Vol. 25 | Issue 39 | Sept 27, 2015
from your
Pastor
Sa kalooban ng Diyos ay may kapayapaan at tagumpay dahil naroon ang Kanyang pagiingat. Tayo ay magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang pagtitiyaga sa atin upang ilagay tayo sa Kanyang kalooban. Purihin natin Siya sa Kanyang palaging pag-anyaya, pagyakag, at maging paghila sa atin upang tayo ay hindi mawalay sa Kanyang pamumuno. Tunay ngang kamanghamangha ang Kanyang pag-ibig sa atin sa lahat ng Kanyang ginagawa para sa ating kabutihan. Ang tamang tugon natin ay ang pananatili sa Kanyang kaloobang ayon sa Romans 12:2 ay “good, acceptable, and perfect.” Isang nakagagalak na pagpapatunay na tayo bilang simbahan ng Panginoon ay nasa Kanyang kalooban ay ang ating pagkakaisa o pagkakaroon ng iisang isipan at puso sa Kanyang gawain. Sa Diyos ang luwalhati sa ating pagpupunyaging mag-akay ng kaluluwa, magbawtismo ng mga ligtas, at magturo ng katototohanan. Sa Kanya rin ang karangalan sa buong-pusong pakakaloob ng bawat miyembro ng kani-kanyang pangako para sa ating building renovation project. Sa ating simbahan, isang pagpapalang masabihang, “The people had a mind to work” na nabanggit sa Nehemiah 4:6. Kaya nga umasa tuwina tayo sa kapangyarihan at patnubay ng
Diyos sa ating pagsisikap na isulong ang Kanyang kaharian sa pamamagitan ng ating pakikibahagi sa Kanyang simbahan upang mapalaganap ang Ebanghelyo ng kaligtasan at maisakatuparan ang dakilang tagubiling inihayag ng ating Panginoong Hesus sa Matthew 28: 19-20. Muli, sa habag at biyaya ng Diyos ay hinihikayat ko kayo bilang mga matatapat kong kamanggagawa kay Kristo Hesus na sa Kanyang pagkilos ay ating patuloy na pagningasin ang ating marubdob na pananampalataya habang tayo ay natututo mula sa Kanyang Banal na Salita. Ganundin ang ating maalab na pag-ibig sa Kanya habang tayo ay walang patid sa ating pananalangin, pananambahan, pagbibigay, at pakikibahagi sa Kanyang gawain para sa Kanyang kaluwalhatian. Matagpuan nawa tayo ng Diyos na nananatili sa Kanyang kalooban at sinusunod ang Kanyang kautusan, yamang iyan ang kanyang naisin para sa atin sa liwanag ng Hebrews 12:21, “…make you perfect in every good work to do his will, working in you that which is well-pleasing in his sight, through Jesus Christ; to whom be glory for ever and ever. Amen.”
DR. ED M. LAURENA
God Can Put Us In His Will
There is Promotion in His Will Daniel 6:1-4 / Daniel 6:16-28
I. There is a limitless promotion in God’s will. A. Promotion comes from God alone. B. Promotion comes from doing and staying in God’s will. II. There is a long lasting promotion in God’s will. A. God’s promotion fades not away. B. God’s promoting power fades not away. III. There is a lingering promotion in God’s will. A. Souls who are saved through the stewards that are doing God’s will are a great joy. B. Saints who serve God faithfully and fruitfully are a great joy.
02
SEPTEMBER 27 BHBC/ Area 9 October 4 Practice Preaching
Ginampanan ng BHBC ang Taunang Sports Fellowship Bagamat ang isip ng karamihan ay nasa gawain sa kasalukuyang Renovation Project, patuloy na ginampanan ng mga mag-aaral ng Baptist Heritage Bible College ang taunang Sports Fellowship na isinasagawa bago matapos ang unang semestre ng taon. Sa loob ng dalawang araw noong Setyembre 21 at 22, apat na grupo ang nagtagisan sa iba't ibang larangan ng palakasan. Masigasig na iwinagayway ng mga grupong Daniel, Azariah, Hananiah at Mishael ang mga banderang kumakatawan ng kanilang mga kulay - pula, asul, grey at berde. Isang malaking pagpapalang ang pagtitipon ay biniyayaan din ng mga tagapagsalitang naghikayat sa kanila upang pag-igihan hindi lamang ang paglalaro kundi ang paglakad bilang isang Kristiyanong lingkod at tinawag ng Panginoon sa Dakilang Gawain. Nagpapasalamat ang buong Student Body sa mga prinsipyong
ipinahayag nila Rev. Jess Sibug at Rev. Meljun Laurena. Maagang natapos ang laro noong unang araw dahil sa malakas na ulan. Gayunpaman, sa biyaya ng Panginoon, naging daan ito upang mabahaginan ng Ebanghelyo ang ilang mga kabataang nanood at nag-abang sa pagkabakante ng court. Masaya namang tinapos ng Basketball Championship ang buong programa noong Martes. Samantala, ang bigayan ng gantimpala sa lahat ng nagwagi ay gagampanan sa Lunes, Setyembre 28, pagkatapos ng Chapel Hour.
03
We praise God for the progress of our Renovation Project. Let us continue to pray for the provision for the following: • • • • • •
04
Air-conditioning units Glass doors Tiles Big TV screens Pews Painting of building
Ang Diyos ang Siyang Magtataas
On that day the LORD magnified Joshua in the sight of all Israel; and they feared him, as they feared Moses, all the days of his life. - Joshua 4:14 Matapos ang matagumpay na pagtawid sa Ilog Jordan, ang Panginoon na mismo ang nagbigay ng komendasyon sa maayos na lideratong ipinakita ni Joshua sa bansang Israel. Ang mapuri ng mga tao dahil sa maayos na paggawa ay isang magandang bagay, subalit wala nang hihigit pa kung ang Panginoon ang makapupuna sa tapat nating pagsunod, Psalm 75:6-7, “For promotion cometh neither from the east, nor from the west, nor from the south. But God is the judge: he putteth down one, and setteth up another.” Ang Diyos ang Siyang magtataas kung makikita ang karakter ng pagkatakot, pagtalima, at pagtutok. Pagkatakot sa persona ng Diyos. Hindi nga naman naging biro ang pagsalo ni Joshua sa malaking gawaing iniwan sa kanya. Salamat sa personal na discipleship na ginampanan ni Moses habang kasama niya si Joshua noon. Nang lumisan ang kanyang tagapagturo, sumunod lamang si Joshua sa bilin ng Panginoon, “Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the LORD thy God is with thee whithersoever thou goest” (Joshua 1:9). Pagtalima sa utos ng Diyos. Naging buo ang pagsunod ni Joshua sa Panginoon, tulad ng laging paalala sa atin ng mga mangqngaral, “Partial obedience is disobedience.” Simula sa Joshua 3:1 ay inilahad ang detalyadong utos ng Diyos sa pagtawid ng ilog, at ito nga ay sinunod ng bayang Israel, dahilan ng kanilang tagumpay. Tandaan nating bago mapasaatin ang pagpapala ay marapat lamang na hanapin at sundin ang Panginoon at ang Kanyang katuwiran (Matt 6:33). Pagtutok sa adhikain ng Diyos. Sa Joshua 4:21-24, ipinaliwanag ng Panginoon ang kahalagahan ng 12 bato mula sa Jordan. Ito ay para maalala ang kadakilaan ng Panginoon, at maikwento na minsan sa kasaysayan ay matagumpay na tinawid ng Israel ang ilog. Makuha nawa natin ang pag-iisip na mayroon si Joshua, na hindi siya ang maitaas kundi ang Panginoon pa rin! Maalala din sana nating ang dahilan ng ating pag-akyat sa posisyon sa kompanya o sa ministeryo ay upang lalong makita ang kaluwalhatiaan ng Panginoon at mas marami pa ang makakilala sa Kanya. Ito rin ang mapagpakumbabang pahayag ni Hesus sa John 12:32, “And I, if I be lifted up from the earth, will draw all men unto me.” Sinasala ng Panginoon ang bawat motibo natin sa ating paggawa para sa Kanya. Kaya nga gawing tapat at totoo ang bawat pagpapagal para kay Kristo, at sa takdang panahon, ang Diyos ang Siyang magtataas!
05
Rules of Promotion
“For promotion cometh neither from the east, nor from the west, nor from the south. But God is the judge: he putteth down one, and setteth up another.” - Psalms 75:6-7 All creation is designed for expansion and growth. Our God is a God of progress – He moves steadily in His work and plan. He wants us His children to progress continually. In God's perfectly ordained timeline, He uplifts and promotes His people to reach greater heights of achievement, influence, and servitude in life. We, too, are born to grow - from childhood to manhood, from one level to another spiritually, financially, materially and socially. It is therefore very important that we learn how promotion and progress can come to us, rather than sit and pray with fasting that God promote us while we walk contrary to the rules of promotion and progress. PROMOTION COMES FROM THE LORD. While this fallen secularized world has a famous line which runs, “It does not matter WHAT you know, it's WHO you know,” the Bible affirms in Proverbs 21:1, “The kings heart is in the hand of the LORD, as the rivers of water: he turneth it whithersoever he will.” We do not need to bribe anyone just to be promoted. If God says we will not be promoted, we will not be. If He says we are qualified for promotion, no one can stop it. When it is time in God's sight for any man to move up, He will stir up and move the hearts of those persons concerned, and it will be effected. Therefore, we must seek to please the Lord always because He is the One Who commands promotion. PROMOTION IS A REWARD FROM THE LORD. It is a reward for hard work and commitment. The pursuit of excellence will earn us promotion. It will not come to us because we have been long time on one position as some assume, but will be given to us because of our productivity and 06
commitment to our vocation. Promotion is a reward and not a gift. In Genesis 41, Joseph the Dreamer became the Ruler of Egypt not as a gift from God but as a reward from God for his faithfulness through lean and good years in the midst of erring and covetous brethren. Opposition to one’s promotion when merited will be resisted by God because He loves righteousness and abhors injustice. No maliciously wagging tongues or covetously tattling busybodies can ever thwart God's promotion for His genuinely hardworking, committed, and faithful servant. PROMOTION HAS REQUISITES FROM THE LORD. As with many wonderful Scriptural passages extolling the character of humility, James 4:6 asserts, “But he giveth more grace. Wherefore he saith, God resisteth the proud, but giveth grace unto the humble.” People seem to think that uttering these words is imbibing the very core of this character within themselves. It is worth noting that humility is the only character that if we claim to have, nullifies that
very claim. People who think they have humility in fact do not. Likewise, promotion is not based on how long we have been on one position, but faithfulness to our duty. We must earn our promotion through hard work and commitment. The faithful are those who deserve promotion, which calls for sincerity and dedication to our chosen career and our assignments as Luke 16:10-11 promotes, “He that is faithful in that which is least is faithful also in much: and he that is unjustin the least is unjust also in much. If therefore ye have not been faithful in the unrighteous mammon, who will commit to your trust the true riches?” If one could not be trusted with money, why then should he be trusted in spiritual ministering? It is truly a comforting thought to know that the God Who rules the heavens rules us here on earth. The only Person who giveth righteous judgment ordains our very promotion and progress. May we always lead our lives in the center of God's will.
Nasa Kalooban Ka Ba Ng Diyos? Beata B. Agustin
Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong kalagayan ngayon? Ikaw ba’y nakatitiyak na ng kaligtasan kaya alam mong sa langit ka paroroon?? Ang kaluluwa mo ba’y tinubos na ni Kristo ng Kanyang dugo sa katuwirang layon??? Kung Oo’y, magpasalamat ka lagi sa Kanyang pag-ibig na may kapatawarang tugon; Nang sa gayo’y maitanyag mo Siya sa buhay na walang hanggang ika’y mayroon! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong pananambahan? Ikaw ba’y dumadalo sa pagtitipong Siya ang itinataas sa Kanyang kabanalan?? Ang puso mo ba’y nagbubunyi ng mga awitin tungkol sa Kanyang kadakilaan??? Kung Oo’y, manangan ka lagi sa Kanyang pangunguna sa pagsamba sa espiritu’t katotohanan; Nang sa gayo’y mapuri mo Siya sa pagpapahalaga sa Kanyang kaharian! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong pananalangin? Ikaw ba’y tumatawag sa Kanyang may pag-asa’t pagsisisi sa iyong kasalanang dalahin?? Ang paghingi mo ba’y naaayon sa Kanyang naisin??? Kung Oo’y, magtiwala ka lagi sa Kanyang habag para sa kasagutang iyong kakamtin; Nang sa gayo’y makaniig mo Siya sa wagas mong hangarin! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong pag-aaral ng Bibliya? Ikaw ba’y nagbabasa ng Kanyang Salitang dulot ay kapayapaa’t ligaya?? Ang pakikinig mo ba’y nakatuon tuwina sa pahayag Niya??? Kung Oo’y, matuto ka lagi sa Kanyang karununga’t pamantayang mapagpalaya; Nang sa gayo’y masunod mo Siya at ikaw ri’y makapangaral sa Kanyang biyaya! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong pagbibigay? Ikaw ba’y nagbabahagi ng iyong pagpapala sa Kanyang simbahan sa Kanyang gabay?? Ang pagkakaloob mo ba’y tapat sa kakayahan mong mahusay??? Kung Oo’y, maglaan ka lagi sa Kanyang gawaing may galak na tunay; Nang sa gayo’y mahandugan mo Siya ng mainam at katanggap-tanggap na alay! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong paglago? Ikaw ba’y nagpupunyagi sa iyong pagsulong bilang Baptistang Kristyano?? Ang paglakad mo ba’y kinakikitaan ng kaayusan tungo sa tuwid na pagbabago??? Kung Oo’y, magningnging ka lagi sa Kanyang liwanag para sa iyong patotoo; Nang sa gayo’y maitanghal mo Siya sa Kanyang pagkilos sa iyo! Nasa kalooban ka ba ng Diyos sa iyong paglilingkod? Ikaw ba’y tumutulong sa paglaganap ng Ebanghelyo upang ito’y maitaguyod?? Ang pagpapakasakit mo ba’y dahil sa pagmamahal mo sa Kanya kahit minsa’y napapagod??? Kung Oo’y, mamunga ka lagi sa Kanyang kapangyarihan sa pananampalatayang namumukod; Nang sa gayo’y maluwalhati mo Siya sa iyong mabubuting gawang nakalulugod! 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE Sept 20 & 23 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs Baptisms
2, 534 3, 054 1, 399 549 119 26
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit! Ang sabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Haggai 1-2 Mon Zech 1-7 Tue Zech 8-14 Wed Malachi 1-4 Thu Matt 1-4 Fri Matt 5-6 Sat Matt 7-8 Sun namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. Bible Baptist Church