of the saints for the work of the ministry. This work of the ministry is strengthened as the people of God grow in their spiritual lives. This spiritual growth is encouraged by continual exercise of our spiritual gifts, and the use of our gifts leads to the edifying of the saints. However, it is no more easy for a Church as big and old as ours to be spiritual than for a small and young Church. BUILD UP, NOT TEAR DOWN. We are called to edify. Edify means to instruct especially so as to encourage intellectual, moral, or spiritual improvement. So, we are called to encourage a right relationship with Christ, to encourage discipleship... that is spiritual improvement. To encourage intellectually is to use wisdom using love. The word edify (or edifice) means to build. We are called to build people up, not tear them down. The Greek meaning for the word edify is to be a house builder or to construct. We are called to construct or to build up the ecclesia...the Body of Christ, the church. To edify, we must be able to give special instructions. These instructions must be for the improvement of a person for the work of the ministry. The Apostle Paul expressed in 1 Timothy 1:12, “And I thank Christ Jesus our Lord, who hath enabled me, for that he counted me faithful, putting me into the ministry.” Paul did not say ‘my ministry;' he said ‘the ministry.’ Over in 2 Corinthian 8:4 he said, “Praying us with much intreaty that we would receive the gift, and take upon us the fellowship of the ministering to the saints.” MINISTER, NOT PESTER. The Apostle Paul admonished 06
blamed: But in all things approving ourselves as the ministers of God, in much patience, in afflictions, in necessities, in distresses.”
the Church at Ephesus in Ephesians 4:29, “Let no corrupt communication proceed out of your mouth, but that which is good to the use of edifying, that it may minister grace unto the hearers.” Our communication to the saints should be for the use of edifying the body of Christ. How can we go out into the world and evangelize to the lost if we have not succeeded in the ministry to our fellow believers? Why do we continue to crucify each other when we should all be edifying the work of the ministry as affirmed in 2 Corinthians 6:14, “We then, as workers together with him, beseech you also that ye receive not the grace of God in vain. Giving no offence in any thing, that the ministry be not
ENCOURAGE, NOT RAVAGE. There is a remarkable encourager in the Island of Bermuda by the name of Johnny Barnes. This simple fellow gets up at 3:40AM every day and goes to the Crow Lane roundabout. Till 10:00AM every morning, he is there waving to every passerby shouting “God bless you,” or “I love you.” He has been doing it every day for twenty years. Island dwellers appreciate and enjoy him so much that they have erected a life-size bronze statue to carry on the tradition after he is gone. May we be the Johnny Barnes in our circle of influence as Christians. Far too often, we ravage people's souls by the way we conduct ourselves. We justify it as acts of righteousness, to exhibit God's truth but quite frankly, we really fail miserably on God's order for edification. We are our brother's keeper. We are accountable to each other. We must still be perfected for the work of the ministry...for the edifying of the body of Christ...till Jesus comes again.
Purihin Ang Diyos Sa Bahagi Mo Sa Kanyang Gawain! Beata B. Agustin
Sa iyong pananalanging maalab… Na nagpupunyagi sa gitna ng pangangailangang humihilab Kahit ika’y inaanyayahan ng pagtulog sa pagtawag ng mga hikab… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa matiising pagluhod na tumatalab. Purihin Siya sa iyong pananampalatayang Kanyang pinalalakas sa init Niyang naglalagablab! Sa iyong pagsambang matapat… Na puno ng pagluluwalhati’t pagpapasalamat Kahit ika’y sinusubok ng mga suliraning nanunumbat… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa maayos na panghihikayat. Purihin Siya sa iyong espiritung Kanyang binibiyayaan sa awa Niyang di masukat! Sa iyong pagpapatotoong magiting… Na kalakip ang iyong mabubuting gawang maningning Kahit ika’y niyayakag ng mundong sa kalayawa’y nakalalasing… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa pagpapakabanal na gumigising. Purihin Siya sa iyong katuwirang Kanyang pinagliliwanag sa ilaw Niyang magaling! Sa iyong pagbibigay na magalak… Na hangad ay maabot ang mga napapahamak Kahit ika’y salat na hayag sa iyong pamumuhay na payak… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa paghahandog na sa simbahan nakalagak. Purihin Siya sa iyong pag-aalay na Kanyang kinalulugdan sa pamantayan Niyang tumpak. Sa iyong pag-aakay na masikap… Na nais laging ibalita ang Ebanghelyo sa kaluluwang makaharap Kahit ika’y napapagod minsan o kaya’y nag-aalinlangan sa paghahanap… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa ikaliligtas ng mga taong Kanyang nililingap. Purihin Siya sa iyong katubusang Kanyang ibinigay sa kahabagan Niyang iyong tinanggap! Sa iyong pangangaral na masugid… Na si Hesus ang daan sa langit sa katotohanang Kanyang hatid Kahit ika’y tinutukso, tinatakot, tinutuya ng mga kaaway sa paligid… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos sa pagtuturo ng Biblyang walang patid. Purihin Siya sa iyong pagpupunyaging Kanyang pinasisidhi sa kapangyarihan Niyang di masaid! Sa iyong pagtulong na mapagmahal… Na alam ng dakilang Hari ang iyong pagpapagal Kahit ika’y pinagdududahan sa iyong pakay at magiliw na asal… Iya’y bahagi mo sa gawain ng Diyos na kalooban Niya ang tunay na pinaiiral. Purihin Siya sa iyong paglilingkod na Kanyang pinagpapala sa pangalan Niyang marangal.
07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE Oct. 18 & 21 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs Baptisms
1, 010 1, 322 1, 113 530 31 11
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit! Ang sabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Luke 6-7 Mon Luke 8-9 Tue Luke 10-11 Wed Luke 12-13 Thu Luke 14-16 Fri Luke 17-18 Sat Luke 19-20 Sun namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. Bible Baptist Church